Dynamic Learning Plan: Filipino 9
Dynamic Learning Plan: Filipino 9
Dynamic Learning Plan: Filipino 9
FILIPINO 9
IKATLONG MARKAHAN
Inihanda ni: GNG. ANDREA A. CASTRO Iniwasto ni: Bb. FREDELINA B. CARPI 0
Subject Teacher Subject Team Leader
VISION
MISSION
Animated by the gospel and guided by the teachings of the Church, it helps to uplift the quality of life and
to effect social transformation through:
The SPUP Vision and Mission are reflected in the Paulinian Core Values Framework and the
SPUP Learning Framework which have been adopted by the university.
The core of the Curricula of Studies is embedded in the Paulinian Core Values (the 5 Cs) namely:
Charism, Charity, Commission, Community and with CHRIST as the CENTER of Paulinian life.
VISION
St. Paul University Philippines, Basic Education Unit is a Catholic educational institution committed to
the formation of pupils/students with proficiency in basic knowledge, skills, attitudes, and values
responsive to the changing world.
MISSION
Impelled by the Charity of Christ, this institution will become the premier for basic education by forming
academically prepared, morally upright, and socially responsible young Paulinians in the service of
family, church, and society.
CHRIST (CONSCIOUS) – Christ is the CENTER of Paulinian life. The Paulinian follows and imitates
Christ, doing everything about Him.
The BEU graduates are Mindful, Self-Directed LEARNERS AND ROLE MODELS, who:
Initiate and sustain undertakings that strengthen their skills, understandings, health, future
opportunities that benefit others.
Assess their unique personal qualities, thinking processes, and talents, and explain how
strengthening them can open doors to continued learning and personal fulfilment.
Explain the elements and factors affecting their decision and actions and the likely
consequences they entail.
Manage their time and energy to allow for regular periods of planning reflection and
renewal.
Describe and explain the new possibilities they have developed as the result of self-
initiated projects and learning experiences.
Describe how their own values and actions mirror the qualities and values of a Paulinian.
Offer support, constructive feedback, and praise for the sincere efforts of others.
COMMISSION (COMPETENT) – The Paulinian has a mission – a LIFE PURPOSE to spread the Good
News. Like Christ, he/she actively works “to save” this world, to
make it a better place to live in.
The BEU graduates are Conscientious, Adept PERFORMERS AND ACHIEVERS, who:
Devote focus time to developing competencies required for sound achievement in a chosen
field and skilled implementation in life’s diverse basics.
Cultivate specialized knowledge and skills in at least one area of their lives that they apply
in a variety of situations with facility and ease.
Remain focused on fully completing projects in a timely manner.
Set realistic improvement goals for themselves that require persistence and involve
continual monitoring by others to validate what has been achieved.
Openly demonstrate their basic and advanced skills to potential employers and improve
them according to the feedback received.
COMMUNITY (COLLABORATIVE) – The Paulinian is a RESPONSIBLE FAMILY MEMBER and
CITIZEN, concerned with building communities, promotion of peoples, justice and peace, and the
protection of the environment.
The BEU graduates are credible, Responsive, COMMUNICATORS AND TEAM PLAYERS, who:
Take time before speaking or writing to assess the accuracy and clarity of what they are
about to share, its tone, how it is likely to be received and interpreted.
Consistently revise intended communications to be clearer, more accurate and better
understood.
Acknowledge suggestions made by others and respond honestly and constructively to
them regarding their likely consequences.
Agree to join in group endeavors that bring benefit to all and foster the greater good.
Willingly share responsibilities and participate actively to foster group collegiality,
cohesion, and effectiveness.
Anticipate where extra assistance or support in team activity may be needed, and
spontaneously offer it to bolster team results.
CHARISM (CREATIVE) – The Paulinian develops his/her GIFT/TALENTS to be put in the service of
the community, he/she strives to grow and improve daily, always seeking the better and finer things and
the Final Good.
The BEU graduates are Creative, Resourceful, EXPLORERS AND PROBLEM SOLVERS, who:
Independently seek out issues, possibilities, and sources of related information for
further investigation and development.
Search beyond readily available sources of information, resources, and standard
techniques to create workable solutions to existing problems.
Routinely select issues or problems facing their communities and formulate new ways
they can be understood, addressed, and resolved.
Experiment with combinations of ideas, data, materials, and possibilities to derive
and test potential solutions to existing problems.
Use ideas and resources in unconventional ways to plan and design works of artistic
appeal to others
Anchored on the 21st century learning skills, the Curricula of Studies for the different programs are
designed based on the four core concepts/statements adopted by the University for its General Learning
Framework, namely: HUMAN PERSON, COMMUNICATION RESEARCH AND CLIMATE
CHANGE.
INTRODUCTION (PANIMULA)
Ang Israel ay matatagpuan sa Timog-Kanlurang Asya. Republika ang kanilang pamahalaan. Bago
magdeklara ng kalayaan ang Israel noong Mayo 14, 1948 ay maraming pinagdaanang mapapait na karanasan
ang mga Israelita. May mataas na pagpapahalaga ang Israel sa pag-aaral kaya ang unang batas na itinakda ng
bansang ito ay ang libreng pag-aaral para sa lahat at sapilitang pagpapapasok sa mga paaralan ng mga batang 5
hanggang 16 na, taon. Libre ang pag-aaral hanggang 18 taon. Dalawang uri ng edukasyon ang nakatatanggap ng
pondo mula sa pamahalaan ng Israel. Ang paaralang pang-Hudyo na Hebreo ang wikang ginagamit at pang-
Arabe na wikang Arabe ang ginagamit. Jerusalem ang kabisera ng Israel, ito ang tinatawag na promised land
dahil maraming pangakong binitiwan si Hesus sa Iugar na ito. Bagama't ang relihiyon ng karamihan ng tao sa
Israel ay Judaismo, mapapansin ding lahat ng pangyayari sa Bibliya ay nangyari sa bansang Israel. Sa araling
ito ay mababasa mo ang isang parabulang hango sa Bibliya. Ang akdang ito ay mula sa Banal na Kasulatan ng
Israel, ang Bibliya. Ito ay tungkol sa isang anak na nanghingi ng mana sa kanyang amang buhay pa at piniling
magpakalayo upang magpakasaya at ubusin na ang perang minana. Alamin sa, kuwento ang kanyang sinapit at
kung ano ang naging reaksiyon ng kanyang ama at kapatid nang siya'y bumalik.
OBJECTIVES (LAYUNIN):
[Inaasahan] Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
Naitanong mo na ba sa iyong sarili kung ikaw ay isang mabuting anak? O kaya ay kapatid? Ano-ano ang
iyong mga katangian o ginagawang makapagpapatunay na ikaw ay isang mabuting kapatid at anak? Isulat ang
mga ito sa kahon.
Sagutin Natin 2
Panuto: Sumulat ng naiisip mong katulad ng pangyayaring naganap o nagaganap sa kasalukuya kaugnay
ng bawat sitwasyon. Maaaring ito ay personal mong nasaksihan o isang pangyayaring iyong nabalitaan, nabasa,
o napanood.
Isulat Natin 1
Matapos ang malayang talakayan tungkol sa parabulamg binasa, ano-anong katangian ng parabula ang
iyong nahinuha? Isulat sa kahon sa ibaba.
SALAYSAY
Isang paraan ng pagpapahayag na nagkukuwento ang pagsasalaysay. Ang isang salaysay ay nagpapahayag ng
magkakasunod at magkakaugnay na mga pangyayaring pinagagalaw patungo sa isang tiyak na katapusan.
May hulwarang balangkas ang salaysay. Ito ay ang magkakasunod at magkakaugnay na mga pangyayari.
Mayroon itong simula, may gitna, at may wakas. Bago lumikha ng isang salaysay dapat isaalang-alang ang
tatlong hakbang—pagpili ng paksa, pagsusuri ng paksa, at pagbubuo ng paksa.
Isa sa uri ng salaysay ang PARABULA na tinatawag din na talinghaga. Ito ay maikling kwento na naglalaman
ng aral at hango sa Bibliya. Upang makilala pa ang parabula, narito ang mga katangian na tinataglay ng
parabula:
Tandaan!
Sa pagbabasa ng salaysay ay maaari mong masalamin ang kultura ng bansang
pinagmulan ng salaysay. Kagaya ng lamang ng bansang Israel kung saan nagmula ang Banal na
Kasulatan.
Magagawa Natin 1
Panuto: Basahin ang
sumusunod na mga
pahayag. Isipin mong ikaw ang kausap ng tauhang nagsabi nito. Anong damdamin ang
nangingibabaw sa bawat pahayag? Piliin at bilugan ang iyong sagot sa loob ng kahon.
Pagkatapos ay isulat mo ang nais mong sabihin sa tauhan sa loob ng dialog box.
ISAISIP NATIN
Panuto: Isulat sa linya ang kayarian ng salitang may salungguhit sa bawat pangungusap.
IN A NUTSHELL (SINTESIS)
May hulwarang balangkas ang salaysay. Ito ay ang magkakasunod at magkakaugnay na mga
pangyayari. Mayroon itong simula, gitna, at wakas. Bago lumikha ng isang salaysay dapat isaalangalang
ang tatlong hakbang— pagpili ng paksa, pagsusuri ng paksa, at pagbubuo ng paksa.
Ang sumusunod ay iba't ibang uri ng salaysay: o Pangkasaysayan (historical narrative), Pantalambuhay
(biographical narrative), Pakikipagsapalaran (narrative ofadventure),Paglalakbay (travel narrative),
Pagpapaliwanag (expository).
Anyong pampanitikang salaysay gaya ng sumusunod: parabula, pabula, anekdota maikling kuwento
nobela
Ang Parabula na tinatawag din na talinghaga. Ito ay maikling kwento na naglalaman ng aral at hango sa
Bibliya. Upang makilala pa ang parabula, narito ang mga katangian na tinataglay ng parabula:
Ito ay kwentong pasalaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa.
Ito ay nagpapayo tungkol sa mga pangyayari na kaugnay sa moral.
Walang tauhang hayop, halaman, bagay at kalikasan na tila kumikilos o nagsasalita gaya ng tao.
Naglalahad at nagpapakita din ito kung paanong katulad ng isang bagay ang iba pang bagay.
May apat kayarian ng salita. Ito ay ang sumusunod:
1. Payak — salitang-ugat
2. Maylapi — Ito ang mga panlaping ikinakabit sa salita: unlapi, gitlapi, hulapi, kabilaan, at laguhan
3. Inuulit— Ito ang tatlong uri ng inuulit: inuulit na ganap, inuulit na parsiyal, magkahalong ganap at
Parsiyal.
4. Tambalan—lto ang dalawang uri ng tambalan: tambalang di ganap at tambalang ganap
Sa puntong ito, handa ka nang gawin ang pagtatasa ng kabuuan para sa modyul 1. I-access ang
iyong GENYO LMS at sagutin ang sumatibong pagtataya.
Good luck at pagpalain ng Diyos ang lahat!
A. Panuto: Tukuyin ang tamang sagot na inilarawan ng pahayag. Isulat ang tamang sagot sa patlang.
__________ 1. Ito ang dalawang uri ng edukasyon na nakatatanggap ng pondo mula sa pamahalaan ng
Israel.
__________ 2. Sa aklat na ito mula sa Bibliya matatagpuan ang parabulang “Alibughang Anak”.
__________ 3. Ang kabisera ng Israel na tinatawag na “promise land”.
__________ 4. Ang kwentong naglalaman ng aral at hango sa Bibliya.
__________ 5. Ito ang relihiyon ng karamihan ng tao sa Israel.
__________ 6. Araw ng Kalayaan ng Israel.
__________ 7. Ito ang kinatay para sa bunsong anak nung bumalik siya sa kanyang tatay.
__________ 8. Ito ang ginawa ng anak sa kinuhang mana mula sa ama.
__________ 9. Ang naging buhay ng alibughang anak sa panahon ng taggutom.
__________ 10. Ang ipinahihiwatig ng mga katagang "ang kapatid mo ay namatay at muling nabuhay".
B. Panuto: Tukuyin ang pang-uri sa pangungusap at sabihin kung anong kayarian ng salita nito.
Isulat sa unang patlang ang pang-uri at sa ikalawang patlang naman ang kayarian ng salita.
VALUES INTEGRATION
Mula sa ating tinalakay na parabula, ang mga aral na napulot natin na siguradong magagamit natin sa
pang araw-araw na buhay ay ang maging mapagpatawad sa mga nagkamali at nagsisi.
Ang mga humiwalay sa Diyos ay maaaring tanggapin niyang muli kung magpapakita ng taos- pusong
pagsisisi at pagsisikap na makabalik.. Maging maingat ka sa paggamit ng pera at huwag lamang itong
pag-laruan. Bukod rito, ang isang mahalagang aral ng kuwento ay ang pagbibigay halaga sa pamilya.
CHRIST-CENTEREDNESS (CONSCIOUS)
I am mindful, self-directed learner and role model consciously expressing my Christ-centeredness.
REFERENCES (SANGGUIAN)
INTRODUCTION (PANIMULA)
Si Mohandas Gandhi ay nagsumikap na sundin ang landas ng katotohanan kahit noong siya'y batå pa. Minsan,
bumisita ang Education Inspector sa kanilang paaralan at nang napansin ng kanyang gurong mali ang
pagkabaybay niya ng salitang kettle ay tila sinenyasan siyang kumopya sa kanyang katabi upang maging
perpekto ang rekord ng klase. Hindi niya ito ginawa.
Noong siya'y labintatlong taong gulang pa lamang, ikinasal siya kay kasturbai na labintatlong taong gulang din,
ayon sa kaugaliang Hindu. Nanirahan sila sa bahay nina Gandhi. Nagpatuloy pa rin si Mohandas ng pag-aaral at
hinangad niyang maturuan ang kanyang asawa.
Upang higit mong makilala si Mahatma Gandhi, ang dakilang bayani ng India, ay iyong tunghayan ang isang
tulang nilikha bilang pagpupugay sa kanyang kagitingan na isinulat ni Amado Hernandez.
OBJECTIVES (LAYUNIN):
Mayroon ka bang kilalang magigiting o bayaning Asyano? Isulat ang pangalan nito sa bilog at sa kahon
naman ay ang pinakamahalagang bagay na kanilang nagawa sa buhay.
DAKILAN
G BAYANI
Ngayon ay tunghayan natin ang isang halimbawa ng Elehiya na isinulat ni Amado V. Hernandez. Kung
saan ay makikilala natin ang isang bayani ng India na naging isang dakilang Asyano dahil sa ipnakita niyang
labis na pagmamahal sa kanyang bayan. Tunghayan kung paano siya pinarangalan at kilalanin sa kasalukuyan
bunga ng kanyang mga nagawa lalong-lalo na para sa bansang India.
Mahatma Gandhi
Amado V. Hernandez
SAGUTIN NATIN 1
Panuto: Isulat sa loob ng kahon kung anong bilang ng saknong makikita ang sumusunod na mga
kaisipan mula sa tulang binasa.
1. Si Gandhi ang naging dahilan kung bakit lumaya ang India sa
kamay ng mga
mananakop.
2. Sa pamamagitan ng pamumuno ni Gandhi ay nagising ang
damdaming makabayan ng
mga Hindu.
3. Isang paraang ginamit ni Gandhi upang ipakita ang kanilang
pakikipaglaban sa
mananakop na dayuhan ay pagboykot sa mga kalakal na buhat sa
mananakop na bansa.
4. Iniwan ni Gandhi ang mariwasang búhay at siya ay namuhay nang
simple at payak
lámang.
5. Ang pamumuno ni Gandhi ay kanyangipinakita sa pamamagitan
ng gavva at hindi ng
puro salita lámang.
SAGUTIN NATIN 2
Panuto: Sa iyong sariling pananaw, ipaliwanag ang kahulugan ng sumusunod na mga taludtod. Isulat
ang sagot sa nakalaang espasyo.
2. "Kung wala nang damo'y lilipad ang balang, kung wala nang ginto'y lalayas ang dayuhan."
ALAMIN NATIN
Ang oda (dalitpuri) na sa makabagong panulaan ay isang uri ng tulang liriko na may kaisipan at
estilong higit na dakila at marangal Wala itong tiyak na bilang ng pantig o kaya'y tiyak na bilang ng mga
taludtod sa isang taludturan. Isang magandang halimbawa nito ay ang tulang "Manggagawa' na isinulat
ni Jose Corazon de Jesus.
Ang dalit (dalitsamba) naman ay isang maikling awit na pumupuri sa Diyos. Ito ay isang maikling
tulang liriko na nilikhang may alíw-iw ng awit subalit hindi ito kinakanta. Kalimitan itong wawaluhing
pantig na may dalawa, tatlo, o kaya'y apat na taludturang may apat na taludtod bawat isa.
Ang soneto (dalitwari) ay tulang may labing-apat na taludtod. Karaniwang ang unang walong taludtod
ay nagpapahayag ng isang pangyayaring nagwawakas sa isang malubhang suliranin o sa pagtataka sa
malalim na kahulugan ng buhay at kalikasan. Ang sumusunod namang mga saknong ay nagsasaad ng
katuturan at kahalagahan ng sinasabi ng walong unang taludtod. At ang huling taludturan naman ang
siyang pumapawi sa isinasaad ng sinundang taludtod. Mahalagang malamang ang isang soneto ay hindi
basta lamang tula na binubuo ng labing-apat na taludtod sa halip ito ay naghahatid ng aral sa mga
bumabasa, Isang halimbawa nito ay ang tulang isinulat ni Jose Villa Panganiban na may pamagat na
"Buhay at Kamatayan."
GAWIN NATIN
Panuto: Isulat sa kahon kung anong uri ng tulang liriko ang tinutukoy
sa bawat bilang.
2. Sa pamamagitan ng paggamit ng panlaping napaka-, nag- an, pagka- at kay-, pinaka, ka-
-an upang mapasidhi o maipakita ang pasukdol na katangian ng pang-uri.
Napakaganda ng wika nating mga Pilipino.
Nagtatangkaran ang mga dayuhan sa pagtitipon.
Pagkasaya-saya ng mga dayuhang bumisita sa bansa.
Pinakanagustuhan ng tao ang balagtasan sa palatuntunan.
Kapita-pitagan ang mga Pilipinong gumagamitng sariling wika.
3. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang gaya ng ubod, hari, sakdal, tunay, lubhang,
at ng pinagsamang walang at kasing upang mapasidhi o maipakita ang pasukdol na katangian
ng pang-uri
4. Sa pamamagitan ng pagpapasidhi ng anyo ng pandiwa
Paggamit ng panlaping magpaka-
Pandiwang Pinaghanguan Pinasidhing Anyo
magsipag magpakasipag
magsanay magpakasanay
Paggamit ng panlaping mag- at pag-uulit ng unang pantig ng salitang ugat
Pandiwang Pinaghanguan Pinasidhing Anyo
magsalita magsasalita
magtanong magtatanong
Pagpapalit ng panlaping -um sa panlaping mag- at nagkakaroon ng pag-uulit sa unang
pantig
Pandiwang Pinaghanguan Pinasidhing Anyo
bumili magbibilihan
gumawa maggagawaan
Pagpapalit ng panlaping -um sa panlaping magpaka-
Pandiwang Pinaghanguan Pinasidhing Anyo
tumalon magpakatalino
humusay magpakahusay
5. Sa Pamamagitan ng paggamit ng mga pangungusap na walang Paksa gaya ng
SUBUKIN PA NATIN
_________________________________________________________________________________________.
2. Sa pamamagitan ng pagpapasidhi ng pandiwa
_________________________________________________________________________________________.
_________________________________________________________________________________________.
_________________________________________________________________________________________.
IN A NUTSHELL (SINTESIS)
May ilang uri ng tulang liriko at pandamdamin. Ito ay ang sumusunod:
Ang awit (dalitsuyo) ay may paksang nauukol sa matimyas na pagmamahal, pagmamalasakit, at
pamimighati ng isang mangingibig.
Ang elehiya (dalitlumbay) ay may dalawang katangiang pagkakakilanlan. Una, ito ay isang tula ng
pananangis, lalo na sa pag-aalala sa isang yumao; ikalawa, ang himig nito ay matimpi at mapagmuni-
muni.
Ang pastoral (dalitbukid) na ang tunay na layunin ay maglarawan ng tunay na buhay sa bukid.
Ang oda (dalitpuri) ay isang uri ng tulang liriko na may kaisipan at estilong higit na dakila at marangal.
Ang dalit (dalitsamba) ay isang maikling awit na pumupuri sa Diyos. Ito ay isang maikling tulang liriko
na nilikhang may aliw-iw ng awit subalit hindi ito kinakanta.
Ang soneto (dalitwari) ay tulang may labing-apat na taludtod. Karaniwang ang unang walong taludtod
ay nagpapahayag ng isang pangyayaring nagwawakas sa isang malubhang suliranin o sa agtataka sa
malalim na kahulugan ng buhay at kalikasan.
Narito ang ilang paraan kung paano maipapahayag ang masidhing damdamin.
Sa pamamagitan ng pag-uulit ng salita
Sa pamamagitan ng paggamit ng panlaping napaka-, nag-an, pagka- at kay-, pinaka, ka- an
Sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang gaya ng ubod, hari, sakdal, tunay, lubhang, at ng
pinagsamang walang at kasing.
Sa pamamagitan ng pagpapasidhi ng anyo ng pandiwa . . .
paggamit ng panlaping magpaka
paggamit ng panlaping mag- at pag-uulit ng unang pantig ng salitang-ugat
pagpapalit ng panlaping -um sa panlaping mag- at nagkakaroon ng pag-uulit sa unang
pantig
pagpapalit ng panlaping -unt sa panlaping magpaka
paggamit ng mga pangungusap na walang paksa gaya ng
padamdam
maikling sambitla
Sa puntong ito, handa ka nang gawin ang pagtatasa ng kabuuan para sa modyul 2. I-access ang
iyong GENYO LMS at sagutin ang sumatibong pagtataya.
Good luck at pagpalain ng Diyos ang lahat!
A. Panuto: Itugma ang hanay A sa tamang sagot sa hanay B, isulat lamang ang titik ng sagot bago ang bilang
A B
_____ 1. Itinatampok dito ng makata ang kanyang a. Putlibai
sariling damdamin. Ito'y nagtataglay ng mga
karanasan, guniguni, kaisipan, at mga pangarap
na maaaring nadama ng may-akda o ng ibang tao.
_____ 2. Tawag din sa tulang pandamdamin. b. Soneto
B. Panuto: Tukuyin kung anong paraan ng pagpapasidhi ng damdamin ang ginamit sa pahayag o pangungusap.
Ang akdang tinalakay ay nag-iwan sa atin ng aral na kung saan ay dapat nating tularan. Si Mahatma
Gandhi na naging dakilang bayani sa India dahil sa ipinakita niyang labis na pagmamahal sa kanyang bayan.
Ang pagiging isang lider ay hindi lang dapat puro salita bagkus ay kumilos o gumagawa rin ito. Ang lider ay
nagiging “role model” para sa karamihan. Kung anong mga mabuting asal ang ginagawa ng isang lider,
sinusunod rin ng mga tauhan niya. Mahalagang pag-aralan ang pagpapahayag ng matinding damdamin upang sa
gayon ay maipakita natin ang damdaming nais bigyang-diin o pangibabawin upang higit na maipahayag o
masabi ang kaisipan o bagay na nais iparating.
CHRIST-CENTEREDNESS (CONSCIOUS)
I am mindful, self-directed learner and role model consciously expressing my Christ-centeredness.
COMMUNITY (COLLABORATIVE)
I am a credible, responsive communicator and team player building collaborative communities.
REFERENCES (SANGGUIAN)
Ailene G. Baisa-Julian,M., et.al., (2019). Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 9. Phoenix
Publishing House , Inc.
Dynamic Instructional Plan, Filipino 9 (2019)
https://www.slideshare.net/irishme/pagpapasidhi-ng-damdamin
https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-9-mga-panguring-nagpapasidhi-ng-damdamin
INTRODUCTION (PANIMULA)
Sa India ay kilalä ang apat na uri ng kalagayang panlipunan na tinatawag nilang "varnas" o social classes.
Ang pinakamataas sa mga ito ay ang Brahman o mga kaparian, sumusunod ang uring Kshatriya o mga
mandirigma, kasunod ang Vaishya o mga mangangalakal, at huli ang Sudra o mga manggagawa. Ang
mataas na pagtingin sa mga Brahman o Brahmin ay nagsimula pa noong panahon ng Vedic. Magmula
noon hanggang ngayon, wala nang masyadong nagbago sa ganitong pagtingin kaya naman ang mga
Brahman ay patuloy pa ring nakatatanggap ng pagkilala subalit ito'y hindi na naisasalin sa materyal na
benepisyo sapagkat hindi na ito tinatanggap sa kasalukuyan. Ang akdang ating tatalakayin ay tungkol sa
isang binata sa India na nabibilang sa na uring panlipunang tinatawog na Brahman, Siya av mahirap
larnang ngunit mav kakaibang talinong higit pa sa isang raha. Subalit sian nga ba nanggaling ang
katalinuhan ng binatang ito? At panno ito maiuugnay sa Tatlumpu't Dalawang Kuwento ng Trono na
hanggang ngayon ay populat pa rin sa India? Masasagot ang Iahat ng iyan sa pagbasa mo ng akdang ito
OBJECTIVES (LAYUNIN):
Ang Iyong
Larawan o
Ngayong alam mo na ang pinagmulan ng iyong pangalan, ito ba’y masasabi mong isang alamat? Kung oo,
Mahusay! Iyan nga ay isang alamat dahil ang Alamat ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay sa pinagmulan
ng isang bagay, tao o pook. Ang alamat ay legend sa wikang Ingles na mula naman sa Latin na legendus na ang
ibig sabihin ay "upang mabasa". Ngayon, tunghayan nati ang isa pang halimbawa ng alamat na nagmula sa
bansang India.
Pamagat
Kasukdulan
Magagawa Natin
Panuto: Isulat sa kahon ng regalo ang pangalan ng mga itinuturing mong pinakamahalagang handog sa iyo.
Sa paanong paraan mo maipadarama ang pagmamahal at pagpapahalaga mo sa mga pangalang
isinulat mo sa kahon?
Uri ng Pang-abay
Ang pang-abay ay mga salitang nagbibigay-turing sa isang pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay. Ito ay
may iba't ibang uri.
1. Pamanahon—Nagsasaad ng panahon kung kailan ginawa ang kilos ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong
na kailan.
Halimbawa:
Ang templo ng Vishnu sa Lungsod ng Tirupathi ay binuo noon pang ikasampung siglo.
3. Pamaraan — Nagsasaad kung paano gmaganap ang kilos na sumasagot sa tanong na paano.
Halimbawa:
Masigasig na nakilahok sa pagdiriwang ang 60 milyong taong dumalo sa Kumbh Mela.
6. Benepaktibo- Ang tawag sa pang-abay na nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao. Ito ay karaniwang
binubuo ng pariralang pinangungunahan na
Halimbawa:
Ang anim na milyong dolyar na nakokolekta araw-araw ay ginagamit para sa mga pangangailangan
ng templo.
7. Kawsatibo —Ito naman ang tawag sa pang-abay na nagsasaad ng dahilan pg pagganap sa kilos ng
pandiwa. Ito' y makikilala sa parirala o sugnay na pinangungunahan ng dahil sa.
Halimbawa:
Dahil sa Indian Railways ay nabigyang-hanapbuhay ang maraming tao sa India.
10. Pananggi—Ito naman ang mga pang-abay na nagsasaad ng pagtanggi, tulad ng hindi/ di at ayaw.
Halimbawa:
Hindi kailanman sumakop ng kahit na anong bansa ang India sa kanyang 100,000 taong
kasaysayan.
B. Panuto: Muling isulat ang mga pang-abay na tinukoy sa unang hanay. Sa kabilang hanay naman ay
isulat ang uri nito.
IN A NUTSHELL (SINTESIS)
Ang alamat ay isa sa mga uri ng panitikang kinagigiliwan ng marami hindi lang dahil sa nakalilibang
ang mga ito kundi dahil din sa aral at pagpapahalagang taglay ng mga ito na maaaring magamit sa pang-
araw-araw na buhay.
Ang akdang “Ang Pinagmulan ng Tatlumpu’t Dalawang Kuwento ng Trono” ay nagpapakita kung
paano muntink nang mawala sa Brahman ang kanyang pinakamahalagang yaman; ang kanyang ina at
asawa.
Ang pang-abay ay mga salitang nagbibigay-turing sa isang pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay. Ito
ay may iba't ibang uri.
Pamanahon— Nagsasaad ng panahon kung kailan ginawa ang kilos ng pandiwa. Sumasagot ito
sa tanong na kailan.
Panlunan—Nagsasaad ng pook, lunan, o lugar na pinangyayarihan ng kilos, Sumasagot ito sa
tanong na saan at nasaan.
Pamaraan—Nagsasaad kung paano ginaganap ang kilos na sumasagot sa tanong na paano.
Pang-agam—Nagsasaad ito ng pag-aalinlangan o kawalang katiyakan.
Ingklitik— Kataga sa Filipino na karaniwang nakikita pagkatapos ng unang salita sa
pangungusap. Ito ay ang man, kasi, sana, nang, kaya, yata, tuloy, lamang/lang, din/rin, ba, pa,
Inuna, pala, na, naman, at daw/raw.
Benepaktibo—Ang tawag sa pang-abay na nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao. Ito ay
karaniwang binubuo ng pariralang pinangungunahan ng para sa.
Kawsatibo — Ito naman ang tawag sa pang-abay na nagsasaad ng dahilan ng pagganap sa kilos
ng pandiwa. Ito'y makikilala sa parirala o sugnay na pinangungunahan ng dahil sa.
Kondisyonal—Pang-abay na nagsasaad ng kondisyon para maganap ang kilos na isinasaad ng
pandiwa. Ito ay may mga sugnay o pariralang pinangungunahan ng kung, kapag o pag, at pagka.
Panang-ayon — Ang pang-abay na iło ay nagsasaad ng pagsangayon. Ang mga halimbawa nito
ay oo, opo, tunay, talaga, totoo, sadya, at iba pa.
Pananggi—lto naman ang mga pang-abay na nagsasaad ng pagtanggi, tulad ng hindi/di at ayaw.
Panggaano—Ang pang-abay na iło ay nagsasaad ng sukat o timbang.
Sa puntong ito, handa ka nang gawin ang pagtatasa ng kabuuan para sa modyul 3. I-access ang
iyong GENYO LMS at sagutin ang sumatibong pagtataya.
Good luck at pagpalain ng Diyos ang lahat!
Maraming kabataan ang hindi na gaanong nagbabasa ng katutubong panitikan tulad ng mga alamat.
Nakapanghihinayang lalo pa at alam nating maraming aral at pagpapahalagang makukuha mula sa mga alamat.
Ikaw ngayon ay isang manunulat na maglalapit at magpapakita sa mga kabataan sa kagandahan ng ating mga
alamat. Bubuo ka ng sarili mong alamat tungkol sa isang bagay na makikita sa iyong kapaligiran.
Gumamit ka ng hindi bababa sa limang iba't ibang uri ng pang-abay lalo na ang Pamaraan, pamanahon,
at panlunan sa susulatin mong alamat. Bumuo ka muna ng balangkas o banghay ng iyong alamat para bago
pa ang pagsulat mapag-isipan mo nang mabuti kung paano ito sisimulan, pasisidhiin, at Wawakasan. Ito ay
dapat makasunod sa pamantayan.
Sa akdang tinalakay natin ay natutunan natin na hindi matutumbasan ng kahit anong yaman ang iyong
pamilya. Kahit na madami ka pang pera kung malayo ka sa pamilya mo at ipinagpalit mo sila sa hangarin mo sa
yaman, ikaw ay hindi magiging masaya at kontento sa buhay mo. Ang kahalagahan ng pag-aaral ng pang-abay
ay nagbibigay ito ng kaliwanagan sa tao upang mas mauunawaan ang bawat pangyayari at kaisipan,
maipahayag ng tama ang kaisipang nais na mabigyan ng pansin at upang magamit ito ng wasto sa pagbuo ng
pangungusap.
CHRIST-CENTEREDNESS (CONSCIOUS)
I am mindful, self-directed learner and role model consciously expressing my Christ-centeredness.
COMMISSION (COMPETENT)
I am a conscientious, adept performer and achiever competently sharing Christ’s mission.
REFERENCES (SANGGUIAN)
INTRODUCTION (PANIMULA)
Ang Epiko ng Gilgameshay itinuturing na isa sa magagandang sinaunang panitikan. Nagmula ito sa
Mesopotamia. Ang Mesopotamia ay matatagpuan sa Kanlurang Asya. Nagmula ang pangalan ng Mesopotamia
sa salitang Griyego na “meso" na ang ibig sabihin ay "sa pagitan ng" at "potamos" na ang ibig sabihin ay "ilog".
Ang Mesopotamia ay matatagpuan sa pagitan ng Ilog Euphrates at Ilog Tigris. Tinagurian itong Lunday ng
Sibilisasyon dahil dito unang nagsimula ang pinakamatandang sistema ng pagsulat, ang cuneiform. Ang
Mesopotamia ay maraming naging kontribusyon sa pagunlad ng mundo. Isang patunay ang maraming
mahahalagang imbensiyon na nagmula şa Mesopotamia: Sa kasalukuyanı kilala ang Mesopotamia sa pangalang
Iraq.
OBJECTIVES (LAYUNIN):
Mayroon ka bang kilalang mga lider na tumatak sa kasaysayan at masasabi mong tunay na huwaran? Kung
mayroon, isulat ang kanilang pangalan sa graphic organizer sa ibaba at isulat kung anong katangian nila ang
hinangaan mo.
____________________________________
___________________________________
_____________________________________
Mahusay! Ating tignan kung ang mga lider ba na ito o ang kanilang katangian ay makikita o
masasaksihan natin sa isang epiko. Ang EPIKO, kagaya ng iyong binasa sa araling ito, ay isang uri ng
panitikang pasalindila. Noong Panahon ng Katutubo, bago pa man dumating ang mga mananakop na Espanyol
sa Pilipinas ay mayroonnang mga panitikang pasalindila. Ito ay mga panitikang nagpasalin-salinhindi sa
pamamagitan ng pagsulat kundi sa pamamagitan ng dila o pagkukuwento. Ang panitikan noon ay tumatalakay
sa paraan ng pamumuhay ng ating mga ninuno. Nagpapatunay na may sibilisasyon o kabihasnan na ang mga
ninuno natin bago pa man dumating ang mga Espanyol. Ang sumusunod ay iba pang halimbawang panitikang
pasalindila:
a. alamat d. salawikain
b. awiting-bayan e. kasabihan
c. bugtong
Kapansin-pansin na hanggang ngayon ang mga ganitong uri ng panitikan ay kinagigiliwan pa ring
basahin ng mga kabataan, Isang halimbawa ay ang epiko na tumatalakay sa mga di kapani-paniwalang
pangyayari.
Ang epiko ay uri ng panitikang tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao
laban sa mga kaaway, Ito ay karaniwang nagtataglay ng mahihiwaga at mga kagila-gilalas o di
kapanipaniwalang pangyayari. Ang mga epiko ay inihahayag nang pasalita; patula, o paawit (sa iba't ibang mga
estilo); maaaring sinasaliwan ng ilang mga instrumentong pangmusika o minsan nama'y wala. Ito rin ay
maaaring gawin nang nag-iisa o kayâ naman ay grupo ng mga tao, Ang haba ng mga epiko ay mula sa 1000
hanggang 55000 na linya kayaq ang pagtatanghal sa mga ito ay maaaring abutin ng ilang oras o araw.
SAGUTIN NATIN 1
BUOIN NATIN
A. Panuto: Pumili ng isang bayaning itinuturing mong isang huwara. Ilarawan siya sa kahon sa ibaba.
___________________
Pangalan ng Bayani
B. Panuto: Tukuyin ang isang natatanging kulturang Asyanong masasalamin sa akda at ipaliwanag ito ‘
sa pamamagitan ng paggamit ng angkop na paglalarawan sa kulturang Asyano.
Natatanging kulturang
Asyano:
Paliwanag:
Pang-uri ang tawag sâ mga salitang naglalarawan o nagbibigay-l turing sa mga pangngalan at
panghalip. Ito ay may kaantasan o kasidhian.
Magkatulad — ang paghahambing kung patas sa katangian ang pinagtutulad. Ginagamit dito
ang mga panlaping ka, magka, sing, gaya, tulad, at iba pa.
Halimbawa: Di hamak na matiyaga ang mgababae sa gawaing bahay kaysa mga lalaki.
SUBUKIN PA NATIN 2
Sa puntong ito, handa ka nang gawin ang pagtatasa ng kabuuan para sa modyul 4. I-access ang
iyong GENYO LMS at sagutin ang sumatibong pagtataya.
Good luck at pagpalain ng Diyos ang lahat!
A. Panuto: Tuyukin kung sinong tauhan sa epiko ang inilalarawan ng pahayag. Piliin ang kanilang
pangalan sa kahon.
B. Panuto: Buuin ang bawat pangungusap sa pamamagitan ng pagsulat ng pang-uri na nasa tamang
antas. Gamitin ang pang-uri sa loob ng panaklong.
[Ang mensahe ng epiko ay] Inilalahad ng epiko na huwag abusuhin ang angking kapangyarihan
o ang katangiang taglay; sa halip, gamitin ito sa mabisa at wastong [paraan na] paraang makabubuti hindi lang
sa karamihan kundi sa lahat. [At lahat] Lahat ng tao ay mayroong ugaling [na] mabuti [ay] at mayroon ring
kahinaan [ito ay ang mga] o negatibong pag-uugali. Mayroon tayong nakakasamang mga taong [na nasa paligid
natin na] akala natin [sila] ay ating mga kaaaway o kalaban pero lagging isaisip na may dahilan ang Panginoon
bakit natin sila nakasalamuha. Minsan, sila ang nagiging daan para makilala natin ang ating sarili ng lubusan at
masaisip natin ang ating mga negatibong pag- uugali. Sila pala ay susi upang maituwid natin ang ating mga
pagkukulang sa buhay.
CHRIST-CENTEREDNESS (CONSCIOUS)
I am mindful, self-directed learner and role model consciously expressing my Christ-centeredness.
COMMUNITY (COLLABORATIVE)
I am a credible, responsive communicator and team player building collaborative communities.
REFERENCES (SANGGUIAN)