Pumunta sa nilalaman

Simbahan ng San Agustin

Mga koordinado: 14°35′20.1″N 120°58′31.2″E / 14.588917°N 120.975333°E / 14.588917; 120.975333
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Simbahan ng San Agustin
Immaculate Conception Parish Church of San Agustin
Shrine of Our Lady of Consolacion y Correa
Parroquia de la Inmaculada Concepción Iglesia de San Agustín
Santuario de Nuestra Señora de la Consolación y Correa
Ang pinakamatandang simbahang bato sa Pilipinas
Simbahan ng San Agustin is located in Kalakhang Maynia
Simbahan ng San Agustin
Simbahan ng San Agustin
Lokasyon sa Kalakhang Maynila
14°35′20.1″N 120°58′31.2″E / 14.588917°N 120.975333°E / 14.588917; 120.975333
LokasyonIntramuros, Maynila
BansaPilipinas
DenominasyonRomano Katoliko
WebsaytSan Agustin Church
Kasaysayan
Itinatag1720
DedikasyonSan Agustin
Consecrated1607
Arkitektura
Katayuang gumaganaAktibo
Pagtatalaga ng pamanaPandaigdigang Pamanang Pook
Designated1993
ArkitektoJuan Macías
IstiloBaroque
Pasinaya sa pagpapatayo1586
Natapos1607
Detalye
Haba67.15 m (220.3 tal)
Lapad24.93 m (81.8 tal)
Materyal na ginamitBatong adobe
Pamamahala
ArkidiyosesisMaynila
Lalawigang eklesyastikalMaynila
Klero
ArsobispoLuis Antonio Tagle

Ang Simbahan ng San Agustin (Espanyol: Iglesia de San Agustín) ay isang simbahang Romano Katoliko sa ilalim ng Orden ng San Agustin na matatagpuan sa loob ng Intramuros, Maynila.

Noong 1993, ang Simbahan ng San Agustin at tatlo pang simbahan sa Pilipinas na itinayo noong panahon ng mga Kastila ay idineklara bilang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO.[1] Idineklara ito ng pamahalaan ng Pilipinas bilang Pambansang Makasaysayang Pook noong 1976.[2]

Ang kasalukuyang istraktura ay ang pangatlong simbahang Agustino na itinayo sa pook na iyon.[3] Ang unang Simbahan ng San Agustin ay ang unang simbahan na itinayo ng mga Kastila sa isla ng Luzon.[4] Ito ay yari sa kawayan at nipa at nakumpleto noong 1571, ngunit nawasak ito ng sunog noong Disyembre 1574 sa kasagsagan ng paglusob ng mga puwersa ni Limahong sa Maynila.[5][6] Ang pangalawang istraktura na itinayo ay yari sa kahoy,[6] ngunit nawasak din ito noong Pebrero 1583 dahil sa sunog na nagmula sa kandila na siyang lumiyab sa telang pinagtatakpan ng ataul habang binuburol ang Gobernador-Heneral na si Gonzalo Ronquillo de Peñalosa.[5]

Napagpasyahan ng mga Agustino na itayong muli ang simbahan gamit ang bato, at magtayo din ng katabing monasteryo. Nagsimula ang pagpapatayo noong 1586, ayon sa disenyo ni Juan Macías.[4][6] Ang istraktura ay yari sa batong adobe na kinuha mula sa Meycauayan, Binangonan at San Mateo, Rizal.[2] Naantala ang nasabing proyekto dahil sa kakulangan ng pondo at materyales, at sa kakulangan ng mga artisano.[6] Nagsimula ang operasyon ng monasteryo noong 1604, at pormal na idineklarang kumpleto ang simbahan noong 19 Enero 1607, na pinangalang San Pablo ng Maynila.[6] Si Macías, na pumanaw bago natapos ang simbahan, ay opisyal na kinilala ng mga Agustino bilang tagapagtayo ng gusali.[7]

Pinagnakawan ang simbahan ng San Agustin ng mga pwersang Briton na siyang sumakop sa Maynila noong 1762 sa kasagsagan ng Digmaan ng Pitong Taon.[8] Noong 1854, isinagawa ang renobasyon sa simbahan sa pamamahala ng arkitektong si Luciano Oliver.[4] Pagkaraan ng siyam na taon, noong 3 Hunyo 1863, niyanig ng pinakamalakas na lindol sa panahong iyon ang Maynila na nag-iwan ng malaking pinsala sa lungsod. Tanging ang Simbahan ng San Agustin lamang ang hindi napinsala sa lungsod.[9] Isang serye ng lindol ang muling yumanig sa Maynila noong 18 hanggang 20 Hulyo 1880. Sa pagkakataong ito, nag-iwan ang lindol ng isang malaking lamat sa kaliwang kampanaryo ng simbahan.[10] Bagaman pinaayos ang lamat, permanente ding giniba ang kaliwang kampanaryo gaya ng nakikita sa kasalukuyan.[11] Nakatagal ang simbahan sa iba pang mga malalakas na lindol na yumanig sa Maynila noon pa ma noong 1645, 1699, 1754, 1796, 1825 at 1852.

Noong 18 Agosto 1898, ang simbahan ang nagsilbing lokasyon kung saan hinanda ng Kastilang Gobernador-Heneral na si Fermin Jaudenes ang mga kondisyon sa pagsuko ng Maynila sa Estados Unidos matapos ang Digmaang Kastila-Amerikano.[3][8]

Noong sinakop ng mga Hapon ang Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang simbahan ay ginawang kulungan ng mga preso. Sa mga huling bahagi ng Labanan sa Maynila, daan-daang mga residente ng Intramuros at mga klero ang binihag ng mga sundalong Hapon sa loob ng simbahan, at karamihan sa mga ito ay napatay sa kasagsagan ng labanan.[3] Nakaligtas ang simbahan sa pagkawasak ng halos buong Intramuros ng pinagsanib na mga puwersang Amerikano at Pilipino noong Mayo 1945, bagaman tanging ang bubungan lamang nito ang napinsala. Tanging ang Simbahan ng San Agustin ang nakaligtas sa pitong mga simbahan sa loob ng Intramuros.[3] Hindi pinalad ang katabing monasteryo na siyang nawasak, ngunit pinatayo itong muli noong dekada 1970 bilang isang museo sa ilalim ng disenyo ng arkitektong si Angel Nakpil.[2][8] Isinagawa ang renobasyon sa simbahan noong 2013, kung saan pininturahan muli ang simbahan ng kulay na katulad sa lumang bato.

Retratong panoramiko ng looban ng Simbahan ng San Agustin.
Retratong panoramiko ng looban ng Simbahan ng San Agustin.

Ang Simbahan ng San Agustin ay idinisenyo ayon sa ilan sa mga magagandang mga templo na pinatayo ng mga Agustino sa Mexico. Ang kasalukuyang istraktura nito ay sinimulang ipatayo noon pang 1587, at kasama ng monasteryo, ay nakumpleto noong 1604. Ang atmospera nito ay medebal sapagkat "ang parehong simbahan at monasteryo ay sumisimbolo sa karingalan at balanse ng isang ginintuang panahon ng Kastila".

Ang malaking istraktura ng simbahan, ang simetriya at karangyaan ng loob (na siyang pininta ng dalawang Italyano na nagtagumpay sa pagbuo ng tompe l'oeil), ang detalye ng molde, rosetta at nakalubog na entrepanyo na animo'y inukit sa tatlong dimensyon, ang pulpitong barok na ang motif ay katutubong pinya, ang pipang organo, ang antekoro na may krus na ginawa pa noong ika-16 siglo, ang upuan ng koro na inukit sa molabe at may kaluplupang garing na mula pa nong ika-17 siglo at isang set ng 16 malaki at magagandang mga aranya mula sa Paris.[12]

Mga tala
  1. "Baroque Churches of the Philippines". UNESCO World Heritage Centre. Retrieved on 2012-01-20.
  2. 2.0 2.1 2.2 Layug, p. 84
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 Layug, p. 83
  4. 4.0 4.1 4.2 Heritage Conservation Society. "San Agustin Church (Intramuros, Manila)". Nakuha noong 2008-03-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 Torres, p. 62
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 6.4 Aluit, p. 40
  7. Aluit, p. 41
  8. 8.0 8.1 8.2 Torres, p. 63
  9. Fernandez, p. 216
  10. Hannaford, p. 21
  11. Laya and Gatbonton, p.102.
  12. de la Torre, Visitacion (1981). Landmarks of Manila: 1571–1930. Makati: Filipinas Foundation, Inc. pp. 63–64.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Bibliograpiya
  • Layug, Benjamin Locsin (2007). A Tourist Guide to Notable Philippine Churches. Pasig City, Philippines: New Day Publishers. pp. 39–41. ISBN 971-8521-10-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Aluit, Alfonso (1994). By Sword and Fire: The Destruction of Manila in World War II 3 February – 3 March 1945. Philippines: National Commission for Culture and the Arts. pp. 83–85. ISBN 971-8521-10-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Torres, Jose Victor Z. (2005). Ciudad Murada: A Walk Through Historic Intramuros. Manila: Intramuros Administration & Vibal Publishing House, Inc. pp. 62–63. ISBN 971-07-2276-X.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Hannaford, Adjutant E. (1899). History and of our Philippine Wonderland. Springfield, Ohio: The Crowell & Kirkpatrick Co. p. 21.
  • Fernandez, Leandro H. (1919). A Brief History of the Philippines. Boston, Massachusetts: Ginn and Company. p. 216.
  • Laya, Jaime and Gatbonton, Esperanza (1983). Intramuros of Memory. Manila: Ministry of Human Settlements, Intramuros Administration. p. 102.

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Padron:Arkdiyosesis ng Maynila Padron:Mga simbahang Romano Katoliko sa Maynila

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy