U.S. flag

An official website of the United States government

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

Https

Secure .gov websites use HTTPS
A lock ( ) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

The items  in an emergency supply kit spread out on a table including water bottles, toilet paper, and batteries

Gumawa Ng Kit

Pagkatapos ng isang emerhensiya, maaaring kailanganin ninyong mabuhay nang mag-isa sa loob ng ilang araw. Ang ibig sabihin ng pagiging handa ay pagkakaroon ng sarili ninyong pagkain, tubig at iba pang mga suplay na tatagal ng ilang araw. Ang suplay kit sa sakuna ay isang koleksyon ng mga pangunahing bagay na maaaring kailanganin ng inyong sambahayan sakaling magkaroon ng emerhensiya.

feature_mini img

Tiyaking may laman ang inyong kit na pang-emerhensiya ng mga bagay na nasa checklist sa ibaba. Mag-download ng napi-printa na bersyon na dadalhin ninyo sa tindahan. Kapay tiningnan ninyo ang mga pangunahing bagay, isaalang-alang kung anong mga natatanging pangangailangan ang maaaring mayroon ang inyong pamilya, tulad ng mga suplay para sa mga alagang hayop  o nakatatanda.

Listahan ng Pang-emerhensiya na Suplay

PDF Link Icon

Pangunahing Suplay Kit sa Sakuna

Upang i-assemble ang inyong kit na mag-imbak ng mga bagay sa mga airtight na plastik bag at ilagay ang inyong buong suplay kit sa sakuna sa isa o dalawang madaling dalhin na lalagyan tulad ng mga plastik bin o isang duffel bag.

Maaaring kasama sa isang pangunahing suplay kit na pang-emerhensiya ay ang mga sumusunod na inirerekomendang bagay:

  • Tubig (isang galon bawat tao kada araw sa loob ng ilang araw, para sa inumin at sanitasyon)
  • Pagkain (hindi bababa sa tatlong araw na suplay ng hindi nabubulok na pagkain)
  • De-baterya o manu-manong radyo at NOAA Weather Radio na may alertong tono
  • Flashlight
  • Kit para sa pangunang lunas
  • Mga dagdag na baterya
  • Pito (pang-signal ng tulong)
  • Mask sa Alikabok (upang makatulong sa pagsala ng kontaminadong hangin)
  • Sapin na plastik at duct tape (upang matibay na makasilong sa pwesto)
  • Mga basa-basa na tuwalya, mga bag ng basura at mga plastik na tali (para sa personal na sanitasyon)
  • Liyabe o plays (upang patayin ang mga utilidad)
  • Manwal na pambukas ng lata (para sa pagkain)
  •  Mga local na mapa
  •  Cell phone na may mga charger at backup na baterya

Mga Karagdagang Pang-emerhensiya na Suplay

Isaalang-alang na idagdag ang mga sumusunod na bagay sa inyong suplay kit na pang-emerhensiya batay sa inyong mga indibidwal na pangangailangan:

  • Sabon, hand sanitizer, pang-disinfect na wipe para disimpektahin ang mga ibabaw
  • Mga Resetang gamot .Halos kalahati ng lahat ng mga Amerikano ay umiinom ng iniresetang gamot araw-araw. Ang isang emerhensiya ay maaaring maging mahirap para sa kanila na muling punuin ang kanilang reseta o maghanap ng bukas na parmasya. Ayusin at protektahan ang inyong mga reseta, mga gamot na hindi inireseta, at bitamina upang maghanda para sa isang emerhensiya.
  • Mga gamot na hindi inireseta gaya ng mga pang pawala ng pananakit, gamot laban sa pagtatae, antacid o laxatives
  • Mga de-resetang salamin sa mata at solusyon para sa contact lens
  • Formula ng sanggol, bote, lampin, wipe at cream para sa pantal ng diaper
  • Pagkain ng alagang hayop at dagdag na tubig para sa inyong alagang hayop
  • Cash o mga traveler’s check
  • Mahahalagang dokumento ng pamilya tulad ng mga kopya ng mga insurance policy, pagkakakilanlan at mga talaan ng bank account na naka-save sa elektronikong paraan o sa isang hindi tinatablan ng tubig, portable na lalagyan
  • Sleeping bag o mainit na kumot para sa bawat tao
  • Kumpletong pampalit ng damit na angkop sa inyong klima at matibay na sapatos
  • Pamuksa ng apoy
  • Mga posporo sa lalagyan na hindi tinatablan ng tubig
  • Mga gamit para sa pambabae at mga personal na gamit sa kalinisan
  • Mess kit, mga papel na tasa, mga plato, papel na pang-punas at plastik na kagamitan
  • Papel at lapis
  • Mga aklat, laro, palaisipan o iba pang aktibidad para sa mga bata
feature img

Pag-aalaga ng Inyong Kit

Pagkatapos i-assemble ang inyong kit tandaan na alagaan ito upang maging handa ito kapag kinakailangan:

  • Ilagay ang de-latang pagkain sa malamig at tuyo na lugar.
  • Mag-imbak ng naka-box na pagkain sa mahigpit na saradong plastik o metal na lalagyan.
  • Palitan ang mga nag-expire na bagay kung kinakailangan.
  • Pag-isipang muli ang inyong mga pangangailangan bawat taon at i-update ang inyong kit habang nagbabago ang mga pangangailangan ng inyong pamilya.
feature img

Mga Lokasyon ng Imbakan ng Kit

Dahil hindi ninyo alam kung saan kayo pupunta kapag nagkaroon ng emerhensiya, maghanda ng mga suplay para sa bahay, trabaho at mga sasakyan.

  • Bahay: Ilagay ang kit na ito sa isang itinalagang lugar at ihanda ito kung sakaling kailanganin ninyong umalis kaagad sa inyong tahanan. Tiyaking alam ng lahat ng miyembro ng pamilya kung saan nakalagay ang kit.
  • Trabaho: Maging handa na sumilong sa trabaho nang hindi bababa sa 24 na oras. Ang inyong kit sa trabaho ay dapat may kasamang pagkain, tubig at iba pang mga pangangailangan tulad ng mga gamot, pati na rin ang komportableng sapatos para sa paglalakad, na nakaimbak sa isang "kuhanin at umalis" na lalagyan.
  • Sasakyan: Kung sakaling kayp ay ma-stranded, magtabi ng mga pang-emerhensiyang suplay kit sa inyong sasakyan.

Last Updated: 12/06/2023

Return to top

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy