Pumunta sa nilalaman

Watawat ng Bhutan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Watawat ng Kaharian ng Bhutan
}}
Paggamit Pambansang watawat National flag
Proporsiyon 2:3
Pinagtibay 1969
Disenyo Nakahati na dayagonal mula sa ibabaw na bahaging malapit sa poste; ang taksulok na nasa ibabaw ay dilaw at ang taksulok na nasa ilalim ay kahel; nasa gitna sa hanay ng linyang naghahati ay isang malaking puting dragon na nakaharap papalayo sa poste.[1]

Ang pambansang watawat ng Bhutan (Dzongkha: ཧྥ་རན་ས་ཀྱི་དར་ཆ་; Wylie: hpha-ran-sa-kyi dar-cho) ay isa sa mga pambansang simbolo ng Bhutan. Ang watawat ay nakabase sa Liping Drukpa ng Budismong Tibetano at itinatampok ng Druk, ang Dragon ng Kulog sa Mitolohiyang Butanes. Ang simpleng disenyo ng watawat ni Mayum Choying Wangmo Dorji ay mula pa noong mga 1947. Ang bersyon na nakapakita noong 1949 sa pagpirma ng Kasunduhang Indiya-Bhutan. Isang pangalawang bersyon ay ipinakilala noong 1956 noong nagbisita si Druk Gyalp Jigme Dorji Wangchuk sa silangang Bhutan; ito ay nakabase sa mga larawan ng naunang watawat ng 1949 at itinampok ang isang puting Druk kapalit ng orihinal na lunti.

Pinaltan ng mga Butanes ang kanilang watawat upang magtugma sa sukat ng watawat ng Indiya, na pinaniwalahan nila na mas nagwagawayway ng maayos. Isa pang pagbabago ay pagiiba ng pula sa watawat sa kulay-kahel. Ito ang kasalukuyang watawat, at ginagamit mula pa noong 1969. Ang Pambansang Pagpupulong ng Bhutan ay nagsabatas ng isang a kodigo ng asal noong 1972 para isapormal ang disenyo ng watawat at maglaad ng isang protokol ukol sa mga katanggaptanggap na mga sukat ng watawat at mga kondisyong sa pagwagayway ng watawat.

Kasalukuyang pambansang watawat

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Isang watawat ng Bhutan na sa labas ng Permanenteng Misyon ng Bhutan sa Mga Nagkakaisang Bansa sa Lungsod ng New York
Isang bersyon ng watawat na may dragon na iba ang pagkaguhit

Ang kasulukuyang watawat ay dayagonal na nakahati mula sa ibabaw na kanto na malapit sa poste, na ang taksulok sa ibabaw ay dilaw at ang taksulok na sa ibabaw ay kulay-kahel. Nasa gitna sa hanay ng linyang naghahati ay isang malaking puting dragon na nakaharap papalayo sa poste.[1] Ang dragon ay may hawak na norbu, or hiyas, sa bawat nitong pangalmot. Ang mga pangunahing kulay ng watawat ang dilaw at kahel, ay in each of its claws. The background colours of the flag, yellow and orange, are itinatalaga na may kodigong Pantone bilang 116 at 165 ayon sa pagkakabanggit.[2] Ang mga katumbas ng mga kulay na ito at ang puti ng Druk ay nakasaad ayon sa iba pang kodigong pangkulay ayong sa partikular na sistemang pangtugma na nakasaad sa ibabaw.

Uri ng Kulay Dilaw Kahel Puti
RAL RAL 9000
Dilaw
RAL 3000
Kahel
RAL 1000
Puti
CMYK 0.15.94.0 0.60.100.0 0.0.0.0
Pantone 116 165 wala (puti)
HTML Hexadecimals #FFCC33 #FF4E12 #FFFFFF
HTML Decimals 255.213.32 255.78.18 255.255.255

Ang pagkakasukat ng watawat ay dapat panatilihin ang proporsyon 3:2.[2].[3] Ang mga sumusunod na sukat ay idineklara panuntunan ng Pamahalaan ng Bhutan:[4]

  • 21 tal × 14 tal (6.4 m × 4.3 m)
  • 12 tal × 8 tal (3.7 m × 2.4 m)
  • 6 tal × 4 tal (1.8 m × 1.2 m)
  • 3 tal × 2 tal (0.9 m × 0.6 m)
  • 9 pul × 6 pul (23 cm × 15 cm), para sa watawat ng ginagamit sa mga sasakyan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "National Flag". National Portal of Bhutan. 2004. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-11-13. Nakuha noong 2010-09-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Specification Sheet 007. William Crampton Flag Institute. Agosto 1, 1994.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "The National Flag Rules of Bhutan (1972)" (PDF). 1972. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2012-04-24. Nakuha noong 2010-09-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Penjore, Dorji; Kinga, Sonam (Nobyembre 2002). The Origin and Description of The National Flag and National Anthem of The Kingdom of Bhutan (PDF). Thimphu: The Centre for Bhutan Studies. pp. 1−43. ISBN 99936-14-01-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (Naka-archive sa WebCite)
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy