Pumunta sa nilalaman

Samael

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Samael (Hebreo: סַמָּאֵל, Sammāʾēl, "Lason ng Diyos") ay isang arkanghel sa Talmud at sa Midrash ng Aklat ng Exodo ay si Satanas. Siya ay binanggit sa Aklat ni Enoc bilang isa sa mga Nagmamasid na bumaba sa mundo at nakipagtalik sa mga babaeng tao.[1] Sa Griyegong Apocalipsis ni Baruc, siya ay isang pigurang masama at nagtanim sa Puno na Kaalaman at pagkatapos ay pinalayas at sinumpa ng Diyos(257–60). Bilang paghihiganti, tinukso niya sina Adan at Eba na magkasala sa anyo ng ahas. Sa Pag-akyat ni Isaias, siya ay tinawag na Melkira (Hebrew: מלך רע, melek ra, hari ng kasamaan);Malkira / Malchira (מלאך רע, malakh/malach ra, sugo ng kasamaan o anghel ng kasamaan);Belkira (prob. בעל קיר, baal qir, 'panginoon ng dingding'); o Bechira (בחיר רע, bachir ra, ang hinirang ng masama).

Sa Apocryphon ni Juan, Tungkol sa Pinagmulan ng Mundo, at Hypostasis ng mga Archon na matatagpuan sa Aklatang Nag Hammadi, si Samael ang isa sa mga demiurge na ang ibang pangalan ay Yaldabaoth at Saklas. Pagkatapos angkinin ni Yaldabaoth ang pagiging isang tunay na Diyos ang tinig ni Sophia ay lumitaw na tumatawag sa kanyang Samael dahil sa kanyang kamangm.[2][3] Sa Tungkol sa Pinagmulan ng Mundo ang kanyang pangalan ay ipinaliwanag bilang ang "bulag na diyos" kasama ng mga kasamang Archon. Ito ay sumasalim sa mga katangian ng Diablong Kristiyano gaya ng Diablo sa 2 Corinto kapitulo 4. Si Samael rin ang unang nagkasala sa Hypostasis ng mga Archon.[4] Ang anyo ni Samael ay isang ahas na mukhang leon.[5][6]:266

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. The First Apology by Justin Martyr, translated by Marcus Dods
  2. Gilhus, Ingvild Sælid. 1985. The Nature of the Archons: A Study in the Soteriology of a Gnostic Treatise from Nag Hammadi (CGII, 4). Otto Harrassowitz Verlag. ISBN 978-3447025188. p. 44
  3. Fischer-Mueller, E. Aydeet. 1990. "Yaldabaoth: The Gnostic Female Principle in Its Fallenness." Novum Testamentum 32(1):79–95. Padron:JSTOR.
  4. M. David Litwa esiring Divinity: Self-deification in Early Jewish and Christian Mythmaking Oxford University Press, 2016 ISBN 978-0190467173 p. 55
  5. Fischer-Mueller, E. Aydeet. “Yaldabaoth: The Gnostic Female Principle in Its Fallenness.” Novum Testamentum, vol. 32, no. 1, 1990, pp. 79–95. Padron:JSTOR
  6. Ivry, Elliot R. Wolfson. [1998] 2013. Perspectives on Jewish Thought. Routledge. ISBN 978-1136650123.
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy