Pumunta sa nilalaman

U2

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
U2
Ang U2 habang nagtatanghal sa Madison Square Garden noong Nobyembre 2005, mula kaliwa pakanan: The Edge; Larry Mullen, Jr. (tumutugtog ng tambol); Bono; at Adam Clayton
Ang U2 habang nagtatanghal sa Madison Square Garden noong Nobyembre 2005, mula kaliwa pakanan: The Edge; Larry Mullen, Jr. (tumutugtog ng tambol); Bono; at Adam Clayton
Kabatiran
PinagmulanDublin, Ireland
GenreRock, alternative rock, post-punk
Taong aktibo1976–kasalukuyan
LabelIsland, Interscope, Mercury
MiyembroBono
The Edge
Adam Clayton
Larry Mullen, Jr.
Websiteu2.com

Ang U2 ay isang Irlandes na bandang pang-rock. Kabilang sa apat na kasapi ng banda ang pangunahing mangangantang si Bono (ipinanganak bilang Paul David Hewson), pangunahing gitaristang si The Edge (ipinanganak na David Howell Evans), gitaristang bahista na si Adam Clayton, at tagapagtambol na si Larry Mullen, Jr. Isang napakatanyag na banda sa buong mundo ang U2 magmula noong dekada ng 1980. Nakapagbili sila ng mahigit sa 170 milyong mga album at nagwagi ng 22 Parangal na Grammy. Nilarawan sila bilang mahigit pa sa anumapamang iba pang banda.[1][2]

Nabuo ang U2 noong 1976, noong wala sa mga kasapi nito ang maituturing na napakagaling na mga musikero. Subalit naging mas mainam sila sa kanilang pagtanda. Mas popular sila sa pagtatanghal ng personal kaysa paglalabas ng mga album. Nagbago ito nang mapakawalan ang kanilang patok na rekord noong 1987, ang The Joshua Tree. Noong 1991, inilabas ng U2 ang bagong album na tinawag na Achtung Baby. Napakaiba ng tunog ng album na ito kapag inihambing mula sa kanilang iba pang mga album dahil binigyang inspirasyon ito ng alternatibong rock at musikang pangsayaw. Kapwa naging napakabantog ng pandaigdigan nitong paglalakbay na Zoo TV. Sa natitirang bahagi ng dekada ng 1990, nagsagawa ng mga eksperimentong pangmusika ang U2, na nagresulta sa dalawang iba pang nakapakakakaibang mga album, ang Zooropa at ang Pop.

Sa loob ng ika-21 daang taon, nagbalik ang U2 sa mas tradisyunal na tunog, subalit nagpatuloy ang kanilang katanyagan at tagumpay. Nakiisa sila sa mga pakikipagkapuwa-tao at sa pagtulong sa mga taong may mga pangkat na katulad ng Amnesty International, Make Poverty History, ang ONE Campaign, Live Aid, Live 8, ang kampanyang DATA (Debt, AIDS, Trade in Africa) ni Bono , at Music Rising.

Pagkakabuo (1976-1979)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Binuo ang U2 sa lungsod ng Dublin, Irlanda noong Setyembre 25, 1976. Itinatag ito ng 14 na taong gulang na tagatambol na si Larry Mullen, Jr. Nagpaskil siya ng isang paunawa sa pisara ng mga paunawa sa kanyang paaralan, na naghahanap ng mga manunugtog upang makalikha ng isang bagong banda. Nagkaroon ng pitong kabataang mga lalaki nagpunta sa kanilang unang pagsasanay. Sa una, tinawag ang banda bilang "The Larry Mullen Band" (Ang Banda ni Larry Mullen), ngunit binago nila ito upang maging "Feedback", na naging "The Hype". Naging maliit ang bilang ng mga kasapi paglaon, na humantong sa pagiging apat na tao na lamang, at napagpasyahan nila sa huli na gawing "U2" ang pangalan ng kanilang pangkat, noong matira na lamang sina Bono, The Edge, Clayton, at Mullen.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Vallely, Paul. "Bono: The Missionary Naka-arkibo 2008-10-10 sa Wayback Machine.". The Independent, Mayo 2006. Nakuha noong Oktubre 15, 2006.
  2. GRAMMY Winners List Naka-arkibo 2007-09-21 sa Wayback Machine. grammy.com. Nakuha noong Oktubre 15, 2006.

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy