Thesisin 1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 374

See discussions, stats, and author profiles for this publication at: https://www.researchgate.

net/publication/340598671

Ang Himagsikang Pilipino nang 1896-1899 sa Pampanga (The 1896-1899


Philippine Revolution in Pampanga)

Thesis · May 2018


DOI: 10.13140/RG.2.2.14189.33764

CITATIONS READS

0 14,176

1 author:

Ian Christopher Alfonso


National Historical Commission of the Philippines
6 PUBLICATIONS   1 CITATION   

SEE PROFILE

Some of the authors of this publication are also working on these related projects:

Philippine Revolution in Pampanga View project

All content following this page was uploaded by Ian Christopher Alfonso on 13 April 2020.

The user has requested enhancement of the downloaded file.


Unibersidad ng Pilipinas

ANG HIMAGSIKANG PILIPINO NANG 1896-1899 SA PAMPANGA

Ian Christopher B. Alfonso


Masterado ng Sining sa Kasaysayan

Tagapayo:

Ricardo Trota Jose, Ph.D.


Departamento ng Kasaysayan
Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Mayo 2018

Klasipikasyon ng Tesis:
F
Ang tesis na ito ay bukas sa publiko.

_________________________
Lagda ng Mag-aaral

_________________________
Lagda ng Tagapayo

i
UNIVERSITY PERMISSION
I hereby grant the University of the Philippines a non-exclusive worldwide, royalty-free
license to reproduce, publish and publicly distribute copies of this thesis or dissertation in
whatever form subject to the provisions of applicable laws, the provisions of the UP IPR
policy and any contractual obligations. As well as more specific permission marking the
Title Page

Specifically, I grant the following rights to the University:

a) To upload a copy of the work in the theses database of the


college/school/institute/department and in any other databases available on the
public internet:
b) To publish in the college/school/institute/department journal, both in print and
electronic or digital format and online; and
c) To give open access to above-mentioned work, thus allowing “fair use” of the
work in accordance with the provision of the Intellectual Property Code of the
Philippines (Republic Act No. 8293), especially for teaching, scholarly or
research purposes.

Ian Christopher B. Alfonso


25 May 2018

ii
DECLARATION

I hereby declare that this thesis/dissertation titled “Ang Himagsikang Pilipino nang 1896-
1899 sa Pampanga” has been written by me in its entirety. I attest that this is my original
work not previously submitted for any degree or diploma program in any other
university.

I further attest that I have acknowledged all sources I have used in this thesis.

Ian Christopher B. Alfonso


25 May 2018

iii
APPROVAL SHEET

This thesis titled “Ang Himagsikang Pilipino nang 1896-1899 sa Pampanga,” in partial
fulfilment of the requirements for the degree of Master of Arts (M.A.) in History, is
hereby accepted.

Ricardo Trota Jose, Ph.D.


Adviser

Accepted in partial fulfillment of the requirements for the degree of Master of Arts
(M.A.) in History.

Maria Bernadette Abrera, Ph.D.


Dean

iv
Abstrak

Sa pamamagitan nang muling pagkonsulta sa mga batis historikal at paggamit sa


mga bagong tuklas pang batis mula sa loob at labas ng bansa, sinikap ng pag-aaral na ito
na isulat ang kasaysayan ng Himagsikang Pilipino nang 1896-1899 sa lalawigan ng
Pampanga. Inunawa ng pag-aaral na ito ang iba’t ibang pagtugon ng mga Pampango sa
hamon at kondisyon ng panahon mula 1896-1899. Nariyan ang pagpapanatili sa status
quo (pananatiling tapat sa Espanya at pagsuporta sa kampanya nito laban sa mga kalaban
ng pamahalaan, i.e., ang mga manghihimagsik at Gabinista-Santa Iglesia) na katumbas ng
pagprotekta sa interes ng mga principal (elite) na mamumuhunan at panginoong
maylupa; ang pagdadalawang-isip, na halos maituturing nang “kawalang simpatya,” ng
maraming mason at liberal na Pampango sa madugong paglaban sa pamahalaang
Espanyol bago ang 1 Hunyo 1898, at kung paano napasukan ng idea ng kalayaan ang
lipunang Pampango mula sa mga lalawigang nakapaikot sa Pampanga, na pawang
nagsisipaghimagsik na simula noong 1896; at ang pananalig ng mga maralita, magsasaka,
at aping Pampango sa mga mistiko at principal na sina “El Rey” Gavino Cortez at Felipe
“Apung Ipi” Salvador ng mga kapatirang relihiyoso na Gabinista at Santa Iglesia na
nangakong maghahatid ng ginhawa, kalayaan, at pagbabago. Lahat ng ito ay nakaapekto
nang lubos sa tinakbo ng mga sumunod na yugto sa kasaysayan ng Bayan noong ika-20
dantaon—ang panahon sa pagitan ng Digmaang Pilipino-Amerikano at kaligaligan ng
mga Huk sa Pampanga—tulad ng pagkampi ng mga sundalong Macabebe ng Pampanga
sa mga Amerikano at ang papel nila sa pagpapabagsak sa liderato ni Pangulong Emilio
Aguinaldo; ang paglaban ng Santa Iglesia sa mga Amerikano at puwersang Pilipino
hanggang bitayin si Apung Ipi noong 1912; ang pangunguna ng mga uring manggagawa
at magsasaka ng Pampanga tungo sa katarungang panlipunan sa Pilipinas sa ilalim ng
beterano ng Himagsikan na si Pedro Abad Santos ng San Fernando, Pampanga at protégé
nito na si Luis Taruc ng San Luis, Pampanga (itong huli ay nakita ng mga magsasaka na
reinkarnasyon ni Apung Ipi); at ang pakikiisa ng mga Pampango, Macabebe man o mga
uring principalia o mga Huk, sa tuluyang paglaya ng Bayan mula sa mga Hapon at mga
Amerikano.

v
Abstract

By revisiting various historical sources and maximizing the newly found


documents here and abroad, this study endeavors to write the history of the Philippine
Revolution of 1896-1899 in the province of Pampanga. The study analyzes the
characteristics of Pampangos’ responses to the challenge and condition of time from
1896-1899: the preservation of the status quo (remain loyal to Spain and support its
campaign against the enemies of the government, i.e., the revolutionaries and the
Gabinista-Santa Iglesia) which was tantamount to protecting the interest of the
businessmen and landlords who belonged to the principalia (elite) class; the ambivalence,
bordering to “lack of sympathy,” of the Pampango masons and liberals to the bloody
struggle against the Spaniards before 1 June 1898, and how the idea of freedom
penetrated Pampango society from the neighboring provinces, already in unrest since
1896; and the faith of the poor, farmers, and aggrieved Pampangos to mystics and
principales “El Rey” Gavino Cortes and Felipe “Apung Ipi” Salvador of the religious
brotherhoods, Gabinista and Santa Iglesia, who promised to bring prosperity, freedom,
and change. All these had significant effect to the succeeding events in the 20th-century
Philippine history—the period between the Philippine-American War and the Huk unrest
in Pampanga—like the Macabebes siding with the Americans and the fall of President
Emilio Aguinaldo; Santa Iglesia fighting the Americans until Apung Ipi was executed in
1912; Pampango laborers and peasants championing social justice in the Philippines
under the leadership of veteran of the Revolution, Pedro Abad Santos of San Fernando,
Pampanga, and his protégée, Luis Taruc of San Luis, Pampanga, the latter saw by the
peasants as the reincarnation of Apung Ipi; and the Pampangos joining the quest for the
freeing the country either from the Japanese or the Americans, be they Macabebe or the
elites or the Huks.

vi
PASASALAMAT

Ang pag-aaral na ito ay nakinabang sa biyaya ng demokratisasyon sa mga batis


historikal online, handog sa sangkatauhan ng iba’t ibang artsibo, aklatan ng mga
unibersidad, at kabutihang loob ng mga inapo’t kaanak ng mga historikal na personalidad
na sangkot sa paksa at panahon ng pag-aaral na ito. Ang mga sumusunod na aklatan ang
pinanggalingan ng mga batis na nasuyod sa pamamagitan ng Google Books, The Internet
Archives, at sa mismong digital library nila: Biblioteca Nacional de España, U.S. Library
of Congress, Brown University Library, Harvard University Library, Lilly Library ng
Indiana University, New York Public Library, Universidad Complutence de Madrid, at
University of Michigan Digital Library. Habang ang mga sumusunod naman ay mga
artsibo at aklatan na pinagkuhanan ng mga pisikal na batis: Archives of the University of
Santo Tomas, Archivo de la Provincia Agustiniana de Filipinas, Archivo General de
Indias, Archivo General Militar de Madrid, Archivo Histórico Nacional, Center for
Bulacan Studies ng Bulacan State University, Center for Kapampangan Studies ng Holy
Angel University, Minalin Museum and Library, National Archives of the Philippines,
National Library of the Philippines, Serafin D. Quiason Resource Center ng National
Historical Commission of the Philippines, University of the Philippines Diliman Main
Library, University of Santo Tomas Miguel de Benavides Library, Aklatang Mario Feir,
at Koleksyong Edward delos Santos.

Kinasangkapan lamang ako na maisulat ang pag-aaral na ito—kung maituturing


mang ambag sa karunungan—kaya’t nararapat lamang na buksan ito sa sinuman at
magamit ng ninuman na nais tuklasin ang nakaraan o itama’t dugtungan ang anumang
kakulangan nito. Ang pag-aaral din na ito ay pinondahan gamit ang buwis ng Bayan sa
pamamagitan ng research grant mula sa Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga
Sining at ng suportang teknikal sa pananaliksik ng Pambansang Komisyong
Pangkasaysayan ng Pilipinas, kaya’t nararapat lamang magamit ito ng ating mga
kababayan. Para sa Komisyong Pangkasaysayan, nais kong magpasalamat sa dati kong
dibisyon, ang Research, Publication and Heraldry Division, lalo na sa dati kong hepe na
si Alvin R. Alcid, sa Supervising History Researcher na si Cielito G. Reyno, Senior
History Researcher na si Mona Lisa Q. Lauron, mga kasamahan kong History
Researcher, Juan Paolo M. Calamlam, Ferdinan Gregorio, Christy Ann Molina, Mark
Reinere Policarpio, sa aming Admin Aid na si Osmelia C. Mangaoil, sa Tagapangasiwa
ng aming Serafin D. Quiason Resource Center na si Diana Galang at mga kasama nito na
sina Rolly Dineros, Anthony Canlas, at Reyman Guevarra. Akin ding pinasasalamatan
ang aming Tagapangulo Dr. Rene R. Escalante, Patnugot Tagapagpaganap Ludovico D.
Badoy, mga katuwang na Patnugot Tagapagpaganap na sina Carminda R. Arevalo at
Veronica Dado, sa aking kasalukuyang hepe na si Gina C. Batuhan ng Historic Sites and
Education Division, aking superbisor sa Historic Education and Commemoration Section
na si Eleanor Samonte, at sa aming mga Curator na sina Bettina Ariola ng Museum of
Philippine Social History at Christian Melendrez ng Museo ng Katipunan.

Ipinagpapasalamat ng inyong lingkod ang pagbibigay pahintulot ng Juan D.


Nepomuceno Center for Kapampangan Studies sa Holy Angel University na magamit ko
ang pag-aaral na nasimulan na sa kanila noong 2010 upang gawing tesis—at ito iyon.

vii
Nagpatuloy pa rin ang suportang teknikal ng Center sa pamamagitan ng pagsama sa
inyong lingkod sa mga field work sa Pampanga, paghahanap ng mga maidadagdag na
batis, at pagpopondo sa pagsasalin sa mga batis na nakasulat at nalalibag sa wikang
Espanyol. Lubos ang aking pasasalamat sa mga taong bumubuo sa Center: sa pangulo ng
unibersidad na si Dr. Jose Ma. Calingo, pangalawang pangulo ng unibersidad at Direktor
ng Center na si Robert P. Tantingco, mga konsultant ng Center na sina Alex R. Castro,
Dr. Lino L. Dizon, at Lord Francis D. Musni, kawani ng Center na si Myra P. Lopez,
maging sa mga dati kong kasama sa Center na ngayo’y nasa iba’t ibang larangan na na
kanilang tinahak kalaunan: Joel P. Mallari, Leonardo Calma, at Ria U. Navarro.

Pinasasalamatan ko rin ang mga tagapagsulong ng Aralin at Wikang


Kapampangan na sina Tita Nancy Lagman-Tremblay na sinamahan ako noong 2012 sa
pagberipika sa ruta ng pagtakas ng hukbo, sibilyan, at kapariang Espanyol patungong
Macabebe, Pampanga mula sa Minalin, Pampanga sa pamamagitan ng mga ilog.
Binigyan din ako ni Tita Nancy ng iba’t ibang datos lokal mula sa koleksyon niya at ng
kaniyang lolong manghihimagsik na si Cristino Lagman, at iba pang importanteng mga
kuwento, lalo na tungkol sa kanilang matandang bahay na pinagkutaan ni Hen. Ricardo
Monet, Comandante ng hukbong Espanyol sa Gitna at Hilagang Luzon. Kay Michael
Raymond “Mike/Siuala ning Meangubie” Pangilinan na siyang nagbigay sa akin ng
mahahalagang kuwento, kapaniwalaan, at perspektiba ng mga magsasaka na ipinasa sa
kaniya ng mga lolo at lola niya sa Magalang, Pampanga. Kay Ma’am Erlita P. Mendoza
na nagtiwala at sumubok sa tatag ng mga argumento ko patungkol sa muling pagsulat sa
kasaysayan ng Himagsikan sa Pampanga.

Ipinapaabot ko rin ang lubos na pasasalamat kina Ramon Valmonte, Mario Feir,
Felice P. Sta. Maria, Dr. Jaime B. Veneracion, Jim Richardson, Dr. Emmanuel F. Calairo,
Dr. Fernando Santiago, Jr., Vic Romero, Dr. Vicente B. Villan, at Dr. Noel V. Teodoro.
Kay Roilingel Calilung na siyang dahilan kung bakit nakapalagayang loob ko ang mga
tagapamahala ng Dibisyong Filipiniana at Rare Books ng Pambansang Aklatan ng
Pilipinas na sina Bb. Rosette Crelencia, Bb. Venus Ibañez, at Bb. Jennifer Dimasaca,
dahil na rin sa malimit na pag-imbita sa akin na maging tagapagsalita sa mga workshop at
lektura hinggil sa mga librarian. Gayundin kay Erick Dasig Aguilar, ang kaibigan kong
umaani ng panalo sa Palanca, sa paglalaan ng ginintuan niyang panahon na ayusin ang
gamit ko ng Filipino.

Sa aking tagapayo na si Dr. Ricardo T. Jose na nagtiyaga at nagtiwala sa may-


akda. Maging sa mga dating guro at naging kasapi ng panel na sina Dekana Ma.
Bernadette G. Abrera, Dr. Maria Luisa T. Camagay, at Dr. Gonzalo A. Campoamor II.

Sa mga kaibigan na sina Michael Charleston “Xiao” Chua, Jonathan Balsamo,


Kaye Bundang, Hobee Sy, Kerby Alvarez, Ros Costelo, Mark Cajes, John Paul Abellera,
Bryan Boy C. Cortez, Paul Mark Bero, at Mary Jane Samson.

Sa aking mga magulang na sina Ernesto at Ruperta Julieta at nakababatang


kapatid na si Gillan, munting pagdakila sa pangalan ng ating pamilya.
I. C. B. A.

viii
TALAAN NG MGA NILALAMAN

UNANG KABANATA: PANIMULA 1


A. Suliranin ng Pag-aaral 4
B. Paksa at Layon ng Pag-aaral 7
C. Saklaw at Limitasyon 8
D. Metodolohiya ng Pag-aaral 9
E. Balangkas Konseptuwal 20
F. Pagsusuri sa mga Kaugnay na Pag-aaral 24
a. Historyograpiya ng Himagsikan at ng Pampanga 24
b. Ang Kasalimuotan ng Himagsikan bilang
Pangyayari at Proseso 43
G. Potensyal na Ambag sa Pag-aaral 47

IKALAWANG KABANATA: HISPANISADONG PAMPANGA 49


A. Sino ang mga Pampango? 49
B. Pagpapatahimik sa Pampanga (1571-1603) 58
C. Pamimihasa sa mga Pampango 65
D. Pagsilaw sa mga Pampango ng Titulo at Karangalan 75
E. Paglapad ng Papel ng mga Pampango sa Kolonya 77
a. Papel Militar 77
b. Papel Politikal 80
c. Papel Simbahan 82
d. Papel Ekonomiko 84

IKATLONG KABANATA: PAGHARAP NG LIPUNANG


PAMPANGO SA LIBERALISMO 89
A. Mga Pampango sa Politikang Imperyal, 1812 92
B. Pagsibol ng mga Pampangong Liberal 94
C. Reaksyon ng mga Prayle sa mga Pampangong Liberal 96
D. Pagpunla ng Liberalismo sa Pampanga 99
E. Papel ng mga Pampango sa Kilusang Reformista 103
a. Valentin Ventura 105
b. Iba pang Pampangong Liberal sa Europa 111
F. Pampanga bilang Nangungunang Liberal na Lalawigan 117
G. Pagpurga sa mga Liberal ng Pampanga 124

IKAAPAT NA KABANATA: PAMPANGA SA PAGSIKLAB NG


HIMAGSIKAN AT ANG PAGKILOS NG MASANG PAMPANGO,
1896-1897 129
A. Pagsuyod sa mga Liberal ng Pampanga 129
B. Ang Pampanga sa Gitna ng Himagsikan,
Agosto-Nobyembre, 1896 134
C. Kawalan ng Balangay ng Katipunan sa Pampanga 139
D. Presyur sa Paligid ng Pampanga 141
E. Manghihimagsik o Biktima ng Opresyon? 147

ix
F. Mistisismo sa Pampanga at ang Pag-usbong ng
Gabinismo at Santa Iglesia 153
a. Pagiging Buhay ng Mistisismo sa Pampanga 160
b. Mga Kulto 163
c. Di-Katolikong Tradisyon ng mga Magsasaka 165
d. Iba Pang Kaalamang Bayang Pampango Kaugnay
ng Gabinismo at Santa Iglesia 166
G. Pampanga bilang Sentro ng Hukbong Espanyol 178
H. Riot sa Bacolor, Agosto, 1897 188
I. Unang Engkuwentro ng Katipunan sa Pampanga,
Setyembre, 1897 190
J. Pagtunton ng Pampanga sa Landas ng Himagsikan 193

IKALIMANG KABANATA: MGA PAMPANGO LABAN SA MGA


ESPANYOL, 1898 196
A. Paghahanap ng Pampanga sa Isang Lider 196
B. Pagbitay kay Cortes at Paggapos kay Salvador 200
C. Unang Pag-atake ng mga Pampango sa mga Espanyol 203
D. Ikalawang Pag-atake ng mga Pampango sa mga Espanyol 206
E. Realisasyon sa Impluwensiya ng Gabinista/Santa Iglesia 208
F. Pagkilala ni Salvador sa Unang Himagsikan 213
G. Pananalig ng mga Espanyol sa Pampanga 214
H. Pagtakas sa Pamilya ng Gobernador-Heneral sa Pampanga 217
I. Muling Pag-aaklas ng mga Pampangong Voluntario 220
J. Planong Paglisan ng mga Espanyol sa Pampanga 221
K. Pagbangon ng mga Bayan ng Pampanga para sa Himagsikan 225
L. Pagtakas sa Macabebe 235
M. Ang Santa Iglesia at Pagtakas ng mga Espanyol
Patungong Macabebe 237
N. Paghabol ng mga Pampango sa mga Espanyol 241
O. Habag ng mga Pampango sa mga Espanyol 244

IKAANIM NA KABANATA: ANG MGA PAMPANGO SA ILALIM


NG KAAYUSAN NG PAMBANSANG KOMUNIDAD, 1898 252
A. Alang-alang sa Pambansang Komunidad 252
B. Dalawang Pampanga 255
C. Pangmamaliit kay Hizon 256
D. Huling mga Sandali ng mga Espanyol sa Pampanga 266
E. Kapalaran ng mga Nakatakas na Espanyol 271
F. Maduming Politika ng Himagsikan sa Pampanga 274
G. Pagbaligtaran ng Uring Principalia sa Pampanga 278
H. Tuluyang Pagkasira ng Pangalan ng Macabebe 284
I. Patuloy na Pagpurga ng Uring Principalia sa Santa Iglesia 287
J. Pampanga tungo sa Pagsilang ng Isang Republika 296

x
IKAPITONG KABANATA: KONGKLUSYON 298
A. Rekomendasyon ng Pag-aaral 321

BIBLIOGRAPIYA 330

xi
TALAAN NG MGA LARAWAN

38 Bantayog ni Rizal sa Poblacion, Macabebe, Pampanga (itinayo, 1919) bago


tanggalin sa pedestal na ito sa tapat ng munisipyo at ilipat sa ibang lugar noong
bandang 2009.
39 Bantayog ng “King of Macabebe” (1934) sa Poblacion, Macabebe, Pampanga.
40 Panandang marmol na dating nakalagay sa pedestal ng bantayog ng “King of
Macabebe.” Nawala na ito nang pagpalitin ng puwesto ang “King of Macabebe”
at si Rizal sa Poblacion, Macabebe, Pampanga noong 2009.
44 Pantaleon Villegas.
54 Mga maginoo (kadatuan, principal) ng Luzon, mula sa Boxer Codex (ca. 1590).
56 Ilustrasyon ng mga Olandes sa bangkang pandigma na caracoa, 1602.
61 Miguel Lopez de Legazpi, obra ni Baltasar Giraudier mula sa Ilustración Filipina,
15 Hunyo 1860.
68 Watawat at uniporme ng tropang Pampango sa hukbong Espanyol, 1780.
69 Uniporme ng sundalong Pampango at Bulakenyo sa hukbong Espanyol, 1780.
74 Cruz Laureada de San Fernando.
88 Mag-asawang Pampango, mula sa The Philippine Costumes ni Pitoy Moreno.
101 Sagisag ng Bacolor, Pampanga noong panahon ng mga Espanyol.
104 Mula kaliwa: Juan Luna, Jose Rizal, at Valentin Ventura.
107 La Solidaridad.
114 Jose Alejandrino.
115 Francisco Liongson.
116 Ang magkapatid na Jose (kaliwa) at Eugenio Blanco y Leyson (kanan). Ayon kay
Celia Blanco, apo sa pamangkin ni Eugenio (85 taong gulang na nang
kapanayamin noong 25 Pebrero 2012), composite painting ito ng dalawa (hinango
sa dalawang magkaibang larawan), obra ni L. M. Santuangco, isang lokal na
pintor ng Sta. Rita, Macabebe.
120 Jose Rizal, mula sa Koleksyong Alfonso Ongpin.
121 Artist’s rendition ng imahen ni Tiburcio Hilario.
122 Cecilio Hilario.
123 Maximino Hizon, mula sa Graphic, 27 Nobyembre 1929.
127 Antonio Consunji.
128 Ceferino Joven.
133 Agapito Conchu.
135 Emilio Aguinaldo.
146 Felipe Salvador.
170 Kabayanan ng Magalang, 1935.
173 Isabelo de los Reyes.
174 Pedro Serrano Laktaw.
175 Mariano Ponce.
182 Felix Galura.
183 Juan Crisostomo Soto, kasama si Isidro Joven.
186 Ricardo Monet (kaliwa).
195 Francisco Makabulos.

xii
TALAAN NG MGA MAPA

142 Pag-aalsa sa Hermosa


144 Detalye ng mapa ng Pampanga noong 1900 na nagpapakita sa lokasyon ng San
Roque at Dalayap, San Luis, Pampanga.
152 Teritoryo ni Gavino Cortes at Felipe Salvador, 1887-1896

xiii
UNANG KABANATA

PANIMULA

“Walang totoong paghihimagsik na nangyari sa loob ng Pampanga” (“…no real

internal revolution had taken place in Pampanga”).1 Ito ang mabigat na pahayag ng

kinikilalang historyador ng Pampanga na si John Alan Larkin sa kaniyang kontrobersyal

na aklat na The Pampangans: Colonial Society in a Philippine Province (1972). Tinaasan

na ito ng kilay ng ilang maiimpluwensiyang Kapampangang Pampangong iskolar.

Bagaman, ayon sa panunuya ng Kapampangang Tarlakenyong historyador na si Lino L.

Dizon, maging sila na bumatikos kay Larkin ay wala ring naiambag na bago sa

historyograpiya ng Himagsikang Pilipino nang 1896-1899 sa Pampanga gamit ang mga

primaryang batis.2 Gayunpaman, ani ni Dizon, ang disertasyon ni Larkin, na naging aklat

na The Pampangans, ay masasabing “mas maka-Pilipino” at “mas maka-Kapampangan”

pa kumpara sa ibang “mga obra na isinulat” ng mga Pampango.3

Hindi naman masisisi si Larkin kung sa kaniyang basa ay walang naiambag ang

Pampanga sa kilusang panghimagsikan bago ang 3 Hunyo 1898—ang petsa na sinasabi

niyang “almost all Pampangan local histories treat… as the beginning of the revolution

1
John Alan Larkin, The Pampangans: Colonial Society in a Philippine Province (Berkeley, Los Angeles,
London: University of California Press, 1972), 126.

2
Lino L. Dizon, “Notes on the Kapampangan Revolutionary Movement.” Singsing 6:1 (2012), 98.

3
Ibid., 97.

1
against Spain” (kinikilala halos ng mga kasaysayang lokal… na simula ng paghihimagsik

laban sa Espanya) o ang petsa kung kailan pinabagsak ng mga Pampango ang

pamahalaang Espanyol sa kabesera ng Pampanga noon na Bacolor—taliwas sa alam ng

marami na isa ang Pampanga sa walong lalawigan na unang naghimagsik laban sa mga

Espanyol noong Agosto, 1896.

Ipinanawagan ni Larkin noong 1996—taon ng senternaryo ng Himagsikang

Pilipino—na kailangang balikan ang mga nangyari sa Pampanga mula 1896 hanggang

1899 upang maunawaan ang papel ng mga Pampango noong Himagsikan:

It is not for a foreigner to talk about the deeper meaning of the


Philippine revolution or its role in the construction of nationalism... I can only
suggest that what happened in Pampanga needs to be examined in all its
complexity in order to be useful to the national debate.4

(Hindi dapat isang dayuhan [na tulad ko] ang tumalakay sa malalim na
kahulugan ng himagsikang Pilipino o ang papel nito sa pagbuo sa
nasyonalismo... Ang maimumungkahi ko lamang ay kailangang suriin nang
maigi ang kasalimuotan ng mga nangyari sa Pampanga [noong Himagsikan] na
magiging kapaki-pakinabang sa talastasang pambansa.) (Akiin ang salin.)

Ang tesis na ito ng inyong lingkod ay pagtugon sa hamon ni Larkin. Magkaiba

man ang lumabas na resulta at sa ilang mga detalye, nagkakaisa naman ang pag-aaral na

ito at ng kay Larkin sa dalawang bagay: una, masalimuot ang naging pagtugon ng mga

Pampango sa Himagsikan; at, ikalawa, may pangangailang mabigyang mukha ang

pagkilos ng mga maralita at ordinaryong Pampango sa panahong iyon.

4
John A. Larkin, “Pampanga Views the Revolution,” sa The Philippine Revolution and Beyond,
pinamatnugutan ni Elmer A. Ordoñez (Maynila: Philippine Centennial Commission; National Commission
for Culture and the Arts, 1998), Tomo II, 599.

2
Sa kabila ng presensiya ng malaking bilang ng mga liberal (na pawang mga

miyembro ng naghaharing uri o principalia) sa Pampanga noong ika-19 na siglo, noon

lamang 19 at 22 Pebrero 1898, sa magkatabing bayan ng Apalit at Macabebe, Pampanga,

naglakas-loob ang mga Pampango na salakayin ang mga Espanyol. Kumpara sa mga

lalawigan na ang paghihimagsik noong 1896 ay pinangunahan ng mga liberal, ang pag-

aalsa na iyon sa Apalit at Macabebe ay pinangunahan ng mga boluntaryong sundalong

Pampango ng Apalit na nanumpa ng katapatan sa Espanya noong una, at ng mga

naghihimutok na maralitang miyembro ng mga relihiyosong kapatirang ang tawag ay

Santa Iglesia at Gabinista. Hindi naimpluwensiyahan ng Katipunan ang mga pag-aalsang

sa Apalit at Macabebe; ni wala itong naging malinaw na kaugnayan sa mainstream

revolution. Sa mga petsa ring iyon, agad na nasawata ang pag-aalsa sa Apalit at

Macabebe. Muling lumaban ang Santa Iglesia at Gabinista noong Hunyo 1898 sa

panawagan na rin ni Hen. Maximino Hizon, isang liberal, mason, kasapi ng La Liga

Filipina, Katipunero, at deportado mula sa Mexico, Pampanga, sa mga Pampango na

labanan ang mga Espanyol noong 1 Hunyo 1898—ang petsa na ipinroklama ang kalayaan

ng Pilipinas sa plasa ng Mexico.

Sa kabilang banda, taliwas ang mga petsa ng pag-aalsa sa Apalit at Macabebe at

ang proklamasyon ng kalayaan ng Pilipinas sa plasa ng Mexico, sa alam ng marami na

petsang 3 Hunyo 1898, na pinaniniwalaang simula ng paglaban ng mga Pampango sa

mga Espanyol. Gayundin, marami ang magugulat sa malaking kabalintunaan na sa

Macabebe nagsimula ang isa sa unang paglaban ng mga Pampango sa mga Espanyol—

bilang ang bayan na ito ay tiningnan sa kasaysayan, sa mahabang panahon, bilang kontra

3
sa paghihimagsik at maigting na kaalyado ng mga mananakop. Nakapagtataka rin na

hindi nababanggit ang mga petsang iyon (i.e., 19 at 22 Pebrero 1898, 1 Hunyo 1898), sa

kasaysayang lokal ng Pampanga.

Higit sa pagtingin bilang isang pangyayari, kailangang tingnan ang Himagsikan sa

Pampanga bilang isang panahon kung saan may tunggalian sa pagitan ng aping

populasyon at namumuno rito (Espanyol man o kapwa Pampango). Kinakailangang

masinsing suriin ang mga batis at pag-ingatan ang pagbasa sa desisyon at aksyon ng iba’t

ibang tauhan noong Himagsikan. Gayundin, kailangang masinop ang mga batis upang

muling sulatin ang kasaysayan ng Himagsikan sa lalawigan.

A. Suliranin ng Pag-aaral

Suliranin ng pananaliksik na ito ang kakulangan ng pag-aaral hinggil sa

Himagsikan sa Pampanga gamit ang mga primaryang batis. Sa kaniyang preliminaryong

sarbey sa mga batis hinggil sa historyograpiya ng Himagsikan sa Pampanga noong 2013,

inilarawan ni Dizon na mayroon pang ‘baul ng mga batis historikal hinggil sa pakikibaka

para sa kalayaan (sa Pampanga) ang hindi pa natutuklasan sa mga sinupan at aklatan’ (“A

treasure trove of historial documents on the struggle for independence remains

undiscovered in archives and libraries”).5 Dagdag pa niya:

5
Dizon, “Notes,“ 98.

4
It could be stated that the treatment of Larkin on the Philippine Revolution, as
bewailed by Kapampangan scholars, was indeed meager. “Ala ya pa king
kalingkingan” (“cannot compare even to the little finger,” as a Kapampangan
is wont to say); what he presented was just the tip of the iceberg.6

(Maaaring sabihin na ang pagtingin ni Larkin sa Himagsikang Pilipino [sa


Pampanga], na ikinalungkot ng mga Kapampangang iskolar, ay totoong
kakarampot. Ayon nga sa kasabihang Kapampangan, “Ala ya pa king
kalingkingan” [wala pa sa kalingkingan, gaya nga ng malimit sabihin ng mga
Kapampangan]; ang kaniyang ipinakita ay kamunti pa lamang.)

Gayunpaman, hindi makakailang pinasigla ng mga kritisismo at opinyon ni

Larkin ang kasalukuyang diskusyon at debate hinggil sa Himagsikan sa Pampanga.

Patunay dito ang mismong pagsulat sa tesis na ito.

Kaugnay din ng kakulangan ng pag-aaral sa Himagsikan sa Pampanga ay ang mga

monolitikong paglalahat7 (monolithic generalization) tungkol sa ginampanang papel ng

mga Pampango sa kasaysayan ng Himagsikang. Nariyan ang pagbilang sa Pampanga

bilang isa sa mga unang lalawigan na nag-aklas laban sa Espanya noong simula ng

Himagsikan, at ang pagbabansag (stereotyping) sa mga Pampango, lalo na sa mga taga-

Macabebe, na taksil at dugong aso (labis-labis na katapatan na maikukumpara na sa isang

aso sa amo nito).

Taglay-taglay ng monolitikong paglalahat na iyon ang pagturing sa mga

Pampango bilang matatapat sa Espanya, na isang colonial construct ng mga Espanyol at

identidad na pilit pinanatili ng maraming miyembro ng uring principalia sa Pampanga

6
Ibid.

7
Mula sa “monolithic generalizations” na terminong binaggit ni Padre John Schumacher, SJ sa “Recent
Perspectives on the Revolution,” Philippine Studies 30:4 (Ika-4 na Kwarter 1982), 445/445-92.

5
noong Himagsikan upang maging pantabing sa higit nilang pakay: protektahan ang

interes nila sa negosyo at ari-arian. Dito umusbong ang voluntarios Pampangos o mga

boluntaryong Pampango sa ilalim ng hukbong Espanyol na mga uring principalia at

prayle ang nag-organisa, nagsustento, at nanguna, upang sawatahin ang sinumang

babangga sa status quo (i.e., sistemang kolonyal). Samantala, ang pagturing naman sa

mga Pampango bilang taksil ay revolutionary construct. Makabebe ang termino rito ng

mga manghihimagsik noong una, na mariing kinondena ni Apolinario Mabini sa artikulo

niyang “Seamos Justos” (‘Maging Makatarungan Tayo’) noong 4 Nobyembre 1899.

Inilarawan ni Mabini ang pagtawag ng “makabebe” sa mga nagbaligtaran sa Amerikano

bilang “totoong diperensya o malaganap na pagkaligaw ng bait” (“una verdadera o

aberración mental epidémica”).8 Ikinalat naman ito bilang post-colonial construct ng

mga intelektuwal tulad ng Pampangong historyador na si Mariano Henson9 at

nasyonalistang historyador na si Teodoro Agoncillo.10 Nag-anak pa ito ng iba’t ibang

interpretasyon na ipinakalat ng ilang Amerikano tulad ng sundalong si William Sexton,11

intelektuwal na si H. Otley Beyer,12 at manunulat na si Arthur Stanwood Pier13 na

8
Apolinario Mabini, La Revolucion Filipina (Maynila: Bureau of Printing, 1931), Tomo II, 108; Apolinario
Mabini, The Philippine Revolution (Maynila: National Historical Institute, 2002), 92-3.

9
Mariano A. Henson, The Province of Pampanga and Its Towns (A.D. 1300-1955) (Angeles, Pampanga:
Mariano A. Henson, 1955).

10
Teodoro Agoncillo, The History of the Filipino People, eighth edition (Lungsod ng Quezon: Garotech
Publishing, 1990), 115. Basahin ang paliwanag ni Agoncillo sa Renato D. Tayag, Recollections & Digressions
(S.l.: Philnabank Club, 1985), 156-7.

11
William Thaddeus Sexton, Soldiers in the Sun: An Adventure in Imperialism (Harrisburg, Pennsylvania:
The Military Service Pub., Co., 1939), 163.

12
H. Otley Beyer, Early History of Philippine Relations with Foreign Countries, Especially China (Manila:
National Printing, 1948), 13.

13
Arthur Stanwood Pier, American Apostles to the Philippines (Maynila: The Philippine Club, 1950), 20.

6
nagsabing Aztec o Yaqui (depende sa babasahing libro o batis) di umano ang mga

Macabebe kaya wala silang damdaming maka-Pilipino. Magpahanggang-ngayon ay wala

pa ring batis-historikal na makapagpapatunay na nakarating nga sa Pilipinas ang mga

Aztec o Yaqui, o ‘di kaya’y nanirahan o humalo sila sa populasyon ng mga Pampango,

partikular sa bayan ng Macabebe; wala ring opisyal na antropolohikal at lingwistik na

pag-aaral na makapagsasabing may dugong Aztec o Yaqui ang mga Pampango sa

Macabebe o ang variety ng wikang Kapampangan sa bayang iyon ay may bahid ng wika

ng mga nasabing katutubo ng Amerika Sentral. Sa kontemporaryong panahon, ipinakalat

ni Floro Mercene14 ang post-colonial construct na iyon.

Suliranin ding nakikita ng pag-aaral na ito ang pagbibigay ng papel sa mga

ordinaryong Pampango bilang mga historical agent ng Himagsikan sa Pampanga, tulad

ng mga magsasaka, manggagawa, at maralita, na pawang mga kasapi hindi ng Katipunan

kundi ng dalawang kapatirang relihiyoso, ang Gabinista at Santa Iglesia.

B. Paksa at Layon ng Pag-aaral

Layon ng pag-aaral na ito na maisulat ang kasaysayan ng Himagsikang Pilipino

nang 1896-1899 sa Pampanga gamit ang mga bagong primaryang batis at muling pagbasa

sa mga naging batis na ng mga unang nagsipag-aral. Papaksain naman ng pag-aaral na ito

ang pag-unlad ng pagkilos ng mga Pampango tungo sa paglaya at pagsasarili ng Pilipinas.

14
Floro L. Mercene, Manila Men in the New World: Filipino Migration to Mexico and the Americas from
the Sixteenth Century (Lungsod ng Quezon: University of the Philippines Press, 2007), 134-5.

7
Sasagutin ng pag-aaral na ito ang mga katanungang:

a. Bakit walang malaking pagkilos sa Pampanga noong simula ng Himagsikang

1896, sa kabila ng dami ng mga liberal doon?

b. Bakit popular sa mga ordinaryong Pampango, partikular sa mga maralita at

magsasaka, ang mga kapatirang relihiyoso at ano ang nag-udyok sa kanila na

labanan ang mga Espanyol?

c. Bakit bumaliktad ang mga Pampangong sundalo sa hukbong Espanyol?

d. Paano nakibagay sa isa’t isa ang dalawang magkatunggaling puwersa ng mga

Pampango—ang puwersa ng masa at puwersa ng oligarkiya ng maykaya at

edukado—sa ilalim ng Pamahalaang Panghimagsikan?

K. Saklaw at Limitasyon

Ang tuon ng pag-aaral na ito ay ang panahon sa pagitan ng pagkatuklas ng

Katipunan noong 19 Agosto 1896 at pagkatatag ng República Filipina noong 23 Enero

1899.

Pampango ang ginamit na pantukoy sa lipunan at mamamayan ng Pampanga na

saklaw ng pagtalakay. Ang Kapampangan ay pangalan ng etnisidad sa Gitnang Luzon na

hindi lamang limitado sa Pampanga kundi saklaw ang malaking parte ng Tarlac at ilang

8
bahagi ng Bataan, Bulacan, at Nueva Ecija. Naiba ang mga Kapampangan ng Pampanga

(tatawaging Pampango sa pag-aaral na ito) sapagkat ang mga Kapampangan ng Nueva

Ecija (partikular sa Cabiao at Gapan) at ng Tarlac (katimugang hati ng lalawigan) ay mas

maagang sumama sa Himagsikang Pilipino sa pangunguna ng mga Kapampangang

heneral na sina Mariano Llanera at Pantaleon Valmonte ng Cabiao at Gapan, Nueva Ecija

(itong huli ay tubong Macabebe din ang ninuno), at Francisco Makabulos Soliman ng La

Paz, Tarlac (tubong Lubao, Pampanga din ang ninuno).

D. Metodolohiya ng Pag-aaral

Pananaliksik historikal ang metodolohiya ng pag-aaral na ito. Minamahalaga ng

pag-aaral na ito ang ambag ng mga pangunahing aklat hinggil sa kasaysayang lokal ng

Pampanga na may pagtalakay at pagdiskurso sa Himagsikan sa lalawigan tulad ng The

Province of Pampanga and Its Towns ni Henson (1955), The Pampangans ni Larkin

(1972), at ang A Shaft of Light (1996) at The Pampangos (1999) ni Rafaelita Hilario-

Soriano. Nakaimpluwensiya nang malaki ang naturang tatlong aklat sa paghiraya ng mga

Pampango sa papel ng kanilang mga ninuno sa kasaysayan ng Himagsikang Pilipino nang

1896-1899. May kabagalagan man sa pagtanggap sa historyograpiya ng Pampanga,

pambihira ang pagdalumat at pagtalakay sa papel ng mga magsasaka at maralitang

Pampango sa takbo ng Himagsikan sa Pampanga ng mga aklat na Pasyon and the

Revolution ni Reynaldo Ileto (disertasyon 1974, isinaaklat 1979), Luzon at War ni

Milagros Guerrero (disertasyon 1977, isinaaklat 2015). Sa muling pagbasa sa mga

9
primaryang batis ng limang may-akdang ito, sinikap ng pag-aaral na ito na bigyang hugis

ang kasaysayan ng Himagsikan sa Pampanga at inunawa bakit may kaiklian ang

pagtalakay ni Henson sa Himagsikan sa lalawigan; bakit nasabi ni Larkin na puno ng

kasalimuotan ang pakikisangkot ng mga Pampango sa Himagsikan; bakit pinabubulaanan

ni Soriano ang puna ni Larkin sa papel ng mga Pampango sa Himagsikan; at bakit

kailangang bigyang puwang sa kasaysayan ng Himagsikan sa lalawigan ang mga

Pampangong magsasaka at maralita na minaliit at kinutya dahil kakaiba at kakatwa

lamang ang pananampalataya at liderato nila, na siyang ambag nina Ileto at Guerrero.

Hindi sapat na tuntunin at suriin ang paggamit sa mga primaryang batis ng limang

may-akda na nabanggit. Sa pagbibigay hugis sa kasaysayan ng Himagsikan sa Pampanga,

kinailangan ng pag-aaral na ito na maglatag ng sariling tuklas na mga primaryang batis,

na maaaring labas na sa pag-aaral partikular nina Larkin (hinggil sa sosyo-ekonomikong

kasaysayan ng Pampanga), Ileto (hinggil sa popular na pagkilos ng masang Pilipino

noong ika-19 at ika-2- siglo, at isa lamang sa mga iyon ay ang mga magsasaka at

maralitang Pampango), at Guerrero (na tungkol sa politika ng mga naghaharing uri at

masa noong nagsisimula pa lamang ang Pilipinas na maging bansa) para ilangkap sa

kanilang mga pag-aaral. Pangunahin sa ginamit na mga primaryang batis sa pag-aaral na

ito ay ang mga liham, kautusan, ulat, at hojas de servicio (katitikan ng paglilingkod) mula

sa Philippine Revolutionary Records (PRR) ng National Library of the Philippines

(NLP), na siyang naghawan ng landasin ng pag-aaral na ito sa kung ano ang

pinakamalapit na paglalarawan sa nagyari sa nakaraan (verisimilitude) na katatampukan

ng reaksyon, pagtingin, pagtugon, at pagkilos ng mga Pampango noong panahon at sa

10
ilalim ng Himagsikan. Lubhang napakahalaga rin ng mga opisyal na ulat ng pamahalaang

Espanyol bilang mga primaryang batis, kaya’t sinamantala ng pag-aaral na ito ang mga

informes (mga ulat) sa Cuerpo de Vigilancia de Manila (CVM) ng National Archives of

the Philippines (NAP) at ang photocopy format nito sa National Historical Commission

of the Philippines (NHCP) Serafin D. Quiason Resource Center (SDQRC, dating NHCP

Data Bank).15 Nakatulong ng malaki ang digitization project ng National Commission for

Culture and the Arts (NCCA) sa CVM para ma-access ito ng may-akda nang mabilis

nang hindi na ginagalaw pa ang mga orihinal na nasa NAP (na ilang taon nang nakasara

dahil sa hindi pa rin matiyak na paglalagakan ng milyon-milyon dokumentong Espanyol

mula sa NLP). Nakita rin ng may-akda ang importansya ng mga ulat at gunita (memoirs)

ng mga prayle, sundalo, at opisyal ng pamahalaang Espanyol sa Himagsikan upang

maipanlaman sa mga detalye ng kasaysayan ng Himagsikan sa Pampanga at ng

paghihimagsik ng mga Pampango, na dalawang magkaibang diskurso rito sa pag-aaral.

Makikita ang mga ulat at gunitang ito karamihan sa NHCP SDQRC, University of the

Philippines Diliman Main Library (UPDML) Filipiniana Section, at sa mga digital

collection ng Brown University Library, University of Michigan Library, Harvard

University Library, Stanford University Libraries, Universidad Complutence de Madrid,

Biblioteca Nacional de España, at New York Public Library sa pamamagitan ng The

Internet Archive at Google Books, tulad ng La Insurrección en Filipinas y Guerra

Hispano-Americana en el Archipiélago ni Manuel Sastron (1919) at Filipinas por

España: Narración Episódica de la Rebelión en el Archipiélago Filipino ni Emilio

Revertér Delmas (1897). May mga hindi pa nailalathalang gunita na ginamit ang pag-

15
Ito na ang pangalan ng NHCP Data Bank mula noong 16 Marso 2018, sa karangalan ng yumaong dating
tagapangulo ng NHCP, Serafin D. Quiason ng Angeles, Pampanga.

11
aaral na ito, tulad ng sa medikong si José Romero Aguilar (“Rendicíon de Marianas

Capitulacíon de Manila viaje Agaña-Cavite-Manila-Agaña. 20 de Junio-17 de Septiembre

de 1898”) sa kapahintulutan ng apo nitong si Federico Galan ng Madrid (at napaunlakan

nito ang pakiusap ng may-akda na makuhanan ng litrato ang Calle de Voluntarios

Macabebe sa Madrid), at ng kay Gob. Hen. Basilio Agustin sa kapahintulutan ng kaapo-

apuhan nitong si Aurora Bas ng Madrid (na nagkaloob pa ng litrato ng pamilya Agustin

sa may-akda). Kinonsulta rin ng may-akda ang mga dokumentong may kinalaman sa

Himagsikan sa Pampanga na nakasinop sa Servicio Histórico Militar ng Archivo General

Militar de Madrid (AGMM, sa tulong ng NHCP History Retrieval Project) at Archivo

Historico Nacional, kapwa sa Madrid.

Bagaman may kritisismo sa awtoridad at metodolohiya ng paglikom ng

impormasyon at ng pagsulat, sinundan ng pag-aaral na ito ang halimbawa ni Larkin na

pakinabangan ang mga detalyeng may saysay sa Historical Data Papers (HDP). Ipinakita

ni Larkin kung paano maingat na mapili ang mga detalye mula sa mga ambag na iyon ng

mga lokal na pamahalaan at ng mga guro na nagkakasaysay dahil sa corroboration ng

mga primaryang batis. Paraan din ito ng pagbibigay puwang sa mga piping saksing

ordinaryong Pampango, na aktibo pa sa lipunan nang unang ipananawagan ni Gob. Hen.

William Cameron Forbes noong 1911 sa mga pamahalaang lokal na magpadala ng mga

materyal-historiko sa Philippine Museum and Library (ngayo’y NLP) sa bisa ng

Executive Order No. 2 noong 26 Enero 1911,16 at matatanda na nang makapanayam ng

mga guro mula 1951 hanggang 1953 alinsunod sa Executive Order No. 486 ni Pangulong

16
Cf. Mellie Leandicho Lopez, A Handbook of Philippine Folklore (Lungsod ng Quezon: University of the
Philippines Press, 2006), 16.

12
Elpidio Quirino noong Disyembre 1951.17 Bagaman mayroong nakasinop na 1911 HDP

ng Pampanga sa Luther Parker Collection (LPC) ng UPDML Special Collection, hindi ito

ginamit ni Larkin; sa halip, sa kung anumang kadahilanan, ang nagamit lamang ni Larkin

ay ang 1953 HDP na magagamit ninuman sa pamamagitan ng microfilm format na nasa

NLP Multimedia Section. Iyon nga lamang, walo lamang sa dapat na 22 HDP ng

Pampanga (batay sa bilang ng mga bayan ng lalawigan noong 1953) ang may microfilm

format: Masantol, Minalin, San Fernando, San Luis, San Simon, Sta. Ana, Sta. Rita, at

Sto. Tomas. Nagkataon naman na may orihinal na kopya ang NHCP SDQRC ng ilang

1953 HDP ng Pampanga-—ang tanging mga HDP na mayroon ang NHCP. Kinumpirma

ni Anne Rosette G. Crelencia, kasalukuyang hepe ng NLP Rare Books and Manuscripts

Section,18 na kapamilya ng mga nasa NLP ang mga 1953 HDP ng Pampanga na nasa

NHCP SDQRC. Kapwa hindi maipaliwanag ng NHCP at ng NLP kung bakit napunta sa

NHCP ang mga HDP ng Pampanga. Batay sa tatak ng HDP ng Pampanga sa NHCP

SDQRC, National Historical Institute (NHI) pa ang NHCP at tinatawag pang Data Bank

ang SDQRC ay nasa NHCP ang naturang mga HDP. Dalawang tomo ang HDP ng

Pampanga sa NHCP SDQRC: ang tomo ng Angeles na may buong pamagat na “Report

on the Historical Data of the Town of Angeles” (RHDTA sa mga talababa ng pag-aaral

na ito) na kinabibilangan, sa katunayan, hindi lamang ng Angeles kundi ng HDP ng

Apalit, Arayat, Bacolor, Floridablanca, at Guagua; at ang tomo ng Mabalacat na may

buong pamagat na “History and Cultural Life of the Municipality of Mabalacat in the

17
Cf. Erlita P. Mendoza, “Revisiting the Historical Data Papers (HDP) on Microfilm as Source of
Kapampangan History.” Alaya: Kapampangan Research Journal 1 (October 2003), 47.

18
Personal na komunikasyon, NLP, 20 Marso 2018.

13
Province of Pampanga” (HCLMMPP sa mga talababa) na binuo ng mga HDP ng

Mabalacat, Macabebe, at Magalang.

Ayon kay Erlita P. Mendoza, ang ipinasa ng mga guro sa NLP noong 1953 ay

pangatlo o pang-apat na sapin na ng makinilyadong kopya ng HDP na nasa onion-skin na

papel, kaya malabo ang rehistro ng mga HDP nang ginawan ang mga iyon ng microfilm

format. Kung susuriin, masasabing ang makinilyadong kopya ng 1953 HDP ng

Pampanga na nasa pag-iingat ng NHCP SDQRC ang masasabing unang sapin.19

Malaking tulong sa pag-aaral na ito ng 1911 HDP ng Pampanga sa LPC dahil

kinukumpirma ng mga datos lokal na ito ang mga detalye na mababasa sa mga

primaryang batis. Pinakamahalaga rito ang ipinasang ulat ng Pamahalaang Bayan ng

Minalin, Pampanga dahil ang nakapirma mismo ay ang municipal president (katumbas ng

mayor or punongbayan ngayon) noon ng Minalin na si Cristino Lagman, na siya ring

pinuno ng mga manghihimagsik sa Minalin noong Hunyo 1898.

Ang pinakinabangan ni Larkin sa LPC ay pawang mahahalaga rin: ang mga

tinawag niyang notebook na nakolekta ng Thomasite na si Luther Parker noong 1911 para

sa isinusulong nito noon na municipal history ng Pampanga (termino ni Parker sa alam

natin ngayon na local history20). Sa mga notebook sa LPC, partikular na ginamit ni

Larkin ang mga notebook ng Bacolor, Betis, at Guagua para sa The Pampangans.

Elegante ang sulat-kamay ng mga notebook. Nakasulat ang mga iyon sa wikang

19
Mendoza, “Revisiting,” 48.

20
Luther Parker, “Gats and the Lakans.” Philippine Magazine, Enero 1931, 504.

14
Kapampangan at Espanyol, kaya’t hindi malayong mga uring principalia o naghaharing-

uring pamilya sa mga naturang bayan ang mga may-akda.

Sinusuportahan naman ng di pa nailalathalang gunita ni Jose Gutierrez David,

kalauna’y hukom ng Korte Suprema ng Pilipinas, ang mga detalye sa mga Bacolor

notebook ng LPC. Nakasinop ito sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan

Studies ng Holy Angel University (JDNCKS). Nasaksihan ni David kapwa ang

Himagsikan at ang pakikibakang sosyal noong ika-20 siglo. Gayundin, ginamit sa pag-

aaral na ito ang ilang detalye ng panayam ni Filipinas Espiritu-Pineda sa ama ni David na

si Eduardo, isa sa mga manghihimagsik ng Pampanga. Nasa tesis-masterado ito ni Pineda

noong 1956 na “United States Military Rule Over Pampanga Province, Republic of the

Philippines During the Period 1898-1901” sa UP Diliman.

Bukod sa mga HDP at sa LPC na nasa UPDML at NLP, pinakinabangan din sa

pag-aaral na ito ang ibang batis lokal, tulad ng mga ibinahaging gunita ng matatanda sa

Apalit, Pampanga na naidokumento ng mediko at pilantropong si Vicente Catacutan

noong 1968 hinggil sa mga pangyayari noong Himagsikan;21 at ang isa pang hindi

nailalathalang kasaysayan ng exodus ng mga Espanyol sa Pampanga noong 16 Hunyo

1898 na naisulat sa “The Battle of Sta. Catalina,” akda ng isang nagngangalang Ambrosio

21
Retirado na si Dr. Catacutan, sa propesyon at sa espiritwal na aspekto ng buhay. Siya ngayon ay nasa
Caryana Monastery sa Mabalacat, Pampanga at doon na nais mamalagi sa nalalabi ng kaniyang buhay.
Pinasyalan namin siya ni Robby P. Tantingco, Direktor ng Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan
Studies ng Holy Angel University, noong 29 Oktubre 2017. Nabanggit ni Dr. Catacutan na nakasulat ang
mga nakolekta niyang gunita mula sa ilang matatanda ng Apalit. Nakasinop ang mga iyon sa kaniyang
aklatan sa Apalit, ngunit hindi na niya maibibigay sa akin, gustuhin man niya, sapagkat patakaran sa
pagpasok sa Caryana ang iwan ang lahat ng mga materyal na bagay sa labas ng monasterio kapalit ng
pamamalagi doon.

15
Flores noong bandang 1950. Nakasinop sa Minalin Museum and Library ang orihinal na

kopya, at nagkakopya ang inyong lingkod nang mag-field work ako noong 2012 kasama

si Nancy Lagman-Tremblay, apo ng manghihimagsik na si Cristino Lagman ng Minalin.

Isyu man ang katumpakan ng kronolohiya at aktuwal na taon ng mga pangyayari

noong Himagsikan sa mga lokal na batis, magagawa pa ring iakma ang mga ito sa

kronolohiya ng Himagsikan sa Pampanga, na inilatag ng pag-aaral na ito gamit ang mga

primaryang batis—isang problema na ayon kay Bruce Cruikshank ay dapat maging

mapanuri ang isang mag-aaral ng kasaysayan kung gagamit ng HDP.22 Maganda ang

paliwanag dito ni Mendoza:

The HDP-Pampanga Papers reveal [the] framework of fact, rather than the fact
itselt… This means that the entries are treated as minutiae, or details, that make
up the composite of what may turn out as “fact” or a verifiable statement of truth.
These minutiae become the lead or the hint, the detail to suggest the meandering
path to the fact itself.23

(Ipinapakita ng mga tala ng Pampanga sa HDP ang balangkas ng katunayan, sa


halip na katunayan lamang… Ibig sabihin, tinitimbang bilang maliit na
bahabahagi na bubuo sa isang bagay na titingnan bilang “katunayan” o isang
pahayag na maging makatotohanan. Ang katiting na mga detalyeng iyon ay
kayang magpatotoo o magpahiwatig[;] ang detalye na kayang dalhin ang
palikolikong landasin nito patungo mismo sa “katunayan.”)

Halimbawa, nagbigay ang 1953 HDP ng Minalin ng dalawang taon—189624 at 189925—

para sa Labanan sa Sta. Catalina na nangyari sa Sitio Tabun, Sta. Catalina, Minalin,

22
Bruce Cruikshank, “The Historical Data Papers as a Source of Filipiniana.” Bulletin of American Historical
Collection 1:2 (1973), 14-23.

23
Mendoza, “Revisiting,” 50.

24
National Library of the Philippines (NLP), “Minalin Historical Data Papers (HDP),” Historical Data Papers,
Reel No. 52, 58.

16
gayong sa mga primaryang batis, nangyari ito noong 14-15 Hunyo 1898. Isa pa’y ang

pagtugis sa San Simon, Pampanga ng mga Espanyol kay Felipe Salvador, pinuno ng

Santa Iglesia, na iniugnay ng HDP (ng San Simon) sa panahon na malapit nang

bumagsak ang mga Espanyol; bagaman ayon sa primaryang batis, nangyari ang pagtugis

noong 12 Pebrero 1898, apat na buwan bago tuluyang lisanin ng mga Espanyol ang

Pampanga.26 Naitala naman sa HDP ng Santo Tomas na noong 1882, nilabanan ng

kumandante ng Santa Iglesia na si Vicente Dayrit ng San Fernando ang mga Espanyol sa

San Matias, bayan ng Santo Tomas,27 ngunit ang tumpak na petsa ayon sa mga

primaryang datos ay 14 Hunyo 1898. Gayundin, sang-ayon sa HDP ng Apalit, taong 1887

nang tugisin ng mga awtoridad na Espanyol ang mga “Gavinistas”—na pinanggalingang

grupo ng Santa Iglesia28—bagaman sa opisyal na ulat ito ay noong Enero 1888 (1887 ang

taon na inorganisa ni Gavino “Rey Gavino” Cortes sa Apalit ang Gabinista). Dagdag pa,

1896 ang itinala sa HDP ng Apalit na taon ng pagkakabitay ni “Aring Gavino” Cortes,

ngunit sa opisyal na ulat, ito ay dapat 4 Pebrero 1898.29

Isyu rin sa HDP ang kalituhan ng mga tala sa mga termino: nariyan ang pag-

uugnay sa Katipungol (katawagan sa Katipunan na mababasa sa HDP ng Santa Ana30) sa

pag-aalsa sa Apalit noong 19 Pebrero 1898, na sa katunaya’y mga Santa Iglesia, ayon sa

25
Ibid., 6.

26
NLP, “San Simon HDP,” Historical Data Papers, Reel No. 52, 4.

27
NLP, “Santo Tomas HDP,” Historical Data Papers, Reel No. 52, 25.

28
National Historical Commission of the Philippines, “Angeles HDP,” RHDTA, 6.

29
Ibid.

30
NLP, “Santa Ana HDP,” Historical Data Papers, Reel No. 52, 81.

17
mga primaryang batis;31 at ang paggamit ng salitang insurrecto bilang pantawag ng

matatandang Pampango kapwa sa mga lumaban (i.e., manghihimagsik) sa mga Espanyol

at sa mga tulisan.32

Mainam din na gamitin ang mga lokal na batis dahil binibigyang detalye pa ng

mga ito ang mga pangyayari sa mga primaryang batis at ang mga naisulat na. Halimbawa,

nababanggit sa mga talang Espanyol tulad ng kina Delmas at Sastron na inatake ng mga

Espanyol ang kuta ni Hen. Francisco Makabulos sa Kamansi, Magalang, na nasa may

paanan ng Bundok Arayat; ngunit hindi nababanggit ang bakuran ni Doña Florentina

Pascual sa San Nicolas, Magalang bilang himpilan ng mga Espanyol nang umatake ang

mga ito mula Setyembre hanggang Nobyembre 1897.33

Gayong maliwanag ang nakapagganyak sa mga manghihimagsik na labanan ang

mga Espanyol, salat pa rin ang historyograpiya ng Himagsikan sa Pampanga sa tinig,

diwa, haraya, at karanasan ng mga ordinaryong mamamayan at magsasaka. Kaya’t liban

sa mga primaryang batis, ginamit din ng pag-aaral na ito ang mga nakolektang kaalamang

bayan (folklore) sa Pampanga gamit ang dalawang-tomong aklat ni Isabelo de los Reyes

na El Folk-Lore Filipino, ang artikulo nina Pedro Serrano Laktaw at Mariano Ponce na

“EL Folk-Lore Pampango” at “El Folk-Lore Bulaqueño” (kapwa nasa ikalawang tomo ng

aklat na El Folk-Lore Filipino), ang 1911 at 1953 HDP, ang personal kong karanasan sa

31
NHCP, “Apalit HDP,” RHDTA, 74.

32
NLP, “Santa Ana HDP,” 19, 25.

33
NHCP, “Magalang HDP,” HCLMMPP, 47.

18
mga mistiko ng Pampanga, at ang kumpirmasyon sa mga mistikong gawain at

kapaniwalaan ng mga Pampango bunga ng pakikipanayam ng inyong lingkod sa mga

historyador na sina Lino L. Dizon ng Center for Tarlaqueño Studies at Michael Raymond

Pangilinan ng City College of Angeles. Sinuri sa disertasyon ni Dizon sa UP Diliman na

“Nascent Philippine Studies in the Life and Labor of Jose Felipe Del-Pan (1821-1891)”

(2008) ang ambag ng Espanyol na si Jose Felipe Del-Pan sa pag-usbong ng Araling

Pilipino kung bakit nagkainteres ang mga iskolar tulad nina de los Reyes (na protege ng

nasabing Espanyol), Laktaw, Ponce, at Jose Rizal sa pag-aaral ng kaalamang bayan.34

Habang si Pangilinan naman, bagaman mula sa marangyang angkan ng Angeles at

Magalang, ay lumaki sa matatandang mistiko sa Magalang. Sa ganito’y nakasalamuha ni

Pangilinan ang iba pang mistiko. Di kalauna’y naging tagapagsulong siya ng pag-aaral sa

mga di-Katolikong elemento sa kaugalian at kaalamang lokal ng mga Pampango, na

halos mga magsasaka. Ang pagkahilig ni Pangilinan sa kaalamang bayan ng Pampanga

ang dahilan kung bakit mas nais niyang makilala bilang Siuala ding Meangubie (Tinig ng

mga Yumao). May mga elemento ang nakaraan na hindi nahuli ng mga batis na

ginagamit sa pagsulat ng kasaysayan, ngunit mahalaga sa pagunawa sa nakaraan nang

may lapit sa talagang nangyari. Nariyan ang di pangkaraniwang mga kapaniwalaan ng

mga magsasakang tagasunod ng Gabinista at Santa Iglesia na tiningnan ng mga sumulat

ng mga batis noong panahon ng mga Espanyol at Amerikano bilang kamangmangan at

herejia o labas sa katuruan ng simbahan. Ayon kay Pangilinan, inabutan at kinalakhan pa

niya sa mga magsasaka sa Magalang, Arayat, at Candaba ang mga elementong heretikal

sa mata ng simbahan ngunit mahalaga upang masilip ng nabuhay pang bahagi ng

34
Lino L. Dizon, “Nascent Philippine Studies in the Life and Labor of Jose Felipe Del-Pan (1821-1891)”
(Disertasyon: Unibersidad ng Pilipinas Diliman, 2008).

19
matandang kulturang Pampango. Patunay ang tesis na ito kung paano matutulungan ng

dokumentasyon sa mga kaalamang bayan ang pag-unawa sa nakaraan gamit ang disiplina

ng kasaysayan.35

E. Balangkas Konseptuwal

Uminog ang pag-aaral na ito hinggil sa kasaysayan ng Himagsikang Pilipino sa

Pampanga sa iba’t ibang naging tugon ng mga Pampango sa idea ng paghihimagsik at sa

naging aksyon ng mga Espanyol kontra rito. Lumundo naman ang pag-aaral sa pagkilos

ng mga Pampango upang tuluyang labanan ang mga Espanyol at ipagwagi ang

paghihimagsik. Ang pagkilos ng mga Pampango sa loob ng Pampanga noong panahon ng

Himagsikan—sa pagitan ng araw na natuklasan ng mga Espanyol ang Katipunan noong

19 Agosto 1896 at sa araw na nagbagong bihis na ang Pamahalaang Panghimagsikan

bilang Republika ng Pilipinas noong 23 Enero 1899—ay mahahati sa tatlong salik: salik

panlabas, salik etniko, at salik praktikal.

Walang panloob na puwersang panghimagsikan, tulad ng Katipunan, ang nabuo

sa Pampanga upang labanan ang mga Espanyol. Sa salik panlabas, ipinapakita kung

bakit kinailangan ang impluwensiya at presyur mula sa labas ng Pampanga upang

kumilos nang paunti-unti ang mga Pampango na labanan ang mga Espanyol sa sarili

35
Nakapanayam ng may-akda si Pangilinan tungkol sa matatandang paniniwala at kaalaman ng mga
magsasakang Pampango doon sa Imerex Hotel at Museo of Philippine Social History sa Lungsod ng
Angeles matapos ilektura ng inyong lingkod ang bahagi ng tesis na ito noong 28 Marso 2018.

20
nilang lalawigan. Kabilang dito ang paghimok ng mga taga-Gapan at Cabiao, Nueva

Ecija sa mga taga-Arayat na sumama sa pag-atake sa San Isidro Factoria, noo’y kabisera

ng Nueva Ecija, noong 2 Setyembre 1896, sa pamumuno ng dalawang lahing

Kapampangang sina Mariano Llanera ng Cabiao at Pantaleon Valmote ng Gapan

(orihinal na tubong Macabebe ang angkan); ang paghimok ng mga taga-Bataan sa mga

taga-Lubao, Pampanga na sumali sa pag-atake sa Simbahan ng Hermosa noong 17

Nobyembre 1896; ang pagkakaroon ng mga Pampangong magsasaka at maralita ng isang

lider mula sa Baliuag, Bulacan sa katauhan ni Felipe Salvador na tumayo’t dumamay sa

kanila matapos silang atakihin sa San Luis, Pampanga habang nagdiriwang ng

kapaskuhan noong 24 Disyembre 1896; ang pag-udyok ni Hen. Francisco Makabulos,

pinuno ng Katipunan sa Tarlac, sa mga Pampango ng Mabalacat, Angeles, at Magalang

na sumama sa Himagsikan hanggang Nobyembre 1897; at ang presensiya ng mga

manghihimagsik ng Hagonoy, Bulacan sa Masantol at Macabebe. Batid ng mga Espanyol

ang konseptong ito, kaya’t minobilisa nila ang mga Pampango na pigilan ang paglaganap

ng diwa ng Himagsikan sa Pampanga. Nariyan ang pagtatatag ng Comandancia General

de las provincias del Centro y Norte de Luzon sa Kumbento ng San Fernando, Pampanga

noong Disyembre 1896 at ang paglitaw ng Voluntarios Pampangos noong Enero 1897 na

sumawata sa mga puwersa ng Hagonoy at ni Makabulos, at sa inosenteng Santa Iglesia.

Sa Pampanga, hindi mga liberal o mga maykaya ang unang nakatikim ng

armadong kampanya ng mga Espanyol noong Himagsikan, kundi ang Santa Iglesia.

Nagdiriwang lamang sila ng kapaskuhan sa San Luis noong 1896 nang atakihin sila bigla

ng mga Espanyol. Ayon sa ulat ng mga Espanyol, may 2,500 Santa Iglesia sa San Luis,

21
habang kulang-kulang isang libo ang nasawi at sugatan sa kanila. Sa salik etniko,

ipinapakita na kumilos lamang ang Santa Iglesia nang kampihan sila ng mga miyembro

ng Voluntarios de Apalit, na malamang sa malamang, kaibigan ng at/o kaya ay may

kaanak sa Santa Iglesia. Isang pag-aaklas ang isinagawa ng Voluntarios de Apalit at

Santa Iglesia laban sa mga Espanyol noong 19 Pebrero 1898 sa Apalit; at tatlong araw

ang makalipas ay sa Macabebe. Nagmula ang Santa Iglesia sa relihiyosong kapatirang

Gabinista. Itinatag ni Gavino Cortes ang Gabinista sa Tabuyoc, Apalit noong 1887. Si

Cortes ay dating cabeza de barangay sa Apalit; samakatuwid ay miyembro ng uring

principalia. Noong 1888, binuwag ng mga Guardia Civil ng Pampanga, Bulacan, at

Nueva Ecija ang Gabinista; at ipinatapon sa Jolo si Cortes, matapos siyang koronahan sa

Tabuyoc bilang hari ng Pampanga. Noong 1894, muling inorganisa ni Salvador ang

Gabinista bilang Santa Iglesia. Noong 4 Pebrero 1898, binitay sa San Fernando si Cortes,

na ikinamuhing lalo ng mga taga-Apalit. Ito ang unang pag-aalsa ng mga Pampango

laban sa mga Espanyol na nataon namang panahon ng Himagsikan.

Sinikap ng mga Espanyol na ipanumbalik ang kaayusan at pakikiisa sa mga

Pilipino noong 1898, dahil nagpahayag ang Espanya ng pakikidigma sa Estados Unidos.

Bahagi ng taktika ng pamahalaang Espanyol ang iparamdam na sinsero ito sa mga

Pilipino. Nariyan ang pagpapakawala sa mga bilanggong politikal ng Himagsikan sa bisa

ng kasunduan sa Biak-na-Bato at ang pagpapatira sa Macabebe sa pamilya ng

Gobernador-Heneral. Ang hindi alam ng mga Espanyol, ang tatlong deportado na mga

Pampangong liberal na pinabalik nila sa Pampanga—sina Maximino Hizon ng Mexico,

Jose Bañuelos ng San Fernando, at Mariano Alejandrino ng Arayat—ay unti-unti nang

22
nagmobilisa sa mga Pampango na maghimagsik sa mga Espanyol mula Pebrero

hanggang Mayo 1898. Sa salik praktikal, ipinapakita na sinamantala ni Hizon ang

pagiging aburido ng mga Espanyol sa Pampanga at iprinoklama niya ang kalayaan ng

Pilipinas sa Mexico noong 1 Hunyo 1898. Nang mapansin na walang nangyari kay

Hizon, unti-unting nakiisa sa kaniya ang iba pang mga bayan ng Pampanga. Sumunod

ang pagbaligtad ng mga Pampangong voluntario (liban sa Voluntarios de Macabebe), at

ang pagsuporta ng Santa Iglesia kay Hizon, sa kabila ng kaapihan at pangmamaliit sa

kanila ng mga manghihimagsik dahil sa kaibhan ng paniniwala at liderato nila.

Balangkas konseptwal ng pagkilos ng mga Pampango sa loob ng kanilang lalawigan

noong Himagsikang Pilipino nang 1896-1899

23
F. Pagsusuri sa mga Kaugnay na Pag-aaral

Historyograpiya ng Himagsikan at ng Pampanga

Ayon kay Larkin, nalimitahan ang historyograpiya ng Pilipinas ng monolitikong

pagtingin sa pagkabansa ng Pilipinas.36 Kulang ang historyograpiya, ani niya, sa

pagsaalang-alang sa talagang nangyari sa mga kanayunan noong panahon ng

Himagsikan. Sa madaling sabi, problema ang “nasyonalista” sa nasyonalistang balangkas

kung ilalapat sa kasaysayan ng Pampanga dahil limitado at komplikado ang papel ng mga

Pampango sa pagbubuo ng bansang Pilipino mula 1896 hanggang 1899. Sa madaling

sabi, walang maipagmamapuring pagkilos sa loob ng Pampanga, na maihahanay sa

dakilang mga Labanan sa Talisay, sa Binakod, sa Cacarong o sa Noveleta bago ang

Hunyo 1898. Mapapansin ito sa aklat ni Mariano Henson na The Province of Pampanga

and Its Towns, na nagsimula lamang ang pagtalakay sa Himagsikan sa pinaniniwalaang

unang pagkilos ng mga Pampango laban sa mga Espanyol noong 3 Hunyo 1898 sa

Bacolor nang mag-aklas ang Voluntarios de Bacolor sa pamumuno ni Felix Galura.

Kung may mga pag-aaral at nasusulat man tungkol sa mga “Pampango” sa

Himagsikan, mas pumapatungkol ang mga ito sa mga Macabebe. Pinakabago sa mga

pag-aaral na ito ang tesis masterado ni Renato Pelorina noong 2005 na pinamagatang

“Ang Pagbabalik-tanaw sa mga Macabebe sa Panahon ng Pananakop ng mga Amerikano

36
John Alan Larkin, “The Place of Local History in Philippine Historiography.” Journal of Southeast Asian
History 8:2 (Setyembre 1967), 306-17.

24
(1898-1908): Isang Historiograpikal na Pagsusuri,”37 at ang aklat ni Dennis Edward Flake

na Loyal Macabebes: How the Americans Used the Macabebe Scouts in the Annexation

of the Philippines noong 2009.38

Hindi man nagbigay nang malalim na pagsusuri tungkol sa kasaysayan ng

Himagsikan sa Pampanga, lumitaw naman sa mga aklat na A Shaft of Light (1991)39 at

The Pampangos (1999)40 ni Rafaelita Hilario Soriano, apo ng manghihimagsik na si

Tiburcio Hilario, ang ginampanan ng mga historikal na personalidad na Pampango noong

Himagsikan, mapa loyalista man (tulad ni Eugenio Blanco ng Macabebe) at

manghihimagsik (tulad ni Tiburcio Hilario). Kaya’t ganoon na lamang ang galak ng

edukador na si Bro. Andrew Gonzalez, apo ng kinatawan ng Pampanga sa Kongreso sa

Barasoain, Bulacan na si Dr. Joaquin Gonzalez ng Apalit, sa pagtalakay ni Soriano sa

Himagsikan. Sa tingin ni Gonzalez, natalakay ni Soriano ang Himagsikan sa Pampanga

gamit ang pananaw “ng mga Pampangueño” at hindi ng sa “pananaw ng mga Tagalog.”41

Pinuri rin ni Gonzalez ang pagkalantad ni Soriano sa mga batis, lalo na sa mga kuwento

ng mga kaanak tulad ng ama nitong si Zoilo Hilario.

37
Renato Pelorina, “Ang Pagbabalik-tanaw sa mga Macabebe sa Panahon ng Pananakop ng mga
Amerikano (1898-1908): Isang Historiograpikal na Pagsusuri” (Tesis Masterado, Unibersidad ng Pilipinas
Diliman, 2005).

38
Dennis Edward Flake, Loyal Macabebes: How the Americans Used the Macabebe Scouts in the
Annexation of the Philippines (Lungsod ng Angeles: Holy Angel University Press, 2009).

39
Rafaelita Hilario Soriano, A Shaft of Light (Quezon City: Rafaelita Hilario Soriano, 1996).

40
Rafaelita Hilario Soriano, The Pampangos (Quezon City: Kayumanggi Press, 1999).

41
Andrew Gonzalez, “Introduction,” sa Rafaelita Hilario Soriano, The Pampangos (Quezon City:
Kayumanggi Press, 1999), i.

25
Samantala, sa disertasyon ni Larkin na pinamagatang “The Evolution of

Pampangan Society: A Case Study of Social and Economic Change in the Rural

Philippines" (New York University, 1966; naging aklat na The Pampangans noong

1972), nababanggit ang mabibigat na pahayag niya tungkol sa Himagsikan sa Pampanga:

walang nangyaring totoong Himagsikan sa loob ng Pampanga dahil hindi lapat sa

lalawigan ang mga problemang panlipunan at pampulitika ng mga Tagalog na salik sa

pagsiklab ng Himagsikan (“…no real internal revolution had taken place in Pampanga.

The social and political problems of the Tagalogs did not apply there [Pampanga]”).42 Sa

pag-aanalisa ni Larkin sa mga pangyayari sa Pampanga mula 1896 hanggang 1899, dala

lamang ng mga nangyari at presyur mula sa labas ang naging pag-usbong ng

paghihimagsik sa Pampanga. Dagdag pa niya, ni hindi kumilos ang mga Pampango

upang salungatin ang mga problemang nagtulak sa mga Tagalog na maghimagsik; tulad

ng mapaniil na patakaran ng mga prayle sa administrasyon ng mga lupain dahil wala

namang hasyenda ang mga Agustino at Rekoletong prayle sa Pampanga. Tumugon

lamang di umano ang mga Pampango sa Himagsikan dahil pinuwersa sila, ito man ay

“may pagsang-ayon o wala,” tulad ng mga kasamak (tenant) sa lupa nina Hizon sa

Mexico at Alejandrino sa Arayat. (Ganito rin ang ginawa ng mga Blanco sa Macabebe:

ginamit nila ang mga trabahador sa bukid upang labanan ang mga manghihimagsik at

buuin ang Voluntarios de Macabebe.) Sa huli, pagprotekta sa sariling interes at sa

kagustuhang mabuhay ang nagbunsod sa mga Pampango na magpabago-bago ang lagay:

The Pampangans reacted to each phase of the revolution according to


their own self-interest and need for survival. At times their interest coincided

42
Larkin, The Pampangans, 126.

26
with the aims of a broader Filipino nationalism and at times not. Pampanga’s
leaders, though in favor of moderate reform of the Spanish colonial regime,
backed down on the issue of complete independence. Yet once the Spaniards
were eliminated from contention, a native government loomed as the best
alternative. Finally, when Aguinaldo’s government failed to hold the country,
Pampanga accepted the stability offered by the Americans.43

(Tumugon ang mga Pampango sa bawat yugto ng himagsikan ayon sa kanilang


sariling interes at pangangailangang makaraos. May pagkakataong umangkas
sila sa layon ng isang malawakang nasyonalismong Pilipino, ngunit ito’y hindi
sa lahat ng pagkakataon. Bagaman pabor sa ilang pagbabago sa pamamahala ng
mga Espanyol, tutol ang mga pinuno ng Pampanga sa kalayaan. Ngunit nang
mawala ang mga Espanyol, nakita namang mainam na kapalit ang pamamahala
sa sarili. At, nang mabigo si Aguinaldo na panghawakan ang bansa, tinanggap
naman ng Pampanga ang alok ng mga Amerikano na katatagan.)

Ayon pa kay Larkin, ang pinagdaanan ng Himagsikan sa Pampanga ay nakabatay

sa pakikililim ng konserbatibong tradisyon ng mga panginoong maylupa (ng uring

principalia) sa sinumang awtoridad na titiyak sa kanilang seguridad at ari-arian. “Wala

silang pinapanigang ideolohiya,” ani ni Larkin, mapa-rehimeng Espanyol man,

Aguinaldo, o Amerikano. Sa kabilang banda naman, nagamit ng nasa kapangyarihan ang

pangangailangan ng mga Pampangong principal (katiwasayan at kaayusang panlipunan)

upang makuha ang suporta nito. Nagmungkahi rin si Larkin ng periodisasyon ng

Himagsikan sa Pampanga: una, panahon ng propaganda; ikalawa, ang pagsiklab ng

Himagikan hanggang maitatag ang Republika ng Pilipinas; at ikatlo, ang pagtatanggol sa

Republika ng Pilipinas at ang pagtatatag sa Pamahalaang Sibil ng Pampanga sa ilalim ng

Estados Unidos noong 1901.

Sa tesis-masterado ni Pilipinas Espiritu-Pineda na “United States Military Rule

Over Pampanga Province, Republic of the Philippines during the Period 1898-1901”

43
Ibid.

27
(Unibersidad ng Pilipinas Diliman, 1956), naging motibasyon sa maraming Pampangong

principalia ang dala-dalang pagbabago o reporma sa lipunan ng liberalismo at

nasyonalismo nang hindi humihiwalay sa Espanya:

Ang nasyonalismo para sa kanila (Pampangong principalia) ay nangangahulugan


na ninanasa nila ang mga pagbabago at pinuspos sila nito (nasyonalismo) ng
kanaisang makamit ito, ngunit ninanasa rin nilang manatiling tapat sa Espanya.44

Halimbawa nito ang propagandistang si Jose Alejandrino, mula sa uring principalia ng

Arayat, na niyakap ang kaisipan ng kaibigang si Rizal tungkol sa kawalang saysay ng

paghihimagsik.45 Kung paniniwalaan ang sinulat ni Alejandrino sa kaniyang gunita na La

Senda del Sacrificio (1949), sumali pa rin si Alejandrino sa Katipunan noong 189546 at

siya ang naatasan na kumausap kay Antonio Luna na sumama sa Katipunan, batay na rin

sa payo ni Rizal. Tumanggi si Luna dahil, di umano, hindi pa napapanahon ang isang

himagsikan.47 Nang sumiklab na ang Himagsikan, si Alejandrino pa ang nagsabi kay

Edilberto Evangelista, dating kaeskuwela sa Ghent, na “maliit ang pag-asa na

magtatagumpay ang Himagsikan.”48 Ngunit nahikayat din ni Evangelista si Alejandrino

na sumama sa Cavite, at kalauna’y naglingkod kay Aguinaldo. Tulad din ng inisyal na

saloobin ni Alejandrino ang saloobin ng iba pang Pampangong liberal mula sa uring

44
Filipinas Espiritu-Pineda, “United States Military Rule Over Pampanga Province, Republic of the
Philippines during the Period 1898-1901” (Tesis Masterado: Unibersidad ng Pilipinas Diliman, 1956), 47.

45
Jose Alejandrino, The Price of Freedom (La Senda del Sacrificio): Episodes and Anecdotes of Our
Struggles for Freedom, salin sa Ingles ni Jose M. Alejandrino (Maynila: José Alejandrino, 1949), 2.

46
Ibid., 4, 103. Sina Moises Salvador at Mamerto Natividad ang tumanggap kay Alejandrino sa Katipunan.

47
Ibid., 103-4.

48
Ibid., 17-8.

28
principalia, tulad ng magkapatid na Agustin at Eugenio Blanco ng Macabebe na numero

unong kontra sa Himagsikan.

Samantala, hindi naman naging katanggap-tanggap kay Soriano ang mga pahayag

ni Larkin hinggil sa Himagsikan sa Pampanga. Sa aklat niyang A Shaft of Light,

ipinahayag ni Soriano:

But why does Larkin expect the masses to administer the towns that time? It
must be acknowledged that during the more than 300 years of Spanish
occupation of the Philippines, no universal education was provided for the
common man, not even at the elementary level. Only families with means
could provide for their children’s education.49

(Ngunit bakit aasahan ni Larkin na mga masa ang magpatakbo sa mga bayan
noon [Himagsikang Pilipino]? Kailangang maintindihan na sa loob ng 300
taong pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas, hindi nabigyan ng
edukasyong panlahat ang mga ordinaryong tao, kahit man lang antas
elementarya. Tanging ang mga maykaya lamang ang nakapagbigay ng
edukasyon sa kanilang mga anak.)

Nakakita naman ng pagkakataon si Larkin na sagutin ang paratang sa kaniya ni

Soriano sa International Conference on the Centenary of the Philippine Revolution ng

National Centennial Commission noong 1996. Binasa niya roon ang “Pampanga Views

the Revolution: Imagination and Memory of a Time of Suffering and Sacrifice”. Ayon

kay Larkin:

What inspired a return to this subject was a recent comment by Rafaelita


Hilario Soriano, historian and descendant of Pampanga’s Republican
Governor Tiburcio Hilario, that I “despised” the educated elite of Pampanga

49
Soriano, A Shaft, 267.

29
who led the revolution in the province. Her remark surprised me, since I had
not intended to pass any such judgement. I sought, instead, just to point out
that this elite did not represent the only sentiments of the people of the
province toward the revolution and its goals.50

(Ang nag-udyok sa akin na balikan ang paksang ito [Himagsikan sa


Pampanga] ay ang komentaryo kamakailan ni Rafaelita Hilario Soriano,
historyador at inapo ng Republikanong Gobernador ng Pampanga na si
Tiburcio Hilario, na di umano’y aking “hinamak” ang mga edukadong
principalia ng Pampanga, na nanguna sa himagsikan sa lalawigan. Ikinagulat
ko ang kaniyang pahayag dahil hindi ko nais maglabas ng ganoong
paghuhusga. Akin lamang ipinahayag na hindi kinakatawan ng mga uring
principalia na ito ang sentimyento ng probinsya sa himagsikan at ang tunguhin
nito.)

Damay din sa mga pinatamaang Pampango ni Larkin mula sa uring principalia

ang lolo ni Gonzalez (Joaquin), kaya’t hindi na dapat pagtakhan kung bakit itinuring niya

ang The Pampangos ni Soriano na “nagtama” sa “makitid na pag-unawa” (limited views)

ng The Pampangans ni Larkin.51 (Sinadya kaya na tapatan ni Soriano ang pamagat ng

aklat ni Larkin?)

Nanindigan naman si Larkin sa kaniyang pag-aanalisa sa Himagsikan sa

Pampanga:

…for a majority, loyalty to the republic took second place to their need to
protect themselves, their families, and their way of life from the insecurity and
violence that threatened their world, and they accepted whichever power
governed the province at a particular time… (That was why) a substantial
number of the elite of the province, landholders and professionals from the
towns, joined the government of Aguinaldo, sending him financial and other
kinds of aid…52

50
Larkin, “Pampanga Views,” 590.

51
Gonzalez, “Introduction,” ibid.

52
Larkin, “Pampanga Views,” 591.

30
(...sa nakararami, pangalawa lamang ang katapatan sa republika sa
pagprotekta nila sa kanilang mga sarili, pamilya, at pamumuhay mula sa banta
at gulo na gumigimbal sa kanilang mundo, at tinanggap lamang nila kung sino
ang nasa kapangyarihan sa probinsya sa bawat panahon... [Kaya’t...] ilang
elite, maylupa at propesyonal mula sa iba’t ibang bayan ng probinsya ang
sumama sa pamahalaan ni Aguinaldo, na nagpadala ng tulong pinansyal at
iba’t ibang anyo ng ayuda...)

Kinwestyon naman ni Larkin ang tila pag-iitsupwera ni Soriano sa mga itinuring

nitong “ignorante” noong Himagsikan sa Pampanga:

Thus, according to her, only the elite had the ability and, therefore the right, to
lead the province and the country.53

(Kaya’t, ayon sa kanya [Soriano], tanging mga mayayaman lamang ang may
kakayahan at, kung gayon, ang may karapatan na pamunuan ang probinsya at
ang bansa.)

Hindi na ito nakakagulat dahil tangay-tangay pa rin ni Soriano ang pag-itsupwera sa mga

Santa Iglesia sa kasaysayan, tulad ng pagpurga sa mga iyon ng mga Espanyol, ng mga

uring principalia, at ng mga pinuno ng Himagsikan sa Pampanga noong 1898-1899.

Kulang sa pag-unawa sa kasalimuotan ng Himagsikan sa Pampanga ang nakita pa

ni Larkin na suliranin ng mga naisulat nina Henson at Soriano (at ang La Senda del

Sacrificio ni Alejandrino):

What is common to the works of Alejandrino, Henson, and Soriano is their


unwillingness to acknowledge the complexity of the revolution in Pampanga.
They exhibit little symphaty for the Capampangan noncombatants trying to
survive the war in their midst... Furthermore, the three authors either ignore or
disparage the role and the aims of the poor in the struggle. They belong to the
landholding class, and the tenant-landlord confrontations in the province from the

53
Ibid., 599.

31
1920s to the 1960s dissuade them from acknowledging any positive or active part
played by the likes of Felipe Salvador or Pedro Abad Santos. Those with power
have thus tried to shape the collective memory of the revolution in Pampanga.54

(Kung ano ang pagkakatulad ng mga sinulat nina Alejandrino, Henson, at


Soriano, iyon ay ang kawalan nila ng pagkilala sa kasalimuotan ng rebolusyon sa
Pampanga. Wala silang simpatya sa mga karaniwang Kapampangang hindi
lumaban, na nagsikap mabuhay sa kasagsagan ng digmaan... Gayundin,
binalewala o hinamak ng tatlong may-akdang ito ang gampanin at layunin ng
mga maralita sa pakikibaka. Galing sila sa uri ng mga maylupa, at ang mga
komprontasyon sa pagitan ng mga kasama at amo sa lalawigan mula 1920
hanggang 1960 ang pumigil sa kanila na kilalanin ang ano mang maganda o
aktibong papel na ginampanan nina Felipe Salvador o Pedro Abad Santos. Silang
may kapangyarihan ay tinangkang hubugin ang kolektibong memorya ng
rebolusyon sa Pampanga.) (Akin ang diin)

Sa disertasyon nina Ileto at Guerrero na Pasyon and Revolution (Cornell

University, 1974) at Luzon at War (University of Michigan, 1977), iginiit nila na dapat

maging integral na parte ng Himagsikan sa Pampanga ang kilusang sosyal ng Santa

Iglesia. Ayon kay Guerrero:

I shall also try to show that these movements (i.e., the Pansacula, Santa
Iglesia, Guardia de Honor and Colorum), which have been labelled as “messianic”
movements were in fact integral and structural parts of the national struggle.
We do not know the peasants well enough. Their attitudes and
participation in the Revolution have been taken for granted as to give the
impression that they are nothing more than mere numbers to be counted, incapable
of giving expression to their needs and aspirations.55

(Ipakikita ko rin [tinutukoy niya ay ang kaniyang disertasyon] na ang mga


kilusang ito [i.e., Pansacula, Santa Iglesia, Guadia de Honor, at Colorum], na
binansagang mga kilusang “mesayaniko,” sa katunayan ay mahahalaga at
kabahagi ng pambansang pakikibaka [Himagsikang Pilipino].
Hindi natin gaanong alam ang mga magsasaka. Ang pagtingin at bahagi
nila sa Himagsikan ay binalewala, na nagbibigay impresyon na sila’y mga bilang
lamang [at] walang kakayahan na bigyang buhay ang kanilang pangangailangan at
nasa.)

54
Ibid.

55
Milagros C. Guerrero, Luzon at War: Contradictions in Philippine Society, 1898-1902 (Lungsod ng
Mandaluyong: Anvil Publishing, Inc., 2015), 182-3.

32
Tulad ng puna ni Larkin sa paraan ng pag-analisa ng mga historyador ng

Pampanga, ibinulalas ni Guerrero ang ganito:

This attitude… [that they were] “savage mobs”…, “bandits” and


“fanatics” was an aspect of the typical and unreconstructed Spanish view that only
the members of the socioeconomic elite (ilustrados, caciques, local and
superprincipalia) were capable of spearheading a nationwide, politically
sophisticated revolutionary movement.56

(Ang pagtingin na ito... na “mababalasik na masa”..., “bandido” at “panatiko” [ang


mga tulad ng Santa Iglesia]... ay dalumat ng tipikal at kulang-kulang na pananaw
ng mga Espanyol na tanging mga miyembro lamang ng sosyo-ekonomikong elite
[ilustrado, cacique, lokal, at superprincipalia] ang may kakayahang pangunahan
ang isang pambansa at sopistikadong politikal na kilusang mapanghimagsik.)

Sa disertasyon ni Ileto, malinaw niyang tinalakay na aktibo na ang Santa Iglesia

sa Pampanga bilang kapatirang relihiyoso sa pamumuno ni Cortez ng Apalit mula pa

noong 1887, at ipinagpatuloy ito ni Salvador bilang Santa Iglesia noong 1894. Mula sa

pagiging kapatirang relihiyoso, napilitan itong humawak ng armas noong Pebrero 1898

hanggang noong 1910. Marami itong tagasunod sa mga bayang agrikultural mula sa

paanan ng Bundok Arayat hanggang sa wawa ng Ilog Pampanga—Apalit, San Simon,

San Luis, Santo Tomas, Santa Ana, Candaba, at Macabebe.57

Mabigat naman ang pahayag ni Guerrero tungkol sa pag-itsepwera sa papel ng

Santa Iglesia sa kasaysayan ng paggiit sa isang pambansang komunidad mula noong

Himagsikang Pilipino hanggang Digmaang Pilipino-Amerikano: “ang itanggi ang

56
Ibid., 183-4.

57
Reynaaldo C. Ileto, Pasyon and Revolution: Popular Movements in the Philippines, 1840-1910 (Lungsod
ng Quezon: Ateneo de Manila University Press, 1979), 263-5.

33
kaugnayang ito ay tila pagkakait na rin natin sa masa ng kanilang aktibong partisipasyon

sa kasaysayan ng Himagsikan.”58

Hindi man isinali sa kabanata hinggil sa Himagsikan, para kay Larkin, kritikal ang

papel ng Santa Iglesia sa mga sumunod na nangyari sa Pampanga sa pagtuntong ng

rehimeng Amerikano. Ayon sa kaniya: “ang Santa Iglesia ang kauna-unahang kilusan na

naitala sa kasaysayan ng Pampanga na nakapanghimok ng pambihirang bilang ng mga

tagasunod,” na lubhang ikinabahala kapwa ng mga Pampangong principalia at

Amerikano. Malakas ang dating ni Salvador sa mga maralitang Pampango: “Pumili sila

ng bagong lider, isang mistiko na isa sa mga ipinangako ay pagpapamahagi ng lupa”

(akin ang diin).59 Ang pangakong iyon ni Salvador ay kasabay niyang namatay noong

1912 (taon kung kailan siya binitay), na siya ring tuluyang ikinalansag ng Santa Iglesia.

Ngunit hindi ito nangangahulugang naglaho na rin ang lakas ng loob ng mga

magsasakang Pampango na lumaban sapagkat “sa kauna-unahang pagkakataon,” ani ni

Larkin, “isang samahan ng mga magsasaka ang tumanggi sa pamumuno at pagsuporta ng

mga maylupang uri na tatangay sa kanila sa panahon ng pagbabago at depresyong

ekonomiko.” Naakit ng ideolohiyang sosyalismo ang mga ordinaryong Pampango, at ilan

sa mga ito ay dating miyembro ng Santa Iglesia.

Napansin ni Brian Fegan ang katangian ng sosyalismo na mayroon sa Gitnang

Luzon, partikular sa Pampanga: “Ang mga miyembrong magsasaka ay may pinagsamang

58
Guerrero, Luzon at War, 185.

59
Ileto, Pasyon, 238.

34
(syncretic) katutubong pananaw na Marxismo (folk-Marxist ideas), na nakuha nila mula

sa nakagawian na nila na pananaw-katutubong-Katolisismo (folk-Catholic ideas).”60

Nagmungkahi naman si Ruth Thor Carlson ng alternatibong pananaw: may bahid pa rin

ng Santa Iglesia ang kilusang sosyal sa Luzon dahil ang turing nila kay Luis Taruc, lider

sosyalista, ay reinkarnasyon ni Salvador. Ayon kay Carlson:

To appreciate the powerful appeal Luis Taruc’s message held among peasants,
however, we must engage more than his political philosophy. His message
resonated in part because Taruc was regarded by many to be the reincarnation of
the turn-of-the-century revolutionary and mystic, Felipe Salvador. To date, this
facet of the Huk Supremo’s identity has remained unexplored by scholars—
likely because it is not mentioned in either of his two published autobiographies,
Born of the People (1953) and He Who Rides the Tiger (1967), and because
Taruc himself found the belief somewhat troubling and embarrassing.61

(Upang mapahalagahan ang malakas na dating ng panawagan ni Luis Taruc sa


mga magsasaka, kailangan nating tumawid pa sa kaniyang pilosopiyang
politikal. Naging katanggap-tanggap ang panawagan ni Taruc dahil kinilala siya
ng marami bilang reinkarnasyon ng manghihimagsik at mistiko sa pagpapalit ng
siglo, si Felipe Salvador. Hanggang sa ngayon, ang katangiang ito ng Supremo
ng Huk ay isa pang masukal sa mga iskolar—malamang marahil sa hindi
nabanggit man lang sa dalawang sariling talambuhay (ni Taruc), ang Born of the
People [1953] at He Who Rides the Tiger [1967], at dala na rin na ang
paniniwalang ito ay nakakabagabag at nakakahiya para sa kaniya.)

Nakapanayam mismo ni Carlson si Taruc hinggil dito noong 1996.

Ngunit ang mga Macabebe ay may ibang pinagdaanang proseso kumpara sa lahat

ng mga Pampango noong ika-20 siglo. Ang pagpapatayo ng mga Macabebe ng

60
Brian Fegan, “The Social History of a Central Luzon Barrio,” sa Philippine Social History: Global Trade and
Local Transformations, pinamatnugutan nina Alfred W. McCoy at Ed. C. De Jesus (Lungsod ng Quezon:
Ateneo de Manila University Press, 1982), 107.

61
Keith Thor Carlson, “Born Again of the People: Luis Taruc and Peasant Ideology in Philippine
Revolutionary Politics,” Histoire Sociale 41:82 (Nobyembre 2008), 426-8/417-58.

35
monumento ni Rizal noong 1919 at ng “King of Macabebe” (sa alaala ng lider ng

Macabebe na lumaban sa mga Espanyol sa Labanan sa Bangkusay noong 1571) noong

1934 ay matitinding manipestasyon ng pagyakap nila sa diwa ng nasyonalismo at

pakikiisa sa pagbubuo at pagsusulong sa pambansang komunidad. Para kay Larkin, ang

paggunita ng mga Pampango kay Rizal (i.e., sa pamamagitan ng mga selebrasyon,

parada, at monumento, ay hindi politikal kundi kultural); samakatuwid, simbolikal na

modelo, at ito ay matinding kontradiksyon ng isang lipunang maka-Espanyol.62 Maaaring

totoo ito sa kaso ng pagpapatayo sa bantayog ni Rizal sa Macabebe, ngunit hindi sa kaso

ng bantayog ng “King of Macabebe,” na mas paglilinis sa pangalan ang motibo: dala ito

ng indignasyon sa mga Macabebe ng mga Pilipino bilang mga taksil sa Himagsikan.

Masasabing kabalintunaan ang mga monumentong ito sa Macabebe. Ngunit kailangang

makita ang malakas na mensahe ng pagpapatayo sa mga istrukturang ito: na hindi kaiba

ang Macabebe sa mga Pilipino. Sa huling digmaan nilang sinalihan, ang Ikalawang

Digmaang Pandaigdig, napakaraming Macabebe ang lumaban sa mga Hapon, kapwa sa

panig ng pamahalaan-Amerikano at sa Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon (Hukbalahap).

Ito ang huling pagkakataon nilang maisalba ang dangal nila, ng kanilang bayan, at ng

mga susunod sa kanila.

May alternatibong pagtingin naman si Teodoro Agoncillo sa papel ng mga

Pampango sa Himagsikan—mga Macabebe lang naman ang naiiba, dahil, di umano, mga

bayarang sundalo (mersenaryo) ang mga ito at hindi katutubo sa Pilipinas kundi mga

Yaqui Aztec ng Mexico para magkaroon ng diwa ng pambansang komunidad. Macabebe

62
Larkin, The Pampangans, 183.

36
phenomenon ang tawag dito ng peryodistang Pampango na si Renato “Katoks” Tayag na

naglabas ng komentaryo hinggil kay Agoncillo:

Some months before he passed away, Teodoro Agoncillo and I were at the
National Library office of Director Serafin Quiason with group of writers. I
engaged him in conversation on the subject of the Macabebes.
“You know,” he remarked at one point, “they are different from other
Pampangos. I believe they are descended from the Mexicans.” To this Abe Cruz,
one of the writers, nodded in approval.

37
Bantayog ni Rizal sa Poblacion, Macabebe, Pampanga (itinayo, 1919) bago tanggalin sa pedestal
na ito sa tapat ng munisipyo at ilipat sa ibang lugar noong bandang 2009. IAN CHRISTOPHER B.
ALFONSO

38
Bantayog ng “King of Macabebe” (1934) sa Poblacion, Macabebe, Pampanga. RUSTON BANAL

39
Panandang marmol na dating nakalagay sa pedestal ng bantayog ng “King of Macabebe.” Nawala
na ito nang pagpalitin ng puwesto ang “King of Macabebe” at si Rizal sa Poblacion, Macabebe,
Pampanga noong 2009. IAN CHRISTOPHER B. ALFONSO

40
How Agoncillo arrived at this conclusion, I have no way of knowing. But
after he made this statement, I came across the first mention of the Macabebes in
Philippine history. This was at the Battle of Bankusay in May 1571 (sic, Hunyo).63

(Ilang buwan bago siya mamatay, ako at si Teodoro Agoncillo ay nasa


tanggapan ni Serafin Quiason [isang Pampango] sa Pambansang Aklatan, kasama
ang [isang] grupo ng mga manunulat. Nakausap ko siya hinggil sa mga Macabebe.
“Alam mo,” banggit niya, “kaiba sila sa lahat ng mga Pampango.
Naniniwala ako na nagmula sila sa mga Mexicano.” Tinanguan ito ni Abe Cruz
[na Pampango rin], isa ring manunulat.
Wala akong alam kung bakit nagkaroon ng ganitong konklusyon si
Agoncillo. Ngunit makaraan ang pahayag niyang ito, natuklasan ko ang unang
pagkakabanggit sa Macabebe sa kasaysayan ng Pilipinas. Ito ay sa Labanan sa
Bangkusay noong Mayo 1571 [sic, Hunyo]).

Iginiit ni Tayag na imposibleng mula sa Mexico ang mga Macabebe, dahil sila

ang unang mga katutubo sa bahaging ito ng mundo na nagdeklara ng digmaan sa mga

Espanyol noong 3 Hunyo 1571, sa kabila ng pag-abandona sa kanila ng mga Tagalog.

Pinamunuan ng “Hari” ng mga Macabebe ang 2,000 mandirigmang Muslim ng Macabebe

at Hagonoy (itong huli ay sa Bulacan na ngayon), na ang layon ay palayasin ang mga

Espanyol—ngunit sinadya ng mga Espanyol na hindi pangalanan ang “Hari” sa mga

dokumento. Tinanggihan ng nasabing “Hari” ang alok na pakikipagkaibigan ng mga

kinatawan ni Miguel Lopez de Legazpi at sinabihan silang: “Hatiin nawa ng araw ang

aking katawan at tuluyan na akong ikahiya ng kababaihan sa puntong makipagkaibigan

ako sa inyo.” Mahigit 2,000 sundalo ang pinamunuan ng “Hari” na sumalakay sa mga

Espanyol sa Look ng Maynila. Lulan sila ng 40 caracoa, mga dambuhalang sasakyang

pandagat na ginamit sa pakikidigma sa Timog-Silangang Asya. Dahil sa pumuputok na

armas (harquebus) ng mga Espanyol at tulong ng mga kaalyadong mandirigmang Bisaya,

natalo ang mga taga-Macabebe at taga-Hagonoy, at napatay sa laban ang “Hari.”

Itinuring siyang pinakamatapang sa kapuluan, at ang pagkatalo niya ang nagpalakas ng

63
Renato D. Tayag, Recollection & Digressions (S.l.: Philnabank Club, 1985), 156-7.

41
loob sa mga Espanyol na tuluyang sakupin ang Luzon.64 Siya ang pinarangalan ng

Macabebe sa monumento nito na “King of Macabebe” noong 1934.

Sa pag-aaral naman ng Thomasite na si Luther Parker sa lipunang Pampango

noong 1911, ganito niya inilarawan ang bayan ng Macabebe:

The Pampanga[n]s have had one town that has remained loyal to
constituted authority through three hundred years, the renowned town of
Macabebe. There is a popular misconception... [that] the Macabebes [are] a
distinct tribe different from the Pampangans. This is not true. In fact the
Macabebe is the true Pampangan since it is quite likely that the town… was one
of the original towns founded on the bay by the first settlers in Pampanga.
The Macabebes were noted as fighters even before the settlement of
Pampanga..., fine and loyal and brave body of oriental troops as can be found in
all the East.65

(May isang bayan ang mga Pampango na naging tapat sa namamahalang


awtoridad sa loob ng tatlong daang taon [rehimeng Espanyol], ang kilalang
bayan ng Macabebe. May malaganap na miskonsepsyon, na ang mga
Macabebe... ay ibang tribo kaysa mga Pampango. Hindi ito totoo. Ang
katunayan nito, mga Macabebe ang tunay na Pampango dahil malamang sa
malamang... sila ang isa sa mga unang bayan… na itinatag sa baybay-dagat ng
mga unang nanirahan sa Pampanga.

Ang mga Macabebe ay kilalang mga mandirigma bago pa man itatag


ang Pampanga [bilang probinsya ng mga Espanyol]..., matitino, matatapat, at
matatapang na pangkat ng hukbong oryental katulad ng iba pang matatagpuan sa
Silangan.)

Kung hindi mga Pampango ang tinutukoy na “taksil” at “dugong aso”, mga

Macabebe ang tumatanggap sa mga naturang insulto.66 Kaugnay naman ng problemang

64
Tingnan ang Ian Christopher B. Alfonso, The Nameless Hero: Revisiting the Sources on the First Filipino
Leader to Die for Freedom (Lungsod ng Angeles: Holy Angel University Press, 2016).

65
Luther Parker, “Some notes in Pampanga, 1911.” Luther Parker Collection, Box No. 2, Folder No. 43,
Document No. 248, pp. 7-8, University of the Philippines Diliman Main Library Special Collection.

66
Tingnan ang Tonette Orejas, “Macabebe Stigma: The fight to remove ‘dugong aso’ tag,” Philippine Daily
Inquirer, 10 Hunyo 2014.

42
ito ang kuro-kuro ni Larkin na nang dahil “hindi nakisama sa hangarin [ng Himagsikang

Pilipino] at iba ang tinahak[,] binalewala o itinuring na mga taksil” sa kasaysayan ang

mga Pampango.67 Kaya’t problema rin ang pag-unawa sa kalagayan ng Macabebe at

kung paano ito mabibigyan ng puwang sa kasaysayan ng Himagsikan sa Pampanga at ng

Pilipinas nang may imparsyalidad.

Ang Kasalimuotan ng Himagsikan bilang Pangyayari at Proseso

Gamit bilang halimbawa ang mekanismo at daynamiks ng Himagsikan sa Bikol,

ayon kay Padre John Schumacher, SJ, may “distinct character” ang Himagsikan sa labas

ng Maynila na kailangang pagtuunan ng pansin sa historyograpiya ng Himagsikan.68

Ayon pa sa kaniya, kapansin-pansin sa mga pag-aaral tungkol sa kasaysayang panlipunan

ng mga lalawigan ang “sapat na patunay na may iba’t ibang dahilan, epekto, at karakter

ang Himagsikan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, na bubuwag sa mga monolitikong

paglalahat na parating nangingibabaw” (akin ang diin).69 Nais makita ni Schumacher ang

“malinaw na kasalimuotan” ng Himagsikan at “ano pa ang kailangang gawin upang

mabuo ang komprehensibong larawan nito.”70 Kung ilalatag naman ang “natatanging

67
Larkin, “Pampanga views,” 599.

68
Cf. John N. Schumacher, “Foreword,” sa The Philippine Revolution in the Bicol Region, ni Elias M.
Ataviado, unang tomo (Lungsod ng Quezon: New Day Publishing, 1998), iii.

69
Schumacher, “Recent Perspectives,” 445.

70
Ibid., 445-6.

43
Pantaleon Villegas. USC CEBUANO STUDIES CENTER

44
karakter” na ito ng Himagsikan sa mga lalawigan, makikita ang kasalimuotan na

naobserbahan ni Larkin, sa kaso ng Pampanga. Sa pangungusap naman ni Resil Mojares,

“sa lahat ng lagay ng himagsikan, ito [Himagsikang Pilipino] ay isang pangyayari na

masalimuot at malabo,”71 kaya’t hindi nag-iisa ang Pampanga na may masalimuot na

mekanismo at daynamiks.

Tulad sa Pampanga, ang Himagsikan sa Cebu ay may kasalimuotan din. Pinaslang

mismo ng mga manghihimagsik sa Carcar, Cebu ang kanilang pinuno na si Pantaleon

Villegas, alyas Leon Kilat, noong 8 April 1898, limang araw matapos ideklara ang

paghihimagsik ng mga Cebuano laban sa mga Espanyol. Pagtataksil ang agad na idinikit

sa insidenteng ito, na ayon kay Phoebe Zoe Maria U. Sanchez, ay isang padalos-dalos na

pagtataya. Sa pag-aaral ni Sanchez, sapin-sapin ang mga isyu sa likod ng pagpatay kay

Leon Kilat, na mauugat, ayon sa kaniya, sa kalabuan ng himagsikan sa mga Cebuano at

ang dala-dala nitong diwa ng pamayanang pambansa:

Walang duda na ang pananaw ng tunay na kalayaan ay siyang nag-uudyok kay


Heneral Villegas na manghimagsik. Ngunit sayang lamang at hindi lubos na
naiintindihan ang kanyang pakay at siya’y pinaslang mismo ng kanyang mga
kasamahan sa pinakahayop na pamamaraan.72 (Akin ang diin)

71
Resil B. Mojares, “Reiventing the Revolution: Sergio Osmeña and Post-Revolutionary Intellectuals in the
Philippines,” Philippine Quarterly of Culture and Society 24:3/4 (Setyembre/Disyembre 1996), 269/269-86.

72
Phoebe Zoe Maria U. Sanchez, “Ang Pagtataksil ng mga Carcaranon sa Rebolusyon,” Daluyan 9:1-4
(2000), 357-8.

45
Paliwanag pa ni Sanchez, ang “pakikibaka upang marating ang kalayaan ay isang

mabigat na tungkulin at isang mahabang proseso na hindi kakayanin ng iilan lamang.”73

May kaugnayan dito ang dalumat ni Francis Gealogo sa kalayaan-bilang-proseso. Gamit

ang diwa ng kalayaan nina Rizal, Bonifacio, at Mabini, ayon kay Gealogo:

...when Jose Rizal, Andres Bonifacio, and Apolinario Mabini talked about
freedom, they did so from the perspective of freedom as a complete, indivisible
concept: a process, condition, and value all merged into one, that could be effected
only through the collective enterprise of the people.74

(...sa pagdalumat nina Jose Rizal, Andres Bonifacio, at Apolinario Mabini ng


kalayaan, hinugot nila ito mula sa dalumat na ang kalayaan ay isang buo at hindi
mabibiyak na diwa: ito ay pinagsasama-sama bilang isang proseso, kondisyon, at
pagpapahalaga na iiral lamang sa kolektibong pagsusulong ng mga tao.)

Kakambal ng prosesong ito ang panahon: panahon upang makibagay, tanggapin,

at tangkilikin ang pangkalahatang pagbabago, na siyang pinakaesensya ng himagsikan—

ang ganap na pagbaklas sa kaayusang umiiral, i.e., kaayusang kolonyal. Pagbabagong

puri ang termino rito ni Mabini. Ang mga panahong ito ay napagkait sa mga Pilipino

sapagkat isang linggo’t kalahati lamang mula nang itatag ang República Filipina

(Malolos, Bulacan, 23 Enero 1899), sumiklab naman ang Digmaang Pilipino-Amerikano

(Sta. Mesa, Maynila, 4 Pebrero 1899). Kung kaya’t hindi tahasang masasabing

naunawaan na ng marami noon ang diwa ng pagiging bansa, o nagkaroon nga ng isang

“pambansang pagkamulat” (national awakening) noong mga huling taon ng ika-19 na

73
Ibid., 358.

74
Francis A. Gealogo, “Freedom as a process, condition, and value,” sa Maria Serena I. Diokno, pat., A
Sense of Nation: The Birthright of Rizal, Bonifacio, and Mabini (Maynila: National Historical Commission of
the Philippines 2016), 83.

46
siglo. Malaki rin ang epekto ng biglang pagpasok sa eksena ng Estados Unidos sa

paglaganap ng diwa ng Himagsikang Pilipino.

Sa pag-aaral ni Volker Schult sa naging galaw ng Himagsikan sa Mindoro,

dayuhan ang ideya ng kalayaan at Himagsikan para sa mga taga-Mindoro. Tinawag ni

Schult na imported revolution ang Himagsikan dahil mga taga-labas ang nagpasok nito sa

Mindoro75—isang nagngangalang Juan Naguit ng Cavite ang nanguna sa pagsiklab ng

Himagsikan doon noong 22 Mayo 1898. Dahil sa lapit ng Mindoro sa Batangas,

nakatulong ang mahigit 1,000 Batangueñong manghihimagsik sa pagkubkob sa Calapan,

kabisera ng Mindoro, noong 1 Hulyo 1898.76 Tanging principalia, na may kanikaniyang

mga tagasunod, lamang ang naengganyo na yakapin ang Himagsikan. Hindi ito popular

sa ordinaryong mamamayan sa Mindoro dahil sa kawalan ng anumang maaaring maging

dahilan upang labanan ang mga Espanyol. Tulad ng karanasan ng mga taga-Mindoro sa

Himagsikan, sa labas ng Pampanga nanggaling ang pagkilos laban sa Espanya.

G. Potensyal na Ambag sa Pag-aaral

Dalawa ang nakikitang ambag ng pag-aaral na ito: ang pagsulat sa kasaysayan ng

Himagsikan sa Pampanga at ang pagtitistis sa proseso ng pagiging bahagi ng mga

Pampango ng isang pambansang komunidad. Inaasahan na kahit papaano ay makatulong

75
Volker Schult, “Revolution and War in Mindoro, 1898-1903.” Philippine Studies 41:1 (Unang Kwarter
1993), 77/76-90.

76
Ibid., 79.

47
ang pag-aaral na ito na mabigyang konteksto ang desisyon ng ilang mga Pampango na

protektahan ang interes ng Espanya, at ang kabalintunaan naman nito, na isa di umano

ang Pampanga sa unang mga lalawigang lumaban sa mga Espanyol noong Himagsikang

1896. Sa kabila ng kakumplikaduhan, kinakailangang maipaliwanag nang maayos sa

kasalukuyang henerasyon ng mga Pilipino ang proseso ng pagiging bansa, at ito’y hindi

madali.77

77
Maganda ang repleksyon ni Niels Mulder sa estado ng pagtuturo sa mga paaralan sa bansa ng
“pambansang komunidad” sa nagdaang limampung taon. Ayon sa kaniya: “Marahil ay kasangkapan ang
mga paaralan ng propaganda... ng paglikha ng isang pambansang komunidad mula sa pagkakaiba-iba ng
7,107 pulo at 111 wika at kultura.” Cf. Niels Mulder, “The Ideology of Philippine National Community,”
Philippine Studies 46:4 (Ika-4 na Kwarter 1998), 477/477-91.

48
IKALAWANG KABANATA

HISPANISADONG PAMPANGA

Bago ang Himagsikang 1896, kilala ang mga Pampango dahil sa mahabang

kasaysayan nito ng pagiging masunurin at matapat sa mga Espanyol. Sa katunayan,

dalawang dekada bago ang Himagsikan, puring-puri pa ng Espanyol na mamamahayag na

si Jose Felipe Del-Pan ang mga Pampango bilang “los leales compañeros en nuestras

desgracias y en nuestras glorias” (‘matapat na kasama sa aming mga kasamaang-palad at

aming mga tagumpay’).1 Tila may tono pa ng pag-asa si Del-Pan na manatili pa rin ang

mga Pampango na matatapat na sakop ng Espanya sa panahong punong-puno ng krisis

politikal sa imperyong Espanya dahil sa diwa ng liberalismo, kalayaan, demokrasya,

republikanismo, pagkakapantay-pantay, at karapatang pantao.

Sino ang mga Pampango?

Mga Espanyol na ang tumawag ng “Pampango” sa mga katutubo ng Luzon na nasa

hilagang Look ng Maynila. Demonym2 ito na hinango sa lugar na kung tawagin ay

1
Jose Felipe Del-Pan, “Una Vista al P. Juan de Capas y as sus Aetas en 185…” Revista de Filipinas 1:1 (1875),
300.

2
Termino ito na pantukoy sa palasak na pagkakakilanlan sa mga mamamayan ng isang teritoryo.

49
“Pampanga,” isang geopolitical unit sa Luzon na binuo ng mga Espanyol matapos itatag

ang Lungsod ng Maynila noong 1571. Walang kahulugan ang “Pampanga” sa wikang

Kapampangan—ang tanggap na tawag ng mga Pampango sa kanilang wika—sapagkat

kurapsyon ito ng mga Espanyol3 sa salitang “Capangpangan,”4 ang matandang pangalan

ng Pampanga na lumitaw sa mga talang Espanyol. “Pook ng mga pampang” ang literal na

ibig sabihin ng Capangpangan,5 at ang anyong semantikal nito ay tipikal sa Kapampangang

3
Ang “Capangpangan” bilang sinaunang anyo ng pangalang “Pampanga” ay unang iminungkahi ng mga
iskolar na sumulat sa kasaysayan ng mga lalawigan ng Filipinas sa Census of the Philippine Islands noong
1903: “The Pampangan occupy the rich central valley of Luzón, the flood plain of the Río Grande de la
Pampanga. The ancient form of this name is Capangpangan, which is composed of the word pangan [sic],
‘bank of the rivers,’ the prefix ca or ka, signifying a place, and the suffix an, which means multitude, the
whole meaning ‘where there are a great many river banks,’ a natural designation for this region when we
consider the innumerable esteros and river mouths which cross the lower part of this province facing the
north of Manila bay.” Ito rin ang paliwanag ng historyador na si Padre Miguel Bernad, SJ: kurapsyon ang
“Pampanga” ng “Capampangan” na ang ibig sabihin ay “region of cliffs or river-gorges; and it was along
these rivers that the principal villages were located, some of which were fortified.” Cf. U.S. Bureau of the
Census, Census of the Philippine Islands, 1903 (Washington, DC: U.S. Bureau of the Census, 1905), Tomo I,
450; Miguel A. Bernad, The Christianization of the Philippines: Problem and Perspectives (Manila: The
Filipiniana Book Guild, 1972), 111-2.
4
Ang pinakamaagang batis na nagbabanggit sa pangalang “Capampangan” ay may petsang 1572. Tatlong
beses na binanggit ang pangalang “Capanpanga” (sic): una, bilang provincia na may “maraming ilog na
pinamamayanan ng mga tao;” pangalawa, bilang provincia ng mga katutubo na nagtungo sa Maynila upang
ipaalam sa mga Espanyol na may bihag silang dalawang kababayan ng mga ito (isang Fleming at isang
Vizcayano), at sa mga ito sila “natutong gumawa ng kanyon;” at pangatlo, provincia na ayaw pasakop, lalo
na ang mga Moro ng Betis na “ayaw makipagkaibigan sa mga Espanyol.” Cf. “Conquest of the Island of
Luzón, Manila, 20 April 1572,” sa The Philippine Islands 1493-1898 pinamatnugutan nina Emma Helen Blair
at James Alexander Robertson (Cleveland, Ohio: The Arthur H. Clark Company, 1903-1909), Tomo 3, 157,
160, 162.

5
Ayon kay Padre Diego Bergaño, OSA noong 1732, “Capangpañgan” ang tawag ng mga katutubo ng
lalawigang ito sa Pampanga dahil ‘marami itong pampang at mga ilog’ (“y así llaman esta prov. porque está
en lugar de muchas orillas, de muchos rios”). Cf. “Pangpang,” Diego Bergaño, Vocabulario de la Lengua
Pampanga en Romance (Maynila: Imprente de Ramirez y Giraudier, 1732/1860), 172.

50
toponymy6 (e.g., Cabalantian,7 Caputatan,8 Cabanatuan9). Naitala naman sa huling habilin

ng isang mapia10 o naghaharing uri/kadatuan/nobilidad na si Pansomun (Fernando Malang

Balagtas ang binyagang pangalan) noong 1589 ang mga pamayanang saklaw ng

Capangpangan: halos nakakalat sa bahaging delta ng Rio Grande de la Pampanga sa

Gitnang Luzon na binubuo ngayon ng mga lalawigan ng Pampanga, Bulacan, at Nueva

Ecija.11 “Capangpangan” din ang tawag sa pangunahing ilog na dumadaloy dito na

kalauna’y nakilala bilang Rio Grande de la Pampanga.12

Sa kasalukuyan, Kapampangan ang tanggap na tawag sa mga Pilipinong

nagsasalita ng naturang wika sa Gitnang Luzon. Ang mga Kapampangan ay matatagpuan

hindi lamang sa Pampanga kundi maging sa Dinalupihan at Hermosa, Bataan; sa Lungsod

6
Toponymy ang pag-aaral sa mga pangalang lugar.

7
Nangangahulugang pook ng mga balanti (Homonoia riparia) na isang uri ng bakawan na ginagamit bilang
pangkulay, i.e., itim. Cf. US Bureau of the Census, Census of the Philippine Islands, 1903 (Washington: US
Bureau of the Census, 1905), Tomo 4, 122-3; Peter Hanelt Institute of Plant Genetics and Crop Plant
Research, pat., Mansfeld's Encyclopedia of Agricultural and Horticultural Crops (Germany: Springer, 2001),
Tomo 1, 1197.

8
Nangangahulugang pook ng mga punong putat (Barringtonia racemose) na ginagamit bilang gamot. Cf.
Eduardo A. Quisumbing, Medicinal Plants of the Philippines (Lungsod ng Quezon: Katha Publishing
Company, 1978), 650-1.

9
Nangangahulugang pook ng mga punong banato (Mallotus philippensis) na ginagamit bilang pangkulay,
i.e., pula. Cf. Quisumbing, Medicinal Plants of the Philippines, 521; Umberto Quattrocchi, CRC World
Dictionary of Plant Names (Florida: CRC Press LLC, 2000), Tomo 3, 1600.

10
Cf. “Ap-pia” at “Dayi,” Bergaño, Vocabulario, 21, 89.

11
Cf. Ian Christopher B. Alfonso, “Revisiting the Sources of the Founding of an Early Spanish Town: The Case
of Calumpit, Bulacan.” Journal of Philippine Local History and Heritage, 1:1 (Pebrero 2015), 92-104/79-125.

12
Miguel de Loarca, “Relacion de las Yslas Filipinas, Arevalo, June, 1582.” Sa The Philippine Islands, pat. Blair
at Robertson, Tomo 5, 102.

51
ng Tarlac, Bamban, Capas, at Concepcion, Tarlac; at sa Cabiao, Nueva Ecija.13 Hindi na

bago ang pagtawag ng mga katutubong ito sa sarili nila bilang Kapampangan. Naitala ng

leksikograpong si Padre Diego Bergaño, OSA noong 1732 ang kasabihang “eres soverbio,

Pablasangdayacang Capampangan” (sic, pablasang daya kang Kapampangan) na ang

ibig sabihin ay “mayabang ka, palibhasa dugong Kapampangan ka.”14 Mga taga-labas din

ang tumatawag sa mga Kapampangan ng Pampangueño at Pampangan, bagaman sa mga

dokumentong historikal noong panahon ng mga Espanyol, Pampango ang pantawag sa

kanila.15 Sa pag-aaral na ito, Pampango ang ginamit upang ipantukoy sa mga

Kapampangan ng Pampanga.

Dahil inabutang nananampalataya ng Islam, Moro (Muslim) ang pangkalahatang

tawag sa mga Pampango at Tagalog sa mga tala ng mga Espanyol noong una.16 Sa Boxer

Codex (ca. 1594) kakatwang nabanggit ang mga Tagalog at Moro bilang hiwalay na mga

katutubo ng Luzon. Kung babasahin ang tala sa Boxer Codex tungkol sa mga Moro,

kulturang Tagalog ang inilalarawan. Bagaman, napansin mismo ng sumulat ng codex na

iba ang wika ng mga Moro ng Luzon sa mga Tagalog.17 Wala nang maaaring tukuyin pang

13
Tingnan ang bagong dokumentasyon sa wikang Kapampangan sa Komisyon sa Wikang Filipino, Atlas ng
mga Wika ng Filipinas (Maynila: Komisyon sa Wikang Filipino, 2017), 95.

14
Bergaño, Vocabulario, 87.

15
Komisyon sa Wikang Filipino, Atlas, ibid.

16
“Conquest of the Island of Luzón,” 141; Miguel Lopez de Legazpi, “Letter to Felipe II, 25 July 1570” sa The
Philippine Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo 3, p. 109.

17
Cf. George Bryan Souza at Jeffrey S. Turley, mga pat., The Boxer Codex: Transcription and Translation of
an Illustrated Late Sixteenth-Century Spanish Manuscript Concerning the Geography, Ethnography and
History of The Pacific, South-East Asia and East Asia (Leiden: Koninklijke Brill, 2016), 83 (transkripsiyong
Espanyol), 362 (saling Ingles).

52
Moro ang Boxer Codex na malapit sa Tagalog kundi ang mga Pampango. Isa pang napansin

ng sumulat ng codex na kaibahan ng mga Moro sa mga Tagalog ay ang mga karakter ng

panulat na mayroon sila (Tienen çiertos carat[er]es que les sirven de letras con los quales

escriuen lo que quieren. Son de muy diferente echura de los demas

53
Mga maginoo (kadatuan, principal) ng Luzon, mula sa Boxer Codex (ca. 1590). LILLY LIBRARY,
INDIANA UNIVERSITY

54
que sauemos hasta oy).18 Kung ikukumpara sa baybayin ng mga Tagalog19 at iba pang

panulat, iba ang stroke ng kulitan20 ng mga Pampango: matalim, payak, mabilis.21 Ang

kapayakan ng kasuotan ng kababaihang Moro ng Luzon kumpara sa makukulay at

magarbong pananamit ng kababaihan sa Bisaya ay napuna rin ng sumulat ng Boxer

Codex—repleksiyon ng pananamit ng mga Pampango na ayaw ng matitingkad na kulay

tulad ng maliwanag na dilaw at kahel.22 Panahon ni Gob. Hen. Luis Perez Dasmariñas

(1593-1596) tinatayang sinulat ang Boxer Codex; bagaman sa isang ulat tungkol sa

kaniyang panahon noong 1609, ginagamit na ang demonym na Pampango.23 Tinawag na

lamang silang Pampango kalaunan upang hindi mapagkamali sa kalapit pangkat katutubo

nila, i.e., Tagalog. Magkaiba man ang wika, inabutan ng mga Espanyol ang mga Pampango

at Tagalog na magkakaugnay sa maraming bagay tulad sa politika, gawi, pananamit,

komersyo, at pananampalataya.

18
Ibid.

19
Cf. “A, B, C” sa Domingo de los Santos, Vocabulario de la Lengua Tagala (Maynila: Imprenta Nueva de D.
Jose Maria Dayot, 1794/1835), 2; “A, B, C” sa Pedro de San Buenaventura, Vocabulario de la Lengua Tagala
(Pila, Laguna: Thomas Pinpin y Domingo Loag, 1613), 1, 627.

20
Cf. “Culit” sa Bergaño, Vocabulario, 83.

21
Tingnan ang paghahanay at paghahambing sa mga katutubong panulat sa Filipinas sa Cipriano Marcilla y
Martín, Estudio de los Antiguos Alfabetos Filipinos (Malabon: Tipo-litografia del Asilo de Huérfanos, 1895),
Talahanayan Blg. 6: Antiguos Alfabetos Filipinos.

22
Cf. Souza at Turley, mga pat., The Boxer Codex, 85 (Esp.), 364 (Eng). Naririnig ko sa aking ama (na taal na
taga-Macabebe) noong bata kami ang mga katagang “Bala Bisaya kayu” o ‘parang Bisaya kayo,’ sa tuwing
bibili ang nanay namin (na isang Bikolana) ng maliliwanag na damit tulad ng dilaw at kahel o kung magsusuot
kami ng mga iyon sa misa o lakad. Paliwanag ni Dr. Vicente Villan (sa isa sa aming huntahan noong 2012),
masasayang kulay ang dilaw at kahel para sa mga Bisaya.

23
Cf. Juan Manuel dela Vega, “Expedition to the Province of Tuy, 3 July 1609” sa The Philippine Islands, pat.
Blair at Robertson, Tomo 14, 282.

55
56
Ilustrasyon ng mga Olandes sa bangkang pandigma na caracoa, 1602. GETTY RESEARCH INSTITUTE
Mga 50 taon bago dumating ang mga Espanyol sa Luzon, may tala na ang mga

Portuges tungkol sa mga mandirigma at mangangalakal na taga-Luzon na tinawag nilang

mga “Luçoes” (Luzoes). Hango ang Luçoes sa pangalan ng Luzon, na orihinal na tumutukoy

sa mga pamayanang Tagalog at Pampango na nakapaligid sa Look ng Maynila, kabilang

ang Mindoro na tinawag namang “maliit na Luzon” 24 ng mga Espanyol.25 Sa teorya ni

William Henry Scott:

The fact that Macabebe was able to attack Legazpi’s fleet with forty karakoas only
two weeks after he landed in Manila also suggests that Kapampangans may have
been among the “Luzones”...26

(Ang katotohanan na nagawang umatake ng Macabebe sa hukbo ni [Gobernador-


Heneral Miguel Lopez de] Legazpi, lulan ng apatnapung karakoa (sasakyang
pandigma ng mga Malay) ay nagpapahiwatig na kabilang marahil ang mga
Pampango sa mga “Luzones”…)

24
Ang pangalang “Luzon” ay orihinal na tumutukoy sa mga pamayanan na nakapaligid sa Look ng Maynila
at isla ng Mindoro. Pinatotohanan ito sa dalawang ulat ng mga Espanyol noong 1570: “malaking Luzon” ang
tawag sa isla kung saan matatagpuan ang tanyag na Maynila; “maliit na Luzon” naman ang Mindoro. Cf.
Hernando Riquel, “Act of Taking Possession of Luzon, 6 June 1570,” sa The Philippine Islands, pat. Blair at
Robertson, Tomo 3, p. 105; “Relation of the Voyage to Luzon, 1570,” sa The Philippine Islands, pat. Blair at
Robertson, Tomo 3, p. 74.

25
Ang pinakamalapit na maaaring pinaghanguan sa pangalang Luzon ay ang salitang Kapampangan na
“lusung” o pag-abante tulad sa digmaan (“Ir adelante, puramente”). Ito rin ang akto ng paglalakad sa baha
o sa mababaw na parte ng ilog o dagat. May kaugnayan naman ito sa Tagalog na “lusong” na tumutukoy sa
paglundag mula sa mataas patungo sa ibaba. Maaaring may kaugnayan ang salita sa salitang ugat ng
“Tagalog” na “alog” o mababaw na bahagi ng anyong tubig. Kung papansinin ang topograpiya ng mga
pamayanan sa paligid ng Look ng Maynila, malapit ang mga ito sa katubigan. Cf. “Lusung,” Bergaño,
Vocabulario, 153; Ivan de Noceda at Pedro de San Lvcar, Vocabulario de la Lengua Tagala (Maynila:
Imprenta de la Compañía de Iesvs, 1754), 328.

26
William Henry Scott, Barangay: Sixteenth-Century Philippine Culture and Society (Lungsod ng Quezon:
Ateneo de Manila University Press, 1994), 244.

57
Caracoa ang tawag sa mga dambuhalang sasakyang pandagat na pandigma na

laganap sa Ternate at Moluccas. Kaya nitong maglulan ng 100 hanggang 200 katao.

Simbolo ito ng pagiging makapangyarihan ng isang komunidad.27

Pagpapatahimik sa Pampanga (1571-1603)

Sa unang tatlong dekada ng mga Espanyol sa Luzon (1571-1603), sinikap munang

patahimikin ng mga Espanyol ang mga Pampango, na “pinakatanyag sa pagiging

napakamakapangyarihan”28 at ang “pinakapaladigma.”29 Madali namang napasunod ang

mga Pampango dahil napaslang ng mga Espanyol sa Labanan sa Bangkusay noong 3

Hunyo 1571 ang pinuno ng mga taga-Macabebe na itinuring nilang “ang pinakamatapang

sa kapuluan,”30 na kahit si Lakan Dula ng Tondo ay hindi napigilan. Sa malaong ulat ni

Gob. Hen. Francisco de Sande noong 1577, napansin niya na napasuko nila ang mga

katutubong nanlaban tulad ng mga Pampango dahil “nawalan na sila ng pinuno na kanilang

titingalain.”31 Walang paglaban na nangyari sa Macabebe matapos ang Labanan sa

27
Simbolo ang caracoa ng kapangyarihan sa dagat at ang anumang pamayanan na mayroon nito ay may
kakayahang manalakay. Cf. Fe Mangahas, Ma. Bernadette Abrera, at Carlos Tatel, “Paglinang ng Kabihasnan
at Bayan,” sa Kasaysayang Bayan: Sampung Aralin sa Kasaysayang Pilipino, pinamatnugutan nina Jaime B.
Veneracion at Ferdinand C. Llanes (Maynila: National Historical Commission of the Philippines; Lungsod ng
Quezon: ADHIKA ng Filipinas, Inc., 2012), 25-6.

28
“Conquest of the Island of Luzón,” 162.

29
Gaspar de San Agustin, Conquistas de las Islas Filipinas (Maynila: San Agustin Museum, 1698/1998), 550-
1.

30
Ibid.

31
Francisco de Sande, 1577,” sa The Philippine Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo 4, 106.

58
Bangkusay, at agad kinilala ng mga Muslim doon ang kapangyarihan at lakas ng mga

Espanyol, lalo na ang harquebus (baril).32 Ngunit hanggang maaari, iniwasan ni Legazpi

na magkaroon ng gulo sa pagitan ng mga Espanyol at katutubo. Para kay Legazpi, madaling

mabilog ang ulo ng mga katutubo, dahil di umano, makakaya silang masakop ng mga

Espanyol sa pamamagitan lamang ng balat-kayong pakitang tao at kabutihan.33

Nang pumanaw si Legazpi noong 1572, hindi napigilan ang kalupitan ng mga

sundalo at opisyal na Espanyol lalo na sa mga Pampango. Noong 1584, sinamantala ng

mga Pampango ang sigalot sa hanay ng mga sundalong Espanyol sa Pampanga 34 (na nag-

aaway-away dahil sa pa-suweldo). Dahil dito, sa loob lamang ng dalawang araw, nakabuo

ng malaking puwersa ang mga aping Pampango, sa ilalim ng dalawang di pinangalanang

pinuno.35 Iyon nga lamang, naunsyami ang pag-aalsa dahil ikinanta ng isang babaeng

katutubo ang plano sa asawa nitong Espanyol.36 Ayon sa ulat, kayang guluhin ng

puwersang ito ng mga Pampango ang Luzon kaya’t pinatatag ng mga Espanyol ang

depensa sa Maynila. Ayon kay Morga, pinarusahan ng pamahalaang kolonyal ang mga tao

sa likod ng plano.37

32
Tungkol sa harquebus, cf. Franciso de Sande, “Relation and Description of the Phelipinas Islands, 8 June
1577,” sa The Philippine Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo 4, 105.

33
Miguel Lopez de Legazpi, “Relation of the Filipinas Islands and of the Character and Condition of Their
Inhabitants, Cebu, ca. 1569.” sa The Philippine Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo 3, 59-60.

34
Rojas, “Letter to Felipe II,” 270-1.

35
Juan de Ledesma, “Letter to Felipe II from Various Officials, Manila, 24 June 1586,” sa The Philippine
Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo 6, 238.

36
Cf. Sinibaldo de Mas, Informe sobre el Estado de las Islas Filipinas en 1842 (Madrid : s.n., 1843), tomo 1,
51.
37
Morga, Sucesos, 22.

59
Noong 1588, pinatunayan ng Pampangong principalia—mga miyembro ng

kadatuan o nobilidad—sa mga Espanyol na “wala silang digmaan sa mga Espanyol upang

60
Miguel Lopez de Legazpi, obra ni Baltasar Giraudier, mula sa Ilustración Filipina, 15 Hunyo 1860.
BIBLIOTECA NACIONAL DE ESPAÑA

61
magbanta laban sa mga ito, at gayundin may mabuti silang hari.”38 Panahon iyon ng pag-

imbita ng ibang pinuno ng Luzon sa mga Pampango para pabagsakin ang mga Espanyol.

Nakilala iyon sa kasaysayan bilang ang “Sabwatan sa Tondo.” Sa Pampanga, tanging ang

principal lamang ng Candaba na si Dionisio Capulong ang sumuporta sa plano dahil anak

siya ng inaping si Lakan Dula at kapatid ng isa sa utak ng plano, si Magat Salamat (na ayon

sa kasaysayang lokal ng Hagonoy ay sinaunang pinuno ng naturang bayan at maaaring ito

ang tinutukoy na anak ni Lakan Dula na nasangkot sa Labanan sa Bangkusay noong

157139). Ipinatapon siya ng apat na taon sa di nabanggit na lugar at pinagmulta ng 12 taes

ng ginto.40

Malaking bagay naman para sa mga Pampango ang utos ni Haring Felipe III na

ipatanggol sila mula sa pag-atake at pamumugot ng ulo ng mga Zambal. (Zambal ang

pangkalahatang tawag ng mga Espanyol sa mga katutubo ng kabundukan sa kanlurang

Pampanga [i.e., Kabundukang Zambales], kabilang ang mga Aeta.) Bago dumating ang

mga Espanyol, malimit na ang hidwaan ng mga Pampango at Zambal.41 Dahil pinilay ng

mga Espanyol ang militaristikong buhay nila, pinangambahan ng mga Pampango ang

pagsalakay ng mga Zambal mula sa kabundukan. Nakita ng mga Espanyol ang

pangangailangan noong 1586 na magtayo ng tanggulan sa Pampanga, partikular sa Lubao,

38 
Santiago de Vera, “Conspiracy against the Spaniards, 1589,” sa The Philippine Islands, pat. Blair at
Robertson, Tomo 7, 103.
39
Cf. NLP, “Hagonoy HDP,” Historical Data Paper, Reel No. 12, 1.

40
Ibid., 107.

41
Miguel Lopez de Legazpi, “Relation of the Filipinas Islands and of the Character and Condition of Their
Inhabitants, Cebu, ca. 1569,” sa The Philippine Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo 3, 61.

62
na nasa paanan lamang ng Zambales.42 Apektado ng pananalakay ng mga Zambal ang

agrikultura sa Pampanga kaya’t ganoon na lamang ang pagbibigay pansin sa seguridad ng

Lubao. Mismong si Haring Felipe III na ang nag-utos kay Gob. Hen. Gomez Perez

Dasmariñas na magtayo ng tanggulan sa Pampanga noong 1589.43 Malala na ang sitwasyon

ng seguridad sa Pampanga noong 1597 nang dalawang alcalde mayor na ng lalawigan ang

napaslang ng mga Zambal. Ipinag-utos na ni Gob. Hen. Francisco de Tello na pasukin ng

mga Espanyol ang kabundukan. Idineklara ni Tello na tapos na ang kampanya sa Zambales

noong 1598 nang madakip ang pinuno ng mga Zambal na nagngangalang Casillan at

makubkob ang kuta nito.44 Naisip din ng pamahalaang Espanyol na gawing alipin ng mga

Pampango ang mga Zambal. Ayon sa mga Pampango, titiisin na lamang nila ang trabaho

sa bukid kaysa sa magkaroon ng kasamang Zambal dahil baka mapugutan lamang sila ng

ulo.45

Lumaki lalo ang puso ng mga Pampango para sa hari dahil sa mga prayle.

Ipinaramdam ng mga prayle sa mga Pampango na makatarungan ang hari, sa kabila ng

kalunos-lunos nilang sitwasyon sa kamay ng mga encomendero at alcalde mayor. Unti-

unting nagpatupad ang hari ng reporma sa pamamahala sa Pampanga tulad ng pagbuwag

sa mga sobra-sobrang alcaldia o tanggapan ng alcalde mayor at unti-unting pagkumberta

42
Santiago de Vera, “Memorial to the Council: Memorandum of the various points presented by the General
Junta of Manila to the Council, so that in regard to each the most advisable reform may be instituted, 1586,”
sa The Philippine Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo 6, 183.
43
“Instructions to Gomez Perez Dasmarinas, August 9, 1589,” sa The Philippine Islands, pat. Blair at
Robertson, Tomo 7, 156,
44
“Letter from Francisco Tello to Felipe II, Manila, June 17, 1598,” sa The Philippine Islands, pat. Blair at
Robertson, Tomo 10, 160.
45
Fernando de los Rios Coronel, “Memorial, y Relacion para sv Magestad, 1621,” sa The Philippine Islands,
pat. Blair at Robertson, Tomo 19, 280.

63
sa mga encomienda bilang realenga o encomienda ng hari (dahil sa kawalan ng mga

tagapagma). Ang mga natirang encomendero sa Pampanga ay napuwersang sundin ang

kautusan ng Real Audiencia noong 7 Disyembre 1598 na nagsasabing hindi dapat pumalya

ang pagtustos ng Pampanga ng mga manok, baboy, at itlog sa Maynila tuwing buwan ng

Abril, Mayo, at Hunyo.46 Lalo itong pinagtibay ng Recopilacion de las Leyes de Indias

noong 1618.47 Ang loob ng mga Pampango ay wala sa mga encomendero, kundi sa hari—

bagay na pinanatiling nag-aalab ng mga prayle sapagkat kalaban din nila sa interes ang

mga sundalo at iba pang Espanyol na opisyal. Partikular na isyu ng mga pari ang bigong

pagtustos ng mga encomendero sa mga gawaing pang-ebanghelisasyon.48 Gayundin, hindi

nakatutok ang mga binyagang Pampango sa gawaing relihiyoso, tulad ng pakikinig sa

doktrina ng simbahan bago tanggapin ang sakramento ng binyag dahil aburido sila sa mga

ipinapagawa ng mga sundalo at opisyal.49

Sinakyan ng mga opisyal at prayle ang epektong sikolohikal ng pagharaya ng mga

Pampango na mahalaga sila sa hari. Nagbunga ito ng ibayong sigla sa mga Pampango, na

sinundan ng mataas na produksyon ng pagkain sa Pampanga, hanggang sa ituring na ang

lalawigan bilang “ang pinakaimportate sa lahat” ng nasa Pilipinas.50

46
“Ordinances Enacted by the Audiencia of Manila,” sa The Philippine Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo
11, 293-6.
47 
Real y Supremo Consejo de las Indias, Recopilacion de Leyes de los Reinos de las Indias (Madrid, Viuda de
D. Joaquín Ibarra, 1791), Tomo I, 388.
48
Cf. “Royal Decree Regulating the Foundation of Monasteries, Aranjuez, 13 May 1579,” sa The Philippine
Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo 4, 142.

49
Domingo de Salazar, “Affairs in the Philippine Islands,” sa The Philippine Islands, pat. Blair at Robertson,
Tomo 5, 212, 217.
50 
“Description of the Philippinas Islands, Manila, 1618,” sa The Philippine Islands, pat. Blair at Robertson,
Tomo 18, 96.

64
Pamimihasa sa mga Pampango

Dumating ang pagkakataon na hindi lamang panustos ang kayang ihandog ng mga

Pampango sa hari: pati lakas at buhay nila, kung kinakailangan.51 Noong 1603, nanawagan

si Gob. Hen. Pedro Bravo de Acuña sa mga alcalde mayor, kabilang ang Pampanga, na

magmobilisa ng mga katutubong tutulong sa pagpapahupa ng pag-aalsa ng mga Tsino sa

Maynila. Pinakiusapan din ni Acuña, partikular ang mga Pampango, na padalhan lagi ng

bigas at iba pang panustos ang Maynila bilang paghahanda sa pag-aalsa.52 Kulang-kulang

4,000 sundalong Pampango ang naorganisa: 1,500 dito ay inarmasan ng harquebus—ang

armas na pumatay at ipinantakot sa kanilang mga magulang at kaanak noong 1571. 53

Miyembro ng mapia o principalia ang itinalagang maging pinuno nila, dahil malaki ang

inaasahan sa kanila ng lipunang Pampango bilang sila’y mga inapo ng mga bayani at

mandirigma. Ayon kay Padre Bergaño, kakambal ng salitang mapia ang mga salitang

micap-pia (‘taong minatapang gawin ang kinakatakutan’), at picaspian o picap-pia

(‘ginawa nang buong katapangan’). Bago matapos ang 1603, nagapi ng magkasamang

puwersang Espanyol at mga katutubo ang malaking bilang ng mga Tsino mula Maynila

hanggang Batangas. Ito ang unang pagkakataon na humawak muli ng armas ang mga

Pampango at sumabak sa labanan mula noong Labanan sa Bangkusay.

51 
“Description of the Philippinas [sic] islands, Manila, 1618...” ibid.
52
Morga, Sucesos, 219.
53 
Bernardino Maldonado, “Letter from Bernardino Maldonado to Felipe III,” sa The Philippine Islands, pat.
Blair at Robertson, Tomo 34, 131, 134.

65
Ayon sa ulat ni Acuña, ipinagmamalaki ng mga Pampango ang pagiging bahagi

nila ng hukbong kolonyal pagkat ang labang iyon ay para sa hari.54 Kinilala rin ni Acuña

ang papel ng mga prayle sa Pampanga upang mahimok ang mga Pampango na suportahan

ang kampanya ng Espanya laban sa mga Tsino. Isang nagngangalang “Don Guillermo” ang

maestre de campo o pinuno ng mga Pampangong sundalo, ang kauna-unahang lider militar

ng Pampanga na naitala sa kasaysayan.55

Sa loob ng tatlong dekada, laman ng mga ulat ng mga opisyal ng Espanyol sa hari

tungkol sa kondisyon ng Pilipinas ang tapang, giting, at husay sa pakikipaglaban ng mga

Pampango. Noong 1620, kasama sa repormang iminungkahi ni Fernando de los Rios

Coronel, procurator-general (punong tagausig) ng Pilipinas, kay Haring Felipe IV ang

pagtrato nang maayos sa mga Pampango.56 Inilarawan din ni Coronel ang katangiang

ipinakita ng mga Pampango, na tinaglay nila hanggang sa huling mga araw ng mga

Espanyol sa Pilipinas: katapatan sa hari ng Espanya.57 Ipinarating pa ni Coronel kay Felipe

IV kung gaano kakritikal ang papel ng mga Pampango sa tagumpay ng mga Espanyol laban

sa mga Tsino; aniya, ikapupuksa ng mga Espanyol kung nakuha ng mga Tsino ang suporta

ng mga Pampango. Sa katunayan, sa ulat ni Bartolomé Leandro de Argensola noong 1609,

hinimok ng mga Tsino ang mga Pampango na labanan ang mga Espanyol ngunit tumanggi

54 
“Letter from Pedro de Acuña, Manila, December 18, 1603,” sa The Philippine Islands, pat. Blair at
Robertson, Tomo 12, 160-1.
55
Fernando de los Rios Coronel, “Reforms Needed in the Philippines, 1619-1620,” sa Blair at Robertson, The
Philippine Islands, Tomo 18, 341.

56
Ibid.

57
Ibid., 341-342.

66
sila. Ayon pa kay Argensola, mas nanaisin pa di umano ng mga Pampango na puksain ang

mga Tsino.

Bilib na bilib58 si Acuña sa mga Pampango kaya siya mismo ang nakiusap na

pasamahin ang mahuhusay manandata, ng harquebus at musket, sa Pampanga upang

ipagtanggol ang himpilang Espanyol na itatatag sa Ternate (sa Indonesia ngayon).59

Matapos ang Pag-aalsang Tsino ng 1603, ibinaling ni Acuña ang kaniyang pansin sa

pangarap niyang ekspedisyon, bago pa man maunahan ng mga Olandes ang mga Espanyol:

ang marating ang Ternate at Moluccas. Bunga ito ng pagsanib sa Espanya ng imperyo ng

Portugal (1580-1640) na siyang may sakop sa Ternate at Moluccas. Iniatang naman sa

Gobernador-Heneral ng Pilipinas ang pamamahala sa mga nasabing teritoryo.60 Opisyal na

tinanggap ni Acuña ang utos ng hari na sakupin ang mga nasabing isla noong 20 Setyembre

1605.61 Sa Villa de Arevalo (Panay)—ang lupain ng dating kaaway ng mga Tagalog at

Pampango, ang mga Bisaya—binuo ni Acuña ang nasabing ekspedisyon.62

Tinatayang may 344 Pampango at Tagalog sa ilalim ng mga katutubong pinuno na

sina Guillermo Palaot (maestro de campo ng mga katutubo) at mga kapitang sina Francisco

Palaot, Juan Lit, Luis Lont, at Agustin Lont. Idagdag pa rito ang 620 sundalong Pampango

58 
Maldonado, “Letter from Bernardino, 134.
59 
Consejo de las Indias, “The Terrenate Expedition, 5 and 15 August 1606,” sa The Philippine Islands, pat.
Blair at Robertson, Tomo 14, 173; Pedro Bravo de Acuña, “Letters from Pedro de Acuna to Felipe III, 1605,”
sa The Philippine Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo 14, 53-4.
60
Bartolomé Leonardo de Argensola, “Conqvista de las islas Malvcas, 1609” sa The Philippine Islands, pat.
Blair at Robertson, Tomo 16, 229-30.
61
Ibid., 286.
62
Morga, Sucesos, 228, 239.

67
Watawat at uniporme ng
tropang Pampango sa hukbong
Espanyol, 1780. ARCHIVO
GENERAL DE INDIAS

68
Uniporme ng sundalong
Pampango at Bulakenyo sa
hukbong Espanyol, 1780.
ARCHIVO GENERAL DE INDIAS

69
at Tagalog, at 649 tagasagwan. Ayon sa ulat, kusa silang sumama sa ekspedisyon gamit

ang sariling salapi, patunay na kabilang sa uring principalia ang mga ito.63

Para sa uring principalia ng Pampanga, habol nila ay ang karangalan na mapabilang

sa hukbo ng hari at ang kaakibat pang pribilehiyo kung maging sargento mayor, maestro

de campo, at kapitan pa sila ng mga sundalong Pampango: eksempsiyon sa pagbabayad ng

tributo at sa iba pang gawain (ligtas maging ang mga anak nilang babae, asawa, at ina).64

Upang makamit ang mga pribilehiyo, ang mga principal ay kinakailangang mag-organisa

ng maraming Pampangong magsusundalo. Sa mangha ni Padre Juan de Medina, OP noong

1630, ang nasabi na lamang niya ay tila hindi nauubusan ng lalaki ang Pampanga sa dami

ng sundalong isinasabak nito sa mga kampanyang militar (Ha tenido este rincón muy gran

saca de gente, que me espanto cómo hay varón).65

Nang dahil kay Acuña, regular na naging bahagi ng hukbong Espanyol ang mga

sundalong Pampango. Sa ulat kay Felipe IV, noong 13 Hunyo 1636, ipinagmalaki ni Juan

Grau y Monfalcon, procurator-general ng Pilipinas, ang mga Pampango bilang matatapat

na sundalo ng hari.66 Ipinagmalaki rin ni Grau y Monfalcon ang halos araw-araw na

pagpapakita ng katapangan ng mga Pampango at walang kaso di umano ng pag-aaklas,

pagtataksil o pagbaliktad sa mga kaaway. Ipinakiusap pa niya sa hari na bigyan ng maringal

63
Argensola, “Conqvista,” 309.
64
Delgado, Historia General, Tomo I, 294.

65
Juan de Medina, Historia de los Sucesos de la Orden de N. Gran P. S. Agustín de estas Islas Filipinas
(Maynila: Tipo-Litografia de Chofre y Comp., 1630/1893), Tomo I, 128.

66 
Juan Grau y Monfalcon, “Military Services of Filipinos, 13 June 1636,” sa The Philippine Islands, pat. Blair
and Robertson, Tomo 25, 149-51.

70
na sagisag ang Pampanga, simbolo ng pasasalamat at pagkilala. Iniulat pa ni Grau y

Monfalcon noong 1637 na nakakalat ang mga 140 Pampango sa mga tanggulan ng

Maynila, Oton sa Iloilo, Cebu, Cagayan, at Caraga;67 at dalawa pang Pampangong

infanteria, na binubuo ng 200 sundalo, sa Moluccas.68

Narating muli ng mga Pampango ang dakong timog ng Pilipinas matapos ang

mahigit 60 taon mula nang matalo ang mga ninuno nila sa Bangkusay, ngunit bilang

kasangkapan ng mga mananakop. Noong 1636, may limang infanteria at dalawang

kumpaniyang Pampango na ang hukbong Espanyol. Nakaistasyon ang mga ito sa Ternate,

Zamboanga, Cagayan, Oton, Cebu, Caraga, at Hermosa (Taiwan ngayon69).70

Upang matustusan naman ang ospital para sa mga Pampangong sundalo sa

Maynila, kinumberta bilang encomienda ng hari ang Macabebe. Ito’y nang mawalan na ng

tagapagmana ang huling encomedero nitong si Nicolas de Rivera noong 1636.71 Sa taon

ding iyon, ipinag-utos mismo ng Felipe IV kay Gob. Hen. Sebastian Hurtado de Corcuera

na ipatawag ang mga miyembro ng Pampangong principalia at gawaran sila ng papuri

upang mapanatili ang kasigasigan at katapatan sa hari. Sa taon pa ring iyon, naging

kasangkapan ang mga Pampango sa pagsakop sa Mindanao. Nang sumunod na taon,

67
Juan Grau y Monfalcón, “Grau y Monfalcón’s Informatory Memorial of 1637,” sa The Philippine Islands,
pat. Blair and Robertson, Tomo 27, 129.
68
Ibid., 130.
69
Cf. “Letters from Juan Cerezo de Salamanca to Felipe IV,” sa The Philippine Islands, pat. Blair and
Robertson, Tomo 24, 322.
70 
Sebastian Hurtado de Corcuera, “Reduction of Expenses: Corcuera to Felipe IV, Manila, June 30, 1636,”
sa The Philippine Islands, pat. Blair and Robertson, Tomo 26, 259.
71
Sebastian Hurtado de Corcuera, “Hospitals and Hospital Contributions, Manila, July-August 1636,” sa The
Philippine Islands, pat. Blair and Robertson, Tomo 26, 301-2.

71
nilabanan ng mga Pampango sa unang pagkakataon ang mga Muslim (na pinamumunuan

ni Sultan Kudarat). Hindi naglaon, gumanti ang mga Muslim ng Mindanao ng pag-atake

sa Visayas at Luzon, at isa ang Macabebe sa pinuntirya.72

Dala ng panibagong banta ng pagsalakay ng mga Tsino sa Maynila, binitawan ng

mga Espanyol ang Ternate at Moluccas noong 1663. Kabilang sa mga huling nagtanggol

sa interes ng Espanya sa Ternate at Moluccas ay ang mga Pampango. Nakuha ng mga

Olandes ang mga nasabing teritoryo at inalipin ang mga Pampango sa Batavia (ngayo’y

Jakarta). Nakilala sila sa Batavia bilang mga Papangers at kalauna’y naging bahagi ng

hukbong Olandes at minoryang populasyon doon.73

Gusto ng mga Espanyol ang mga Pampango na maging bahagi ng hukbong

kolonyal sa kadahilanang mura ang pasahod sa kanila.74 Sulit din ang pasahod dahil tanyag

ang kanilang sipag, e.g., sa Cavite, tagakumpuni rin sila ng tanggulan, mason o magtotroso

sa bundok tuwing umaga (sa gabi sila nagsasanay).75 Obserbasyon ni Padre Medina noong

1630, kawawa ang kondisyon ng mga sundalong Pampango sa Moluccas, Cebu, Oton, at

Cagayan dahil bukod sa mas marami pa silang trabaho sa mga sundalong Espanyol, hindi

72
Samuel K. Tan, The Muslim South and Beyond (Lungsod ng Quezon: University of the Philippines Press,
2010), 131.
73
Cf. M. J. C. Schouten, “Nineteenth-Century Ethnography in West Timor and the Wider World: The Case of
J. G. F. Riedel.” Journal of Asian History, 48 (2014), 217/205-25.

74
Juan Grau y Monfalcón, “Grau y Monfalcón’s Informatory Memorial of 1637,” sa The Philippine Islands,
pat. Blair and Robertson, Tomo 27, 129.
75
Ruurdje Laarhoven, “Carel van der Hagen: A Dutch Soldier in the East, 1699-1705: An Account of What
Passed at Sea, in Dutch India, Manila, and their Escape from the Spaniards in a Banca to Japan, 1698-1705.”
Philippine Quarterly of Culture and Society, 15:1/2 (Marso/Hunyo 1987), 130/27-142.

72
sapat ang pasahod sa kanila, kulang sa pagkain, at ang masaklap hindi natatrato nang

mabuti (“trabajando más qu e los mismos soldados españoles, no ven paga, la comida

escasa y el tratamiento malo”).76

Kung mayroon mang malaking pakinabang ang Pampanga sa pagsusundalo ng

karamihan sa kalalakihan nito, iyon ay ang mailigtas ang buong lalawigan, mapa miyembro

ng uring principalia o hindi, sa pagbabayad ng tributo. Halimbawa, noong 20 Mayo 1649,

sa bisa ng isang real cédula mula Madrid, naging ligtas ang lahat ng Pampango sa tributo

bilang pagkilala sa kanilang serbisyo sa hari (“estan esemptos de tributos todos los

Pampangos”).77 Noon namang 1676, iminungkahi ni Diego Villatoro, attorney general ng

Manila, sa Madrid ang isang pakiusap na iligtas naman ang buong populasyon ng mga

Pampango mula sa bandala, repartimiento at kung ano-anong sinisingil ng simbahan sa

kanila bilang sila ang naghahandog ng mga sundalo para sa Espanya.78 Upang mabigyan

nang kaukulang pagkilala ang lahat ng Pampango, iminungkahi rin ni Villatoro na

dekorasyunan ng medalya ang mga sundalo. Noong panahon ng mga Espanyol,

iginagalang, Espanyol man o katutubo, ang sinumang may dekorasyon—lalo na ang Cruz

Laureada de San Fernando.79 Sa mga okasyong pambayan, laging may espesyal na upuan

76
Medina, Historia, Tomo I, 128.

77
Cf. Archivo General de Indias (AGI). “Petición de merced y exención de tributo de Pedro de Mújica.”
Filipinas, 43, N. 52, p. 4.

78
Archivo General de Indias. “Petición de Villatoro sobre premiar a indios pampangos.” Filipinas, 28, N. 104.

79
Cf. Elías M. Ataviado, The Philippine Revolution in the Bicol Region: From August 1896 to January 1899
(Lungsod ng Quezon: New Day Publishers, 1999), 46.

73
Cruz Laureada de San Fernando. ASOCIACIÓN INTERNACIONAL DE SEGURIDAD Y PROTECCIÓN
CIVIL

74
sa entablado, kahanay ang mga opisyal ng bayan at lalawigan, ang sinumang may

dekorasyon ng nasabing Cruz Laureada de San Fernando.

Pagsilaw sa mga Pampango ng Titulo at Karangalan

Maaaring nadala lamang si Acuña ng ilusyon na hindi na manlalaban ang mga

Pampango sa mga Espanyol, ayon sa opisyal ng hukbong Espanyol na si Bernardino

Maldonado. Iniulat ni Maldonado kay Felipe III noong 1604 na napakadelikado ng

ginawang pag-aarmas sa mga Pampango.80 Ang mga Pampango, ayon kay Maldonado, ay

“ubod ng bangis na mga tao na nangangailangan lamang ng pinuno na kikilalanin nila.”81

Ngunit kampante ang mga Espanyol na hindi kaya ng mga Pampango na kumilos bilang

isang solidong puwersa: malakas ang inggitan ng mga principal sa Pampanga.

Noong unang linggo ng Oktubre 1660, kumalas ang mga sundalong Pampango sa

puwersang Espanyol na nasa pamumuno ni Francisco Maniago,82 principal ng Mexico,

Pampanga at maestre de campo ng mga Pampango.83 Siya ang pinuno na kinatakutan ni

Maldonado, na maaaring umusbong sa hanay ng mga Pampango, lalo pa’t “siya ang

inaasahan ng lahat dahil sa kaniyang awtoridad at kapangyarihan.”84 Lumaganap ang idea

80 
Maldonado, “Letter from Bernardino,” 445.
81 
Ibid., 446.
82
Pedro de San Francisco de Assis, “Historia General de los Religiosos Descalzos de San Agustín, 1756,” sa
The Philippine Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo 41, 59.
83
Ibid.
84
Casimiro Diaz, “Conquistas de las Islas Philipinas, 1718,” sa The Philippine Islands, pat. Blair at Robertson,
Tomo 38, 161.

75
ng “alboroto” (pagngangalit)85 laban sa mga Espanyol na parang “kanser sa katawan,” sa

buong Pampanga.86

Naramdaman agad ang epekto ng pag-aalsa: humina ang depensa ng Maynila at

pumalya ang pagpapadala ng mga sundalo sa Moluccas. 87 Agad na napapunta sa

Macabebe—ang pinakamalapit na bayan ng Pampanga mula sa Intramuros—si Gob. Hen.

Sabiniano Manrique de Lara at doo’y namalagi nang ilang araw upang

makipagnegosasyon. Pagkakataon na ng mga taga-Macabebe na puksain ang puwersa ni

Lara o patayin ito, ngunit nahintakutan sila at iniurong ang suporta kay Maniago. Ang

mensahero ni Maniago na si Agustin Pamintuan, isang principalia ng Macabebe, na

patungo na sana sa Pangasinan at Ilocos upang ipaabot ang mensahe na tuloy ang laban sa

mga Espanyol, ay napaatras pabalik ng Macabebe. Ilang araw ang nakalipas, sunod na

nakipagkita si Juan Macapagal, principal ng Arayat at apo ni Lakan Dula, kay Lara sa

Macabebe. Pinamunuan ni Macapagal ang mga Pampangong matatapat sa Espanya.

Marami pang nakumbinsi si Lara na uring principalia, na pawang naakit sa mga titulo at

papuri lamang.88 Nakakatawa man, walang engkuwentrong nangyari sa pagitan ng mga

Pampango at mga Espanyol dahil sumuko si Maniago upang humingi rin ng pabor at titulo

kay Lara. Wala ring pinarusahan dahil sa pagpapatupad ng amnestiya.89

85
Casimiro Diaz, “Conquistas de las Islas Filipinas—Libro Tercero de la Segunda Parte,” Revista Agustiniana
6:61 (5 Nobyembre 1886), 126-7/117-128.

86
San Francisco de Assis, “Historia General,” ibid.
87
Diaz, “Conquistas,” 144.
88
Ibid, 149.
89
Ibid., 158.

76
Paglapad ng Papel ng mga Pampango sa Kolonya

Mainam ang posisyon ng mga Pampango noong panahong Espanyol upang

magprodyus ng mga personalidad na yayanig sa status quo na binuo at pinrotektahan ng

mga awtoridad, lalo na ng mga prayle. Mula 1603, matindi ang pagsandal ng mga Espanyol

sa mga sundalong mapoprodyus ng Pampanga upang ipagtanggol ang interés ng hari sa

Asya-Pasipiko. Malaki ang papel dito ng mga principal at mga prayle na silang iginagalang

ng mga Pampango. Upang masiguro ang pagkontrol ng mga Espanyol sa mga Pampango,

binigyan ng papel sa sistemang politikal ang mga principal. Gayundin, napanatili ng uring

principalia ang pag-aari nila ng lupa sa Pampanga. Umunlad sila sa buhay, nagawang

papag-aralin ang mga anak at mga alagang indio natural (hindi kabilang sa uring

principalia) na may mga potensyal, sa mga paaralang patakbuhin ng mga prayle sa Maynila

na noong una’y eksklusibo lamang para sa mga Espanyol. Nakapagprodyus ang mga

paaralang ito ng mga pari at madreng Pampango, na unang naggiit ng pantay na pagkilala

mula sa mga Espanyol. Ang mga papel sa militar, politika, simbahan, at ekonomiya ng mga

Pampango mula ika-17 hanggang ika-19 na siglo ang siyang makapagpapaliwanag sa uri

ng mga personalidad na nagsulong ng pagbabagong panlipunan at yumakap sa liberalismo

noong huling mga dekada ng paghahari ng mga Espanyol sa Pilipinas.

Papel Militar. Nagpatuloy pa ang pag-ulan ng papuri sa mga Pampango, hanggang

sa mabuo ang ilusyon na kalebel na nila ang mga Espanyol. Pinuna ni Padre Medina noong

1630 ang naging katangiang ito ng mga Pampangong napagpupumilit umasta’t kumilos na

77
parang Espanyol.90 Noong 1700 naman, naobserbahan ng isang sundalong Olandes na si

Carel van der Hagen ang “dakilang kahambugan” ng mga Pampangong sundalo sa Cavite

na buong pagmamalaking suot ang mga katagang “Los Segundos Espagnoles” (“Mga

Pangalawang Espanyol”) at “ikinakikilig pa nila nang walang humpay.”91 Dumating din sa

punto, ani ni Hagen, na minumura-mura na rin ng mga Pampango ang mga Espanyol sa

publiko.92 Tila hindi naman ito pinansin ng mga Espanyol sa mga panahong iyon, dahil

ang mahalaga sa kanila’y kontrolado nila ang tapang ng mga Pampango at

napakikinabangan nila ito sa kanilang lumalaking problema: ang pag-atake ng ibang mga

bansa sa Pilipinas. Ayon naman kay Padre Gaspar de San Agustin, OSA noong 1720,

ikinalugod ng mga Espanyol na ituring ang mga Pampango na “mga Kastilang Indio” at

kakaiba sa lahat ng mga katutubo sa Pilipinas. Ito’y dahil di umano sa kanilang katapatan,

pagiging marangal, lubos na katapangan, pagsisikhay sa gawa, mas sibil, ganda ng gawi

(costumbres), at paglulugar sa sarili kung lasing at tinatamad. Ayon pa kay Padre San

Agustin, hindi patitinag ang mga Pampango sa sinumang naghahari-hariang katutubo.93

Dahil nakita ng mga Espanyol sa mga Pampango ang kanilang itinuturing na “pambansang

karakter” (orgullo o kayabangan), isinulat ni Padre Casimiro Diaz, OSA, noong 1718, na

“ang isang Espanyol at tatlong Pampango at katumbas ng apat na Espanyol” (que un

español y tres pampangos, valían por cuatro españoles).94

90
Medina, Historia, 244.

91
Laarhoven, “Carel van der Hagen,” 133/27-142.

92
Ibid., 139.

93
Cf. Gaspar de San Agustin, “Letter on the Filipinos, 1720,” sa The Philippine Islands, pinamatnugutan nina
Blair at Robertson, Tomo 40, 250-2.

94
Diaz, “Conquistas,” Revista Agustiniana, 125.

78
Inani ng mga Pampango ang pagkilala ng mga Espanyol dahil sa pinatunayan nila

ang kanilang mga sarili sa mga mata ng mga kolonisador; kahit mapuksa pa sila dahil sa

kapanabikang mapansin ng hari at matataas na opisyal. Noong 1647, halimbawa, halos

pulbusin ng mga Olandes ang Abucay, Pampanga (ngayo’y parte ng Bataan) dahil ayaw

sumuko ng mga Pampango sa mga banyaga. Ito’y sa kabila ng pasya ng alcalde mayor ng

Pampanga at ng paring kasama nila, na sumuko na sa mga Olandes.95 Isinabuhay ng mga

Pampangong sundalo ang orgullo ng mga Espanyol: na lalaban sila hanggang sa huli at

hindi kikilalanin ang anumang watawat ng pagsuko.96 Kulang-kulang 200 ang napaslang

na sundalong Pampango—hindi pa kasama sa bilang ang mga dinukot kasama ng alcalde

mayor ng Pampanga, patungong Batavia (Jakarta). Mga beteranong Pampangong

principalia sa kampanya sa Ternate ang namuno sa daan-daang sundalong Pampango sa

Abucay.97 Kahit hindi na aktibo sa pagsusundalo, ginawa pa rin ito ng mga principal para

sa Diyos at sa hari.98 Napaatras din ang mga Olandes nang muling makapagmobilisa ng

600 Pampango ang mga prayle sa loob lamang ng apat na araw.99 Nang maitaboy ang mga

Olandes, isang banal na misa sa Maynila at sa Pampanga ang inialay ng pamahalaan para

sa 200 Pampangong nagbuwis ng buhay at binigyan ng kompensasyon ang mga nabalo at

95
Joseph Fayol, “Affairs in the Filipinas, 1644-47,” sa The Philippine Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo
35, 267.

96
Ibid., 266.

97
Ibid.

98
Ibid.

99
Ibid., 269.

79
naulila.100 Naulit muli ang ganitong pagkilala sa mga Pampango noong 1685, nang

mamatay sa Guam si Felipe Sonsong, principal ng Macabebe at beterano ng Pag-aalsang

Tsino noong 1603. Santo ang turing sa kaniya ng mga kasamahan sa Guam, Espanyol man

o katutubo. Kasama sa nakipaglibing at nagbuhat ng kaniyang ataul ay ang matataas na

opisyal ng pamahalaan at hukbong Espanyol sa Guam.101

Papel Politikal. Sa batas ng mga Pampango na nadokumento ni Padre Juan de

Plasencia, OFM, noong 1589, tipikal na ang pagpapaligsahan at pagsasapawan ng mga

pinunong Pampango, kahit na magkakadugo; ngunit sa oras ng digmaan, nagiging buo sila

at nagkakaisa.102 Nakita naman ni Legazpi na paborable sa Espanya ang uri ng politika na

ito dahil walang kakaharaping malaking puwersa ang mga Espanyol kung magkataon. Sa

ulat niya kay Felipe II noong 1569, ipinakita lamang ni Legazpi ang kaniyang pagkatuso

sa paggamit sa diplomasya upang kumolekta ng suporta sa mga watak-watak na mga

naghaharing pamilya. Pinalitaw din niyang madaling mauto ang mga katutubo dahil, di

100
Ibid., 264, 269.

101
Lorenzo Bustillo, “News of the exemplary life and solid virtues of the very humble Brother Felipe Sonsong,
donado of our Society of Jesus in these Marianas Islands, where he died with the reputation of a saint on
Friday, 21 January of this year of 16[86] at 75 years of age,” sa John N. Schumacher, Felipe Sonsong of
Macabebe, Pampanga: 17th-Century Filipino Jesuit Missionary to the Marianas (Lungsod ng Angeles: Juan
D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies, Holy Angel University, 2009), 20.
102
Juan de Plasencia, “Instructionss Regarding the Customs which the Natives of Pampanga Formerly
Observed in their Lawsuits, 24 October 1589,” sa The Philippine Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo 16,
322; Juan de Plasencia, “Customs of the Tagalogs, 1589,” sa The Philippine Islands, pat. Blair at Robertson,
Tomo 7, 174.

80
umano, kaya silang masakop ng mga Espanyol sa pamamagitan lamang ng balat-kayong

pakitang tao at kabutihan.103

Noong ika-17 siglo, matapos maseguro ng mga Espanyol ang katapatan ng mga

katutubo ng Pilipinas, nabigyan ang mga uring principalia sa Pampanga ng papel sa

pamahalaan: ang pagiging cabeza de barangay (‘pinuno ng barangay’). Dagdag karangalan

sa pamilya ng isang principal ang maging cabeza dahil kasinrangal ito ng pagiging datu

ng barangay noong bago dumating ang mga Espanyol. Cacique o mga pinunong katutubo

ang tawag sa kanila dahil kontrolado sila ng mga Espanyol at ang populasyon. Sa kaso ng

mga Pampango, kailangan ang mga cacique ng mga Espanyol upang may makain at may

maisabak sa mga labanan at sa mga tanggulan ang mga Pampango.

Mula sa hanay ng mga cabeza ihahalal ang puno ng isang pueblo o bayan na

tinawag na gobernadorcillo.104 Pinag-agawan ang posisyong gobernadorcillo, bilang ito

ang pinakamataas na posisyon sa pamahalaang kolonyal na maaaring marating ng mga

katutubo. Kasama rin sa tungkulin ng gobernadorcillo ang magpatupad ng kautusan at

maging tagalitis. Ayon kay Padre Chirino, binubuo ng 400 pamilya ang isang parokya o

103
Miguel Lopez de Legazpi, “Relation of the Filipinas Islands and of the Character and Condition of Their
Inhabitants, Cebu, ca. 1569.” sa The Philippine Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo 3, 59-60.

104
Para sa paghalal ng gobernadorcillo, tingnan ang deskripsyon sa Artikulo 79 ng Ordenanza de Buen
Gobierno ng 1768. Cf. Manuel Artigas y Cuerva, El Municipio Filipino: Compilacion de Cuanto se ha
Prescripto, e Historia Municipal de Filipinas desde los Primeros tiempos de la Dominacion Española, segunda
edición (Maynila: Establecimiento Tipo-Litografico de Ramirez y Compañía, 1894), 11-12.

81
pueblo at nahahati ito sa apat na Cabeza.105 (Pagdating ng ika-19 na siglo, limampung

pamilya na lamang ang hawak ng isang cabeza.) Kapansin-pansin din na ang mga listahan

ng mga gobernadorcillo sa Pampanga ay nagsisimula lamang ilang dekada makaraan ang

Pag-aalsang Tsino ng 1603.

Ang pagiging gobernadorcillo rin ay pagkakataon para sa mga naging maestre de

campo ng hukbong Pampango upang ituloy ang pagkahumaling nila sa titulo. Patunay nito

ang alternatibong tawag sa gobernadorcillo noon ng matatanda sa Candaba: masicampu,

kurapsyon ng maestre de campo.106

Papel Simbahan. Bukod sa pagsusundalo, nagkaroon din ng papel ang mga

Pampango sa simbahan. Nagsimula ito nang makita ng mga Espanyol ang praktikalidad na

bigyan ng edukasyon ang mga Pampangong principal sa paniwalang maitatama ng mga ito

ang mga depekto ng mga katutubo at magiging halimbawa sila sa marami.107 Sinamantala

iyon ng mga Pampangong principal at pinag-aral ang kanilang mga anak na lalaki. Kaya’t

mga Pampangong principal ang nagprodyus ng mga unang paring sekular sa Pilipinas na

pinangunahan ni Don Miguel Jerónimo de Morales noong 1654.108 Sa katunayan, mga

105
Pedro Chirino, “Relacion de las Islas Filipinas,” sa The Philippine Islands, pat. Blair and Robertson, Tomo
12, 211.

106
Cf. “Apuntes Historicos del Pueblo de Candaba.” Luther Parker Collection Document No. 293, Folder No.
50, Box No. 3, p. 1, UPDML.

107
Delgado, Historia, Tomo I, 294.

108 
Luciano P. R. Santiago, The Hidden Light: The First Filipino Priests (Lungsod ng Quezon: New Day
Publishers, 1987), 19.

82
Pampangong seminarista ang inspirasyon kung bakit sinikap gawing pormal na ang

pagtanggap ng mga katutubo sa mga seminaryo. Noong 1698, inordinahan ang unang

produkto ng proto-seminaryo para sa mga katutubo ng Pilipinas: si Don Francisco Baluyot

ng Guagua, Pampanga. Dalawang Pampango muli ang sumunod kay Baluyot: Alfonzo

Baluio y Garzía at Blás de Santa Rosa, kapuwa wala pa sa hustong gulang nang magtapos

upang ordinahan. (Proto-seminaryo sapagkat hindi pa ito pormal na kinilala ng

pamahalaan.) Noong 1603, inordinahan si Baluio at agad ipinadala sa Cordillera upang

maging misyonero—ang kauna-unahang katutubo na binigyan ng nasabing tungkulin.109

Samantala, nang taon ding iyon, itinalagang kura ng parokya ng Tabuco (ngayo’y

Cabuyao), Laguna si Santa Rosa, ang kauna-unahang katutubo na naging kura.110 Noong

1705, inordinahan naman si Don Juan Mañago at itinalagang capellán (chaplain) ng mga

sundalo at ng ospital—ang kauna-unahang katutubo na inatangan ng nasabing

katungkulan.111

Mataas ang turing ng lipunang Pampango sa mga taong banal tulad ng mga pari.

Kalebel ng mga principal ang tingin ng mga Pampango sa mga pari,112 gayundin sa mga

maestro o guro na ginamapanan din ng mga pari.113 Among (nangangahulugang ‘amo’) ang

karaniwang tawag ng mga Pampango sa pari.114 Hindi masisisi ang mga Pampango kung

109 
Ibid., 35.
110 
Ibid., 80-3.
111 
Ibid., 197-9.
112
Delgado, Historia General, Tomo I, 294.

113
“Primary Instruction,” sa The Philippine Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo 46, 83.

114
Edilberto V. Santos, “Ancient Kapampangan Theology,” Singsing 4:2 (2005), 50.

83
masidhi ang pagkilala nila sa kalooban at pasya ng mga prayle dahil mula noong 1571,

mga prayle ang nagtanggol sa kanila sa mga pang-aabuso ng mga encomendero at iba pang

opisyal.115 Ang mga ulat at balita ng mga prayle tungkol sa pagiging mabuting Kristiyano

ng mga Pampango ay naging batayan naman ng pamahalaang Espanyol upang iatang sa

kanila ang mataas na pagtitiwala: ang tanggapin sila sa hukbong sandatahan.116 Gayundin,

nang magbanta na mag-aalsa ang mga Pampango sa pamumuno ni Maniago noong 1660,

dinala ni Lara sa Pampanga ang maraming mga prayle upang mamagitan.

Papel Ekonomiko. Bukod sa mga pribilehiyo mula sa mga Espanyol, maraming

Pampango ang nanatiling nag-aari ng lupa, lalo na ang mga principal na mula sa angkang

nobilidad. Kapansin-pansin sa genealogy na binanggit ni Balagtas sa kaniyang huling

habilin noong 1589 na sila-sila mismo na magkakamag-anak na principal ay nagiging mag-

asawa.117 Ang endogamy na ito (pagpapakasal eksklusibo sa kinabibilangang grupo o

antas) sa Pampanga—liban sa magkapatid—ay pinuna ng sumulat ng Boxer Codex sa mga

Muslim ng Luzon (“Casanse con todos sus parientes ecepto con hermanos”).118 Nabago

ito dahil sa Kristiyanismo, dahilan upang sumibol ang mga mestizo o anak ng mga principal

sa mga banyaga tulad ng mga Tsino (Sangley) at Europeo. Sa katunayan, may isang kaso

na kahit wala-sa-buhay ang isang Europeo ay ginusto ng isang Pampangong principal na

makasal doon ang kaniyang dalagang anak. Kaso ito ng isang sundalong Olandes na

115
Rojas, “Letter to Felipe II,” 273.

116 
Sebastian Hurtado de Corcuera, “Reduction of Expenses: Corcuera to Felipe IV, Manila, 30 June 1636,”
sa The Philippine Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo 26, p. 197.
117
Binanggit din ni Morga ang pagpapakasal ng mga principal sa principal. Cf. Morga, Sucesos, 301.

118
Souza at Turley, mga pat., The Boxer Codex, (Esp.), 365 (Eng.).

84
nagngangalang Carel van der Hagen na takas mula sa Batavia at nanirahan sa Maynila

noong 1700. Walang-wala siya sa buhay at ang tanging nais niya ay makauwi ng Flanders

(bahagi ng Belgium ngayon). Sa kaniyang paglagi sa Maynila, nakilala niya ang isang

Pampangueña na kaniyang inilarawan bilang “maputi… napakagalang niya at mabuti ang

pagpapalaki, maykaya, at napakalambing niya't bata, nakaposturang Espanyol. …ang

malambing na babaeng India na iyon ay nakakahumaling.”119 Pabor kay Hagen ang ama

(na kapitan ng mga sundalong Pampango) ng dalaga at inalukan pa siya ng yaman,

pakasalan lamang niya ang anak nito. Ngunit ayaw biguin ni Hagen ang dalaga dahil

pabalik na siya sa Europa at sabik na makitang muli ang minamahal niyang babae sa Bruge,

Flanders.120 (Ngunit nagtagal pa si Hagen sa Maynila at ang pinili niyang pakasalan ay si

Agnes, isang 15 taong gulang na colegiala at anak ng isang taga-Nueva España.121)

Pagdating ng ika-19 na siglo, kapansin-pansin na unti-unting napalitan ng mga

mestisong apelyido ang mga sinaunang principal sa listahan ng mga gobernadorcillo ng

mga bayan sa Pampanga. Nariyan ang mga “-son:” Hizon, Henson, at Liongson na mga

mestisong Tsino sa Mexico, Angeles, at San Fernando, at ang mga Blanco na mestisong

Espanyol ng Macabebe. Sa Bacolor at Guagua, may hiwalay pa na gobernadorcillo ang

mga mestisong Tsino sa regular na gobernadorcillo ng bayan.122 Samantala, itinuring ding

principal maging ang mga lantad na anak ng prayle tulad ng panginoong maylupang si Dr.

119
Laarhoven, “Carel van der Hagen,” 56/27-142.

120
Ibid., 56.

121
Ibid., 72, 80, 84.

122
Larkin, The Pampangans, 49.

85
Joaquin Gonzalez ng Apalit.123 Kapuwa nag-ari ang mga mestisong Pampangong ito ng

ekta-ektaryang lupain at nanguna sa pag-unlad ng agrikultura sa Pampanga, lalo na sa tubo

at asukal. Nakarating sa iba’t ibang panig ng mundo ang kanilang mga produkto at nag-

uwi ng karangalan sa Pilipinas bilang tagaprodyus ng dekalidad na asukal sa mundo,

kahanay ang Hapon, Tsina, Java, Queensland, New South Wales, Ehipto, Mauritius,

Angola, Liberia, Espanya, Italya, Rusya, Alemanya, Olanda, Belgium, Pransya, Canada,

Estados Unidos, Mehiko, Cuba, Puerto Rico, Guadeloupe, Jamaica, Trinidad, Venezuela,

British Guiana, Brazil, Argentina, Peru, at Hawaii.124 Halimbawa na rito ay ang

eksposisyon bilang pagdiriwang sa sentenaryo ng bansang Estados Unidos noong 1876:

umani ng pagkilala ang mga baron ng asukal sa Pampanga—na pawang mga mestisong

Pampango at Pampangueña—na sina Jose Puig, Manuel de Ocampo, Bernardo V. Miranda,

Catalino Lorenzo, Leoncia Sasatin, Julian Buison, Laureano Jesus, Catalino Enison,

Benigno de Ocampo, Jose Leon y Santos, Andres Puig, Rafael Gil, Jose Tison, at Benito

Ker.125

Samantala, sa pagbubukas ng Unibersidad ng Santo Tomas ng ibang kurso, ang

uring principalia ng Pampanga ay nagkaroon ng mga anak na propesyunal: mga abogado,

kawani ng hukuman, at doktor.126 Bago ang 1700, kung kailan isang Pampangong principal

123
Tungkol sa pagiging anak ng prayle ng mga Gonzalez, cf. U.S. Senate, Message from the President of the
United States 1901 A.D./The Senate Document and Romanism (Washington, D.C.: U.S. Senate, 1901), 115.

124
Francis A. Walker, pat., United States Centennial Commission: International Exhibition, 1867, Reports and
Awards, Groups III-VII (Washington: Government Printing Office, 1880), Tomo 4, 4-11.

125
Ibid., 132.

126
Delgado, Historia, Tomo 1, 33.

86
na nagngangalang Juan Mañago ang nagtapos sa Unibersidad ng Santo Tomas—ang

pinakamaagang tala na may nagtapos doon na katutubo ang apelyido127—eksklusibo

lamang sa mga Espanyol ang mga kolehiyo sa Maynila. 128 Bagaman noong 1641, ipinag-

utos ni Corcuera na tanging mga anak ng Pampangong principales lamang ang maaaring

pumasok sa Real Colegio de San Felipe. Gayunpaman, wikang Espanyol lamang ang

ituturo sa mga Pampango at wala nang iba, sapagkat magiging tagasilbi lamang sila sa

kolehiyo.129 Lumalabas na ikinarangal pa ng mga Pampangong principal na maging

tagasilbi ang kanilang mga anak ng mga Espanyol, masabi lang na malapit sila sa mga

kolonisador.130 Halimbawa na rito ang tagasilbi ni Gob. Hen. Fausto Gongora y Cruzat na

isang Pampangueñang principal at anak ng kapitan ng mga sundalong Pampango.131 Sa

ulat ni Padre San Agustin noong 1720, mga Pampango ang mainam na tagasilbi para sa

mga Espanyol.132

127 
Luciano P. R. Santiago, The Hidden Light: The First Filipino Priests (Lungsod ng Quezon: New Day
Publishers, 1987), 81.
128 
Cf. Royal College of San Felipe,” sa The Philippine Islands, pat. Blair and Robertson, Tomo 45, 174-5;
“College of San José,” sa The Philippine Islands, pat. Blair and Robertson, Tomo 45, 102.
129 
“Royal College of San Felipe,” ibid.
130
Gaspar de San Agustin, “Letter on the Filipinos, 1720,” sa The Philippine Islands, pat. Blair and Robertson,
Tomo 40, 267.

131
Laarhoven, “Carel van der Hagen,” 56.

132
Gaspar de San Agustin, “Letter from Fray Gaspar de San Agustin to a friend in España who asked him as
to the nature and characteristics [genio] of the Indian natives of these Philipinas Islands, Manila, June 8,
1720.” sa The Philippine Islands, pat. Blair and Robertson, Tomo 40, 269.

87
Mag-asawang Pampango, mula sa The Philippine Costumes ni Pitoy Moreno.

88
IKATLONG KABANATA

PAGHARAP NG LIPUNANG PAMPANGO SA LIBERALISMO

Sa lahat ng Pampangong principal at nakapag-aral, ang mga paring Pampango ang

nabigyan ng malalaking papel sa politika sa Pilipinas. Nasa dakong unahan din sila ng mga

pagbabagong nais ng hari sa Pilipinas, tulad ng pagsalin sa kanila ng mga parokya bilang

mga secular o mga paring nasa pangangasiwa (visitación) ng hirarkiya, i.e., arsobispo,

obispo, gobernador-heneral. Gayundin, sila ang gumawa ng paraan upang mailapit sa mga

Pampango ang edukasyong pangkalahatan.

Iyon nga lamang, dahil ang Espanya ng ika-19 na siglo ay puno ng krisis politikal

dulot ng pag-usbong ng mga diwa ng liberalismo, kalayaan, demokrasya, republikanismo,

pagkakapantay-pantay, at karapatang pantao, nakita ang mga paring katutubo bilang

kaaway ng estado. Malaking salik dito ang pambubuyo ng mga prayle sa pamahalaan na

matyagan ang mga paring katutubo.

Dahil nakilala na ang impluwesiya ng mga Pampango sa simbahan, hindi na dapat

pagtakhan kung pagmulan ito ng isyu sa hanay ng mga prayle. Si Padre Delgado mismo,

na isang prayleng Dominiko, ay napabilib sa kakayahan ng mga Pampangong pari na

makipagsabayan sa mga Europeo.1 Makailang beses nang tinangkang isalin sa mga secular

1 
Delgado, Historia, Tomo I, 293–296.

89
ang mga parokya (sekularisasyon). Bunga iyon ng pagtanggi ng mga prayle (na karamihan

ay mga Espanyol) na pailalim sa Arsobispo, Obispo, at Gobernador-Heneral. Noong 1697,

iginiit ni Arsobispo Diego Camacho y Avila ang awtoridad nito sa mga parokya sa

Pampanga, na hawak ng mga prayleng Agustino.2 Nakarating sa hari ang sigalot, at iginiit

din nito ang kautusan na isalin na ng mga prayle ang mga parokya sa mga sekular noong

1753 at 1757. Ngunit nagmatigas ang mga prayle, lalo na ang mga Agustino.

Pansamantalang isinantabi ang isyu ng sekularisasyon nang sakupin ng Britanya ang

Maynila mula 1762 hanggang 1764. Kinailangan ni Gob. Hen. Simon de Anda y Salazar—

ang nalalabing opisyal na Espanyol na hindi bihag ng mga Briton—ang impluwensiya ng

mga prayle sa mga katutubo na ipagtanggol ang interes ng hari laban sa mga mananakop.

Nakuha ni Anda ang kaniyang gusto: sinuportahan siya ng mga prayle sa mga probinsya,

lalo na sa Pampanga na kinailangan pang payuhan ng mga Agustino ang mga

gobernadorcillo na pagkatiwalaan si Anda. Sa Bacolor, pansamantalang naghimpil ang

pamahalaang kolonyal ng Espanya sa Pilipinas.

Noong 1767, si Papa Clemente XIII na mismo ang nag-utos kay Arsobispo Basilio

Tomás Sancho Hernando de Santa Justa y Rufina, SP na ipatupad na ang sekularisasyon.

Tulad nang inaasahan, pumalag ang mga Agustino. Sa pagbabalik ni Anda bilang

gobernador-heneral noong 1770, naging marahas na ang pagpapatupad sa sekularisasyon.

Noong 1771, ipinag-utos niya sa mga sundalong Espanyol ang puwersahang pagpapaalis

2 
Andres Gonzalez, “The Camacho Ecclesiastical Controversy, 1697–1700,” sa The Philippine Islands, pat.
Blair at Robertson, Tomo 42, 26-7.

90
sa mga Agustino sa Pampanga at ang agarang pagsasalin ng mga parokya sa mga sekular.3

Bilang protesta, natungo sa kabundukan ng Pampanga ang mga Agustino upang

magpakagutom at magpenitensiya.4

Ngunit ang ikinagulantang ng lahat: nagbanta ang mga Pampango na mag-aaklas

laban kay Anda, sa Arsobispo, sa mga paring sekular, at sa lahat ng mga sangkot sa

pagpapalayas sa mga prayle.5 Nakakatakot ang balitang kumalat dahil sa banta ng mga

Pampango na ang pagsasaya sa Maynila ay mapapalitan ng pagluluksa. 6 Maaaring mga

ordinaryong mananampalatayang Pampango ito na hindi kabilang sa principalia, sapagkat

binantaan din maging ang mga paring sekular na pawang mga miyembro ng uring

principalia. Walang pag-aalsang nangyari, bagaman ito ang unang kaso ng pagbabanta ng

mga Pampango sa mga Pampangong principal. Salik na maaaring nakatulong sa pagpigil

sa pag-aalsa ay ang kumpromiso na ibalik sa mga prayle ang mga parokya sa Guagua,

Mexico, San Fernando, San Luis, at Sta. Ana noong 1772. Noong 1775, muling ipinailalim

ang buong Pampanga sa mga prayle. Salik naman dito ang seguridad dahil sa ipinakalat na

balita ng mga Agustino na nais mag-aklas ng mga Pampangong sekular noong 1768.

Gayunpaman, Mexico, Sta. Ana, at Apalit lamang ang hinawakan nila. Noong 1810, Apalit

na lamang ang hawak ng mga prayle. Noong 1826, muling ipinag-utos ng hari ang ganap

na pagpapailalim ng Pampanga sa mga prayle.7 Noong 1850, 13 sa 21 parokya ng

3
Luciano P. R. Santiago, “The Struggles of the Native Clergy in Pampanga (1771-77).” Philippine Studies,
33:2 (1985), 177.
4
“The Council of 1771,” sa The Philippine Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo 50, 319-20.
5
Ibid.
6
Ibid., 321.
7
Ibid., 225.

91
Pampanga ang hawak ng mga prayle; naging 19 ito noong 1860; 8 bumaba ito sa 15 bago

matapos ang pananakop ng mga Espanyol.

Mga Pampango sa Politikang Imperyal, 1812

Bago magkawatak-watak ang mga kolonya ng Espanya, kinilala ang lahat ng

katutubo ng mga naturang sakop, kabilang ang mga nasa Pilipinas, bilang mamamayan ng

Espanya—samakatuwid, mga Espanyol—sa bisa ng Konstitusyon ng Cadiz ng 1812.

Nabuo ang konstitusyong ito dahil iginiit ng mga Espanyol ang kanilang karapatan na

itakda ang kapalaran ng buong imperyo habang hawak ni Napoleon Bonaparte ang hari ng

Espanya, si Fernando VII. Sa pagkakaroon ng Konstitusyon ng Cadiz, tinanggal ang

anumang uri ng singilin at nagkaroon ng malayang pamamahayag.

Bilang mamamayan ng Espanya, ang bawat 60,000 Pilipino ay nangangahulugan

ng pagkakaroon ng isang deputado o kinatawan sa parlyamento ng Cadiz, Espanya. Ang

populasyon ng Pilipinas noon ay tinatayang dalawang milyon o katumbas dapat ng

pagkakaroon ng 33 deputado sa Cadiz. Dahil sa layo sa Espanya at kawalan ng sapat na

pondo, apat lamang ang nagawang ipadalang deputado ng Pilipinas, kabilang ang isang

Pampangong principal mula sa Bacolor na si Padre Joseph de Vergara y Masangcay.

8 
Larkin, The Pampangans, 89.

92
Lamang, nang dumating sila sa Cadiz noong 1814, binuwag naman ni Fernando VII ang

parlyamento.9

Muling binuksan ni Fernando VII ang parlyamento noong 1822. Isa sa mga

deputado ng Pilipinas ay Pampangong principal: ang makatang si Padre Anselmo Jorge

Fajardo ng Bacolor.10 Dahil sa kawalan ng sapat na pondo, naunsiyami ang paglalayag ng

mga deputado ng Pilipinas. At muling isinara ang parlyamento noong 1823.

Bilang pagpapatuloy ng gampanin sa hari, sinawata ng mga sundalong Pampango

ang pag-aalsa na may kinalaman sa pagbuwag sa parlyamento ng Cadiz.11 Nasundan pa ito

ng iba’t ibang pag-aalsa, dahilan upang maghigpit ang pamahalaan. Isa na rito ang

pagtatatag sa Cuerpo de la Guardia Civil noong 1868,12 at Pampanga ang isa sa mga

lalawigang pinaglagyan nito dahil sa dami ng mga bandido, na pawang mga kilabot. 13

9 
Tungkol sa kaugnayan ng Pilipinas sa Parlyamento ng Cadiz, cf. National Historical Commission of the
Philippines, Reframing the Cádiz Constitution in Philippine History (Maynila: National Historical Commission
of the Philippines, 2013).
10 
Santiago, Laying the Foundations, 59.
11
Antonio M. Molina, The Philippines through the Centuries, (Maynila: UST Cooperative, 1960), Tomo I, 244.
12
Anonima, Reglamento para la Organizacion, Régimen y Servicio de la Guardia Civil de las Islas Filipinas
(Maynila: Imprenta Amigos del Pair, 1880), 18.
13
Frederic Sawyer, The Inhabitants of the Philippines (New York: Charles Scribner's Sons, 1900), 244.
Kabilang sa mga kilabot na bandidong iyon (“célebre tulisán”) na Pampango ay si Mateo Sunga, tubong
Macabebe. Napatay ito ng mga Guardia Civil sa Bataan noong Setyembre 1884 at idinispley pa ang bungo
nito sa Exposición Regional de Filipinas sa Maynila noong 23 Enero 1895. Cf. Ayuntamiento de Manila,
Catálogo de los objetos presentados en la Exposición Regional de Filipinas, inaugurada en Manila el día 23
de enero de 1895 (Maynila: Manila, Tipo-Lit. de Chofré, 1896), 23.

93
Pagsibol ng mga Pampangong Liberal

Sa pagiging mapagmatiyag na ng pamahalaang Espanyol, naging palagay pa rin

ang mga Pampango sa kanilang kilos at aksyon sa pag-aakalang may tiwala (confidence)

pa rin sa kanila ang mga Espanyol. Bago dumating ang panahon na ipinagbawal ng mga

awtoridad ang mga babasahing liberal tulad ng La Solidaridad at mga nobela ni Rizal,

nakakarating hanggang Betis ang mga dyaryo mula Espanya laman ang balita tungkol sa

pag-aalsa doon noong 1866-1867,14 ngunit walang ebidensiya kung nakaimpluwensiya ang

mga ito sa pagsibol ng liberalismo sa Pampanga. Noong 1869, lumiit naman ang mundo

ng Pilipinas at ng Espanya dahil sa pagbubukas ng Kanal ng Suez. May mga Pampangong

principal ang umunlad sa pagtutubo at pag-aasukal, at nakaya nilang papag-aralin sa mga

kolehiyo at unibersidad sa Europa ang kanilang mga anak.15 Dulot ito ng sikil na edukasyon

na mayroon sa Maynila, ayon sa obserbasyon ni Juan Alvarez Guerra, Espanyol na opisyal

noong huling hati ng ika-19 na siglo.16 Tinugunan din ng iba pang uring principalia sa iba’t

ibang panig ng Pilipinas ang edukasyon ng kanilang mga anak sa Europa, kaya’t dumating

ang pagkakataon na nagtagpo-tagpo ang landas ng mga kabataang principal at nakita ang

ibayong dagat bilang isang laboratoryo ng pagbabagong loob: na silang lahat ay kinatawan

hindi ng kani-kaniyang mga probinsya o pangkat etnolinggwistiko kundi ng kanilang

iisang pais (lupain), ang Pilipinas. Naikumpara nila ang napakalaking kaibahan ng buhay

14
Cf. UPDML, “Serrano’s History of Betis, 1740-1903.” Luther Parker Collection, Box No. 3, Folder No. 47,
Document No. 272, Entry 126.

15 
Rafaelita Hilario Soriano, The Pampangos (Lungsod ng Quezon: Kayumanggi Press, 1999) 10.
16
Guerra, The Origins, 11.

94
sa Europa at sa Pilipinas, vice-versa,17 at pinuna ang limitadong karapatan ng mga

mamamayan sa kolonyang Pilipinas kumpara sa mga taga-Peninsula o Espanya, gayong

iisa lamang ang kanilang imperyo, pamahalaan, at watawat. Naisip nila na hindi lamang

karunungan ang dapat nilang iuwi pabalik ng Pilipinas: iniangkas na rin nila sa

kanikaniyang mga pangarap ang nahihirayang bayan sa ilalim ng pangalang Pilipinas.

Tinawag silang mga ilustrado (‘naliwanagan’), terminong iwinangki sa uring principalia,

bilang sila-sila halos ang nagtamasa nito. Para kay Guerra, sumpa sa Espanya ang Kanal

ng Suez.18

Inabutan ng mga ilustrado ang muling pagbubukas ng parlyamento ng Espanya

noong 1873. Iyon nga lamang, tinanggalan na ng representasyon ang Pilipinas. Ito ang

sinikap ng mga ilustrado na ilaban, sampu ng maraming reporma na nais nila para sa

Pilipinas, kabilang ang pagpapatalsik sa mga prayle.

17
Ibid., 8. Maganda ring sipiin ang puna ng manunulat na Pranses na si André Bellessort sa mala-Medieval
at makalumang mundo na mayroon ang Maynila: “My last walk in Manila was inside the walled town, my
last visit to the University of St. Thomas. I shall probably remember those ancient fortifications longer than
anything else about the place. Thousands of miles away from Europe, under a sun whose fierce heat would
be incoceivable there, I have seen the structures and the men of our own Middle Ages. The moment I had
crossed the drawbridge and entered by the Isabella gateway I went back three hundred years. As though I
had been asleep under the ashes of time, and awakened by an echo of the past, I suddenly found myself in
the old, old town where I was born.” Cf. André Bellessort, “A Week in the Philippines: In November 1897
(Conclusion).” The Living Age, 27 May 1899, 571/562-74.
18
Guerra, The Origins, 7.

95
Reaksyon ng mga Prayle sa mga Pampangong Liberal

Upang makiisa sa paghiraya sa ideal na Pilipinas, kinailangan ng mga bagong

usbong na mga Pampangong principal na umiba ng landas mula sa pagiging matatapat na

basalyo ng mga monarka ng Espanya at masunuring mananampalataya ng mga prayle. 19

Nakita iyon ng mga prayle sa Pampanga bilang “maroc a asal” (‘maling asal’), kaya’t

hinimok nila ang pamahalaan noong 1 Setyembre 1877 na arestuhin at ipatapon ang lahat

ng mga liberal sa lalawigan.20 Nangyari iyon limang taon matapos ang Pag-aalsa sa Cavite

at ang pagbitay sa tatlong paring secular—Padre Mariano Gomes, Jose Burgos, at Jacinto

Zamora—na idiniin ng mga awtoridad bilang mga utak sa likod ng naturang gulo. Laking

gulat na lamang ng marami sa sinapit ng mga paring ito sapagkat hindi pa nangyari kailan

man, sa kasaysayan ng Pilipinas, ang bitayin ang tulad nila—pawang mga principal,

iginagalang na intelegencia, at pinuno ng kapariang katutubo. Sa paglalarawan ng liberal

na si Emilio Jacinto:

¡Kailan ma’y di napapanood ng langit ang gayong kalaking kataksilang


linsil!

19
Tungkol sa pagkakakilanlan ng mga Pampango na propagandista, tingnan ang Rafaelita Hilario-Soriano, A
Shaft of Light (N.p.: Rafaelita Hilario-Soriano, 1996), 320; hinggil sa epekto ng pagnenegosyo ng asukal sa
liberalismo sa Pampanga, tingnan ang John A. Larkin, The Pampangans: Colonial society in a Philippine
province (Berkeley, Los Angeles, London: University of California Press, 1972); hinggil sa papel ng mga
Pampangong elite sa liberalismo sa Pampanga, tingnan ang Francis St. Clair (W. Brecknock-Watson), The
Katipunan: Or, The Rise and Fall of the Filipino Commune (Manila: Tipos "Amigos del Pais," 1902), 32-3.

20
UPDML, “Punu’s History of Bacolor, 1746-1908.” Luther Parker Collection, Box No. 3, Folder No. 48,
Document No. 285, 20.

96
¡Gawang di lilimutin magpahangang kailan man ng bayang tagalog!
¡Araw na napakarawal at kalagim-lagim!21

Ikinabahala naman nang lubos ng mga prayle sa Pampanga ang presensya sa

lalawigan ni Padre Toribio Hilario del Pilar, kaibigan ni Padre Burgos at mula sa pamilyang

principal sa Bulakan, Bulacan. Nadakip si Padre Hilario del Pilar ng awtoridad sa Sta. Ana,

Pampanga noong 29 Enero 187222 at ipinatapon kalaunan sa Marianas. Kaanak ni Padre

Hilario del Pilar ang mga principal na Hilario ng Bacolor, partikular si Don Anastacio

Hilario na ama ng mga Pampangong liberal na sina Cecilio at Tiburcio Hilario.23 (Ang ama

ni Don Anastacio ay migrante sa Pampanga mula Bulakan.) Kakontemporaryo naman ng

magkapatid na Hilario ang nakababatang kapatid ni Padre Hilario del Pilar na si Marcelo

“Plaridel” Hilario del Pilar. Nang matapos niya ang abogasya sa Santo Tomas, nagsanay

at naglingkod si Plaridel sa korte ng Pampanga. Mula noong araw na dinakip ang kaniyang

kuyang pari, kinasuklaman na ni Plaridel ang mga prayle, ikinampanya niya ang

pagpapatalsik sa mga ito sa Pilipinas, at nagpalaganap ng propaganda upang ipamukha sa

mga kababayan ang tinawag niyang soberanía monacal o frailocracia (‘paghahari ng mga

prayle’).

Marapat ding mabanggit na noong 1872 naitala sa San Fernando ang kauna-

unahang welga ng mga manggagawa sa Pilipinas. Nagsimula ito sa hanay ng mga

21
Archivo General Militar de Madrid (AGMM), “¡¡¡ Gomez, Burgos, Zamora!!! ni Emilio Jacinto, 30 Abril
1896.” Filipinas-Katipunan, Caja 5677, leg.9.1.

22 
John N. Schumacher, The Revolutionary Clergy: The Filipino Clergy and the Nationalist Movement 1850-
1903 (Lungsod ng Quezon: Ateneo de Manila University Press, 1981), 28.
23
Evangelina Hilario-Lacson, Kapampangan Writing: A Selected Compendium and Critique (Maynila:
National Historical Institute, 1984), 396.

97
manlilimbag na bumuo ng gremio o samahan upang iprotesta ang maling pagtrato sa kanila

ng isang Espanyol.24 Nang taon ding ito, sunod-sunod ang naging pagbitay sa Pampanga.

Tornillos ang tawag ng mga Pampango sa pagbitay sa pamamagitan ng garote.

Pinakatumatak sa kamalayan ng mga Pampango noon na metornilla (ginarote) ay sina

Valentin Canno, Juan Maliari, magkapatid na Mamerto at José Sicat, at isang babae na

nagngangalang Julia Alimurung sa Bacolor. Ginarote sila noong 8 Hunyo 1872 sa paratang

na pagpatay sa Espanyol na si Don José Reyna.25 Kung papansinin ang mga apelyido ng

mga binatay, pawang matatandang principal sila ng Pampanga. (Maraming katutubong

apelyido sa Pampanga ang napreserba mula sa implementasyon ng kautusan ni Gob. Hen.

Narcisco Claveria sa mga katutubo ng Pilipinas na pumili ng Hispanisadong apelyido

noong 1849. Konsiderasyon ito na ibinigay sa mga uring principalia.26)

Wika nga ni Guerra, “ang maging indio at ang magkaroon ng pag-iisip ay tulad din

ng pagiging erehe, mason at higit sa lahat, pilibustero.”27

24
Cf. William Henry Scott, The Union Obrera Democratica: First Filipino Labor Union (Lungsod ng Quezon:
New Day Publishers, 1992), 8-9.

25
Para sa ulat ng mga pagbitay sa Bacolor at Guagua, cf. UPDML, “Punu’s History of Bacolor,” 18; UPDML,
“History of Betis 1740-1903 by A. Serrano.” Luther Parker Collection, Document No. 286, Folder No. 49, Box
No. 2.

26
Cf. Jaime C. Laya, Letras Y Figuras: Business in Culture, Culture in Business (Mandaluyong: Anvil Publishing,
2001), 125.

27
Guerra, The Origins, 11-2.

98
Pagpunla ng Liberalismo sa Pampanga

Noong 1861, iminungkahi ni Padre Juan Zita, kura ng Lubao at katutubo ng

naturang bayan, kasama ang kaibigan niyang si Felino Gil, isang mangangalakal na

Espanyol, sa pamahalaang Espanyol sa Maynila ang pagbubukas ng isang panlalaking

paaralan sa Bacolor, kabisera ng Pampanga.28 Nais nila na ang mga batang Pampango edad

7 hanggang 12 “ay maging kapakipakinabang na miyembro ng lipunan na batid ang

tungkulin sa Diyos at sa Pamahalaan, nang hindi na tutungo sa Kabisera (Maynila) at lalayo

pa sa kani-kanilang mga magulang at pamilya.”29 Maraming kilalang residenteng Espanyol

sa Pampanga at Pampangong principal ang nag-ambagan para buksan ang paaralan, tulad

ng dating alcalde mayor ng lalawigan na si Hen. José de Urbina y Daoiz (nanungkulan

mula 1841-1846). Inaprubahan ni Gob. Hen. Jose Lemery ang plano noong 4 Nobyembre

1861, at tinawag ang paaralan na Colegio de Instrucción Primaria y Latinidad, o mas kilala

bilang Colegio de Bacolor.30 (21 Hunyo 1864 na nang pagtibayin ang pagbubukas ng

Colegio de Bacolor.31)

28
Archivo Histórico Nacional (AHN). “Expediente de establecimiento de un colegio de Primaria y Latinidad
en Bacolor, 1861-1868.” Ultramar (1863-1899), No. 472, Exp.4; Anónima. Proyecto para Establecer Un
Instituto de Instrucción Primaria en Provincia Pampanga (Manila: Establecimiento Tipográfico de los
Amigos del País, 1861), 1.

29
Anónima, Proyecto, 3.

30
UPDML, “Foundation documents of Bacolor Trade School.” Luther Parker Collection (LPC), Box No. 2,
Folder No. 48, Doc. No. 282, 46; José Montero y Vidal. Historia General de Filipinas desde el Descubrimiento
de Dichas Islas hasta Nuestras Días (Madrid: Est. Tip. de la Viuda é Hijos de Tello, 1895), Tomo 3, 323;
Manuel Artigas y Cuerva, Historia de Filipinas para uso de los Alumnos del Instituto Burgos y de Otros
Colegios Particulares (Manila: Imprenta “La Pilarica,” 1916), 446.

31
Colegio de Abogados de Madrid. Boletín de la Revista general de legislación y jurisprudencia, Tomo XXI,
Segundo Semestre de 1864 (Madrid: Imprenta de la Revista de Legislación, 1864), 331. Ang taong 1864 ay

99
Sa mungkahi nina Padre Zita at Don Felino, isusunod ang kurikulum ng Colegio de

Bacolor sa kontrobersyal na sistemang pang-edukasyon ng mga paring Heswita. May

pagkiling si Padre Zita sa Heswitang kurikulum dahil dati siyang guro sa Real Colegio de

San José ng mga Heswita.32 Itinalaga nina Padre Zita at Gil si Padre Victor Dizon del

Moral, isa ring Pampangong paring secular, bilang unang rektor ng paaralan.

Iyon nga lamang, idinawit ni Gob. Hen. Cárlos María de la Torre si Padre Dizon

del Moral sa pagkalat ng sedisyosong kaisipan sa mga estudyante ng Unibersidad ng Santo

Tomas. Kabilang sa mga tinutukoy na mga estudyanteng ito ay sina Felipe Buencamino

(kalauna’y naging liberal na abogado), Gregorio Sanciangco (kalauna’y naging liberal na

ekonimista), at Paciano Rizal (kalauna’y nang-impluwensiya sa idolo ng sumunod na

henerasyon at itinanghal na pambansang bayani ng mga tao [public acclamation] na si Jose

Rizal). Lahat sila ay mga kasapi ng La Juventud Escolar Liberal, na kinabibilangan din ng

tatlo pang Pampangong estudyante ng Santo Tomas: Ladislao Dairit ng Magalang, Mariano

Alejandrino ng Arayat (kalauna’y ama sa isang heneral ng Himagsikan, si Jose

Alejandrino), at Balbino Ventura ng Bacolor (kalauna’y idineklarang pinakamapanganib

na liberal sa Pampanga).33 Ipinadampot ng pamahalaan ang mga nasabing estudyante dahil

ang kinikilalang taon ng pagkatatag ng Colegio de Bacolor sa Francisco Tomás y Valiente, Fondos de
Ultramar (1835-1903) (Madrid: Boletín Oficial del Estado, 1994), 139.

32
Salvador Pons y Torres, El Clero Secular Filipino: Apuntes Bibliográficos y Biográficos (Manila: Imprenta la
Democracia, 1900), 18.

33
Wala sina Dairit, Alejandrino, at Ventura sa unang listahan ni Manuel Artigas y Cuerva noong 1911 ng mga
kasapi ng La Juventud Escolar Liberal. Lumitaw lamang ang pangalan nila sa isa pang listahan ni Artigas
noong 1917. Cf. Manuel Artigas y Cuerva, Los Sucesos de 1872: Reseña Historica Bio-Bibliografica (Maynila:
Imprenta de la Vanguardia, 1911), 68; Manuel Artigas y Cuerva, 529.

100
Sagisag ng Bacolor, Pampanga noong panahon ng mga Espanyol. CENTER FOR KAPAMPANGAN
STUDIES

101
sa nakakabahalang polyeto na ikinalat sa Santo Tomas noong Oktubre 1869.34 Ikinulong

sila ng pitong buwan.

Bilang parusa, sinesante ni dela Torre si Padre Dizon del Moral sa pagkarektor ng

Colegio de Bacolor dahil sa pagiging “kontra-Espanya” (“por no creer yo que deben estar

al frente de la enseñanza de la juventud personas señaladas por la opinión pública como

antiespañolas”).35 Isang buwan matapos ang insidente sa Santo Tomas, noong 16

Noyembre 1869, ipinasara ng pamahalaan ang Colegio de Bacolor. 36 Bago magsara,

napagtapos pa ng Colegio de Bacolor noong 1869 ang mga kalauna’y nasangkot sa

liberalismo at paghihimagsik: Mariano Alimurung ng Bacolor (magiging libertador ng

Pampanga sa Himagsikang 1898), Juan Nepomuceno ng Angeles (magiging presidente

municipal ng kaniyang bayan sa Himagsikang 1898), Mariano Cunanan ng Mexico

(magiging propagandista at kaibigang matalik ni Rizal), at Antonio Consunji ng San

Fernando (magiging presidente municipal ng kaniyang bayan sa Himagsikang 1898).37

34
Schumacher, Revolutionary Clergy, 17.

35
John N. Schumacher, Father Jose Burgos: A Documentary History (Lungsod ng Quezon: Ateneo de Manila
University Press, 1999), 120-1.
36
Ikinatwiran ng pamahalaang Espanyol ang kawalan ng pondo upang ibangon ang Colegio de Bacolor
matapos itong tupukin ng apoy noong 15 Abril 1869. Bago ito ipasara, isa ang Colegio de Bacolor sa limang
paaralan sa Pilipinas na unang nagbukas ng Bachilier en Artes (katumbas ng ika-6 hanggang 12 na baitang)
sa bisa ng real decreto para sa sekondaryang edukasyon ni Reyna Isabella II noong 26 January 1867
(Reglamento para el regimen de los establecimientos de segunda enseñanza de las Islas Filipinas). Ang iba
pang paaralan ay ang Unibersidad ng Santo Tomas, Real Colegio de San Jose, Colegio de San Juan de Letran,
at Ateneo municipal (ngayo’y Pamantasang Ateneo de Manila). Cf. Joaquín Rodríguez San Pedro, Legislación
ultramarina: Concordada y Anotada, Suplemento Primero, Tomo Undécimo (Madrid: Imprenta de Manuel
Minuesa, 1868), 137.

37
Tingnan ang listahan ng mga unang nagsipagtapos sa Colegio de Bacolor sa UPDML, “List of graduates
and pupils of the Bacolor School of Arts and Trades, formerly ‘El Colegio de Santa Tereza de Jesus’, for the
period 1861-1869 by Luther Parker.” Luther Parker Collection, Box No. 2, Folder No. 48, Doc No. 866, 1-3.
Nagtapos din sa Colegio de Bacolor ang kilalang paring sekular na si Padre Ignacio Tambungui, kalauna’y

102
Samantala, isang paring Pampango mula sa San Fernando ang itinuring ng mga

Espanyol na tanyag sa pagiging liberal sa mga kakontemporaryo ng Gomburza: si Padre

Jose Consunji.38 Sa buong Pampanga naman, isang paring Pampango mula sa Guagua ang

nakumpiskahan ng sipi ng Noli Me Tangere ni Rizal: si Padre Felipe Roque. Coadjutor

(katuwang ng kura) noon si Padre Roque ng parokya ng Macabebe nang makumpiska ang

naturang nobela.39

Papel ng mga Pampango sa Kilusang Reformista

Walang duda na sina Rizal at Plaridel ang dalawang nangungunang lider ng mga

Pilipino sa Europa. Kapuwa nila pinalutang ang problema ng mga Pilipino sa frailocracia.

Mismong si Guerra, na isang Espanyol, ay kumbinsido na frailocracia ang puno’t dulo ng

galit at poot ng mga dilat nang mga Pilipino (diin sa ‘dilat’ dahil mga principal at ilustrado

ang karamihan sa mga kumilos):

chaplain ng Hospital de San Juan de Dios at canon ng Katedral ng Maynila. Tubong Guagua, ipinakilala ni
Padre Tambungui ang tanyag na Pilipinong pintor na si Simon Flores sa mga bayan sa Pampanga.
Napangasawa naman ng naturang pintor ang kapatid ni Padre Tambungui na si Simplicia. Kabilang sa mga
tanyag na obra ni Flores ay ang pintang larawan ni Padre Tambungui. Cf. Alex R. Castro, “Simon Flores.”
Singsing 2:3 (2003), 41; Regalado Trota Jose, Simbahan: Church Art in Colonial Philippines, 1565-1898
(Makati: Ayala Museum, 1991), 159.

38
Schumacher, Revolutionary Clergy , 45
39
Ibid.

103
Mula kaliwa: Juan Luna, Jose Rizal, at Valentin Ventura. MARIANO CACHO

104
Walang kapangyarihan sa mundo ang kasing ganap at epektibo tulad ng sa hawak
ng mga prayle sa kapuluang Pilipinas. Ganap at nananatili iyong nakapangyayari
sa maraming siglo. …[Ang] kapangyarihang iyon ay hindi kinuwestiyon sa loob
ng tatlong daang taon.40

At totoo ito sa Pampanga, bilang ang mga prayle ang ganap na naghahari. Kaya’t ligtas na

dako ang Europa upang kuwestiyunin ng mga Pampango ang mga prayle.

Valentin Ventura. Malamang na alam ni Valentin Ventura, negosyanteng

Pampango mula Bacolor na nakatira sa Paris, kung gaano katanggap ng kaniyang mga

kabalen (‘kapuwa Pampango/Kapampangan’) ang frailocracia, ngunit wala siyang

maiturong kongkretong isyu na maaari niyang maipambatikos doon. Tulad ng ibang mga

kasama sa Europa, ang pagiging hindi maka-Pilipino ng hirarkiya ng simbahan sa Pilipinas

ang kinamuhian ni Ventura.41 Kaya’t sa halip na tingnan ang isyu sa lebel lamang ng

kaniyang lalawigan, sinipat ni Ventura ang frailocracia bilang problema ng buong

Pilipinas—isang indikasyon na may isang Pampango ang nag-isip nang mas malaki pa sa

sarili niya at sa kaniyang probinsya sa panahong ito. Gayumpaman, hindi inilantad ni

Ventura ang sarili bilang kontra-prayle. Nakinita ni Ventura na kayang manipulahin ng

mga prayle ang lahat, maipit lamang sa alanganin ang mga kalaban nila.42

40
Guerra, The Origins, 14.

41
Pansinin ang panunuya ni Ventura sa pagpanaw ng anti-Pilipinong arsobispo ng Maynila na si Pedro Payo,
OP, sa kaniyang liham kay Rizal petsa 6 Enero 1889. Cf. Jose Rizal, Cartas entre Rizal sus Colegas de la
Propaganda (Maynila: Comision Nacional del Centenario de Jose Rizal, 1961), Tomo II, Libro Tercero, Primer
Parte, 278.

42
Basahin ang liham ni Ventura kay Rizal, petsa 28 Oktubre 1888, na nagpapaliwanag sa kalagayan ni
Graciano Lopez Jaena na lantad sa pag-ipit ng mga prayle sa Pilipinas, ibid., 231-2.

105
Upang maisulong ang pagkontra niya sa frailocracia nang hindi nadadamay ang

negosyo, mga kamag-anak at malalapit sa kaniya na nasa sa Pilipinas, ginamit niya si Rizal.

Sinuportahan niya, na parang kapatid, ang mga pangangailangang pinansyal ni Rizal,43

maituloy lamang nito ang mga gawaing kontra prayle at punahin ang mga maling asal at

gawi ng mga Pilipino sa Europa.44 Sa kaniyang liham kay Rizal noong 26 Setyembre 1891,

sinabi niya ang dahilan kung bakit nais niya itong tulungan: “pero ya sabe que somos como

dos hermanos y por lo tanto debo ser el último” (‘alam mo na naman na para na tayong

magkapatid kung kaya’t nais kong ihuli ang aking sarili’).45

Isa si Ventura sa naniniwala na hindi kailangang mawala ang Pilipinas sa Espanya,

kaya kailangang may magsakripisyo upang maisulong ito (“que si es para que la colonia

no se debande, es necesario haga un sacrificio y se vaya”).46 Sinabi niya ito kay Rizal nang

kaniyang mabalitaan na tutungo ito ng Madrid upang pangunahan ang pagtatatag sa isang

pahayagan—ang makinaryang nakita ng mga Pilipino sa Europa na magsusulong ng

reporma at ng pananatili ng Pilipinas sa Espanya. Ngunit duda si Ventura sa mararating ng

pahayagang ito. Sa praktikal na punto niya kay Rizal, hindi mabubuhay ang pahayagang

iyon sa pag-asa lamang sa sustento galing sa Pilipinas. Agam-agam niya na ibibingit

lamang ng mga propagandista sa alanganin ang kanilang

43
Ibid.; liham ni Ventura kay Rizal, petsa 6 Enero 1889, ibid., 277.

44
Liham ni Ventura kay Rizal, petsa 28 Oktubre 1888, ibid.

45
Liham ni Ventura kay Rizal, petsa 26 Setyembre 1891, cf. Jose Rizal, Cartas entre Rizal sus Colegas de la
Propaganda (Maynila: Comision Nacional del Centenario de Jose Rizal, 1961), Tomo II, Libro Tercero,
Segunda Parte, 712.

46
Liham ni Ventura kay Rizal, 23 Nobyembre 1888, Rizal, cf. Cartas, Tomo II, Libro Tercero, Primer Parte,258.

106
La Solidaridad. NATIONAL HISTORICAL COMMISSION OF THE PHILIPPINES

107
mga tagasuporta sa Pilipinas: tiyak na pag-iinitan ng mga prayle ang sinumang tildados o

markadong tagasuporta ng propaganda. Katwiran pa ni Ventura, sapat na ang pagdulog sa

Espanya upang iparating ang mga repormang nais para sa Pilipinas. May kanikaniya di

umanong pamamaraan ang mga Pilipino upang gawin ang pagdulog. Aniya, “Que cada

uno sirva a su país como major lo cree” (‘nawa’y pagsilbihan ng bawat isa ang kaniyang

bayan sa paraang naiisip niyang makabubuti’).47

Pambihira man ang takbo ng kaniyang pag-iisip, isa pa rin si Ventura sa

pinagkakatiwalaang lubos ni Rizal sa Europa.48 Residente na si Ventura sa Paris at doon

na bumuo ng pamilya. “Mansyon” ang turing sa kaniyang tahanan sa kabiserang iyon ng

Pransya.49

Bahagi ng tulong pinansiyal ni Ventura—utang, ayon sa kapuwa reformador na si

Felix Roxas50—kay Rizal ay ginamit upang maipalimbag nito ang nobelang El

Filibusterismo noong 1891. Bilang pasasalamat, ibinigay sa kaniya ni Rizal ang burador

47
Ibid.

48
Felix Roxas, The World of Felix Roxas: Anecdotes and Reminiscences of a Manila Newspaper Columnist,
1926-36 (Manila: Filipiniana Book Guild, 1970), 14.

49
Rizal, Cartas, Tomo II, Libro Tercero, Primer Parte, 136.

50
Ibid.

108
ng El Filibusterismo (na may dedikasyon)51 at dalawang panulat na ginamit sa pagsulat ng

nobela.52

Noong 6 Enero 1889, nagbigay ng opinyon si Ventura kay Rizal hinggil sa

Asosacion Hispano Filipina, isang samahan ng mga Pilipino at Espanyol na may malasakit

sa Pilipinas. Pinuna niya ang dami ng mga Espanyol na kasapi ng samahan, lalo na ang

luminaryong liberal na si Miguel Morayta. May pahiwatig si Ventura na nakakagulat: “su

política (Morayta) sera conserver el más tíempo posible Filipinas para España”

(‘pananatiliin ng kaniyang [Morayta] mga polisiya ang Pilipinas na sakop ng Espanya

hanggang maaari’).53 Pahiwatig iyon na may pagkaseparatista ang tunguhin ng litanya ni

Ventura.

Bahagi pa ng plano ni Ventura ay ang pabalikin si Rizal sa Pilipinas. Naniwala si

Ventura na ang mga nangyayaring paggising sa Pilipinas ay dahil sa pagsusumikap ni

Rizal—na, sa katunayan, ay isang miskonsepsyon, sapagkat si Plaridel ang tumrabaho sa

mga pagkilos sa Maynila laban sa mga prayle at wala ritong kinalaman si Rizal o ang mga

sinulat nito. Sa opinyon ni Ventura, binabalewala lamang sa Espanya ang mga reporma na

hinihingi nila, kaya’t mainam na sa Maynila na dalhin ang laban.54

51
Liham ni Ventura kay Rizal, petsa 26 Setyembre 1891, cf. Rizal, Cartas, Tomo II, Libro Tercero, Segunda
Parte, 712.

52
Roxas, The World, 136.

53
Liham ni Ventura kay Rizal, petsa 6 Enero 1889, cf. Rizal, Cartas, Tomo II, Libro Tercero, Primer Parte, 277.

54
Ibid.

109
Noong 15 Pebrero 1889, lumabas ang unang isyu ng pahayagang La Solidaridad.

Makalipas ang kulang-kulang anim na taon, ihininto ang pahayagan dahil sa kawalan na

ng sustento mula sa Maynila. Gaya ng nakinita ni Ventura, pinag-initan ang mga tumulong

sa propaganda at nakita ng mga liberal sa Pilipinas ang kawalang saysay ng patuloy na

pagtustos sa La Solidaridad. Wala ring naidulot na reporma ang paglagi ng mga Pilipino

sa Espanya, gaya ng agam-agam ni Ventura. Ayon kay Roxas, katangian na ni Ventura na

“laging maghanda sa maaaring mangyari at magkaroon ng maliwanag na puna at

pangitain.”55

Patunay si Ventura na may isang Pampango na kabilang sa mga unang yumakap sa

idea ng pagiging bahagi ng malaking komunidad ng mga Pilipino; at bahagi ng pagyakap

sa ideang ito ay ang buuin ang katangian ng isang Pilipino. Mahal niya ang kaniyang

asawang Espanyola, ngunit kaniyang ipinakita dito na kapantay niya ito sa pagkatao. Puna

niya sa kaniyang asawa at mga kababayan nitong Espanyol: “Ésta gente no quiere

comprender que un Filipino nunca se prestará a papeles ridiculos” (‘Ayaw unawain ng

mga taong ito na ang isang Pilipino ay hindi tatanggap ng katawa-tawang papel’).56

Ikinatuwa rin ni Ventura na ibalita kay Rizal, noong 16 Abril 1890, na ang mga suyas

(bansag sa mga Pilipino) sa Madrid ay kamuntikan nang hamunin ng duelo ang isang

Espanyol na miyembro ng aristokrasya at nabalita pa ito sa isang pahayagan.57 Gayundin,

hinimok niya si Rizal, na nakita niyang maimpluwensiya sa mga kababayan nila, na

55
Roxas, The World, 137.

56
Liham ni Ventura kay Rizal, 24 Pebrero 1890, cf. Rizal, Cartas, Tomo II, Libro Tercero, Segunda Parte, 510.

57
Liham ni Ventura kay Rizal, 16 Abril 1890, ibid., 521.

110
pagsabihan ang mga Pilipino sa Madrid upang ayusin ang kanilang asal dahil kasiraan ito

ng Pilipinas at maaari itong ikadismaya ng iba pang mga ama sa Pilipinas na nais papag-

aralin ang kanilang mga anak sa Europa.58

Naging miyembro rin si Ventura ng makabayang samahang Los Indios Bravos

(Mga Pilipinong Matatapang) at R.D.L.M. (sinasabing Redención de los Malayos o

Kalayaan ng mga Malayo).

Iba pang Pampangong liberal sa Europa. Si Agustin Blanco ay isinilang sa

Macabebe mula sa mestisang principal na ina (na siyang taga-Macabebe) at peninsular na

ama, si Don Juan Blanco. Nag-ari sila ng malawak na lupain sa Macabebe. Gayong hindi

opisyal ng pamahalaang lokal, kontrolado ng ama ang Macabebe at inilarawan pa bilang

isang may “pamumunong mala-baron.”59 Naging kapitan ng Hukbong Sandatahan ng

Espanya sa lungsod ng Mataró, Barcelona si Agustin. Nakilala naman siya bilang

kasakasama ni Plaridel sa pagkausap sa maiimpluwensiyang Espanyol sa Barcelona.

Makailang beses binanggit ni Plaridel sa kaniyang mga liham ang tungkol kay

Agustin Blanco. Sa liham sa asawang si Marciana, petsa 16 Abril 1889, binanggit na

58
Liham ni Ventura kay Rizal, petsa 6 Mayo 1890, ibid., 527.

59
U.S. Congress, Affairs in the Philippine Islands: Hearings before the Committee on the Philippine of the
United States Senate 57th Congress, 1st Regular Session, Jan. 31-June 28, 1902 – April 10, 1902
(Washington: Goverment Printing Office, 1902), Tomo 3, 2429; George A. Malcolm, The Commonwealth of
the Philippines (New York: D. Appleton-Century Com., Inc., 1939), 24.

111
binisita sa Mataró ni Plaridel at nina Mariano at Damaso Ponce, Graciano Lopez Jaena, at

Jose Ma. Panganiban “ang mag asawang Agustín Blanco na taga Macabebe.” Sa liham sa

bayaw na si Deodato Arellano, 2 Mayo 1889, ibinalita ni Plaridel na kasama niya at nina

Miguel Morayta, magpinsang Ponce, Santiago Icasiano, Lopez Jaena, Pablo Rianzares, at

Galicano Apacible si Blanco sa bangkete ng La Solidaridad (samahan) noong 25 Abril

1889 upang igiit na reporma ang hiling ng mga Pilipino at hindi separasyon sa Espanya.

Sa isa pang liham kay Arellano, 11 Hunyo 1889, kasama rin ni Plaridel at nina Mariano

Ponce, Panganiban, at Lopez Jaena si Blanco sa isang bangkete na inihanda ng mga

kaibigan nilang Espanyol.60 Nabanggit din si Blanco sa dalawang isyu ng pahayagang La

Solidaridad: isang pabatid na may petsang 13 Agosto 1889 na nag-aanunsyo na siya ay

puno ng arsenal ng Rerserva ng Mataró; at petsa 15 Pebrero 1889 sa isang obitwaryo na

handog ng mga Pilipino sa kaniya bilang pakikiramay sa pagpanaw ng biyenan niya sa

Pilipinas na si Doña Josefa Portillo de Villa.61 Ayon sa pag-aaral ni Padre Schumacher sa

kilusang propaganda sa Espanya, isa si Blanco sa mga unang Pilipinong mason na sumapi

sa Gran Oriente Español. Kabilang sa grupong ito ng unang mason sina Teodoro Sandico,

Icasiano, Ariston Bautista, Apacible, at Damaso Ponce.62

60
Cf. Oficina de Bibliotecas Públicas, Epistolario de Marcelo H. del Pilar Tomo II (Manila: Imprenta del
Gobierno, 1958), Tomo II, 13-4; Oficina de Bibliotecas Públicas, Epistolario, Tomo I.

61
Guadalupe Fores Ganzon at Luis A. Mañeru, trans., La Solidaridad (Manila: Fundación Santiago, 1996),
Tomo I, 321; Tomo II, 80.

62
John N. Schumacher, The Making of a Nation: Essays on Nineteenth-Century Filipino Nationalism (Lungsod
ng Quezon: Ateneo de Manila University Press, 1991), 161; Encarnacion Alzona, Galicano Apacible: Profile
of a Filipino Patriot (Manila: National Historical Institute, 1971), 20.

112
Natatangi rin ang papel sa kampanya para sa reporma ng mestisong Espanyol na si

Jose Alejandrino ng Arayat. Estudyante siya sa Belgium ng inhinyeriya noong 1889 63 at

naging matalik na kaibigan ni Rizal. Siya ang tumulong kay Rizal upang humanap ng

murang palimbagan at kumilatis sa mga dapat itama sa manuskrito ng El Filibusterismo.64

Katuwang sina Dominador Gomez at Eduardo de Lete, naatasan si Alejandrino na ihanda

ang unang isyu ng La Solidaridad noong 1889.65 Isa sa mga inambag niyang artikulo sa La

Solidaridad ay tungkol sa mahiwagang bundok sa Pampanga, ang Arayat o Sinukuan.66

Ang dalawa pa sa mga prominenteng Pampango sa kilusang reporma ay sina

Francisco Liongson (noo’y nag-aaral ng medisina) ng Bacolor at si Mariano Cunanan ng

Mexico (Pampanga). Estudyante ng Agham si Cunanan sa Paris nang makilala niya si

Rizal.67 Nangako si Cunanan kay Rizal na tutulungan niya itong pondohan ang pangarap

nitong makapagbukas ng isang Colegio Moderno sa Hong Kong.68 Ngunit hindi na

nakabalik pa sa Hong Kong si Rizal dahil dinakip at ipinatapon na ito ng mga Espanyol sa

Dapitan noong 1892.

63
Artigas y Cuerva, Galería de Filipinos Ilustres, 411.

64
Jose Alejandrino, The Price of Freedom (La Senda del Sacrificio): Episodes and Anecdotes of Our Struggles
for Freedom, salin sa Ingles ni Jose M. Alejandrino (Manila: José Alejandrino, 1949), 3, 223, 233.

65
Artigas y Cuerva, Galería de Filipinos Ilustres, ibid.

66
“Sinukúan, por Jose Alejandrino, La Solidaridad, 15 Julio 1891,” sa La Solidaridad, salin ni Luis Mañeru,
pinamatnugutan ni Guadalupe Fores-Ganson (Maynila: Fundación Santiago, 1996), Tomo 3, 340-4.

67
José Rizal, Reminiscences and Travels of José Rizal (Maynila: José Rizal National Centennial Commission,
1961), 253.

68
Cf. Sixto Y. Orosa, Jose Rizal: A Collection of What People Have Said and Written about the Filipino National
Hero (Maynila: Manor Press, 1956), 62.

113
Jose Alejandrino. NATIONAL LIBRARY OF THE PHILIPPINES

114
Francisco Liongson. CENTER FOR KAPAMPANGAN STUDIES

115
Ang magkapatid na Jose (kaliwa) at Eugenio Blanco y Leyson (kanan). Ayon kay Celia Blanco,
apo sa pamangkin ni Eugenio (85 taong gulang na nang kapanayamin noong 25 Pebrero 2012),
composite painting ito ng dalawa (hinango sa dalawang magkaibang larawan), obra ni L. M.
Santuangco, isang lokal na pintor ng Sta. Rita, Macabebe. IAN CHRISTOPHER B. ALFONSO

116
Pampanga bilang Nangungunang Liberal na Lalawigan

Mabilis na niyakap ng mga liberal sa Pilipinas ang pagbubukas ng unang logia

(himpilang mason) sa Maynila noong 1890. Kabilang naman ang mga kaanak nina

Ventura, Blanco, at Alejandrino sa nagpakilala ng masoneriya sa Pampanga. 69 Ang mga

ito ay sina Balbino Ventura, kapatid ni Valetin Ventura, na kasapi ng La Juventud Escolar

Liberal,70 binasagan ng mga Espanyol na “filibustero muy conocido” (‘kilalang

pilibustero’),71 at nakilala bilang taong marami nang napuntahang mga lugar sa iba’t ibang

bansa at may malapalasyong bahay sa Sta. Ines, Bacolor;72 si Eugenio Blanco, kapatid ni

Agustin Blanco; at si Mariano Alejandrino, ama ni Jose, na kasapi rin ng La Juventud

Escolar Liberal. Hindi rin dapat isantabi ang papel ni Ruperto Lacsamana ng Mexico bilang

tagapagtatag ng unang lohiya ng masoneriya sa Pampanga, katuwang sina Eugenio at

Mariano.

Kalaunan, nagkaroon rin ng mga mason na sa mga bayan ng Pampanga: Bacolor,

Magalang, Guagua, Floridablanca, San Fernando, Mexico, Santa Ana, Arayat, Mabalacat,

69
Teodoro M. Kalaw, La Masoneria Filipina: Su Origen, Desarrollo y Vicisitudes hasta la Época Presente
(Maynila: Bureau of Printing, 1920), 48; NAP, “Pampanga - Si acaso esta provincial donde más se halla la
masoneria, pues tiene adaptos en casi todos,” Cuerpo de Vigilancia de Manila, Manuscrito A-10, Documento
No. 3.

70
Artigas y Cuerva, Los Sucesos de 1872, 34-5.

71
Jose M. del Castillo y Jimenez, El Katipunan o El Filibusterismo en Filipinas (Madrid: Imprenta del Asilo de
huerfanos del S. C. de Jesus, 1897), 251.
72
NHCP, “Bacolor HDP,” RHDTA, 7.

117
at Macabebe.73 Ilan sa mga logia sa Pampanga ay ang Logia Masala sa San Fernando na

pinamumunuan ni Jose Bañuelos bilang Excelentísimo Maestro Masón (Worshipful

Master); Logia Majestad sa Bacolor sa pamumuno ni Tiburcio Hilario;74 sa Bacolor ni

Viriato (Antonio de Cordoba) at Morse (Don Manuel G. Campos); at sa Macabebe ni

Venerable (Eugenio Blanco). Idagdag pa rito ang listahan ng mga mason sa Pampanga ng

Cuerpo de Vigilancia de Manila, isang sangay ng pamahalaan na itinatag noong 1895

upang maniktik:

Lubao: Francisco dela Rosa (Abdallah)

Bacolor: Tiburcio Hilario, Ceferino Joven,75 Francisco Joven, Ildefonso

Ramirez (Yra), Pedro Malig (Malagueño), Enrique R. Magante (Miramon),

Macario Tulad, Luis Carrillo, Cornelio Ceson, Felix David, Felix Galura, N.

Samson, Antonio Dayao, Balbino Ventura, at Mateo Gutierrez

Guagua: Cayetano Baluyot, N. Balbuena (hijo), Gregorio Trajano, at Juan

Guintu

Floridablanca: Quintin Romero at Daniel Romero.

73
NAP, “Masoneria Pampanga,” Cuerpo de Vigilancia de Manila, Manuscrito A-4, Información Secreta No.
19.

74
Lino L. Dizon, “Los Alemanes and Other Early Religious Protest Movements in Tarlac Province, 1891-1905.”
Alaya, 5 (2007-2008), 209-10.

75
Bago itatag ang unang Pilipinong logia, noong Disyembre 1889 itinatag sa Maynila ang Circulo Nacional
Recreativo na ang layon ay kaunlarang moral at materyal ng Pilipinas. Kabilang sa mga kinonsiderang vocal
(board member) nito ay si Joven. Cf. “Carta de Filipinas.” La Solidaridad, 1 Pebrero 1890, 25.

118
San Fernando: Cecilio Hilario (Voltaire), Pedro Teopaco, Jose S. Bañuelos,

Antonio Consunji, Clemente de Ocampo, Angel de Ocampo, Mariano Serrano

Custodio, Felix Ferrer, Dalmacio de Leon, at Dalmacio Cayco

Mexico: Ladislao Diwa, Catalino Mercado, Maximino Hison (sic), Ruperto

Lacsamana, at Maximo Cunanan

Sta. Ana: Jose Revelino

Arayat: Cipriano Pinson, Leon Ariol Santos, Mariano Alejandrino, at kaanak,

Magalangal76

Magalang: Jose Tison, Julio Lacnson, Pablo Lucia, Teopisto Samson, at

Capistrano Rivera

Ang Pampanga naman ang nakapagtala ng pinakamalaking bilang ng mga lohiya

sa labas ng Maynila.77 Marapat lamang na mabanggit na nakatulong nang malaki ang

masoneriya upang mapalawig pa ang kampanya para sa mga reporma, kasabay ang

paglawak ng kamalayang liberal na pilit hinarang ng mga prayle at awtoridad.

Dahil sa positibong pagtanggap sa masoneriya sa lalawigan, isa ang Pampanga sa

binisita ni Rizal noong 27 Hunyo 1892 upang manghimok ng mga kasapi para sa La Liga

76
NAP, “Pampanga - Si acaso esta provincia donde más se halla la masonería, pues tiene adaptos en casi
todos. Los pueblos, pero donde el número es mayor es en los pueblos de San Fernando, Bacolor, Mexico,
Arayat y Magalang. Relación de puño y letra del Jefe de la Policía de Manila.” Cuerpo de Vigilancia de
Manila, Manusciro A-10, Documento No. 3; “Noticia de los individuos afilados a la Masoneria en la provincia
de Pampanga.” Cuerpo de Vigilancia de Manila, Manuscrito A-10, Documento No. 2.
77
Del Castillo y Jimenez, El Katipunan, 12-3; Sastron, La Insureccion, Tomo I, 153.

119
Jose Rizal, mula sa Koleksyong Alfonso Ongpin. NATIONAL HISTORICAL COMMISSION OF THE
PHILIPPINES

120
Artist’s rendition ng imahen ni Tiburcio Hilario. CENTER FOR KAPAMPANGAN STUDIES

121
Cecilio Hilario. CENTER FOR KAPAMPANGAN STUDIES

122
Maximino Hizon, mula sa Graphic, 27 Nobyembre 1929. ALEX R. CASTRO

123
Filipina. Binisita ni Rizal ang mga liberal na magkakapatid na sina Cecilio at Tiburcio

Hilario sa Bacolor at San Fernando, at ang kapatid pa nilang si Procopio sa Tarlac, Tarlac.78

Hindi inabutan ni Rizal si Procopio sa Tarlac, kaya’t bumalik siya ng Pampanga para

bisitahin naman si B. Ventura.

Bukod sa mga Hilario, naakit din ng Liga ang mason na si Lacsamana at ang

protégé nito na si Maximino Hizon na principal-mestizo sangley ng Mexico. Sa kabuuan,

halos mga maykayang mason ang miyembro ng Liga sa Pampanga.79

Pagpurga sa mga Liberal ng Pampanga

Gayong malinaw na inaadhika ng Liga ang pagbubuklod ng mga dalubhasa, aral,

at estudyante na may malasakit sa lipunan, ipinagbawal pa rin ng mga awtoridad ang

samahan. Nakita nila ang Liga bilang banta sa seguridad at kaayusan ng lipunan.80 Kung

kaya’t ganoon din kabilis na inaresto si Rizal at kalauna’y ipinatapon sa Dapitan. Ang

pagbabawal sa Liga ay ginawang dahilan sa Pampanga upang ipitin at mawala ang mga

Pampangong mason. Sa mismong araw na ipinagbawal ang Liga, sinuyod ng mga Guadia

Civil sa Pampanga ang mga bahay ng mga liberal.81 Sinibak naman sa puwesto sa gobyerno

78
Rizal, Reminiscences, 187.

79
St. Clair, The Katipunan, 32-3.

80
Rafael Palma, The Pride of the Malay Race: A Biography of José Rizal. (New York: Prentice-Hall, 1949),
299.
81 
Hilario-Lacson, Kapampangan Writing, ibid.

124
sina Lacsamana at Alejandrino (tatay), kasama ang alkalde ng San Fernando na si Antonio

Consunji noong 13 Setyembre 1892.82 Nang araw ding iyon, ipinadampot ni Gob. Hen.

Eulogio Despujol si Alejandrino.83 Si Lacsamana at Hizon ay pinatawan naman ng

excomunicacion ng kura ng Mexico na si Padre Juan Tarrero, OSA. Ang naturang prayle

rin ang responsable kung bakit ipinatapon sa Kiangan si Alejandrino.84 Hinaras naman ng

gobernador civil ng Pampanga na si Jose Canovas si Ceferino Joven, mason at principal

ng Bacolor. Kung kokonsultahin ang Luther Parker Collection, nabanggit pa ang mga

sumusunod na pangalan sa mga inaresto: Pelisiano David, Julio Lacson, Juan Balbuena, at

Gregorio Cuio.85

Noong 1894, 34 na Pampangong principal ang ipinatapon ni Gob. Hen. Ramon

Blanco sa Jolo, Siasi, at Balabac. Kilala ang mga iyon bilang “reputados como mayores

propagandistas de la idea masónica” (‘kilalang nangungunang tagapagsulong ng diwang

masoniko’), batay sa ulat ng Gobernador Civil ng Pampanga noong 7 Setyembre 1894.

Ang deportasyon sa mga principal na iyon ay paraan (medidas preventivas) upang

82
Cf. La Solidaridad, tag. at pat. Mañeru at Ganson, Tomo I, 835-6.

83
Artigas y Cuerva, Galería de Filipinos Ilustres, 447.

84
Alejandrino, The Price, 41; Marcelo H. del Pilar Gatmaitan, “To the Filipinos, La Solidaridad, 15 Enero
1895,” sa La Solidaridad, tag. at pat. Mañeru at Ganson, Tomo 7, 10/8-13.

85
UPDML, “Serrano’s History,” Entry No. 139.

125
masiguro ang kaayusan sa Pampanga.86 Bahagi lamang ang 34 na Pampangong iyon sa 400

ipinadeporta ni Blanco mula Pampanga, Taal, at Malolos.87

Bago sumiklab ang Himagsikang Pilipino noong Agosto 1896, nagawa pa ng mga

kaibigang Pampango ni Rizal na lakarin kay Gob. Hen. Ramon Blanco na payagan siyang

maging mediko sa Cuba.88

86
Ramon Blanco, Memoria que al Senado dirige el General Blanco acerca de los Últimos Sucesos Ocurridos
en la Isla de Luzon (Madrid: Estamecimiento Tipográfico de “El Liberal,” 1897), 9.

87
Sastron, La Insureccion, Tomo I, 175.

88
St. Clair, The Katipunan, 102-3.

126
Antonio Consunji. CENTER FOR KAPAMPANGAN STUDIES

127
Ceferino Joven. CENTER FOR KAPAMPANGAN STUDIES

128
IKAAPAT NA KABANATA

PAMPANGA SA PAGSIKLAB NG HIMAGSIKAN AT

ANG PAGKILOS NG MASANG PAMPANGO, 1896-1897

Pagsuyod sa mga Liberal ng Pampanga

Ilang oras mula nang matuklasan ang Katipunan noong 19 Agosto 1896, 300

katao ang agad na dinampot sa Pampanga, Bulacan, at Maynila pa lamang, dahilan upang

mapuno ang mga piitan.1 Kabilang sa naaresto ang mga personalidad sa Pampanga tulad

ng magkakapatid na Tiburcio, Cecilio, at Procopio Hilario ng Bacolor;2 si Maximino

Hizon at Ruperto Lacsamana ng Mexico;3 Jose Bañuelos ng San Fernando;4 at isang

nagngangalang Potenciano Bondoc ng Macabebe. Bagaman hindi Pampango, kailangang

mabanggit na sa Pampanga nadakip si Teodoro Plata,5 isa sa tatlong tagapagtatag ng

Katipunan kasama sina Ladislao Diwa at Andres Bonifacio, upang bigyang bigat ang

katotohanang lantad ang lalawigan sa nagpasimula ng Himagsikan: ang Katipunan.

1
John Foreman, The Philippine Islands (New York: C. Scribner's Sons, 1906), 365.

2
Hilario-Lacson, Kapampangan Writing, 397.

3
NLP, “Hojas de servicio de Maximino Hizon, primer jefe del ejercito liberator Filipino de la Pampanga, 11
de Julio 1898,” Philippine Revolutionary Papers, Folio 78-88, Package 107, Reel No. 159, 2; Nilo Ocampo,
Katutubo, Muslim, Kristyano: Palawan, 1621-1901 (Kolonya: Bahay-Saliksikan ng Kasaysayan, 1985), 92.

4
Susana Cuartero Escobés, La Masonería Española en Filipinas (Espana: Ediciones Idea, 2006), Tomo 1,
134.

5
“El Consejo de Guerra de Hoy,” La Voz, 20 Enero 1897.

129
Ang malawakang pagdakip na ito ay nasundan pa ng pagpapatapon ng ilan sa

kanila sa malalayong pook: ang magkapatid na Tiburcio at Cecilio Hilario ay

magkahiwalay na ipinatapon sa Siasi, Jolo at sa Balabac, Paragua6 (ngayo’y Palawan)

(pinalaya si Procopio Hilario noong 17 May 18977); si Hizon, kasama ang magkapatid na

sina Mariano at Felix David ng Bacolor, sa Jolo;8 si Lacsamana, sa Puerto Princesa;9 si

Bañuelos sa Castillo ng Asturias, Jolo ng 14 na buwan at kalaunan sa Plaza ng Jolo ng

panibagong apat na buwan.10

Maging ang mga kaanak ng mga sangkot sa Pag-aalsa sa Cavite ng 1872 na nasa

Pampanga ay hindi nakaligtas sa panliligalig ng mga nasa awtoridad sa panahong iyon,

tulad ni Doña Margarita Magno vda. de Campos ng Porac, Pampanga. Nakamasid sa

kaniya ang mga awtoridad, bilang kaanak siya ni Padre Jose Burgos; lalo pa’t ang anak

6
Hilario-Lacson, Kapampangan Writing, 397; Ocampo, Katutubo, 91.

7
NAP, “Relación nominal de los individuos que se ballaban presos en la cárcel pública de Manila por
delitos politicos y que han sido presentados en el dia de hoy por haber sido indultados por el Excmo.
Señor Capitán General de estas islas,” Cuerpo de Vigilancia de Manila, Manuscrito A-1-(4), Legajo No. 4,
Documento No. 156, 2; NAP, “Relación de los individuos indultados presos en Manila por Excmo. Señor
Gobernador General de estas islas,” Cuerpo de Vigilancia de Manila, Manuscrito A-1-(4), Legajo No. 4,
Documento No. 157.

8
NLP, “Hojas de servicio,” 2.

9
Ocampo, Katutubo, 92.

10
Susana Cuartero Escobés, La Masonería Española en Filipinas (Espana: Ediciones Idea, 2006), Tomo 1,
134.

130
niyang si Jose at pamangkin na si Gomez ay mga kabo (corporal) sa hukbong

Espanyol.11

Naghigpit din ang mga awtoridad sa mga magbibiyahe palabas ng Pilipinas.

Noong 26 Agosto 1896, sumailalim sa metikulosong inspeksiyon ang mga Pampangong

sina Santiago David at ang magkapatid na Fernando at Florencio Lopez sa piyer dahil

pinaghinalaan ng mga Espanyol ang kanilang kilos at ang laman ng kanilang mga bagahe.

Sa kasagsagan ng Himagsikan, dumalaw kay Balbino Ventura sa Bacolor ang

konsul ng Hapon para sa Hong Kong. Naalarma ang mga awtoridad; kaya’t nang

makaalis ang naturang konsul ay pinabantayan na ng mga awtoridad ang bahay ni

Ventura.12 Kaugnay ito ng ulat na tinutulungan, di umano, ng mga Hapones ang mga

Pilipinong manghihimagsik laban sa Espanya. Ipinadakip din si Ventura sa mga guardia

civil: itinali nang mahigpit ang kaniyang mga bisig—Miquit-a-sicu (‘nagtagpong mga

siko’) ang pagkakalarawan dito ng mga Pampango13—at siya’y pinaglakad ng kulang-

kulang sampung kilometro, mula Bacolor patungong San Fernando.14 Nilinaw mismo ng

pamahalaang Hapones sa mga Espanyol na hindi nila susuportahan ang mga kaaway ng

Espanya (“El Japón dice de un modo solemne que jamás podía proteger á los enemigos

de España”).15 Napalaya agad si Ventura dahil dito. Ngunit ang karanasan niyang ito ay

11
NAP, “Copia de las informaciones secretas de abril á agosto de 1896.” Cuerpo de Vigilancia de Manila,
Manuscrito A-6, Document No. 33, 1-4.
12
Bellessort, “A Week,” 565. Tingnan din ang ulat sa del Castillo y Jimenez, Katipunan, 252.
13
Daniel H. Dizon, “The Execution of Román Payumu.” Singsing, 3:1 (2004), 47.
14
Jose David Angeles, “The Story of My Life, 1975” (Di pa nailalathalang gunita, nakasinop sa Juan D.
Nepomuceno Center for Kapampangan Studies Archives, Holy Angel University, 1975), 35.
15
Del Castillo y Jimenez, Katipunan, 251.

131
nagdulot sa kaniya ng malubhang depresyong nauwi sa pagpapakamatay, sa

pamamagitan ng pag-overdose sa gamot na bromuro (gamot pampakalma).16 Nakaranas

din ng intimidasyon ang kaniyang mga anak na babae mula sa paaralang patakbuhin ng

mga relihiyoso sa Maynila.17

Ngunit wala nang sasaklap pa sa sinapit ng Pampangong si Agapito Conchu ng

Guagua, ang unang Pampango na binitay dahil sa Himagsikan. Nangyari ito noong 12

Setyembre 1896 sa Fuerza San Felipe Neri, Cavite. Guro siya ng musika sa Cavite at

nakabilang sa tinaguriang trece martires (labintatlong martir) ng Cavite.18

Sapat nang indikasyon ang kabi-kabilang pagdakip sa mga kilalang personalidad

sa Pampanga na pinaratangang sangkot sa Katipunan at sa pagsiklab ng Himagsikan,

upang ipailalim ni Gob. Hen. Ramon Blanco ang lalawigan sa estado de guerra—kasama

ng pito pang probinsya na malapit sa Maynila, i.e., Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna,

Maynila, Nueva Ecija, Tarlac.19 Dalawang taon ang nakalipas, dinakila ang Pampanga sa

proklamasyon ng kalayaan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite noong 12 Hunyo 1898 bilang isa

sa walong lalawigan na nadamay sa Himagsikan; at upang magunita ng sambayanan ang

sakripisyong iyon, inilaan sa karangalan ng Pampanga ang isa sa mga sinag ng araw sa

16
Angeles, “The Story of My Life, ibid. Sang-ayon sa panayam ni Bellessort sa isang Espanyol na opisyal,
nilason di umano ni Ventura ang sarili sa kulungan. Cf. Bellessort, “A Week,” ibid.
17
David, “The Story of My Life,” 34-5.

18
Emmanuel Franco Calairo, Mga Anak ng Tangway sa Rebolusyong Filipino (Lungsod ng Kabite:
Pamahalaang Lungsod ng Kabite, 1996), 47; Carlos Quirino, Who's Who in Philippine History (Makati:
Tahanan Books, 1995), 62.

19
Manuel Sastron, La Insurrección en Filipinas y Guerra Hispano-Americana en el Archipiélago (Madrid:
Imprenta de la Sucesora de M. Minuesa de los Ríos, 1919), 209-10.

132
Agapito Conchu. CENTER FOR KAPAMPANGAN STUDIES

133
watawat ng Himagsikan (“ang walong sinag [sa watawat], kumakatawan sa walong

lalawigan… na naideklara sa estado ng digmaan nang magsimula ang unang

paghihimagsik”).20 Pinalaki pang lalo ang papel ng Pampanga sa simula ng Himagsikan

nang bigkasin ni Pangulong Emilio Aguinaldo ang isang talumpati noong ratipikahan ng

Congreso Revolucionario sa Simbahan ng Barasoain ang kalayaan ng Pilipinas noong 29

Setyembre 1898. Sa makasaysayang pangyayaring iyon, kinilala ni Aguinaldo ang

Pampanga bilang isa sa “ualong guhit nang banaag na taglay ng sumisicat na araw (sa

watawat)” at siyang “bumalisa at biglang nagbigay ng liuanag sa Sangcapuluan” noong

Agosto 1896.21 May pagkakamali naman sa pag-intindi rito ang marami na ang mga

lalawigang iyon ay mga unang sumabak sa Himagsikan noong Agosto 1896. Pinalabo ng

kamaliang ito ang tunay na kondisyon ng Pampanga mula nang sumiklab ang

Himagsikan hanggang sa muling ipinanawagan ni Aguinaldo ang sabay-sabay na

pagbangon laban sa Espanya sa petsang 31 Mayo 1898.

Ang Pampanga sa Gitna ng Himagsikan, Agosto-Nobyembre 1896

Mula Agosto hanggang Disyembre 1896, nakasentro ang armadong pagkilos ng

Himagsikan sa mga lalawigan ng Maynila, Cavite, Nueva Ecija, Batangas, at Bulacan. Sa

Maynila, na noo’y isang lalawigan na binubuo na ngayon ng kalakhang Maynila at Rizal,

20
Cf. “Acta de la Proclamación de la Independencia del Pueblo Filipino.”

21
Bautista, Ang Malulos, 175.

134
Emilio Aguinaldo. U.S. LIBRARY OF CONGRESS

135
pumutok ang balita tungkol sa Katipunan. Dito iprinoklama ang simula ng Himagsikan sa

mga gulod ng nayon ng Balintawak, sa Caloocan. Samantala, nakabatay naman ang

pagkilos ng maraming bayan ng Cavite sa hudyat na pangungunahan ng Katipunan sa

Maynila. Nangyari ang pagkilos noong 31 Agosto 1896.22

Tumugon sa panawagang manghimagsik ang mga taga-Cabiao at Gapan, Nueva

Ecija noong 2-4 Setyembre 1896.23 Sinalakay nila ang kabisera ng lalawigan noon, ang

San Isidro, na agad nasawata ng mga Espanyol. Mga Kapampangan ng Nueva Ecija ang

nanguna sa pag-aalsa sa naturang lalawigan—si Mariano Llanera ng Cabiao24 at

Pantaleon Valmonte ng Gapan (na ang orihinal na apelyido ay dela Cruz mula sa

Macabebe25)—ngunit walang masyadong malaking epekto sa Pampanga, liban na lamang

sa pinapatotoo ng 1953 HDP ng Arayat na may mga taga-Arayat na nahimok ni Llanera

na sumama sa paghihimagsik sa Nueva Ecija.26 Ayon naman sa beterano ng Himagsikan

sa Arayat na si Tenyente Juan Kabigting noong 1953, umabot ang Labanan sa San Isidro

hanggang Barangay Candating, Arayat at sa bayan ng Candaba. 27 Iyon nga lamang,

walang masyadong detalye si Kabigting sa mga nangyari sa Candating at sa Candaba

22
Santiago V. Alvarez, The Katipunan and the Revolution: Memoirs of a General with the Original Tagalog
Text (Lungsod ng Quezon: Ateneo de Manila University Press, 1992), 270-1.

23
Sastron, La Insurrección, Tomo I, 252-8.

24
Cf. Rafaelita Hilario Soriano, Gen. Mariano Llanera: Nueva Ecija and the Pampango Nation’s Greatest
Contribution to the Philippine Revolution (s.l: Rafaelita Hilario Soriano, 1999).

25
Felix Valmonte, “Papa Felix History of Our Clan's Origen.” Mula sa di pa nailalathalang kasaysayan ng
pamilyang Valmonte na nasa koleksiyon ni Felixandrei Valmonte, apo ni Pantaleon Valmonte, ca. 1960,
263.

26
NHCP, “Arayat HDP,” RHDTA, 9,14.

27
Ibid., 19.

136
upang masabing nakapasok ang mga manghihimagsik sa Pampanga noong simula pa

lamang. Tulad niya, ang kaniyang kababayan sa Arayat na si Jose Alejandrino ay napili

ring maging aktibong manghihimagsik sa labas ng Pampanga.

Dalawang linggo makalipas ang pag-aalsa sa San Isidro, noong 21 Setyembre

1896, sumiklab ang paghihimagsik sa Bai, Laguna.28 Sunod namang umatake ang mga

Kabitenyo at Batangenyo sa mga Espanyol sa Tuy at Lian, Batangas noong huling bahagi

ng Setyembre 1896.29 Sa Talisay, Batangas naman noong 1 Oktubre 1896, napatay ng

puwersang Kabitenyo sa ilalim ni Aguinaldo si Augustin Blanco, ang propagandistang-

naging-kontra-manghihimagsik mula sa Macabebe. Gaya nang nabanggit sa sinundang

Kabanata, si Blanco ay opisyal ng Hukbong Espanyol sa Barcelona. Umuwi siya sa

Pilipinas upang labanan ang mga manghihimagsik. Maaaring mga puwersang Espanyol

ang hawak niya at walang taga-Macabebe o Pampango sa kaniyang puwersa—bagay na

wala namang banggit sa mga gunita ni Aguinaldo.30

Habang nangyayari ang mga pagkilos sa Maynila, Cavite, Nueva Ecija, Laguna,

at Batangas, nagtatag ng mga real (himpilan) ang mga Bulakenyong manghihimahsik sa

bakawanan at nipahan ng Masucol sa Paombong, Bulacan at sa burol ng Cacarong sa

28
Alvarez, The Katipunan, 452.

29
Glenn Anthony May, Battle for Batangas: A Philippine Revolution at War (Lungsod ng Quezon: New Day
Publishers, 1993), 48.

30
Del Castillo y Jimenez, Katipunan, 224-225; Emilio Aguinaldo, Mga Gunita ng Himagsikan (Maynila:
National Centennial Commission; Cavite: Cavite Historical Society, 1964/1998), 137; Ma. Luisa T. Camagay,
trans., French Consular Dispatches on the Philippine Revolution (Lungsod ng Quezon: University of the
Philippines Diliman, 1997), 2; Sastron, La Insurrección, Tomo I, 286.

137
Bigaa, Bulacan (ngayo’y bahagi ng Pandi, Bulacan; ang Bigaa ay bayan na ngayon ng

Balagtas). Lubos na ikinabahala ng mga Espanyol ang balibalitang malaking bilang ng

mga manghihimagsik sa Bulacan dahil sa lapit nila sa Maynila. Ayon kay Artemio

Ricarte, heneral ng Himagsikan, tinatayang may 10,000 katao sa Cacarong, bagaman 17

lamang di umano sa mga iyon ang may armas.31 Kaya’t sa deskripsyon ni Gob. Hen.

Camilo de Polavieja, “El escándalo está en Cavite; el peligro en el Norte y Bulacán”

(‘Nasa Cavite ang gulo; ang panganib ay nasa Norte at Bulacan”). 32 Madaling araw ng 1

Enero 1897, ginulantang ng malaking puwersang Espanyol ang real ng Cacarong.

Itinuring ang operasyong ito na golpe de muerte (dagok ng kamatayan).33 Tinatayang

1,200 ang napaslang na manghihimagsik sa Cacarong.34 Nadakip naman ang pinuno ng

Cacarong na si Eusebio “Maestrong Sebio” Roque, makalipas ang ilang araw sa Bonga,

Bustos, Bulacan. Ang pagbitay kay Roque ang itinuring na hudyat ng tagumpay ng mga

Espanyol sa Bulacan, kaya’t pinagtuunan naman nila ng pansin ang Cavite, na ilang

buwan nang kontrolado ng mga manghihimahgsik—samakatuwid, nagtamasa ng

kalayaan. Noong Mayo 1897, nang tuluyang napasakamay ng mga Espanyol ang Cavite,

matagumpay na nakalipat si Aguinaldo sa kabundukan ng Biak-na-Bato, San Miguel de

Mayumo, Bulacan, na real ng mga Bulakenyong manghihimagsik. Sa Biak-na-Bato

31
Artemio Ricarte Vivora, Himagsikan nang manga Filipino Laban sa Kastila (Yokohama: Karihan Café,
1927), 107.

32
Emilio Revertér Delmas, Filipinas por España: Narración Episódica de la Rebelión en el Archipiélago
Filipino (Barcelona: Centro Editorial de Alberto Martín, 1897), Tomo 2, 162.

33
Ibid., 54.

34
Ibid., 61.

138
pansamantalang huminto ang paghihimagsik nang sumuko ang mga pinuno ng

Himagsikan sa pangunguna ni Aguinaldo.

Sa kabila ng pagiging aktibo ng Katipunan at malaganap na pagsuporta sa

Himagsikan sa Maynila, Cavite, Nueva Ecija, Batangas, at Bulacan, kabaligtaran naman

ang kaso ng Pampanga. Kung susuriin ang historyograpiya ng Himagsikan sa Pampanga,

walang malinaw na partisipasyon sa simula ang mga Pampango. May sinasabi si Larkin

sa The Pampangans na noong 4 Setyembre 1896 may paghuli o pagbitay na nangyari sa

Pampanga, at anim na araw pagkatapos ay isang labanan ang naitala sa Betis,

Pampanga.35 Wala siyang detalye sa mga petsang ito. Gayumpaman, kumbinsido si

Larkin na tahimik ang Pampanga hanggang Nobyembre 1897—at hindi rin niya

ipinaliwanag bakit iyon ang buwan na ginawa niyang tanda ng katahimikan sa lalawigan.

Kawalan ng Balangay ng Katipunan sa Pampanga

Gayong kilala ang Pampanga sa dami ng mga liberal, walang anumang aktibong

balangay ang Katipunan dito. Ito’y sa kabila ng dahilang nadestino pa sa korte ng

Pampanga sina Teodoro Plata36 at Ladislawo Diwa37—dalawa sa triunvirato na nagtatag

ng Katipunan, kasama si Andres Bonifacio, noong 1892; at si Dr. Pio Valenzuela, na isa

35
Larkin, The Pampangans, 111-2.

36
“El Consejo de Guerra Hoy,” La Voz, 20 Enero 1897.

37
NAP, “Noticia de los individuos afilados a la Masoneria en la provincia de Pampanga.” Cuerpo de
Vigilancia de Manila, Manucrito A-10, Documento No. 2.

139
rin sa maituturing na haligi ng Katipunan, ang mismong nagpakilala ng Katipunan sa

Pampanga.38 Gayundin ang umusbong na anggulong mula Masantol at Macabebe ang

ankang Bonifacio.39 Idagdag pa ang pagiging isang isang Dizon ng ina ni Emilio Jacinto,

ang “Utak ng Katipunan,” na isang prominenteng apelyido ng mga Pampangong

mestisong Tsino.

Kaduda-duda naman ang nag-iisang ebidensya na matatagpuan sa Philippine

Revolutionary Records hinggil sa pagtatatag ng isang balangay sa Guagua na may

petsang 3 Agosto 1897, kulang-kulang tatlong buwan matapos bitayin si Bonifacio.40

Kakatwa ang dokumentong ito dahil ang itinuturong tagapagtatag, na si Toribio Laksa, ng

naturang balangay sa Guagua ay kabilang sa mga dinampot nang matuklasan ang

Katipunan noong 19 Agosto 1896. Kasama rin siya nina Luna at Valenzuela na

ipinatapon sa Espanya noong 20 Pebrero 1897.41

38
Jose S. Tomacruz, “The Life and Memoirs of Pio Valenzuela” (Tisis Masterado sa Kasaysayan, Far Eastern
University, 1957), 38.

39
Cf. Joel Regala, In the Blood: Tracing the Kapampangan Lineage of Andres Bonifacio (Lungsod ng
Angeles: Holy Angel University Press, 2014).

40
John R. M. Taylor, The Philippine Insurrection against the United States (Pasay: Eugenio Lopez
Foundation, 1971), Tomo I, 224.

41
NAP, “Relación de los rematados políticos que fueron embarcados, con destino al gobierno de
Barcelona para sufrir sus condenas,” Cuerpo de Vigilancia de Manila, Manuscrito A-1-(4), Legajo No. 4,
Documento No. 151.

140
Presyur sa Paligid ng Pampanga

Nabasag ang katahimikan sa Pampanga dahil may idineklara noong 18

Nobyembre 1896 (19 at 20 Nobyembre sa ibang tala) ang mga awtoridad na Espanyol na

bagong “nucleo” ng Himagsikan malapit dito: ang Hermosa, Bataan.42 Sa araw na iyon,

inatake ang Simbahan ng Hermosa ng pinagsanib na puwersa ng mga taga-Lubao sa

Pampanga,43 taga-Orani sa Bataan, at taga-Hagonoy, Bulacan. Tinaga sa noo, pinugutan

ng ulo, pinutulan ng ari at ng mga daliri, at pinagpira-piraso nila ang katawan ng prayleng

kura ng Hermosa na si Padre David Varas, OP. Ang ibang parte naman ng prayle ay

sinasabing ginawa pang anting-anting ng mga umatake. Kinaladkad din ng taumbayan

ang mga bahagi ng katawan ng prayle at initsa sa dumi ng kalabaw pagkatapos.44

Matapos ang insidente sa Hermosa, inatake ng puwersang Espanyol ang mga

sinasabing manghihimagsik sa Orani, Bataan. Sinasabing may mga Pampangong

sumama sa pag-atakeng iyon.45 Dalawandaan sa mga umatake ang napatay at ang ilan ay

nakatakas patungong kabundukan ng Zambales.46 Dahil sa lapit sa Pampanga, naging

balisa ang mga Espanyol sa lalawigan. Dalawang kumpanyang Espanyol ang agad na

itinalaga sa Dinalupihan at Hermosa upang mapigilan ang pagpasok ng mga rebelde sa

42
Blanco, Memoria, 132.

43
Cf. Antonio M. Molina, The Philippines through the Centuries (Maynila: U.S.T. Cooperative, 1961), Tomo
2, 84.

44
Cornelio R. Bascara, A History of Bataan, 1587-1900: Scanning Its Geographic, Social, Political and
Economic Terrain (Maynila: UST Publishing House, 2010), 303-4.

45
Teodoro M. Kalaw, The Philippine Revolution (Maynila: Manila Book Co., 1925), 43.

46
Blanco, Memoria, ibid.

141
142
Pampanga. Napatay sa engkuwentro ang Capitán municipal at ang juez ng Hermosa,

maging ang mga pinunong principal ng mga umatake.47

Makalipas ang kulang-kulang isang buwan, noong bandang 15 Disyembre 1896,

umugong naman ang balita na balak mag-alsa ng mga preso sa Cárcel Provincial

(panlalawigang piitan) ng Pampanga sa Bacolor. Hindi maiwasan ng mga Espanyol na

lalong mangamba dahil sa insidente sa Hermosa at sa pagkasangkot ng deportadong si

Lacsamana sa planong kudeta, kasama ng mga sundalong katutubo noong Nobyembre

1896, sa Puerto Princesa.48 Gayunpaman, ayon sa opisyal na ulat, napigilan ng mga

Espanyol ang planong pag-aalsa sa Bacolor.49

Upang maibsan ang takot na dulot ng Himagsikan sa Pampanga, ipinawasak ng

awtoridad ang kabahayan sa may Pinak ng Candaba noong 23 Disyembre 1896, bilang

paghahanda sa pagkubli rito ng mga manghihimagsik sa Bulacan. 50 Maaaring may

kaugnayan dito ang paglisan ng mga taga-San Roque sa bayan ng San Luis (isang nayon

sa Pinak ng Candaba) upang magtago sa mga kakawayanan habang sinusunog ng mga

sundalong Espanyol ang kanilang mga tahanan.51 Sinundan pa ito ng isang hakbang

militar: ang paglansag sa kahinahinalang mga tao sa Pampanga noong 24 Disyembre

47
Ibid.; cf. Sastrón, La Insurrección, Tomo I, 458.

48
Ocampo, Katutubo, 92-3.

49
Delmas, Filipinas por España, Tomo II, 14.

50
Larkin, The Pampangans, 113.

51
NLP, “San Luis HDP,” Historical Data Papers, Reel No. 52, 29.

143
Detalye ng mapa ng Pampanga noong 1900 na nagpapakita sa lokasyon ng San Roque at Dalayap, San Luis, Pampanga. UNIVERSITY OF MICHIGAN

144
LIBRARY
1896. Sa araw na iyon, inatake ng puwersa ng kumandante ng Bulacan at Pampanga na si

Vicente Sarthou ang San Luis. Napaulat na, di umano, sa bayang iyon ay mayroong 2,500

“insurrectos” na “masas tagalas” (maralitang katutubo; tagala bilang palasak na tawag

sa mga katutubo o Pilipino).52 Ayon pa sa ulat, nagkanlong sa maiinam na pook

(ventajosas posiciones) ang naturang mga insurrecto, partikular sa pinaniniwalaang

kampo, di umano, ng mga ito sa Dalayap, San Luis; habang nangyari naman ang pag-

atake sa Sitio Panghulo ng San Roque at sa Sitio Miranda ng San Jose, kapwa sa bayan

din ng San Luis.53 Inabutan di umanong nagdiriwang ng Kapaskuhan ang mga

insurrecto—kumakain at nagsasayawan—nang gulantangin ang mga iyon ng 200

puwersa ni Sarthou.54 Tumagal nang isa’t kalahating oras ang pag-atake.

Ngunit mga manghihimagsik nga ba ang mga nakaengkuwentro ng mga Espanyol

sa Hermosa at Orani, at ang mga sinalakay nila San Luis? Hindi man nabanggit nina

Manuel Sastron at Emilio Reverter Delmas sa ulat nila hinggil sa kampanya ni Sarthou sa

San Luis, si Felipe Salvador, at ang mga tagasunod niya sa samahang relihiyoso na Santa

Iglesia, ang sinalakay ng mga Espanyol doon.55 Sa 1953 HDP ng San Luis, “nagpipiknik”

ang mga “mananampalataya” ni Salvador nang atakihin sila ng mga Espanyol. 56

52
Delmas, Filipinas por España, Tomo II, 57-8.

53
NLP, “San Luis HDP,” 28, 32; Santos, Ang Tatlong, 9.

54
Delmas, Filipinas por España, Tomo II, 63-4.

55
Jose P. Santos. Ang Tatlong Napabantog na “Tulisan” sa Filipinas: Si Tangkad. -Si Apong Ipe. -Bayani o
Tulisan si Macario Sakay? (Tarlac: Jose P. Santos, 1936), 8-9.

56
NLP, “San Luis HDP,” 32

145
Felipe Salvador. PAMBANSANG AKLATAN NG PILIPINAS

146
Samantala, nakakatawag-pansin ang papel ng anting-anting at ng mga taga-Hagonoy sa

pag-atake sa Hermosa: pawang mga posibilidad na may kinalaman doon ang Santa

Iglesia ni Salvador sa pamamagitan ni Manuel Garcia, ang kaniyang kanang kamay na

tubong Hagonoy. Dapat na malaman na itong si Garcia ang itinuturong nag-udyok sa mga

Pampango ng Macabebe at Masantol na labanan ang mga Espanyol noong Hunyo 1898. 57

Ang lokasyon ng Hagonoy na katabi lamang ng Macabebe at aksesibilidad nito sa Bataan

sa pamamagitan ng Look ng Maynila ay mga salik sa impluwensiya ng Santa Iglesia,

hindi lamang sa kapatagan ng Pampanga (at Bulacan), kundi maging sa dagat.

Manghihimagsik o Biktima ng Opresyon?

Sa kabila ng kawalan ng anumang balangay ng Katipunan sa Pampanga at

pananatiling tahimik ng lalawigan nang sumiklab ang Himagsikan, biglang nagdeklara si

Polavieja na napasok na ng mga manghihimagsik ang lalawigan. Hindi na dapat ito

ipagtaka dahil nasa ‘gitna ng apoy ng Himagsikan’ (“Este incendio… coge en medio a la

provincia de la Pampanga”) ang lokasyon ng Pampanga. Ginawang patunay dito ang

binuwag na pagtitipon ng mga Santa Iglesia sa San Luis na itinuring na mga rebelde

(fuerzas rebeldes).58 “Dakilang tagumpay” (brillante victoria)59 at kabawasan sa

problema ng mga Espanyol (disipar la mayor parte de nuestras inquietudes) ang

57
NHCP, “Macabebe HDP,” HCLMMPP, 37.

58
Delmas, Filipinas por España, Tomo II, 31.

59
Ibid., 58.

147
operasyong militar na iyon sa San Luis.60 Gayunpaman, tahimik ang mga ulat ng mga

Espanyol sa direktang kaugnayan ng Santa Iglesia sa Katipunan o sa Himagsikan. Sa

katunayan, hanggang 1898, mas iniuugnay pa ang Santa Iglesia at ang insidente sa San

Luis sa isa pang kapatirang relihiyoso na Gabinista at sa pinuno’t tagapagtatag nitong si

Gavino Cortes. Itinatag ang Gabinista noong 188761 sa Tabuyoc, Apalit, Pampanga,62 ang

nayon na pinanggalingan ni Cortes.63

Bagaman iniulat ng mga Espanyol na sina Manuel Garcia Morales at Euprasio

Muñariz sa Ministerio de Ultramar sa Madrid noong 24 Pebrero 1898 na kapayapaan ang

turo ng Gabinista (“magdasal upang makamit ang makalangit na suporta at mula doon

makakamit ang lahat ng biyaya ng yaman ng mundo at ang lahat ng makamundong

hangad”),64 si Cortes ay itinuring pa rin na “pinakakontrobersiyal na tao” dahil baliw ang

tingin sa kaniya; habang “secta fanática”65 naman ang relihiyon na itinatag niya. Sa

kabila nito, “napakalaking bilang ng tao ang sumasamba sa kaniya at nakikinig sa

kaniyang karunungan” at “maraming tao, na karamihan ay mga taganayon, mula sa

kanugnog na mga bayan, ang nagbibigay-pugay sa kaniya,” ayon sa 1953 HDP ng

60
Ibid., 56-7.

61
De los Reyes, El Folk-lore Filipino, Tomo I, 263.

62
Archivo Histórico Nacional (AHN), “Ynforme sobre los sucesos de Apálit el 19 de Febrero de 1898,”
Ultramar, Legajo 5356, Expediente, 1.

63
NHCP, “Apalit HDP,” 79.

64
AHN, “Ynforme,” 1b, 2b.

65
“Sucesos de Filipinas,” El Siglo Futuro, 11 April 1898, 4.

148
Apalit.66 Sa naturang HDP rin sinabi ang layon, di umano, ni Cortes na “sirain ang

gobyerno sa pamamagitan ng dasal at mapayapang pagsalungat.”67 Kinukumpirma ng

ulat sa Ministerio de Ultramar na ang mga tagasunod ni Cortes ay pawang mga maralita

mula sa Apalit, San Simon, San Luis, Sto. Tomas, Sta. Ana, Candaba, at Macabebe,

maging sa Pulilan, Bulacan. Bukod sa iilang taga-Apalit na mga uring principalia,

marahil, mainit si Cortes sa mga mata ng mga awtoridad dahil sa herejía (heresy o

salungat sa katuruan ng Simbahan). Umabot pa sa punto na kinikilala na siya bilang

“propeta,” “mataas na pari na iginagalang ng buong pitagan,” at “tagapamagitang malapit

sa Diyos” ng kaniyang mga tagasunod, ayon sa HDP ng Apalit.68 Inani niya ang mga

titulong Dios Gavino,69 Santo Rey70 (Haring Banal) at San Gabino.71 Kinoronahan din

siyang hari ng Pampanga,72 taglay ang mga titulong “haring-dios”73 at “Rey Gavino”74

noong víspera ng Araw ng mga Hari (6 Enero) 1888. (Sa HDP ng Apalit, “Aring Gavino”

ang naaalalang tawag sa kaniya ng mga matatanda noong1953.75) Tuloy, inatake nang

taon ding iyon ng magkasamang puwersa ng mga Guardia Civil ng Pampanga, Bulacan,

66
NHCP, “Apalit HDP,” 82.

67
Ibid., 8.

68
Ibid., 82.

69
NAP, “Intelligence...” Cuerpo de Vigilancia de Manila, Manuscrito B-20, Informe No. 39, 2-3/1-2.

70
De los Reyes, El Folk-lore Filipino, Tomo I, ibid.

71
AHN, “Ynformacion,” 3.

72
NHCP, “Apalit HDP,” ibid.

73
“Sucesos de Filipinas,” ibid.

74
De los Reyes, El Folk-lore Filipino, Tomo I, 264.

75
NHCP, “Apalit HDP,” 6.

149
at Nueva Ecija ang sentro ng Gabinista sa Tabuyoc. 76 Kagyat na isinunod dito ang

pagpapatapon kay Cortes sa Jolo.77

Si Salvador, na matagal nang kasapi nito, ang sunod na tumayong líder ng

Gabinista nang mawala si Cortes. Nireoganisa ni Salvador ang Gabinista noong 1894 at

tinawag na Santa Iglesia.78 Ayon sa ulat ng mga Espanyol, sa Dalayap, San Luis

matatagpuan ang sentro ng Santa Iglesia. Ang Dalayap ay nasa hilaga ng Apalit at katabi

lamang ng Baliuag, Bulacan, ang bayang sinilangan ni Salvador. Maaaring malimit sa

Poblacion, Baliuag ang mga Santa Iglesia: sa gunita ng mga kaanak ni Salvador noong

Dekada 70, “Pampangan” ang tawag nila sa mga Santa Iglesia, patunay na galing pa sila

ng Pampanga.79

Sa kabila ng pag-atake ng mga Guadia Civil sa Tabuyoc noong 1888, tahimik ang

mga datos kung may paghihiganti o anumang pag-atake na isinagawa ang mga tagasunod

ni Cortes o ni Salvador. Ang herejía na itinuloy ni Salvador ang nakikitang motibasyon

ng mga Espanyol upang atakihin ang kaniyang sentro sa San Luis, sapagkat banal din ang

turing sa kaniya ng mga tagasunod niya: mahaba ang buhok tulad ni Hesukristo, may

76
AHN, “Ynforme,” 2.

77
Ibid.

78
U.S. Bureau of Insular Affairs, War Department, Seventh Annual Report, 1906: Part 2, 226.

79
Lumabas ito sa pakikipanayam ng UP Lipunang Pangkasaysayan (sa pangunguna ni Alfredo C. Robles, Jr.)
kay Mercedes Salvador Collantes, pamangkin sa kapatid ni Salvador, sa tahanan ng mga Salvador sa Daang
J. Buizon, Poblacion, Baliuag, Buacan noong 22 Setyembre 1974. Cf. Alfredo C. Robles, Jr., “Mga Kilusang
Mesayaniko sa Filipinas: 1900-1906,” Likas 1:1 (Disyembre 1976), 67.

150
kapangyarihang supernatural80 tulad ng kakayahang magpagaling at gumawa ng himala,81

at may nakikitang nimbo (halo) sa kaniyang ulunan.82 Ang ganitong makalangit na

katangian ni Salvador ang dahilan kung bakit tinawag siyang “Apo Ipe” o “Apung Ipi.”

Ang paggamit ng titulong “Apu” sa Kapampangan ay titulo ng paggalang sa matatanda,

mga yumaong ninuno, at sa mga banal (e.g., Apung Iru kay San Pedro Apostol).

Gayunpaman, hindi biro ang 400 sugatan at 300 napaslang na miyembro ng Santa

Iglesia. Isama pa sa napaslang ang dalawa sa kanilang mga pinuno na ang isa ay

nagngangalang Daniel de la Cruz, isang Ilokano.83 Malinis man ang intensyon ng

pagtitipon ng kulang-kulang 2,500 katao, sa panahong iyon ng 1896. Ang Pampanga ay

nasa ilalim ng estado de guerra at kabi-kabila ang operasyon ng mga awtoridad laban sa

mga manghihimagsik. Dahil dito’y hindi malayong mapaghinalaan ang Santa Iglesia.

Napansin din ng mga Espanyol ang komposisyon ng mga nagtipon sa San Luis—mga

masas tagalas o maralita na pangunahing miyembro ng Santa Iglesia. Hindi na rin bago

sa mga Espanyol ang mga kapatirang relihiyoso ng mga maralita, na may posibilidad na

80
John Bancroft Devins, An Observer in the Philippines or Life in Our New Possessions (New York:
American Tract Society, 1905), 170.

81
U.S. Bureau of Insular Affairs, War Department, Seventh Annual Report, 1906: Part 2, ibid.

82
A. W. Fergusson, “Report of the Executive Secretary, Manila, September 1, 1906,” sa Seventh Annual
Report of the Philippine Commission 1906, Part 1 ng BIA, USWD. Washington: Government Printing Office,
1907, 142.

83
Sastrón, La Insurrección, Tomo I, 494.

151
152
manlaban sa mga awtoridad. Halimbawa na rito ang paglaban ng kapatiran ng San Jose ni

Apolinario “Hermano Puli” de la Cruz sa mga awtoridad sa Tayabas noong 1841 at ang

pag-aalsa noong 1843 ng mga sundalong Tayabasin sa Fuerza Santiago na kaanak ng

mga pinaslang ng mga Espanyol na miyembro ng San Jose.

Mistisismo sa Pampanga at ang Pag-usbong ng Gabinismo at Santa Iglesia

May mga historyador na iniugnay ang Santa Iglesia sa kaisipang mesayaniko (o

milinaryo) o ang paniniwala na nangyayari na ang biblikal na pagkagunaw ng mundo

bilang pagtupad sa propesiya ng paghuhukom. Noong 1882 lamang, limang taon bago

itatag ang Gabinista, sunod-sunod ang delubyo, tulad tagtuyot na sinabayan pa ng

pamemeste ng balang, malakas na lindol, mapamansilang bagyo at baha, at paglaganap

ng epidemya tulad ng kolera, bulutong, at tigdas.84 Sa katunayan, may katulad itong

pangyayari noong 1645 (o 1646, ayon sa Conquistas de las Islas Filipinas ni Padre

Gaspar de San Agustin, OSA noong 1698), sa panahong bahagi pa ng Alta Pampanga ang
84
Naidokumento ng HDP ng Pampanga noong 1953 ang alaala ng matatanda nang 1882 sa iba’t ibang
bayan tungkol sa epidemya ng kolera (“terrible cholera epidemic,” “the effect was so great that even the
old and young people today [i.e., 1951-1953] could still remember” [NLP, “Minalin HDP”, 6, 45, 53, 83;
“Santa Rita HDP,” 27; “Santo Tomas HDP,” 25, 34, 39]) at mapaminsalang bagyo (“left somber sight,” “old
folks take this as the basis of their age,” “considered very destructive by the old people,” “the wind was so
strong that it would even blow down a mortar and roll in on the ground,” “strongest and most destructive
typhoon” [NLP, “Minalin HDP,” 6, 30, 45, 55, 70). Nagsilbi ring batayan ang bagyo at baha ng 1882 nang
mangyari muli ang ganoong delubyo noong 1935 (NLP, “Minalin HDP,” 75, 84). Nang dahil sa kolera,
inabandona ang Sitio Makabakle Kadua sa barangay Dolores, San Fernando (cf. NLP, “San Fernando HDP,”
22). May naiulat ding bulutong, tigdas, at pananalasa ng balang dahil sa matinding tagtuyot (NLP, “Minalin
HDP,” 30; NLP, “San Fernando HDP,” 22; NLP, “San Simon HDP, 26). Tungkol sa yanig ng lindol, nagawa
nitong patunugin ang kampana ng Simbahan ng Apalit sa lakas (cf. NHCP, “Apalit HDP,” 29). Iniugnay din
ng mga Pampango ang mga delubyong ito sa isang bulalakaw na nakita nila sa silangan nang taon na iyon
(cf. NLP, “San Fernando HDP,” 21; “San Simon HDP,” 26; NHCP, “Angeles HDP,” 17).

153
Gapan, Santol, Carranglan, at Patabangan bago itatag ang Nueva Ecija noong 1801. Isang

matinding lindol ang puminsala noon sa Luzon na sinabayan ng paglitaw ng isang

katutubong líder-mistiko na nagngangalang Cavadi ang nagpakilala bilang Padre Eterno.

Hinulaan ni Padre Eterno na lalamunin ng lupa ang lahat ng mga Espanyol sa Maynila,

habang ang mga natitira sa Pampanga ay kailangang puksain at ang mga simbahan nila ay

wasakin. May dalawa pa siyang kasama: ang Dios Hijo at Dios Espíritu Santo. Mayroon

din silang kinikilalang Santa María na ang pangalan ay Yga. Ipinangako ni Cavadi sa

mga Pampango na kapag nawala ang mga Espanyol mawawala na rin ang tributo at

mamumuhay ang lahat sa ilalim ng kalayaan. Sa Gapan man nagsimula ang pag-aalsa,

nasa kabundukan naman ng Sierra Madre ang himpilan nila. Sinunog ng mga tagasunod

ni Cavadi ang mga simbahan ng Gapan, Santol, at Pantabangan. Nasawata naman ang

pag-aalsa dahil sa paglusob ng magkasamang puwersa ng mga Espanyol at mga

Pampango. Napatay si Cavadi at Yga. Pinangunahan naman ni Agustín Sonsóng ng

Macabebe ang mga Pampangong umatake.85

Sa kabila ng mga biblikal na delubyo noong ikalawang hati ng ika-19 na siglo,

tahimik ang mga primaryang batis kung hinihintay nga ba ng Gabinista at Santa Iglesia

ang ‘paghuhukom.’ Ang pag-aaral ni Guerrero noong 1977 ang unang umalma sa makitid

na pagtingin sa Santa Iglesia bilang mesayaniko lamang. Indikasyon, di umano, iyon na

hindi naiintindihan ng mga historyador ang karaingan ng mga magsasaka noon.86 Kung

papansinin ang mga nailahad na hinggil sa simula ng Gabinista at Santa Iglesia, pagtugon

sa pangangailangan at hinaing ng mga magsasaka at maralita ang layon ng mga

85 
San Agustin, Conquistas, 1018-1019.
86
Guerrero, Luzon at War, 182-3.

154
kapatirang ito. Pinaratangan man silang nanloloko o nambubulid ng maralita, nakita kina

Cortes at Salvador—na kapuwa mula sa uring principalia ng Pampanga at Bulacan—ang

praktikal na pagtugon ng kanilang kapatiran sa mga pangangailangang pinansyal at

materyal, sa karaingan, at sa pagdarahop ng kanilang mga tagasunod na magsasaka at

walang-wala sa buhay. Narito ang diwa ng damayan at palimusan sa isa’t isa at ang

marubdob na pagdarasal, na sila-silang mga kasapi ng kapatiran ang nakikinabang. Ayon

sa isang ulat, ni hindi pinagnakawan ni Salvador ang mga naniniwala sa kaniya kundi

ipinagdasal sila at nilimusan, at kusa namang nagbibigay sa kaniya ang mga tao. 87 Ganito

rin ang lumabas sa dokumentasyon ng historyador na si Jose Santos sa buhay ni Salvador:

Si Apong Ipe ay nagpakilala naman ng tunay na pag-ibig sa Diyos, na tulad ni


Dimas, ay iginagalang ang kahinaan ng mga matatanda at bata at gayon din ang
mga babae. Ang laging sinasalakay niya ay ang mga bahay pamahalaan at ang
mga himpilang-kawal (kuwartel) at hindi ang mga kaawaawang maralita at
manggagawang kung saan-saan lamang dumudulang ng makakain.88

Kristiyano pa rin kung tutuusin ang Santa Iglesia ngunit hinaluan ng herejía.

Malaking ebidensiya dito ang pagkilala, kapwa ng Gabinista at Santa Iglesia, sa papel ng

amuletos o anting-anting sa kanilang pananampalataya.89 Ngunit ang dokumentadong

salik sa paglaki ng mananampalataya ng Santa Iglesia ay ang malapropetang

kapangyarihan ni Salvador na magtaya ng panahon, gayong dumidepende lamang din

87
U.S. Bureau of Insular Affairs, War Department, Seventh Annual Report, 1906: Part 2, 239.

88
Jose P. Santos, Ang Tatlong Napabantog na “Tulisan” sa Filipinas—Si Tangkad..—Si Apong Ipe.—Bayani
P Tulisan Si Macario Sakay? (Gerona, Tarlac: Jose P. Santos, 1936), i.

89
NAP, “Intelligence...” Cuerpo de Vigilancia de Manila, Manuscrito B-20, Informe No. 39, 3/1-2.

155
siya sa ulat ng panahon mula sa Maynila.90 Sa kaalamang bayan ng Minalin, Pampanga,

halimbawa, ang pagbababala sa mga tao na may paparating na malakas na bagyo at

pagbaha ay iniuugnay nila sa isang estrangherang pinaniniwalaan ng mga Pampango na si

Santa Monica, ang patrón ng Minalin, na nagkakatawang tao.91 Kakatwa mang isipin,

ngunit malaking bagay para sa magsasakang Pampango, lalo na sa mga hindi makaunawa

sa kakomplikaduhan ng mga termino at siyensiya ng pagtataya ng panahon, na

maabisuhan sila tungkol sa ulan at pagbaha.

Sa kabila ng paglalarawan ng mga Espanyol bilang pinakamagagandang

halimbawa ng mga Kristiyano, mayaman ang mga Pampango sa mga kaalamang bayan

(folklore) at paniniwalang di-Kristiyano, lalo na ang matatandang bayan ng Pampanga

kung saan naging aktibo ang Gabinista at Santa Iglesia. Nariyan halimbawa ang

paglalarawan ng Italyanong manlalakbay na si Giovanni Francesco Gemelli Careri. Sa

kaniyang tala ng paglalakabay noong 1697, inilarawan ang mga Pampango bilang “mga

kilalang mangkukulam, at napaulat pang kaya nilang magpalit-anyo bilang mga buwaya,

baboy damo, at iba pang nakakatakot na nilalang.”92 Noong bandang 1840 naman, isang

Pampango ang binitay sa Maynila dahil halos patayin na niya ang isang pamilya na

90
U.S. Bureau of Insular Affairs, War Department, Seventh Annual Report of the Philippine Commission,
1906: Part 1, 31-2.

91
NLP, “Minalin HDP,” 90.

92
Cf. orihinal, Giovanni Francesco Gemelli Careri, Voyage du Tour du Monde, Tome Cinquieme des Isles
Philippines (Paris: Etienne Ganeau, 1727), 135; saling Ingles, John Francis Gemelli Careri, “A Voyage Round
the World,” sa Collection of Voyages and Travels (London: Awnsham and John Churchill, 1704), Tomo 4,
449.

156
pinaghinalaan niyang mangkukulam.93 Ayon kay de los Reyes, normal sa mga Pampango

ang manggapos, magparusa sa pamamagitan ng pagpapapapak sa mga hantik

(Oecophylla smaragdina),94 at pumatay ng mangkukulam.95 Naiugnay din ang mga

kapaniwalaang supernatural sa pagiging lalawigang agrikultural ng Pampanga, tulad ng

nakatirik sa mga tubuhan ang “palacio” ng mga patianak, ang mga kinatatakutang

maligno ng mga Pampango.96 Samantala, mangkukulam (o kung minsan ay demonyo)

ang laging tawag (default) ng mga mapamahiing Pampango sa mga misteryosong tao o

pamilya na kakaiba ang paniniwala at gawi sa buhay sa isang komunidad. Maging ang

grupo ng mga tinatawag ng mga Pampango na manulu (albularyo o espiritista, na

kadalasan ay minamata bilang mga baliw, mangmang, mangkukulam, manloloko o kwak)

ay may itinuturing ding tunay na mga mangkukulam. Kung babasahin ang 1953 HDP ng

mga bayan ng Pampanga, mababasa na kayang talunin at palayasin ng mga manulu ang

mga mangkukulam at masasamang espíritu sa pamamagitan ng dasal, anting-anting,

pagtatawas, at mga ritwal ng eksorsismo.97 Mababasa rin sa naturang HDP ang

paniniwala ng mga Pampango sa salamangka at himala,98 at ang mga personalidad sa

lipunan na may supernatural na kapangyarihan, tulad ng isang matandang de-anting-

93
De los Reyes, El Folk-lore, Tomo I, 242-3.

94
Ibid., 245.

95
Ibid., 251. Sa San Pedro, Minalin, napaulat ang pagpatay sa dalawang magkapatid na lalaki at babae na
pinaghihinalaang mangkukulam. Cf. NLP, “Minalin HDP,” 55.

96
Pedro S. Laktaw, “El Folk-Lore Pampango,” sa El Folk-lore Filipino, pinamatnugutan ni Isabelo de los
Reyes (Maynila: Imprenta de Santa Cruz, 1890), Tomo II, 82.

97
Cf. NLP, “Minalin HDP,” 37, 88; “Santo Tomas HDP,” 10, 11-13. Tungkol sa paniniwala sa mga
mangkukulam sa Pampanga, cf. NLP, “Minalin HDP,” 12, 55; “San Fernando HDP,” 18, 49; “San Simon
HDP,” 8, 17; “Santa Rita HDP,” 17, 19, 31; “Santo Tomas HDP,” 41-2; NHCP, “Apalit HDP,” 19-20.

98
NLP, “San Fernando,” 39.

157
anting sa barangay San Miguel, bayan ng San Simon na ang pangalan ay Matuang Ete na

may kakayahang patigasin ang mga magnanakaw sa sigaw lamang niya, at ang

Pampangong makata na nagngangalang Domingong Anac mula sa nasabi ring barangay

na may kakayahang hulaan ang pagdating ng bagyo.99

Mababakas naman sa mga kuwentong misteryo ng Pampanga ang nasa ng mga

magsasakang Pampango sa himalang makalangit (divine intervension) upang agarang

masolusyunan ang kanilang pangangailangan. Halimbawa nito ay ang kuwento ng

pagbabalat kayo ni Santiago Matamoro para buksan ang paranum (irigasyon) ng isang

maramot na mayamang nagngangalang Arenas, nang may maipampatubig sa bukirin ng

mga magsasaka ng barangay Santiago, bayan ng Sta. Ana. Ikinamamangha ng mga

Guardia Civil na hindi tinatablan ng bala nila ang estrangherong nakasakay ng puting

kabayo. Bigla na lamang nalumpo si Arenas at walang magawang paraan sa kaniyang

kalagayan ang mga doktor ng Arayat, Angeles, at Magalang. Hanggang sa isang araw,

nagpakita si Santiago Matamoro sa panaginip at nagpakilalang siya ang nagbukas ng

paranum. Nagpasya si Arenas na buksan sa mga kanayon ang paranum at siya’y

gumaling. Bilang panata, idineklara ni Arenas sa isang katitikan ang walang-hanggang

paggamit ng kaniyang mga kanayon sa nasabing paranum.100

99
NLP, “San Simon HDP,” 12. Noong 2008, may kinapanayam akong kaklase (Myra Reyes nee Garcia) sa
Bulacan State University Malolos na tubo rin sa San Miguel, San Simon, Pampanga dahil lahat sila sa
pamilya nila ay nakakakita at sinasaniban ng mga espíritu. Namana pa di umano nila ang kakayahang iyon
sa kanilang mga kanununuaan.

100
NLP, “Santa Ana HDP,” 84-85, 95-96.

158
Sa katunayan, naging maingat ang mga Espanyol sa pagtitimo sa mga Pampango

ng mga katawagang banal. Itinakwil ng mga Espanyol ang mga salitang Mulayri o

Molaiari (Malyari)101 at Linaláng o Makirapát102 bilang tawag ng mga sinaunang

Pampango sa Dios,103 at sa halip ay pinalaganap ang salitang guinu104 (na titulo para

lamang sa mga sinaunang nobilidad105). Hinayaan naman ng mga Espanyol ang mga

Pampango na ituring na apu (titulo ng paggalang sa mga ninuno at matatanda) ang mga

banal o santo, e.g., Apung Ginu (Panginoong Diyos), Apung Iru (San Pedro), Apung

Enting (San Vicenter Ferrer), kapalit ng pagtakwil ng mga Pampango sa konsepto ng

diuata o pangkalahatang tawag sa mga espiritu ng mga ninuno (nunu), yumao, at

elemento sa paligid. Ipinagpapasalamat pa sa diyos ni Padre Bergaño na nalimutan na ng

mga Pampango ang paniniwalang ito noong 1732. Kinilala rin ng mga Pampango si

101
Souza at Turley, mga pat., The Boxer Codex, 77 (Esp.), 358 (Eng.). Gaya nang nabanggit na sa Ikalawang
Kabanata, nalito ang nagsulat sa parteng ito ng Boxer Codex sa etnisidad ng mga “Moro” ng Luzon. Inakala
niya/nila na alternatibong tawag ang Mulayri o Molaiari sa Bathala (na siyang tawag ng mga Tagalog sa
diyos).

102
Isabelo de los Reyes, La Religión Antigua de los Filipinos (Maynila: Imprenta de El Renacimiento, 1909),
110. Ayon kay de los Reyes, malapit ito sa pangalang Maykadapat na tawag sa diyos ng mga mestizos
negritos o Dumagat na may lahing Tagalog o Pampango sa Sibul, San Miguel de Mayumo, Bulacan.
Mekedepat o Makejepat naman ang ibang baryasyon ng pangalan ng diyos sa mga Dumagat. Cf. De los
Reyes, La Religión, 57; Martin Francisco, Mahabe Pagotan: Kasaysayan, Kalinangan at Lipunan ng mga
Dumagat sa Bahaging Bulacan ng Sierra Madre (Malolos, Bulacan: Bahay-saliksikan ng Bulacan, 2012).

103
Mga Aeta ang gumagamit ng Malyari (o Apu Namalyari o Apu Malyari) bilang tawag nila sa kanilang
diyos. Ayon kay Padre Edilberto Santos, “From as early as 1987, the present writer has been asking people
belonging to different linguistic groups in the Philippines, including Zambals and Aetas, if they had a word
malyari in their vocabulary. His conclusion thus far is that malyari is a word native to Pampanga. Now if
that is so, why do the Aetas call their god Apu Namalyari? One wonders whether on a certain day in the
distant past, Kapampangans told the Aetas: ‘Okay, from now on, your god will be called Apu Namalyari.’
Or, who knows? Could it not have been the name of the one and only god of the Kapampangans
themselves?” Cf. Santos, “Ancient Kapampangan Theology,” ibid.

104
Bergaño, Vocabulario, 112.

105
Katumbas ng ginoo sa mga Tagalog, na pangkalahatang titulo ng paggalang sa miyembro ng
mapia/principalia o maguinoo sa mga Tagalog. Cf. Noceda at San Lvcar, Vocabulario, 86-7 (“Ama”), 355.

159
Hesus bilang guinu (Ginu ming Hesukristo), kaya’t sa Pampanga animo’y principal siya

kung ilibing tuwing may prusisyon kapag Biyernes Santo.106

Pagiging Buhay ng Mistisismo sa Pampanga. Walang basbas ng Simbahang

Katoliko ang mga gawain ng mga manulu; ngunit kultura at ang walang patid na

pananalig ng mga Pampango sa kapangyarihan nila ang nagpapanatili sa kanilang buhay

magpahanggang ngayon. Mayroon ding mga Katolikong Pampango na naniniwala sa

mistisismo, tulad ng pagsusuot ng anting-anting at pagkonsulta sa mga manulu. Ang

pamilya na lamang ng inyong lingkod ay isa sa maraming pamilya sa Macabebe na

malalim ang pananalig sa mga manulu. Kapag sininat o bininat kami noong bata, kahit na

may pedyatriko sa Masantol, Pampanga, dinadala pa rin kami ng aming magulang sa

manulu sa San Vicente, Macabebe, sa matandang bahay ng tinatawag na Apung Yoli—

apu rin ang tawag sa kaniya, tulad ni Salvador bilang Apung Ipi. Sa sala ng matandang

bahay ni Apung Yoli ay may isang papag kung saan inaasikaso niya ang kaniyang mga

bisitang kokonsulta; katapat naman ng papag na ito ang isang lamesa na punong-puno ng

imahen ng mga santo, at ang mga dingding ay napalalamutian ng mga krus at larawan ng

mga santo. Tatanungin niya ang aming magulang sa pinuntahan naming mga lugar, kung

may inakyat ba kaming puno o may pinaglaruan ba kaming bato o halaman sa paligid

bago kami binatin o lagnatin o may nasabi ba kaming di maganda o nagtuturo kami kung

saan-saan.107 Kung ang kaniyang obserbasyon ay menunu (‘nanuno’ sa Tagalog) kami,

106
Dahil hindi nalalayo ang gawi ng mga Tagalog sa mga Pampango, maaaring maging tuntungan ang
paliwanag tungkol sa paglilibing, lalo na sa datu, sa Boxer Codex. Cf. Souza at Turley, mga pat., The Boxer
Codex, 92 (Esp.), 377 (Eng.).

107
May ganitong naitalang proseso sa NLP, “Minalin HDP,” 88-9; NHCP, “Mabalacat HDP,” 58.

160
isasagawa na niya ang pagpapahid ng langis sa aming nuo at ulo, gayundin sa aming

katawan, mga braso, at mga binti. May inuusal siyang dasal na hindi namin marinig at

umuungol ng “raah.” Gagawin niya ito nang paulit-ulit sa loob nang tinataya kong lima

hanggang sampung minuto. Sa maraming pagkakataon, si Apung Yoli ay normal na

nanghihilot. Ngunit may pagkakataon akong naaalala na sa kalagitnaan ng paghihilot niya

ay bigla siyang sinaniban ng Santo Niño. Naging matinis ang kaniyang boses na tulad sa

isang bata. Kinakausap niya ang aming mga magulang sa ganoong estado, at

nagpapayong huwag gambalain ang mga halaman, huwag magpunta sa mga masukal na

lugar, magpatabi-tabi-po (ibinibilin ng matatanda sa mga bata kung lalabas sa gabi o

tutungo sa halamanan o likod bahay at baka di umano ay may matisod na nuno, duende o

lamang lupa), at magsindi ng kandila sa punong inakyatan o mag-alay ng pagkain sa

terrace ng bahay. Bukod pa rito ang tawas o ang pagbasa sa hindi-namalayang nangyari

sa isang nanuno o napaglaruan ng duende sa pamamagitan ng tawas at patak ng kandila

sa maliit na palangganang may tubig. Oregano ang malimit ipayo sa aming mga

magulang na ipaninom sa amin. Ang bisa ng pinakuluang katas ng oregano ay parang

paracetamol na iniinom apat na beses sa isang araw, hanggang mawala ang sakit ng ulo o

ang lagnat.

Bukod sa personal na konsultasyon, dumadalo rin ang aming mga magulang sa

regular na pagtitipon ng mga manulu. Sa pagkakatanda ko, isinasagawa ang mga

pagtitipong ito sa San Francisco, Macabebe, na katabing barangay ng San Vicente,

Macabebe. Nagpapahilot kami roon kahit na wala kaming nararamdamang di maganda sa

katawan. Sa sala rin ng bahay isinagawa ang paghihilot at may mga santo rin na makikita.

161
Mahaba ang pila. May mga nakakotse pa at nakapusturang maykayang pamilya ang

dumadalo. Isa sa mga naalala ko sa pagtitipong iyon sa San Francisco ay ang paghigop ng

isang manulu sa nana mula sa nakapakalaking pigsa sa bisig ng isang lalaki. Ilang beses

niyang ginawa iyon at nilulura ang nahigop na nana sa tabo.

Kahit malayo na kami sa kaniya, dinadalaw pa rin namin si Apung Yoli. Kapag

wala siya, malamang sa malamang ay nasa pagtitipon siya ng mga manulu sa ibang mga

bayan ng Pampanga. Sa katunayan, kay Apung Yoli ko narinig sa kauna-unahang

pagkakataon ang mga pangalan ng iba’t ibang bayan sa Pampanga tulad ng Candaba,

Arayat, San Luis, at Lubao, na kaniyang dinadalaw bilang manulu.

Napansin ko rin na konsiderasyon ng aming mga magulang ang paghanap ng

matitirahan na malapit lamang sa mga manulu. Mula 1994 hanggang 1999, sa San

Vicente, Macabebe kami nakatira, mga 200 metro lamang ang layo kay Apung Yoli.

Mula 1999 hanggang 2004, nakatira naman kami sa San Francisco, may isang kilometro

lamang ang layo sa tipanan ng mga manulu. Hindi naman panatiko ang mga magulang ko

sa mga manulu, ngunit malalim ang pananalig nila sa kakayahan ng mga ito. Katoliko pa

rin naman kami at nagsisimba tuwing Linggo sa Simbahan ng Macabebe sa Poblacion.

Unti-unti nang tumigil ang aming mga magulang sa pagkonsulta at pagdalo sa mga

pagtitipon ng mga manulu nang lumaki na kami at naging abala na sila sa mga trabaho.

Idagdag pa rito na giniba na ang bahay na pinagtitipunan ng mga manulu sa San

Francisco.

162
Noong 2008, lumipat kami sa Sta. Rita, Macabebe, isang barangay na karugtong

ng San Vicente. Tuwing hapon ng Linggo, nagtitipon ang mga manulu sa sitio na kung

tawagin ay Cutud. Nasa bandang likod lamang namin sila, sa compound ng mga kababata

naming Lacanlale. Kakaiba naman ang kanilang ginagawa kumpara sa pagtitipong

naaalala ko sa San Francisco: kumakain nang sama-sama, nagkakantahan sila ng mga

banal na awit, at nagsasagawa ng panghihilot at panggagamot. Hindi kaya ito rin ang

ginagawa ng mga inatake sa Dalayap at Sitio Panghulo, San Roque, San Luis noong 24

Disyembre 1896?

Mga Kulto. Ayon kay Michael Raymond Pangilinan, iskolar ng Araling

Kapampangan, may mga circulu (samahan) ang mga manulu sa Pampanga na

matatagpuan sa mga bayan ng Gabinista (i.e., Apalit, San Simon, San Luis, Sto. Tomas,

Sta. Ana, Candaba, at Macabebe).108 Espiritista ang mas palasak na tawag ng mga

manulu sa kanilang mga sarili, ayon kay Pangilinan na lumaki sa pamilyang espiritista at

nakakasama ng mga ito sa Magalang. Dagdag pa niya, hindi lahat nang may kakayahan

na tulad ng sa mga espiritista ay kinikilalang kabilang sa kanilang circulu. Ang mga

circulu mismo ay may pinangingilagang grupo na tinatawag nilang kultu. Matatagpuan

sila, di umano, sa Candaba at Arayat. Kakaiba ang ritwal ng panggagamot ng mga ito at

108
Nakapanayam sa pamamagitan ng Facebook mula 11-13 Setyembre 2014. Nagkainteres ako sa mga
kwento niya nang bigla kong tanungin noong 2012 kung ano ang batayan niya tungkol sa tradisyonal na
kulay ng watawat ng sinaunang Kapampangan. Binanggit niya ang tungkol sa mga kultu ng San Luis at San
Simon. Nabanggit niya ang pangalang “Aring Gabu” na reinkarnasyon ni Apung Sinukuan, diyos ng mga
Kapampangan na nakatira sa Bundok Arayat.

163
hindi nakasalig sa Biblia ang mga orasyon. Nakakagulat man, may isa pang uri ng kultu

sa San Luis at Sta. Ana na ang tawag ng mga espiritista ay Gabinista.109

Sa pagsasalaysay ni Pangilinan, taong 1988 nang malaman niya ang tungkol sa

mga kultu ng Gabinista ng San Luis, Sta. Ana, at San Simon. May itinuturing di umano

silang kapilya (na isang lumanag bahay) sa San Luis. Inilarawan pa ni Pangilinan na

itong mga kultu na ito ay mahahaba ang buhok, nakatapak, at kakaiba ang suot at

kakatwa ang kilos kung pista, ngunit tulad din nilang manamit ang mga ordinaryong tao

sa ordinaryong araw. Sa tahanan ng isang kultu ng Gabinista mababasa ang kakaibang

mga sulat sa wikang Kapampangan na hindi halaw sa Biblia. Tahimik sila, malihim, at

hindi basta-basta makakausap. Ani pa ni Pangilinan, may kakaibang kakayahan ang mga

kultu ng Gabinista kumpara sa mga espiritista: hindi sila tinutuklaw ng ahas. Tauak ang

tawag ng mga Pampango sa mga taong may ganoong kakayahan. Ayon sa folkloristang si

Mariano Ponce, ang tauak ay may apat o limang kaliskis ng ahas sa magkabilang binti at

bisig, at ang mga mata nito'y nahahawig sa mga mata ng ahas. Bilang bahagi ng kaniyang

panggagamot, kailangan ng tauak na pumito sa mga ahas sa paligid at nagagawa niyang

mapasunod ang mga ito, kahit pa ang pinakamatikas at pinuno ng mga ito.110 Samantala,

dahil pampasuwerte sa mga Pampango ang balat ng ahas, mas mabisa iyon kung

manggagaling mismo sa mga Gabinista. Ilalagay nila ito iyong noo at ikaw ay dadasalan.

109
Sinikap pang hanapin ni Pangilinan sa San Luis ang nakilala niya noong 1988 na Gabinista na
nagngangalang Winston Gonzales. Wala na rin siyang narinig pa sa mga Gabinista nang mag-field work
siya sa Pampanga noong 1997. Nakapanayam ng inyong lingkod si Pangilinan noong 28 Marso 2018
matapos ang lektura ko sa Museum of Philippine Social History sa Lungsod ng Angeles.

110
Mariano Ponce, “Folk-Lore Bulaqueño,” sa El Folk-lore Filipino, pinamatnugutan ni Isabelo de los Reyes
(Maynila: Imprenta de Santa Cruz, 1890), Tomo II, 54-5.

164
“Cabál” ang ipinantumbas dito ni Padre Bergaño na salitang Kapampangan para sa

anumang dinadasalang (hechizo) bagay upang maging mabisang proteksyon o

pampasuwerte.111 “Butiltil” naman ang katutubong tawag ng mga Pampango sa mga

pampasuwerte [dijes] na may masikot [intricate] na disenyo;112 at “lapay” para sa

pampasuwerteng kuwintas.113

Di-Katolikong Tradisyon ng mga Magsasaka. Noong 1997, nalaman ni

Pangilinan (na noo’y nasa field work) sa mga magsasaka ng San Luis at Magalang,

maging sa Concepcion, Tarlac, ang tradisyon ng lasak dalungdung. Tradisyon iyon sa

pagsira sa isang dalungdung (dambana) sa bukid sa pamamagitan ng pagsunog.

Isinasagawa iyon upang magpasalamat at ipagdiwang ang araw ng gapasan, ngunit hindi

ito isang Katolikong gawain. May sukat na isang metro ang area ng dalungdung (munting

dambana), nakaangat mula sa lupa hanggang sa sintaas ng baywang, at may bubong ito

na parang sa kubo. Sinusunog ng magsasaka ang dalungdong kasama ng unang gapas ng

palay bilang daun (alay). Sa San Luis, kakaiba ang tradisyong ito: bukod sa daun,

naglalagay din ang mga magsasaka ng imaginary na mga hayop sa dalungdung upang

sunugin. Tinatawag iyon sa San Luis na garing are (garing o manika na yari sa are o

dayami) na hugis manok, baboy, at kalabaw—pawang mga alagang hayop ng mga may-

ari ng lupa at mayayaman. Habang nasusunog ang dalungdung, nagkakantahan at

111
Bergaño, Vocabulario, 68.

112
Ibid., 67.

113
Ibid., 133.

165
nagsasalo ang mga magsasaka kasama ang kanilang pamilya, kaya’t tinawag din ang

panahong iyon bilang piyestang ortelanu (pista ng mga magsasaka).

May naidokumento rin si Pangilinan na di-Katolikong tradisyon ng mga

magsasaka sa Mandasig at Pasig, Candaba na ang tawag ay piyestang danum (pista ng

tubig). Ipinagdiriwang iyon ng mga magsasaka dahil itinutulak na patungong buyuk

(Look ng Maynila) ang maalat na tubig ng Indung Kapampangan (tawag ng mga

magsasaka sa Rio Grande; indu ay nanay) dahil sa tubig ulan. Tanda rin ang piyestang

danum na tapos na ang panahon ng tag-init, ang dahilan kung bakit payapa ang agos ng

Indung Kapampangan at sinamantala naman iyon ng pagpasok ng alat ng buyuk sa tabang

(sumun ing malat). Sa piyestang danum, ang mga kabahayan na nasa pampang ng Indung

Kapampangan ay nagpapaagos ng animo’y balsa (yari sa kawayan ang sahig at

nakalutang sa ilog sa pamamagitan ng katawan ng saging) na nakatali sa mga bintana.

Laman ng balsang ito ang iba’t ibang pamangang piyesta baryu (putaheng pampiyesta sa

kanayuanan) tulad ng menudo at asado. Kahit sinong dumadaan sa Indung Kapampangan

ay maaaring humingi ng handa. Nitong 2006, ayon kay Pangilinan, ay ipinagbawal ng

pari sa Candaba ang pagsasagawa ng piyestang danum. Sa halip, ipinagdiriwang na ng

mga taga-Mandasig ang kapistahan ng Presentacion tuwing Enero, malayo na sa

kinagisnang pistang danum tuwing tag-ulan sa buwan ng Hunyo.

Iba Pang Kaalamang Bayang Pampango Kaugnay ng Gabinismo at Santa

Iglesia. Nakuha naman ni Pangilinan ang mga susunod na kuwento mula sa lolo niya sa

Sta. Cruz, Magalang na sina Cornelio “Apung Eliong” Manalo y Tolendando (na isang

166
lagayan o nakakakita ng espíritu). Si Apung Eliong, ayon kay Pangilinan, ay maykaya at

panginoong maylupa sa Magalang ngunit malapit sa magsasaka, kaya’t ganoon na

lamang siya kainteresado sa mga kaalamang bayan na nakuha niya mula sa mga ito.

Dahil sa kasalatan sa pambili ng mga pagkaing mayaman sa protina, nagtyaga ang mga

magsasaka sa pagkain ng tugak (palaka, yaong nahuhuli sa bukid), kamaru (mole

cricket), bulig (dalag, tinatawag ding lakandanum [panginoon o amo ng tubig] dahil kaya

nitong mabuhay sa loob ng tipak ng lupa at nagbibigay ng makakain sa mga magsasaka

kung tag-init, dahilan upang ituring itong biyaya sa mga maralita [grasya kareng

pakalulu]), salagubang, at ubingan (sawa). Naniniwala ang mga magsasaka na

namamatay ang tubig ng Indung Kapampangan tuwing Kaleldo (Mahal na Araw na

siyang tanda ng panahon ng tag-init). Sa ganitong panahon, pumapasok ang tubig-alat ng

Look ng Maynila na umaabot hanggang Candaba. May paliwanag dito ang kaalamang

bayan ng mga magsasaka, ayon kay Pangilinan: pinarurusahan ni Sinukuan (mitikal na

panginoon ng Alaya o Bundok Arayat, na aldo [araw] ang representasyon sa kuwento) si

Indung Kapampangan (kinakatawan ng ubingan sa kuwento) dahil sa pakikiapid nito kay

Manalastas (kinakatawan sa kuwento ng isang tandang), sang-ayon sa sumbong ni

Lakandanum (bulig sa kuwento), asawa ni Indung Kapampangan. Batay pa sa kuwento ni

Apung Eliong, ubingan ang representasyon kay Indung Kapampangan dahil sa optical

illusion: animo’y kumikinang na parang mga ginintuang kaliskis ang mga alon ng Rio

Grande sa may Tabuyoc at Sulipan, Apalit kapag tumatama ang liwanag ng bukang

liwayway.

167
Narinig naman ni Pangilinan sa matandang Pablo “Apung Ambu” Aquino, bayaw

ni Apung Eliong at anak ni Eusebio “Kumander Bio” Aquino (na pinuno ng Hukbalahap)

sa Magalang ang susunod na kuwento. Pinaniniwalaan ng mga tagasunod ni Kumander

Bio na siya ang huling reinkarnasyon ni Apung Sinukuan. Sa mga ulat, si Kumander Bio

ay naglagi sa Alaya matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig upang labanan ang

puwersa ng pamahalaan. Bukod kay Kumander Bio, reinkarnasyon din ni Apung

Sinukuan sina Francisco “Apung Kitung” Soliman na nagkuta sa Alaya noong 1897; si

Jose “Apung Peping” Alejandrino na naging heneral noong Digmaang Pilipino-

Amerikano at napaulat na nagkuta rin sa Alaya;114 at si Felipe “Apung Ipi” Salvador na

nagkuta sa Alaya noong Digmaang Pilipino-Amerikano hanggang mahuli ito noong

1910. Paliwanag ni Apung Ambu, nawawala ang titulong “Apu” at ang pagiging

Sinukuankung aalis sa Alaya ang napili.

Kapansin-pansin sa kuwento ang papel ng reinkarnasyon, sa paniniwala ng mga

Pampango, na hindi elementong Kristiyano kundi Hinduismo. Sa katunayan, napansin na

ni de los Reyes na may bahid ng Hinduismo ang folklore ng Pampanga tungkol kay

Sinukuan.115 Hindi lamang limitado sa kuwento ni Apung Ambu ang motif (bahid) ng

reinkarnasyon kaugnay ng Alaya at ni Sinukuan, sapagkat bukod sa mga Gabinista ng

San Luis at Santa Ana, naidokumento rin ng Canadian na iskolar na si Keith Thor

Carlson noong 1996 na reinkarnasyon naman ni Salvador si Luis Taruc, na isinilang sa

114
Kinukumpirma ito ni Frederick Funston, kumandante ng eskpedisyong tumugis kay Aguinaldo sa Isabela
noong 1901. Cf. Frederick Funston, Memoris of Two Wars: Cuban and Philippine Experiences (Nebraska:
University of Nebraska, 1911/2009), 348.

115
De los Reyes, La Religión, 111.

168
kapistahan ni San Luis (Hunyo 21) sa bayan ng San Luis noong 1913, isang taon matapos

bitayin si Salvador sa Bilibid. Ayon kay Carlson:

To appreciate the powerful appeal Luis Taruc’s message held among peasants,
however, we must engage more than his political philosophy. His message
resonated in part because Taruc was regarded by many to be the reincarnation of
the turn-of-the-century revolutionary and mystic, Felipe Salvador. To date, this
facet of the Huk Supremo’s identity has remained unexplored by scholars—
likely because it is not mentioned in either of his two published autobiographies,
Born of the People (1953) and He Who Rides the Tiger (1967), and because
Taruc himself found the belief somewhat troubling and embarrassing.116

(Upang mapahalagahan ang malakas na dating ng panawagan ni Luis Taruc sa


mga magsasaka, kailangan nating tumawid pa sa kanyang pilospiyang politikal.
Naging katanggap-tanggap ang panawagan ni Taruc dahil kinilala siya ng
marami bilang reinkarnasyon ng rebolusyonaryo at mistiko sa pagpapalit ng
siglo, si Felipe Salvador. Sa ngayon, ang bahaging ito katangian ng Supremo ng
Huk ay nananatiling pa ring bago sa mga iskolar—dahil na rin malamang sa
hindi ito binanggit sa dalawang sariling talambuhay (ni Taruc), ang Born of the
People [1953] at He Who Rides the Tiger [1967], at dala na rin na ang
paniniwalang ito sa kaniya mismo’y nakakabagabag at nakakahiya.)

Tila tumutugma ang obserbasyon ni Carlson na ikinahiya ni Taruc ang pag-

uugnay sa kaniya kay Salvador at ang kuwento ni Apung Ambu na tinanggihan ni Taruc

ang pagiging kahalili ni Sinukuan sa Alaya. Kaya’t ang sumalo sa gawain ng paghalili

kay Sinukuan ay ang kasama ni Taruc sa pakikibaka na si Kumander Bio. Kung

babalikan ang dokumentasyon ni William Cameroon Forbes noong 1928, hinihintay ng

mga Santa Iglesia ang reinkarnasyon ni Salvador.117

116
Keith Thor Carlson, “Born Again of the People: Luis Taruc and Peasant Ideology in Philippine
Revolutionary Politics,” Histoire Sociale 41:82 (Nobyembre 2008), 426-8/417-58.

117
William Cameron Forbes, The Philippine Islands (Boston: Houghton Mifflin, 1928), Tomo 1, 229.

169
Kabayanan ng Magalang, 1935. ALEX R. CASTRO

170
Tungkol naman sa pagpili ng susunod na Sinukuan, kung babalikan ang kuwento

ni Suku sa “El Fabuloso Sucu” ni Laktaw sa “El Folk-lore Pampango” (1889), mababasa

dito na kinasusuklaman ni Sinukuan ang mga pabaya at masama ang kalooban, ngunit

pinagpapala naman ang matalino, mabuti, at matapang na kabataan.118 Nasa kabataan

pang edad noon sina Makabulos, Alejandrino, at Salvador nang tumayong mga líder

noong Himagsikan at Digmaang Pilipino-Amerikano. Edad 26 si Makabulos nang

magkuta sa Alaya noong 1897; nasa edad 20 si Alejandrino nang magkuta at mahuli sa

Alaya noong 1902; at 34 naman si Salvador nang mapaulat na nasa Alaya na siya noong

1903. Sa kabila ng nakakatakot na mga kuwento tungkol sa kinahinatnan ng sinumang

nais pumasok sa Alaya, tila katuparan sina Makabulos, Alejandrino, at Salvador ng

“mabuting binata” (o kabataan) na nababanggit sa kuwento tungkol kay Suku, batay sa

“El Fabuloso Sucu”:

Matalinong binata, masaya akong nakilala ka, ikaw na matagal ko


nang hinihintay! Nararapat lamang sa iyo ang yaman, sapagkat hindi ka
ganid! Mapalad ka, dahil hindi ka nasilaw sa mga mapanukso na namalas mo
sa aking bahay, di tulad ng iba na nahulog sa sarili nilang kasawiang palad
dahil sa padalos-dalos nilang pagtanggap sa aking alok… ninasa nila ang
kayaman na ibinalandra ko sa harapan nila at kanilang pinamukha na tila
mga bagay lamang iyon na mapupulot sa daan nang di pinaghihirapan at
inaani. At ngayon, ano’ng napala nila? Ang kanilang kapahamakan, tuluyang
kapahamakan.
Ngayon, umuwi ka sa mahal mong pamilya at mabuhay ng masaya.
Malaya ka sa kabiguan di tulad ng iba na sinapit iyon dahil hindi sila nag-
iisip. Maliban pa rito, magiging makapangyarihan ka tulad ko, hanggang
kaya mong panindigan ang ipinamalas mong karunungang tunay. Umuwi ka
sa iyong tahanan at ipapadala ko ang katuparan ng aking pakikipagkaibigan,
na siyang magiging tatak ng pagdakila sa iyo kahit sa kaibuturan pa ng aking
tahahan, na iyong-iyo na rin magmula ngayon.119

118
Ibid., 111-2.

119
Laktaw, “El Folk-Lore Pampango,” Tomo II, 98.

171
Bilang ito lamang ang nag-iisang bundok sa kalagitnaan ng kapatagan ng Luzon,

napukaw ng mistisismo na bumabalot sa Alaya ang imahenasyon ng mga Pampango—

tila nagbibigay pugay o sumusuko ang lahat ng nakapaligid sa kaniya at nagawang

mabali ang agos ng Rio Grande sa kaniyang paanan.120 Kaya’t di na dapat pagtakhan pa

ang pagturing din dito bilang Bundok Sinukuan o ang pinagsukuan ng katapatan at

paggalang. May malalim pang kuwento sa likod ng salitang ugat ng Sinukuan na suku. Ito

ang pangalan ng pinakamataas na iraya o espíritu na nakatira sa Alaya. Malapit (cognate)

naman ang salitang iraya sa isa pang tawag ng mga Pampango sa bundok bilang Alaya na

ayon sa Vocabulario ni Padre Bergaño ay nangangahulugang ‘bukang liwayway’

(aurora) o ‘silangan’ (Oriental).121 Si Suku, ayon sa kuwentong bayan, ay isang principal

na may palasyo sa Alaya at ang itinuturing na pinakaninuno ng mga Pampango.122 Ganito

rin ang kuwento ni Gemelli Carreri noong 1697. Ayon kay Gemelli Carreri ang bundok

(na tinawag niyang Bondo o Kalaya) ay dating nasa pamumuno ng mga hari na sina

Sinoquan at Mingan (itong huli ay asawa ng una).123 May bersyon ding nagsasabing

nagwagi si Suku sa pakikipagdigma niya kay Namalyari, ang panginoon ng mga Aeta na

nakatira naman sa Pinatubo sa kabundukang Zambales, matapos ang batuhan ng apoy. 124

Ito ang dahilan kaya’t tinawag siyang Suku o ang “di matinag” (invincible), ayon sa “El

120
Para sa dramatikong deskripsyon sa panginorin ng Arayat at Rio Grande noong ika-19 na siglo, cf. John
Foreman, The Philippine Islands, Second Edition, Revised and Enlarged (London: Sampson Low, Mauston &
Co., Ltd., 1899), 6.

121
Bergaño, Vocabulario, 10.

122
De los Reyes, La Religión, 90.

123
Gemelli Careri, Voyage du Tour, ibid.; Gemelli Careri, “A Voyage,” Tomo 4, ibid.

124
Tingnan ang bersyon ng batuhan ng bato nina Sinukuan at Namalyari sa NHCP, “Angeles HDP,” 21.

172
Isabelo de los Reyes. NATIONAL LIBRARY OF THE PHILIPPINES

173
Pedro Serrano Laktaw. CENTER FOR BULACAN STUDIES

174
Mariano Ponce. JAYJAY PONCE GONZALES

175
Folk-Lore Pampango” ni Laktaw (1890).125 Isa ring bersyon ang pagkakaroon ng takot ng

mga Pampango na basta-basta akyatin ang Alaya o kumuha ng anumang bagay doon

dahil mamamatay ang sinumang mangahas,126 at ang palasyo ni Suku ay binabantayan ng

pitong tanod: leon, tigre, oso, kobra, ahas, matapang na Aeta, at isang sagasa o ibon na

may matalim na tuka at nakakatakot na itsura, ayon sa dokumentasyon ni de los Reyes

noong 1889.127 Nariyan din ang sinasabing kayang tawirin ni Suku ang dalawang

kasarian, dahilan upang tawagin din siyang Apung Bayang (apu o panginoon; bayang o

hermaprodite).128 Sinasabi ring siya ang lumikha sa Rio Grande at iba pang kailugan ng

Pampanga, na kaniyang hinukay upang pagkublihan mula sa anumang pag-atake sa

kaniya ng mga tao.129

Tila may kaugnayan ang dokumenasyon ni de los Reyes sa pitong tagabantay ni

Suku sa Alaya kung ikukumpara sa detalyeng nakuha pa ni Pangilinan kay Apung Ambu.

Ayon sa matanda, may pitong alagad si Sinukuan sa Alaya. Una’y si Noetnoen na isang

binangunan o matanda at alam ang lahat ng bagay. Siya ang maaaring pinagmulan ng

malaon takot nang sinumang mangahas tumapak sa Alaya at mawawala na habambuhay

dahil ang mga ito’y kaniyang tatangayin. Ang ikalawa’y si Kargenkargon, na

nababanggit din sa ibang dokumentasyon ng kuwento, na isang malaking pugut (tawag

125
Laktaw, “El Folk-Lore Pampango,” Tomo II, 83.

126
Gemelli Careri, Voyage du Tour, ibid.; Gemelli Careri, “A Voyage,” Tomo 4, ibid.

127
De los Reyes, La Religión, 111.

128
Personal na komunikasyon kay Dr. Lino Dizon, consultant ng Juan D. Nepomuceno Center for
Kapampangan Studies, Holy Angel University, Lungsod ng Angeles, 2001.

129
NHCP, “Apalit HDP,” 53-4.

176
ng mga Pampango sa maitim) o kapri (karaniwang tawag sa mga Aeta, na impluwensiya

na ng mga Espanyol dahil sa salitang cafre para sa negro) na may pambihirang lakas na

kayang buhatin ang Alaya. Ikatlo si Puntapunting, isang asintado kung mamaril na

kalariut o kalahating tao at kabayo na magandang lalaki, mahaba ang buhok, at kapag

nagagalit ay humahaba ang pangil, tumutulis ang mga kuko, at nagkukulay pula ngunit

takot naman sa nasabing kulay. Ikaapat si Miranmirun, na kayang makita ang

pinakamalayong nais masipat at nakikita ang lahat mula sa itaas (marahil, sa ulap o sa

tuktok ng Alaya). Ikalima si Kurankuring, ang naatasang maging mensahero sa labas ng

Alaya dahil isa siyang tikbalang o nilalang na kayang magbago ng anyo. Ang mukha niya

ay wangis ng sa uwak, mahaba ang buhok na animo’y sa ibon ang hibla, at ang mga

kamay niya ay parang sa ibon. May kakayahan siyang tumakbo ng napakabilis at

napakataas; may pabigat ang isa sa mga binti upang makontrol ang paglukso ng

napakataas. At ikaanim ay si Suplasupling, na may pambihirang kakayahang bumuga ng

malakas na hangin. Ang ikapitong karakter ay hindi na maalala ni Pangilinan. Ayon pa

kay Apung Ambu, sa panahong nasa Alaya si Alejandrino, pinaniniwalaang binuhat ni

Kargenkargon si Alejandrino mula sa mga pagtugis ng mga Amerikano sa Alaya. Hindi

makalapit sa Alaya ang mga Amerikano dahil namamataan sila agad ni Miranmirun at

nababaril naman ni Puntapunting.

177
Pampanga Bilang Sentro ng Hukbong Espanyol

Sa kasagsagan ng Himagsikan, Pampanga ang napili para maging punong

himpilan ng hukbong Espanyol sa buong Gitna at Hilagang Luzon, ang Comandancia

general de las provincias de Centro de Luzón noong 2 Disyembre 1896.130 Matatagpuan

ito sa Kumbento ng San Fernando, Pampanga. Wala namang sinasabi ang mga batis

Espanyol na kinonsidera nila ang ilang siglo nang katapatan ng mga Pampango kung

bakit sa Pampanga itinatag ang naturang himpilan. Ang maaaring tingnan na

pinakalohikal na paliwanag dito ay ang kainaman ng lokasyon ng Pampanga: mararating

mula rito ang malaking bahagi ng Luzon hanggang Maynila sa pamamagitan ng

daambakal, mga camino (kalsada), Look ng Maynila, at mga ilog tulad ng Rio Grande de

la Pampanga at Rio Chico de la Pampanga. Gayundin, maaaring tingnang salik ang

pagkakakulong at pagkakapatapon sa mga Pampangong liberal at ang pagseguro ng mga

uring principalia sa lalawigan—nasangkot man sa masoneriya o hindi—na kontra sila sa

Himagsikan.

Nakuha naman ng mga Espanyol ang suporta ng mga Pampangong apektado ng

Santa Iglesia. Maaaring mga ordinaryong Pampango ito na hindi gusto ang panatisismo

130
Camagay, trans., French Consular Dispatches, 9; Sastron, La Insurrección, Tomo I, 735-6; UPDML,
“Datos Historicos sobre el pueblo de San Fernando, cabecera da [sic] la Pampanga, I. F.” Luther Parker
Collection, Box No. 3, Folder No. 62, Doc. No. 344, UPD FSC; Carlos Ría-Baja, El Desastre Filipino: Memorias
de un Prisionero (Barcelona: Tipografia la Academica, de Serra Hermanos y Russell, 1899), 40. Para sa
pangalan ng comandancia, cf. Archivo General Militar de Madrid (AGMM), “Diego de los Rios confirming
to the Governor-General and to the Military Chief the mobilization of Pampango volunteers, San
Fernando, 21 January 1897.” Filipinas, 2º 10, 4-5; Sastron, La Insurrección, Tomo I, 453, 735; Federico de
Monteverde y Sedano, Campaña de Filipinas; La División Lachambre, 1897 (Madrid: Libreria de Hernando
y Compania, 1898), 587.

178
kay Cortes, na itinuring na “Hari sa Pampanga.”131 Ayon sa 1953 HDP ng San Luis, kung

ano ang dami ng Santa Iglesia sa bayan ay siya ring dami ng matatapat at nagpatala

bilang sundalo na lalaban sa mga rebelde, partikular sa nayon ng San Isidro.132 Tinawag

silang mga voluntario o kusang-loob na nagpaarmas sa Espanya upang labanan ang mga

manghihimagsik.

Sa katunayan, ang idea na armasan ang matatapat na Pampango ay nagsimula

noong Setyembre 1896, sa mungkahi ng prayleng si Padre Antonio Bravo, OSA, na kura

ng Bacolor. Nais ng nasabing prayle na ihanda ang Bacolor sa anumang banta ng mga

paghihimagsik.133 Nangamba marahil na siya’y balikan dahil siya ang dokumentadong

nagbigay sa Cuerpo de Vigilancia de Manila ng listahan ng mga mason sa Pampanga.

Hindi naman naging madali sa mga awtoridad na armasan ang mga Pampango dala na rin

ng mga ulat ng pag-aaklas ng mga sundalong Pilipino sa Mindanao at Palawan. Mga

Espanyol na mismo ang nakapansin na hindi suportado ng mga Pampango ang

Himagsikan.134 Kaya’t noong 11 Enero 1897, hinimok ng Comandancia General sa San

Fernando ang mga Pampango na maging voluntario.135 Bilang tugon, itinatag ang

Voluntarios Pampangos at ang Ríos y Cánovas—sunod sa pangalan ng gobernador ng

131
Isabelo de los Reyes, El Folk-lore Filipino, Tomo Primero (Maynila: Imprenta de Sta. Cruz, 1889), Tomo I,
263.

132
NLP, “San Luis HDP,” 24.

133
Sastron, La Insurrecion, Tomo I, 309.

134
I. E. F. y S., The capture of Manila: The glorious history of August Thirteenth, 1898 (Lungsod ng Quezon:
Toyota Foundation and University of the Philippines Press, 1928/2002), 21.
135
AGMM, “Diego de los Rios confirming,” ibid.; para sa kautusang nag-oorganisa sa mga Pampangong
voluntario, cf. Ibid., 10-1.

179
Pampanga na si Jose Cánovas at kumandante ng Gitnang Luzon na si Hen. Diego de los

Rios. Nang dahil dito, umani nang pagkilala ang Pampanga mula sa mga Espanyol,

bilang ‘matapang na lalawigan, sibulan ng katapatang Pilipino’ (“heroica provincia,

plantel de la lealtad filipina”)136 at ‘dapat tularan ng mga Pilipino’ (“Si los filipinos sigue

sus huellas”).137 Noong 16 Marso 1897, pinag-isa ang dalawang kumpanya ng

voluntarios gamit ang pangalang Ríos y Cánovas,138 at noong 15 Mayo 1897 pormal nang

naging bahagi ng Comandancia General.139

Ngunit may nais pumapel sa pagkilala sa Pampanga: ang liberal at mason na si

Eugenio Blanco ng Macabebe. Nakaligtas siya mula sa mga awtoridad dahil malakas ang

kapit ng kanilang pamilya sa pamahalaan, lalo na kay Polavieja.140 Kakatwa man,

inorganisa niya ang 100 katao at gumawa ng sariling kumpanya ng mga voluntarios sa

Macabebe, na lumikha ng pangalan na hiwalay sa Voluntarios Pampangos noong 16

Enero 1897 ng 100 katao. Tinawag itong Voluntarios de Macabebe (o Voluntarios

Macabebe).141 Naging balita ang ambag ng Voluntarios de Macabebe sa kampanya ng

136
Juan Toral at José Toral, El Sitio de Manila (1898): Memorias de un Voluntario (Maynila: Imprenta
Litografia Partier, 1898), 33.

137
Ibid., 35.

138
AGMM. “Voluntarios Mobilizados Pampanga 1897-1898.” Filipinas, 2º 10, 3.

139
AGMM, “Asuntos Generales: Voluntarios Pampa, sobre la incorporación de los mismos a la C. G. del
Centro de Luzon, 15 Mayo 1897.” Filipinas, 2º 10, 2.

140
Felipe Trigo, La Campaña Filipina: El General Blanco y la Insurrección: Impressions de un Soldado
(Madrid: Libreria de Fernando Fe, 1897), 69.

141  
AGMM, “Asuntos Generales: Voluntarios: Macabebe.” Filipinas, 2º 10, 6-9.

180
pamahalaan sa kabundukan ng Angat at Norzagaray, Bulacan142—ang teritoryo ng mga

Bulakenyong maghihimagsik143—at sa Tibaguin, Hagonoy, Bulacan noong 1897.144 May

naitala ring detalye sa 1953 HDP ng Masantol na umabot ang engkuwentro ng

Voluntarios de Macabebe at mga manghihimagsik sa Hagonoy hanggang Sapang

Kawayan, Masantol, Pampanga, isang nayon na halos mga taga-Hagonoy ang nakatira at

kanugnog lamang ng Tibaguin.145 Madalas din banggitin ang kabayanihan (para sa

Espanya) ni Blanco sa Binakod, Paombong, Bulacan noong Mayo 1897,146 kung saan

nabaril siya sa braso.147 Ang mga pagpapakitang-gilas na iyon ng Voluntarios de

Macabebe ang dahilan upang itaas ang ranggo ni Blanco sa pagka-Mayor at kalaunan sa

pagiging Koronel. Naging balita ito sa Macabebe at siya ring naging dahilan kaya’t

marami ang nagpamiyembro—idagdag pa ang impluwensiya ng pamilya Blanco sa

Macabebe. Kaya’t karamihan sa mga kasapi ng Voluntarios de Macabebe ay tumatanaw

ng utang na loob sa kaniya bilang tagapagpala (benefactor) ng kanilang pamilya.148 Ang

mga naganap na ito naman ay ikinabahala ni Aguinaldo sa Cavite.149 Taliwas sa inaakala

142 
Sastron, La Insurrección, Tomo I, 634-5.
143
Tungkol sa mga Bulakenyong manghihimahsik sa kabundukan ng Bulacan, cf. Santiago V. Alvarez, The
Katipunan and the Revolution: Memoirs of a General, salin ni Carolina S. Malay (Lungsod ng Quezon:
Ateneo de Manila University Press, 1992), 417-26.

144
Sastron, La Insurrección, Tomo I, ibid.

145
Cf. NLP, “Masantol HDP,” 70.

146
Para sa petsa ng Labanan sa Binakod, cf. Antonio S. Bautista, Ang Malulos sa Dahon ng Kasaysayan
(Gerona, Tarlac: Jose P. Santos, 1936), 60-1.

147
Namali ng baybay sa batis bilang Sinacud. Cf. Trigo, La Campaña Filipina, 68-9; Delmas, Filipinas por
España, Tomo II, 550.

148
Mariano A. Henson, The Province of Pampanga and Its Towns (A.D. 1300-1955) (Angeles, Pampanga:
Mariano A. Henson, 1955), 34.
149 
Emilio Aguinaldo at Vicente Albano Pacis, A Second Look at America (New YorkL R. Speller, 1957), 27,
42.

181
Felix Galura. CENTER FOR KAPAMPANGAN STUDIES

182
Juan Crisostomo Soto, kasama si Isidro Joven. CENTER FOR KAPAMPANGAN STUDIES

183
ng marami, walang direktang kaugnayan ang Voluntarios de Macabebe, maging ang mga

sumunod sa kanila, sa daang-taon nang tradisyon ng pagsusundalo sa Pampanga.

Sumulpot lamang sila dahil nais ipaghiganti ni Blanco ang pagkamatay ng kaniyang

kapatid na si Agustin Blanco—ang propagandista—sa kamay ng puwersa ni

Aguinaldo.150 Gayong liberal, tutol si A. Blanco sa Himagsikan. Bumalik siya ng

Pilipinas at itinalaga ng Gob. Hen. Blanco na pinuno ng impanteriya ng mga Espanyol sa

Talisay, Batangas. (Hindi matiyak kung kamag-anak ba ng mga Blanco ng Macabebe ang

gobernador-heneral.) Noong 1 Oktubre 1896, sinalakay ng puwersa ni Aguinaldo ang

himpilan ni A. Blanco sa kumbento ng Talisay.151 Napatay si A. Blanco sa engkuwentro.

Bukod sa magkapatid na A. at E. Blanco, ang mason152 at itinuturing na “Ama ng

Balarilang Kapampangan” na si Felix Galura, principal ng Bacolor, ay sumuporta rin sa

Espanya bilang pinuno ng Voluntarios de Bacolor.153 Maging ang itinuturing na “Ama ng

Panitikang Kapampangan” na si Juan Crisostomo Soto na tubong Bacolor din, ay

150
Felipe Trigo, The Philippine Campaign (Impressions of a Soldier): General Blanco and the Insurrection,
saling Ingles ni Edgardo M. Tiamson (Lungsod ng Quezon: Toyota Foundation at University of the
Philippines Press, 1897/2002), 57; Henson, The Province of Pampanga, ibid.

151
Del Castillo y Jimenez, Katipunan, 224-225; Emilio Aguinaldo, Mga Gunita ng Himagsikan (Maynila:
National Centennial Commission; Cavite: Cavite Historical Society, 1964/1998), 137; Ma. Luisa T. Camagay,
trans., French Consular Dispatches on the Philippine Revolution (Lungsod ng Quezon: University of the
Philippines Diliman, 1997), 2; Sastron, La Insurrección, Tomo I, 286.

152
NAP, “Pampanga - Si acaso esta provincia donde más se halla la masoneria, pues tiene adaptos en casi
todos. Los pueblos, pero donde el número es mayor es en los pueblos de San Fernando, Bacolor, México,
Arayat y Magalan, Relación de puño y letra de jefe de la Policia de Manila.” Cuerpo de Vigilancia de
Manila, Manuscrito A-10, Documento No. 3.

153
Henson, The Province, 42.

184
sinasabing nagpamiyembro sa Voluntarios de Macabebe.154 Kasama rin ni Soto sa

Voluntarios de Macabebe ang dating cabeza de barangay ng Bacolor, at isa sa mga haligi

ng medisina sa Pilipinas, na si Dr. Jacobo Fajardo155—apo ng dapat sana’y deputado ng

Pilipinas sa Parliyamento ng Cadiz na si Padre Anselmo Jorge Fajardo.156 Maging ang

liberal na si Felipe Buencanimo, na nakapangasawa ng haciendera sa Capalangan, Apalit

(i.e., Juanita Arnedo), ay bumuo rin ng sariling grupo ng mga voluntario ng Apalit. Regalo

di umano niya sa pamahalaang Espanyol ang kaniyang pangkat ng voluntario.157

Naging palagay na ang mga Espanyol sa Pampanga. Kung kaya’t hindi na inalis

sa San Fernando ang Comandancia General. Mula kay de los Rios, sinundan siya ni Hen.

Ruiz Serralde y Ríos noong 26 Hunyo 1897; sunod ni Francisco Castilla noong 18

Setyembre 1897; ni Fermín Jáudenes y Alvarez makalipas ang 11 araw; at kalaunan, ng

kilabot na matador ng Zambales at Iloilo na si Hen. Ricardo Monet y Carretero.158

154
Juan S. Aguas, Juan Crisostomo Soto and Pampangan Drama (Lungsod ng Quezon: University of the
Philippines, 1963), 21.

155
Ibid.

156
National Historical Institute, Filipinos in History (Maynila: National Historical Institute, 1996), Tomo 5,
134.

157
Tingnan ang bahagi ng panayam ni Dr. Vicente Catacutan noong 1968 kina Benigno Uyan (edad 92) at
Antonio Danganan (91), pawang mga miyembro ng Voluntarios ni Buencamino, at kay Dionicio Catacutan
(85), isang ordinaryong tao (non-combatant), sa Vicente B. Catacutan, The Pisamban of Apung Iru: A
Pedagogical Church (Apalit, Pampanga: ASCCOM Alipan ning Ginu Community, 2012), 185.

158
Carlos Garcia Alonso, Defensa del General Monet: Ex Comandante General del Centro de Luzón ante el
Consejo de Guerra de Oficiales Generales celebrado del 10 de Febrero de 1900 (Madrid: Establecimiento
Tipográfico de T. Minuesa de los Ríos, 1900), 9-10.

185
Ricardo Monet (kaliwa). CORA LOPEZ

186
Nanungkulan si Monet bilang comandante ng Gitnang Luzon noong Abril 1898, matapos

siyang italaga ni Gob. Hen. Basilio Augustin. Panahon ni Monet lumawak ang saklaw ng

Comandancia General: naging bahagi na rin nito ang Norte de Luzón.159

Naunahan pa ng pagbubuo ng mga voluntario sa Pampanga ang opisyal na

kautusan ni Gob. Hen. Fernando Primo de Rivera noong Oktubre 1897 na mag-organisa

ng dalawang uri ng voluntario sa mga bayang apektado ng paghihimagsik—ang

voluntario local na kailangan bilang pulis sa mga bayan at ang voluntario mobolizado na

kailangan sa mga labanan. Alternatibong taktika ito ni Primo de Rivera upang mapunan

ang kakulangan ng hukbong Espanyol sa bilang ng sundalong sasawata sa paghihimagsik.

Makailang ulit ding binalewala sa Madrid—dala na rin ng transisyong politikal doon—

ang mungkahi ni Primo de Rivera na mag-organisa ng matatapat na Pilipino upang

magsundalo. Hindi man tiyak kung naging problema din ito sa Pampanga, nahirapan ang

pamahalaang Espanyol na mag-organisa ng mga voluntario dahil walang maiiwang mag-

aasikaso sa mga bukid, gawa na rin ng pagkalugi sa ani dulot ng kabi-kabilang

pangingikil, kapwa ng mga manghihimagsik at awtoridad.160 Ikinairita rin ng mga tao ang

patakaran na may pasaporte sa bawat bayan at barangay na pupuntahan, na ikinabagal ng

galaw ng kalakal at ikinalugi pa ng mga magsasaka dahil kailangan pa nilang suhulan ang

mga lokal na awtoridad, huwag lamang maantala ng patakarang pasaporte.161

159  
Para sa listahan ng mga naging kumandante ng Comandancia General del Centro de Luzon, cf. UPDML,
“Datos historicos sobre el pueblo de San Fernando, cabecera da [sic] la Pampanga, I. F.” Luther Parker
Collection, Box No. 3, Folder No. 62, Doc. No. 344; Carlos Ría-Baja, El Desastre Filipino: Memorias de un
prisionero (Barcelona: Tipografia la Academica, de Serra Hermanos y Russell, 1899), 40.
160
Le Roy, The Americans, Tomo I, 124.

161
Ibid., 123.

187
Ilan sa mga dokumentadong voluntarios sa Pampanga ay itinatag mismo ng mga

prayle at mga principal. Ito ay ang Voluntarios de Bacolor na itinatag sa basbas ni Padre

Bravo at Gobernador Cánovas; at ang Voluntarios de Betis, na plinanong bubuhin ng mga

principal ng Betis noong 21 Oktubre 1897, ngunit naisakatuparan lamang noong 2

Nobyembre 1897 sa suporta ng parokya. Isang nagngangalang Don Joaquin Canlas ang

naging kapitan ng grupo.162

Riot sa Bacolor, Agosto 1897

Noong 3 Agosto 1897, 84 na pugante ng Cárcel Provincial (panlalawigang piitan)

ang binaril ng Voluntarios de Bacolor sa publiko sa Bacolor.163 Ito ay matapos pumuga

ang kulang-kulang 100 preso at lumusob ang mga ito sa Casa Tribunal (bahay

pamahalaan) ng Bacolor.164 Nang-agaw din ang mga pugante ng armas sa destacamento

(himpilan) ng mga cazadores (‘mangangaso,’ bagaman mga sundalo ang mga ito na

nakadestino sa mga lalawigan). “Sa katirikan ng araw,” ayon kay René Etienne César

Menant, Genant o nanunuparang opisyal ng konsulado ng Pransya sa Maynila, “sinira

nila (mga preso) ang mga kandado ng mga tarangkan (ng piitan) at nagtungo sa dako ng

162  
UPDML, “A. Serrano’s History of Betis 1740-1903.” Luther Parker Collection, Document No. 286, Folder
No. 49, Box No. 2, 21-2.

163  
UPDML, “Lugay’s History of Bacolor, 1909.” Luther Parker Collection, Document No. 283, Folder No. 48,
Box No. 2, 20; UPDML, “Punu’s History of Bacolor 1746-1908.” Luther Parker Collection, Box No. 3, Folder
No. 48, Document No. 285, 25; AHN, “Ynforme,” 8a.
164  
UPDML, “Serrano’s History of Betis,” ibid.

188
bahay pamahalaan (ng Bacolor).”165 Nadakip ang mga pugante dahil sa pinagsamang

puwersa ng batalyon ni Hen. Serralde y Ríos (kumandante ng Gitnang Luzon),166 ng mga

tanod ng piitan, at ng Voluntarios de Bacolor.167 Sa kabilang banda, may ilan pang

nakatakas, dala-dala ang mga armas na inagaw nila.168 Idineklara ng mga awtoridad ang

insidente sa Bacolor na may kinalaman sa Himagsikan.169 Iyon na ang pinakamadugong

pagpatay sa utos ng pamahalaan na nangyari sa Pampanga mula noong Disyembre 1762,

kung kailan daan-daang Tsino ang pinapatay ni Anda sa mga Pampango at Espanyol sa

kasagsagan ng pananakop ng mga Briton sa Maynila.

Isinulat ni José Gutierrez David, kalauna’y Associate Justice ng Korte Suprema

ng Pilipinas (1959-1961), sa kaniyang gunita ang nasaksihan niyang madugong pagtugis

ng mga awtoridad sa mga pugante sa Bacolor nang siya’y anim na taong gulang pa

lamang:

As a child, I was not spared from horrible experience which occured toward
the end of the Spanish regime.
The prisoners in the provincial jail which was located, not far from our house,
escaped. There were many of them. We heared the firing and all of us, the
occupants of the house, hid below the stairway which was surrounded by stone
walls. Many of the escaping prisoners were killed.
I saw the bodies being carried hanging and swinging hammock like when they
were passed in front of the house. Some bodies were still bleeding. I was greatly
shocked when I saw them. That was the first time I had ever seen human violently
killed and carried in that manner.170

165 
Camagay, trans., French Consular, 41.
166 
José Enrique Rivas Fabal Naval, Historia de la Infantería de Marina Española (Madrid: Editorial Naval,
1970), 482; Fernando Primo de Rivera y Sobremonte, Memoria Dirigida al Senado (Madrid: Imprenta y
Litografía del Depósito de la Guerra, 1898), 28, 40, 45; Camagay, trans., French Consular, ibid.
167
UPDML, “Serrano’s History of Betis,” ibid.
168
Camagay, trans., French Consular, ibid.
169 
Ibid.
170 
Angeles, “The Story, 33-4.

189
(Noong bata ako, hindi ako nakaligtas sa nakapangingilabot na karanasang
nangyari habang papatapos na ang pamamalakad ng mga Espanyol.
Nakatakas ang mga preso sa piitang panlalawigan, na hindi kalayuan sa aming
bahay. Marami sila. Dinig namin ang putukan; at kaming lahat, na nasa bahay, ay
nagtago sa ilalim ng hagdang napalilibutan ng batong pader. Marami sa mga
pumugang iyon ang napatay.
Nakita ko ang mga katawan na binibitbit nang nakabitin at animo’y duyan
habang idinadaan sa tapat ng bahay. Patuloy pa ang pagdugo ng ilang bangkay.
Natigatig ako nang makita ko ang mga iyon. Iyon ang unang pagkakataong
nakasaksi ako ng taong pinaslang nang karumaldumal at binitbit sa ganoong
paraan.)

Unang Engkuwentro ng Katipunan sa Pampanga, Setyembre 1897

Aktibo ang Katipunan sa Tarlac noong 1896 sa pangunguna ni Francisco

Makabulos Soliman, Kapampangan ng La Paz, Tarlac bagaman ang ama ay isang

Pampango mula sa Lubao. Ayon sa 1953 HDP ng Magalang, si Makabulos ang nagpasok

ng Katipunan sa hilagang parte ng Pampanga mula 1896-1897. Nagsimula ito sa

pagtalaga ni Makabulos sa isang nagngangalang Juan Culantro upang ipagtanggol sa

pang-aapi ang mga taga nayon ng La Paz, Magalang. Pinamunuan ni Culantro kalaunan

ang pag-oorganisa ng Katipunan sa barangay La Paz. Kabilang sa mga pangalan ng mga

Katipunero sa Magalang, ayon sa HDP, sina Feliciano Torres, Gregorio Mallari, Froilan

Pineda, at Maximo Manabat. Armado lamang sila ng talibong at itak.171 Nakatulong ng

malaki ang pagsuporta ng mga taga-Magalang kay Makabulos at sa Katipunan sapagkat

naitatag sa Magalang ang isa sa pinakamatatag na kuta ng mga manghihimagsik: ang

isang real ng Kamansi sa barangay Kamansi, Magalang, na nasa may paananan ng

Bundok Arayat. Gayundin, sa real ng Kamansi tinanggap sa Katipunan ang capitán

171
NHCP, “Magalang HDP,” 55.

190
municipal ng Murcia, Tarlac (ngayo’y parte ng Concepcion) na si Servillano Aquino at

iba pa niyang kasamahan. Sa pamamalagi ni Makabulos sa Magalang, nadagdagan pa ng

83 Katipunero ang Magalang, na lahat ay mula sa barangay Sto. Rosario, Magalang. Nasa

pamumuno sila nina Kapitan Gregorio Samia, Tinyente Lino Tayag, at Tinyente Enrique

Datu. Noong 29 Agosto 1897, naiulat sa Magalang ang unang engkuwentro ng mga

Espanyol sa mga manghihimagsik sa Pampanga at natuklasan ang kuta ng Kamansi.

Lumipat sa Mabalacat ang mga manghihimagsik ng Magalang. 172 Wala mang direktang

ebidensiya kay Makabulos, napaulat din ang presensiya ng mga manghihimagsik sa

Angeles.173

Noong 15 Setyembre 1897 sinimulan ng mga Espanyol na atakihin ang

Kamansi.174 Ayon sa 1953 HDP ng Magalang, sa bakuran ng isang principal na

nagngangalang Doña Florentina Pascual sa San Nicolas, Magalang nagkampo ang mga

Espanyol at sa dako ng Tutu, Arayat nagmula ang mga Espanyol.175 Anim na beses na

nadepensahan ni Makabulos ang Kamansi mula sa pag-atake. Nagkataon namang nasa

kabundukan na ng Biak-na-Bato sa San Miguel de Mayumo, Bulacan sina Aguinaldo.

Bilang pakikisama sa mga pinuno ng paghihimagsik sa Gitnang Luzon, sumama sa

172
Ibid., 68.

173
Mariano A. Henson, A Brief History of the Town of Angeles in the Province of Pampanga, Philippines:
From Its Foundation in 1796 A.D. to the Present 1947-1948 (San Fernando, Pampanga: Ing Katiwala, 1948),
20.
174
Pi y Margall at Pi y Arsuaga, Historia, Tomo 7, 836.

175
NHCP, “Magalang HDP,” 8.

191
Kamansi si Hen. Jose Ignacio Paua, isa sa mga opisyal ni Aguinaldo sa Cavite. Kasama

rin si Paua sa lumaban sa mga Espanyol sa Kamansi.176

Tuluyang napasakamay ng mga Espanyol ang Kamansi matapos ang huling pag-

atake rito noong 27-28 Nobyembre 1897. Si Monet ang nanguna sa pag-atake sa

Kamansi. Nagbanta si Monet na hindi magkakaroon ng kapayapaan sa Gitnang Luzon

hanggang hindi napapasakamay ng mga Espanyol ang Kamansi. Binuo halos ng

Voluntarios de Macabebe at Voluntarios de Apalit ang puwersa ni Monet, na inilarawan

ni Delmas na mga ‘sabik’ (compuestas en su mayoria de nuevos entusiastas

voluntarios).177 Napaatras patungong Biak-na-Bato sina Makabulos.

Sa galak ni Gobernador Cánovas sa mga Voluntarios de Macabebe at Voluntarios

de Apalit, iminungkahi niya sa pamahalaan na tawaging “Muy Heroica y Siempre Fiel”

(Napakatapang at Laging Tapat), “Muy Noble y Muy Leal” (Napakarangal at

Napakatapat) o “Muy Española” (Napaka Espanyol) ang Pampanga, na hindi naman

nangyari.178

176
Teresita Ang See, Jose Ignacio Paua: Chinese General in the Philippine Revolution (Maynila: Kaisa para
sa Kaunlaran, Inc., 1988), 9.

177
Delmas, Filipinas por España, Tomo II, 731-2.

178
Larkin, The Pampangans, 117.

192
Pagtunton ng Pampanga sa Landas ng Himagsikan

Matapos ang engkuwentro ni Sarthou sa mga Santa Iglesia sa San Luis, operasyon

ni Olaguer-Feliu sa Cacarong de Sili, at kampanya ni Lachambre sa Cavite, lalong

lumapit sa Pampanga ang sentro ng Himagsikan: nasa Biak-na-Bato na ang pamahalaang

panghimagsikan ni Aguinaldo. Bagaman noong Disyembre 1897, isinuko roon ni

Aguinaldo ang Himagsikan matapos ang ilang buwang negosasyon ng kaniyang

pamunuan at ng pamahalaang Espanyol. Sa kasagsagan ng negosasyon, sa Pampanga

tinatanggap ni Gob. Hen. Primo de Rivera noong 17 Nobyembre 1897 ang ulat ni Pedro

Paterno, tagapamagitan ng pamahalaan kay Aguinaldo, tungkol sa Biak-na-Bato.179

Bahagi ng kasunduan na kailangang lisanin nina Aguinaldo ang Pilipinas, habang

bibihagin ng mga manghihimagsik sa Biak-na-Bato si Monet.

Ngunit may mga manghihimagsik na tutol sa pagsuko ni Aguinaldo. Kabilang na

rito sina Aquino180 at si Makabulos na hindi nakipirma sa Kasunduan sa Biak-na-Bato.

Ayon sa isang ulat ng Cuerpo de Vigilancia de Manila, inalmahan ng mga Pampangong

kasapi ng Katipunan (malamang ay mga tagasunod ni Makabulos) ang Kasunduan sa

Biak-na-Bato dahil hindi nila kinikilala si Aguinaldo bilang lehitimong pangulo (“por

esto también no quieren reconocer á Emilio como tal presidente”).181 Dagdag pa ng

179
 Pedro A. Paterno, The Pact of Biyak-na-Bato and Ninay (Maynila: National Historical Institute, 2004),
83.
180
NAP, “Report of Inspector Jefé Federico Moreno relaying various intelligence…, Manila, 6 November
1897.” Cuerpo de Vigilancia de Manila, Manuscrito A-7, Documento No. 137, 1-3.

181
NAP, “Intelligence Report of Agente Tito David, 31 January 1898.” Cuerpo de Vigilancia de Manila,
Manuscrito B-20, Informe No. 31, 1-3.

193
Cuerpo, noong 16 Pebrero 1898, isang nagngangalang Ponciano Punzalan ng San

Fernando ang nagsabing huwad ang Kasunduan sa Biak-na-Bato at panahon na upang

ang mga Pampango ay makiisa sa laban ng mga Cubano at makikampi sa Estados Unidos

at mga Carlista.182 Wala nang detalyeng dokumentong nakita ang pananaliksik na ito

upang mapalalim ang mga ulat na iyon ng Cuerpo. Ang malinaw, sa pagsuko ni

Aguinaldo, inorganisa ni Makabulos at ng iba pang di kumilala sa Kasunduan sa Biak-na-

Bato ang isang pamahalaang panghimagsikan. Ang naturang pamahalaan ang nagpatuloy

sa pakikibaka habang nasa pagkakapatapon si Aguinaldo sa Hong Kong; at bilang

pagtalima sa Kasunduan sa Biak-na-Bato na palayain ang mga Pilipinong nasa piitan at

pagkakapatapon, nakabalik sa Pampanga ang ilan sa mga liberal—at sa mga pinalayang

bilanggong politikal, ang pagbabalik ni Maximino Hizon sa Mexico noong Pebrero 1898

ang itinuturing na pinakamahalaga. Tatlong araw matapos niyang makabalik sa Mexico,

sinikap ni Hizon na makilala si Makabulos.183 Palihim na ginabayan ni Makabulos si

Hizon sa pagpapakilala ng diwa ng Himagsikan sa mga Pampango, kahit huli na.

182
NAP, "Intelligence Report of Agente Tito David regarding a Ponciano Punsalan from San Fernando,
Pampanga.” Cuerpo de Vigilancia de Manila, Manuscrito B-20, Informe No. 36, 2-3.

183
NLP, “Hojas de servicio,” 1.

194
Francisco Makabulos. CENTER FOR KAPAMPANGAN STUDIES

195
IKALIMANG KABANATA

MGA PAMPANGO LABAN SA MGA ESPANYOL, 1898

Paghahanap ng Pampanga sa Isang Lider

Kung mayroon mang Pampangong liberal na aktibo noong panahon ng

Himagsikan, dalawa lang ang maaari nilang gawin: labanan ang mga Espanyol sa labas

ng Pampanga o lumaban sa ilalim ng pangalan ng Espanya.

Sa lahat ng mga liberal na Pilipino, tanging si Agustin Blanco ng Macabebe ang

binigyan ng mataas na katungkulan sa Hukbong Espanyol para labanan ang mga

manghihimagsik. Malaki sana ang maitutulong niya sa Himagsikan na nangangailangan

ng kaalaman at kasanayan sa pakikidigma (tulad ng ipinayo ni Rizal kay Valenzuela sa

Dapitan noong 1896); ngunit mas matimbang sa kaniya ang pananatili ng Pilipinas sa

ilalim ng Espanya. Ikinasawi niya ang paninindigang ito nang salakayin ng puwersa ni

Aguinaldo ang kaniyang himpilan sa kumbento ng Talisay, Batangas noong Oktubre

1896.

Iba naman ang kaso ng Pampangong si Jose Alejandrino, isa pang dapat sana’y

lider ng Himagsikan sa Pampanga. Tulad ni Blanco, propagandista sa Europa si

196
Alejandrino. Naging miyembro siya ng Katipunan noong 1895.1 Ngunit nang sumiklab

ang Himagsikan, minaliit at sinabi niyang hindi pa kayang maghimagsik ng mga Pilipino.

Ganito rin ang tugon sa kaniya ni Antonio Luna, isa pang propagandista—“Hindi pa

panahon,” sabi ni Luna—nang atasan siya ng Katipunan na himukin itong sumama sa

kilusan (sang-ayon sa payo ni Rizal kay Valenzuela).2 Kung hindi pa dumating galing

Ghent ang kaklase niyang Kabintenyo na si Edilberto Evangelista noong Setyembre 1896

hindi sana siya mahihimok sumama sa paghihimagsik.3 Tinapat niya si Evangelista at

sinabing mababa ang pag-asa na magwagi ang Himagsikan.4 Hindi nagpatinag si

Evangelista sa ganoong opinyon at nanumpa siya ng katapatan kay Aguinaldo, noo’y isa

sa mga pinuno ng Katipunan sa Cavite. Noong 21 Nobyembre 1896, sumama si

Alejandrino kay Feliciano Jocson sa Kawit, Cavite at nagsilbi kay Aguinaldo. 5 Nakalayo

rin siya mula sa paghawak ng armas nang imungkahi ni Evangelista, noo’y Tinyente

Heneral na, na ipagkatiwala ng Katipunan kay Alejandrino ang pagpuslit ng mga bala at

pulbura mula Hong Kong. Inayunan iyon kapuwa ni Aguinaldo at ni Bonifacio. 6

Disyembre ng 1896, nakaalis ng bansa si Alejandrino. Namalagi siya sa Hong Kong

hanggang noong 1898.

1
Alejandrino, The Price, 4.

2
Ibid., 103-4.

3
Ibid., 17.

4
Ibid., 17-8.

5
Ibid., 59.

6
Emilio Aguinaldo, Mga Gunita ng Himagsikan (Lungsod ng Baguio: Cristina Aguinaldo Suntay, 1964), 120.

197
Komplikadong maging aktibong manghihimagsik sa loob ng Pampanga lalo na’t

napakalaki na ng puwersa ng mga Espanyol na nakaestasyon sa San Fernando. Idagdag

pa rito ang mga voluntario sa bawat bayan. Ang mga inaasahang lider sana ng

Himagsikan sa lalawigan—yaong hindi nakulong o nakalaya agad, at yaong mga

nakaligtas sa pagkakapatapon at pagbitay—kung hindi nanahimik ay sumuporta pa sa

Espanya. Magkahalong takot, pangamba, at pagtutol sa paglaya ng Pilipinas ang naghari

sa Pampanga mula 1896-1898.7 Gayunpaman, hindi limitado sa mga Pampangong liberal

ang kawalan ng loob na maghimagsik. Para sa maraming edukadong Pilipino, hindi pa

napapanahon ang Himagsikan.8 Si Mabini, halimbawa, ay tumutol sa Himagsikan sa

kadahilang bukod sa wala siyang lakas ng loob na suportahan ito, inisip niya na

magagambala ng seryosong armadong pagkilos ang kaniyang mga kababayang gusto,

kahit papaano, ang tahimik lamang na buhay.9 Ang sapantaha ni Mabini ay totoo sa

Pampanga, Pangasinan, Ilocos Norte, at La Union dahil kapakanan at seguridad ang

nangungunang konsiderasyon sa mabagal na tugon ng mga tagarito sa bangis at saklap ng

paghihimagsik.10

Sa kawalan ng lider na lalaban sa mga Espanyol, hindi inaasahan ang paglitaw ni

Salvador, bagaman na isang Tagalog, ay lubos na kinikilala ng mga Pampangong

tagasunod niya sa Santa Iglesia. Naungkat sa sinundang kabanata ang dahilan ng pag-

7
Larkin, “Pampanga Views,” Tomo II, 591.

8
James A. Le Roy, The Americans in the Philippines (Boston at New York: Houghton Mifflin Company,
1914), Tomo I, 93.

9
Apolinario Mabini, The Philippine Revolution (Maynila: National Historical Commission, 1969), 9.

10
Le Roy, The Americans, ibid.

198
usbong ng Gabinista (na pinagmulan ng Santa Iglesia) na ang pinuno ay isang

karismatikong Pampango na si Cortes. Nang si Salvador na ang humalili kay Cortes,

isinalin ng mga Pampango ang paggalang kay Salvador. Salat ang mga batis sa

tendensiyang liberal ni Cortes, ngunit dokumentado ang pagiging liberal ni Salvador sa

Bulacan. Ayon kay Santos, binunggo ni Salvador ang Tenyente ng Guardia Civil sa

Baliuag, habang kinondena naman niya ang mataas na singil ng kura ng Baliuag na si

Padre Isidoro Prada, OSA, sa mga nagtitinda sa patio ng Simbahan ng Baliuag. Dahil sa

tapang ni Salvador, tinakot siya ni Padre Prada na ipatatapon sa Iligan, Mindanao.11 Kung

titingnan ang panahon ng panunungkulan ni Padre Prada bilang kura ng Baliuag mula

1889 hanggang 1898,12 lumalabas na naitatag o di kaya’y buwag na ang Gabinista nang

maging mainit si Salvador sa mga awtoridad sa Baliuag. Kapatiran man ng mahihirap ang

Gabinista, hindi ibig sabihin ay dukha rin si Salvador. Malaking salik, sa katunayan, ang

pagiging principalia at nakaririwas sa buhay noon upang magkaroon ng lakas ng loob na

sumalungat sa mga nasa awtoridad; at ang angkan naman ni Salvador ay may sinasabi sa

lipunan. Hindi man tiyak kung nakikisimpatya lamang siya sa mga kapatid sa Santa

Iglesia, lagi niyang sinasabi sa mga naiwang sulatin niya na siya’y mangmang at dukha.

Samakatuwid, ang pangangasiwa ni Salvador sa Santa Iglesia ang nagpaiba sa kaniya sa

ibang liberal ng kaniyang panahon; malayo sa imahen nina Rizal, Mabini, at Bonifacio na

may pormalidad at inteligente.

11
Santos, Ang Tatlong, 8.

12
Cf. Guía Oficial de Filipinas 1892 (Maynila: Tipo-Litografia de Chofre y Comp.a, 1892), 482; Delgado,
Historia, Tomo I, 967.

199
Pagbitay kay Cortes at Paggapos kay Salvador

Muling naramdaman ng mga Espanyol ang presensya ng Gabinista sa Pampanga

nang ilipat sa Bilibid mula Jolo si Cortes.13 Ayon sa mga ulat, nasa bayan sila ng San

Simon. Hindi naman malinaw sa mga tala kung nakabilang siya sa mga bilanggong

politikal na dapat palayain sa ilalim na rin ng Kasunduan sa Biak-na-Bato. Mula naman

sa Bilibid, inilipat si Cortes sa cárcel ng San Fernando noong Enero 1898.14 Ikinalugod

iyon ng kaniyang mga tagasunod. Ang sunod na nangyari ay binitay si Cortes sa utos ni

Monet. Pinaratangan siya na plano niyang ipaasasina di umano si Gobernador Canovas.15

Nangyari ang pagbitay sa San Fernando noong 4 Pebrero 1898. Ngunit kinabukasan,

idineklarang tsismis lang pala ang planong asasinasyon. Ayon sa Cuerpo de Vigilancia de

Manila, nagalak ang mga principal ng Pampanga sa pagbitay kay Cortes. Isang

kumpanya ng zarzuela ang kinontrata nila upang magpalabas nang libre sa publiko16—

sapat nang indikasyon iyon ng dambuhalang pagkakahati ng lipunang Pampango sa

13
AHN, “Ynformacion,” 2a.

14
NAP, “Intelligence report of Agente Tito David relating that Haring Gavino... is already in prison in San
Fernando, Pampanga... 28 February 1898.” Cuerpo de Vigilancia de Manila, Manuscrito B-20, Informe No.
40, 1/1-4.

15
NAP, “Intelligence report of Inspector Manuel Garcia regarding the breakdown of order in the town of
Malabon, also on the sentencing to death of a Rey Gavino, who was responsible for recent incidents in
Apalit, Pampanga, 4 February 1898.” Cuerpo de Vigilancia de Manila, Manuscrito B-16, Informe No. 21,
2/1-2; NAP, “Intelligence...” Cuerpo de Vigilancia de Manila, Manuscrito B-16, Informe No. 21, 1-2,.

16
NAP, “Intelligence report of Inspector Manuel Garcia regarding the apparent expression of delight of
Pampangos over the execution of Gavino... 5 March 1898.” Cuerpo de Vigilancia de Manila, Manuscrito B-
16, Informe No. 30, 1/1.

200
pagitan ng uring principalia at ng mga masa, na tagasunod ng Gabinismo. Hanggang

noong 1953, buhay pa sa alaala ng ilang matatanda sa Apalit ang pagbitay kay Cortes.17

Walong araw mula nang bitayin si Cortes, gabi ng 12 Pebrero 1898, ipinadampot

si Salvador sa San Simon at ginapos ng hepe ng mga Guardia Civil ng Apalit dahil sa

reklamong pananakot sa mga residente. Kung susuriin ang ulat nina Morales at Muñariz

sa Ministerio de Ultramar hinggil sa pagdakip kay Salvador, hindi ginalaw ni Salvador at

ng kaniyang mga tagasunod ang karaniwang mga tao; malamang sa malamang, hindi

uring masa ang nagreklamo sa mga awtoridad kundi ang mga uring principalia ng Apalit

na hindi pa nakontento sa pagbitay kay Cortes at nais din nilang mawala si Salvador.

Nakagapos man, nakuhang makatakas ni Salvador sa tubuhan ng Sampaloc, Apalit.18

Kinukumpirma naman ng 1953 HDP ng San Simon na may isang nagngangalang “Pedro

Salvador” (sic, Felipe), isang “Katipunan,” ang tinugis ng mga Espanyol sa barangay San

Jose, San Simon at ito’y nakatakas.19 Sa 1953 HDP naman ng Apalit, itinuring na

mahalagang pangyayari noong panahon ng mga Espanyol ang pagtakas sa Sampaloc ng

isang pinaghinalaang taksil sa Espanya mula sa pagkakahuli ng mga Guradia Civil.20

Maaaring si Salvador din iyon, bilang sagana sa detalye ang HDP ng Apalit tungkol sa

Gabinista at Santa Iglesia. Samantala, hindi makumpirma, sa mga primaryang datos ang

detalye sa HDP ng Apalit, na binitay ang Teniente del Barrio ng Sampaloc matapos

17
NHCP, “Apalit HDP,” 8.

18
AHN, “Ynforme,” 6b-7b.

19
NLP, “San Simon HDP,” 4.

20
NHCP, “Apalit HDP,” 64.

201
makatakas ng sinasabing taksil. Ipinagluksa ng mga taga-Apalit ang pagkamatay ng

nasabing Teniente.21

Sa isang pahayag niya kay Aguinaldo noong Enero 1899, iginiit ni Salvador ang

pagpapanatili ng kaayusan sa hanay ng Santa Iglesia, na bagaman mga dukha ay hindi

nakuhang mang-agrabyado ng kapwa at maging ng maaalwa ang buhay na umaapi sa

kanila:

Mag buhat pa sa una pang panghihimagsik magpahanggang ngayon,


bagamat kami’y nagtiis nang magdlang hirap hindi nga namin nagunitâ ang
mangahis sa ari nang iba: nabuhay kami sa palimoslimos ng mga kapatid na
mahihirap din at ang katunaya’y magpahanggang ngayo’y hindi man lamang ako
nakabibili nang isang pirasong damit at kun ako’y ma’y isinusuot ngayon ay
limos lamang sa akin at masasabi ko naman kung sino sino ang naglimos.
Tanongin ang mga sundalo ko kun hindi kailan ma’t ako’y magkakuarta kahit
kaunti, ay agad agad kong pinagbabahagi bahagi sa kanila; at kun ang sinabi
kong ito’y hindi totoo barilin ako at matamis sa akin, huag po lamang madingig
na ang grupo ko’y grupo ng tulisan.22

Ang pagbitay kay Cortes at paggapos kay Salvador ang naghudyat sa unang

armadong paglaban ng mga Pampango sa mga Espanyol23 mula noong 1571—ang

magkasamang pag-atake sa Apalit at Macabebe ng mga maralita’t magsasaka at ng mga

dating matatapat na sundalong Pampango.

21
Ibid., 64-5.

22
NLP, “Kasaysayan ng mga Ipinagdadamdam at kadaingan ng Comandante Felipe Salvador na
Ipinagsasakdal sa mahinahong pasia ng Kag. Na Presidente ng G. R.” Philippine Revolutionary Records, SD
1284.1, 7.

23
AHN, “Ynforme,” 6b.

202
Unang Pag-atake ng mga Pampango sa mga Espanyol

Bago bumagsak ang Kamansi, may magandang liham ang mga manghihimagsik

sa mga voluntario. Nakasulat sa Tagalog ang liham, kaya’t masasabing hindi Pampango

ang sumulat nito. Pinamagatan iyong “Ginoong mga Voluntario” na sinulat sa

“Destakamento ng Sinukuan” (iba pang pangalan ng Bundok Arayat sa mga

Pampango/Kapampangan), petsa 10 Nobyembre 1897.24 Hinihimok ng sumulat ang mga

voluntario na huwag saktan ang mga “kapatid” at “kauri” nilang Pilipino na lumalaban sa

mga lilong Espanyol. Wala nang ibang maaaring tukuyin na voluntario ang liham kundi

ang mga Voluntarios de Macabebe at Voluntarios de Apalit na kinasangkapan ni Monet

sa pagpapabagsak sa Kamansi. Maaaring walang epekto sa mga Voluntarios de

Macabebe ang liham, ngunit hindi sa kasamahan nilang Voluntarios de Apalit.

Noong pista ng San Vicente, Apalit, petsa 9 Pebrero 1898, plinano ang pag-atake

sa mga Espanyol na nakahimpil sa Apalit.25 Matagumpay itong naisagawa noong 19

Pebrero 1898 sa Apalit, sa pangunguna ni Guillermo González, beteranong sundalong

Pampango sa mga kampanyang isinagawa sa Mindanao at pinuno ng Voluntarios de

Apalit, na may buong pagtitiwala ng kura ng Apalit dahil sa balitang katapatan sa

Espanya. “Amotinados” (pag-aaklas ng mga sundalo) ang itinawag sa pangyayaring iyon

sa Apalit. Ito ang kauna-unahang paglaban ng mga sundalong Pampango sa mga

Espanyol sa kasaysayan mula nang maging bahagi ang mga ito ng hukbong Espanyol

24
NLP, “Ginoong mga Voluntario.” Philippine Revolutionary Records, SD 974.1, 1-3.
25
NAP, “Intelligence report of Agente Tito David relating that the recent uprisings in Calumpit, Apalit and
Macabebe were caused by the abuses of the soldiers... 26 February 1898.” Cuerpo de Vigilancia de
Manila, Manuscrito B-20, Informe No. 39, pp. 1/1-2, NAP.

203
noong 1603. Ngunit ang pag-aaklas na ito ng mga sundalong Pampango ay may bahid ng

impluwensiya ng Gabinismo-Santa Iglesia. Itinakda bilang “día de San Gabino” (araw ni

San Gabino) ang petsa ng pag-atake, sa alaala ni Cortes. Ayon sa mga sundalong

Pampango, lilitaw si Cortes sa gitna ng laban kasama ang pitong arkanghel, at hindi

tatablan ng mga bala ng kalaban ang mga nag-alsa.26 Kasama ring nanguna sa pag-aaklas

sina Salvador at mga kasamahan niyang sina Juan Manlapas at Baltazar Laclan.27

Sa pagitan ng ika-4:00 at ika-5:00 ng madaling araw, napansin ng mga Guardia

Civil ang pagtitipon ng mga tao malapit sa kanilang himpilan. Napalilibutan na pala sila

ng puwersa ni González. Nagmula sa mga Pampango ang unang putok, pagdating ng ika-

5:00 ng umaga. Inatake ng mga Pampango ang himpilan habang sigaw-sigaw ang “Viva

Jesús Salvador!” at “avancen!” (‘sugod’). Pinagpuputol din ng mga Pampango ang linya

ng telegrapo sa Apalit upang paralisahin ang paghingi ng ayuda ng puwersang Espanyol.

Bago pa man mawala nang tuluyan ang komunikasyon, nakahingi na ng ayuda ang

tagapamahala ng estasyon ng tren sa Apalit kina Monet at sa Voluntarios de Macabebe.

Natapos ang pag-aaklas ng ika-8:00 ng umaga at nagpulasan ang mga Pampango

sa direksyon ng San Simon, Sto. Tomas, Baliuag, at Pinak ng Candaba. Nasalubong pa

ng puwersa nina Monet at ng Voluntarios de Macabebe sa daan ang mga papaatras na

nagsipag-aklas. Ika-10:20 ng umaga, personal na nagtungo si Monet sa Apalit dala ang

100 katao na sakay ng tren. Tumulong din sa pagtugis sa Calumpit ang matatapat na

26
AHN, “Ynformacion,” 2b.

27
Ibid., 2a-3a.

204
Voluntarios de Apalit ni Buencamino. Makaraan ang pag-aaklas, dinesarmahan sa

Sulipan, Apalit ang mga kumpanya ng Voluntarios de Apalit at pinagbabawi ang mga

diploma at lisensiya ng mga boluntaryo.

Maaaring iugnay din sa pangyayaring ito sa San Vicente ang naiulat sa 1953 HDP

ng Apalit tungkol sa isang lugar na kung tawagin ay Bantayan o pook kung saan

pinarusahan ang mga lumaban sa mga Espanyol. Matatagpuan iyon sa tapat ng kapilya ng

San Vicente.28

Mahalaga bilang pansuportang mga batis ang mga testimonya at gunita noong

1968 hinggil sa Himagsikan sa Apalit na nakolekta ng doktor, pilantropo, at manunulat

na Pampango na si Dr. Vicente Catacutan. Nahagip sa mga nakolekta ni Catacutan ang

pag-atake ng mga Santa Iglesia noong 19 Pebrero 1898. Mismong ang kaniyang lolo na si

Macario Catacutan, Teniente del Barrio ng San Juan, Apalit ay kasama sa pag-atake,

ayon sa testimonya noong 17 Hulyo 1968 ni Antonio Danganan ng Apalit, 85 taong

gulang na beterano ng Himagsikan.29 Ayon naman sa gunita ng ama ni Catacutan na si

Dionicio Catacutan, si Macario ay beterano ng mga kampanyang Espanyol sa mga

Muslim sa Mindanao at teniente sa hukbong Espanyol mula 1892-1897.30 Kinukumpirma

lamang nito ang partisipasyon ng mga uring principalia ng Apalit sa pag-aaklas ng mga

Voluntarios de Apalit at Gabinista.

28
NHCP, “Apalit HDP,” 31.

29
Catacutan, The Pisamban, 187

30
Ibid., 188.

205
May katiyakan si Danganan sa datos nang panahon na sila’y umatake sa mga

Espanyol sa Apalit: anihan noon noong buwan ng Enero o Pebrero 1898 nang inatake nila

ang Casa Tribunal, tapat ng Simbahan ng Apalit, na noo’y pinaghihimpilan ng mga

Guardia Civil. Nagtatrabaho sila sa bukid nang tipunin di umano sila ng mga mag-aalsa.

Dagdag pa ni Danganan, buhat pa sa Tabuyuc (pook na pinagsimulan ng mga Gabinista

noong 1887), Sucad, San Juan, at San Vicente (pook kung saan pinlano ang pag-aalsa),

na pawang mga barangay ng Apalit, upang atakihin ang kabayanan. Isang nagngangalang

Juan Manlapaz ng Tabuyoc ang “comandante” ng pagsalakay. Talibong, panabud, at lait,

na pawang mga patalim sa Pampanga, ang tanging armas nila. Dala marahil ng

katandaan, ang sunod nang inilahad ni Danganan ay mga pangyayari sa Himagsikan sa

Pampanga noong Hunyo 1898.31

Binanggit din sa 1953 HDP ng Apalit na dinala halos sa Cansinala, Apalit ang

mga inosenteng tao sa bayan, maging ang mga taga-karatig barangay sa Pulilan at

Calumpit, Bulacan, na maapektuhan ng pag-aalsa.32

Ikalawang Pag-atake sa mga Espanyol, Macabebe, 22 Pebrero 1898

Makalipas ang tatlong araw, noong 22 Pebreo 1898, sunod namang sinalakay ng

Gabinista/Santa Iglesia ang himpilan ng mga sundalo sa Poblacion, Macabebe.33

31
Catacutan, The Pisamban, 186-7.

32
NHCP, “Apalit HDP,” 73-4.

206
Naidokumento ng HDP ng Macabebe ang kuwento ng pag-aalsa ng isang mistikang

babae na si Paña sa Paralaya (ngayo’y Sta. Rita), Macabebe, na nayon ng mga Blanco.

Buhat sa San Francisco,34 Macabebe ang mga tagasunod niya na armado ng benditadong

buhong pinatulis. Aatake sila sa Poblacion, ngunit naharang sila ng mga Espanyol sa

Paralaya at marami ang napatay at nahuli.35 Ito ang kauna-unahang naitalang paglaban ng

mga taga-Macabebe sa mga Espanyol mula noong Labanan sa Bangkusay ng 1571.

Bilang isa sa teritoryo ng mga Gabinista, ang partisipasyon ng mga taga-

Macabebe sa yugtong ito sa panahon ng Himagsikan ay hindi na dapat ipagtaka. Kabilang

sa mga nadakip ng Voluntarios de Apalit ni Buencamino noong 20 Pebrero 1898 ang

isang nagngangalang Hermógenes Singlao de los Santos, isang maralita mula sa

Macabebe. Ayon sa ulat, kabilang siya sa mga pugante mula sa Cárcel Provincial sa

Bacolor matapos ang riot doon noong 2 Oktubre 1897, at sa mga nagputol ng kawad ng

komunikasyon sa pagitan ng Apalit at Calumpit noong kasagsagan ng pag-aaklas sa

Apalit. Wala nang nabalitaan sa kaniya, liban sa siya’y nasa kustodiya ni Monet sa San

Fernando.36

Gayundin, hindi na dapat ipagtaka ang malaking papel ng kababaihan sa

Gabinista at Santa Iglesia. Kasabay ni Cortes na kinoronahan noong 1888 ang isang

33
AHN, “Ynformacion,” 6b.

34
Namali sa HDP bilang “San Fernanando” (sic).
35
NHCP, “Macabebe HDP,” 70.
36
AHN, “Ynformacion,” 7b-8a.

207
babae na nagngangalang Agustina Dueñas.37 Naitala rin ni de los Reyes, noong 1889, na

hindi alintana ng kapatirang Gabinista kung kasama mang matulog ng kalalakihan ang

kababaihan sa isang lugar.38

Realisasyon sa Impluwensiya ng Gabinista/Santa Iglesia

Hindi limitado sa Apalit at Macabebe ang naging pag-aalsa ng Gabinista/Santa

Iglesia. Napaulat noong 7 Marso 1898 na inatake at sinakop ng napakalaking bilang ng

mga masa (“grandes masas”) armado ng bolo, sibat, at pana na pawang mga Gabinista

ang Alaminos, Salata (?), Sual, at San Isidro, Pangasinan. Reaksyon iyon ng mga

Gabinista sa pagdakip sa kanilang mga itinuturing na apóstol. Sinasabing inayudahan din

ng mga Aeta, Igorot, at tulisan ang mga pag-atake. May dala rin silang makukulay na

watawat. Tulad ng nangyari sa Apalit, pinagpuputol ng mga Gabinista ang kable ng

telegrapo sa Bolinao at naapektuhan maging ang komunikasyon ng Maynila sa Asya at

Europa. Sa insidenteng ito, natalo ang mga Gabinista: 197 ang napaslang at marami ang

sugatan at dinakip. Dumiretso naman hanggang Zambales ang iba, sa pamamagitan ng

Sual.39

37
Ibid., 1b-2a.

38
De los Reyes, El Folk-lore Filipino, Tomo I, 264.

39
“Sucesos de Filipinas,” ibid.

208
Maganda ang sinabi ni Joaquin Pellicena y López, manunulat at kritikong

Espanyol na nakabase sa Maynila, sa aklat niyang La Verdad Sobre Filipinas (1900),

tungkol sa nangyari sa Apalit. Paliwanag niya, likas sa mga Pilipino ang pagiging

Malaya, patunay dito ang mahabang kasaysayan ng pakikipabaka natin sa mga Espanyol

na itinuloy ng mga Gabinista.

…los sucesos de Samar, los de Antique, los de la Laguna, los mismo de


agosto de 1896, los gabinistas de Apalit, la guardia de honor de Pangasinan,
y tantas otras convulsiones, como de antiguo registra la historia de Filipinas,
hasta estos últimos tiempos, esa idea de independencia que tan arraigada
suponen algunos en el pueblo Filipino.40

(…sa mga pangyayari sa Samar, yaong sa Antique, yaong sa Laguna, maging


ang Agosto 1896 [rebolusyon], yaong ng Gabinista sa Apalit, ng Guardia de
Honor sa Pangasinan, at maging ang iba pang pag-aalsa noong unang
panahon na naitala sa kasaysayan ng Pilipinas, maging ang mga nangyari
kamakailan, ang idea ng kalayaan ay talagang nakatanim, tulad ng ipinakita
ng ilan, sa bayang Pilipino.)

Samantala, nagkataon naman na nang mangyari ang pag-aalsa ng mga

Voluntarios de Apalit at ng Santa Iglesia, nasa Mexico, Pampanga na si Hizon. Hindi

man tahasang binabanggit ang nasabing pag-aalsa, mababakas sa kaniyang obserbasyon,

sa lipunang Pampango, ang panganib na dulot kung hindi mapamumunuan ang mga

“clase media” (‘maykaya,’ middle class) at “plebeya” (‘pangkaraniwang mamamayan’)

ng mga uring principalia na itinuring niyang iginagalang (“una entidad respectable”) at

maiimpluwensiya sa lipunan (“influencia moral que por su posecion gozan en sus

respectivos pueblos”)—mapa opisyal man sila ng lokal na pamahalaan o ng

kasundaluhan. Dagdag pa niya, ang “clase media” at “plebeya” ay mga binabaliwalang

40
Joaquin Pellicena y López, La Verdad Sobre Filipinas (Maynila: Tipografia Amigos del Pais, 1900), 18.

209
klase ng tao sa Pampanga dahil hindi sila miyembro ng “cláse aristocrática” (ubod nang

yayamang mga angkang Pampango o Espanyol). Maaaring “una entidad respectable” at

may “influencia moral” ang turing ni Hizon sa sarili at nais niyang humiwalay sa mga

“cláse aristocrática,” na hindi niya nakikita ang silbi sa Himagsikan. Gayong may

pagkilos na si Salvador, hindi gusto ni Hizon ang klase ng samahan na mayroon ito.

Kaya’t pinagsumikapan na lamang niyang buhayin ang Katipunan sa Pampanga sa

pamamagitan ng pagkalap ng suporta sa mga katulad niyang “una entidad respectable” at

may “influencia moral.” Ani pa niya, hindi siya nabigo dahil nangako ang mga “una

entidad respectable” at may “influencia moral” na sasamahan siya ng mga ito sa

armadong pagkilos, kahit ito’y karakaraka (“comprometido a levantarse conimigo a la

menor indicación”).41

Mahalaga ang obserbasyon ni Hizon sa papel ng mga principal sa ikinatagumpay

ng Himagsikan sa Pampanga. Kumpirmasyon ito sa mahabang kasaysayan ng pagiging

nakapangyayari ng uring principalia sa lipunang Pampango. Ang uring principalia ay

binubuo, unang-una, ng mga inapo ng mga nobilidad na dinatnan ng mga Espanyol

noong 1571. Mangapia o mapia ang pangkalahatang tawag sa kanilang lahat ng mga

sinaunang Pampango (katumbas ng maginoo sa mga Tagalog).42 Kinilala ng mga

Espanyol ang mga mapia bilang mga indios principales o principalia (indios naturales

naman ang mga ordinaryong katutubo) at may tungkulin at gawain sa lipunan na tanging

sila lamang ang maaaring pumapel at makinabang. Napreserba ng mga inapong ito ng

41
Ibid., 2-3.

42
Bergaño, Vocabulario, 21.

210
mga nobilidad ang katutubo nilang apelyido dahil hindi sila kasama sa kautusan ni Gob.

Hen. Narciso Claveria noong 21 Nobyembre 1849 na magpalit ng apelyidong Kastilaloy

ang mga indio (katutubo). Halimbawa ng mga angkan na ito na sumikat noong

Himagsikan ay ang mga Makabulos (sa kaso ng manghihimagsik na si Francisco

Makabulos ng La Paz at Lubao), Alimurung (sa kaso ng manghihimagsik na si Mariano

Alimurong ng Bacolor), Galura (sa kaso ng manghihimagsik na si Felix Galura ng

Bacolor), at Cabigting (sa kaso ng manghihimagsik na si Mariano Kabigting ng Arayat).

Sa pagsasama ng mga uring principalia at lahing Europeo sumikat ang uring

principalia na mga mestizo, tulad ng mga Blanco (sa kaso ng magkapatid na liberal na

sina Agustin at Eugenio Blanco) at Alejandrino (sa kaso ng mag-amang manghihimagsik

na sina Mariano at Jose Alejandrino). Gayundin ang mga angkang mestizo sangley o may

lahing Tsino na maalwa rin ang buhay, tulad ng mga Hilario (sa kaso ng mga liberal at

manghihimagsik na magkakapatid na sina Tiburcio, Cecilio, at Procopio Hilario), Hizon

(sa kaso ni Maximino Hizon), at Ventura (sa kaso ng mga liberal na sina Balbino at

Valentin Ventura). Walang mga hasyenda ang mga prayle sa Pampanga, di tulad sa ibang

lalawigan na nasangkot sa Himagsikan tulad ng Bulacan, Cavite, at Laguna. Halos pag-

aari ng mga Pampangong principal ang mga lupain sa lalawigan at sila rin ang may

kontrol sa malaking bahagi ng populasyon bilang mga panginoong maylupa. Pagdating

ng ika-19 na siglo, mapapansin na unti-unti nang napalitan ng mga mestisong apelyido

ang mga sinaunang principal sa listahan ng mga gobernadorcillo ng mga bayan sa

Pampanga. Nariyan ang mga Hizon, Henson, at Liongson na mga mestisong Tsino sa

Mexico, Angeles, at San Fernando; at ang mga Blanco na mestisong Espanyol ng

211
Macabebe. Itinuring ding principal maging ang mga lantad na anak ng prayle, tulad ng

panginoong maylupang si Dr. Joaquin Gonzalez ng Apalit.43

Ang papel ng mga principal sa takbo ng Himagsikan sa Pampanga ay

pagpapatuloy ng kulang-kulang tatlong siglong pagsandal ng lipunang Pampango sa

impluwensiya nila bilang mga cacique o katutubong pinunong kontrolado ng mga

mananakop. Napaigting ang pagiging nakapangyayari ng mga principal dahil sa

paggalang (regard) ng mga ordinaryong tao (i.e. indio principal) sa kanilang nobilidad,

lahi (sa kaso ng mga mestizo), at kalamang ekonomiko at politikal. Hanggang sa noong

ika-19 na siglo, matindi pa rin ang pagkilala at takot ng mga Pampango sa mga principal.

Nakasalalay sa mga principal ang hanapbuhay ng mga Pampango. Gayundin,

makapangyarihan ang posisyon ng mga principal sa lokal na pamahalaan bilang mga

cabeza at gobernadorcillo. Ngunit nakita ng mga tagasunod ng Santa Iglesia na kakaiba

sina Cortes at Salvador: sila ang tipo ng principal na makamaralita. Kumpara sa

nagdaang mga siglo, bigay-todo ang suporta ng mga Pampango sa kanilang mga

principal dahil, isinasabuhay ng dalawa ang inaasahan sa kanila ng lipunan bilang mga

inapo ng matatandang mapia o kadatuan ng sinaunang panahon: ang maging huwaran ng

tapang (konsepto ng mapia), manguna sa mga labanan (konsepto ng pungsalang), at

akuin ang pangangailangan ng kanilang nasasakupan lalo na kung may utang o mabigat

na pangangailangan (konsepto ng saclong). Ngunit nagbago ang panahon. Kinailangan ng

mga principal na makipagsapalaran sa negosyo ng tubo upang masuportahan ang

43
Tungkol sa pagiging anak ng prayle ng mga Gonzalez, cf. U.S. Senate, Message from the President of the
United States 1901 A.D./The Senate Document and Romanism (Washington, D.C.: U.S. Senate, 1901), 115.

212
lumalaking pangangailangan ng kanilang pamilya, samantalang ang mga trabahador nila

ay nanatili sa hirap, nasira ang loob na umunlad pa sa buhay, at nawalan ng kakampi.

Pagkilala ni Salvador sa Unang Himagsikan

Nang atakihin ang San Luis, nagtungo sa bundok ang mga tauhan ng Santa

Iglesia.44 Maaaring Bundok Arayat ang unang isipin na pinag-atrasan dahil kilala itong

himpilan ng Santa Iglesia noong panahon ng mga Amerikano, ngunit sa panahong ito’y

nakasentro ang Santa Iglesia sa San Luis at Apalit. Gayunpaman, sinabi sa talambuhay ni

Salvador na isinulat ni Santos noong 1936 na sa Biak-na-Bato umatras sina Salvador,

kung saan ito nagpagaling mula sa tama ng baril.45 Liban na lamang kung may batis na

sasalungat, binanggit din ni Santos na di umano “nakisama sa mga manghihimagsik” si

Salvador nang “nakarating na hanggang San Rafael (Bulacan) ang mga katipunang

nagsipagbangon sa Balintawak.”46 Wala nang lohikal na paliwanag sa pahayag na iyon ni

Santos kundi ang pagkakataon na umatras patungong Bulacan sina Salvador at doon sa

Biak-na-Bato nakilala ang mga nagsipagparoon ding mga manghihimagsik. Unang-una

na rito si Isidoro Torres ng Malolos na siyang sinasabing nakatuklas sa Biak-na-Bato, at

sunod ay si Aguinaldo. Maaari rin naman na matapos ang pag-atake sa San Luis,

napadpad si Salvador sa San Rafel—ang bayan ng kaniyang amang principal na si

44
Delmas, Filipinas por España, Tomo II, 58.

45
Santos, Ang Tatlong, 9.

46
Ibid., 8.

213
Prudencio Salvador—at doon nakilala ang mga manghihimagsik ng Bulacan. Sa HDP

naman ng San Luis, iniulat na si Salvador ang itinalagang pinuno ng Katipunan sa nayon

ng San Roque, San Luis47—ngunit walang batis na makasusuporta rito, liban sa binanggit

ni Santos na sa nayong ito nangyari ang pag-atake ng mga Espanyol sa San Luis noong

Disyembre 1896.48

Sa ulat ni Salvador kay Aguinaldo na may petsang 14 Enero 1899, binabanggit

niya ang “unang paghihimagsik” na kinasangkutan ng Santa Iglesia. Sinustentuhan, di

umano, ang kanilang pakikiasangkot sa Himagsikan ng mga kapanalig nila mula sa

Floridablanca, Pampanga.49 Maaaring ang pag-atake sa Apalit at Macabebe ang sinasabi

niyang “unang paghihimagsik.”

Pananalig ng mga Espanyol sa Pampanga

Idineklara ng mga Espanyol na tapos na ang pag-aalsa ng Santa Iglesia sa

Pampanga noong 28 Pebrero 1898. Ngunit nasundan pa ito ng mga ulat ng kaguluhan sa

Angeles at Mabalacat noong 15 Marso 1897.50 Dalawang araw ang nakalipas, may 40 di

kilalang kalalakihan ang pumutol sa linya ng telegrapo sa pagitan ng Bamban, Tarlac at

47
NLP, “San Luis HDP,” 28.

48
Santos, Ang Tatlong, ibid.

49
NLP, “Kasaysayan,” 1.

50
NAP, “Don Manuel Garcia’s manuscrito, Manila, 15 de Marso 1898.” Cuerpo de Vigilancia de Manila,
Manuscrito B-16, Informe No. 34.

214
Mabalacat na lubhang nakaapekto sa operasyon ng tren.51 Imposibleng kagagawan iyon

ng Santa Iglesia dahil hindi popular sa bahaging iyon ng Pampanga ang kapatiran; bagkus

ay aktibo roon ang puwersa ni Makabulos.

Dala na rin ng presensiya ni Makabulos sa Gitnang Luzon, kumalat sa Pampanga

ang balitang aatakihin ang mga simbahan sa darating na 28 Abril 1898, habang Mahal na

Araw.52 Isang nagngangalang Mariano David (batay sa apelyido, maaaring siya’y

Pampango ng Bacolor) ang mamumuno sa mga pag-atake, kasama ang mayayamang

Tagalog ng Malabon na sina Isidoro Santos (Santiago) at Don Pedro Paras. Hindi man

tiyak kung may kinalaman sina David, Santos, at Paras, noong ikatlong linggo ng Abril

1898, tinambangan ng armadong kalalakihan ang mga sundalong Espanyol at guardias

civiles sa Sta. Maria Calumpang (ngayo’y Sto. Domingo), Minalin.53 Bilang

pagkonsidera sa seguridad, kinansela ang pista ng bayan ng Minalin noong 4 Mayo 1898.

Tinakot ng kura ng Minalin na si Padre Faustino Diez, OSA ang mga taga-Minalin na

huwag susuportahan ang mga manghihimagsik.54 Ang naturang prayle mismo ang nag-

organisa ng sariling voluntario local, ang Voluntarios de Minalin, at idineklara niyang

51
NAP, “Copias oficiales para el Archivo del Cuerpo de Vigilancia de Manila, y procedentes de dicho
Archivo, de la correspondencia reservada del Inspector Jefe del referido Cuerpo al Señor Gobernador Civil
de Manila, relativo á la insurrección de las islas, Manila, 17 de Marso 1898.” Cuerpo de Vigilancia de
Manila, Manuscrito A-8, Documento No. 18.
52 
NAP, “Copias oficiales para el Archivo del Cuerpo de Vigilancia de Manila, y procedentes de dicho
Archivo, de la correspondencia reservada del Inspector Jefe del referido Cuerpo al Señor Gobernador Civil
de Manila, relativo á la insurrección de las islas, Manila, 28 de Abril 1898.” Cuerpo de Vigilancia de Manila,
Manuscrito A-8, Documento No. 70.
53
Naitala sa 1953 HDP ng Minalin na nangyari ito noong Mayo 1898 sa pagitan ng San Simon at Minalin.
Cf. NLP, “Minalin HDP,” 70.

54
Ambrosio Flores, “The Battle of Sta. Catalina” (Manuskritong nakasinop sa Minalin Museum and
Library), 1.

215
himpilan ang kumbento ng Simbahan ng Minalin. Bilang pinuno ng naturang voluntario

local, sukbit lagi ni Padre Diez sa katawan ang isang Remington.55

Sa kasagsagan ng mga ulat ng presensiya ng mga manghihimagsik sa Pampanga,

noong Abril 1898, iniangat ang voluntarios ng Pampanga na Ríos y Cánovas sa antas ng

Tercio (binubuo ng 3,000 miyembro), taglay ang pangalang Tercio de Anda y Salazar56

(bilang pagdakila sa alaala ni Gob. Hen. Simon de Anda y Salazar 57), sa ilalim ng

pamumuno ng liberal na si Felipe Buencamino ng Apalit. Tila nagkaroon muli ng

nostalgia sa Pampanga: halos gawing boluntaryo, na di umano, ang lahat ng anak na

lalaki nito (“convirtiendo a casi todos sus hijos en valientes voluntarios”) tulad ng

nangyari noong ika-17 hanggang ika-18 siglo.58 Sa dami ng kasapi, iminungkahi ni

Buencamino na hatiin pa ang Tercio sa battalones (binubuo ng 1,000 miyembro).59

Kabilang sa dokumentadong bahagi ng Tercio na ito ay ang yunit na pinamumunuan ni

Kapitan Francisco Mananquil ng San Luis60 at ang mga tauhan mismo ni Buencamino sa

Apalit.61

55  
UPDML, “Cristino F. Lagman’s Documentos Historicos de Minalin, 1911.” Luther Parker Collection,
Document No. 341, Folder No. 60, Box No. 3, 26.

56
Toral at Toral, El Sitio de Manila, 58, 149.

57
Ibid., 34.

58
Ibid., 54.

59
Ibid., 33-4.

60 
UPDML, “F. Mananquil’s San Luis, Pampanga: List of Captains 1762-1909 and History of the Town 1761-
18[9]9 by.” Luther Parker Collection, Document No. 347, Folder No. 63, Box No. 3, 24-26.

61
Catacutan, The Pisamban, 185.

216
Kaugnay pa rin ng presensiya ng mga pinaghihinalaang manghihimagsik sa

Pampanga, iminungkahi ni Monet kay Gob. Hen. Basilio Augustín noong 8 Mayo 1898

na magtayo ng torre de heliógrafo sa San Antonio, Mabalacat, malapit sa dating Real de

Kamansi. Ang pakinabang ng instrukturang iyon ay upang makapagpadala ng senyas

gamit ang salamin at liwanag ng araw kung may paparating na mga kahina-hinalang

grupo. Agad itong inaprubahan ni Gob. Hen. Augustín at madaling nagpadala ng mga

materyales sa Mabalacat mula Maynila. Bukod sa San Antonio, Mabalacat, nagtayo rin

ng katulad na istruktura ang mga Espanyol sa San Francisco, Magalang at bayan ng

Concepcion, Tarlac. Ayon sa matatanda, sa Magalang ay may tatlo o apat na torre de

heliógrafo noon.62

Pagtakas sa Pamilya ng Gobernador-Heneral sa Pampanga

Inakala ng mga Espanyol na tapos na ang problema nila: nagdeklara ng

pakikidigma ang Espanya sa Estados Unidos noong 22 Abril 1898 63—wala pang

dalawang linggo sa pagkagobernador-heneral si Basilio Augustín (11 April 1898 siya

nagsimula). Noong 23 Abril 1898, nanawagan si Augustín sa mga Pilipino na ipagtanggol

62
Lino L. Dizon, “Toponymy and Historical Archaeology in Upper Pampanga (Tarlac-Pampanga border,
Central Luzon, Philippines), 1593-1898.” Alaya 7 (2007-2008), 151.
63 
“The Fall of Manila: Excerpts from a Jesuit Diary, 21 April 1898 to 7 February 1899.” Philippine Studies
37:2 (1989), 193.

217
ang Pilipinas mula sa pag-atake ng mga Amerikano.64 “Banal na Digmaan” naman ang

turing dito ng Arsobispo ng Maynila na si Bernardino Nozaleda, na naglabas ng liham

pastoral noong 26 Abril 1898 upang himukin ang mga mananampalataya na ipagtanggol

ang interes ng Espanya.65 Nasa look lamang ng Mirs sa Tsina ang U.S. Asiatic Squadron,

nakaabang ng oportunidad sa Asya-Pasipiko simula 1868.

Sa paniwalang makukuha niya ang loob ng mga Pilipino,66 ipinadala ni Augustín

ang kaniyang pamilya sa isang nayon upang makapiling ang mga Pilipino; at ang nayon

na iyon ay walang iba kundi ang Sta. Rita, Macabebe.67 Hindi tiyak kung natuwa ba ang

mga Pilipino sa napakainosenteng galaw na ito ng gobernador-heneral sapagkat kung

totoo siya sa kaniyang pakay na makuha ang loob ng mga Pilipino, dadalhin niya ito

hindi sa Macabebe o sa Pampanga kundi sa mga lugar na mainit ang Himagsikan.

Sa ibang anggulo naman, ipinaliwanag ni Augustín na ang desisyong dalhin sa

Macabebe ang kaniyang pamilya ay upang makilala di umano nila ang Pilipinas at

makapagpahinga sa bukid matapos ang malayong biyahe mula Espanya.68 Malinaw

naman na paraan ito ni Augustín upang ilayo ang kaniyang pamilya mula sa pag-atake ng

mga Amerikano sa Maynila.69 Kung bakit Macabebe ang napili ni Augustín, iyon ay

64
Jose Roca de Togores y Saravia, Blockade and Siege of Manila in 1898 (Maynila: National Historical
Institute, 1908/2003), 6.
65
Ibid., 22-26.
66
Ibid.
67
NAP. “Parte original interesantisimo por sus detalles, dado por el Inspector Manuel Garcia sobre la
llegada del General Monet en Manila.” Cuerpo de Vigilancia de Manila, Manuscrito A-1-(9), Legajo No. 9,
Documento No. 308, 1.

68
Togores y Saravia, Blockade, 52.
69
Ibid.,

218
dahil bilib na bilib siya sa pamilyang Blanco, lalo na sa mag-amang Juan at Eugenio, na

itinuring na “flor y nata de la lealtad filipina” (‘bulaklak at bunga ng katapatang

Pilipino’).70 Lumagi ang pamilya ni Augustín sa tahanan ng mga Blanco 71 simula 24

Abril 1898.72 Mismong si Monet ang nanguna sa paghatid sa pamilya ng gobernador-

heneral sa Macabebe sa pamamagitan ng tren.73

Pinuna ng mga opisyal na Espanyol ang desisyon ni Augustín dahil ibiningit

lamang niya sa alanganin ang kaniyang mag-anak. “Desacierto político” (‘hindi kasiya-

siyang pamumulitika’) ang pagkakalarawan doon ng mga opisyal at tagapayo ni

Augustin.74 Napanganga na lamang din ang matatagal nang residenteng Espanyol sa

Pilipinas sa lubos na pagtitiwala ng gobernador-heneral sa mga Blanco.75

Bago matapos ang buwan ng Abril, naggayahan na rin ang iba’t ibang pamilyang

Espanyol at nagsitungo sa Pampanga. Kulang-kulang 4,000 pamilyang Espanyol ang

umalis ng Maynila.76

70 
Ibid.,
71
Ibid.,
72 
Ibid., 51.
73
NAP, “Parte original interesantísimo,” 2.
74 
Togores y Saravia, Blockade, 51-52.
75 
Alonso, Defensa, 20.
76 
Taylor, The Philippine Insurrection, Tomo 2, 13.

219
Muling Pag-aaklas ng mga Pampangong Voluntario

Balisa man ang mga Espanyol dahil sa pagkatalo ng hukbong dagat ng Espanya sa

U.S. Asiatic Squadron noong 1 Mayo 1898, hindi iyon garantiya na kaya na ni Hizon na

gumawa ng pag-atake sa Pampanga. Ang pagbabalik naman ni Aguinaldo galing Hong

Kong noong 19 Mayo 1898 ang nagbigay linaw sa papel ng Estados Unidos sa

Himagsikan—na kaibigan ang mga Amerikano. Ang Tercio ni Buencamino na binubuo

ng mga boluntaryo mula San Luis, Pampanga ang inatasan ni Augustín na sugurin sa

Zapote, Bacoor, Cavite ang kararating lang na si Aguinaldo galing Hong Kong noong 22

Mayo 1897.77 Mga taga-San Luis man ang espesyal na nabanggit sa mga tala, ngunit

ayon sa koleksiyon ng mga gunita na nalikom ni Catacutan, kasama ang mga taga-Apalit

sa lumaban sa Cavite. Ayon kay Victoriano Danting, tauhan ni Buencamino mula sa

Apalit at 91 taong gulang na nang kapanayamin ni Catacutan noong 1968, batid ng mga

Pampangong voluntario na kapwa nila Pilipino ang mga Caviteño kaya’t hindi nila

pinapuputukan ang mga ito, sa halip ay pataas ang kanilang pagbaril, na ang puntirya ay

direksyon ng mga Espanyol. Nagkasundo di umano ang mga Pampango na iparinig sa

mga Caviteño na “Pilipino, Pilipino” upang huwag silang mabaril. Si Danting mismo,

ayon sa kaniya, ay nakapatay ng isang Espanyol gamit ang kaniyang bayoneta.78

Natalo ang puwersa ni Buencamino kinabukasan at binihag silang lahat sa Cavite.

Ayon naman kay Benigo Uyan, tauhan din ni Buencamino mula sa Apalit at 92 taong

gulang na nang makapanayam ni Catacutan noong 1968, mga Espanyol ang kinulong ng

77
Togores y Saravia, Blockade, 60.
78
Catacutan, The Pisamban, 184-5.

220
mga Caviteño at silang mga Pampangong voluntario na bumibilang sa 31 ay pinauwi sa

Pampanga sa pamamagitan ng bangkang patungong Paombong, Bulacan, makalipas ang

apat na araw. Kinumpirma naman iyon ni Danting at sinundan, di umano, nila ang linya

ng tren mula Bulacan pauwi ng Apalit.79

Sa hindi inaasahang pagkakataon, pumutok ang balita na ang Tercio ng Pampanga

sa Maynila ay nagbalak asasinahin ang mga opisyal nilang Espanyol noong 26 Mayo

1898. Wala nang narinig pa sa kinahinatnan ng mga Pampangong iyon.80 Iyon ang

ikalawang pagkakataon na nag-aklas ang mga Pampango voluntario sa mga Espanyol

mula noong nag-aklas ang Voluntarios de Apalit kasama ang Santa Iglesia. Kinabukasan,

27 Mayo 1898,81 iniutos ni Augustín kay Monet na ilipat lahat ng kaniyang puwersa sa

Maynila, sa lalong madaling panahon.82

Planong Paglisan ng mga Espanyol sa Pampanga

Noong 31 Mayo 1898—ang takdang araw na ipinanawagan ni Aguinaldo na

muling maghimagsik—tila awtomatiko na sa mga Espanyol ng Bataan na magtungo sa

79
Ibid., 186.

80
NAP, “Copias oficiales para el Archivo del Cuerpo de Vigilancia de Manila, y procedentes de dicho
Archivo, de la correspondencia reservada del Inspector Jefe del referido Cuerpo al Señor Gobernador Civil
de Manila, relativo á la insurrección de las islas, Manila, 26 de Mayo 1898.” Cuerpo de Vigilancia de
Manila, Manuscrio A-8, Documento No. 94.
81 
Alonso, Defensa, 13.
82 
Luis E. Togores Sánchez, “El Asedio de Manila (Mayo-Agosto 1898). ‘Diario de los sucesos ocurridos
durante la guerra de España con los Estados Unidos, 1898.’” Revista de Indias, 58:213 (1998), 473-4.

221
Pampanga upang tumakas. Nang bumagsak ang Balanga, kabisera ng Bataan, sa kamay

ng mga manghihimagsik,83 hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang mga Dominkanong

prayle na lisanin ang kanilang mga parokya sa Balanga, Abucay, Samal, at Orion

patungong Lubao84 at kalaunan sa Macabebe noong 3 Hunyo 1898.85 Nabalitaan din sa

Orion, Bataan na nagapi ng mga manghihimagsik ang puwersang Espanyol at binihag

ang gobernador civil at mga opisyal at pamilya nito sa Casa Real (kapitolyo) ng Bataan

sa Balanga. Plinano agad ni Koronel Lucas de Francia, pinuno ng mga sundalong

Espanyol at ng Voluntarios de Macabebe sa Orion, ang pagtakas patungong San

Fernando sa pamamagitan ng mga ilog sa Sasmuan (bayan sa pagitan ng Lubao at

Macabebe). Matagumpay na narating nina Francia ang San Fernando dahil pinasabak

niya sa mga manghihimagsik ang 200 kaawa-awang Voluntarios de Macabebe na iniwan

na lang basta sa Bataan.86

Samantala, nang sumapit na ang 31 Mayo 1898, ipit na si Monet sa Pampanga.87

Imposible na ang malawakang pag-atras patungong Maynila dahil nagsimula na ang

Himagsikan sa Bulacan—ang pinakakumbenyenteng daanan sana patungong Maynila. Sa

araw na iyon, pinutol ng mga Bulakenyong manghihimagsik ang linya ng telegrapo sa

pagitan ng Pampanga at Maynila. Agad na inatasan ni Monet si Tinyente Koronel Felipe

83
NAP, “Copias oficiales para el Archivo del Cuerpo de Vigilancia de Manila, y procedentes de dicho
Archivo, de la correspondencia reservada del Inspector Jefe del referido Cuerpo al Señor Gobernador Civil
de Manila, relativo á la insurrección de las islas, Manila, 9 de Junio 1898.” Cuerpo de Vigilancia de Manila,
Manuscrito A-8, Documento No. 99.
84
Ibid.
85 
Rufino Santos, “The Philippine Revolution in Pampanga: A letter of Rufino Santos, OSA, 1899, translated
from Spanish by Policarpio Hernandez, OSA.” Alaya, 3 (November 2004), 164.
86 
Alonso, Defensa, ibid.; “Spanish Governor’s Filipino Emissary Defects to Aguinaldo,” sa Documentary
Sources of Philippine History, pat. Gregorio Zaide (Maynila: National Book Store, Inc., 1990), Tomo 9, 223.
87 
Foreman, The Philippine Islands, ibid.

222
Dujiols, na isang “matapang na matanda na may puting balbas,”88 upang kumpunihin ang

linya at inspeksiyunin na rin ang trinchera ng mga Espanyol sa Calumpit, Bulacan.89

Dala-dala ni Dujiols ang pinagsamang puwersa ng mga Espanyol na cazadores at

Voluntarios de Macabebe.90

Nabalitaan sa Malolos na dadaan doon ang tren lulan ang puwersa ni Dujiols.

Nais gumawa ng balita ni Hen. Isidoro Torres, pinuno ng Himagsikan sa Bulacan, sa

mismong araw na muling pagsisimula ng paghihimagsik. Hepe siya noon sa Malolos ng

Milicia Filipina, isang hukbo ng dating mga manghihimagsik na binuo ni Augustín upang

labanan ang mga Amerikano. “Sapagka’t kulang ng tiwala kay Heneral Torres,”91 ayon sa

manghihimagsik na si Antonio Bautista ng Malolos, 25 ripleng Remington lamang ang

ipinagkatiwala sa Milicia ng Malolos. Hindi iyon sapat upang tambangan ang puwersa ni

Dujiols.92 Kung kaya’t kinuntsaba ni Torres sina Jose A. Bautista at Proceso Reyes, mga

kapitan ng Milicia ng Barasoain na mayroong 300 riple at tigdadalawampung bala bawat

isa. (Kinailangan pang ikulong nina Torres ang iba pang pinuno ng Barasoain na sina

Francisco Bernardo at Severino B. Cruz dahil tumanggi ang mga ito na suportahan ang

planong pananambang kay Dujiols.93) Ipinailalim ni Torres kay Koronel Doroteo

Karagdag ng Bulakan, Bulacan ang pinagsamang puwersa ng mga Milicia ng Malolos at

Barasoain.

88 
Jose Romero Aguilar, “Rendicion de Marianas Capitulacion de Manila viaje Agaña-Cavite-Manila-Agaña.
20 de Junio-17 de Septiembre de 1898.” Manuskrito na nasa pag-iingat ng apo niyang si Federico Romero
Galán, Madrid, 75.
89
NAP, “Copias oficiales… Manila, 9 de Junio 1898,” ibid.
90 
Alonso, Defensa, 12.
91
Bautista, Ang Malulos, 63.
92
Ibid., 64.
93
Ibid., 65.

223
Hindi dumating ang bagon nina Dujiols noong hatinggabi ng 31 Mayo 1898.

Kaya’t nasapawan si Torres ng papasikat niyang karibal sa Bulacan, si Gregorio H. de

Pilar, pamangkin ni Plaridel at tanyag sa pagiging malapit kay Aguinaldo. Matagumpay

na nakubkob ng puwersa ni del Pilar ang kabisera ng Bulacan nang hatinggabi ng 31

Mayo 1898.94 Napuwersa ang gobernador civil ng Bulacan at iba pang opisyal, prayle, at

sundalong Espanyol na magkubli sa loob ng Simbahan ng Bulakan (na tumagal ng 23

araw).95

Gayunpaman, matiyagang nag-abang ang puwersa ni Torres at Karagdag sa

pagdaan ng bagon na lulan sina Dujiols sa estasyon ng Malolos hanggang 1 Hunyo 1898.

Agad na pinaulanan ng putok nina Torres ang bagon, ngunit nakatakas ang mga Espanyol

at Voluntarios de Macabebe. Tumagal hanggang hapon ang habulang napagwagian ng

puwersa ni Dujiols. Siniyasat nina Dujiols ang kabayanan ng Malolos upang tugisin ang

mga manghihimagsik hanggang gabi.96 Napuruhan nang malubha si Karagdag. Marami

ring namatay sa panig ng mga Bulakenyo, kabilang sina Kapitan Vicente Villavicencio

(nabaril sa ulo97) at Vicente “Inting Batangan” Guareno. Ito ang pangalawang

94 
NLP, “Comunicacion del General Gregorio del Pilar dirigida al Sr. Emilio Aguinaldo acusaudo recibo del
circular y dando cuenta de su cumplimiento y participando el Adelanto de las operaciones militares en su
jurisdiccion, Bulakan, 4 de Junio 1898.” Philippine Revolutionary Records, Roll No. 11, Folder No. 113, Doc.
No. 5, 4-5.
95 
Teodoro M. Kalaw, An Acceptable Holocaust: Life and Death of a Boy-General (Maynila: National
Historical Institute, 1992), 29; Antonio M. Molina, The Philippines through the Centuries (Manila: UST
Cooperartives, 1961), Tomo 2, 134.
96 
Toral at Toral, El Sitio de Manila, 198-9; Alonso, Defensa, 12.
97 
Kalaw, An Acceptable, ibid.

224
engkuwento ni Torres sa Voluntarios de Macabebe mula noong Labanan sa Binakod ng

Mayo 1897.

Matapos makubkob ang Malolos at Barasoain, inabandona na ni Dujiols ang

misyon nila at bumalik na sa San Fernando.98 Pagdating sa San Fernando, inatasan naman

ni Monet ang pulutong ng Voluntarios de Macabebe ni Dujiols na makipag-ugnayan sa

tropang Espanyol ng Tarlac na dadaan ng Angeles upang tumuloy sa San Fernando.99

Sumiklab na rin ang Himagsikan sa Tarlac at sa Pampanga. Agad ding bumalik

patungong San Fernando ang pulutong ni Dujiols dahil babagsak na ang Bacolor sa

kamay ng mga manghihimagsik. Naibakwit sa San Fernando ng pulutong ni Dujiols ang

kura ng Angeles at ilang residenteng Espanyol.100

Pagbangon ng mga Bayan ng Pampanga para sa Himagsikan

Mula nang pakawalan siya ng mga Espanyol mula sa pagkakapatapon noong

Pebrero 1898, ipinagkatiwala ng Comité Central Directiva del Centro y Norte de Luzon

kay Hizon ang pagiging “Primer Jefe del Ejército libertador Filipino de la Pampanga”101

(‘Pinakapuno ng Hukbong Tagapagpalaya ng Pilipinas sa Pampanga’) noong 17 Abril

98 
Bautista, Ang Malulos, 65.
99 
Basilio Augustín, “Memorias: General D. Basilio Augustín Dávila, 1898.” Manuskritong nakasinop sa apo
sa tuhod niyang si Aurora de Bas, Madrid, 15.
100 
Tila nagkamali ng petsa sa pangyayaring ito si Henson sa aklat niyang A Brief History of the Town of
Angeles in the Province of Pampanga, na 25 Hunyo 1898. Papatakas na sa araw na iyon ang mga Espanyol
sa Pampanga. Cf. Henson, A Brief History, 22.
101 
NLP, “Hojas de servicio de Maximino Hizon,” 1.

225
1898. Ang nasabing Comité ay inorganisa ni Makabulos (bilang pangulo nito) habang

nasa pagkakapatapon sina Aguinaldo sa Hong Kong. Binubuo ito ng mga lalawigan ng

Tarlac (kung saan ito naorganisa, partikular sa nayon ng Lomboy, La Paz), Pampanga, La

Union, Pangasinan, at Nueva Ecija.102

Sa kauna-unahang pagkakataon, may tumindig na pinuno ang Himagsikan sa

Pampanga mula sa simulain ng Katipunan. Tila katuparan ito sa nakikinitang hinaharap

ng Pampanga na agam-agam ni Maldonando noong 1604—ang pagbagsak ng mga

Espanyol kung magkaroon ang mga Pampango ng pinunong susundin. Nagkataon ding

tubong Mexico si Hizon, na bayan ng unang Pampangong líder na kinatakutan ng mga

Espanyol na mag-aklas, si Maniago.

Noong 24 Mayo 1898, tinanggap ni Hizon ang memorándum ni Aguinaldo

hinggil sa malawakang paghihimagsik, petsa 31 Mayo 1898.103 Panahon na upang

likumin ang pangako sa kaniya ng mga nakausap na “una entidad respectable” at may

“influencia moral” sa mga bayan ng Pampanga. Ngunit sa loob ng apat na araw na

pagmamadaling ipanawagan ang paghihimagsik sa mga bayan na kinaya niyang marating

bago ang takdang petsa, nadismaya siya’t nasaktan (“mis disgustos y padecimientos”)

dahil halos lahat ay may dahilan at pag-aalinlangang lumaban.104 Gayunpaman,

sinuportahan siya ni Mariano Alejandrino ng Arayat, kaibigan ng kaniyang ama-amahang

102
Dizon, Francsico Makabulos, 43-4.

103
NLP, “Ulat ni Maximino Hizon kay Emilio Aguinaldo hinggil sa takbo ng Himagsikan sa Pampanga,
Mexico, 6 Hunyo 1898.” Philippine Revolutionary Records. Reel No. 5, Folder No. 7, Doc. 7, p. 1.
104
NLP, “Hojas de servicio de Maximino Hizon,” 4.

226
Ruperto Laxamana. Sa tahanan ng principal na ito sa Arayat plinano nina Hizon ang

paghihimagsik.105 “Gayunmpaman,” ayon kay Hizon, “hindi ako pinanghinaan ng loob.”

Katunayan, ani pa niya, “lalo pa akong nagpunyagi na pangatawanan na ito hanggang sa

huli,” hindi nga lang noong 31 Mayo 1898 kundi sa sumunod na araw, 1 Hunyo 1898,

dahil maulan ang araw na iyon.106

Sumabay pa sa pangamba niya ang balitang nalaman ni Padre Tarrero, noo’y kura

na ng Arayat, ang pulong na nangyari sa tahanan ng mga Alejandrino. Ang

pinanggagalingan ng pangamba ni Hizon ay ang konsekuwensiya na malaman ni Monet

ang plano. May agam-agam si Hizon na maaari silang mapulbos sa Mexico dahil sa laki

ng puwersang Espanyol na nasa katabing bayan lamang nila na San Fernando.107 Noong

31 Mayo 1898, pinatambangan ni Hizon ang karwahe ni Padre Tarrero na patungong San

Fernando. Matagumpay na nadakip si Padre Tarrero at ang kaniyang mayordomo,108 na

agad namang kinulong sa Mexico—ang dating parokya ng kura. Matatandaan na ito ring

si Padre Tarrero ang nagpataw ng excomunicacion kay Hizon at Lacsamana, at may

kinalaman din ito sa pagkakapatapon niya sa Jolo at ni Alejandrino sa Kiangan.

Gayong bihag, binigyan pa rin ni Hizon si Padre Tarrero ng pagkakataon.

Pinakiusapan niya ang dati nilang kura na basbasan ang watawat ng mga

105 
José Rodríguez de Prada, “Memorias de un Prisonero.” La Ciudad de Dios, 54 (1901), 433-34; T.
Aparicio López, “La Persecución Religiosa y la Orden de San Agustín en la Independencia de Filipinas.”
Estudio Agustiniano, 8 (1973), 90.
106
NLP, “Hojas de servicio de Maximino Hizon,” ibid.

107 
Ibid., 4-5.
108 
Francisco Pí y Margall at Francisco Pí y Arsuaga, Historia de España en el Siglo XIX: Sucesos Políticos,
Económicos, Sociales y Artísicos (Barcelona: Miguel Seguí, 1902), Tomo 7, 1111-12.

227
manghihimagsik. Tumanggi si Padre Tarrero, at ipinamukha kay Hizon: “Como cura y

como español yo no reconozco otra bandera que la de España” (‘bilang kura paroko at

bilang isang Espanyol wala akong kinikilalang watawat kundi ang sa Espanya lamang’).

Sa insulto, iniutos ni Hizon sa kaniyang pulutong sa Mexico ang pagbitay kay Padre

Tarrero, sa pamamagitan ng pagbaril sa plaza ng Mexico. Ngunit umiral ang habag ng

mga taga-Mexico sa dati nilang kura at sinuway si Hizon. Tumanggi rin ang pulutong ng

Arayat, dahil kura nila si Padre Tarrero. Bilang komandante ng Pampanga, maaari niyang

patawan nang mabigat na parusa ang mga sundalo niyang iyon. Ngunit dahil sa kultura

ng mga Pampango na masidhi ang paggalang sa pari, inintindi niya na lamang ang

nangyari. Inako ng pulutong ng Magalang ang pagbitay; marahil dahil hindi nila naging

kura si Padre Tarrero. Pinangunahan ang pagbitay ni Jose Bañuelos, kilalang mason ng

San Fernando at kasama ni Hizon na pinadeporta sa Jolo.109 Mabilis namang kumalat ang

balita sa pagbitay kay Padre Tarrero, na lalong ikinabahala ng ibang prayleng nasa

Pampanga.110

Ika-4:00 ng hapon, 1 Hunyo 1898, Miyerkules, umalingawngaw sa plaza ng

Mexico ang sigaw na “Viva Filipinas libre!” (‘Mabuhay ang malayang Pilipinas!’) at ang

kalembang ng mga kampana ng Simbahan ng Mexico (“saludado con repique general de

campanas”).111 Araw iyon ng proklamasyon ng kalayaan ng Pilipinas sa Pampanga, sa

109
Escobés, La Masonería, Tomo 1, 134-5; Bernardo Martinez, Apuntes Históricos de la Provincia
Agustiniana del Santisimo Nombre de Jesús de Filipinas (Madrid: Imp. del Asilo de Huérfanos del Sagrado
Corazon de Jesús, 1909), 513-14.
110 
José Rodríguez de Prada, “Memorias de un Prisonero.” La Ciudad de Dios, 54 (1901), 483-84.
111
NLP, “Ulat ni Jose Bañuelos sa lagay ng Himagsikan sa Pampanga, 12 Hunyo 1898. Philippine
Revolutionary Records. Reel No. 5, Folder No. 7, Document No. 3, p. 1; John R. M. Taylor, The Philippine
Insurrection against the United States (Pasay: Eugenio Lopez Foundation, 1971), Tomo III, 100.

228
pangunguna ni Hizon—nauna ng 11 araw sa pormal ng proklamasyon ng kalayaan sa

Kawit.

Sa katunayan, nangamba rin si Hizon sa balitang idudulot ng proklamasyon ng

kalayaan sa Pampanga. Ayon sa kaniya, masyadong malapit ang Mexico kay Monet at

mapupuksa silang lahat kung nagkataong sawatahin sila ng mga Espanyol habang

nagdiriwang. “Salamat at ang pangamba na iyon ay hindi lumikha ng nakapanlulumong

katotohanan na madaling masiraan nang loob ang mga tao dahil, alam nila, wala silang

gaanong kakayahang depensahan (ang sarili),” repleksyon ni Hizon.112 Hindi naman

nabigo si Hizon sa pag-a-ala Don Quijote: sa araw na iyon ng proklamasyon ng kalayaan

sa Mexico naganyak ang mga bayan ng Mabalacat, Magalang, Arayat, Sta. Ana, at

Candaba na sumuporta sa Himagsikan.113 Nabuhayan ng loob ang maraming bayan sa

panawagan na suportahan na ang Himagsikan. Itinatag ni Hizon ang punong himpilan ng

hukbong panghimagsikan ng Pampanga sa Buñgad Guinto, Mexico.114

Noong 2 Hunyo 1898, nanawagan si Hizon sa ibang bayan ng Pampanga na

magpadala ng ayuda sa Mexico.115 Isa sa mga nagpadala agad ng ayuda ay ang Minalin.

Binigyan ng pagsalubong militar sa Mexico ang 500 kalalakihan ng Minalin na sasama sa

paghihimagsik.116 Noon ding 2 Hunyo, sumama ang San Luis sa Himagsikan nang

112
NLP, “Hojas de servicio de Maximino Hizon,” 5.

113 
NLP, “Ulat ni Jose Bañuelos,” ibid.
114
Flores, “The Battle of Sta. Catalina,” 1.
115 
Pí y Margall at Pí y Arsuaga, Historia de España en el Siglo XIX, ibid.; UPDML, “Cristino F. Lagman’s
Documentos Historicos de Minalin,” ibid.
116 
UPDML, “Cristino F. Lagman’s Documentos Historicos de Minalin,” ibid.

229
mabalitaan ng mga tagarito na sumuko ang Tercio ni Buencamino sa Cavite. 117 Noong 3

Hunyo, sumama naman sa Himagsikan ang Porac, Sta. Rita (sa pamumuno ni Agapito

Guanzon118), San Simon, at Apalit.119 Maaaring iugnay ang pagsuporta ng mga bayang

balwarte ng Santa Iglesia na San Luis120 at Apalit kay Hizon, sa pagsuporta naman ni

Salvador at ng Santa Iglesia sa panawagan na magtipon sa Mexico, San Fernando, at iba

pang bayan. “Kami’y guinamit… sa kanilang kapakinabangan doon,” banggit ni

Salvador. Bilang siya ang nagpasimula ng unang pag-atake ng mga Pampango sa mga

Espanyol noong Pebrero 1898—ang “unang panghihma[g]sik”—nararapat lamang, wika

ni Salvador, na suportahan niya ang bagong pagkilos laban sa mga Espanyol, sa kabila ng

“pagkutya at pag-api.”121 Sa 1953 HDP ng San Simon nabanggit na marami ang sumama

kay Salvador mula San Jose, San Simon, ang balwarte ng Santa Iglesia, sa pagsuporta sa

pagpapalaya sa ibang mga bayan.122 Maaari rin na ang mga tagasunod ni Salvador ang

tumugis sa mayamang si Buenaventura Simbulan ng barangay San Nicolas, San

Simon.123 Ayon sa kuwento-kuwento, tumakbo patungong kasukalan si Simbulan at

nagtago sa halamang paquen. Nagpapasalamat naman ang pamilya Simbulan dahil

nakaligtas siya at naranasan ang isang pambihirang pangyayari na nilukuban ng mga

117 
UPDML, “F. Mananquil’s San Luis,” 26.
118
NLP. “Santa Rita HDP,” 7.

119
NLP, “Ulat ni Jose Bañuelos,” ibid.
120
Maaari na ang Sitio Pisabatan Castila (nangangahulugang “pinag-abangan o pinagtambangan sa
Kastila”) sa barangay San Agustin, San Luis ay may kaugnayan sa pagtugis ng mga taga-San Luis sa mga
Espanyol. Naiulat din na maraming mga taga-Sta. Cruz Pambilog, San Luis ang sumama sa Himagsikan. Cf.
NLP, “San Luis HDP,” 7, 10.

121
NLP, “Kasaysayan,” 8-9.

122
NLP, “San Simon HDP,” 4.

123
Ibid., 6.

230
ibong maya ang pinagtataguan niya. Bilang pasasalamat, isinumpa ni Buenaventura na

hindi gagalawin ng kaniyang pamilya ang mga ibong maya. Sa Malolos ay may ganitong

naitalang tradisyon na ang tawag ay kasumpaan.124

Noon ding 3 Hunyo 1898—eksaktong 327 taon mula nang pinigilan ng mga

Pampango ng Macabebe ang mga Espanyol sa Bangkusay—nahimok ng mga lokal na

manghihimagsik ng Bacolor, na sina Francisco at Ceferino Joven at ni Mariano

Alimurong,125 ang Voluntarios de Bacolor, na nasa pamumuno naman ni Felix Galura at

Paulino Lirag, na sumama sa Himagsikan. Nabulaga ang mga Espanyol nang paikutan ng

puwersa ng mga Joven at ng Voluntarios de Bacolor ang Casa Real, ang símbolo ng

tatlong siglong pamamayani ng mga Espanyol sa Pampanga. 126 Dinepensahan ng mga

Voluntarios de Macabebe ang Casa Real sa ilalim ng Espanyol na si Federico Méndez

Villabrille at pinigilan masundan ng mga manghihimagsik ang pagtakas ng grupo ng mga

Espanyol. Ang grupong ito’y kinabibilangan ng gobernador civil ng Pampanga, ang

kaniyang mga opisyal, at ilang prayle. Nakaantabay naman sa gobernador civil ang isa

pang kumpanya ng Voluntarios de Macabebe sa ilalim ng doktor na si Don Sebastian

Sanches Palomares. (Sa HDP ng Bacolor, nabanggit ang isang “Dr. Palamares” na pinuno

ng mga Espanyol at Macabeos [Macabebe] na nilabanan ng mga taga-Cabetican,

124
Cf. Regulus P. Tantoco, “Kasumpaan: Tradisyong Oral tungo sa Pagbubuo ng Diwang Pilipino.” Adhika 1
(1999), 171-8.

125
NAP, “Parte original interesantisimo por sus detalles, dado por el Inspector Manuel Garcia sobre la
llegada del General Monet en Manila.” Cuerpo de Vigilancia de Manila, Manuscrito A-1-(9), Legajo No. 9,
Documento No. 308, 2.
126
Severo Gómez Núñez, La Guerra Hispano-Americana: Puerto-Rico y Filipinas (Madrid: Imp. del Cuerpo
de Artillería, 1902), 230.

231
Bacolor.127) Matagumpay na nakalayo ang gobernador civil ngunit natigil ang mga ito

dahil pinutol ng mga manghihimagsik ang tulay na nagdurugtong sa San Fernando at

Bacolor (Tulay ng Palawi sa San Juan, San Fernando). Kinahapunan, marami pang

kalalakihang taga-Bacolor ang tumulong sa pagkubkob sa Casa Real. Nakuha ng mga

taga-Bacolor ang Casa Real noong 4 Hunyo 1898 nang lisanin na ng huling pulutong ng

mga Voluntarios de Macabebe ang Bacolor. Sa Tinajero, Bacolor, tinambangan ng

kumpanya ng Voluntarios de Porac, na bumaliktad din para sa Himagsikan, ang naturang

mga Voluntarios de Macabebe. Ika-5:00 nang hapon ng 4 Hunyo, dumating sa Tulay ng

Gugu (hangganan ng Bacolor at San Fernando) ang dapat sana’y ayudang pulutong ng

Voluntarios de Macabebe sa ilalim ni Dujiols na mula pa sa Angeles. Sa tulay nagkaroon

ng engkuwentro ang mga manghihimagsik at puwersa ni Dujiols. Nakatawid sina Dujiiols

at muling nakubkob ang Casa Real. Upang di na mapakinabangan, sinunog ng pulutong

ni Dujiols ang Casa Real at ang Escuela de Artes y Oficios de Bacolor (dating Colegio de

Bacolor).128 Nadamay din ang Poblacion sa sunog, at isininsi ni Hizon sa mga Espanyol

ang pagkasira ng kabayanan ng Bacolor.129 Sa Cuerpo de Vigilancia de Manila, ang

puwersa ng mga Joven at ni Alimurung ang itinuturong sumunog sa mga kabahayan sa

Poblacion.130

127
NHCP, “Bacolor HDP,” 3.

128 
UPDML, “Lugay’s History of Bacolor,” 20-2; UPDML, “Datos históricos… San Fernando,” 20; UPDML,
“Punu’s History of Bacolor,” 27; UPDML, “Cristino F. Lagman’s Documentos Historicos de Minalin,” ibid.;
Ría-Baja, El Desastre, 93.
129
NLP, “Ulat ni Jose Bañuelos,” 4.
130
NAP, “Parte original,” ibid.

232
Idineklara naman ng mga taga-Bacolor si Alimurung na bagong gobernador civil.

Hindi naman malinaw kung kinilala siya sa buong Pampanga o ni Hizon o ni Aguinaldo.

Hindi rin binanggit ni Hizon sa kaniyang ulat, na kontrolado niya ang puwersang

panghimagsikan ng Bacolor. Maaaring isa ang Bacolor sa tinutukoy niya sa pahayag na

ito:

…sino que antes bien surtio el efecto por mi apetecido o sea a que los
demas pueblos se levantaran a imitación suyo, uno tras otro sino la vez y
asi sucesivamente, de forma a las dos semanas estaban todos levantados,
excepción hecha de San Fernando y Macabebe.131

(‘…nangyari ang gusto kong mangyari… bumangon marahil ang mga


bayan dahil nagsigayahan, paisa-isa, sabay-sabay at madalas sunod-sunod,
na sa ganitong lagay; sa loob lamang ng dalawang linggo, ang lahat ay
nagsibangon, liban sa San Fernando at Macabebe.’)

Agad ding nilisan nina Dujiols ang Bacolor. Napaulat naman na ang mga

Espanyol ay may dinukot na mga residente ng Bacolor at dinala sa San Fernando.

Kinabukasan, 6 Hunyo 1898, pinalaya rin sila.132 Hindi naman pinalad ang mga

Pilipinong manghihimagsik na nakakulong sa Bacolor. Isa na rito si Tomas Tagunton,

kalauna’y naging Gobernador Político-Militar ng La Union noong Himagsikan. Ginapos

si Tagunton ng mga Voluntarios de Macabebe (na “walang awang kaaway” ang turing)

“na abot ang siko at halos na lamang magputok ang aming dibdib.” Hinaras siya sa San

Fernando ng mga Espanyol.133

131
NLP PIR, “Hojas de servicio de Maximino Hizon,” 5.

132 
UPDML, “Lugay’s History of Bacolor,” 22-3; UPDML, “Punu’s History of Bacolor,” 25-8.
133
NLP, “Lt. Tomas Tagunton’s narrative of his life as a prisoner of the Spaniards.” Philippine Revolutionary
Records, Reel No. 31, Folder No. 517. Ayon pa kay Tagunton, napilitan si Monet na ilipat siya sa Cabiao,
Nueva Ecija noong 9 Hunyo at kalaunan sa San Isidro, Nueva Ecija at Nueva Vizcaya dahil lumalakas ang

233
Samantala, napaulat na sinikap ni Hizon na himukin ang Milicia ng Sto. Tomas at

Calulut, San Fernando na sumama sa paghihimagsik. Ngunit naunahan si Hizon ni

Monet: dinis-armahan niya ang Milicia sa Pampanga, sa takot ng pagbaliktad ng mga

ito.134

Noong 12 Hunyo 1898, araw ng proklamasyon ng kalayaan ng Pilipinas sa Kawit,

iniulat sa binasang “Acta de la Proclamacion de Independencia del Pueblo Filipino” ni

Ambrocio Rianzares Bautista na tanging Macabebe, Sesmoan (Sasmuan), Guagua, at San

Fernando na lamang ang hindi nakukuha ng mga manghihimagsik. 135 Batay ito sa ulat na

inihanda ng kalihim ni Hizon na si Modesto Joaquin, principal ng Bacolor at kilalang

guro,136 noong 6 at 12 Hunyo 1898. Dinala iyon nina Bañuelos at ng kapatid ni Hizon na

si Kapitan Cándido sa Kawit.137 Kalakip din sa ulat ang pakiusap ni Hizon na kulang sa

armas at sundalo ang Pampanga.138 (Gayong nasa Kawit na, hindi nakalagda sina

paghihimagsik sa Pampanga. Doon sa Nueva Vizcaya nakalaya si Tagunton at pinangunahan ang


pagpapabagsak sa mga Espanyol.
134
NLP, “Ulat ni Jose Bañuelos,” 1-2
135 
Ambrosio Rianzares Bautista, “Acta dela proclamacion de independencia del pueblo Filipino, 12 Hunio
1898,” sa The Laws of the First Philippine Republic (The Laws of Malolos) 1898-1899, pat. Sulpicio Guevara
(Maynila: National Historical Commission, 1972), 204.
136
Cf. NHCP, “Macabebe HDP,” 5.

137
NLP, “Letter of certification by Maximino Hizon and Modesto Joaquin, Mexico, 6 June 1898.” Philippine
Revolutionary Records, Reel No. 5, Folder No. 7, Document No. 3, 1. NLP, “Certification of Gen. Maximino
Hizon handed down by Jose Bañuelos and Candido Hizon to Emilio Aguinaldo, Mexico, 6 June 1898.”
Philippine Revolutionary Records, Reel No. 5, Folder No. 7, Document No. 2, 1.; NLP, “Jose Bañuelos’
official report of the revolution in Pampanga, Kawit, Cavite, 12 June 1898.” Philippine Revolutionary
Records, Reel No. 5, Folder No. 7, Document No. 3.
138
Taylor, The Philippine Insurrection, Tomo 3, 101.

234
Bañuelos at Cándido sa Acta de la Proclamacion. Si Aurelio Tolentino ng Guagua ang

bukod tanging Pampango na nakalagda sa dokumentong iyon.)

Sa araw din ng proklamasyon ng kalayaan sa Kawit nagpakita ng interes sa

Himagsikan ang Masantol at Minalin.139 Pormal na nakubkob ng puwersa ni Lagman ang

kumbento ng Minalin at natalo ang Voluntarios de Minalin.

Ayon kay Banuelos, sa bawat bayan na nagpahayag ng pagsuporta sa

Himagsikan, itinaas ang watawat ng Himagsikan.140

Pagtakas sa Macabebe

Nagipit lalo si Monet nang tumanggap muli siya ng abiso mula sa Gob. Hen.

Augustin noong 10 Hunyo 1898 na madaliin na ang pagtungo sa Maynila kasama ang

puwersang kaya niyang dalhin.141 Nakiusap din ang Gobernador-Heneral kay Monet na

bigyan ito ng balita kung ano na ang kalagayan ng kaniyang pamilya. 142 Magtatatlong

linggo nang putol ang komunikasyon sa pagitan ng Maynila at Pampanga. Nagkataon

lang na may isang Tsinong matagumpay na nakapagdala ng abiso na iyon kay Monet. Sa

desperasyon pa ni Augustín, matiyak lang ang kaligtasan ng kaniyang pamilya, nilapitan

niya ang konsulado ng Britanya upang gumawa ng paraan na maibalik sila sa Maynila.

139
NLP, “Jose Bañuelos’ official report,” 2
140
Ibid.
141 
Foreman, The Philippine Islands, 445.
142 
Alonso, Defensa, 13-4.

235
Inatasan din niya ang isa sa kaniyang heneral na si José Palacios na puwersahan nang

atakihin ang mga bayan malapit sa Macabebe upang mabuo ang komunikasyon sa pagitan

ng naturang bayan at ng Maynila.143

Sa desperasyon ni Monet na makaalis ng San Fernando, muli niyang inatasan ang

kaniyang puwersa na magbukas ng daan patungong Angeles, Bacolor, at Apalit.144

Parehong bigo ang Angeles at Bacolor (3-4 Hunyo), gayundin ang sa Apalit, habang

hindi na nakabalik ng San Fernando ang 300 Espanyol na sumabak sa Apalit sa ilalim ni

Lucas de Francia, at sa halip ay umatras sa Macabebe.145 Napaulat naman na may 42

Voluntarios de Macabebe ang sumuko sa mga manghihimagsik sa Calumpit, katabing

bayan ng Apalit at Macabebe sa Bulacan.146

Pagdating ni Francia sa Macabebe, inabisuhan niya si Eugenio Blanco, na

nakahimpil sa Macabebe, na paigtingin ang seguridad ng bayan upang maproteksyunan

ang pamilya ng Gobernador-Heneral. Dala ng kakumplikaduhan na makalabas sa

Macabebe, hindi pumayag si Blanco sa pakiusap ni Francia na magpadala ng ayuda sa

San Fernando. Ipinaliwanag iyon ni Blanco kay Monet sa isang liham, petsa 11 Hunyo

1898, na sinikap ipuslit patungong San Fernando.147

143 
Toral at Toral, El Sitio de Manila, 188; “Telegrama Oficial: La familia de Augustín-Monet sitiado.” La
Época, Tuesday, 5 Hulyo 1898, 1.
144 
Ibid.
145 
Ibid., 15.
146
Taylor, The Philippine Insurrection, Tomo 2, 43.
147 
Alonso, Defensa, 58.

236
Buo ang loob ng lahat ng opisyal ni Monet—sina Dujiols, Francia, Federico

Cabañas, Roberto White, Juan Ortiz, Francisco Gonzales, Eduardo Oyarzábal, Ricardo

Pérez Escotado, at Antonio Victory, pawang mga pamilyar na pangalan sa operasyong

Espanyol sa Gitnang Luzon mula 1896—na ang pinakamainam na daan upang

makarating ng Maynila ay sa pamamagitan ng Macabebe. Konsiderasyon din sa desisyon

ang kaligtasan ng pamilya ng gobernador-heneral na nasa Macabebe. Ang problema na

lamang ay kung paano tutungong Macabebe kung nakakalat na ang mga

manghihimagsik. Ipinadala ni Monet kay Augustín ang plano ng paglipat nila sa

Macabebe. Sa plano, nakiusap si Monet sa gobernador-heneral na sunduin sila ng mga

cañoneros sa daungan ng Minalin (Barrio San Francisco) at mula roo’y tutungo sila sa

Macabebe.148 Nagkataon naman na noong huling bahagi ng Mayo 1898, ipinadala ni

Augustín sa bukana ng Ilog Pasac, sa pagitan ng Macabebe at Sasmuan, ang tatlong

cañonero: Leyte, Arayat, at España. Ito ay upang proteksyunan ang pamilya ni Augustín

mula sa anumang pag-atake sa dagat. Responsable rin ang mga cañonero na iyon sa

pagbomba sa Guagua at Sasmuan.149

Ang Santa Iglesia at Pagtakas ng mga Espanyol Patungong Macabebe

Kung ano-ano nang balita nang pagdukot, di umano, sa pamilya ni Augutín sa

Macabebe ang kumalat sa Maynila.150 Kinumpirma mismo ni Augustín sa kaniyang ulat

148 
Ibid., 17-9.
149 
Ibid., 16-7, 58; Toral at Toral, El Sitio de Manila, ibid.
150
Foreman, The Philippine Islands, 426

237
sa reyna ng Espanya na tinakot siya ni Aguinaldo na ipadudukot nito sa Macabebe ang

kaniyang pamilya kung hindi siya susuko sa mga manghihimagsik.151 Gayunpaman,

nakatanggap naman ng balita ang gobernador-heneral na maayos ang kalagayan ng

kaniyang pamilya.152 Ipinadala niya ang barkong pangalakal na Méndez Núñez upang

ipansundo sa kaniyang pamilya,153 lalo pa’t may mga manghihimagsik na nakabangka

ang namataan na patungo sa dako ng Macabebe.154

Noong 13 Hunyo 1898, inatake ng ilang taga-Macabebe ang kanilang Poblacion,

sa udyok ng Bulakenyong si Manuel “Kapitan Tuwi” Garcia, kanang kamay ni Salvador

ng Santa Iglesia.155 Agad naman iyong nasawata ng puwersa ni Blanco.156

Bagaman hindi malinaw kung mag kaugnayan, noon ding 13 Hunyo 1898,

nagkudeta ang ang mga carabinero [kabayuhang debaril] ng Voluntarios de la 2.a

Compañía de la Pampanga sa Vitas, Tondo. Napatay ng mga Pampango na ito ang isang

corporal at nasugatan nang malubha ang isang opisyal at dalawang sarhentong Espanyol.

Nasawata naman ito ng kapuwa mga Pampango. Dinisarmahan at ikinulong sa baraks ng

Maynila ang mga nag-aklas na Pampango.157 Sang-ayon sa isang ulat ng Cuerpo de

Vigilancia de Manila, ang mga nag-aklas sa Vitas ay mga taga-Macabebe.158

151 
Augustín, “Memorias,” 88.
152 
Aguilar, “Rendicion de Marianas,” 75.
153 
Alonso, Defensa, 27.
154 
Ibid., 26.
155 
Toral at Toral, El Sitio de Manila, 195.
156 
Viray, pat., “Historical and Cultural Life,” 91-2.
157 
Toral at Toral, El Sitio de Manila, ibid.
158
NAP, “Don Jose Ma. Garcia y Araulio’s manuscritos, Manila, 13 de Junio 1898.” Cuerpo de Vigilancia de
Manila, Informe No. 31.

238
Ang mga pangyayari sa Poblacion, Macabebe at sa Vitas, Tondo na

kinasangkutan ng mga taga-Macabebe ang pangalawang pagkakataon na tinangka ng mga

ito na labanan ang mga Espanyol noong Himagsikan.

Noong 14 Hunyo 1898, tinanggap at inaprubahan ni Augutín sa Maynila ang

plano ni Monet na paglipat sa Macabebe—malamang, sa interes na rin ng kaniyang

pamilya.159 Ngunit pinaalalahanan ni Manuel Peral, Teniente ng Hukbong Dagat ng

Espanya, si Augutín na mahihirapang makapasok sa interyor ng Macabebe ang lahat ng

cañonero, kaya’t Arayat at Leyte lamang ang ipinansabak. Ang Méndez Núñez at España

naman ay nanatiling nakadaong lamang sa bukana ng Ilog Pasac. Sina Blanco at Francia

na ang nag-asikaso sa pagtungo ng mga cañonero sa Minalin upang doon sunduin sina

Monet. Ang daungan ng Balite (ngayo’y Sta. Maria), Macabebe ang itinakdang

dadaungan nina Monet.160 Sumama hanggang Minalin sina Tomás Sostoa, pinuno na nasa

Arayat,161 at si Peral, kasama ang Comandante General de Marina, lulan ng Leyte.162

Sa bagal ng komunikasyon, noon ding 14 Hunyo 1898, ika-6 ng umaga, sinimulan

na ni Monet ang pag-abandona sa San Fernando.163 Tinatayang 1,000 Espanyol ang

kasama ni Monet sa “teribleng pagmartsa patimog sa gitna ng paulit-ulit na eksena ng

159 
Ulpiano Herrero y Sampedro, Nuestra Prison en Poder de los Revolucionarios Filipinos (Maynila:
Imprenta del Colegio de Sto. Tomas, 1900), 313.
160
Alonso, Defensa, 25.
161 
Toral at Toral, El Sitio de Manila, 212.
162 
Alonso, Defensa, 22; Ministerio de Marina, Correspondencia Oficial Referente á las Operaciones
Navales durante la Guerra con los Estados Unidos en 1898 (Madrid: Imprenta de Ministerio de Marina,
1899), 15.
163 
NLP, “Hojas de servicio de Maximino Hizon,” 6.

239
pighati at kawalan ng pag-asa.”164 Ang bilang na iyon ay halos binubuo ng Battalión de

Cazadores N.o 9, isang batalyon ng Voluntarios de Macabebe, Una Compañía del

Battalón N.o 8, Compañía del Battalón N.o 4, mga Guardia Civil, at Transportes de

Administración militar.165 Ang 250 sa naturang bilang ay binubuo naman ng mga

sibilyang Espanyol: mga prayle,166 mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan ng

Pampanga, at mga babae at bata na miyembro ng pamilya ng mga sundalong opisyal.

Mayroon ding 40 sugatan at 20 pasyenteng Espanyol sila na kasama, lulan ng 20

karwahe. Pitong karwahe naman ang nagdadala ng mga armas, pagkain, at bagahe. 167

Ayon sa ulat, nakapagpabigat sa puwersa ni Monet ang mga bagahe at ang

pagtsitsismisan (“con los equipajes y chismes consiguientes”168).169 Dinala lamang nina

Monet ang alam nilang sapat nang armas. Napagdiskosyunan din nina Monet ang

pagwasak sa mga kanyon at riple. Sa halip na itapon sa ilog at maging pabigat pa, iniwan

na lamang nila sa San Fernando.170

Pinangunahan ni Escotado ang exodus. Puwersa ni Dujiols ang nasa linya ng

depensa. Sa likuran naman ang puwersa ni White. Puwersa naman ni Oyarzábal ang

164 
Foreman, The Philippine Islands, 445.
165 
Ibid.
166
Ito ay sina Padre Bernardo Martinez, OSA ng Porac, Padre Bernabe Gimenez, OSA ng Bacolor, Padre
Ramon Zorilla, OSA ng Floridablanca, Padre Vicente Ruiz, OSA ng San Simon, Padre Galo de la Calle, OSA
ng San Luis, Padre Pedro Ubierna, OSA ng Magalang, Padre Fernando Vasquez, OSA ng Arayat, at Padre
Vicente Martinez, OSA ng Sta. Ana.

167 
Alonso, Defensa, 16.
168 
Aguilar, “Rendicion de Marianas,” ibid.
169 
Ría-Baja, El Desastre, 105.
170 
Aguilar, “Rendicion de Marianas,” ibid.

240
nakatoka sa seguridad ng mga sibilyan.171 Habang hawak ni García ang isang kabayuhan

na binubuo ng limang caballero.172 Ang ibang tropa nama’y nasa pamumuno ni

Cabañas.173 Habang papaalis sila ng San Fernando, sumulpot bigla ang isang pulutong pa

ng mga Voluntarios de Macabebe at Espanyol na cazadores na walang armas—maaaring

ang mga ito ay ang mga tinambangan ng Voluntarios de Porac noong kasagsagan ng

pagkubkob ng mga manghihimagsik sa Casa Real sa Bacolor.174

Paghabol ng mga Pampango sa mga Espanyol

Hindi inasahan ni Hizon ang exodus ng mga Espanyol.175 Hindi pa rin siya handa

upang harapin ang puwersa ni Monet dahil hindi pa dumarating ang ayuda at mga balang

pakiusap niya kay Aguinaldo.176 Bagaman, sa Makabakle, Dolores (sa bahaging

Pasudeco ngayon, di kalayuan sa Simbahan ng San Fernando), sinimulan na ng puwersa

ni Hizon ang pagpapaputok sa puwersa ni Monet.177 Alangang umabante sa pagmartsa

ang mga Espanyol dahil sa “sabaysabay at walang tigil na pagbaril sa kanila ng mga

manghihimagsik kapuwa sa unahan at sa likuran, nang walang paggalaw sa kinalalagyan

nila kahit saglit lang.” Sa isang ulat sa Cuerpo de Vigilancia de Manila, sinabayan ng

mga Espanyol ng pagpapatunog sa mga kampana ng San Fernando ang tunog ng putok

171 
Foreman, The Philippine Islands, 446.
172 
Pí y Margall at Pí y Arsuaga Historia de España, Tomo 7, 1091.
173 
Ría-Baja, El Desastre, 105.
174 
Foreman, The Philippine Islands, 446.
175
NLP, “Jose Bañuelos’ official report,” ibid.
176 
NLP, “Hojas de servicio de Maximino Hizon,” 6.
177
NLP, “San Fernando HDP,” 23.

241
(“que fueron despedido de San Fernando con repique de campanas”).178 Ang 600 bantay

ng mga sibilyang Espanyol ay halos nagtatago na sa mga gulong ng mga karwahe.179

Gayunpaman, naging motibasyon ng mga Espanyol ang “tumitinding takot, iyakan ng

mga Europeong babae at bata sa bawat milya mula San Fernando hanggang Macabebe,”

nakikiusap kay Dujiols na “huwag silang ipahuhuli sa mga naghihiganting kaaway.”180

Kulang din sa pagkain ang puwersa ni Monet, na isa pang suliraning kinaharap niya.181

May isang binata ang pinatakbo kay Hizon mula San Fernando hanggang Mexico

upang ipagbigay-alam na wala na sina Monet sa himpilan nito sa kumbento ng San

Fernando.182 Bandang 7:30 ng umaga,183 dumating sa kumbento ng San Fernando si

Hizon at inideklara niya iyon bilang bagong himpilan ng hukbong panghimagsikan ng

Pampanga.184 Nalaman ni Hizon na patungo sina Monet sa Macabebe at dadaan ng

Minalin sa pamamagitan ng San Matias sa bayan ng Sto. Tomas. Kaya’t pinaposisyon ni

Hizon ang puwersa ni Lagman sa Minalin upang mapigilan sa pag-abante sina Monet.185

Sa San Nicolas, San Fernando, na ang kasunod na nayon ay San Matias, Sto. Tomas na,

sinagupa ang mga Espanyol ng puwersa ng líder-maralita na si Vicente “Vicenteng

Boting” Dayrit ng nayon na iyon. Sa 1953 HDP ng Santo Tomas, umabot hanggang

178
Ibid.

179 
Aguilar, “Rendicion de Marianas,” 76.
180 
Foreman, The Philippine Islands, ibid.
181 
Ibid.
182 
UPDML, “Datos historicos de este municipio de Mexico, Provincia de la Pampanga, Islas Filipinas.”
Luther Parker Collection, Doc. No. 337, Folder No. 59, Box No. 3, 2.
183 
Aguilar, “Rendicion de Marianas,” ibid.
184 
NLP, “Isidoro Torres to Maximino Hizon regarding the attack of Macabebe and San Fernando.”
Philippine Revolutionary Records, Reel No. 159, Folder No. 50, Folio No. 39; NLP PIR, Hojas de servicio de
Maximino Hizon, op.
185 
UPDML, “Cristino F. Lagman’s Documentos historicos de Minalin,” 27.

242
kapilya ng San Matias ang depensa ni Vicenteng Boting kung saan siya nagtatag ng mga

barikadang panghambalang sa mga Espanyol.186 Ayon naman sa ulat ng matatanda sa

1953 HDP ng San Fernando, si Vicenteng Boting ay numero unong kaaway ng mga

Espanyol na ikinulong sa Guagua.187 Kilala si Vicenteng Boting dahil sa damit niyang

anting-anting. Kinumpirma naman ng ulat ni Salvador kay Aguinaldo noong Enero 1899

na itong si Vicenteng Boting ay kaniyang komandante sa Santa Iglesia at ipinagmalaking

“nakita kong mainam sa labanan.”188 Maaari rin na siya ang “Celso Dayrit” (na kasama

ng isang nagngangalang Ysidro Santos) na naiulat sa Cuerpo de Vigilancia de Manila na

pinuno ng mga Pampangong manghihimagsik na humabol sa puwersa ni Monet mula San

Fernando hanggang San Matias.189 Kasama rin ni Vicenteng Boting ang kaibigang

nakilala lamang sa tawag na “Insik Goriong” na nahuli ng mga Espanyol, binugbog at, di

umano’y inilibing nang buhay bago tawirin ng mga Espanyol ang hangganan ng San

Fernando at Sto. Tomas. Marami ring bangkay, kapwa ng mga Pampango at Espanyol

ang inilibing sa kanal sa may San Nicolas (na dinadaanan ng Daang MacArthur

ngayon).190

186
NLP. “Santo Tomas HDP,” 24.

187
NLP, “San Fernando HDP,” 44.

188
NLP, “Kasaysayan,” 4.

189
NAP, “Parte original,” ibid.
190
NLP, “San Fernando HDP,” 44.

243
Habag ng mga Pampango sa mga Espanyol

Ininda ng mga Espanyol ang pagpapaputok ng puwersa ni Hizon sa San Fernando at

pinakiusapan si Dujiols na umabante na patungong Minalin. Sa isang hindi malaman na

parte ng San Fernando, pansamantalang pinagpahinga ni Monet ang mga sibilyan at ang

mga sugatan. Nakakita rin sila roon ng 12 karetela na napakibangan pa nila upang

mabitbit ang mga sugatan.191

Naalpasan nina Monet ang San Matias. Sa dami ng nasawi sa panig ng mga

Pampango, sinasabi na ang lote sa tabi ng kapilya ng San Matias ay naging libingan.192

Tumuloy naman ang puwersa ni Vicenteng Boting, hanggang Minalin, kung saan

nakaabang ang puwersa ni Lagman. Kinahapunan, narating nina Monet ang Sta. Rita, ang

barangay ng Minalin na katabi ng bayan ng Sto. Tomas. Inilarawan naman ng historyador

ng Minalin na si Ambrosio Flores ang nasaksihan ng mga taga-Minalin na pag-atras, sa

bayan nila, ng mga Espanyol:

Suddenly, one afternoon about two weeks after the town fiesta,193 a commotion
was heard coming from the direction of Sta. Rita. It turned out that a big group
of Spanish civilians composed of hundreds of old men, women, children and
priests riding on carts, calesas, pulled of carabaos, cows and horses were on the
retreat. They were preceded in front by Spanish soldiers and guardia civils riding
on horses with rifles on the ready. The rear of the column was also guarded. The
Spanish soldiers were under the command of General Monet, the Spanish
Military Commander of Pampanga (sic). They were retreating from Bacolod

191 
Foreman, The Philippine Islands, ibid.
192
NLP, “Santo Tomas HDP,” 25.

193
Sa katunayan, makalipas ang anim na buwan. Ang pistang bayan ng Minalin ay tuwing ikawalang araw
ng Linggo ng buwan ng Mayo.

244
(sic) and San Fernando and were making Minalin their port of exit towards
Macabebe.194

(Bigla, isang hapon, mga dalawang linggo matapos ang pistang bayan, may
kaguluhang narinig sa dako ng Sta. Rita. Iyon pala ay isang malaking grupo ng
mga sibilyang Espanyol na papatakas, na binubuo ng matatanda, babae, bata at
pari, lulan ng mga kareta, kalesa, hila-hila ng mga kalabaw, baka at kabayo. Nasa
unahan nila ay mga sundalong Espanyol at mga guardia civil na nakakabayo,
tangan ang kanilang mga riple. May bantay din ang likurang bahagi. Nasa ilalim
ni Heneral Monet, pinakapunong militar ng mga Espanyol sa Pampanga.
Papatakas sila galing Bacolor at San Fernando patungong Macabebe sa
pamamagitan ng Minalin.)

Bandang 7:30 ng gabi, naitaboy nina Monet ang puwersa ni Lagman at nakuha

ang kumbento ng Minalin mula sa kanila. Pansamantalang nilisan ng puwersa ni Lagman

ang kabayanan ng Minalin dahil naubusan sila ng bala. Agad na nagsugo ng mensahero si

Lagman kay Hizon upang ibalita ang nangyari at nang magpadala ng ayuda.195

Sinamantala naman ni Monet ang paghinto ng puwersa ni Lagman sa pag-atake

upang makabawi ng lakas ang kaniyang mga sundalo, maging ang mga sibilyang

Espanyol. Sa patio ng Simbahan ng Minalin sila nagpahinga at kumain. Sa kawalan ng

tubig, tinyaga ng mga Espanyol ang balon sa may patio. Kinaawaan ng mga taga-Minalin

ang mga Espanyol at hindi nila ginambala ang mga iyon, “por respetar la orden y sin

molestar” (‘bilang paggalang sa kaayusan at nang di magambala ang lahat’) ayon kay

Lagman.196

Bandang ika-9:00 ng gabi, itinuloy nina Monet ang pagmartsa. Malakas ang ulan,

na sinabayan pa ng pagsisimula ng pagpapaputok sa kanila ng puwersa ni Lagman sa

194
Flores, “The Battle of Sta. Catalina,” ibid.
195
Ibid.
196 
UPDML, “Cristino F. Lagman’s Documentos Historicos de Minalin,” 27.

245
Sitio Tabun,197 Sta. Catalina, Minalin, nayon malapit sa daungan ng San Francisco,

Minalin kung saan nila hihintayin ang mga cañonero mula sa Macabebe. Hindi pa

dumarating ang mga cañonero (na inaasahan nilang nandoon na198) kaya’t sa mga

abandonadong bahay sa San Francisco muna nagpalipas ng gabi ang mga sibilyan.199

Pinatatag naman ng mga Espanyol ang depensa nila sa may Sta. Catalina upang

mapigilan ang mga manghihimagsik sa pag-abante sa San Francisco.

Nang makarating kay Hizon ang balita mula Minalin, agad niyang minobilisa ang

ang mga puwersa ng San Fernando at Mexico, bago pumutok ang araw, 15 Hunyo 1898.

Ang mga kalapit bayan naman ng Minalin ay nagpadala ng pagkain sa mga

manghihimagsik. Sumama si Hizon sa operasyon, kasama ang isang grupo na tinatawag

na Krus na Bituin, isang samahang relihiyoso tulad ng Santa Iglesia.200

Bandang ika-7 ng umaga dumaong sa San Francisco ang Leyte at Arayat.201

Inatasan ni Lagman ang puwersa ng kaniyang tinyenteng si Cristino Muñoz na tiktikan

ang mga Espanyol sa barangay nito na San Francisco.202 Mula sa kumbento ng Minalin,

nakarinig naman ng putukan sina Hizon at Lagman. Sa kasagsagan ng putukan, may

dalawang sugatang manghihimagsik ang itinakbo sa kumbento upang malapatan ng

197
NLP, “Minalin HDP,” 58-9.

198 
Alonso, Defensa, 18.
199
Flores, “The Battle of Sta. Catalina,” 1-3.
200
Ibid.
201 
Pí y Margall at Pí y Arsuaga, Historia de España, Tomo 7, ibid.; UPDML, “Punu’s History of Bacolor,” 27-
8.
202
Flores, “The Battle of Sta. Catalina,” ibid.

246
paunang lunas. Doon isinalaysay ng dalawa ang nangyari sa San Francisco (na

naidokumento ni Flores):

...they were encamped on one side of the bank and the Spaniards were on the
other side, the bridge connecting the two banks having been destroyed by the
Spaniards.203 While dugged-in (sic) themselves, they saw the enemy digging
trenches on the other side. Suddenly they saw the silhouette of a few men coming
near the broken bridge. They seemed to recognize General Monet to be one of
them, inspecting his soldiers. At this, Lt. Muñoz said that “he is going to [take]
the head of General Monet.” He then slipped silently down the bank, swam to
the other side and climbed up the bank near the last trench of the enemy....
Suddenly some soldiers in a nearby trench saw him and they shouted
INSURRECTOS.204 [Akin ang diin]

(…nagkampo sila [mga manghihimagsik] sa pampang habang nasa kabilang


dako naman ang mga Espanyol, at ang tulay na nagdurugtong sa dalawang
pampang ay sinira ng mga Espanyol. Habang ikinukubli nila ang kanilang mga
sarili, nasipat nila na naghuhukay ng trintsera ang mga kaaway sa kabilang dako.
Makaraang ang isang saglit, naaninag nila na may ilang kalalakihan na patungo
sa putol na tulay. Tila nakilala nila na ang isa sa mga iyon ay si Heneral Monet,
nag-iinspeksyon ng kaniyang mga sundalo. Sa puntong iyon, sinabi ni Tinyente
Muñoz ‘pupugutan niya ng ulo si Heneral Monet.’ Tahimik siyang nagpadausdos
sa pampang, nilangoy ang kabilang pampang at tinungo ang hulihang bahagi ng
trintsera ng kaaway… Pagkaraka-raka’y nakita siya ng ilang sundalo sa may
trintsera sabay sigaw ‘INSUREKTO!’)

Pinaulanan ng putok ng mga manghihimagsik ang mga cañonero nang walang

palya. May 60 metro ang layo ng dalawang paksyon sa isa’t isa. Ayon kay Lagman, “que

duro unas once horas sin un minuto de interrupción” (‘tumagal ang engkuwentro ng 11

oras nang walang tigil’).205 Marami sa mga tauhan ni Muñoz ang namatay dala nang

kawalan, muli, ng bala. Iniutos niya ang pag-atras, ngunit siya mismo ay nabaril.

203
Tinatawag itong Dalang Pari ng mga taga-Minalin. Isang sanga ito ng Ilog Maniango, na naghihiwalay sa
Sta. Catalina at San Francisco. Ang sapa na ito ay tumutuloy sa Poblacion, Minalin. Dalang Pari ang
pangalan ng sapa dahil dumidiretso ito hanggang sa kumbento ng Simbahan ng Minalin. Konektado
naman ang Ilog Maniango sa daungan ng Macabebe sa Barangay Baliti. Cf. NLP, “Minalin HDP,” 25.
204
Flores, “The Battle of Sta. Catalina,” ibid.
205
UPDML, “Cristino F. Lagman’s Documentos Historicos de Minalin,” ibid.

247
Sinamantala nina Monet ang pagtigil ng putukan upang maisakay sa mga

cañonero ang mga sibilyan, bagahe, at pagkain. Muling nagsimula ang putukan sa pag-

ayuda ni Hizon, ngunit napaatras din dala ng pagkalagas ng mga manghihimagsik.

Lumaki ang bilang ng mga sugatan na itinakbo sa kumbento.206

Upang mapigilan ang mga manghihimagsik sa pagpigil sa kanilang biyahe, may

tinakot silang lalaking iliterado sa Sta. Catalina, upang maghatid ng liham kay Hizon sa

kumbento. Laman ng liham ang panawagan na itigil na ni Hizon ang pag-atake dahil aalis

na sila papuntang Maynila. Bilang tanda ng pakikitungo di umano, ani pa ng liham, iiwan

ng mga Espanyol ang kanilang mga karetela, kalesa, kalabaw, at kabayo para

mapakinabangan ng Minalin. Ang dapat sanang asalto pang gagawin ni Hizon ay natigil

dahil pinakumpirma muna niya kung totoo ang sinasabi sa liham. Nang nasa Sta. Catalina

na ang mga manghihimagsik, sinilaban ng mga Espanyol ang mga kabahayan at nasilo

ang mga sundalo ni Hizon sa kapal ng usok at sa apoy. Umabot ang sunog hanggang San

Francisco, habang nailigtas ang bahay ni Lagman doon.207 Sinamantala ng mga Espanyol

ang pagkaparalisa ng mga humahabol sa kanila. Bandang ika-5:30 ng hapon, nakaalis ang

mga cañonero—huli ng anim at kalahating oras mula sa takdang oras ng alis.208 Tangay-

tangay din ng mga Espanyol ang mga bangkang casco na natagpuan nila sa San

Francisco. Sa mga iyon nila isinakay ang kanilang mga kalabaw, kabayo, at baka.

Nahirapan naman ang mga cañonero na makalusot sa ilog dahil sa mga kawayan na

itinulos ng mga manghihimagsik.

206
Flores, “The Battle of Sta. Catalina,” 2.
207 
UPDML, “Cristino F. Lagman’s Documentos Historicos de Minalin,” ibid.; Alonso, Defensa, 18-9.
208 
Pí y Margall at Pí y Arsuaga, Historia de España, Tomo 7, ibid.

248
Galit na bumalik ang mga manghihimagsik sa Poblacion at hiniling ang pagbitay

sa lalaking iliterado. Binigti ang lalaki sa isang puno ng caballero sa patio ng

simbahan.209 Nagliliyab pa rin ang Sta. Catalina hanggang gabi.

Mula nang nagsimula ang exodus ng mga Espanyol sa Macabebe, nalagasan si

Monet ng isang opisyal at 11 sundalo, kulang-kulang 100 sugatan, at nawawalang walong

opisyal at 35 sundalo. Wala namang naiulat na masamang nangyari sa mga sibilyang

Espanyol.

Sa panig naman ni Hizon, 35 ang nasawi, kabilang ang isang kapitan ni Hen.

Cardenas ng Bataan at si Tinyente Muñoz, at ilang inoseteng sibilyan. 210 Ayon sa sabi-

sabi, si Monet mismo ang bumaril kay Muñoz.211

Umaga ng 16 Hunyo 1898, inatasan nina Hizon at Lagman sina Tinyente Simon

Gagui at Tinyente Domingo Villapania, kapuwa mga taga-Minalin, na magtungo sa Sta.

Catalina at San Francisco upang pamunuan ang pagsiyasat sa pinaglabanang lugar.

Kinuha nila ang mga bangkay ng mga kasamahan, maging ang sa mga Espanyol. Sa isang

sagingan, nakuha nila ang bangkay ni Muñoz na tadtad ng bala at idinala sa patio ng

Simbahan. Sa isang simpleng mesang yari sa kawayan ihinimlay si Muñoz at binigyan ng

luksang parangal. Sa harap ng di mabilang na tao at mga manghihimagsik winika ni

209
Ibid.
210 
UPDML, “Cristino F. Lagman’s Documentos,” ibid.; NLP, “Minalin HDP,” 31, 59.
211
Catacutan, The Pisamban, 187.

249
Hizon na “kailangang ipagmapuri ninyong mga taga-Minalin na mayroon kayong

matapang na mandirigma na magiting na naghandog ng buhay para sa kaniyang

bansa.”212

Dumating ang mga cañonero sa Baliti, Macabebe ng ika-7:30 ng gabi ng araw

ding iyon. Sinalubong, pinakain, at hinanapan nang matutuluyan ng pamilyang Blanco at

ng noo’y capitan municipal ng Macabebe na si Tomas Pacia ang mga Espanyol.213 Isa

ang exodus sa Macabebe sa itinuturing ng mga Espanyol na “la más brillante tal vez de

las realizadas en Filipinas” (‘ang pinakamaningning sa mga nangyari sa Pilipinas’),214

“puede calificarse de gloriosa epopeya” (‘maituturing bilang dakilang epiko’),215 “isa sa

pinakamalaking pighati,”216 at “paulit-ulit na ikinukuwento.”217 Hindi malilimutan ng

mga Espanyol kung paano nila nalampasan ang malagim na pagtungo nila sa Macabebe,

lalo’t “taghoy ng mga bata, hikbi ng mga babae, dasal sa mga santo ng mga kawawa ay

nangalunod kasama ang sigaw ng mga gutom nang mga kawal sa kanilang halos

napakapambihira-sa-tao na pagnanasang mabuhay.”218 May tatlo pang sanggol na

ipinangak sa kasagsagan ng epikong exodus na iyon. Tumataghoy man, pilit

nagpakatatag ang mga babaeng Espanyol mula sa mga pagsabog at barilan, at nagawa rin

nilang magbuhat ng mga sugatan.219

212
UPDML, “Cristino F. Lagman’s Documentos,” 2-3.
213
NAP, “Parte original,” 3.

214 
Alonso, Defensa, 19.
215 
Ibid., 16.
216
Togores y Saravia, “El Asedio de Manila,” 89.
217 
Ibid., 90-91.
218 
Foreman, The Philippine Islands, p. 446.
219 
Ibid.

250
Isa pa sa pambihirang kuwento ng exodus ay ang muling pagkikita ni Tinyente

Coronel Francisco Pintos y Ledesma220 at ng kaniyang pito (o walong) taong gulang na

anak na babaeng nawalay sa isa’t isa sa kasagsagan ng exodus. Kilala si Pinto bilang

kumandante ng mga Espanyol laban sa mga Katipunero sa Santolan, San Juan del Monte,

Bacoor, Zapote, at Caloocan mula 1896 hanggang 1897. Naging hepe siya kinalaunan ng

Regimento 20.o Tercio de la Guardia civil sa Maynila.221 Nagkita na lamang sila sa

Maynila noong 2 Hulyo 1898.222

Ngunit nang dahil sa pag-abandona ni Monet sa San Fernando, nawalan ng pag-

asa ang marami pang sundalong Espanyol na nasa ibang mga probinsya ng hilaga at

gitnang Luzon—pinakakakatwa sa lahat ang mga sundalong Espanyol na nagkulong sa

loob ng Simbahan ng Baler hanggang Hunyo 1899.

220 
Aguilar, “Rendicion de Marianas,” ibid.
221 
Cf. U.S. Adjutant-General’s Office-Military Information Division, Notes and Tables on Organization and
Establishement of the Spanish Army in the Peninsula and Colonies (Washington: Government Printing
Office, 1898), 183.
222 
Aguilar, “Rendicion de Marianas,” ibid.

251
IKAANIM NA KABANATA

PAMPANGA SA ILALIM NG LIDERATO NG HIMAGSIKAN, 1898-1899

Alang-alang sa Pambansang Komunidad

Ang tagumpay ng exodus ni Monet ay may matinding konsekuwensiya sa mga

taga-Macabebe. Sa kaniyang ulat kay Aguinaldo, idineklara ni Hizon ang lahat ng taga-

Macabebe na kalaban ng mga Pampango at itatrato silang iba:

Una vez reconcentradas las fuerzas regulares Españoles en Macabebe declare


enemigos nuestros a todos los Macabebes, despues la apprehension y captura de
cualquier de ellos que se encuentre en nuestros terrenos y prohibe bajo penas
severas alos nuestros, todo trato social y comercial con los mismos, declarando
contrabandista al que por cualquiera concepto introduzca en el citado pueblo de
Macabebe todo genero de efectos sin distinción de cantidad.1

(‘Sa pagtungo ng mga regular na sundalong Espanyol sa Macabebe, idineklara ko


ang lahat ng taga-Macabebe bilang kalaban namin; pagkaraa’y dadakpin at
huhulihin ang sinuman sa kanila na nasa aming teritoryo at binabantaan ang lahat
sa amin na parurusahan nang matindi ang sinumang makikipag-ugnayan o
makikipagnegosyo sa mga iyon, ituturing namang mga ismagler sa anumang
pagkakataon o paraan ang sinumang magpapasok sa nasabing bayan ng Macabebe
ng anumang uri ng paninda kahit gaano pa man ito karami.’)

Ang desisyon ni Hizon ay bunga ng pagsasawalang bahala sa isang linggong

ultimatum na ibinigay niya kay Blanco upang sumama sa Himagsikan. Malupit ang banta

1 
NLP, “Hojas de servicio de Maximino Hizon,” 6-7.

252
ni Hizon: “mawawasak ang bayan ng Macabebe” (Bistat kaministilanang binang lasauan

ing balen Makabibi/ Siendo ya de todo punto necesario aniquilar al pueblo de Macabebe).2

Noong 16 Hunyo 1898, nagpaikot si Tinyente Koronel Joaquin Cordero ng

dalawang magkahiwalay na sirkular, na nasa wikang Espanyol at Kapampangan, sa lahat

ng presidente municipal ng mga bayan ng Pampanga. Lakip dito ang kautusang binanggit

ni Hizon kay Aguinaldo, bagaman mas detalyado: hulihin at dalhin sa San Fernando ang

lahat ng mga taga-Macabebe na makikita sa labas ng kanilang bayan, anuman ang edad,

kasarian, o estado sa buhay.3 Narito ang mga petsa ng pagtanggap ng iba’t ibang bayan ng

Pampanga utos kontra-Macabebe:

UNANG KOPYA:

Presidente Municipal Santo Tomas 17 Hunyo 1898

Don Martin Mercado Minalin 18 Hunyo 1898

Vice Presidente Apalit 18 Hunyo 1898

Don Macario de los Santos San Simon 18 Hunyo 1898

Don Juan Carlos San Luis 19 Hunyo 1898

Presidente Municipal Kandava 19 Hunyo 1898

2
Cf. NLP, “Sr. D. Maximino Hizon, Coronel Jefe del Cuarto Militar de Bacoor - del Juzgado Especial de
Ynstrucción.” Philippine Revolutionary Records, Reel No. 159, Folder No. 97, Doc. No. 103, 1-2.
3
NLP, “A circular ordering the municipal heads of Pampanga to arrest all the people of Macabebe they could
see in their locality, San Fernando, June 16, 1898.” Philippine Revolutionary Records, No. 159, Folder No.
96, 98, 99, 100, 101, 102, 1-3.

253
IKALAWANG KOPYA:

Presidente Municipal Kampuput 17 Hunyo 1898

Presidente Municipal Porac 18 Hunyo 1898

Presidente Municipal Magalang 18 Hunyo 1898

Don Mateo de Castro (Vice) Mabalacat 19 Hunyo 1898

Sa kaniyang komunikasyon sa kaibigang taga-San Fernando na si Jose Infante

noong 17 Hunyo 1898, nanindigan si Blanco na tutupdin niya ang kaniyang pangako na

proteksyunan ang asawa (at pamilya) ng gobernador-heneral at si Monet, hanggang

kamatayan. Ani Blanco, ang salita di umano niya ay higit pa sa salita ng sinumang hari

(“palabra Pepe vale tanto como la del Rey de cuál que en nación”). Nairita rin daw si

Blanco sa nagsasabing hindi siya maka-Pilipino dahil sa hindi niya pagsuporta sa

Himagsikan. Ang pinatutungkulan niya nito ay si Alimurung. Ipinagtataka rin ni Blanco

ang pagbaliktad ng mga Pampango. Naniniwala si Blanco na walang kapapuntahan ang

Pampanga kung kakalas ito sa Espanya.4

Hindi kinakatawan ni Blanco ang buong Macabebe. Nang dahil sa personal na

interes at pananaw niya sa buhay, nadamay ang kapalaran ng lahat ng mga inosente.

4
NLP, “Ulat ni Isidoro Torres kay Emilio Aguinaldo hinggil sa negosasyon ni Maximino Hizon kay Eugenio
Blanco, Kalumpit, 19 Hunyo 1898.” Philippine Revolutionary Papers, Reel No. 11, Folder No. 13, Document
No. 4, Folio 6, p. 7.

254
Dalawang Pampanga

Isang pagdiriwang ang isinagawa sa Macabebe noong 17 Hunyo 1898. Sa

pagdiriwang na ito, pinarangalan at iniangat ni Monet ang ranggo ng kaniyang mga opisyal.

Tumanggap si García ng La Real y Militar Orden de San Fernando; si Dujiols bilang

komandante ng kabayuhan; at si White bilang pangalawang kumandante ng pulutong ng

mga Espanyol.5 Nahirang naman si Escotado bilang gobernador militar ng mga nalalabing

sakop ng Espanya sa Pampanga: Macabebe. Bagaman kinabukasan din ay pinalitan siya ni

Francia.6

Samantala, ipinag-utos ni Monet ang pagpapaalis sa mga prayle sa kumbento ng

Macabebe upang magamit nilang pagamutan. Upang wala nang pagtatalo, nagparaya ang

mga prayle. Ngunit binalaan ni Don Juan Blanco si Monet na ang pagpapalayas sa mga

prayle ay ikasasama nang loob ng mga taga-Macabebe:

Aking Heneral, nakabasa po ako ng isang utos na nagpapaalis sa mga


iginagalang na pari sa kumbento, at nakahanda na silang umalis. Pakalimiin po
ninyo, aking Heneral, ang inyong gagawin. Ang mga taga-Macabebe ay lubhang
relihiyoso at ang makitang pinatatalsik ninyo sa kumbento ang mga pari at isasara
ang simbahan upang maging silungan ng hukbo, tiyak na magkakagulo…7

Agad na binawi ni Monet ang kautusan at pinakiusapan ang mga prayle na

umagapay sa pangangailangan ng mga sundalo.

5 
Pí y Margall at Pí y Arsuaga, Historia de España, Tomo 7, ibid.
6 
Alonso, Defensa, 21-2.
7 
Santos, “The Philippine Revolution in Pampanga,” 169-70.

255
Pinabalik din ni Monet ang Arayat at España sa Maynila dahil sa kalunos-lunos

nilang kalagayan. Nakarating sa Maynila ang dalawang barko noong 24 Hunyo 1898, dala-

dala ang mensahe sa Gobernador-Heneral na nagsasaad na kailangan ng mga Espanyol sa

Macabebe ng ayuda, bala, at mga barkong susundo sa kanila. Ipinayo naman ni Peral sa

Gobernador-Heneral ang pagpapalubog sa Arayat at España dahil hindi na

mapakikinabangan at iminungkahi na ipadala ang cañonero na Napindan. Doon sa

Napindan, ayon kay Peral, maaaring ikarga ang mga bala at ilang kanyon.8

Pangmamaliit kay Hizon

Sa simula pa lamang ng pagsama ng mga Pampango sa Himagsikan noong 1 Hunyo

1898, minaliit na sila kapuwa ng mga Espanyol at ng mga Pilipino.

Noong 4 Hunyo 1898, nagpadala ng unang ulat si Tinyente Koronel Gregorio

“Goyo” Hilario del Pilar tungkol sa pag-unlad ng Himagsikan sa Bulacan at sa Pampanga.

Walang pagkilala ang ulat na iyon kay Hizon o sa kanino mang lider na Pampango.

…Nakukubkob ang San Fernando de la Pampanga ng̃ mg̃a kawal at ang mang̃a
kaaway ay nasa Simbahan nakukulong, at ang Kandaba, San Luis, San Simon, San
Pedro Magalang, Santa Ana ay nagsisigalaw na. Sa Kalumpit ay naglalabanan na
at malapit ng̃ makuha ng̃ mg̃a atin ang kuartel.
Sa balita’y si General Monet ay nakulong sa lugar ng̃ apulid (?) hanganan ng̃
Barasoain at Kalumpit. Datapuat itong balitang ito’y hindi nangaling (sic) sa
kang̃ino mang Pinunong bayan kaya hindi ko lubos na paniwalaan.
Si G. Ysidoro Torres sa Malolos nagkaroon na ng̃ laban sa mg̃a voluntarios sa
Makabebe at Kazadores na sa akala’y patuñgo dine sa Kabecera na aabuloy,

8 
Alonso, Defensa, 34-5.

256
datapuat nakatakas sa kanila. Pagka balita ko at sapagkat huming̃i ng̃ abulo’y si
Torres ay ipinadala ko po si G. Adriano at Geronimo Gatmaytan na nakaakabay
ay 10 sundalo…9

Ang ulat ni Goyo ay hindi lubusang kumakatawan sa kondisyon ng Himagsikan sa

Pampanga. Hindi rin malinaw kung bakit isinama ni Goyo ang Pampanga sa kaniyang ulat

hinggil sa kondisyon ng Himagsikan sa Bulacan. Tulad ni Hizon, walang pinanghawakang

katitikan si Goyo mula kay Aguinaldo na nagpapailalim ng Pampanga sa kaniyang

komandansiya. Gayunpaman, nagpadala pa rin ng ulat si Hizon kay Aguinaldo hinggil sa

pag-usad ng Himagsikan sa Pampanga noong 6 Hunyo 1898 sa pamamagitan ni Bañuelos

at kapatid niyang si Candido.10

Si Buecamino, na pinuno ng mga boluntaryo ng Pampanga, ay sinabihan ang mga

Espanyol na huwag mag-alala sa mga manghihimagsik sa Pampanga dahil hindi

kaimportantihan ang mga ito at ang ilan pa sa kanila, di umano, ay pawang mga bandido

lang naman.11 Itong huling pahayag ay maaaring pasaring sa mga Gabinista at Santa

Iglesia.

Sa kabilang banda, inakala naman ni Monet na madadaan niya si Hizon sa lambing

at negosasyon. Noong 8 Hunyo 1898, naiulat na pinangambahan ni Monet ang inaakala

niyang tinatayang 4,000 manghihimagsik na nakapaikot sa San Fernando at patuloy pang

9 
NLP, “Comunicacion del General Gregorio del Pilar,” ibid.
10
NLP, “Hojas de servicio de Maximino Hizon,” 5-6.

11
NAP, “Intelligence Report of Agente Don Juan Gómez regarding rumors that the revolutionaries of the
Province of Laguna.” Cuerpo de Vigilancia de Manila, Manuscrito B-48, Informes No. 20.

257
dumarami, habang ang katotohanan ay 200 lamang ang puwersa ni Hizon.12 Sa araw ding

iyon nang Hunyo 8 sinulatan ni Monet si Hizon upang himuking huwag sumama sa

paghihimagsik ni Aguinaldo dahil manloloko ito, marahil pumapatungkol sa paglabag ni

Aguinaldo sa tigil-putukan sang-ayon sa Kasunduan sa Biak-na-Bato. Negosyante ng tubo

at asukal si Hizon, kaya’t sinubukan ni Monet kung uubra ang pananakot niya na

maaapektuhan ng “barbarong rebelyon” ang ekonomiya ng Pilipinas.13 Iminungkahi rin ni

Monet kay Hizon ang pagbubuo ng isang awtonomus na pamahalaan ng Pampanga kapalit

ang pagsuko ng mga Pampango.14 Binaliwala lamang ni Hizon si Monet.

Ang mga bagay na nasabi ay hindi na kataka-taka para sa isang lalawigan na

kasasabak pa lamang sa Himagsikan at may kasaysayan ng pagiging matapat sa Espanya

at tutol sa Himagsikan. Salik din na hindi kilala ni Aguinaldo si Hizon, gayundin ang

pagiging malapit ni Hizon kay Makabulos na hindi kapalagayang loob ni Aguinaldo (dahil

hindi kinilala ni Makabulos ang Kasunduan sa Biak-na-Bato). Kaya’t nang humingi ng

tulong si Hizon kay Aguinaldo na magpadala ng dagdag na armas at bala sa Pampanga,15

iba ang naging tugon nito: ipinakontrol ni Aguinaldo ang Himagsikan sa mga Tagalog.

12 
Togores Sánchez, “El Asedio de Manila,” 470-1.
13
NLP, “Reproduction of Gen. Ricardo Monet’s letter to Gen. Maximino Hizon, San Fernando, June 8, 1898.”
Philippine Revolutionary Records, Reel No. 5, Folder No. 7, Document No. 3, 1-10.
14 
UPDML, “Datos históricos… Mexico,” 1-2.
15
NLP, “Ulat ni Isidoro Torres kay Emilio Aguinaldo hinggil sa negosasyon ni Maximino Hizon kay Eugenio
Blanco, Kalumpit, 19 Hunyo 1898.” Philippine Revolutionary Papers, Reel No. 11, Folder No. 13, Document
No. 4, Folio 6, 4.

258
Noong 14 Hunyo 1898, ipinagbigay alam ni Aguinaldo sa lahat ng mga pinuno ng

Himagsikan sa Pampanga—gayong sentralisado naman sa ilalim ni Hizon—na si Hen.

Isidoro Torres ng Malolos ang magpapatupad sa planong pag-atake sa mga Espanyol sa

San Fernando at Macabebe.16 Sa naturang kautusan, lahat ng puwersa sa Pampaga ay

aatake sa San Fernando sa direksyon ni Hizon, bilang “Jefe de la partida de Mexico”

(‘Hepe ng distrito ng Mexico,’ hindi ng “Pampanga”). Si Hizon naman ay may tungkulin

kay Torres na laging mag-ulat sa kaniya, sa umaga at sa hapon, hinggil sa mga nangyayari

(“con obligacion de darme siempre cuenta mañana y tarde del resultado”).17 Malinaw na

hindi Heneral, ni pinuno ng mga manghihimagsik sa Pampanga, ang turing ni Aguinaldo

kay Hizon. Gayunpaman, hindi umabot ang utos ni Aguinaldo sa Pampanga dahil biglaan

ang exodus ng mga Espanyol patungong Macabebe noong umaga ng 14 Hunyo 1898. Huli

na rin nang matanggap ni Torres ang utos ni Aguinaldo: nasa Macabebe na ang mga

Espanyol.

Noong 17 Hunyo 1898, nakatanggap ng liham si Hizon mula kay Torres tungkol sa

pagkatalaga ni Aguinaldo kay Torres bilang “1er Jefe de operaciones que se há de practicar

contra el pueblo de enemigo de Macabebe” (‘pinakapuno ng mga operasyon na isasagawa

laban sa kaaway na bayan na Macabebe’). Iniulat din ng pinuno ng himagsikan sa Apalit

(hindi napangalanan) na nasa naturang bayan si Torres.18 Hindi maitago ni Torres ang

16
NLP, “Abiso ni Isidoro Torres kay Maximino Hizon hinggil sa pagiging hepe niya ng operasyon sa
Macabebe, 25 Hunyo 1898.” Philippine Revolutionary Papers, Reel No. 159, Folder No. 50-53, Folio No. 39-
42, 1.

17
Ibid., 4.

18
NLP, “Hojas de servicio de Maximino Hizon,” 7.

259
kapanabikan sa katungkulang iniatang sa kaniya ni Aguinaldo dahil sa Bulacan ay

nasasapawan na siya ni del Pilar. Ayon nga kay Torres: “que me doy por muy honrado

como tal Jefe y de la necesidad de principiar inmediatamente las operaciones consabidas”

(‘ikinagagalak ko ang maging pinuno [ng operasyon sa Macabebe] at ang simulan ang

operasyon sa lalong madaling panahon’).19 Dagdag pa sa kapanabikan ni Torres ang

pagkakataong makakahiganti na siya sa bayan ng Macabebe dahil sa mga pag-atake ng

Voluntarios de Macabebe sa kaniya sa Binakod, Malolos, at Barasoain.

Kinahapunan, ika-3 ng hapon, dumating si Hizon sa Apalit, ngunit hindi niya

naabutan doon ang heneral ng Malolos. Hindi tumawid si Hizon sa hangganan ng

Pampanga sa Calumpit “palibhasay akoy di ako tinulutan lumabas dito sa aking sakop na

mga bayan ñg aquing puno (maaaring si Makabulos).” Sa Apalit pansamantalang

naghimpil si Hizon upang sagutin ang liham ni Torres (na nasa Calumpit). Sa kaniyang

sagot, ipinaunawa ni Hizon na wala siyang maibibigay na panustos kay Torres dahil

hikahos ang marami sa kaniyang mga tao, patunay lamang na mga ordinaryong Pampango

ang karamihan sa sumuporta kay Hizon. Ani pa ni Hizon, wala rin siyang maibibigay na

bihag na Espanyol dahil pinasusuko pa rin niya ang mga ito sa Macabebe.20

Nang sumunod na araw, 18 Hunyo 1898, muling sumulat si Hizon kay Torres. Sa

naturang liham ipinaliliwanag ni Hizon kung bakit hindi maatake ng mga Pampango ang

19 
NLP, “Abiso ni Isidoro Torres kay Maximino Hizon, 1.
20
Ibid., 2.

260
mga Espanyol sa Macabebe. Bilang kumandante ng Pampanga, pinakiusapan niya si Torres

na abisuhan siya sa gagawin sa Macabebe:

Akin pong pinagbibigay alam sa kamahalan mo na kami ay hindi maka á


atake ofensiva sa bayan ñg Macabebe una poi salat na salat kami sa mg̃a
Municiones, at kami poy hualang cañon na sucat gamitin, kaya ng̃a pó kung sacalit
kayoi aataque nasasabing bayan, at huag na hindi Magpadala lamang kayo ñg
komunicacion sa akin.21

Marahil hirap nang magsulat sa Tagalog, ang mga sumunod na liham ni Hizon kay

Torres, simula 19 Hunyo 1898, ay nasa Espanyol na. Kinumpirma ni Hizon kay Torres na

natanggap na niya ang opisyal na pagkakatalaga nito bilang hepe ng operasyon sa

Macabebe.22 Hinilingan niya si Torres ng tatlong kahon ng bala ng Mauser, dahil hindi pa

dumarating ang mga armas at bala na hiniling niya kay Aguinaldo noon pang 6 Hunyo

1898. Siniguro naman ni Hizon kay Torres na kung umatake ang mga Espanyol na nasa

“Maldito pueblo” (“Nakakasuyang bayan,” ang turing sa Macabebe), kayang ipagtanggol

ng mga Pampangong manghihimagsik ang bayan ng Apalit, Santo Tomas, Minalin,

Bacolor, Betis, Guagua, Sismoan (sic), hanggang Lubao sa kabila ng kasalatan sa armas at

bala.23

21
Ibid., 2-3.

22 
Sa katunayan, ikinairita ni Torres ang hindi agad pagkilala sa kaniya ni Hizon. Katwiran ni Hizon wala pang
pormal na abiso sa kaniya mula sa Pamahalaang Diktatoryal hinggil sa pagkakatalaga kay Torres sa
operasyon sa Macabebe. Hindi pa rin nakakabalik ang kapatid ni Hizon (Candido) mula Kawit na inaasahan
niyang dala-dala ang opisyal na kumpirmasyon kay Torres. Cf. NLP, “Ulat ni Isidoro Torres kay Emilio
Aguinaldo,” 1.
23 
Ibid., 4. Kung babasahin ang bersyon ni Hizon kay Aguinaldo, pinagkatiwalaan siya ni Torres na hawakan
ang depensa ng mga nasabing bayan. Binigyan pa siya ni Torres ng 300 baril at mga kanyon, na marami di
umano ang heneral ng Malolos. Cf. NLP, “Hojas de servicio de Maximino Hizon,” 8-9.

261
Ngunit may nangyari noong 19 Hunyo 1898 na ikinabago nang takbo ng

Himagsikan sa Pampanga: pinaratangan si Hizon na binabalewala niya ang awtoridad ni

Torres. Nagsimula ang isyu nang magtungo ang liberal at deportadong si Tiburcio Hilario

ng Bacolor sa tanggapan ni Torres sa Calumpit upang ipakita ang liham ni Blanco kay

Infante, petsa 17 Hunyo 1898. Ayon kay Torres, na batay naman sa salaysay ni Hilario,

nagdesisyon si Hizon na huwag umatake sa Macabebe gamit ang liham na iyon ni Blanco.

Sa naturang liham, ipinakikiusap ni Blanco na hayaan nang makaalis patungong Maynila

ang mga Espanyol, lalo na ang asawa ng gobernador-heneral at si Monet.24

Ang tingin ni Torres sa mga taga-Macabebe ay Pampango, at dahil si Hizon ang

kumandante ng Pampanga, kaduda-duda, di umano, ang hindi niya pag-aksyon sa

Macabebe. Binanggit pa ni Torres na kayang idetalye ni Hen. Valentin Cardenas,

kumandante ng hukbo ng Himagsikan sa Bataan, kay Aguinaldo ang sabwatan ng puwersa

ni Monet at ng Macabebe. Hindi na rin dapat pagtakhan ang init ng dugo ni Torres sa

Macabebe dahil ang Voluntarios de Macabebe ni Blanco ang tumalo sa kaniya sa Binakod

noong 1897 at sa Malolos at Barasoain noong 1 Hunyo 1898. Nagpatong-patong ang mga

salik na ito upang mabuo sa isip ni Torres na hindi mapagkakatiwalaan si Hizon.

Sa kabuuan, mayroon lamang 435 sundalo si Torres na dala-dala sa pag-atake sa

Macabebe. Umasa si Torres sa puwersang aayuda galing Bataan sa utos ni Aguinaldo. Sa

Masantol, na katabing bayan ng Macabebe, planong ihimpil ang puwersa ng Bataan. Ang

mga taga-Bataan din ang haharang sa mga cañonero ng mga Espanyol sa Look ng Maynila.

24
NLP, “Abiso ni Isidoro Torres kay Maximino Hizon, 7-8.

262
Ngunit hindi sapat ang bilang ng puwersa ni Torres upang mapabagsak ang magkasamang

puwersa ng Espanyol at Voluntarios de Macabebe sa Macabebe. Ibinaling naman ni Torres

ang sisi kay Hizon: inireklamo ni Torres na hindi nakikipag-ugnayan si Hizon sa kaniya

kaya, di umano, hindi niya mabuo ang puwersa na kailangan niya sa Pampanga. 25 Hindi

ito totoo sapagkat noong 21 Hunyo 1898, opisyal na nagkasundo ang dalawang heneral sa

pag-atake sa Macabebe, madamay man kahit ang kapuwa Pilipino nila sa nasabing bayan.

Ayon kay Torres:

Despreciar todo lo que diza cariño á los Españoles y cobatamos a todos los
enemigos aúnque fueren estos Filipinos, pues por lo mismo son Más culpables que
aguellas, como son los Voluntarios de Macabebe.26

(Ikinamumuhi natin ang lahat ng pagpapakita ng lugod sa mga Espanyol at


kakalabanin natin ang lahat ng kaaway, maging sila ma’y Pilipino, na mas
kasuklam-suklam, tulad ng Voluntarios de Macabebe.)

Noong 25 Hunyo 1898, muling ipinamukha ni Torres kay Hizon ang awtoridad niya

sa Pampanga sa pamamagitan ng isang liham. Sinipi na ni Torres ang sinabi raw ni

Aguinaldo sa utos nito sa kaniya “en observio á la buena armonía que nos une la Santa

causa que defendenos” (‘na sa ngalan ng magandang pagsasama na nagbubuklod sa lahat

para sa banal na layon ng ating pagtatanggol’) inaatasan siya, bilang hepe ng operasyon sa

Macabebe, na hatiran ang Pangulo sa Cavite ng balita ng mahahalagang pangyayari sa

operasyon. Ipinaalala rin ni Torres na nasa kaniyang kagustuhan kung nais niyang

magbigay ng ulat o hindi kay Hizon at sa operasyon sa Macabebe. Ganunpaman, bilang

25
Ibid., 9-10.

26
NLP, “Pagtanggap ni Isidoro Torres sa tugon ni Maximino Hizon na kilalanin siya na hepe ng operasyon sa
Macabebe, 22 Hunyo 1898.” Philippine Revolutionary Records, Reel No.159, Folder No. 33, Folio No. 18, p.
1.

263
hepe ng operasyon sa Macabebe, kailangang sumunod ni Hizon kay Torres at anumang

oras ay maaari niyang kunin ang puwersa ng Pampanga at mawawalan na si Hizon ng

komunikasyon sa mga ito.27

Ang huling sampal kay Hizon ay hindi si Torres kundi si Koronel Agapito Bonzon,

kilala bilang ang pinunong tumugis kay Bonifacio sa Limbon, Indang, Cavite noong 28

Abril 1897. Hindi dumating ang hiling na mga armas at bala ni Hizon kay Aguinaldo. Sa

halip, isang pulutong ng machetero ng Cavite sa ilalim ni Bonzon ang ipinadala ni

Aguinaldo sa Pampanga. Si Bonzon ang pinauna ni Torres sa pagpasok sa Macabebe.28

Sa kabilang banda, naging mahinahon pa rin si Hizon kahit ipinamumukha ni

Torres ang kagaspangan ng karakter nito. Sa isang insidente na hiningan siya ni Torres ng

listahan ng mga sundalo niyang ipapailalim rito, sinagot niya ng buong galang ang wala-

sa-hulog na utos ng heneral ng Malolos:

…recibo una comunicacion del Sr. Torres en la que me interensa el numero y


nombres de la fuerza que bajo mis ordenes atacaran el pueblo de Macabebe por
el lado de la Pampanga, comunicacion que a pesar de su estilo poco adecuado,
conteste de los mas fino y cortes…29

(…nakatanggap ako ng komunikasyon mula kay Sr. Torres na nais niyang


malaman ang bilang at mga pangalan ng mga hukbong pinamumunuan ko na
aatake sa bayan ng Macabebe sa panig ng Pampanga—komunikasyon na kahit
hindi maayos ang istilo, ay sinagot ko nang mas maayos at magalang…)

27
NLP, “Abiso ni Isidoro Torres kay Maximino Hizon,” 5-6.

28 
NLP, “La ataque de Macabebe,” ibid.
29
NLP, “Hojas de servicio de Maximino Hizon,” 10.

264
Sa halip na patulan, sinakyan lamang ni Hizon ang kahambugan at kapritsuhan ni

Torres—sulatan daw di umano ni Hizon si Torres sa ayuda ng Bulacan sa Pampanga tulad

ng mga baka, kabayo, borceguíes (bota ng sundalo), dalawang kahon ng bala ng

Remington, at isang kanyon, gayong wala namang naibigay. 30 Gayundin, hanggang hindi

pa dumarating ang anumang ayuda ni Aguinaldo sa Pampanga ay walang magagawa si

Hizon kundi ibigay ang gusto ni Torres. Inatasan ni Hizon ang kaniyang pinuno sa Apalit

na tustusan ang pangangailangan ni Torres at ibigay dito ang hinihinging listahan.

Ibayong pagtitimpi ang kailangan ni Hizon dahil walang kakayahan ang Pampanga

na umatake sa Macabebe. Kapakinabangnan pa rin ng Pampanga ang isinaalang-alang ni

Hizon dahil kailangang ibaling niya ang interes sa pagtatanggol sa hangganan ng

Pampanga sa hilaga (‘es guardar los pueblos le hacen, de contracostas por el lado de la

Pampanga’). Problema ni Hizon ang nakaambang pag-abante ng mga puwersang Espanyol

mula Pangasinan at Tarlac patungong San Fernando. Mayrooon lamang 600 riple at libo-

libong machete ang puwera ni Hizon para sa 600 tauhan niya,31 200 sa mga ito—mga

manghihimagsik mula Lubao, Porac, Malabacat, at Arayat sa ilalim ni Tinyente Koronel

Simeon Kabigting ng Arayat—ay ipinadala niya sa Tarlac upang ayudahan si Makabulos

sa pagpigil na makaabante patungong San Fernando ang mga Espanyol na manggagaling

sa Pangasinan at Tarlac.32 Si Hizon na lamang ang inaasahan ni Makabulos na sumulat sa

30
Ibid., 10-1.

31 
NLP, “Isidoro Torres to Maximino Hizon regarding the defense line.” Philippine Revolutionary Records,
Reel No. 159, Folder No. 66, Folio No. 58, pp. 1-2.
32 
NLP, “Francisco Makabulos Soliman’s communication to Maximino Hizon requesting the Kapampangan
armed forces to remain further in Tarlac until reinforcement from Cavite arrived, Victoria, 24 June 1898.”
Philippine Revolutionary Records, Roll No. 159, Package 43, Folio 31. Ang nagpapatuloy na pakikipaglaban

265
kaniya na “yamang diay (Pampanga) wala naring kakaawa[y]in kundi ang Makabebe.”

Napasabak ang puwersa ni Kabigting sa mga labanan mula 22-24 Hunyo 1898 sa Paniqui,

Gerona, at Parsolingan, Tarlac,33 at sa Ilog Parua noong 24 Hunyo 1898.34

Huling mga Sandali ng mga Espanyol sa Pampanga

Ang huling komunikasyon nina Hizon at Blanco ay noong 25 Hunyo 1898. Sinikap

pa rin ni Cordero na himukin si Blanco na kumalas na sa mga Espanyol dahil may malaking

puwersa na ng mga Tagalog ang nakaambang sumalakay sa Macabebe.35 Samantala,

sinikap ni Cordero na iparating kay Aguinaldo ang pakiusap ni Blanco na payagan nang

makaalis patungong Maynila ang mga Espanyol—ngunit ang utos ni Aguinaldo ay dalhin

ang mga Espanyol sa San Fernando at ipamahagi ang mga babae sa iba’t ibang bayan.

ng mga manghihimagsik sa Pampanga, Tarlac, at Pangasinan ang dahilan kung bakit hindi nakadalo ang mga
opisyal ng mga lalawigang iyon sa sosyalan ng mga pinuno ng Himagsikan sa Polo, Bulacan (ngayo’y Lungsod
ng Valenzuela) noong 6 Hunyo 1898 (at umani pa ng batikos ang Pampanga, Tarlac, at Pangasinan sa di
pagdalo). Cf. NAP, “Don Jose Ma. Garcia y Araulio’s manuscritos, Manila, 6 de Junio 1898.” Cuerpo de
Vigilancia de Manila, Informe No. 26.
33 
NLP, Gen. Francisco Makabulos Soliman’s letter to Gen. Maximino thanking him for the reinforcement he
sent to Tarlac, Victoria, June 26, 1898.” Philippine Revolutionary Records, Reel No. 159, Package 55, Folio
46.
34 
NLP, “Francisco Makabulos Soliman’s communication to Maximino Hizon requesting the Kapampangan
armed forces to remain further in Tarlac until reinforcement from Cavite arrived, Victoria, June 24, 1898.”
Philippine Revolutionary Records, Reell No. 159, Package 43, Folio 31.
35
NLP, “Letter of Don Joaquin Cordero to Don Eugenio Blanco, San Fernando, 25 June 1898.” Philippine
Revolutionary Records, Reel No. 5, Folder No. 7, Document No. 3, 2-3.

266
Inihanda na ni Hizon ang katitikan ng pagsuko ni Blanco. Itinakda ang lagdaan sa

San Francisco, Minalin, petsa 27 Hunyo 1898.36 Ngunit pinagbawalan na ni Torres si Hizon

sa pakikipag-ugnayan kay Blanco dahil napaparalisa lamang nito ang operasyon sa

Macabebe.37 Tulad ng opinyon ni Torres, nakita rin ni Bonzon na walang kapupuntahan

ang negosasyon nina Hizon at Blanco.38 Tuluyan na ngang naunsyami ang negosasyon

dahil noong 25 Hunyo 1898, inatake na ng puwersa nina Torres at Bonzon, ang Macabebe.

Ika-11 nang umaga ng 25 Hunyo 189839 nagsimula ang labanan sa Macabebe. Ayon

kay Padre Rufino Santos, OSA, isa sa mga prayle na nasa Macabebe noon, may mahigit

8,000 manghihimagsik ang umatake sa Macabebe buhat sa Calumpit, Apalit, San Simon,

San Luis, at Bataan.40 Nakakalat naman sa anim na direksyon ang depensa ng Macabebe.41

Ayon sa gunita ni Danganan, “sa ilalim ni Heneral Kalentong (sic, Koronel Yntong

Bonzon), dumiretso kami (kawal ng Apalit) sa bayan ng Macabebe.” Ani pa ni Danganan,

gulok lamang ang tangan nila. Sinalubong sila ng puwersang Espanyol sa San Gabriel,

Macabebe, barangay mula sa Apalit bago makarating sa Poblacion. 42 Maaaring may

kaugnayan dito ang naitala sa 1953 HDP ng Apalit na nakasagupa ng mga manghihimagsik

36
NLP, “Articles of capitulation for the Spanish forces commanded by Gen. Ricardo Monet prepared by Gen.
Maximino Hizon and channeled through Col. Eugenio Blanco, San Fernando, 25 June 1898.” Philippine
Revolutionary Records, Reel No. 5, Folder No. 7, Document No. 3, 1-3.
37
NLP, “Hojas de servicio de Maximino Hizon,” 11-2.

38
Ibid.

39
NAP, “Parte original,” 3.

40
Santos, “The Philippine Revolution in Pampanga,” 170.
41
Manuel H. David, pat., Pampanga Directory (Maynila: Jesus J. Santos, 1933), Tomo 1, 108.

42
Catacutan, The Pisamban, 188-9.

267
ang puwersang Espanyol sa Colgante, Apalit, ang barangay na karugtong ng San Gabriel.43

(Kalaunan, ang pook sa pagitan ng Colgante at San Gabriel ay naging Barangay Caduang

Tete, Macabebe noong ika-20 siglo.)

Isang araw bago ang pag-atake, nalaman na ng mga Espanyol ang planong pag-

atake ni Torres sa Macabebe, kaya’t ipinilit ipasok sa Macabebe ang cañonero na España

at ang barkong pangalakal na Méndez Núñez upang sunduin ang mga Espanyol. May bagyo

noon. Sa kasagsagan naman ng pag-atake sa Macabebe mula sa iba’t ibang panig,

mabilisang pinatungo sa daungan ng Balite, Macabebe ang lahat ng Espanyol upang

makaalis. Hindi rin naman basta-bastang nakaalis ang mga barko sa takot na dakpin sila ng

U.S. Asiatic Squadron na nagpapatrolya sa Look ng Maynila.

Habang abala ang lahat, sa kalaliman ng gabi ng 25 Hunyo 1898, tumakas si Monet

kasama ang pamilya ng Gobernador-Heneral at si Juan Blanco sa pamamagitan ng

bangka.44 Kinabukasan, 26 Hunyo 1898, nagulat ang lahat na wala na ang kumandante ng

hukbong Espanyol sa Gitna at Hilagang Luzon at ang kinatakutang heneral na nagpapatay

ng mga sibilyan sa Panay at Zambales. Bilang gobernador militar sa Macabebe, inako ni

Francia ang pamumuno.45 Sa araw ding iyon, napagdesisyunan ni Torres na ipagpaliban ng

dalawang araw ang operasyon sa Macabebe dahil sa kawalan ng bala. Ang hindi alam ni

Torres nakatulong ang desisyon niya upang maagang makaalis ang Méndez Núñez nang

43
NHCP, “Apalit HDP,” 68. Taong 1896 ang binanggit sa HDP, na imposible. Nabanggit din na umatras
patungong San Fernando ang mga manghihimagsik. Maaaring nagkaroon ng kalituhan sa pagproseso ng
mga detalye ang mga gurong sangkot sa HDP ng Apalit.

44 
Herrero y Sampedro, Nuestra Prison, ibid.
45 
Toral at Toral, El Sitio de Manila, 213; Alonso, Defensa, 29, 35, 48.

268
araw na iyon. Lulan ng naturang barko ang mga sibilyan at sugatang Espanyol sa ilalim ng

watawat ng Cruz Roja (Red Cross). Nakasakay na ang 17 prayle sa Méndez Núñez nang

pinuwersa silang pababain ng isang opisyal na Espanyol. Lumundag sila pababa ng barko

at nagparaya, alang-alang sa kapanatagan ng mga sundalo na sa mga prayle ibinunton ang

sisi kung bakit nagkagulo sa Pilipinas (“Con santa resignación obedeció el humilde

agustino la arbitraria orden del flamante doctor que ebrio de orgullo se gozaba en

vilipendiarle”).46

Gayong suspendido ang operasyon, sinikap pa ring habulin ng puwersa ni Torres

ang mga nakita nilang Voluntarios de Macabebe hanggang sa daungan ng Balite.47 Kung

itinuloy ni Torres ang pag-atake, disin sana’y nabigyan nang pagkakataon na makaalis ang

mga Espanyol. Bandang dapit-hapon, pinaatras ni Francia ang mga sundalong Espanyol

patungong daungan. Pinigilan ng Voluntarios de Macabebe ang pag-abante ng natitirang

puwersa ni Torres. Nakaalis lamang ang mga Espanyol sa Macabebe at ang Voluntarios de

Macabebe noong 27 Hunyo 1898 at lumipat sa Estaca, Sasmuan.48 Nahabol pa ng mga

manghihimagsik mula Apalit ang mga Espanyol at Voluntarios de Macabebe sa Sasmuan.49

At makalipas ang dalawang araw, lumipat ang 300 sundalo at opisyal na Espanyol at

46
Elviro Perez, Catálogo bio-bibliográfico de los religiosos agustinos de la provincia del santisimo nombre
de Jesus de las Islas Filipinas (Maynila: Establecimiento Tipográfico del Colegio de Santo Tomás, 1901), 510-
1.

47 
Alonso, Defensa, 25.
48
Damian Isern, Del Desastre Nacional y sus Causas (Madrid: Imprenta de la viuda de M. Minuesa de los
Ríos, 1899), 437.

49
Catacutan, The Pisamban, 189.

269
Voluntarios de Macabebe sa cañonero na Leyte na nakadaong sa isang nayon sa Bataan50

Ang kulang-kulang 700 iba pang Espanyol ay pinagkasya ang mga sarili sa 13 banka at

isang casco na hila-hila ng Leyte. Pawang mga sundalo iyon nina Francia at Dujiols. Hindi

naman pinasakay sa Leyte ang mga prayle sa puot ng mga sundalo.

Gaya nang inaasahan, makalipas ang dalawang araw na suspensyon ng pag-atake,

itinuloy ni Torres ang operasyon sa Macabebe noong 28 Hunyo 1898. Wala nang paglaban

na nangyari sa araw na ito. Sa katunayan, napasok ng puwersa ni Bonzon ang Poblacion

nang kay dali. Nag-uulat sa Macabebe, ibinalita ni Bonzon kay Torres na napasok nila ang

bayan sa pagitan ng ika-7:00 at ika-8:00 ng araw na iyon. Iniulat din ni Bonzon na may

mga taga-San Fernando din na hinihinala niyang mga tauhan ni “Yson” (Hizon) ang walang

pasabing dumating sa Macabebe. Kapansin-pansin sa ulat na iyon ni Bonzon na lumagda

siya bilang “Jefe Macabebe.”51 Tinatayang 700 baril at libo-libong bala ang nakumpiska

ng puwersa ni Torres at Bonzon.52

50 
NLP, “Acta levantada por los oficiales de la columna del general Monet, después de caer prisioneros de
las fuerzas insurrectas, pueblo de Hagonoy, á 1.0 de Julio del [18]98, Don Domingo Bernades.” Philippine
Revolutionary Records, Reel No. 11, Folder No. 113, No. 6; Pí y Margall at Pí y Arsuaga, Historia de España,
Tomo 7, 1111; Ría-Baja, El Desastre, 108; Emilio Aguinaldo, True Version of the Philippine Revolution
(Maynila: National Historical Institute, 1899/2002), 26, 113.
51
NLP, “Ulat ni Agapito Bonzon kay Isidoro Torres, Macabebe, 28 Hunyo 1898.” Philippine Revolutionary
Records. Reel No. 159, Folder No. 93-94, Folio 4, NLP.

52 
Bautista, Ang Malulos, 63.

270
Noong 29 Hunyo 1898, ipinahayag ni Hizon na nakubkob na ang Macabebe.53

Malugod na tinanggap ni Tomas Pacia, capitan municipal ng Macabebe, ang pagsuko ng

bayan, sa mga manghihimagsik.54

Kapalaran ng mga Nakatakas na Espanyol

Matapos makuha ang Macabebe, tinatayang 1,000 Espanyol pa ang patungo sa San

Fernando na magmumula ng Dagupan at Tarlac.55 Kahit anong mangyari’y nais di umano

pa rin ng mga Espanyol sa Tarlac na makatawid ng Pampanga.56 Matapos ang matiyagang

pagtutulungan nina Hizon at Makabulos, napasuko ang mga Espanyol sa Tarlac noong 10

Hulyo 1898.57

Umalis ang kapangyarihang Espanyol sa Pampanga sa pamamagitan ng unang ilog

na pinasukan nila at unang lugar na tinuntungan nila sa naturang lalawigan noong 1571:

ang Ilog Pasac (Rio de Betis y Lubao) at ang Macabebe. Iba nga lang ang kuwento: noong

1571 mga taga-Macabebe ang unang katutubo na humamon sa interes ng mga Espanyol;

53 
UPDML, “A. Serrano’s History of Betis,” 24-5.
54 
NHCP, “Macabebe HDP,” 7.
55 
NLP, “Letter of Gen. Francisco Makabulos to Gen. Maximino Hizon about the Kapampangan operations
in Tarlac, Victoria, June 26, 1898.” Philippine Revolutionary Records, Reel No. 159, Package 55, No. 46.
56 
NLP, “Letter of Lt. Col. Vicente Kabigting, Jefe del Segunda Zonia of Kapampangan Revolutionary
Company, to Gen. Maximino Hizon regarding the march of the Spanish cazadores and voluntarios from
Tarlac, Tarlac towards Pampanga, Arayat, June 28, 1898.” Philippine Revolutionary Records, Reel No. 159,
Package 62, No. 54.
57 
Lino L. Dizon, Francisco Makabulos Soliman: A Biographical Study of a Local Revolutionary Hero (Tarlac,
Tarlac: Center for Tarlaqueño Studies, Tarlac State University, 1994), 56-7; Ría-Baja, El Desastre, 174-9.

271
noong 1898 mga taga-Macabebe ang huling katutubo na nagtanggol sa kapangyarihang

Espanyol. Ngunit hindi ang mga kakampi nilang mga taga-Hagonoy: tinangay nang

malalakas na alon ng makasaysayang Look ng Maynila, patungo sa baybayin ng Hagonoy

ang mga bangka ng kulang-kulang 700 Espanyol na galing Macabebe. Sa lakas ng alon

dulot ng bagyo, ipinayo ni Peral na delikado para sa Leyte na ituloy ang paglalakbay na

hila-hila ang mga bangka. Pitong oras silang nakahinto sa laot, at makalipas noon ay

napagkayarian na kailangang dumiretso na ang Leyte sa Maynila at agad na hihingi doon

ng tulong upang sagipin ang mga nasa bangka. Nanatili sa laot ang mga bangka gabi ng 29

Hunyo 1898. Inabutan na sila ng umaga ng 30 Hunyo 1898 at wala silang ibang ginawa

kundi limasin ang sibol sa mga bangka.

Ika-4:30 ng hapon nang 1 Hulyo 1898, hinampas sa baybayin ng Hagonoy ang mga

bangka ng mga hapo, gutom, at nanghihina nang mga loob na Espanyol.58 Sa baybayin ng

Hagonoy, namataan ng puwersa ni Torres, sa ilalim ni Santiago Trillana ng Hagonoy at

Adriano Gatmaitan ng Paombong, ang mga Espanyol. Agad silang dinakip: 140 sundalo

ng Batallón Número 4; 30 ng Batallón Número 5; 83 ng Batallón Número 8; at 307 ng

Batallón Número 9; 66 guardia civil ng Pampanga; 28 ng brigada de Administración

militar ni Monet; dalawang eksperto sa armas; isang factor (?); tatlong opisyal; 14 na

sibilyan; at 15 prayle (14 ayon sa memoirs ni Padre Fermín Pérez de San Julián, OP, isa sa

mga prayleng bihag). May walong sundalo ang iniulat na nalunod. Nakumpiska mula sa

mga Espanyol ang 410 mauser (halos 300 sa mga ito ay napakinabangan ni Hen. Manuel

Tinio sa pagpapalaya sa La Union, Ilocos, Abra, Benguet, Tiagan, Amburayan, Lepanto,

58
Maaaring bandang Pugad o Tibaguin, Hagonoy, Bulacan.

272
Bontoc, at Cagayan59), 20,050 bala, 27 espada, at 28 rebolber.60 Kinumpiska rin maging

ang personal nilang mga gamit at idinala sa bahay ng isang lider sa Hagonoy. Wala nang

nabalitaan sa mga iyon. Tinangka pa silang sagipin ng Hukbong Dagat ng Espanya ngunit

huli na.61

Pinatuloy ang mga prayle sa kumbento ng Hagonoy at hinainan ng makakain at

maiinom. Kalaunan, ipinamahagi ang mga bihag na Espanyol, lalo na ang mga prayle, sa

iba’t ibang bayan sa Bulacan upang maging katulong. Nang pasinayaan ang kongresong

panghimagsikan ng Pilipinas sa Barasoain noong 15 Setyembre 1898, ipinarada ang mga

prayle sa publiko. Sa kahihiyan, nagtago sa mga payong ang dating mga

makapangyarihang tao sa Pilipinas.62 Bihag ang mga prayleng ito ng hukbong Pilipino

mula Hagonoy hanggang sa makarating ang sentro ng Republika sa Nueva Ecija,

Pampanga, Tarlac, Pangasinán, llocos, hanggang sa Cervantes, Lepanto (ngayo’y bahagi

ng Ilocos Sur) kung saan pinalaya ang mga ito noong 4 Disyembre 1899. 63 Hindi naman

pinalad ang kura ng San Fernando na si Padre Redondo sapagkat binitay siya sa Magalang,

Pampanga noong 30 Marso 1899.64

59 
“Manuel S. Tinio (1877-1924).” Sa National Historical Institute, Filipinos in History (Maynila: National
Historical Institute, 1990, Tomo 2.
60 
NLP, “Acta levantada,” ibid.; Pí y Margall at Pí y Arsuaga, Historia de España, Tomo 7, 1111; Ría-Baja, El
Desastre, 107-10; Fermin Sanjulian, “Mga Gunita ng Isang Paring Bihag sa Bulakan, 1898,” sa Mary Jane B.
Rodriguez, pat. Kongreso ng Malolos (Malolos, Bulacan: Samahang Pangkasaysayan ng Bulacan, Inc., 1898),
37-8; Lino L. Dizon, An Epistle of a Friar-Prisoner, 1898-1900 (Lungsod ng Angeles: Juan D. Nepomuceno
Center for Kapampangan Studies, Holy Angel University).
61 
Toral at Toral, El Sitio de Manila, 221.
62
Dizon, An Epistle, 21.

63
Perez, Catálogo, 586.

64
Ibid., 510.

273
Maduming Politika ng Himagsikan sa Pampanga

Pagkaraang mapaalis sa Pampanga ang mga Espanyol, trinabaho naman ng mga

Pampango ang pag-oorganisa nila sa sarili bilang lalawigang kumikilala sa Pamahalaang

Panghimagsikan. Noong 26 Hunyo 1898, dalawang araw bago tuluyang umalis ang mga

Espanyol sa Pampanga, nagtagpo sa San Fernando ang mga kinatawan ng mga bayan ng

lalawigan—liban sa Macabebe—upang pormal na hirangin si Hizon bilang Gobernador

Político-Militar at ang pagkilala sa kaniya bilang kinatawan ni Aguinaldo sa lalawigan.65

Ito ang simula ng pagkontrol ng tinatawag ni Hizon na “una entidad respectable” at may

“influencia moral,” samakatuwid isang oligarkiya ng uring principalia. Isang fiesta real

ang isinagawa sa Pampanga noong 3 Hulyo 1898 upang ipagdiwang ang tagumpay ng

Himagsikan sa lalawigan.66

Ngunit noong 6 Hulyo 1898, nabaliwala ang pagtitipon sa San Fernando dahil si

Hilario ang itinalaga ni Aguinaldo upang maging gobernador civil ng Pampanga.67

Ipinagkatiwala ng Pamahalaang Panghimagsikan kina José Alejandrino ng Arayat (na

nakabalik na mula Hong Kong) at Francisco S. Dizon ang pag-oorganisa sa mga

pamahalaang bayan ng Pampanga. Isang maaaring salik sa pagiging gobernador ni Hilario

ng Pampanga ay si Leandro Ibarra ng Lubao. Utang ni Ibarra kay Hilario ang buhay niya

nang magkahulihan noong 1896. Sa Pamahalaang Panghimagsikan, itinalaga ni Aguinaldo

65 
Dean Conant Worcester, The Philippines Past and Present (New York: The Macmillan Company, 1914),
105; Taylor, The Philippine Insurrection, Tomo 3, 69.
66
UPDML, “A. Serrano’s History of Betis,” 25.

67 
Ibid.

274
si Ibarra bilang kalihim ng Secretaria de Interior na tagapangasiwa sa mga pamahalaang

lokal. Nawala ang Pampanga kay Hizon dahil sa paninira sa kaniya ng mga tinawag niyang

“ambiciosos y hasta descontentos” (‘ambisyoso at maging ang mga ayaw sa kaniya’).68

Hindi man niya direktang pinangalanan, dismayado si Hizon kina Torres at Bonzon (mga

“descontentos”) na nag-akusa sa kaniya ng kapabayaan sa Macabebe at insubordinasyon.

Nauwi pa ang akusasyon sa paglilitis sa kaniya ng korte militar sa Cavite noong 8 Hulyo

1898. Hindi rin nakaligtas sa pasaring si Hilario (“ambiciosos”) na siniraan si Hizon kay

Torres na nakikipagsabwatan sa Macabebe.

Tinanggal din kay Hizon ang Comandancia ng Pampanga at ibinigay ito kay Hen.

Tomas Mascardo, isang Caviteño. Tila hindi kinilala ni Aguinaldo ang pagkakaroon ng

Comandancia ng buong Gitna at Hilagang Luzon sa ilalim ni Hizon dahil wala ito sa distrito

ng Hukbong Mapaghimagsik. Ibinaba rin ang ranggo ni Hizon sa koronel mula sa pagiging

heneral na ibinigay sa kaniya ni Makabulos. Gayundin, kung kailan tapos na ang operasyon

sa Macabebe, doon lang dumating ang mga armas at kanyon sa Pampanga mula Cavite na

hiniling ni Hizon.69 Tinatayang 600 manghihimagsik naman ng Cavite, na naiwan pa sa

Macabebe pagkaraan ng bakbakan ang nangagutom, dala na rin ng kautusan ni Hizon sa

pamamagitan ni Joaquin na gutumin ang mga taga-Macabebe simula 16 Hunyo 1898.70

Nasa ilalim ni Bonzon ang Macabebe.

68
NLP, “Hojas de Servicio de Maximino Hizon,” 20-1.

69
NAP, “Don Cecilio Martinez Alava’s Manuscrito, Manila, 16 de Julio 1898.” Cuerpo de Vigilancia de Manila,
Manuscrito B-43, Informe No. 8.
70
NAP, “Don Antonio de Muniain’s Manuscrito, Manila 22 de Julio 1898.” Cuerpo de Vigilancia de Manila,
Manuscrito B-21, Informe No. 72.

275
Ang pagbabago sa lideratong sibil at militar ng Pampanga ay pagbaliwala ni

Aguinaldo sa pagtalaga ng Comité Central Directiva ni Makabulos kay Hizon bilang

gobernador ng Pampanga, na nangyari sa panahong nasa pagkakapatapon pa sina

Aguinaldo sa Hong Kong. Pagbaliwala rin iyon sa pagkilala ng mga manghihimagsik at ng

mga kumalas na mga Pampangong voluntario (liban sa Voluntarios de Macabebe) para sa

kilusang panghimagsikan sa awtoridad ni Hizon bilang kumandante ng hukbong

panghimagsikan sa Pampanga taglay ang titulong Comandante ng Gitna at Hilagang Luzon

kaugnay ng pagkubkob niya sa tanggapan ng Comandancia ni Monet sa San Fernando.

Gayundin, ang aksyon ni Aguinaldo ay pagbaliwala rin sa kumpirmasyon sa San Fernando

ng kinatawan ng mga bayan ng Pampanga noong 26 Hunyo 1898 sa awtoridad ni Hizon sa

Pampanga bilang gobernador político militar.

Estratehikal ang paglalagay ni Aguinaldo sa dalawang Caviteño sa Pampanga (i.e.,

Mascardo, Bonzon) at sa isang principal na Pampango na kapalagayang loob niya (i.e.,

Hilario), upang masigurong kontrolado niya ang Pampanga. Sa pagbabagong ito sa liderato

ng Himagsikan sa Pampanga, muling naging sentro ng atensiyon sa Bacolor na ilang

linggong naibaling sa San Fernando. Kaya ng San Fernando na pangatawanan ang pagiging

sentro ng Pamahalaang Panghimagsikan sa Pampanga, ngunit sa Bacolor pa rin napili ni

Hilario na mag-opisina, kahit tupok na ang Casa Real. Sa pahintulot ni Padre Maximo

Biron, kurang sekular ng Bacolor, naging tanggapan ng pamahalaang panlalawigan ang

Kumbento ng Simbahan ng Bacolor.71 Bahagi ito ng “pamanugaling Bacolor” (Bacolor

71
Hilario-Lacson, Kapampangan Literature, 397.

276
Complex) na ang sentro ng uniberso ng mga Pampango at ng etnikong Kapampangan ay

ang Bacolor.

Noong 1 Agosto 1898, dumalo ang mga presidente ng mga bayan ng Pampanga—

kabilang ang Macabebe—sa pagtitipon ng malalayang bayan ng Pilipinas sa kabisera ng

Pamahalaang Panghimagsikan sa Bacoor, Cavite.72 Pinagtibay doon ng mga presidente ang

kalayaan, alinsunod sa plano ni Mabini. Makalipas ang dalawang araw, naglabas ng

talumpati si Aguinaldo hinggil sa pagtitibay ng kalayaan ng Pilipinas. Sa naturang

talumpati, binansagan niya ang lalawigan na “ang maligayang Capangpañgan.”73

Noong 13 Agosto 1898, kinumpirma naman ni Aguinaldo ang pagkakatalaga ng

walong gobernador sa unang walong lalawigang nakalaya na, kabilang ang Pampanga:

Maynila : Ambrosio Flores


Cavite : Ladislao Diwa
Bulacan : Segundo Rodrigo
Batangas : Manuel Genato
Laguna : Escalastisco Salandanan
Pampanga : Tiburcio Hilario
Nueva Ecija : Felino Kahucom
Bataan : Pedro de Leon74

72
NLP, “Acta, Bacoor, 6 Agosto 1898.” Philippine Revolutionary Records, SD82.6, 1-8.

73
NLP, “Talumpati na isinaysay nang Presidente M. Emilio Aguinaldo at Famy sa Cavite Viejo ng̃ 3 ng̃ Agosto
ng̃ 1898.” Philippine Revolutionary Records, Reel No. 5, LR 22, 8.
74
Felipe G. Calderón, Mis Memorias sobre la Revolución Filipina: Segunda Etapa (1898 á 1901) (Maynila:
Imp. de El Renacimiento, 1907), 100.

277
Sa araw ding iyon, binigyan ni Aguinaldo si Hizon ng isang espesyal na misyon:

tumulong sa pagpapabagsak sa mga Espanyol sa Intramuros. Mga manghihimagsik ng

Arayat ang hawak ni Hizon. Hindi naman sila nakasabak sa pagpapabagsak dahil nautakan

sila ng mga Amerikano: isinara ang mga tarangkahan ng Intramuros at hindi pinahintulutan

ang mga Pilipino na makapasok. Sa mga Amerikano sumuko ang mga Espanyol. Bumalik

sa Pampanga si Hizon at ang kaniyang kumpanya ng Arayat noong 12 Setyembre 1898.

Pagbaligtaran ng Uring Principalia sa Pampanga

Karakaraka mang nagbago ang lideratong sibil at militar sa Pampanga, nanatili pa

rin ang oligarkiya ng uring principalia. Nakakagulat ang tulong na ibinuhos ng mga

Pampangong uring principalia sa administrasyong Aguinaldo sa Pampanga, gayong kung

babalikan ang panahon bago ang Hunyo 1898, marami sa kanila ang nanahimik o kung

hindi man ay sumuporta sa mga Espanyol.

Noong nakaamba ang pag-atake nina Torres at Bonzon sa mga Espanyol na nasa

Macabebe, sa mansyon ni Dr. Joaquin Gonzalez sa Sulipan, Apalit plinano ang pag-atake.

Ang kaanak naman niya na si Matea Rodriguez vda. de Sioco, vda. de Arnedo-Cruz ng

Sulipan sa kaniyang maybahay na si Doña Florentina Sioco y Rodriguez ay sinasabing

tinustusan ang pangangailangan ng mga manghihimagsik sa Apalit at binuksan ang

278
kaniyang mansyon upang maging himpilan.75 Pinalaya naman ni Aguinaldo ang kaanak

nilang si Buencamino noong 9 Hunyo 1898 at naging matinding tagasuporta siya ni

Aguinaldo sa Pampanga.76 Ayon naman sa 1953 HDP ng Apalit, ang isa pang kamag-anak

ng mga principal ng Sulipan na si Don Joaquin Arnedo Cruz, dating gobernadorcillo ng

Apalit at tubong San Vicente, Apalit ay sinasabing maraming nailigtas na buhay dahil sa

“tamang pakikipagsabwatan” (“proper collaboration”) niya sa mga Espanyol at dala na rin

ng impluwensiya niya sa lipunan.77 Tanyag na si Arnedo Cruz bago pa ang Himagsikan,

dahil sa kaniyang mansyon sa tabi ng Rio Grande na binansagang La Sulipeña. Nag-ari

siya ng daan-daang mamahaling porselang pinggang buhat pa sa Paris, likha ng Ch.

Pillivuyt & Cie, na may mga pasadya pang monogram na “MS” (inisyal ng pangalan ng

kaniyang maybahay na si Maria Sioco) at “Sulipan.” Maging ang mga Baccarat na

pinggang kristal nila at mga Christofle na kubyertos ay may mga pasadya ring ukit na “MS”

at “Sulipan.” Kabilang sa malimit nilang mga bisita ay ang mga gobernador-heneral,

arsobispo ng Maynila, matataas na opisyal ng mga ordeng relihiyoso, mangangalakal,

maging ang Duke ng Edinburgh (1869), ang Hari ng Cambodia na si Norodom (1872), ang

anak ng Tzar ng Rusya na si Alexis Alexandrovich (1891), at si Rizal bago ipatapon sa

Dapitan (1892). Noong kasagsagan ng Himagsikan, may pumasyal pa sa La Sulipeña na

prinsipe, di umano, ng Imperyong Hapon. Upang ipakita ang yabang ng angkang ito ng

Sulipan (na maaaring ebidensiya ng pakikisangkot ng pamilya sa umuugong na

75
Andrez Gonzalez, “Familia Arnedo de Sulipan, Apalit, Pampanga, 19 August 2006,” personal na tala na
sinipi sa Catacutan, Ing Pisamban, 181-2.

76
Togores y Saravia, Blockade, 61-2.

77
NHCP, “Apalit HDP,” 31.

279
pakikisimpatya ng mga Hapon sa Himagsikan), iniitsa sa Rio Grande ang lahat ng ginamit

na pinggan.78 Dalawa ang bahay ng mga Arnedo na naaalala ng matatanda noong 1953 (at

naitala sa HDP ng Apalit) kung saan isinasagawa ang malalaking pagtitipon at kainan

noon.79

Noong 15 Setyembre 1898, binuksan sa Simbahan ng Barasoain, Bulacan ang

Kongresong Panghimagsikan. Tatlo sa aktibong kinatawan ng Congreso ay mula sa uring

principalia ng Pampanga: si Dr. Joaquin Gonzalez ng Apalit na halal na kinatawan ng

Pampanga; si Cecilio Hilario, kapatid ni Tiburcio Hilario at itinalaga ni Aguinaldo na

kinatawan ng Camarines Sur; at ang kontrobersyal na si Buencamino.80 Hindi man mga

dugong Pampango, maimpluwensiya pa rin sa Pampanga sina Gonzalez (na tubong

Baliuag, Bulacan) at Buencamino (isinilang sa San Miguel de Mayumo, Bulacan) dahil na

rin sa nakapangasawa sila ng mga miyembro ng uring principalia ng Pampanga. Naging

tuntungan nila ang pakikisangkot sa galaw ng Himagsikan sa Pampanga upang magkapapel

sila sa pambansang pamahalaan ni Aguinaldo. Noong 19 Oktubre 1898, pinasinayaan sa

Simbahan ng Barasoain ang unibersidad ng pamahalaang Pilipino, ang Universidad

Literaria de Filipinas. Si Joaquin ang napiling unang rector nito.81 Si Buencamino naman

ang dahilan kung bakit mismong si Aguinaldo ay nilabag ang pinakapundamental na

batayan ng Pamahalaang Panghimagsikan—ang dekreto ng 23 Hunyo 1898, na dinisenyo

78
Cf. Sawyer, The Inhabitants, 245; Gonzalez, “Familia Arnedo,” 182.

79
NHCP, “Apalit HDP,” 42.

80
Cf. Worcester, The Philippines, Tomo I, 261.

81
Guevarra, ed., The Laws, 58; Manuel Artigas y Cuerva, La Civilización Filipina (Maynila: Imprenta Sevilla,
1912), 90; Artigas y Cuerva, Galería de Filipinos Ilustres, 252, 362.

280
ni Mabini: isinulat ni Buencamino ang talumpati ni Aguinaldo sa pagbubukas ng Kongreso

sa Barasoain at binanggit na hinihimok ng pangulo ang mga kongresista na sulatin ang

konstitusyon ng Pilipinas, bagay na wala sa kapangyarihan ng Kongreso batay sa dekreto.

Bagaman hindi nakalagda, isa si Cecilio Hilario sa mga aktibong kinatawan na

lumikha sa Konstitusyon ng Pilipinas.82 Kabilang din si Hilario sa mga nagpasok ng

probisyon na sumiguro sa paghihiwalay ng simbahan at estado—ang probisyon na

hanggang sa kasalukuyan ay taglay ng konstitusyon ng Pilipinas.83

Nagbago ang ihip ng hangin nang umani ng tulong si Aguinaldo mula sa uring

principalia ng Pampanga. Gayong sa kaniyang sariling gunita ng Himagsikan ay hindi niya

binanggit ang Pampanga na isa sa mga unang probinsya na sumama sa Himagsikan mula

1896-1897,84 isinama ni Aguinaldo ang Pampanga sa talumpati niya sa ratipikasyon ng

Kongreso sa proklamasyon ng kalayaan ng Pilipinas noong 29 Setyemebre 1899 sa

Barasoain: kinilala niya ang Pampanga bilang isa sa “ualong guhit nang banaag na taglay

ng sumisicat na araw (sa watawat)” at siyang “bumalisa at biglang nagbigay ng liuanag sa

Sangcapuluan” noong Agosto 1896.85 Sa naturang okasyon ng ratipikasyon ng kalayaan ng

Pilipinas, mga kusinero ng La Sulipeña ang nagluto.

82
Tingnan ang mga debate sa konstitusyon sa Calderon, Mis Memorias, 29-31, 36, 38.

83
Calderon, Mis Memorias, 28-9.

84
Aguinaldo, Mga Gunita, 319.

85
Bautista, Ang Malulos, ibid.

281
Sinikap din ng mga Pampango na buuin ang kanilang papel sa paghahangad ng mga

Pilipino sa isang malaya at nagsasariling Pilipinas. Sa ilalim ng liderato ni Hilario bilang

gobernador ng Pampanga, ipinawasak niya ang monumento sa Bacolor para kay Simon de

Anda y Salazar, ang itinuring na “el héroe de fines del siglo pasado” (‘ang bayani nang

huling bahagi ng nagdaang siglo’) na itinayo noong 1853,86 upang ang mapakikinabangang

parte ng monumento ay ipantayo ng bantayog para kay Rizal, ang bayani ng Himagsikan

nang huling bahagi ng ika-19 na siglo.87 Dating nakatayo ang naturang monumento sa

pagitan ng Simbahan ng Bacolor at ng mismong bahay na tinuluyan ni Anda noon sa

Bacolor sa kasagsagan ng pananakop ng mga Briton sa Maynila mula 1762-1764.88 Sa

dokumentasyon ng Amerikanong Thomasite na si Luther Parker, isang krus ang dating

nakatayo sa pinagtayuan sa monumento para kay Anda. Noong 1909, ginawa namang

palengke ang pinagtanggalan sa monumento para kay Anda.89 Ang pagwasak sa

monumento para kay Anda ay tila ekspresyon iyon ng tuluyan pagputol sa anumang

kaugnayan ng mga Pampango sa pagtatanggol sa interes ng mga Espanyol. Ang dating

iginagalang na monumento ay sinasabing inaapak-apakan na lamang papasok sa Escuela

de Artes y Oficios de Bacolor (ngayo’y Don Honorio Ventura Technological State

University) ang mga bahaging marmol mula sa ginibang monumento. Natabunan naman

86
“Un Monumento a Don Simon de Anda y Salazar.” El Oriente, 5 Marso 1876, 5.

87 
UPDML, “Luther Parker’s Some Notes in Pampanga (ca. 1911).” Luther Parker Collection, Document No.
248, Folder No. 43, Box No. 2, 8; UPDML, “Parker’s Note: Tiburcio Hilario commanded the statue of Anda
to be destroyed.” Luther Parker Collection, Document No. 860, Folder No. 239, Box No. 10.
88
Tungkol sa lokasyon ng ginibang monumento sa tapat ng bahay na tinuluyan ni Anda, cf. “Un
Monumento,” ibid; tungkol naman sa lokasyon nito sa tapat ng Simbahan ng Bacolor, Cf. UPDML, “Notes
on History of Bacolor by Luther Parker.” Luther Parker Collection, Document No. 860, Folder No. 239, Box
No. 10, 2.

89
UPDML, “Notes on History of Bacolor,” 1.

282
ang mga marmol na iyon nang gawing granite ang harapan ng eskuwelahan at nang

sementohin pa iyon kalaunan noong 1907 nang maging punong guro si Parker. Bacolor

Trade School na noon ang tawag sa nasabing eskuwelahan sa ilalim ng administrasyon ng

mga Amerikano.

Kaugnay naman ng Escuela de Artes y Oficios de Bacolor, binuksan ito muli noong

2 Disyembre 1898 sa kabila ng pinsalang tinamo mula sa pagsunog dito ng mga Espanyol

ng abandonahin ng mga ito ang Bacolor. Tinaglay ng Escuela de Artes y Oficios de Bacolor

ang bagong pangalang Instituto Zita y del Moral, alay sa “wala nang kamatayang alaala ng

mga kababayang (Pampango)” tagapagtatag ng paaralan na si Padre Juan Zita at unang

rector nito na si Padre Victor Dizon del Moral (“la resurrección gloriosa del malogrado

centro docente fundado por nuestros inmortales comprovincianos”).90 Ayon sa ulat ng

pahayagang El Heraldo de la Revolución, ang pagbubukas ng Instituto ay pagpapatuloy sa

makabayang simulain ng dalawang pari (“cuya obra patriótica se propone continuar, a la

sombra de las conquistas realizadas por el pueblo Filipino, el naciente Instituto”). Sila ang

kauna-unahang mga dakilang Pampango (“los pampangos ilustres”) na ginawaran ng

naturang pagkilala ng pamahalaang Pilipino. Nasa direksiyon iyon ni Roman Valdez

Angeles, abogado na tubong Bacolor at isa sa pinakamatatalinong estudyante sa Maynila

nang kapanahunan niya.91

90
“Remitido.” El Heraldo de la Revolucion, 8 Disyembre 1898, 169-71.

91
Fidel Villarroel, José Rizal and the University of Santo Tomas (Maynila: University of Santo Tomas, 1984),
224.

283
Tuluyang Pagkasira ng Pangalan ng Macabebe

Lalong nasira ang pangalan ng Macabebe dahil sa panloloko ni Blanco kay

Aguinaldo noong 3 Hulyo 1898. Sa araw na iyon ay pinakawalan ng mga manghihimagsik

si Blanco upang magtungo sa Gobernador-Heneral para sa isang espesyal na misyon na

hindi naidokumento kung ano iyon. Ito’y sa kabila ng panawagan ng mga pinuno ng

Himagsikan na bitayin si Blanco. Katwiran ni Mabini, noo’y tagapayo ni Aguinaldo,

magagamit pa nila si Blanco upang makipag-usap sa Gobernador-Heneral, dahil si Blanco

lang naman ang alam nilang Pilipino na pakikinggan ng mga Espanyol.92 Pumayag si

Aguinaldo sa paniwalang nais lamang ni Blanco na makita ang pamilya nito at babalik muli

ng Cavite bilang bihag (“concedido permiso para que venga á ver su familia bajo de honor

de que volverá á constituirse prisionero”).93 Hindi na bumalik si Blanco sa Cavite.

Nabihag ng mga manghihimagsik si Blanco noong 30 Hunyo 1898, ang araw kung

kailan naharang sa Look ng Maynila ng U.S. Asiatic Squadron ang Leyte. Agad na sumuko

sa mga Amerikano ang mga lulan nito, kasama si Blanco at ang kaniyang Voluntarios de

Macabebe.94 Sinikap ng mga Espanyol sa Intramuros na hilingin kay Dewey na palayain

kahit ang mga opisyal nila na sina Sostoa at Dujiols, na dininig naman. Agad na iniulat ni

Dujiols sa Gob. Hen. Augustin ang kalagayan ng iba pa nilang kasamahan na nasa laot pa.

(Nagpadala ang Gobernador-Heneral ng sasagip, ngunit huli na dahil nadakip na ng

92 
Belén Pozuelo Mascaraque, “Los Estados Unidos, Alemania y el desmantelamiento colonial español en el
Pacifico: El caso de las Marianas.” Anales de Historia Contemporánea 14 (1998), 158.
93 
“The Fall of Manila: Excerpts from a Jesuit Diary, 21 April 1898 to 7 February 1899.” Philippine Studies
37:2 (1989), 207; Toral at Toral, El Sitio de Manila, 228-9.
94 
Aguilar, “Rendición de Marianas,” 77.

284
puwersa ni Torres ang mga natitirang Espanyol sa Hagonoy.) Pinayagan naman ng mga

Amerikano si Blanco na sulatan niya ang kaniyang ama (at sa pamamagitan ng sulatan nila

ay nakakakuha ng balita ang mga Espanyol hinggil sa mga Amerikano). 95 Hindi natapos

ang araw, bilang tanda ng ‘pakikipagkaibigan,’ isinalin ni Dewey sa kinatawan ni

Aguinaldo sa Cavite na si Benito Legarda, Espanyol na koronel at kalauna’y kongresista

sa Barasoain, ang mga nadakip na Espanyol at Voluntarios de Macabebe. 96 Ikinulong ang

mga Espanyol at Voluntarios de Macabebe sa San Felipe Neri.

Sa kabilang banda, may isang Espanyola na nakasaksi sa paglilipat sa mga bihag.

Agad itong nagtungo sa Maynila at iniulat na papatayin na ng mga Amerikano ang mga

bihag. Pumagitna lamang daw si Aguinaldo at hiningi ang mga bihag upang magamit na

kapalit sa pagkuha sa Intramuros.97 Isa lamang ito sa mga pambihirang balita noong

Himagsikan mula sa Cuerpo de Vigilancia de Manila.

Mabuti na lamang, noong 5 Hulyo 1898, kinuha muli ni Dewey kay Aguinaldo ang

mga bihag na Espanyol at Voluntarios de Macabebe; dahil kung nagkataon, ang mga ito

ang pagbubuntunan ng galit ng mga manghihimagsik dahil sa panloloko ni Blanco. 98 Mas

nanaisin pa di umano nilang bihagin ng mga Amerikano kaysa ng mga Tagalog. 99 Noong

95
NAP, “Don Juan Gomez’ Manuscrito, Manila, July 2, 1898,” Philippine Revolutionary Records, Manuscrito
B-48, Informe No. 34.
96 
Alonso, Defensa, 32; Pí y Margall at Pí y Arsuaga, Historia de España, Tomo 7, ibid.; María Dolores Elizalde
Perez-Grueso, mga pat., Imperios y Naciones en el Pacífico (Madrid: Asociación Española de Estudios del
Pacífico and Consejo Superior de Investigaciones Científicas, 2001), Tomo 2, 667; Aguinaldo, True Version,
26, 113; Toral and Toral, El Sitio de Manila, 228.
97
NAP, “Don Juan Gomez’ manuscrito,” ibid.
98 
Aguinaldo, True Version, ibid.
99 
Aguilar, “Rendición de Marianas,” 79.

285
29 Hulyo 1898, inilipat ng mga Amerikano ang mga bihag kay Augustín sa pamamagitan

ng Embahada ng Belgium sa Maynila.

Sa Pampanga, hindi matiyak kung epektibo pa ang utos ni Hizon, noong 16 Hunyo

1898, na hulihin ang sinumang taga-Macabebe at ipiit sa San Fernando. Walang malinaw

na tala kung may hinuli ngang mga taga-Macabebe sa Pampanga, bagaman sa ibang

lalawigan ay may naitalang mga bihag na taga-Macabebe. Sa San Isidro, Nueva Ecija, may

100 na bilanggong taga-Macabebe at tumanggap nang malulupit na parusa.100

Sa mismong bayan ng Macabebe, tumanggap ng pagsisikil ang mga tagaroon mula

sa mga manghihimagsik.101 Napaulat na binubugbog at iginagapos sa ilalim ng araw ang

mga taga-Macabebe.102 Nakiusap si Hilario noong 28 Hulyo 1898 na itigil na ang

pamamarusa.103

Isa sa mga umugong na sabi-sabi noon ay ang planong pag-ubos ni Hen. Antonio

Luna sa populasyon ng Macabebe dahil sa kawalan ng pag-ibig sa bansa. Agad na nagtungo

sa tanggapan ni Luna sa Malolos sina (Jose) Alejandrino at Macario Arnedo, principal ng

Apalit, upang pigilan ang balak nito sa mga taga-Macabebe. Kinumpirma mismo ni Luna

100 
Albert Sonnichsen, Ten Months a Captive among Filipinos (New York: C. Scribner’s Sons, 1901), 154-5.
101
Worcester, The Philippines, Tomo 1, 159; Brian McAllister Linn, “The US Army and Nation Building and
Pacification in the Philippines,”sa Armed Diplomacy: Two Centuries of American Campaigning ng US Army
Training and Doctrine Command and Combat Studies Institute (Fort Leavenworth, KA: Combat Studies
Institute Press, 2003), 85.
102
Worcester, The Philippines, Tomo 1, 161.
103
Ibid.

286
na walang katotohanan ang sabi-sabi at nagtungo pa ito sa Macabebe upang kalmahin ang

mga tao.104

Patuloy na Pagpurga ng Uring Principalia sa Santa Iglesia

Bukod sa mga uring principalia ng Pampanga, nabigyan din ng puwesto ni

Aguinaldo si Salvador sa Malolos bilang koronel ng Hukbong Mapanghimagsik—sa kabila

ng pagiging kakaiba ng lideratong mayroon ito bilang pinunong mistiko. Malinaw kay

Salvador na ang pakikiisa niya kay Aguinaldo ay para sa “ikasusulong ng ating linalayon”

at buhat pa noong “una’t una pa sa magandang hangad ng nagtatanggol [mula] sa

kaalipinan ng bayan,”105 kaya’t ipinakikiusap na:

…ipangako lamang ng Gobierno at Kag[alanggalang] na Presidente na ang lahat


ng aking kawal at mga kapatid (sa Santa Iglesia) ay magtatamo ng katahimikan na
hindi gagambalain kailan ma’t hindi gagawa ng laban sa mga kautusan upang kun
sila’y kailanganin sa alin mang araw… ay mangagsisisunod na maluag sa loob.106

Tiniyak ni Salvador kay Aguinaldo ang lubos niyang pagsuporta sa administrasyon

nito. Bagaman matanda nang ilang taon, “ama” ang turing ni Salvador kay Aguinaldo,

sapagkat ito ang nasa awtoridad.107 Ipinaabot din ni Salvador kay Aguinaldo na bagaman

mangmang siya at ang mga kasama sa Santa Iglesia ay tratuhin pa rin sila nang may dangal

104 
Alejandrino, The Price , 134-5.
105
NLP, “Kasaysayan,” 9.

106
Ibid., 8.

107
Ibid., 10.

287
at nang hindi pinaiikot ang isip. Nabanggit niya ito sa kaniyang paghahayag ng

pagkadismaya sa inasal ni Buencamino na tila sinasamantala ang kahinaan ng isip ng Santa

Iglesia upang may maipansabak lamang laban sa mga Amerikano. May “Señor” pa di

umanong nalalaman si Buencamino sa tabi ng pangalan ni Salvador, na lalong

ikinapanlumo ni Salvador dahil tila ginagamit lamang sila dahil may pangangailangan—

samakatuwid, inuuto.108

Ngunit sa ulat ni Salvador kay Aguinaldo noong 14 Enero 1899 sa Malolos,

napasabi na lamang siya sa pangulo na “nadudurog ang aquing pusô at wala naman akong

magawá… nitong ako’y nadedestino na sa Malolos” dahil sa “sunod sunod ang pagdating

nang mga babaye at bata na may taglay na manga kadaingan ayon sa mga agraviong

guinagaua sa kanila.”109 Patunay ito na patuloy na nakita ng masa si Salvador bilang

kakampi, lalo pa’t nasa Malolos siya kasama ni Aguinaldo. Ang popularidad ni Salvador

sa masa ay ipinaliwanag niya sa ulat kay Aguinaldo: “uala akong pinuhunan sa kanila kundi

ang magandang pakikisama at matamis na pangungusap lamang.”110 Kutob tuloy ni

Salvador: hindi kaya pinersonal di umano ng mga Pampangong pinuno ang kaniyang papel

sa paghihimagsik na sa una pa lamang, bagaman Tagalog siya, ay siyang “unang

nakapagtipon ng maraming kapampañgan na itinulong buhat sa una pang

panghihima[g]sik.” At kung magkaganoon man, “ang Tagalog, Yloco, Pangasinan at

108
Ibid., 9.

109
Ibid., 7.

110
Ibid., 7-8.

288
Visaya kaya ay iba pa ang pagka-Pilipino sa mañga Kapampañgan” upang makatulong sa

pagpapabilis ng pagbagsak ng mga Espanyol sa teritoryong Kapampangan o Pampango?111

Ayon sa ulat ni Modesto Joaquin, tauhan ni Hizon, sa San Fernando noong 19

Agosto 1898, hindi, di umano, nagustuhan ng umiiral na kapangyarihan sa Pampanga ang

paniniwala ng Santa Iglesia kay Rey Gavino (Cortes).112 Patay na noon pang Pebrero 1898

si Cortes ngunit pinangangambahan pa rin na mabuhay ang “partido Gabinista.” Kung

babalikan ang insidente sa Tabuyoc noong Enero 1888, binuwag ng pamahalaang Espanyol

ang Gabinista dahil sa pagiging separatista nito (i.e. nagdeklara ng sariling hari sa

Pampanga ang mga miyembro). Sa ilalim pa man din ng pamamayani ng Pamahalaang

Panghimagsikan, nangyari ang mga pagdakip, paggapos, pagtortyur, at pagkulong sa

sinumang sumapi sa Santa Iglesia.113

Ayon pa kay Salvador, masama ang tingin sa kaniya, at sa Santa Iglesia, ng mga

may katungkulan sa Pampanga. “Animong pamunoan ako ng tulisan” at kung “may

mangyari sa boong Kapampañganan na anomang gulo… ay wala nang ibang

p[inag]bibintangan kundi ang aking mañga kawal, na animo’y ang grupo ko’y grupo ng

tulisan,” banggit ni Salvador.114 Ibinahagi ni Salvador kay Aguinaldo na naiinsulto siya sa

tuwing tinatawag na tulisan ang Santa Iglesia. Magpapabaril na lamang, di umano, siya

111
Ibid., 10.

112
NLP, “Report of Modesto Joaquin, San Fernando, 19 August 1898.” Philippine Revolutionary Records,
Package No. 61, Enclosure No. 126, Reel No. 251, 304.

113
NLP, “Kasaysayan,” 3.

114
Ibid., 5.

289
“huag po lamang madingig na ang grupo ko’y grupo ng Tulisan,” banggit pa niya kay

Aguinaldo.115

Pinag-initan din sa Pampanga ang paraan ng pananampalataya ng Santa Iglesia:

Marami pang lubhá ang nangyayari sa mañga kapatid na napapasok sa aking


grupo na hindi matahimik sa kanilang hanap buhay palibhasa’y pinagtatakot,
pinipilit na sirain ang pananampalataya, binabaualan sa pagdadasal at iba’t iba
pang devociong ginagauá. Kun ang tawo kaya’y mawalan nang
pananampalataya, paano ang pagcasulong niya sa anomang magaling na
linalayon? Kun ang tawo ko’y ualang ginagauá kundi ang mag dasal lamang at
hindi tumatayó sa labanan ay hindi ko ñga daramdamin ang sila’y makainipan.116

Pahaging ni Salvador, “marami at malalaqui ang nagnanasang maglubog sa akin sa

provincia ng Kapampanganan… palibhasa’y nasa kanila ang dunong at yaman, at sa akin

ang kamangmañgan at karalitaán.”117 Sa kabila ng pagsuporta ni Salvador at ng Santa

Iglesia kay Hizon sa pagkubkob sa San Fernando noong Hunyo 1898, pinalitaw pa ng mga

dating tao ni Hizon—ang “mayayaman” (ayon kay Salvador) na sina Kabigting, Camaya,

at Dayrit mula sa uring principalia ng Arayat, Guagua, at San Fernando—na lumipat sa

poder ni Mascardo na kalaban ng pamahalaan ang Santa Iglesia. “Ibig nilang mag oficial

yata,” panunuya ni Salvador.118 Dagdag pa niya:

Bakit kayá kung ibig nilang mag oficial ay hindi sila muha ng ibang tawong
walang compromiso, ó kundili kayá at wala na silang makuhá, ay tumulong sila

115
Ibid., 7.

116
Ibid., 6.

117
Ibid., 7, 8.

118
Ibid., 3.

290
sa ibang paraán sa ika lalayá ng ating guiliw na Filipinas, gaya baga ng sila’y
gumugol ng salapi sa anomang kailangan ng Gobierno, yamang sila’y
mayayaman at huag nilang ligaliguin ang manga mahirap na nananahimik?

Ang mga taong “malalaqui,” “mayayaman,” at “dating secreta pa sa mga Kastila”119

na ito sa Pampanga, wika ni Salvador, ay umabot na sa puntong “inuupa ang sa aki’y

pag[papa]patay” at “baka sakaling sa mga kadedestinuhan namin ay mapalaran nilang

mapatay ako.”120 Ang sundalo niya, halimbawa, na si Comandante Vicente Dayrit ay

“pinagsabihan at inodiokan” ni Koronel (Juan) Dayrit, tauhan ni Mascardo, na “ako’y

patayin at siya’y bibigyán nang kuarta.” Ikinulong ng Hukbong Panghimagsikan sa San

Fernando si Vicente Dayrit, bagaman nakatakas, at nasabihan agad si Salvador na siya’y

ipapapatay. Nakakatanggap na ng pambabanta sa buhay si Salvador, ngunit itong kay

Vicente Dayrit ang dahilan upang tuluyan na niyang lisanin ang Pampanga.121

Ang pagdulog ni Salvador kay Aguinaldo ay patunay na nananalig pa rin siya sa

magagawa nito upang matiyak ang kaligtasan ng mga pinagkakautangan niya ng loob—

ang mga “sundalo at kapatid” niya sa Santa Iglesia—na dumamay, naniwala, at sumama

sa kaniya.

Hindi naman kasimpalad ni Salvador ang sinapit ng kaniyang mga opisyal sa Santa

Iglesia na sina Gregorio Ordoñez, isang kapitan, Alipio Magat, isang tenyente, Luis

119
Ibid., 8.

120
Ibid., 8.

121
Ibid., 4-5.

291
Vergara, isang kalihim, at dalawa pang sundalo, na di umano’y ipinapatay mismo ni Hizon

nang “hindi liniming na maigui ang ibinuhat sa kanila.”122 Ikinasama ni Salvador ng loob

ang hindi man lang pagsangguni ni Hizon sa kaso ng kaniyang mga tao. Banggit pa ni

Salvador, nagtungo siya sa Cavite upang idulog ang kaso ngunit hindi siya pinansin.

Ikinagulat pa, di umano, ni Salvador na “naguing Coronel pa ang nagpapatay,” isang

indikasyong ng panahon na nangyari ang pagpatay noong Agosto 1898, panahon kung

kailan kinasuhan si Hizon sa Bacoor at pinawalang bisa rin kalaunan at hinirang pang

koronel ng Hukbong Panghimagsikan.

Ngunit ang lalong nakakaintriga sa lahat ng paratang ni Salvador na pagpatay sa

kaniyang mga kasama sa Santa Iglesia ay ang kaso ni Guillermo González ng Apalit. Itong

si Gonzalez, na dating hepe ng Voluntarios de Apalit, ang nagpasimula ng paglaban ng

mga Pampango sa mga Espanyol noong 19 Pebrero 1898. Kasama ni González, na

ipinapatay sa Apalit, ang isa pang Santa Iglesia na nagngangalang Juan Manlapaz. Tulad

ng inakusa kay Salvador ng mga uring principalia sa Apalit noong Pebrero 1898, “nañgag

aabuso” di umano sina González at Manlapaz. Ginapos muna sila, isinakay sa kasko, initsa

sa Ilog Pampanga, at nang lumitaw ay saka binaril. “Pinagkaisahan ñg mañga pinuno” ng

Apalit na patayin at “guinawa nila ang sariling kapangyarihan at sinentenciahan agad,”

paratang ni Salvador. Ang mga kilalang pinuno ng Pamahalaang Panghimagsikan sa

panahong iyon sa Apalit ay sina Buencamino, bayaw niyang si Joaquin Arnedo, at si Dr.

Joaquin Gonzalez, kinatawan ng buong Pampanga sa Kongresong Panghimagsikan sa

Barasoain—lahat ay mga uring principalia. Gayunpaman, may itinuro si Salvador na

122
Ibid., 1.

292
verdugo ng Apalit: isang nagngangalang Ysidoro Lugui, isang panday, kilalang lasenggo

at tiktik ng Pamahalaang Espanyol na naging opisyal pa ng Pamahalaang Panghimagsikan.

Sa Tulaoc, Apalit, binaril ni Lugui ang dalawang sundalo ng Santa Iglesia na

nagngangalang Macario Manalastas at Quintin Cunanan, hatinggabi ng unang linggo ng

Enero 1899.123 Ito ring Lugui na ito ang umaresto sa mag-asawang Ygnacio at Maria Cortes

ng Apalit—maaaring kamag-anak ni Gavino Cortes—matapos ang insidente sa Tulaoc.

Dinala ang mag-asawa sa San Fernando at doo’y binantaan sila ni Mascardo na mag-ingat

kay Salvador, na noo’y nasa Malolos at naglilingkod kay Aguinaldo, dahil masama di

umanong tao iyon.124

Liban sa insidente ng tila pagpurga sa mga Santa Iglesia, iniulat din ni Salvador kay

Aguinaldo ang panghihiya sa kaniyang mga kasama sa publiko. Sa Apalit muli, pinalakad,

di umano, sa kabayanan ang kababaihang kasapi ng Santa Iglesia habang sinasambit ang

mga katagang “huag ninyó kaming pamamarisan.”125

Isa pang akusasyon ni Salvador kay Hizon ay ang pangangamkam sa sinasakang

lupa ng mga kasapi ng Santa Iglesia doon sa Floridablanca dahil lamang hindi sila nakapag-

abot ng tong o ambag na salapi sa Himagsikan.126

123
Ibid., 1-2.

124
Ibid., 3.

125
Ibid., 2.

126
Ibid., 1.

293
Naniniwala si Salvador na pinaiikot ng mga nakapaligid kay Mascardo ang ulo nito

kung bakit masama ang tingin nito sa kaniya at sa Santa Iglesia. “Ysang araw,” ayon kay

Salvador, “pinagbilinan ako ni Gral. Mascardo na ilista ang lahat kong mañga tawo at

bibiguian niya ng Fuerza.” Ngunit laking gulat ni Salvador na ginamit pala ang listahan na

iyon upang tugisin ang mga Santa Iglesia. Nadamay ang mga ito sa pagdidiin kay Salvador

na nagtatatag ng isang bagong partido na banta di umano sa pamahalaan. May isang walang

petsang dokumento sa Philippine Revolutionary Records na katatagpuan ng mga pangalan

ng mga Pampango na hinuli dahil lamang miyembro sila ng Santa Iglesia. Kapansin-pansin

na ang mga ito ay mga tao sa mga bayan na aktibo ang Santa Iglesia, mula 1887:127

Ngalan at Appelidos Edad Estado Bayan Barrio


1. Lorenzo Bansali 35 Casado Macabebe San Juan
2. Benito Bansali 27 Soltero Macabebe San Juan
3. Francisco Lacsamana 26 Soltero Macabebe San Juan
4. Pedro Sicat 49 Casado Macabebe San Juan
5. Florentino Pañgilinan 23 Soltero Macabebe San Juan
6. Toranino Pajardo 18 Soltero San Simon San Pablo
7. Manuel Gatsalian 18 Soltero San Simon San Pablo
8. Cirilo Suñga 25 Soltero San Simon San Pablo
9. Torerico Yabut 18 Soltero San Simon San Pablo
10. Ambrocio Palillo (Panlillo?) 34 Casado San Simon San Pablo
11. Domingo delos Santos 29 Casado Minalin Sta. Maria
12. Proceso Medina 25 Soltero Minalin Sta. Maria
13. Venacio Baluyut 28 Soltero Minalin Sta. Maria
14. Juan Sichon 34 Soltero Minalin Sta. Maria
15. Faustino Yambao 17 Soltero Minalin Sta. Maria
16. Ambrocio Canlas 35 Casado Sto. Tomas San Matias
17. Tomas David 41 Casado Sto. Tomas San Matias
18. Basilio Tungol 26 Soltero Sto. Tomas San Matias
19. Eustaquio David 19 Soltero Sto. Tomas San Matias
20. Mariano Pañgilinan 40 Casado Sto. Tomas San Matias
21. Raymundo Liñgat 23 Soltero Sto. Tomas San Matias
22. Juan Zapata 20 Soltero Sto. Tomas San Matias
23. Jasinto Canlas 20 Soltero Sto. Tomas San Matias
24. Lucas Gomez 18 Soltero Sto. Tomas San Matias

127
NLP, “Lista ñg mañga taong hinuhuli na napapasoc sa Grupo ñg Sta. Yglesia.” Philippine Revolutionary
Records, Package No. 301, Enclosure No. 70, Reel No. 546.

294
25. Severino Guivara 19 Soltero Sto. Tomas San Matias
26. Tomas Yco 20 Soltero Sto. Tomas San Matias
27. Juan Yco 18 Soltero Sto. Tomas San Matias
28. Juan Trinidad 29 Casado Sto. Tomas San Matias
29. Guillermo Manaloto 21 Soltero Sto. Tomas San Matias
30. Esteban Cabigting 17 Soltero Arayat Polintang
31. Baltasar Saclao 40 Casado Apalit San Vicente
32. Mariano Gambua 40 Casado Sta. Ana Sta. Maria
33. Maximo Garcia 35 Casado San Luis San Nicolas
34. Juan Caú 54 Casado San Luis San Nicolas
35. Valentin Caú 23 Soltero San Luis San Nicolas
36. Efipania Torres 38 Soltera San Simon San Ysidro
37. Cristina Bundoc 29 Viuda San Simon San Ysidro
38. Josefa Olegario, Maestra Soltera
39. Vicenta Dueñas Soltera
De Apalit y radicadas en Sta. Ana
40. Ysidra Dueñas Soltera
41. Fabiana Soltera
42. Kapitan Vicente Dairit 36 Casado Santo Tomas San Matias
43. Teniente Juan Gamboa 38 Casado Sta. Ana Sta. Maria

Kung susuriin ang listahan, hindi lamang mga pangkaraniwang Pampango ang

miyembro ng Santa Iglesia. Ilan sa mga ito ay mga guro at opisyal ng pamahalaang lokal.

Mayorya sa kanila ay bahagi ng klase sa lipunang Pampango na tinukoy ni Hizon bilang

“clase media” at “plebeya” na dapat pamunuan ng oligarkiya ng mga “una entidad

respectable” at may “influencia moral.”

Nilinaw din ni Salvador na wala siyang personal na tampo kay Mascardo:

Si Gral. Mascardo ng bagobago pa sa San Fernando ay nakikita ang lubos na sa


akin ay paglingap; datapua’t nang matakpan na ang mata ng kaniyang katowiran,
palibhasa’y lagui siyang nakakausap ng mga naglulubog sa akin, ngayon ay
nahahalata kong wala na siyang pagkakatiwala sa akin. Kaya naman hindi ko siya
binibiguiyang sisi, pagkat hindi nga niya kasalanan ang siya’y madaig ng mga
nagbabalita ng aking kasamaan…128

128
NLP, “Kasaysayan,” 7.

295
Gayunpaman, tuluyang kumalas ang hukbo ng Santa Iglesia sa poder ng Hukbong

Panghimagsikan noong 14 Enero 1899, sang-ayon sa akta na nilagdaan sa Baliuag.129

Sinaksihan ito ng mga opisyal ng Hukbong Panghimagsikan sa Bulacan tulad ni Tenyente

Koronal Melecio Cárlos at ng kinatawan ni Aguinaldo na si Gregorio Ramos. Sang-ayon

sa akta,

Si G. Felipe Salvador at kaniyang mga Oficiales at tropa, bagama’t sila’y umalis,


ay hindi sila tumatalikod sa ating Gobierno at bagkus nilang pinapagtitibay ang
kanilang pangangayupapâ sa kapangyarihan niya at ng Kgg na Presidente G.
Emilio Aguinaldo at Famy.130

Pampanga tungo sa Pagsilang ng Isang Republika

Noong 23 Enero 1899, pinasinayaan ang Republica Filipina sa bisa ng konstitusyon

na binalangkas kasama ng mga Pampango. Ito ang tumuldok sa adhikain ng Himagsikang

Pilipino na magsariling ganap at siyang nagbigay ng legal na anyo sa pambansang

komunidad.

Ang hamon ngayon sa mga Pampango at sa mga Pilipino ay kung paano ito

paninindigan at ipaglalaban mula sa nakaambang bagong banta sa pambansang

komunidad: ang Digmaang Pilipino-Amerikano.

129
Ibid., 11.

130
Ibid.

296
IKAPITONG KABANATA

KONKLUSYON

Ang karanasan ng Pampanga noong Himagsikang Pilipino nang 1896-1899 ay

bantayog ng narating ng Himagsikan sa isang lalawigan: mapagpunyagi sa simula ngunit

walang pagbabago sa naghaharing uri, na nabigyan pa nang mas malalapad na papel,

kasabay ng paglalim ng hinanakit ng mga maralita’t magsasaka.

Ayon sa Amerikanong Thomasite at historyador na si Luther Parker, “mga

Pampango ang pinakamahirap masakop, ngunit nang masakop nama’y sila ang

pinakamatapat sa lahat ng katutubo at nanatili iyon sa loob ng tatlong daan at tatlumpung

taong pananakop ng mga Espanyol” (“the Pampangans being the most difficult to conquer,

but having been conquered became the most loyal of all the tribes and remained so during

the three hundred thirty years of Spanish domination”).1 Binigyan diin sa winikang ito ni

Parker ang balintunang papel ng mga Pampango ng Macabebe na sa simula ay banta sa

pananakop ng mga Espanyol sa Luzon noong 1571 at sa huli ay naging tagapagtanggol ng

interes ng mga Espanyol noong 1898. Dalawa ito sa kabalintunaan sa kasaysayan ng

Pilipinas na magandang sulatin, ngunit sa historikal na paraan at hindi romantikal.

1
UPDML, “Some Notes on Pampanga by Luther Parker,” Luther Parker Collection, Box No. 2, Folder No. 43,
Document No. 248, 4.

298
Ang paglikha ng mga Pampango ng pangalan bilang matatapat na sundalo, mula

nang tanggapin sila sa hukbong Espanyol noong 1603, ay isang kolektibong pagkilala sa

lahat ng mga Pampango at buong etnisidad ng Kapampangan; at hindi dapat mamonopolya

ng Macabebe, dahil lamang nailugar ang naturang bayan sa magkabilang dulo ng tatlong

siglong kasaysayan ng pananakop ng mga Espanyol, bilang mga mandirigma laban sa mga

naturang kolonisador at tagapagtanggol ng interes ng mga ito kalaunan. Walang batayang

historikal ang malaganap na romatisismo na bayarang sundalo (mersenaryo) at may

nagpapatuloy na tradisyon ng pagsusundalo sa bayan ng Macabebe. Walang tala na

nagsasabi na Macabebe ang naghandog ng pinakamaraming Pampangong sundalo sa

hukbong Espanyol upang sawatahin ang pag-aalsa ng mga Tsino noong 1603, maging

noong sinakop ng mga Briton ang Maynila at ilang parte ng Bulacan mula 1762 hanggang

1764. Wala ring nakita ang pag-aaral na ito na talang historikal na makapagsasabi sa bilang

ng mga sundalong naiprodyus ng Macabebe para sa iba pang operasyon at ekspedisyong

militar ng Espanya sa Asya-Pasipiko na kinasangkutan ng mga Pampango, tulad ng

pagbabantay sa mga tanggulang Espanyol sa Ternate at sa Formosa, o sa pagsakop at

Kristiyanisasyon ng Marianas.

Kung mayroon mang nagpapatuloy (consistent) na tradisyong militar ang

Macabebe, iyon ay nagsimula hindi noong 1571 kundi nang dahil na rin sa mga pangyayari

noong Himagsikang Pilipino nang 1896-1899: mula sa pag-usbong ng mga Voluntarios de

Macabebe, na ang mga kasapi ay pawang may utang na loob sa pamilyang Blanco (na may

personal na galit kay Aguinaldo), at ng Macabebe Scouts na bunsod naman ng opresyong

dinanas ng mga taga-Macabebe sa ilalim ng mga opisyal ni Aguinaldo. Ayon sa isang

299
artikulo sa magasing Espanyol na Mar y Tierra noong 16 Hunyo 1900 sa Barcelona, itinaya

ng mga taga-Macabebe ang kanilang pangalan at dangal nang dahil sa “pagiging matapat

nila” kung kaya’t tungkulin ng isang mabuting Espanyol na sulatin ang isang kasaysayan

nang may simpatya at pagkilala sa alaala ng abang mga taga-Macabebe:

El pueblo de Macabebe puede asegurarse que ha sido victima de su fidelidad,


escribiendo en el libro de la historia una página que todo buen español debe grabar
tanto en su corazón como en su memoria.2

(Ang pagiging biktima ng mga taga-Macabebe ng kanilang pagiging


matapat ay tiyak na isang tala sa pahina ng aklat pangkasaysayan na dapat itimo
ng isang mabuting Espanyol sa kaniyang puso at alaala.)

Samantala, ang pagiging maimpluwensiya ni Salvador—na isang Bulakenyong

Tagalog—sa mga masang Pampangong Kapampangan, at ang pagkilala sa Pampanga sa

awtoridad ng Caviteñong Tagalog na si Mascardo ay nagpapawalang saysay sa mga

sapantahang ipinakalat ng mga Amerikano na may alitan sa pagitan ng mga etnisidad ng

mga Kapampangan at Tagalog. Saksi ang tatlong siglong kasaysayan ng Kapampangan sa

ilalim ng mga Espanyol upang kumpirmahin ang mga naglipanang sulating iyon ng mga

Amerikano.

Minamahalaga ng pag-aaral na ito ang papel ng kasaysayang lokal upang buwagin

ang mga mito at miskonsepsyon tungkol sa mga Pampango at sa papel nila noong

Himagsikang Pilipino nang 1896-1899, na mababasa sa iba’t ibang mga sulatin at mga

diskurso sa pambansang lebel. May mga detalye sa mga lokal na batis ng kasaysayan ng

2
“Los Macabebes en Barcelona,” Mar y Tierra, 16 Hunyo 1900, 318.

300
Pampanga na nangangailangan lamang ng balangkas at matiyagang pagsusuri upang

maihanay sa mga awtoritatibong mga batis.

SA KABILA NG PAGIGING unang katutubo na nagdeklara ng pakikidigma sa

pagdating ng mga Espanyol sa Luzon, instrumental ang mga Pampango sa pagkakaroon ng

hugis, anyo, at sukat ng tinatawag nating Pilipinas, bunga nang mahigit tatlong siglong

proseso ng pananakop, paggalugad, at pagpapalawak ng mga Espanyol sa Asya-Pasipiko.

Limitado ang bilang ng mga Espanyol upang panatiliin ang teritoryo ng Pilipinas, kaya’t

kinasangkapan ang mga katutubo ng Pilipinas upang ilayo ang teritoryo mula sa anumang

banta ng pananakop ng ibang kapangyarihan at mga pirata na nakapaligid dito; gayundin,

mula sa pagkawatawak-watak dulot naman ng pag-aalsa ng mga pangkat katutubo at buyo

ng mga banyagang kapangyarihan. Kapalit ng ilang daang taong paglilingkod sa hari ng

Espanya, pinaborang sakop (favored subjects) ang mga Pampango ng mga Espanyol at

hindi kaila na malaki ang dagok nito sa kanilang pagharap sa kapalaran na hindi na nila

mapigilan: ang kumawala sa Espanya at tumindig mag-isa, kasama ng mga pamayanang

kultural, sa teritoryo na tinawag na Pilipinas. Nariyan ang marubdob nilang pagyakap sa

Kristiyanismo na katumbas ng marubdob na pagsunod sa mga among at apu—prayle man

sila, paring sekular, o mga mistiko; at ang malapad na papel ng mga Pampangong uring

principalia sa larangan ng ekonomiya at politikang lokal, dahilan upang umunlad sila sa

buhay at ang mga anak nila ay makarating ng Europa, silang nagpasimula ng diwa ng

liberalismo sa Pilipinas.

301
Pansining katangian ng mga Pampango, noong Himagsikan, ang mataas nilang

pagkilala sa mga prayle. Noong proklamasyon ng kalayaan ng Pilipinas sa Mexico (1

Hunyo 1898), binigyan pa ng papel ni Hizon ang prayleng kinamumuhian niya na

nagpahirap sa kanila, si Padre Tarrero, na basbasan ang watawat ng Pilipinas. Kapansin-

pansin din ang hindi pagtugon ng mga sundalo ni Hizon na taga-Mexico at taga-Arayat sa

utos niyang barilin ang prayle dahil sa pagtanggi nito na basbasan ang watawat ng Pilipinas.

Ebidensiya rin maging ang pagseguro ni Lansangan ng Santa Ana na ligtas na

makakarating kay Hizon sa Mexico ang kura nilang prayle na si Padre Martinez. Hindi lang

ito limitado sa mga manghihimagsik. Binalaan mismo ni Don Juan Blanco si Monet na

makakalaban nito ang mga taga-Macabebe kung patatalsikin ang mga prayleng nagkubli

sa kumbento ng Macabebe at ipalit ay ang mga sundalong Espanyol. Kung tutuusin, simula

pa noong ika-16 na siglo, tinitingnan na ng mga Pampango ang mga prayle bilang kakampi

at tagapagtanggol, matapos nilang mawalan ng mga tinitingalang lider katutubo na tatayo’t

maninindigan sa kanila mula nang matalo sila sa Labanan sa Bangkusay. Salik ito sa

pagbuhay ng mga Pampango sa kesabian (kasabihan) magpahanggang ngayon na “aku ing

pari, aku ing ari”3 (‘ako ang pari, ako ang hari’) at “ya ing pari, ya ing ari”4 (‘siya ang

pari, siya ang hari’).

Sa panahon na kinailangan ng pamahalaan ang mga Pampango upang labanan ang

mga Tsino, Olandes, at Briton, at nang mag-alsa ang mga Pampango sa ilalim ni Maniago,

3
Romeo C. Cabusao, Candaba: Balayan ning Leguan (San Fernando, Pampanga: Romeo C. Cabusao, 2003),
6.

4
Lord Francis Musni, “Ya Ing Pari, Ya Ing Ari: Why Kapampangans Pamper their Priests.” Singsing 3:1 (2004),
39-40.

302
ginamit ng mga opisyal na Espanyol ang karisma ng mga prayle sa mga Pampango. Puna

ni Duc D’Alencon sa lipunang Pampango nang dumalaw siya roon noong 1870:

“itinuturing na hari” ang pari sa Pampanga sapagkat mula sa gobernadorcillo hanggang sa

pinakadukhang mamamayan ang lahat ay nagbibigay galang sa kaniya. 5 Ayon naman sa

Espanyol na opisyal na si Juan Alvarez Guerra, “mga panginoong piyudal” ang mga prayle

na bagaman walang posisyon ay namumuno.6

Hindi lamang limitado sa mga prayle ang paggalang ng mga Pampango sa isang

banal o pastol espiritwal. Popular ang kapatirang relihiyoso na Santa Iglesia sa mga

ordinaryong Pampango, partikular sa mga maralita at magsasaka dahil sa mga praktikal

nitong pananaw kapwa sa kabanalan at sa pagpuno sa materyal, mental, pisikal, at

espiritwal na pangangailangan ng isang mortal. Kung tutuusin, naging alternatibong sekta

na ng Kristiyanismo ang Santa Iglesia—kung hindi man relihiyon—maging ang

pinagmulan nitong kapatiran na Gabinista. Ang pagiging banta kapwa sa simbahan (dahil

sa mga hindi tanggap na katuruan at ritwal) at sa pamahalaan (dahil may kinikilala silang

hari) ang dahilan kung bakit pinag-initan sa Pampanga noong Himagsikan ang mga

Gabinista at Santa Iglesia na humantong sa madugong pagtugis sa kanila noong 24

Disyembre 1896—ang unang operasyong militar sa lalawigan noong Himagsikan. Gaano

man kapayapa ang Gabinista at Santa Iglesia sa mga katuruan nito, marami pa rin ang

sumunod sa dikta ni Salvador na labanan ang mga Espanyol noong 19 Pebrero 1898 dahil

5 
Duc D’ Alençon, Luzon and Mindanao (Manila: National Historical Institute, 1870/1986), 18.
6
Juan Alvarez Guerra, The Origins and Causes of the Philippine Revolution; translated by Teresita Alcántara
y Antonio Diliman (Lungsod ng Quezon: University of the Philippines and Toyota Foundation, 1899/2002),
15.

303
sa sukdulang kaapihan na dinaranas nila, tulad ng pagbitay sa kanilang tagapagtatag na si

Cortes at ang pagpapahuli mismo kay Salvador. Pinakinabangan lamang ng Santa Iglesia

ang likas na karapatan ng tao na sumamba o manampalataya ng malaya, na isang pananaw

na pilit sinalubong ng paninirang puri, manipulasyon, at dahas ng hirarkiya ng simbahang

Katoliko sa Pilipinas. Ngunit kahit taglay ng Himagsikan ang kalayaan sa pagsamba, hindi

pa rin tanggap ng lipunang Pampango ang Santa Iglesia, lalo na ng mga nagpatakbo sa

lalawigan matapos baklasin ang kapangyarihang Espanyol, epektibo noong 28 Hunyo

1898. Dinanas ng Santa Iglesia ang pagpurga, hanggang sa nauwi pa ito sa opisyal na

pagkalas ng kapatiran sa Hukbong Panghimagsikan noong 14 Enero 1899 sa Baliuag,

kulang-kulang ilang linggo lamang bago isilang ang Republica Filipina sa Malolos,

bagaman nangako si Salvador na mananatiling nakasuporta sa liderato ni Aguinaldo. Tulad

ng mga Santa Iglesia na nilait-lait bilang mga baliw, mangmang, at kulto, dinanas din iyon

ng ibang sekta ng Kristiyanismo sa Pampanga (e.g., Iglesia ni Cristo, Aglipay, Protestante)

pagdating ng ika-20 siglo—ang panahon kung kailan pinalaganap ng mga Amerikano ang

kalayaan sa pagsamba sa ilalim ng diwa ng demokrasya.

Ang paglubog, partikular ni Salvador, sa lebel ng mga Pampangong maralita’t api

ay lumilitaw na epektibo, kumpara sa masoneriya, propaganda, at Katipunan. Sa isang

principal tulad ni Salvador, ang ituring ang sarili na “mangmang” at “dukha” ay isang

katapangan sa panahon na ang nananaig ay oligarkiya ng matatalino, may pustura, at may

salapi. Subok na matagumpay ang istilo ni Salvador na pagtayo sa karaingan ng mga

maralitang Pampango upang makalikom ng pagkilala at pagsunod sa nilalayon.

Pagbabagong panlipunan man ang ikinampanya, tila hindi nakasabay ang mga maralita sa

304
isinulong ng mga Pampangong mason, miyembro ng Liga, at Katipunero dahil sila-sila

lang mga intelektuwal ang nagkakaintidihan.

Nawala man ang mga Espanyol at natapos man ang paghihimagsik, hindi pa rin

nagbago ang pananalig ng Santa Iglesia kay Salvador hanggang sa panahon ng mga

Amerikano. Ang mga propesiya ni Salvador ay nakatulong nang malaki sa paglaban sa

mga Amerikano, dahil inudyok niya ang mga maralita’t aping Pampango na labanan ang

mga Amerikano, militar, at uring principalia. Sa propesiya ni Salvador, kung mawawala

ang mga banyaga at ang mga nasa kapangyarihan, kaya’t mapapasakamay ng mga maralita

ang mga lupain at materyal na bagay; lalamunin naman ng pambihirang baha o apoy ang

‘di manampalataya sa Santa Iglesia; at matapos linisin ang Pilipinas mula sa mga kaaway,

uulanin nang ginto at hiyas ang mga mananampalataya.7 Kalaunan, ipinangako ni Salvador

na magkakaroon ang kaniyang mga tagasunod ng sariling pamahalaan. 8 Pinanggalingan

din ng upaya (Kapampangan ng ‘kapangyarihan’) ng mga tagasunod ng Santa Iglesia si

Salvador. Sa pagpapatotoo ng Korte Suprema sa sentensya sa kaniya noong 12 Pebrero

1912:

That the defendant was at Mount Arayat while his band was at Malolos is not
controlling factor under all the circumstances of this case. Although absent
from many of the raids, including this one, nevertheless his genius had
obtained the men, had organized them, had laid the plans and directed the
attacks. Although miles away, his spirit and personality animated his men and
were incarnated in the battle cry of “Viva Felipe Salvador,” “Viva Apong

7
U.S. Bureau of Insular Affairs, War Department, Seventh Annual Report, 1906: Part 2, 226.

8
U.S. Bureau of Insular Affairs, War Department, Fifth Annual Report, 1904, Part 3, 64.

305
Ipi.” Although absent, their faith in him filled with an exultant courage; for
was he not to them always, “Felipe, Salvador del Mundo?”9 (Akin ang diin)

Isa pang maaaring tingnang perspektiba sa impluwensiya ni Salvador sa mga

masang Pampango ay ang paniniwala na kaya nilang puksain ang kasamaan na nasa

katauhan ng mga Espanyol, Amerikano at mga kapanalig nila, tulad ng pagpuksa nila sa

mga masasamang espiritu. Ayon kay Ileto, nang dahil sa pagbibigay mukha ng kasaysayan

sa panahon ng kilusang propaganda o repormista na pinangunahan ng mga principal (na

tinawag niyang ilustrado), naisantabi ng “kumbensyonal na kasaysayan ng Pilipinas” ang

kasabayang panahon ng kilusang iyon: ang paglitaw ng mga samahang relihiyoso tulad ng

Gabinista at Santa Iglesia.10 Sa kaso ng historyograpiya ng Himagsikan sa Pampanga,

kailangang maunawaan ang paglitaw ng Gabinista at Santa Iglesia dahil sa tatlong

mahahalagang bagay: una, sila ang unang nakaengkuwentro ng mga Espanyol sa lalawigan

noong simula ng Himagsikang 1896; ikalawa, sila ang unang nagmobilisa sa mga

ordinaryong mamamayan na labanan ang mga Espanyol noong Pebrero 1898; at ikatlo, sila

ang may nagpatuloy na pakikibaka sa mga awtoridad mula 1898 hanggang 1912. Noong

14 Enero 1899, iginiit ni Salvador kay Aguinaldo na siya ang nagmobilisa sa mga

Pampango na lumaban sa mga Espanyol.11

9
The United States v. Felipe Salvador (alias Apong Ipi), G.R. No. L-6705, (27 February 1912) (Supreme Court
en banc).

10
Reynaldo C. Ileto, Critical Questions on Nationalism: A Historian's View (Maynila: De La Salle University,
1986), 11.

11
NLP, “Kasaysayan ng mga Ipinagdamdam at Karaingan ng Comandante Felipe Salvador na Ipinagsakdal sa
Mahinahong Pasia ng Kgg. Na Presidente ng G. R.” Philippine Revolutionary Records, SD 1284, Box 43, 9.

306
SA IBANG LALAWIGAN na naghimagsik, kung hindi mga produkto ng mga paaralan

sa Maynila ay mga nag-aral sa Europa ang nagnais sa repormang politikal at panlipunan sa

ilalim ng pamahalaang Espanyol. Ipinagmamalaki ng Pampanga ang dami ng mga liberal

nito, marami sa kanila ang hinuli, binilanggo, ipinatapon, at binitay bago at nang

matuklasan ang Katipunan, dahilan kung bakit walang malaking pagkilos sa Pampanga

noong simula ng Himagsikang 1896. Sa kaso ng mga liberal ng Pampanga na sina Blanco,

Buencamino, Galura, Soto, at Fajardo, nakaligtas sila sa pagpurga ng mga Espanyol, sa

pamamagitan ng pagsisilbi bilang mga sundalo at kapitan ng mga volutario na ipinansabak

laban sa mga manghihimagsik. Kritikal naman ang pagkatatag ng mga voluntario dahil sa

sila ang sinanay at inarmasan ng mga Espanyol upang lumaban. Mahahati sa dalawang

yugto ang kanilang pagbaliktad mula sa hukbong Espanyol: ang pag-aalsa ng Voluntarios

de Apalit kasama ang Santa Iglesia noong 19 at 22 Pebrero 1898 sa Apalit at Macabebe na

siyang unang pag-aalsa ng mga Pampango laban sa mga Espanyol noong Himagsikan; at

ang pagsuporta ng lahat ng mga voluntario sa Pampanga, liban sa Voluntarios de

Macabebe, sa panawagan ni Hizon na suportahan ang paghihimagsik laban sa mga

Espanyol. Kailangan namang unawain ang sitwasyon ng Voluntarios de Macabebe dahil

mga Espanyol ang kanilang mga kapitan at nakahalo sila sa mga regular na pangkat ng mga

sundalong Espanyol sa Bataan at Pampanga, kaya’t mahirap para sa kanila ang bumaliktad

nang basta-basta—hindi tulad ng Voluntarios de Bacolor na nakahanap ng kakamping mga

manghihimagsik sa sa Bacolor at sumama sa pag-atake sa Casa Tribunal sa naturang bayan.

Salik pa rito ang pagmamatigas ng organisador ng Voluntarios de Macabebe na si Blanco

na huwag sumuko sa kapatid niyang mason-na-naging-manghihimasik na si Hizon. Ito’y

307
sa kabila ng negosasyon na isuko na nito ang Macabebe at ang mga Espanyol, lalo na ang

pamilya ng Gobernador-Heneral. Maaari ring isipin na pinangambahan ng mga sundalo ng

Voluntarios de Macabebe na aktibo sa labas ng Macabebe ang paggawa ng anumang

ikagagalit ni Blanco—na kilala sa Macabebe bilang mabangis na tao—sapagkat maaari

nitong balikan ang kanilang mga mahal sa buhay, bilang nasa Macabebe lamang si Blanco

sa mga panahong naghihimagsik na ang mga Pampango (lalo pa’t salik sa pagdami ng

miyembro ng Voluntarios de Macabebe ay ang utang na loob nila sa pamilyang Blanco).

Nang makatakas ang mga Espanyol sa Macabebe kasama ang Voluntarios de Macabebe,

nanahimik ang bayan at tinanggap lamang ng mga tagarito ang poot at galit ng mga

manghihimagsik dahil sa kasiraang ginawa sa kanilang bayan ng pamilyang Blanco.

KRITIKAL SA PAGKILOS ng mga Pampango noong Himagsikan ang isang lider na

mangunguna sa kanila. Sa dalawang yugto ng paghihimagsik sa Pampanga (i.e., 19 at 22

Pebrero, at 1 Hunyo 1898), lumitaw ang dalawang klase ng pinuno: isang establesyado

nang lider maralita at magsasaka sa katauhan ni Salvador, at isang baguhan sa

paghihimagsik na walang malaking tagasunod ngunit malakas ang loob sa katauhan ni

Hizon. Bago ang 1898, inani ni Salvador ang paggalang at pananalig sa kaniya ng mga

tagasunod sa Santa Iglesia. Samantalang si Hizon, Pebrero 1898 lamang nagtrabaho para

bumuo ng puwersang lalaban sa mga Espanyol sa mga bayan-bayan ng Pampanga.

Pambihira ang bilang ng hukbo ni Hizon kumpara sa 2,500 katao na tagasunod ni Salvador

noong 1896: hanggang sa sumapit ang araw ng pag-atake sa Macabebe noong 25 Hunyo

1898—600 sundalo; 200 pa rito ay kaniya pang pinadala sa Tarlac. Batay sa mga huling

308
dokumentadong sensus, bago ang Himagsikan, mayroong 207,916 residente ang Pampanga

noong 1876 at 223,902 naman noong 1887.12 Sa diperensiya ng 11 taon, lumaki ang

populasyon ng Pampanga ng 15,986 o 7.14%. Kung ikokonsidera ang mga epidemya ng

kolera, lindol, at bagyo, bago ang Himagsikan, malamang na umabot ng kulang-kulang

240,000 ang populasyon ng Pampanga pagdating ng 1898. Wala namang makabuluhang

pagkilos ang mga Pampango bago ang Hunyo 1898, kaya’t masasabing may sapat silang

bilang upang labanan ang tinatayang 1,000 puwersa ni Monet sa San Fernando. Isyu sa

Pampanga noong Himagsikan kung paano mapapakilos ang populasyon nito. Nakita ng

pag-aaral na ito ang mga sumusunod na salik na nakaapekto sa mabagal na mobilisasyon

sa mga Pampango tungo sa Himagsikan:

 Kawalan ng simpatya sa adhikaing lumaya at magsarili. Galing din sa uring

principalia ang mga Pampangong liberal na kinayamutan ng mga Espanyol bago

ang Himagsikan—ang pinakamalaking bilang sa lahat ng probinsya ayon sa ulat ng

mga Espanyol. Hindi patok sa mga liberal na ito ng Pampanga ang idea na

humiwalay sa Espanya. Patunay dito ang [1] walang balangay ang Katipunan sa

Pampanga, [2] walang naghimagsik na mga Pampango sa ilalim ni Bonifacio o ni

Aguinaldo bago ang 1 Hunyo 1898, at [3] kung hindi nanahimik, sinuportahan ng

mga liberal ang pagsawata sa Himagsikan, tulad ng magkapatid na Blanco,

Buencamino, Galura, at Soto

12
U.S. Bureau of the Census, Census of the Philippine Islands, 1903 (Washington: Government Printing
Office, 1905), 20.

309
 Kawalan ng aktibong manghihimagsik sa Pampanga. May ilang Pampangong

liberal pa rin ang sumama sa Himagsikan, ngunit nanatiling aktibo sa labas ng

Pampanga. Nariyan si Tolentino na kasakasama nina Bonifacio bago sumiklab ang

Himagsikan noong 1896 at naging aktibo sa Maynila. Isa pa ay si (Jose)

Alejandrino. Bagaman sinabi niyang naging miyembro siya ng Katipunan, minaliit

niya ang Himagsikan. Kalaunan, tumungo siya ng Cavite at sumama rin sa

Himagsikan, ngunit hindi niya dinanas humawak ng armas. Nasa Hong Kong

lamang siya hanggang sa sumapit muli ang malawakang pagbangon sa Himagsikan

noong 1898—bigo sa misyon na iniatang sa kaniya nina Aguinaldo at Bonifacio na

magpuslit ng pulbura galing Hong Kong at Hapon.

 Deportasyon ng mga potensiyal na lider sa Pampanga. Totoo ito sa kaso nina

Hizon, Bañueloes, at (Mariano) Alejandrino, na siyang nagpakita ng lakas nang

loob na simulan ang paghihimagsik sa Pampanga. Sa pag-unlad ng Himagsikan sa

lalawigan, isa pang deportado ang nanguna sa pagsuporta sa Gobierno

Revolucionario, si Hilario.

 Takot na magsakripisyo. Ayon kay Hizon, mahalaga ang suporta ng mga

ordinaryong Pampango, lalo na yaong mga binabaliwala, upang masimulan ang

Himagsikan. Nanalig siya sa mga principal sapagkat sila lang ang nakikita niyang

maaaring magpakilos sa mga Pampango. Ngunit nakita niya ang pagiging

mapaniguro (playing safe) ng mga principal sa kung magtatagumpay ba ang

kaniyang paglaban sa mga Espanyol. Salik na nakita niya ang laki ng puwersa ng

310
Comandancia General de las Provincias del Centro y Norte de Luzon sa San

Fernando. Samakatuwid, pipiliin ng mga Pampangong ilustrado ang status quo

kaysa sa ibingit sa kapahamakan ang kanilang sarili at ang interes sa negosyo.

Nakita ng pag-aaral na ito ang tatlong daynamiks ng pagsiklab ng Himagsikan ng

Pampanga noong 1898:

 Aral ni Hizon ang sining ng pagkondisyon ng sindak at takot sa Pampanga.

Kapuri-puri ang ipinakitang halimbawa ni Hizon upang pamarisan ng mga

Pampango. Nagsimula ang Pampanga na walang-wala sa armas. Kulang man sa

suporta ng mga inaasahang principal, noong 1 Hunyo 1898, isinugal nina Hizon at

ng 200 puwersa niya sa Mexico ang kanilang buhay upang iproklama ang kalayaan

ng Pilipinas. Batid ni Hizon ang panganib dahil katabi lamang ng Mexico ang San

Fernando, kung saan naroroon ang tinatayang 2,000 puwersa ni Monet—kulang-

kulang anim na kilometro lamang ang pagitan sa isa’t isa. Walang paggalaw sa San

Fernando na nangyari sa araw na iyon. Naging litmus paper naman ng ibang mga

bayan noong araw na iyon ang insidenteng iyon sa Mexico, kung sasama sila sa

Himagsikan. Sa katunayan, napansin na ng mga Espanyol noong 1571 na tinitingala

ng mga Pampango ang matatapang, mapangahas, at walang takot na lider. Nang

mawala ang lider ng mga Pampango sa Bangkusay, tumiklop ang mga Pampango

at naging sunod-sunuran. Napansin din ng mga Espanyol noong 1604 ang potensyal

ng Pampango na maging banta sa sinumang nasa kapangyarihan kung

magkakaroon lamang sila ng isang pinuno na susundin. Napansin din ng mga

311
Espanyol noong 1660 na watak-watak pa rin ang mga lider ng Pampanga, at madali

ang mga itong masilaw sa papuri at titulo. Napakinabangan ng mga Espanyol ang

tapang, angas, at yabang ng mga Pampango dahil alam nila ang kahinaan ng mga

katutubong ito. Ngunit kaiba si Hizon; tiningala siya ng mga bayan sa Pampanga at

hindi nagpadala sa paninindak at mga inaalok ng mga Espanyol.

 Presyur na makaalis ang mga Espanyol sa Pampanga. Isang kabaliwan ang

ginawa ni Hizon kung tutuusin. Nagkataon lang na patong-patong na ang problema

ni Monet kaya’t hindi na niya ipinasalakay ang Mexico. Naging panggising din kay

Monet ang ginawa ni Hizon sa Mexico dahil nag-alsa na rin ang iba pang bayan sa

Pampanga kalaunan. Maaaring sabihin na dahil nasindak ni Hizon si Monet,

sinamantala ni Hizon ang pagkakataon na lumikha ng impresyon na kailangan

siyang katakutan ng mga Espanyol. Resulta nito, nakipagnegosasyon si Monet kay

Hizon at inalukan nang kung ano-ano, na hindi naman pinansin ni Hizon.

 Pagiging matimbang ng pagiging Pilipino. Matapos ang ipinakitang halimbawa

ng mga Voluntarios de Apalit noong 19 Pebrero 1898, bumaliktad din ang mga

voluntario sa iba’t ibang bayan ng Pampanga nang maging malaganap na ang balita

na nagsibangon na ang mga bayan ng Pampanga laban sa Espanya noong 1 Hunyo

1898. Sa halip na gampanin ang tungkulin nila sa Espanya, naging mas matimbang

ang dugo. Naging paborable kay Hizon ang pagbaliktad ng mga voluntario dahil

sila ang may armas. Samantala, pinagbigyan ng mga Pampango ang Voluntarios de

Macabebe na bumaliktad mula sa mga Espanyol, ngunit matigas ang pinuno nilang

si E. Blanco, na mas inuna ang sariling amor propio kaysa sa kapakanan ng

312
Macabebe at ng mga nakatira roon. Katwiran ni Blanco, walang sinuman ang

maaaring kumwestiyon sa kaniyang pagka-Pilipino dahil lamang sa hindi siya

pabor sa Himagsikan. Gayunpaman, walang nakitang ebidensiya ang pag-aaral na

ito na impluwensiyado ng ideolohiya ng Katipunan o ng bagong pamunuan ng

Himagsikan ang pagbaliktad ng mga Pampangong voluntario.

ANG MGA NAPANSIN ng pag-aaral sa itaas ay pawang tugon ng mga principal at ng

mga nasasakupan nila sa paghina ng kapangyarihang Espanyol sa Pampanga. May mga

tuluyang sumuporta kay Hizon, habang may nanatili pa ring tagasuporta ng mga Espanyol.

Pinatunayan ng mga pangyayari sa Pampanga noong 1898 na may mga maralita at

magsasakang hindi alintana kung Pampango o Tagalog ang maging pinuno nila, basta’t

may maibibigay itong pag-asa ng pag-angat ng kanilang buhay. Gayundin sa mga

principalia: tinanggap at sinurporatahan nila si Mascardo at ang liderato ni Aguinaldo sa

buong Pilipinas dahil naibibigay nila ang seguridad at kaayusan na kailangan nila para

maisulong ang kanilang interes sa negosyo at sa mga pag-aari nila. Nang sumiklab ang

Digmaang Pilipino-Amerikano, kabikabila na ang paglaganap ng krimen sa Pampanga.

Hanggang sa maidikit na ng mga principalia ang kriminalidad sa mga aktibong sundalo ng

Republika at mga miyembro ng Santa Iglesia. Kung kaya’t ganoon na lamang ang

pagsuporta nila sa mga Amerikano na kanilang nakitang magpapanumbalik nang kaayusan

at seguridad sa Pampanga. Sa panahon na ito nasukat ang paninindigan ng mga

manghihimagsik na Pampango: ang manghihimagsik ng Bacolor na si Joven ay piniling

magsilbi sa ilalim ng mga Amerikano bilang Gobernador ng Pampanga. Habang ang mga

313
manghihimagsik tulad ni Hizon ay ipinatapon sa Guam dahil ayaw nitong manumpa ng

katapatan sa mga Amerikano. Ikinulong naman ang mga manghihimagsik ng Bacolor na

sina Alimurung at Soto. Sumuko naman si Galura at Alejandrino. Matapos makipaglaro sa

politika ng Republika, iniwan ni Buencamino si Aguinaldo at nanumpa ng katapatan sa

mga Amerikano.

Ang pag-adjust sa petsa ng simula ng paghihimagsik sa Pampanga ay pagkilala sa

naging papel ng mga maralita—gaano man ito hindi katanggap ng mga naunang nagsulat

dahil ikinahihiya nila at sa halip, mga politiko, liberal, mga ideal na lider na mailelebel

kina Aguinaldo, Gregorio del Pilar, atbpa. ang nais pagpakuan ng timon ng pakikisangkot

ng mga Pampango sa pagbubuo ng pambansang komunidad.

Sa mga manghihimagsik na piniling manumpa ng katapatan sa Estados Unidos,

binagong bihis nila ang pag-alaala ng mga Pampango sa kanilang partisipasyon sa

paghihimagsik. Si Pabalan, na itinuring na unang dramatistang Pampango, ay lumikha ng

dula batay sa paggapi ng mga Pampango sa mga Espanyol sa kauna-unahang pagkakataon

sa kasaysayan na kinasangkutan niya doon sa Bacolor noong 3-4 Hunyo 1898.

Pinagamatan iyong Apat Ya Ing Junio (Ikaapat ng Hunyo).13 Ang popularidad ng dulang

iyon ni Pabalan ay maaaring nakaapekto sa memorya ng mga Pampango na sa araw na iyon

lamang nagsimula ang Himagsikan sa Pampanga. May negatibong alaala naman ang mga

Pampango kina Galura at Soto—ang mga haligi ng panitikang Kapampangan—dahil

nagpasangkapan sila sa mga Espanyol. Hindi tuloy maiwasang isipin na ang pagpaksa nila

13
Rosalina Icban-Castro, Literature of the Pampangos (Maynila: University of the East Press, 1981), 414.

314
ng nasyonalismo sa kanilang mga ambag sa panitikan at dulaang Kapampangan ay

kanilang pantabing sa minsan nilang pagiging voluntario. Nariyan, halimbawa, ang

maikling kuwento ni Soto na Ing Pasionara (“Isang Bulaklak,” unang lumabas sa

pahayagang bilingwal sa Pampanga na Ing Emangabiran at El Impacial noong 1907) na

tungkol sa martir ng Porac na si Capitan Carlos Patricio. Ayon sa kuwento’y nakita ang

bangkay ng Capitan, tangan-tangan sa kanang kamay ang isang bulaklak na kaloob sa

kaniya ng sinisintang si Leonor.14 Nakiambag naman si Galura sa pagsulong ng diwang

makabansa sa Pampanga dahil isinalin niya sa wikang Kapampangan ang Noli Me Tangere

at El Filibusterismo. Gayundin si Tolentino, na naging kontrobersyal sa Maynila dahil sa

kaniyang Kahapon, Ngayon at Bukas. Mayroon din itong bersyong Kapampangan, ang

Napun, Ngeni at Bukas.

MAGANDANG PAKINGGAN NA magdudulot ang Himagsikan nang pagbabago at, sa

mga salita mismo ni Mabini, nang pagbabangong puri. Ngunit kung susuriin ang palakad

ng Pamahalaang Panghimagsikan sa Pampanga, politika at kawalang pagtanggap sa

pagkakaiba sa kultura, pananampalataya, at paniniwala ang namayani. Sa kabila ng

pagpigil ng pamahalaan sa anumang anyo ng pagmamalabis, kapwa sa mga Espanyol o

Pilipino, naiulat pa rin ang paghihiganti at panggigipit sa mga kalaban sa paniniwala, at sa

mga lumaban sa umiiral na sistemang panlipunan (na mga principal at intelegencia ang

dapat mamayani).

14
Juan Crisostomo Soto, Lidia (Maynila: Imprenta de Santos at Bernal, 1907), 40-3.

315
Kaya’t nang mamatay sa Guam si Hizon noong 1901 at nang bitayin si Salvador sa

Bilibid sa pamamagitan ng pagbigti noong 15 Abril 1912,15 nawalan ng lider ang mga

ordinaryong Pampango. Itong-ito rin ang senaryo noong 3 Hunyo 1571: nang mamatay ang

kapitan ng mga Muslim na taga-Macabebe sa Labanan sa Bangkusay, nagpulasan sa iba’t

ibang direksyon ang mga mandirigma nito. Sa mga ulat ng mga Espanyol, kaduwagan ang

tingin nila sa pagpulasang iyon. Ngunit kung pakakasuriin ang reaksyon ng mga

mandirigma sa pagkapaslang sa kapitan ng Macabebe, tila magnetite sila na nagkalat nang

mawala ang isang batobalani na nagbibigkis sa kanila bilang isa. Samakatuwid natanggalan

sila ng lakas, tapang, at dangal. Sa malaong ulat ni Gob. Hen. Francisco de Sande noong

1577, napansin niya na napasuko nila ang mga katutubong nanlaban dahil “nawalan na sila

ng pinuno na kanilang titingalain.”16

SINASALUNGAT NAMAN NG pag-aaral na ito ang tradisyunal na kasaysayan ng

Pampanga na nagsimula ang Himagsikan noon lamang 3 Hunyo 1898 sa Bacolor. Maaaring

sabihin iyon ang unang pagkakataon na sumabak sa armadong paglaban ang mga

Pampango sa mga Espanyol noong Himagsikan, ngunit mas mahalaga pa rin na kilalanin

ang 1 Hunyo 1898 bilang petsa ng pagsisimula ng Himagsikan sa Pampanga. Ang petsang

iyon ang siyang nagpalakas ng loob sa mga Pampango na kaya na nilang iwan ang matagal

nilang sinuportahang mga Espanyol para sa pagbubuo ng bansa.

15
“Felipe Salvador, Pagbitay sa Kanya.” Taliba, 15 Abril 1912, sinipi sa Santos, Ang Tatlong, 24.

16
Francisco de Sande, 1577,” sa The Philippine Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo 4, 106.

316
Kaugnay ng pagsisimula di umano ng Himagsikan noong 3 Hunyo 1898 ay ang

pag-etsapuwera kay Hizon sa kasaysayan. Maging ang kaniyang panunungkulan bilang

gobernador ng Pampanga ay hindi kinikilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga.

Wala siya sa listahan ng mga naging gobernador ng Pampanga at sa mga pintang larawan

ng mga gobernador na nakasabit sa Kapitolyo, ngunit si Mascardo na hindi naman naging

gobernador ay naroon. Si Mascardo ay Kumandante ng Hukbong Pilipino sa Pampanga.

Ang kaniyang gobernador ay si Hilario.

Sinasalungat din ng pag-aaral na ito ang malaganap na idea na may triumvirate, di

umano, ang pamumuno sa himagsikan sa Pampanga: si Hilario (“chief architect”), si Hizon

(“organizer”), at si Aurelio Tolentino (“coordinator”).17 Bahagi rin ng pagsalungat ang

labis-labis na pagbibigay atensiyon kay Hilario bilang “utak” ng himagsikan sa Pampanga.

Ayon kay Rafaelita Hilario-Soriano, apo ni Hilario, “Tiburcio Hilario stands out as the

brains of the revolutionary movement in Pampanga” (‘nangibabaw si Tiburcio Hilario

bilang utak ng kilusang panghimagsikan sa Pampanga’). Nakakapagtaka rin na hindi

nabanggit ni Rafaelita ang isyu ng kaniyang lolo at ni Hizon. Nakakagulat din na naisingit

pa si Tolentino sa kasaysayan ng Pampanga, gayong wala naman siyang dokumentadong

ambag sa Himagsikan sa Pampanga—liban sa siya’y ipinanganak sa Guagua mula sa mga

Tagalog na magulang galing Tondo.

17
Eduardo Lachica, The Huks: Philippine Agrarian Society in Revolt (Maynila: Solidaridad Pub. House, 1971),
75.

317
Marahil nakita ng historyador na si Mariano Henson na walang dapat ikapuri sa

pagsasawalang-kibo ng mga Pampango sa Himagsikan, mula 1896 hanggang 1898, kaya’t

wala pang kalahating pahina ang tungkol sa Himagsikan sa lalawigan sa kaniyang aklat

hinggil sa kasaysayan ng Pampanga. Hindi ito dapat ikahiya sapagkat tulad ng ibang

probinsya, umuunlad ang idea ng pagkabansa. Gayundin, kabilang si Henson sa mga

historyador na nagpakalat na taksil at bayaran ang mga taga-Macabebe. Sa pag-aaral na

ito, makikita ang pinanggagalingan ni Lucio Turla y Flores, isa sa mga bayani ng

Ikalawang Digmaang Pandaigdig mula Lubao, na ipinagtanggol ang mga taga-Macabebe

mula sa pagturing na taksil, di umano, sila sa bayan:

How can they be traitors if they did not owe loyalty to Aguinaldo? Aguinaldo
himself admitted they were not his own men and did not know them. A traitor is
one who owes you loyalty to begin with and then betrays you. So there is no
treachery involved there... [Akin ang diin]18

Ganoon din ang katwiran ni Renato “Katoks” Tayag, bantog na mamamahayag na

Pampango, na hayagang kinuwestiyon ang panghuhusga ng historyador na si Teodoro

Agoncillo sa mga taga-Macabebe bilang taksil at mga Aztec:

As to calling them betrayers, this I think is unfair to the Macabebes… Betrayers


are people on whom trust has been placed by a person to whom they must then be
loyal. Segovia, Tal Placido, Bato, Cadhit and Segismundo (all were not
Kapampangans) were or had been members of the Filipino army and owed loyalty
to their commander-in-chief. But the Macabebes did not owe Aguinaldo loyalty…
[Akin ang diin]19

18 
Lucio F. Turla, “How Can they Be Traitors if They Did Not Owe Loyalty to Aguinaldo?” Singsing 1:4 (2003),
15.
19 
Tayag, Recollections, 166.

318
Hindi man saklaw ang panahon, naungkat ng pag-aaral na ito na gayong mahigpit

na ipinagbawal ni Mabini noong 10 Abril 1899 ang alinmang anyo ng kalupitan sa mga

taga-Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija, at Pangasinan,20 binaliwala ito sa Macabebe.

Nagpatuloy ang pagmamalupit sa nasabing bayan, na natuldukan noong 29 Abril 1899

nang 300 taga-Macabebe21 ang sinunog ng buhay kasama ng Simbahan ng Macabebe.22

Nagmakaawa si Domingo Suñga, punongbayan ng Macabebe, para sa buhay ng mga

susunuging kababayan niya.23 Buhay pa sa kamalayan ng mga taga-Macabebe noong mga

taong 1950—ang panahon kung kailan sinulat ang Historical Data Paper—ang malagim

na petsang iyon ng 29 Abril 1899: isang “Heneral Kalintog” ang nagpasunog ng Simbahan

ng Macabebe.24 Imposibleng si Heneral Kalentong iyon (o si Hen. Vicente Leyba) ng

Mandaluyong sapagkat napatay sa isang engkuwentro ang heneral sa San Rafael, Bulacan

noong Nobyembre 1897.25 Ang pinakamalapit na may pakana sa pagsunog sa Simbahan

ng Macabebe ay walang iba kundi ang itinalaga ni Aguinaldo na kumandante ng Hukbong

Pilipino sa Macabebe: si Koronel Agapito Bonzon o mas kilala bilang si Coronel Yntong.26

20 
Apolinario Mabini, The Philippine Revolution (Maynila: National Historical Commission 1969), tomo 2,
157.
21
John Elderkin, Chester S. Lord, at Charles W. Price, mga pat., Speeches at the Lotos Club (New York: Lotos
Club, 1911), 78.
22 
Viray, pat., “Historical and Cultural Life,” 7; UPDML, “Entry from Fr. Juan Guevarra, Parish Priest of
Macabebe, 13 November 1909.” Luther Parker Collection, Box No. 3, Folder No. 55. Document No. 317.
23 
Sa komentaryo ni Alfonso Leyson, Jr., apo ni Eugenio Blanco na pinuno ng Voluntarios de Macabebe,
noong 12 Marso 2007 sa website na electronic Kabalen (eK): “My father told me that when the Katipuneros
invaded Macabebe, they took all the men inside the church and lined it with bamboos to burn them all. The
Sunga’s begged the insurrectos to spare the men and just burn the church.”
24
Viray, pat., “Historical and Cultural Life of Macabebe,” 6.

25
National Library of the Philippines (NLP), “Service Record of Domingo San Juan.” Philippine Revolutionary
Records, Roll No. 58, Folder No. 974.

26
NLP, “Col. Agapito Bonzon, the Chief of Macabebe, to Gen. Ysidoro Torres, Macabebe, 28 June 1898.”
Philippine Revolutionary Records, Roll No. 159, Folder No. 93-4, 3.

319
Maaaring sa tagal ng panahon nagkaroon ng tinatawag na word contraction o pagsasama

ng mga salita upang maging isa: ang Coronel Yntong, na kung bibigkasin sa Kapampangan

ay maaaring naging “Kalunel Intung” ay na-contract bilang “Kalintog,” at napagkamalan

na lamang siyang “Heneral.”

Lubos na kinapoot ng mga taga-Macabebe ang pagsunog na iyon, ayon kay

Frederick Funston, ang pinuno ng misyon upang dakpin si Aguinaldo sa Palanan, Isabela

noong 1901, kasama ang 80 sundalo mula sa Macabebe. Sa talumpati niya sa Lotos Club

sa New York noong 8 Marso 1902, ipinaliwanag ni Funston sa mga Amerikano kung bakit

naging kakampi nila ang mga taga-Macabebe: nais maghiganti ng mga taga-Macabebe sa

pagsunog nang buhay sa 300 kababayan nila sa loob ng simbahan.27 Ang teniente (ngayo’y

katumbas ng vice mayor) naman noon ni Sunga na si Engracio Alfonzo ay nag-ulat kay

Hen. J. Franklin Bell sa San Fernado ng mga pang-aabuso ng puwersa nina Aguinaldo,

Luna, at Mascardo noong 20 Hunyo 1899.28

Isang araw matapos sunugin ang Macabebe, nagulat ang mga Amerikano—na nasa

kabilang bayan lamang ng Macabebe na Calumpit—nang may grupo ng kalalakihan sa

pamumuno ng isang Teniente Pedro Esela ang nagboluntaryong aatakihin nila si Luna sa

Pampanga.29 Nais maghiganti ng mga taga-Macabebe sa lahat ng pang-aabuso ng puwersa

27
John Elderkin, Chester S. Lord, at Charles W. Price, mga pat., Speeches at the Lotos Club (New York: Lotos
Club, 1911), 78.

28
NLP, “Report of Engracio Alfonzo, Macabebe, 29 June 1899.” Philippine Revolutionary Records, Roll No.
556, Package 400, Enclosure 427.

29 
The Military Surgeon: Journal of the Association of Military Surgeons of the United States 61 (1927), 325.

320
ni Aguinaldo sa bayan. Sa halip na makuha ang loob nila, lumayo pa nang husto ang

kanilang loob sa mga Pilipinong nagsulong ng diwa ng pambansang komunidad.

Rekomendasyon ng Pag-aaral

Maiksi ang kulang-kulang isang taon—mula 1 Hunyo 1898 hanggang 23 Enero

1899—upang maisulat kung gaano kagagap ng mga Pampango ang diwa ng pambansang

komunidad. Rekomendasyon ng pag-aaral na ito na dugtungan ang pagsusulat hanggang

Digmaang Pilipino-Amerikano sa Pampanga dahil ang yugtong iyon sa kasaysayan ng

bansa ang masasabing unang seryosong laban ng mga Pampango para sa pambansang

komunidad. Ang nangyari sa Bacolor noong 3-4 Hunyo 1898, sa San Fernando hanggang

Minalin noong 14-15 Hunyo 1898, at sa Macabebe noong 26-28 Hunyo 1898 ay

pagpresyur na lamang ng mga Pampango sa mga Espanyol, dahil alam nilang mahina na

ang mga ito.

Inererekomeda rin ng pag-aaral na ito ay ang dokumentasyon sa nagpapatuloy pa

rin na katutubong paniniwala sa Pampanga na makikita sa paligid ng Pinak ng Candaba—

ang balwarte ng mga Gabinista at Santa Iglesia—at sa sinasabi ng mga manulu ng

Pampanga na mga misteryosong tao (o kultu) sa San Luis at Sta. Ana na tinatawag na

Gabinista. Itong mga Gabinista na kultu ay naniniwala sa diyos na Apung Gabu.

321
Ang susunod na detalye ay hindi ko na isinama sa kabanata kung saan aking

tinalakay ang kultu ng Gabinista: sinasabing si Apung Gabu ay ang katawang-tao ni Apung

Sinukuan, ang panginoon ng Bundok Arayat. Mayroon ding watawat na may tatlong kulay

ang mga kultu ng Gabinista: luntian, dilaw, at pula. Sa Apalit, palasak na kulay ang mga

ito tuwing pistang bayan para kay Apung Iru (San Pedro). Nagkainteres si Pangilinan sa

mga naturang kulay kaya’t isinusulong niya ito bilang tradisyonal na kulay ng mga

Pampango.

Hindi kaya ang Apung Gabu na tinutukoy ng kultu ng Gabinista ay si Gavino

Cortes, na itinuring ding “Dios Gavino” at “San Gavino” noong ika-19 na siglo sa

Pampanga at siyang tagapagtatag ng kapatirang Gabinista na pinagmulan ng Santa Iglesia?

Kung ganoon man, hindi nalalayo ang kultu ng Gabinista sa mga espiritista sa mga bundok

ng Timog Katagalugan na sinasabing direktang inapo ng kilusang Colorum noong

Digmaang Pilipino-Amerikano, habang ang kilusang Colorum ay ipinapalagay na nag-ugat

pa sa Cofradia de San Jose ni Hermano Puli noong 1841.30

Hindi naman nalutas ng pag-aaral na ito kung kailan ginamit ng Santa Iglesia ang

Bundok Arayat bilang banal na templo nila. Ang mga nakakatakot na kuwento na

bumabalot sa bundok marahil ang dahilan kung bakit mula 1888 hanggang 1899, nasa

kapatagan at pinak ng Pampanga sa Apalit, San Luis, at San Simon lamang ang Santa

Iglesia at ang sinundan nitong Gabinista. Maaaring salik sa pag-akyat nila sa Arayat ang

30
Constantino, Identity..., ibid; John N. Schumacher, S.J. “Syncretism in Philippine Catholicism Its Historical
Causes.” Philippine Studies 32:3 (1984): 272/251-272.

322
pagpurga sa kanila ng mga awtoridad sa mga bayan-bayan ng Pampanga sa ilalim ng mga

manghihimagsik at sunod sa ilalim ng mga Amerikano.

Larawan si Suku ng klase ng pagsunod at pagkilala ng mga Pampango sa awtoridad

na makikita sa ibig sabihin ng salitang cumurul (salitang ugat: curul) o ang tawag sa

matapang at di-matinag na mandirigma na kinailangang umatras; patunay, na sa kabila ng

katapangan, kabangisan, at kataasang loob, kailangang tanggapin na may nakahihigit sa

tapang, husay, at awtoridad; at ang kasabihang Pampango na hindi sa lahat ng pagkakataon

napupuntirya ng isang matalim na espada ang dapat nitong tamaan (“del acero, que siendo

muy penetrante, no entró en esta ocasión”).31 Ngunit larawan din ng klase ng kikilalaning

awtoridad ng mga Pampango ang isa pang ibig sabihin ng suku sa wikang Kapampangan:

awtoridad na kayang ipakita sa mga Pampango ang ‘walang hanggan’ at ‘walang

katapusan’ na kapangyarihan.

Kaugnay naman ng mungkahing aralin ang anggulong kultu ng mga Gabinista at

Santa Iglesia ay ang mungkahi pa ng pag-aaral na ito na gamitin ang metodolong

sosyolohikal. Masyadong malakas ang paniniwala sa Pampanga tungkol sa kultu.

Katumbas ito ng pagkatakot ng mga taga-Visayas sa mga mambabarang at aswang, ang

kaibahan nga lang ay tao ang mga kultu. Sa Macabebe, marami ang pinagbabawalang

magpagabi sa daan; naglalagay ng asin sa pintuan at bintana, sa paniwalang pangontra ito

sa mga kultu; at inoorasyunan ‘di umano ang mga tsinelas na matyempuhan ng mga kultu

sa labas ng bahay para pagbuksan sila ng pintuan ng may-ari nito at saka papaslangin. Ang

31
Bergaño, Vocabulario, 85.

323
nagpapatuloy na paniniwalang ito ng mga Kapampangan sa kultu ay maaaring nag-ugat pa

sa kabikabilang pagsalakay ng Santa Iglesia sa Gitnang Luzon noong panahon ng mga

Amerikano at sa biglang pagsulpot sa kanayunan ng mga miyembro nito para humingi ng

makakain at magsasagawa ng kakaibang ritwal at indoktrinasyon.32

Iminumungkahi rin ng pag-aaral na ito na sikaping pag-ugnayin ang kawalan ng

katarungang panlipunan noong panahon ng mga Espanyol na tinugunan ng Santa Iglesia at

ang kilusang agraryo sa Pampanga noong ika-20 siglo.33 Sa katunayan, napansin din ni

Brian Fegan ang katangian ng sosyalismo na mayroon sa Gitnang Luzon, partikular sa

Pampanga:

Peasant members held syncretic folk-Marxist ideas, adapted through- the earlier
idiom of folk-Catholic ideas.34

(Ang mga miyembrong magsasaka ay may pinagsamang katutubong Marxismo na


pananaw, na nakuha nila mula sa nakagawian na nila na pananaw-katutubong-
Katolisismo.)

Kung sisiyasatin naman ang paglitaw sa kasaysayan nina Cortes, Salvador, at

Taruc, kabutihang loob at kabutihan ng mga magsasaka at maralita ang kanilang isinulong,

bagaman sa ibang paraan: mapapansing ang unang dalawa ay naghandog ng karunungang

mistikal at supernatural; habang si Taruc ay naghandog ng kamulatang sosyal at politikal

32
Basahin ang sariling pahayag ni Salvador na sinulat niya sa Bilibid noong 2 Agosto 1910 sa Santos, Ang
Tatlong Tulisan, 11-21.

33
The United States vs. Lapus, et al., G.R. No. 1222, 21 Enero 1905.

34
Brian Fegan, “The Social History of a Central Luzon Barrio,” sa Philippine Social History: Global Trade and
Local Transformations, pinamatnugutan nina Alfred W. McCoy at Ed. C. De Jesus (Lungsod ng Quezon:
Ateneo de Manila University Press, 1982), 107.

324
at ikinahiya ang pagdawit sa kaniya sa mga paniniwalang mistikal. Kapansinpansin na

mahalaga sa mga nanatiling naniniwala kay Salvador ang bayan ng San Luis. Sa bayang

iyon aktibo ang Santa Iglesia noong Himagsikang Pilipino at iyon din ang bayang

sinilangan ng reinkarnasyon ni Salvador (binitay noong 1912) na si Taruc (isinilang noong

1913). Sa kabila ng malawakang kamulatan ng mga Pampango, bunga ng edukasyong

pampubliko na bumangga sa mga pamahiin at paniniwalang supernatural,35 nagkaroon sila

ng kabatiran at pakikisangkot sa politika, katwiran, karapatan, kalayaan, katarungang

panlipunan, ekonomiya, at kalusugan.36 May mga talang lokal sa HDP na ginigipit ng mga

“maykaya” at “Kastilaloy na panginong maylupa” (“wealthy and Spanish-cultured

landlords”)—samakatuwid, mga uring principalia—ang mga nais magbukas ng paaralan

sa mga nayon; tulad ng panggigipit sa Municipal Administrator ng San Fernando na si

Patricio Mendoza sa Baliti, San Fernando noong 1904. Naging nucleo ng kaligaligan ang

Baliti dahil sa 25-75 porsyentuhan sa pagitan ng kasamak (tenant) at ng panginoong

maylupa sa aning tubo o asukal. Isama pa rito ang kawalan ng karapatan ng kasamak na

ibenta ang kaniyang porsyento at paggamit sa kalabaw nito, pangangamuhan, ang mapaniil

na takalanan (sa isang kabang bigas na hihiramin ay tatlong kaban ang balik sa amo at

hindi maaaring humiram sa iba ang magsasaka kundi sa amo lamang nito), sapilitang

paggawa ng walang bayad sa bahay ng amo, kawalan ng karapatang pumili ng ihahalal

liban sa ididikta ng amo, at pagpapalayas sa kasamak sa lupain ng amo anumang oras. 37

Noong 1923, isang nagngangalang Wenceslao Dimatulac ang nanguna sa strike ng mga

35
Cf. NLP, “Minalin HDP,” 89.

36
Cf. NLP, “San Fernando HDP,” 30; “Minalin HDP,” 20; “San Simon HDP,” 13.

37
NLP, “San Fernando HDP,” 30.

325
kapwa magsasaka. Nang dahil sa ingay na ginawa nila, nabigyan sila nang bonus at pulot

ng kabayo (molasses), nagabayan sila sa kakumplikaduhan ng sistema ng buwis, nabunyag

sa publiko ang mapaniil na pautang, at naging 50-50 na ang porsyentuhan. Mula sa

halimbawa ng Baliti, lumaganap ang idea ng pagsasama ng mga magsasaka upang

kondenahin ang pang-aabuso ng mga uring principalia. Nag-usbungan din ang mga

samahang pangmagsasaka sa Pampanga tulad ng Tanggulang Pambansa, Partido Sosyalista

ng Pilipinas, Anac Pawas, at Tanggulang Katipunan Pambansa. Naging símbolo ang

pagpapatunog ng tambuli upang organisahin ang mga magsasaka, na siya namang

kinatakutang tunog ng mga uring principalia.38 Sa San Jose, San Fernando nagsimula ang

sosyalismo sa Pampanga dahil iyon ang nayon ni Pedro “Don Perico” Abad Santos,39 ang

sumunod kay Salvador sa pagiging karismatiko sa mga maralita’t magsasaka at tumayong

lider ng mga ito. Ang kaibahan nga lamang nina Salvador at Abad Santos ay ang anyo at

paraan ng pagbuhay sa loob ng mga magsasaka sa paraang rasyunal at politikal.

Kabalintunaan nga lamang: si Abad Santos ay dating aide de camp ni Hizon, ang matador

ng Santa Iglesia. Nakita naman ng mga naniniwala pa rin kay Salvador sa protégé ni Don

Perico na si Taruc na natupad ang propesiya na muling mabubuhay si Salvador. Sa nayon

ng San Roque, sa bayan pa rin ni Taruc na San Luis—na kilalang nayon na balwarte ng

Santa Iglesia—marami ang sumuporta kay Abas Santos at sa iba pang lider magsasaka,

tulad ni Vicente Almazar ng Baliuag. Sa ilalim nina Abad Santos at Almazar, nagkalakas

ng loob ang mga magsasaka ng San Roque na kondenahin ang singil sa patubig ng

mamumuhunang taga-Baliuag na si Damaso Rustia. Sumama rin ang mga magsasaka ng

38
NLP, “San Fernando HDP,” 9.

39
NLP, “San Fernando HDP,” 40.

326
San Roque hanggang Malolos upang magprotesta para sa karapatan sa patubig.40 Bukod pa

sa anggulong reinkarnasyon, nagkaroon din ang mga Pampango ng Pasyon ding

Talapagobra na bersyon ng mga sosyalista sa buhay ni Hesukristo at sinasabing inaawit

nila tuwing Mahal na Araw. Naging isyu rin ang relihiyon nang magsama ang Partido

Sosyalista ng Pilipinas ng mga Pampango at Partido Komunista ng Pilipinas na karamihan

ay mga Tagalog ang miyembro. Ang mga ito ang sinasabi ni Fegan na syncretic folk-

Marxist ideas sa Pampanga.

Ang pagtakbo ng masa at aping Pampango sa isang relihiyosong kapatiran tulad ng

Gabinista at Santa Iglesia ay patunay na popular pa rin ang pormula ng pananakop ng mga

Espanyol sa mga Pampango gamit ang relihiyon. Mula nang sakupin ng mga Espanyol ang

Pampanga noong 1571, walang natakbuhan ang mga Pampango dahil sa kawalan ng lider

na tatayo para sa kanila kundi ang “Diyos at ang katarungan,” ayon sa kronologong

Espanyol na si Padre Herrera. Naging pagkakataon naman iyon para sa mga misyonero na

maging tanglaw ng pag-asa at kakampi ng mga aping katutubo, lalo pa’t maging sila ay

hindi nakaligtas sa pagmamaltrato ng mga opisyal at sundalong Espanyol. Ito naman ang

nagbunsod sa hari ng Espanya na ipagkatiwala sa mga pari ang pangangasiwa sa aspektong

politikal ng kolonya.41 Ngunit sa paglitaw ng sosyalismo sa Pampanga, mas naakit na ang

mga Pampangong maralita at magsasaka sa mas politikal na oryentasyon ng pagdulog sa

katarungang panlipunan. Matapos mamatay si Salvador, may lumitaw pang mga

40
NLP, “San Luis HDP,” 29.

41
Rojas, “Letter to Felipe II,” 272-3.

327
karismatikong relihiyosong lider tulad ni Pedro “Apung Iru” Danganan ng Guagua, ngunit

mas relihiyoso ang kaniyang tuon kaysa sa sosyo-politikal.

Nang mawala ang Santa Iglesia, ang mga Huk naman ang sunod na namundok sa

Arayat. May isang kantang ukbu ang Huk sa wikang Kapampangan na ang tema ay tungkol

sa paghahanap sa dating pinagkutaan ng mga naunang mandirigma upang doo’y muling

itirik ang kuta nila. Pinamagatan itong Indung Balayan (Inang Bayan):

Indung Balayan Inang Bayan

Págnasan kung tuki ka Ninanasa kong sumama ka

Batiawan te itang Bunduk ning Alaya Nang matunghay natin Bundok ng Arayat

Kareta king batu manukluanan kata Sa batuhan nito’y mamayanan tayo

Pa’intunan te itang kwebang At hanapin din natin ang yungib

Sintungan da ring mangatwang minuna Na pinagkutaan ng mga nauna sa’tin

A mengayangu na biye Ngayo’y mga nagsipagyao na

Balen king uli ra Ang bayang ‘to’y dahil sa kanila

Silwak dang daya keti kaparangan Hinandog nilang dugo doon sa kaparangan

Ing puyat at danup gewa rang puunan Ang puyat at gutom kanilang naging puhunan

“E bala ing mate” “Di bale nang mamatay”

Ngarang miyagnanagnan Sambit nilang sabay-sabay

“Tumula ka sana “Lumigaya ka lang sana

O Indung Balayan.” O aming Inang Bayan.”

328
Mula sa idea ng pagiging sakop (colonized), natutunan din kalaunan ng mga

Pampango na makibagay sa ibang mga katutubong sakop, yakap ang idea na “tahanan” nila

ang Pilipinas. Sa malambing na paglalarawan ni Apolinario Mabini sa “Ang Tunay na

Sampung Utos ng Dios” (“El Verdadero Decalogo” sa bersyong Espanyol), ang Pilipinas

ay isang “bayan ó Inang bayan” na kailangang ibigin ng

…ca-icalua ng Dios at ng iyong puri at higuit sa iyong sarili, sa pagca’t siya ang
nacaisa-isang Paraisong pinaglaguian sa iyo ng Dios sa buhay na itó; bugtong na
pasunod sa iyong lahi; nacaisa-isang mamamana mo sa iyong mga pinagnuno; at
siya lamang pagasa ng iyong inanac: dahil sa caniya’y humahauac ca ng buhay,
pagibig at pagaari; natatamo mo ang caguihauahan, capurihan at ang Dios.42

42
Apolinario Mabini, Panukala sa Pagkakaná nang Repúblika nang Pilipinas (Kavite: Pamunoang
Tagapagbangong-puri, 1898), 14; cf. NLP, “Panukala sa Pagkakaná nang Repúblika nang Pilipinas ni
Apolinario Mabini.” Philippine Revolutionary Papers, Folder 40, Document No. 5.
BIBLIOGRAPIYA

Archivo General Militar de Madrid (AGMM)

“Asuntos Generales: Voluntarios: Macabebe.” Servicio Historico Nacional-Voluntarios


Pampanga, 2º 10, 6-9.

“Asuntos Generales: Voluntarios Pampa, sobre la incorporación de los mismos a la C. G.


del Centro de Luzon, 15 Mayo 1897.” Servicio Historico Nacional-Voluntarios
Pampanga, 2º 10, 2.

“Diego de los Rios confirming to the Governor-General and to the Military Chief the
mobilization of Pampango volunteers, San Fernando, 21 January 1897.” Servicio
Historico Nacional-Voluntarios Pampanga, 2º 10, 4-5.

Jacinto, Emilio. “¡¡¡Gomez, Burgos, Zamora!!! 30 Abril 1896.” Filipinas-Katipunan, Caja


5677, leg.9.1.

“Telegrama, 5 Nove 1897.” Servicio Historico Nacional-Voluntarios Pampanga, 2º 10,


32-3, 35-7.

“Voluntarios Mobilizados Pampanga 1897-1898.” Servicio Historico Nacional-


Voluntarios Pampanga, 2º 10, 3.

Archivo de la Provincia Agustiniana de Filipinas (APAF)

“Testamento de D. Agustin Cubacub, principal del pueblo de Lubao, 19 de Agosto 1600.”


Carpeta 48, Folio 1-3.

Archivo General de Indias (AGI)

“Petición de merced y exención de tributo de Pedro de Mújica, 20 May 1649.” Filipinas,


43, N. 52.

“Petición de Villatoro sobre premiar a indios pampangos.” Filipinas, 28, N. 104.

Archivo Histórico Nacional (AHN)

“Expediente de establecimiento de un colegio de Primaria y Latinidad en Bacolor, 1861-


1868.” Ultramar (1863-1899), No. 472.

330
“Ynforme sobre los sucesos de Apálit el 19 de Febrero de 1898.” Ultramar, Legajo 5356.

Center for Kapampangan Studies, Holy Angel University

Angeles, Jose David. “The Story of My Life, 1975.”

Minalin Museum and Library

Flores, Ambrosio. “The Battle of Sta. Catalina.” Walang petsa, ca. 1950.

National Archives of the Philippines (NAP)

“Copia de las informaciones secretas de abril á agosto de 1896.” Cuerpo de Vigilancia de


Manila, Manuscrito A-6, Document No. 33.

“Copias oficiales para el Archivo del Cuerpo de Vigilancia de Manila, y procedentes de


dicho Archivo, de la correspondencia reservada del Inspector Jefe del referido Cuerpo
al Señor Gobernador Civil de Manila, relativo á la insurrección de las islas, Manila, 17
de Marso 1898.” Cuerpo de Vigilancia de Manila, Manuscrito A-8, Documento no. 18.

“Copias oficiales para el Archivo del Cuerpo de Vigilancia de Manila, y procedentes de


dicho Archivo, de la correspondencia reservada del Inspector Jefe del referido Cuerpo
al Señor Gobernador Civil de Manila, relativo á la insurrección de las islas, Manila, 28
de Abril 1898.” Cuerpo de Vigilancia de Manila, Manuscrito A-8, Documento No. 70.

“Copias oficiales para el Archivo del Cuerpo de Vigilancia de Manila, y procedentes de


dicho Archivo, de la correspondencia reservada del Inspector Jefe del referido Cuerpo
al Señor Gobernador Civil de Manila, relativo á la insurrección de las islas, Manila, 26
de Mayo 1898.” Cuerpo de Vigilancia de Manila, Documento No. 94.

“Copias oficiales para el Archivo del Cuerpo de Vigilancia de Manila, y procedentes de


dicho Archivo, de la correspondencia reservada del Inspector Jefe del referido Cuerpo
al Señor Gobernador Civil de Manila, relativo á la insurrección de las islas, Manila, 29
de Mayo 1897.” Cuerpo de Vigilancia de Manila, Documento No. 63.

“Copias oficiales para el Archivo del Cuerpo de Vigilancia de Manila, y procedentes de


dicho Archivo, de la correspondencia reservada del Inspector Jefe del referido Cuerpo
al Señor Gobernador Civil de Manila, relativo á la insurrección de las islas, Manila, 30
de Mayo 1897.” Cuerpo de Vigilancia de Manila, Manuscrito A-7, Documento No. 64.

“Copias oficiales para el Archivo del Cuerpo de Vigilancia de Manila, y procedentes de


dicho Archivo, de la correspondencia reservada del Inspector Jefe del referido Cuerpo

331
al Señor Gobernador Civil de Manila, relativo á la insurrección de las islas, Manila, 9
de Junio 1898.” Cuerpo de Vigilancia de Manila, Manuscrito A-8, Documento No. 99.

“Don Antonio de Muniain’s Manuscrito, Manila 22 de Julio 1898.” Cuerpo de Vigilancia


de Manila, Manuscrito B-21, Informe No. 72.

“Don Cecilio Martinez Alava’s Manuscrito, Manila, 16 de Julio 1898.” Cuerpo de


Vigilancia de Manila, Manuscrito B-43, Informe No. 8.

“Don Jose Ma. Garcia y Araulio’s manuscritos, Manila, 6 de Junio 1898.” Cuerpo de
Vigilancia de Manila, Informe No. 26.

“Don Jose Ma. Garcia y Araulio’s manuscritos, Manila, 13 de Junio 1898.” Cuerpo de
Vigilancia de Manila, Informe No. 31.

“Don Juan Gomez’ manuscrito, Manila, 4 de Junio 1898.” Cuerpo de Vigilancia de Manila,
Manuscrito B-48, Informes No. 20.

“Don Juan Gomez’ Manuscrito, Manila, July 2, 1898,” Cuerpo de Vigilancia de Manila,
Manuscrito B-48, Informe No. 34.

“Don Manuel Garcia’s manuscrito, Manila, 15 de Marso 1898.” Cuerpo de Vigilancia de


Manila, Manuscrito B-16, Informe No. 34.

“Escritorio de convenio formalizada por todos los descendientes del Abolengo infiel
Gatbondoc sobre partición de tierras, ante el Alcalde de segunda Elección Don
Francisco de Legaspi del pueblo de Hagonoy, Partido de Bulacan en 1805,” Varias
Provincias-Bulacan, 1806-1899.

“Intelligence Report of Agente Tito David.” Cuerpo de Vigilancia de Manila, Manuscrito


B-20, Informe No. 1.

“Intelligence Report of Agente Tito David, 31 January 1898.” Cuerpo de Vigilancia de


Manila, Manuscrito B-20, Informe No. 31.

“Intelligence Report of Agente Tito David regarding a Ponciano Punsalan from San
Fernando, Pampanga.” Cuerpo de Vigilancia de Manila, Manuscrito B-20, Informe No.
36.

“Intelligence report of Agente Tito David relating that Haring Gavino... is already in prison
in San Fernando, Pampanga... 28 February 1898.” Cuerpo de Vigilancia de Manila,
Manuscrito B-20, Informe No. 40, 1/1-4.

“Intelligence report of Agente Tito David relating that the recent uprisings in Calumpit,
Apalit and Macabebe were caused by the abuses of the soldiers... 26 February 1898.”
Cuerpo de Vigilancia de Manila, Manuscrito B-20, Informe No. 39, 1-2.

332
“Intelligence report of Inspector Manuel Garcia regarding the breakdown of order in the
town of Malabon, also on the sentencing to death of a Rey Gavino, who was responsible
for recent incidents in Apalit, Pampanga, 4 February 1898.” Cuerpo de Vigilancia de
Manila, Manuscrito B-16, Informe No. 21, 1-2.

“Intelligence report of Inspector Manuel Garcia regarding the apparent expression of


delight of Pampangos over the execution of Gavino... 5 March 1898.” Cuerpo de
Vigilancia de Manila, Manuscrito B-16, Informe No. 30.

“Masoneria Pampanga.” Cuerpo de Vigilancia de Manila, Manuscrito A-4, Información


Secreta No. 19.

“Memoria de la Provincia de la Pampanga referente al año de 1890 que eleca el Gobernador


que suscribe al Excmo. Sr. Gobernador General de Filipinas con arreglo a lo que
preceptua la R. O. de 5 de Marzo de 1886.” Memoria Pampanga, folio 114.

“Noticia de los individuos afilados a la Masoneria en la provincia de Pampanga.” Cuerpo


de Vigilancia de Manila, Manuscrito A-10, Documento No. 2.

“Pampanga - Si acaso esta provincial donde más se halla la masoneria, pues tiene adaptos
en casi todos.” Cuerpo de Vigilancia de Manila, Manuscrito A-10, Documento No. 3.

“Parte original interesantisimo por sus detalles, dado por el Inspector Manuel Garcia sobre
la llegada del General Monet en Manila.” Cuerpo de Vigilancia de Manila, Manuscrito
A-1-(9), Legajo No. 9, Documento No. 308.

“Relación de los individuos indultados presos en Manila por Excmo. Señor Gobernador
General de estas islas.” Cuerpo de Vigilancia de Manila, Manuscrito A-1-(4), Legajo
No. 4, Documento No. 157.

“Relación nominal de los individuos que se ballaban presos en la cárcel pública de Manila
por delitos politicos y que han sido presentados en el dia de hoy por haber sido
indultados por el Excmo. Señor Capitán General de estas islas.” Cuerpo de Vigilancia
de Manila, Manuscrito A-1-(4), Legajo No. 4, Documento No. 156.

“Relación de los rematados políticos que fueron embarcados, con destino al gobierno de
Barcelona para sufrir sus condenas.” Cuerpo de Vigilancia de Manila, Manuscrito A-
1-(4), Legajo No. 4, Documento No. 151.

“Report of Inspector Jefé Federico Moreno relaying various intelligence…, Manila, 6


November 1897.” Cuerpo de Vigilancia de Manila, Manuscrito A-7, Documento No.
137.

National Historical Commission of the Philippines

333
Serafin D. Quiason Resource Center

“Angeles Historical Data Papers (HDP).” Report on the Historical Data of the Town of
Angeles.

“Apalit HDP.” Report on the Historical Data of the Town of Angeles.

“Arayat HDP.” Report on the Historical Data of the Town of Angeles.

“Bacolor HDP.” Report on the Historical Data of the Town of Angeles.

“Floridablanca HDP.” Report on the Historical Data of the Town of Angeles.

“Guagua HDP.” Report on the Historical Data of the Town of Angeles.

“Mabalacat HDP.” History and Cultural Life of the Municipality of Mabalacat, Province
of Pampanga.

“Macabebe HDP.” History and Cultural Life of the Municipality of Mabalacat, Province
of Pampanga.

“Magalang HDP.” History and Cultural Life of the Municipality of Mabalacat, Province
of Pampanga.

National Library of the Philippines (NLP)

“A circular ordering the municipal heads of Pampanga to arrest all the people of Macabebe
they could see in their locality, San Fernando, June 16, 1898.” Philippine Revolutionary
Records, No. 159, Folder No. 97, 98, 99, 100, 101, 102.

“Abiso ni Isidoro Torres kay Maximino Hizon hinggil sa pagiging hepe niya ng operasyon
sa Macabebe, 25 Hunyo 1898.” Philippine Revolutionary Papers, Reel No. 159, Folder
No. 50-53, Folio No. 39-42.

“Acta, Bacoor, 6 Agosto 1898.” Philippine Revolutionary Records, SD82.6, 1-8.

“Acta levantada por los oficiales de la columna del general Monet, después de caer
prisioneros de las fuerzas insurrectas, pueblo de Hagonoy, á 1.0 de Julio del [18]98,
Don Domingo Bernades.” Philippine Revolutionary Records, Reel No. 11, Folder No.
113, No. 6.

“Articles of capitulation for the Spanish forces commanded by Gen. Ricardo Monet
prepared by Gen. Maximino Hizon and channeled through Col. Eugenio Blanco, San
Fernando, 25 June 1898.” Philippine Revolutionary Records, Reel No. 5, Folder No. 7,
Document No. 3.

334
“Certification of Gen. Maximino Hizon handed down by Jose Bañuelos and Candido Hizon
to Emilio Aguinaldo, Mexico, 6 June 1898.” Philippine Revolutionary Records, Reel
No. 5, Folder No. 7, Document No. 2.

“Comunicacion del General Gregorio del Pilar dirigida al Sr. Emilio Aguinaldo acusaudo
recibo del circular y dando cuenta de su cumplimiento y participando el Adelanto de
las operaciones militares en su jurisdiccion, Bulakan, 4 de Junio 1898.” Philippine
Revolutionary Records, Roll No. 11, Folder No. 113, Doc. No. 5.

“Francisco Makabulos Soliman’s communication to Maximino Hizon requesting the


Kapampangan armed forces to remain further in Tarlac until reinforcement from Cavite
arrived, Victoria, June 24, 1898.” Philippine Revolutionary Records, Reell No. 159,
Package 43, Folio 31.

“Gen. Francisco Makabulos Soliman’s letter to Gen. Maximino thanking him for the
reinforcement he sent to Tarlac, Victoria, June 26, 1898.” Philippine Revolutionary
Records, Reel No. 159, Package 55, Folio 46.

“Hagonoy HDP.” Historical Data Papers, Reel No. 12.

“Hojas de servicio de Maximino Hizon, primer jefe del ejercito liberator Filipino de la
Pampanga, 11 de Julio 1898.” Philippine Revolutionary Records. Reel No. 159,
Package 107, Folio 78-88, 1.

“Isidoro Torres to Maximino Hizon regarding the attack of Macabebe and San Fernando.”
Philippine Revolutionary Records, Reel No. 159, Folder No. 50, Folio No. 39.

“Isidoro Torres to Maximino Hizon regarding the defense line.” Philippine Revolutionary
Records, Roll No. 159, Folder No. 66, Folio No. 58.

“Jose Bañuelos’ official report of the revolution in Pampanga, Kawit, Cavite, 12 June
1898.” Philippine Revolutionary Records, Reel No. 5, Folder No. 7, Document No. 3.

“Kasaysayan ng mga Ipinagdadamdam at kadaingan ng Comandante Felipe Salvador na


Ipinagsasakdal sa mahinahong pasia ng Kag. Na Presidente ng G. R.” Philippine
Revolutionary Records, SD 1284.1.

“Letter of certification by Maximino Hizon and Modesto Joaquin, Mexico, 6 June 1898.”
Philippine Revolutionary Records, Reel No. 5, Folder No. 7, Document No. 3.

“Letter of Don Joaquin Cordero to Don Eugenio Blanco, San Fernando, 25 June 1898.”
Philippine Revolutionary Records, Reel No. 5, Folder No. 7, Document No. 3.

335
“Letter of Gen. Francisco Makabulos to Gen. Maximino Hizon about the Kapampangan
operations in Tarlac, Victoria, June 26, 1898.” Philippine Revolutionary Records, Reel
No. 159, Package 55, No. 46.

“Letter of Lt. Col. Vicente Kabigting, Jefe del Segunda Zonia of Kapampangan
Revolutionary Company, to Gen. Maximino Hizon regarding the march of the Spanish
cazadores and voluntarios from Tarlac, Tarlac towards Pampanga, Arayat, June 28,
1898.” Philippine Revolutionary Records, Reel No. 159, Package 62, No. 54.

“Lt. Tomas Tagunton’s narrative of his life as a prisoner of the Spaniards.” Philippine
Revolutionary Records, Reel No. 31, Folder No. 517.

“Ginoong mga Voluntario.” Philippine Revolutionary Records, SD 974.1, 1-3.

“Masantol HDP.” Historical Data Papers, Reel No. 52.

“Minalin HDP.” Historical Data Papers, Reel No. 52.

“Pagtanggap ni Isidoro Torres sa tugon ni Maximino Hizon na kilalanin siya na hepe ng


operasyon sa Macabebe, 22 Hunyo 1898.” Philippine Revolutionary Records, Reel
No.159, Folder No. 33, Folio No. 18.

“Panukala sa Pagkakaná nang Repúblika nang Pilipinas ni Apolinario Mabini.” Philippine


Revolutionary Papers, Folder 40, Document No. 5.

“Report of Engracio Alfonzo, Macabebe, 29 June 1899.” Philippine Revolutionary


Records, Roll No. 556, Package 400, Enclosure 427.

“Reproduction of Gen. Ricardo Monet’s letter to Gen. Maximino Hizon, San Fernando,
June 8, 1898.” Philippine Revolutionary Records, Reel No. 5, Fol. No. 7, Doc. No. 3.

“San Fernando HDP.” Historical Data Papers, Reel No. 52.

“San Luis HDP.” Historical Data Papers, Reel No. 52.

“San Simon HDP.” Historical Data Papers, Reel No. 52.

“Santa Ana HDP.” Historical Data Papers, Reel No. 52.

“Santa Rita HDP.” Historical Data Papers, Reel No. 52.

“Santo Tomas HDP.” Historical Data Papers, Reel No. 52.

“Sr. D. Maximino Hizon, Coronel Jefe del Cuarto Militar de Bacoor - del Juzgado Especial
de Ynstrucción.” Philippine Revolutionary Records, Reel No. 159, Folder No. 97, Doc.
No. 103.

336
“Talumpati na isinaysay nang Presidente M. Emilio Aguinaldo at Famy sa Cavite Viejo ng̃
3 ng̃ Agosto ng̃ 1898.” Philippine Revolutionary Records, Reel No. 5, LR 22.

“Ulat ni Agapito Bonzon kay Isidoro Torres, Macabebe, 28 Hunyo 1898.” Philippine
Revolutionary Records. Reel No. 159, Folder No. 93-94, Folio 4.

“Ulat ni Isidoro Torres kay Emilio Aguinaldo hinggil sa negosasyon ni Maximino Hizon
kay Eugenio Blanco, Kalumpit, 19 Hunyo 1898.” Philippine Revolutionary Papers,
Reel No. 11, Folder No. 13, Document No. 4, Folio 6.

“Ulat ni Jose Bañuelos sa lagay ng Himagsikan sa Pampanga, 12 Hunyo 1898. Philippine


Revolutionary Records. Reel No. 5, Folder No. 7, Document No. 3.

“Ulat ni Maximino Hizon kay Emilio Aguinaldo hinggil sa takbo ng Himagsikan sa


Pampanga, Mexico, 6 Hunyo 1898.” Philippine Revolutionary Records. Reel No. 5,
Folder No. 7, Doc. 7.

Pribadong Koleksiyon

Aguilar, Jose Romero. “Rendicion de Marianas Capitulacion de Manila viaje Agaña-


Cavite-Manila-Agaña. 20 de Junio-17 de Septiembre de 1898.” Manuskrito na nasa
pag-iingat ng apo niyang si Federico Romero Galán, Madrid.

Augustín, Basilio. “Memorias: General D. Basilio Augustín Dávila, 1898.” Manuskritong


nakasinop sa apo sa tuhod niyang si Aurora de Bas, Madrid.

Valmonte, Felix. “Papa Felix History of Our Clan's Origen.” Mula sa di pa nailalathalang
kasaysayan ng pamilyang Valmonte na nasa koleksiyon ni Felixandrei Valmonte, apo
ni Pantaleon Valmonte, ca. 1960.

University of the Philippines Diliman Main Library

“A. Serrano’s History of Betis 1740-1903.” Luther Parker Collection, Document No. 286,
Folder No. 49, Box No. 2.

“Apuntes Historicos del Pueblo de Candaba.” Luther Parker Collection Document No.
293, Folder No. 50, Box No. 3.

“Cristino F. Lagman’s Documentos Historicos de Minalin, 1911.” Luther Parker


Collection, Document No. 341, Folder No. 60, Box No. 3.

337
“Curiosísimo Documentos Inéditos: Testamento de D. Fernando Malang Balagtas, uno de
los regulos de Filipinas del tiempo de la conquista.” Luther Parker Collection, Box No.
7, Folder No. 186, Document No. 643.

“Datos historicos de este municipio de Mexico, Provincia de la Pampanga, Islas Filipinas.”


Luther Parker Collection, Doc. No. 337, Folder No. 59, Box No. 3.

“Datos historicos del municipio de Candaba de la provincia de la Pampanga islas Filipinas,


precedidos de unas copias que: Relatan hechos autenticos que versan sobre el origen
de muchos pueblos de Luzon y genealogia de los principes Malayos de antes de la
dominacion Espanola, Septiembre 29, 1911.” Luther Parker Collection, Box No. 3,
Folder No. 50, Document No. 292.

“Datos Historicos sobre el pueblo de San Fernando, cabecera da [sic] la Pampanga, I. F.”
Luther Parker Collection, Box No. 3, Folder No. 62, Doc. No. 344.

“F. Mananquil’s San Luis, Pampanga: List of Captains 1762-1909 and History of the Town
1761-18[9]9 by.” Luther Parker Collection, Document No. 347, Folder No. 63, Box
No. 3.

“Foundation documents of Bacolor Trade School.” Luther Parker Collection, Box No. 2,
Fol. No. 48, Doc. No. 282.

“Legalization of claims of Don Nicolas Fernandez, Doña Maria Sumang [Arceo] y


Balagtas, and Don Jacinto Sablan Lapira (in Spanish), Binondo, 16 de Diciembre
1851.” Luther Parker Collection, Box No. 7, Folder No. 186, Document No. 640.

“List of graduates and pupils of the Bacolor School of Arts and Trades, formerly ‘El
Colegio de Santa Tereza de Jesus’, for the period 1861-1869” by Luther Parker. Luther
Parker Collection, Box No. 2, Folder No. 48, Doc No. 866.

“Lugay’s History of Bacolor, 1909.” Luther Parker Collection, Document No. 283, Folder
No. 48, Box No. 2.

“Luther Parker’s Some Notes in Pampanga (ca. 1911).” Luther Parker Collection,
Document No. 248, Folder No. 43, Box No. 2.

“Miscelanea Folk-Lorica [por] Isabelo de los Reyes.” Luther Parker Collection, Box No.
7, Folder No. 186, Document No. 643.

“Notes on History of Bacolor by Luther Parker.” Luther Parker Collection, Document No.
860, Folder No. 239, Box No. 10.

“Parker’s Note: Tiburcio Hilario commanded the statue of Anda to be destroyed.” Luther
Parker Collection, Document No. 860, Folder No. 239, Box No. 10.

338
“Punu’s History of Bacolor, 1746-1908.” Luther Parker Collection, Box No. 3, Folder No.
48, Document No. 285.

“Serrano’s History of Betis 1740-1903.” Luther Parker Collection, Document No. 286,
Folder No. 49, Box No. 2.

“Some Notes on Pampanga by Luther Parker,” Luther Parker Collection, Box No. 2, Folder
No. 43, Document No. 248.

Supreme Court of the Philippines

The United States v. Felipe Salvador (alias Apong Ipi), G.R. No. L-6705, (27 February
1905)

Lathalang Primaryang Batis

Acuña, Pedro Bravo de. “Letters from Pedro de Acuna to Felipe III, 1605,” sa The
Philippine Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo 14.

Aguinaldo, Emilio at Vicente Albano Pacis. A Second Look at America. New York: R.
Speller, 1957.

_____. Mga Gunita ng Himagsikan. Maynila: National Centennial Commission; Cavite:


Cavite Historical Society, 1964/1998.

_____. Mga Gunita ng Himagsikan. Lungsod ng Baguio: Cristina Aguinaldo Suntay, 1964.

_____. True Version of the Philippine Revolution. Maynila: National Historical Institute,
1899/2002.

Alejandrino, Jose. The Price of Freedom (La Senda del Sacrificio): Episodes and
Anecdotes of Our Struggles for Freedom, salin sa Ingles ni Jose M. Alejandrino.
Maynila: José Alejandrino, 1949.

Alonso, Carlos Garcia. Defensa del General Monet: Ex Comandante General del Centro
de Luzón ante el Consejo de Guerra de Oficiales Generales celebrado del 10 de
Febrero de 1900. Madrid: Establecimiento Tipográfico de T. Minuesa de los Ríos,
1900.

Alvarez, Santiago V. The Katipunan and the Revolution: Memoirs of a General, salin ni
Carolina S. Malay. Lungsod ng Quezon: Ateneo de Manila University Press, 1992.

Anónima. Proyecto para Establecer Un Instituto de Instrucción Primaria en Provincia


Pampanga. Manila: Establecimiento Tipográfico de los Amigos del País, 1861.

339
Artienda, Diego de. “Relation of the Werstern Islands called Filipinas, ca. 1573,” sa The
Philippine Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo 3.

Argensola, Bartolomé Leonardo de. “Conqvista de las islas Malvcas, 1609” sa The
Philippine Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo 16.

Artigas y Cuerva, Manuel. El Municipio Filipino: Compilacion de Cuanto se ha


Prescripto, e Historia Municipal de Filipinas desde los Primeros tiempos de la
Dominacion Española, segunda edición. Maynila: Establecimiento Tipo-Litografico de
Ramirez y Compañía, 1894.

“Bando Importante.” “Del Centro de Luzon.” Diario de Manila, 18 Hunyo 1897.

Bautista, Ambrosio Rianzares. “Acta dela proclamacion de independencia del pueblo


Filipino, 12 Hunio 1898,” sa The Laws of the First Philippine Republic (The Laws of
Malolos) 1898-1899, pat. Sulpicio Guevara. Maynila: National Historical Commission,
1972.

Bautista, Antonio S. Ang Malulos sa Dahon ng Kasaysayan. Gerona, Tarlac: Jose P.


Santos, 1936.

Bellessort, André. “A Week in the Philippines: In November 1897 (Conclusion).” The


Living Age, 27 May 1899, 562-74.

Bergaño, Diego. Vocabulario de la Lengua Pampanga en Romance. Maynila: Imprente de


Ramirez y Giraudier, 1732/1860.

Blanco, Ramon. Memoria que al Senado dirige el General Blanco acerca de los Últimos
Sucesos Ocurridos en la Isla de Luzon. Madrid: Estamecimiento Tipográfico de “El
Liberal,” 1897.

Borres y Romero, Javier. The Philippine Insurrection: The Four Truths. Lungsod ng
Quezon: Toyota Foundation and University of the Philippines Press, 1897/2002.

Bustillo, Lorenzo. “News of the exemplary life and solid virtues of the very humble Brother
Felipe Sonsong, donado of our Society of Jesus in these Marianas Islands, where he
died with the reputation of a saint on Friday, 21 January of this year of 16[86] at 75
years of age,” sa John N. Schumacher, Felipe Sonsong of Macabebe, Pampanga: 17th-
Century Filipino Jesuit missionary to the Marianas. Lungsod ng Angeles: Juan D.
Nepomuceno Center for Kapampangan Studies, Holy Angel University, 2009.

Buzeta, Manuel at Felipe Bravo. Diccionario Georgrafico-Estadistico-Historico de las


Islas Filipinas. Madrid: Imprenta de Jose C. de la Peña, 1851, Tomo 2.

340
Calderón, Felipe G. Mis Memorias sobre la Revolución Filipina: Segunda Etapa (1898 á
1901). Maynila: Imp. de El Renacimiento, 1907.

Camagay, Ma. Luisa T. trans. French Consular Dispatches on the Philippine Revolution.
Lungsod ng Quezon: University of the Philippines Diliman, 1997.

Careri, Giovanni Francesco Gemelli. Voyage du Tour du Monde, Tome Cinquieme des Isles
Philippines. Paris: Etienne Ganeau, 1727.

_____. “A Voyage Round the World,” sa Collection of Voyages and Travels. London:
Awnsham and John Churchill, 1704, Tomo 4.

Chirino, Pedro. “Relacion de las Islas Filipinas, 1604,” sa The Philippine Islands, pat. Blair
at Robertson, Tomo 12.

Colegio de Abogados de Madrid. Boletín de la Revista general de legislación y


jurisprudencia, Tomo XXI, Segundo Semestre de 1864. Madrid: Imprenta de la Revista
de Legislación, 1864.

“College of San José,” sa The Philippine Islands, pat. Blair and Robertson, Tomo 45.

“Conquest of the Island of Luzón, Manila, 20 April 1572,” sa The Philippine Islands 1493-
1898 pinamatnugutan nina Emma Helen Blair at James Alexander Robertson
(Cleveland, Ohio: The Arthur H. Clark Company, 1903-1909), Tomo 3.
26.

Coronel, Fernando de los Rios. “Memorial, y Relacion para sv Magestad, 1621,” sa The
Philippine Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo 19.

Corcuera, Sebastian Hurtado de. “Hospitals and Hospital Contributions, Manila, July-
August 1636,” sa The Philippine Islands, pat. Blair and Robertson, Tomo 26.

_____. “Reduction of Expenses: Corcuera to Felipe IV, Manila, June 30, 1636,” sa The
Philippine Islands, pat. Blair and Robertson, Tomo 26.

Coronel, Fernando de los Rios. “Reforms Needed in the Philippines, 1619-1620,” sa Blair
at Robertson, The Philippine Islands, Tomo 18.

Consejo de las Indias. “The Terrenate Expedition, 5 and 15 August 1606,” sa The
Philippine Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo 14.

Davalos, Melchor. “Letter to Felipe II, Manila, 3 July 1584,” sa The Philippine Islands,
pat. Blair at Robertson, Tomo 6.

De los Santos, Domingo. Vocabulario de la Lengua Tagala. Maynila: Imprenta Nueva de


D. Jose Maria Dayot, 1794/1835.

341
Dela Vega, Juan Manuel. “Expedition to the Province of Tuy, 3 July 1609,” sa The
Philippine Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo 14.

Del Castillo y Jimenez, Jose M. El Katipunan o el Filibusterismo en Filipinas. Madrid:


Imprenta del Asilo de huerfanos del S. C. de Jesus, 1897.

Delgado, Juan Jose. Historia General, Sacro-profana, Política y Natural de las Islas del
Islas del Poniente. Maynila: Imp. de El Eco de Filipinas de D. Juan Atayde, 1892,
Tomo I.

Delmas, Emilio Revertér. Filipinas por España: Narración Episódica de la Rebelión en el


Archipiélago Filipino. Barcelona: Centro Editorial de Alberto Martín, 1897, Tomo 2.

Del-Pan, Jose Felipe. “Una Vista al P. Juan de Capas y as sus Aetas en 185…” Revista de
Filipinas 1:1 (1875),

De los Reyes, Isabelo. El Folk-lore Filipino. Maynila: Imprenta de Sta. Cruz, 1889,
dalawang tomo.

_____. La Religión Antigua de los Filipinos. Maynila: Imprenta de El Renacimiento, 1909.

“Description of the Philippinas Islands, Manila, 1618,” sa The Philippine Islands, pat. Blair
at Robertson, Tomo 18.

Devins, John Bancroft. An Observer in the Philippines or Life in Our New Possessions.
New York: American Tract Society, 1905.

Diaz, Casimiro. “Conquistas de las Islas Filipinas—Libro Tercero de la Segunda Parte.”


Revista Agustiniana 6:61 (5 Nobyembre 1886), 117-128

_____. “Conquistas de las Islas Philipinas, 1718,” sa The Philippine Islands, pat. Blair at
Robertson, Tomo 38.

Duc D’ Alençon. Luzon and Mindanao. Maynila: National Historical Institute, 1870/1986.

“Early Franciscan Missions, 1649/1895,” sa The Philippine Islands, pat. Blair at


Robertson, Tomo 35.

“El Consejo de Guerra de Hoy,” La Voz, 20 Enero 1897.

“Expeditions to Borneo, Jolo, and Mindanao,” sa The Philippine Islands, pat. Blair at
Robertson, Tomo 4.
F. y S., I. E. The Capture of Manila: The Glorious History of August Thirteenth, 1898.
Lungsod ng Quezon: Toyota Foundation and University of the Philippines Press,
1928/2002.

342
Fayol, Joseph. “Affairs in the Filipinas, 1644-47,” sa The Philippine Islands, pat. Blair at
Robertson, Tomo 35.

Fergusson, A. W. “Report of the Executive Secretary, Manila, September 1, 1906,” sa


Seventh Annual Report of the Philippine Commission 1906, Part 1 ng BIA, USWD.
Washington: Government Printing Office, 1907.

Foreman, John. The Philippine Islands, Second Edition, Revised and Enlarged. London:
Sampson Low, Mauston & Co., Ltd., 1899.

_____. The Philippine Islands. New York: C. Scribner's Sons, 1906.

Ganzon, Guadalupe Fores at Luis A. Mañeru, trans. La Solidaridad. Manila: Fundación


Santiago, 1996, Tomo I, II, III, VII.

Gonzalez, Andres. “The Camacho Ecclesiastical Controversy, 1697–1700,” sa The


Philippine Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo 42.

Grau y Monfalcón, Juan. “Grau y Monfalcón’s Informatory Memorial of 1637,” sa The


Philippine Islands, pat. Blair and Robertson, Tomo 27.

_____. “Military Services of Filipinos, 13 June 1636,” sa The Philippine Islands, pat. Blair
and Robertson, Tomo 25.

Guía Oficial de Filipinas 1892. Maynila: Tipo-Litografia de Chofre y Comp.a, 1892.

Guerra, Juan Alvarez. The Origins and Causes of the Philippine Revolution; translated by
Teresita Alcántara y Antonio. Lungsod ng Quezon: University of the Philippines and
Toyota Foundation, 1899/2002.

Herrera, Diego de. “Augustinian Memoranda: Memoranda of the religious of the islands
of the West in regard to the matters to be discussed with his Majesty or his royal
Council of the Yndias, c. 1573,” sa The Philippine Islands, pat. Blair at Robertson,
Tomo 34.

Herrero y Sampedro, Ulpiano. Nuestra Prison en Poder de los Revolucionarios Filipinos.


Maynila: Imprenta del Colegio de Sto. Tomas, 1900.

“Instructions to Gomez Perez Dasmarinas, August 9, 1589,” sa The Philippine Islands, pat.
Blair at Robertson, Tomo 7

Isern, Damian. Del Desastre Nacional y sus Causas. Madrid: Imprenta de la viuda de M.
Minuesa de los Ríos, 1899.

343
Laarhoven, Ruurdje. “Carel van der Hagen: A Dutch Soldier in the East, 1699-1705: An
Account of What Passed at Sea, in Dutch India, Manila, and their Escape from the
Spaniards in a Banca to Japan, 1698-1705.” Philippine Quarterly of Culture and
Society, 15:1/2 (Marso/Hunyo 1987), 27-142.

Laktaw, Pedro S. “El Folk-Lore Pampango,” sa El Folk-lore Filipino, pinamatnugutan ni


Isabelo de los Reyes. Maynila: Imprenta de Santa Cruz, 1890, Tomo II.

Lavezaris, Guido de, et al. “Reply to Fray Rada’s Opinion, 1574,” sa The Philippine
Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo 3.

_____. “Affairs in the Philippine Islands after the Death of Legazpi, Manila, 29 June 1573,”
sa The Philippine Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo 3.

_____. “Two Letters to Felipe II, Manila, 17 and 30 July 1574,” sa The Philippine Islands,
pat. Blair at Robertson, Tomo 3.

Ledesma, Juan de. “Letter to Felipe II from Various Officials, Manila, 24 June 1586,” sa
The Philippine Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo 6.

Legazpi, Miguel Lopez de. “Copia de carta que el general miguel lópez de legazpi scrive
al virrey de la nueva spaña, fecha en la ciudad de manila a XI de agosto de 1572,” sa
Historia de la Provincia Agustiniana del Smo. Nombre de Jesus de Filipinas,
pinamatnugutan ni Isacio Rodriguez. Oroquieta: Arnoldus Press, 1978, Tomo 14.

_____. “Letter to Felipe II, 25 July 1570” sa The Philippine Islands, pat. Blair at Robertson,
Tomo 3.

_____. “Relation of the Filipinas Islands and of the Character and Condition of Their
Inhabitants, Cebu, ca. 1569,” sa The Philippine Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo
3.

_____. “Relation of the Voyage to the Philippine Islands, 1565,” sa The Philippine Islands,
pat. Blair at Robertson, Tomo 2.

Le Roy, James A. The Americans in the Philippines. Boston at New York: Houghton
Mifflin Company, 1914, Tomo I.

“Letters from Felipe III to Fajardo, Madrid, 19 Disyembre 1618,” sa The Philippine
Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo 18.

“Letter from Francisco Tello to Felipe II, Manila, June 17, 1598,” sa The Philippine
Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo 10.

344
“Letter from Pedro de Acuña, Manila, December 18, 1603,” sa The Philippine Islands, pat.
Blair at Robertson, Tomo 12.

Loarca, Miguel de. “Relacion de las Yslas Filipinas, Arevalo, June, 1582.” Sa The
Philippine Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo 5, 102.

López, T. Aparicio “La Persecución Religiosa y la Orden de San Agustín en la


Independencia de Filipinas.” Estudio Agustiniano, 8 (1973).

“Los Macabebes en Barcelona.” Mar y Tierra, 16 Hunyo 1900, 318.

Maldonado, Bernardino. “Letter from Bernardino Maldonado to Felipe III,” sa The


Philippine Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo 34.

Mabini, Apolinario. La Revolucion Filipina. Maynila: Bureau of Printing, 1931, Tomo 2.

_____. Panukala sa Pagkakaná nang Repúblika nang Pilipinas. Kavite: Pamunoang


Tagapagbangong-puri, 1898.

_____. The Philippine Revolution. Maynila: National Historical Commission, tomo 2,


1969.

Mas, Sinibaldo de. Informe Sobre el Estado de las Islas Filipinas. Madrid: Imprenta
Sancho, 1843, Tomo 1.

Medina, Juan de. Historia de los Sucesos de la Orden de N. Gran P. S. Agustín de estas
Islas Filipinas. Maynila: Tipo-Litografia de Chofre y Comp., 1630/1893, Tomo I.

Medina, Juan de. “History of the Augustinian Order in the Filipinas Islands, 1630,” sa The
Philippine Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo 23.

Mendoza, Juan González de. “Dell’ historia della China, descritta nella lingua spagnola,
1590,” sa The Philippine Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo, 85.

Ministerio de Marina. Correspondencia Oficial Referente á las Operaciones Navales


durante la Guerra con los Estados Unidos en 1898. Madrid: Imprenta de Ministerio de
Marina, 1899.

Montero y Vidal, José. Historia General de Filipinas desde el Descubrimiento de Dichas


Islas hasta Nuestras Días. Madrid: Est. Tip. de la Viuda é Hijos de Tello, 1895, Tomo
3.

Monteverde y Sedano, Federico de. Campaña de Filipinas; La División Lachambre, 1897.


Madrid: Libreria de Hernando y Compania, 1898.

345
Morga, Antonio de. Sucesos de las Islas Filipinas, anotada por Jose Rizal. Paris: Libreria
de Garnier Hermanos, 1609/1890.

Noceda, Ivan de at Pedro de San Lvcar. Vocabulario de la Lengua Tagala. Maynila:


Imprenta de la Compañía de Iesvs, 1754.

Núñez, Severo Gómez. La Guerra Hispano-Americana: Puerto-Rico y Filipinas. Madrid:


Imp. del Cuerpo de Artillería, 1902.

Oficina de Bibliotecas Públicas. Epistolario de Marcelo H. del Pilar. Maynila: Imprenta


del Gobierno, 1958, Tomo I at II.

“Ordinances Enacted by the Audiencia of Manila,” sa The Philippine Islands, pat. Blair at
Robertson, Tomo 11.

Paterno, Pedro A. The Pact of Biyak-na-Bato and Ninay. Maynila: National Historical
Institute, 2004.

Pellicena y López, Joaquin. La Verdad Sobre Filipinas. Maynila: Tipografia Amigos del
Pais, 1900.

Perez, Elviro. Catálogo bio-bibliográfico de los religiosos agustinos de la provincia del


santisimo nombre de Jesus de las Islas Filipinas. Maynila: Establecimiento
Tipográfico del Colegio de Santo Tomás, 1901.

Perez, Lorenzo A. “Un Códice Desconocido, Relativo a las Islas Filipinas.” Erudición
Ibero-Ultramarina, 4:15-16 (1933), sinipi sa “Doubting A Hero’s Name: Tarik
Soliman and the Question of Paterno’s Historia” ni Jose Victor Z. Torres. Alaya, 2:1
(2004), 76.

Plasencia, Juan de. “Customs of the Tagalogs, 1589,” sa The Philippine Islands, pat. Blair
at Robertson, Tomo 7.

_____. “Instructionss Regarding the Customs which the Natives of Pampanga Formerly
Observed in their Lawsuits, 24 October 1589,” sa The Philippine Islands, pat. Blair at
Robertson, Tomo 16.

Prada, José Rodríguez de. “Memorias de un Prisonero.” La Ciudad de Dios, 54 (1901).

“Primary Instruction,” sa The Philippine Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo 46.

Ponce, Mariano. “Folk-Lore Bulaqueño,” sa El Folk-lore Filipino, pinamatnugutan ni


Isabelo de los Reyes. Maynila: Imprenta de Santa Cruz, 1890, Tomo II.

Pons y Torres, Salvador. El Clero Secular Filipino: Apuntes Bibliográficos y Biográficos.


Maynila: Imprenta la Democracia, 1900.

346
Primo de Rivera y Sobremonte, Fernando. Memoria Dirigida al Senado. Madrid: Imprenta
y Litografía del Depósito de la Guerra, 1898.

Rada, Martin de. “Opinion on Tribute from the Indian, Manila, 21 June 1574,” sa The
Philippine Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo 3.

Real y Supremo Consejo de las Indias. Recopilacion de Leyes de los Reinos de las Indias.
Madrid, Viuda de D. Joaquín Ibarra, 1791, Tomo I.

“Relación de los Pueblos Puestos en Cabeza de Su Majestad, 9 Enero 1574.” Filipinas, 29,
No. 14, Archivo General de Indias.

“Relation of the Voyage to Luzon, 1570,” sa The Philippine Islands, pat. Blair at
Robertson, Tomo 3.

“Remitido.” El Heraldo de la Revolucion, 8 Disyembre 1898, 169-71.

Ría-Baja, Carlos. El Desastre Filipino: Memorias de un Prisionero. Barcelona: Tipografia


la Academica, de Serra Hermanos y Russell, 1899.

Ricarte Vivora, Artemio. Himagsikan nang manga Pilipino Laban sa Kastila. Yokohama:
Karihan Café, 1927.

Riquel, Hernando. “Act of Taking Possession of Luzon, 1570,” sa The Philippine Islands,
pat. Blair at Robertson, Tomo III.

_____, et al. “News from the Western Islands, July 1573,” sa The Philippine Islands, pat.
Blair at Robertson, Tomo 3.

_____. “Las Nuevas Quescriven de las Yslas del Poniente, 1573,” sa The Philippine
Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo 3.

Rizal, Jose. Cartas entre Rizal sus Colegas de la Propaganda. Maynila: Comision
Nacional del Centenario de Jose Rizal, 1961, Tomo II, Libro Tercero, Primer at
Segunda Parte.

_____. Reminiscences and Travels of José Rizal. Maynila: José Rizal National Centennial
Commission, 1961.

Rojas, Pedro de. “Letter to Felipe II, Manila, Manila, 30 June 1586,” sa The Philippine
Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo 6.

Roxas, Felix. The World of Felix Roxas: Anecdotes and Reminiscences of a Manila
Newspaper Columnist, 1926-36. Maynila: Filipiniana Book Guild, 1970.

347
“Royal College of San Felipe,” sa The Philippine Islands, pat. Blair and Robertson, Tomo
45, 174-5.

“Royal Decree Regulating the Foundation of Monasteries, Aranjuez, 13 May 1579,” sa The
Philippine Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo 4, 142.

Salamanca, Juan Cerezo de. “Letters to Felipe IV,” sa The Philippine Islands, pat. Blair
and Robertson, Tomo 24.

Salazar, Domingo de. “ Affairs in the Philippinas Islands,” sa The Philippine Islands, pat.
Blair at Robertson, Tomo 5.

San Agustin, Gaspar de. Conquistas de las Islas Filipinas. Maynila: San Agustin Museum,
1698/1998.

_____. “Letter from Fray Gaspar de San Agustin to a friend in España who asked him as
to the nature and characteristics [genio] of the Indian natives of these Philipinas Islands,
Manila, June 8, 1720.” sa The Philippine Islands, pat. Blair and Robertson, Tomo 40.

_____. “Letter on the Filipinos, 1720,” sa The Philippine Islands, pat. Blair and Robertson,
Tomo 40.

San Antonio, Juan Francisco de. “The Native Peoples and their Customs, 1738,” sa The
Philippine Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo 40.

San Buenaventura, Pedro de. Vocabulario de la Lengua Tagala. Pila, Laguna: Thomas
Pinpin y Domingo Loag, 1613.

San Francisco de Assis, Pedro de. “Historia General de los Religiosos Descalzos de San
Agustín, 1756,” sa The Philippine Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo 41.

San Pedro, Joaquín Rodríguez. Legislación Ultramarina: Concordada y Anotada,


Suplemento Primero, Tomo Undécimo. Madrid: Imprenta de Manuel Minuesa, 1868.

Sande, Francisco de. “Letter to Felipe II, 29 July 1578,” sa The Philippine Islands, pat.
Blair at Robertson, Tomo 4.

_____. “Letter to Felipe II, 30 May 1579,” sa The Philippine Islands, pat. Blair at
Robertson, Tomo 4.

_____. “Relation and Description of Phelipinas Islands, Manila, 8 June 1577,” sa The
Philippine Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo 4.

_____. “Relation of the Filipinas Islands, 7 June 1576,” sa The Philippine Islands, pat.
Blair at Robertson, Tomo 4.

348
Sanjulian, Fermin. “Mga Gunita ng Isang Paring Bihag sa Bulakan, 1898,” salin sa Filipino
mula sa Espanyol ni Jaime B. Veneracion, sa Mary Jane B. Rodriguez, pat. Kongreso
ng Malolos. Malolos, Bulacan: Samahang Pangkasaysayan ng Bulacan, Inc., 1898.

Santiago, Luciano P. R. The Hidden Light: The First Filipino Priests. Lungsod ng Quezon:
New Day Publishers, 1987.

Santos, Rufino. “The Philippine Revolution in Pampanga: A letter of Rufino Santos, OSA,
1899, translated from Spanish by Policarpio Hernandez, OSA.” Alaya, 3 (Nobyembre
2004).

Sastron, Manuel. La Insurrección en Filipinas y Guerra Hispano-Americana en el


Archipiélago. Madrid: Imprenta de la Sucesora de M. Minuesa de los Ríos, 1919.

Sonnichsen, Albert. Ten Months a Captive among Filipinos. New York: C. Scribner’s
Sons, 1901.

Soto, Juan Crisostomo. Lidia. Maynila: Imprenta de Santos at Bernal, 1907.

Souza, George Bryan at Jeffrey S. Turley, mga pat. The Boxer Codex: Transcription and
Translation of an Illustrated Late Sixteenth-Century Spanish Manuscript Concerning
the Geography, Ethnography and History of The Pacific, South-East Asia and East
Asia. Leiden: Koninklijke Brill, 2016.

“Spanish Governor’s Filipino Emissary Defects to Aguinaldo,” sa Documentary Sources


of Philippine History, pat. Gregorio Zaide. Maynila: National Book Store, Inc., 1990,
Tomo 9.

“Sucesos de Filipinas.” El Siglo Futuro, 11 April 1898, 4.

Superior Tribunal de Filipinas. Colección de Autos Acordados de la Real Audiencia


Chancilleria de Filipinas. Maynila: Imprenta de Ramirez y Giraudier, 1861, Tomo II.

Tayag, Renato. Recollections & Disgressions (Maynila: Philnabank Club, 1985).

Taylor, John R. M. The Philippine Insurrection against the United States. Pasay: Eugenio
Lopez Foundation, 1971, Tomo 1, 3.

“The Council of 1771,” sa The Philippine Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo 50.

“The Fall of Manila: Excerpts from a Jesuit Diary, 21 April 1898 to 7 February 1899.”
Philippine Studies, 37:2 (1989).

The Military Surgeon: Journal of the Association of Military Surgeons of the United States
61 (1927).

349
Trigo, Felipe. The Philippine Campaign (Impressions of a Soldier): General Blanco and
the Insurrection, saling Ingles ni Edgardo M. Tiamson. Lungsod ng Quezon: Toyota
Foundation at University of the Philippines Press, 1897/2002.

Togores Sánchez, Luis E. “El Asedio de Manila (Mayo-Agosto 1898). ‘Diario de los
sucesos ocurridos durante la guerra de España con los Estados Unidos, 1898.’” Revista
de Indias, 58:213 (1998).

Togores y Saravia, Jose Roca de. Blockade and Siege of Manila in 1898. Maynila: National
Historical Institute, 1908/2003.

Tomás y Valiente, Francisco. Fondos de Ultramar (1835-1903). Madrid: Boletín Oficial


del Estado, 1994.

Toral, Juan at José Toral. El Sitio de Manila (1898): Memorias de un Voluntario. Maynila:
Imprenta Litografia Partier, 1898

Trigo, Felipe. La Campaña Filipina: El General Blanco y la Insurrección: Impressions de


un Soldado. Madrid: Libreria de Fernando Fe, 1897.

Turla, Lucio F. “How Can they Be Traitors if They Did Not Owe Loyalty to Aguinaldo?”
Singsing, 1:4 (2003), 15.

U.S. Adjutant-General’s Office-Military Information Division. Notes and Tables on


Organization and Establishement of the Spanish Army in the Peninsula and Colonies.
Washington: Government Printing Office, 1898.

U.S. Bureau of Insular Affairs, War Department, Fifth Annual Report of the Philippine
Commission, 1904, Part 3. Washington: Government Printing Office, 1905.

_____, War Department. Seventh Annual Report of the Philippine Commission 1906.
Washington: Government Printing Office, 1907, Part 2.

U.S. Bureau of the Census. Census of the Philippine Islands, 1903. Washington: US
Bureau of the Census, 1905, Tomo 4.

_____. Census of the Philippine Islands, 1903. Washington, DC: United States Bureau of
the Census, 1905, Tomo I

U.S. Congress. Affairs in the Philippine Islands: Hearings before the Committee on the
Philippine of the United States Senate 57th Congress, 1st Regular Session, Jan. 31-
June 28, 1902 – April 10, 1902. Washington: Goverment Printing Office, 1902, Tomo
3.

U.S. Senate, Message from the President of the United States 1901 A.D./The Senate
Document and Romanism. Washington, D.C.: U.S. Senate, 1901.

350
Vera, Santiago de, et al. “Letter from the Audiencia of Manila to Felipe II, Manila, 26 June
1586,” sa The Philippine Islands, pat. Blair at Robertson, Tomo 6.

_____. “Conspiracy against the Spaniards, 1589,” sa The Philippine Islands, pat. Blair at
Robertson, Tomo 7.

_____. “Memorial to the Council: Memorandum of the various points presented by the
General Junta of Manila to the Council, so that in regard to each the most advisable
reform may be instituted, 1586,” sa The Philippine Islands, pat. Blair at Robertson,
Tomo 6.

Worcester, Dean Conant. The Philippines Past and Present. New York: The Macmillan
Company, 1914.

Iba pang lathalain

Agoncillo, Teodoro. The History of the Filipino People, eight edition. Lungsod ng Quezon:
Garotech Publishing, 1990.

Aguas, Juan S. Juan Crisostomo Soto and Pampangan Drama. Lungsod ng Quezon:
University of the Philippines, 1963.

Alfonso, Ian Christopher B. “Revisiting the Provenance of the Very Strange 1589 Last Will
and Testament of Don Fernando Malang Balagtas,” Historical Bulletin 50 (Enero-
Disyembre 2016), 31-61.

_____. “Revisiting the Sources of the Founding of an Early Spanish Town: The Case of
Calumpit, Bulacan.” Journal of Philippine Local History and Heritage, 1:1 (Pebrero
2015), 79-125.

_____. The Nameless Hero: Revisiting the Sources on the First Filipino Leader to Die for
Freedom. Lungsod ng Angeles: Holy Angel University Press, 2016.

Alzona, Encarnacion. Galicano Apacible: Profile of a Filipino Patriot. Manila: National


Historical Institute, 1971.

American Heritage, pat. Spanish Word Histories and Mysteries: English Words that Come
from Spanish. Boston: Houghton Mifflin Company, 2007.

Andaya, Barbara Watson. “The Political Development between the Sixteenth and
Eighteenth Centuries,” in The Cambridge History of Southeast Asia, Volume 1, Part 2
na pinamatnugutan ni Nicholas Tarling. Cambridge: Press Syndicate of the University
of Cambridge, 1999.

351
Anonima. Reglamento para la Organizacion, Régimen y Servicio de la Guardia Civil de
las Islas Filipinas. Maynila: Imprenta Amigos del Pais, 1880.

Artigas y Cuerva, Manuel. Historia de Filipinas para uso de los Alumnos del Instituto
Burgos y de Otros Colegios Particulares. Maynila: Imprenta “La Pilarica,” 1916.

_____. La Civilización Filipina. Maynila: Imprenta Sevilla, 1912.

_____. Los Sucesos de 1872: Reseña Historica Bio-Bibliografica. Maynila: Imprenta de la


Vanguardia, 1911.

Ayuntamiento de Manila. Catálogo de los objetos presentados en la Exposición Regional


de Filipinas, inaugurada en Manila el día 23 de enero de 1895. Maynila: Manila, Tipo-
Lit. de Chofré, 1896.

Bascara, Cornelio R. A History of Bataan, 1587-1900: Scanning Its Geographic, Social,


Political and Economic Terrain. Maynila: UST Publishing House, 2010.

Bernad, Miguel A. The Christianization of the Philippines: Problem and Perspectives.


Manila: The Filipiniana Book Guild, 1972.

Beyer, H. Otley. Early History of Philippine Relations with Foreign Countries, Especially
China. Manila: National Printing, 1948

Cabusao, Romeo C. Candaba: Balayan ning Leguan. San Fernando, Pampanga: Romeo C.
Cabusao, 2003.

Calairo, Emmanuel Franco. Mga Anak ng Tangway sa Rebolusyong Pilipino. Lungsod ng


Kabite: Pamahalaang Lungsod ng Kabite, 1996.

Carlson, Keith Thor. “Born Again of the People: Luis Taruc and Peasant Ideology in
Philippine Revolutionary Politics.” Histoire Sociale 41:82 (Nobyembre 2008), 417-58.

Castro, Alex R. “Simon Flores.” Singsing 2:3 (2003), 41.

Catacutan, Vicente B. The Pisamban of Apung Iru: A Pedagogical Church. Apalit,


Pampanga: ASCCOM Alipan ning Ginu Community, 2012.

“Colonel Jose de los Reyes Retires After 29 Years of Service.” Khaki and Red, 10:10
(Oktubre 1930), 4.

Cruikshank, Bruce. “The Historical Data Papers as a Source of Filipiniana.” Bulletin of


American Historical Collection 1:2 (1973), 14-23.

David, Manuel H. pat., Pampanga Directory. Maynila: Jesus J. Santos, 1933, Tomo 1.

352
De los Santos, Epifanio. The Revolutionists. Maynila: National Historical Instutute, 1973.

Dizon, Daniel H. “The Execution of Román Payumu.” Singsing, 3:1 (2004), 47.

Dizon, Lino L. Francisco Makabulos Soliman: A Biographical Study of a Local


Revolutionary Hero. Tarlac, Tarlac: Center for Tarlaqueño Studies, Tarlac State
University, 1994.

_____. An Epistle of a Friar-Prisoner, 1898-1900. Lungsod ng Angeles: Juan D.


Nepomuceno Center for Kapampangan Studies, Holy Angel University, 2002.

_____. “Los Alemanes and Other Early Religious Protest Movements in Tarlac Province,
1891-1905.” Alaya, 5 (2007-2008).

_____. “Relaciones de Baculud: Bacolor as the Center of Philippine History 1762-1764.”


Singsing, 2:2 (2004), 8.

_____. “Toponymy and Historical Archaeology in Upper Pampanga (Tarlac-Pampanga


border, Central Luzon, Philippines), 1593-1898.” Alaya, 7 (2007-2008).

Escobés, Susana Cuartero. La Masonería Española en Filipinas. España: Ediciones Idea,


2006, Tomo 1.

Fegan, Brian. “Brian Fegan, “The Social History of a Central Luzon Barrio,” sa Philippine
Social History: Global Trade and Local Transformations, pinamatnugutan nina Alfred
W. McCoy at Ed. C. De Jesus. Lungsod ng Quezon: Ateneo de Manila University Press,
1982.

Forbes, William Cameron. The Philippine Islands. Boston: Houghton Mifflin, 1928, Tomo
1.

Flake, Dennis Edward. Loyal Macabebes: How the Americans Used the Macabebe Scouts
in the Annexation of the Philippines. Lungsod ng Angeles: Holy Angel University
Press, 2009.

Francisco, Martin. Mahabe Pagotan: Kasaysayan, Kalinangan at Lipunan ng mga


Dumagat sa Bahaging Bulacan ng Sierra Madre. Malolos, Bulacan: Bahay-saliksikan
ng Bulacan, 2012.

Funston, Frederick. Memoris of Two Wars: Cuban and Philippine Experiences. Nebraska:
University of Nebraska, 1911/2009.

Gabriel, Nancy Kimuel. “Ang Tundo ni Bonifacio, Si Bonifacio sa Tundo.” Saliksik E-


Journal, 3:2 (2014).

353
Gealogo, Francis A. “Freedom as a Process, Condition, and Value,” sa Maria Serena I.
Diokno, pat., A Sense of Nation: The Birthright of Rizal, Bonifacio, and Mabini.
Maynila: National Historical Commission of the Philippines 2016.

Gooch, Anthony. Diminutive, Augmentative, and Pejorative Suffixes in Modern Spanish:


A Guide to their Use and Meaning. Oxford: Pergamon Press, 1967.

Guerrero, Milagros C. Luzon at War: Contradictions in Philippine Society, 1898-1902.


Lungsod ng Mandaluyong: Anvil Publishing, Inc., 2015.

Henson, Mariano A. A Brief History of the Town of Angeles in the Province of Pampanga,
Philippines: From Its Foundation in 1796 A.D. to the Present 1947-1948. San
Fernando, Pampanga: Ing Katiwala, 1948.

_____. The Province of Pampanga and Its Towns (A.D. 1300-1955). Angeles, Pampanga:
Mariano A. Henson, 1955.

Hilario-Lacson, Evangelina. Kapampangan Writing: A Selected Compendium and


Critique. Maynila: National Historical Institute, 1984.

Hilario-Soriano, Rafaelita. A Shaft of Light. S.l.: Rafaelita Hilario-Soriano, 1996.

_____. Gen. Mariano Llanera: Nueva Ecija and the Pampango Nation’s Greatest
Contribution to the Philippine Revolution. s.l: Rafaelita Hilario Soriano, 1999.

_____. The Pampangos. Lungsod ng Quezon: Kayumanggi Press, 1999.

Icban-Castro, Rosalina. Literature of the Pampangos. Maynila: University of the East


Press, 1981.

Ileto, Reynaldo C. Critical Questions on Nationalism: A Historian's View. Maynila: De La


Salle University, 1986.

_____. Pasyon and the Revolution: Popular Movements in the Philippines, 1840-1910.
Lungsod ng Quezon: Ateneo de Manila University Press, 1979.

Joaquin, Nick. Manila, My Manila: A History for the Young. Maynila: City Government
of Manila, 1990.

Jose, Regalado Trota. Simbahan: Church Art in Colonial Philippines, 1565-1898. Makati:
Ayala Museum, 1991.

Kalaw, Teodoro M. An Acceptable Holocaust: Life and Death of a Boy-General. Maynila:


National Historical Institute, 1992.

354
_____. La Masoneria Filipina: Su Origen, Desarrollo y Vicisitudes hasta la Época
Presente. Maynila: Bureau of Printing, 1920.

_____. The Philippine Revolution. Maynila: Manila Book Co., 1925.

Komisyon sa Wikang Filipino, Atlas ng mga Wika ng Filipinas. Maynila: Komisyon sa


Wikang Filipino, 2017.

Larkin, John A. “Pampanga Views the Revolution,” sa The Philippine Revolution and
Beyond, pinamatnugutan ni Elmer A. Ordoñez. Maynila: Philippine Centennial
Commission; National Commission for Culture and the Arts, 1998, Tomo II.

_____. The Pampangans: Colonial Society in a Philippine Province. Berkeley, Los


Angeles, London: University of California Press, 1972.

_____. “The Place of Local History in Philippine Historiography.” Journal of Southeast


Asian History 8:2 (Setyembre 1967), 306-17.

Lachica, Eduardo. The Huks: Philippine Agrarian Society in Revolt. Maynila: Solidaridad
Pub. House, 1971.

Laya, Jaime C. Letras Y Figuras: Business in Culture, Culture in Business. Mandaluyong:


Anvil Publishing, 2001.

Linn, Brian McAllister. “The US Army and Nation Building and Pacification in the
Philippines,” sa Armed Diplomacy: Two Centuries of American Campaigning ng US
Army Training and Doctrine Command and Combat Studies Institute. Fort
Leavenworth, Kansas: Combat Studies Institute Press, 2003.

Lopez, Mellie Leandicho. A Handbook of Philippine Folklore. Lungsod ng Quezon:


University of the Philippines Press, 2006,

Malcolm, George A. The Commonwealth of the Philippines. New York: D. Appleton-


Century Com., Inc., 1939.

Mangahas, Fe, Ma. Bernadette Abrera, at Carlos Tatel. “Paglinang ng Kabihasnan at


Bayan,” sa Kasaysayang Bayan: Sampung Aralin sa Kasaysayang Pilipino,
pinamatnugutan nina Jaime B. Veneracion at Ferdinand C. Llanes. Maynila: National
Historical Commission of the Philippines; Lungsod ng Quezon: ADHIKA ng Pilipinas,
Inc., 2012.

Marcilla y Martín, Cipriano. Estudio de los Antiguos Alfabetos Filipinos. Malabon: Tipo-
litografia del Asilo de Huérfanos, 1895.

Marcos, Ferdinand. Tadhana: The History of the Filipino People. S.l.: Ferdinand Marcos,
1976, Tomo 2, Unang Parte.

355
Martinez, Bernardo. Apuntes Históricos de la Provincia Agustiniana del Santisimo Nombre
de Jesús de Filipinas. Madrid: Imp. del Asilo de Huérfanos del Sagrado Corazon de
Jesús, 1909.

Mascaraque, Belén Pozuelo. “Los Estados Unidos, Alemania y el desmantelamiento


colonial español en el Pacifico: El caso de las Marianas.” Anales de Historia
Contemporánea 14 (1998), 158.

Mas, Sinibaldo de. Informe sobre el Estado de las Islas Filipinas en 1842. Madrid : s.n.,
1843, Tomo 1.

May, Glenn Anthony. Battle for Batangas: A Philippine Revolution at War. Lungsod ng
Quezon: New Day Publishers, 1993.

Mendoza, Erlita P. “Revisiting the Historical Data Papers (HDP) on Microfilm as Source
of Kapampangan History.” Alaya: Kapampangan Research Journal 1 (October 2003),

Mendoza, Martha. The Grammaticalization of the Spanish Diminiutive Metaphorical


Projections of Size. Berkeley: University of California, 1998.

Mercene, Floro L. Manila Men in the New World: Filipino Migration to Mexico and the
Americas from the Sixteenth Century. Lungsod ng Quezon: University of the
Philippines Press, 2007.

Mojares, Resil B. “Reiventing the Revolution: Sergio Osmeña and Post-Revolutionary


Intellectuals in the Philippines.” Philippine Quarterly of Culture and Society 24:3/4
(Setyembre/Disyembre 1996), 269-86.

Molina, Antonio M. The Philippines through the Centuries. Maynila: UST Cooperartives,
1961, Tomo 1 at 2.

Mulder, Niels. “The Ideology of Philippine National Community.” Philippine Studies 46:4
(Ika-4 na Kwarter 1998), 477-91.

Musni, Lord Francis. “Ya Ing Pari, Ya Ing Ari: Why Kapampangans Pamper their Priests.”
Singsing 3:1 (2004), 39-40.

Myrick, Conrad. “The History of Manila from the Spanish Conquest to 1700.” Historical
Bulletin 15:1-4 (1971).

National Historical Commission of the Philippines. Reframing the Cádiz Constitution in


Philippine History. Maynila: National Historical Commission of the Philippines, 2013.

National Historical Institute. Filipinos in History. Maynila: National Historical Institute,


1988, Tomo 1; 1990, Tomo 2; 1996, Tomo 5.

356
Ocampo, Nilo. Katutubo, Muslim, Kristyano: Palawan, 1621-1901. Kolonya: Bahay-
Saliksikan ng Kasaysayan, 1985.

Orejas, Tonette. Macabebe Stigma: The Fight to Remove ‘Dugong Aso’ Tag.” Philippine
Daily Inquirer, 10 Hunyo 2014.

Orosa, Sixto Y. Jose Rizal: A Collection of what People Have Said and Written about the
Filipino National Hero. Maynila: Manor Press, 1956.

Palma, Rafael. The Pride of the Malay Race: A Biography of José Rizal. New York:
Prentice-Hall, 1949.

Parker, Luther. “Gats and the Lakans.” Philippine Magazine, Enero 1931, 504.

Patanñe, E. P. The Philippines in the 6th to 16th Centuries. Lungsod Quezon: LSA Press,
1996.

Peter Hanelt Institute of Plant Genetics and Crop Plant Research, pat. Mansfeld's
Encyclopedia of Agricultural and Horticultural Crops. Germany: Springer, 2001,
Tomo 1.

Pier, Arthur Stanwood. American Apostles to the Philippines. Maynila: The Philippine
Club, 1950.

Pí y Margall, Francisco at Francisco Pí y Arsuaga. Historia de España en el Siglo XIX:


Sucesos Políticos, Económicos, Sociales y Artísicos. Barcelona: Miguel Seguí, 1902,
Tomo 7.

Quattrocchi, Umberto. CRC World Dictionary of Plant Names. Florida: CRC Press LLC,
2000, Tomo 3.

Quirino, Carlos. Filipinos at War. Maynila: Vera-Reyes, 1981.

_____. “Surprise Party: Aguinaldo’s Wily Mount Puray Stategem Gives the Sinking
Revolutionary Hopes a Boost,” sa Filipino Heritage: The Making of a Nation, pat.
Alfredo Roces. Maynila: Lahing Pilipino Publishing, Inc., 1978, Tomo 8.

_____. Who's Who in Philippine History. Makati: Tahanan Books, 1995.

Quisumbing, Eduardo A. Medicinal Plants of the Philippines. Lungsod ng Quezon: Katha


Publishing Company, 1978.

Regala, Joel. In the Blood: Tracing the Kapampangan Lineage of Andres Bonifacio.
Lungsod ng Angeles: Holy Angel University Press, 2014.

357
Rivas Fabal, José Enrique. Historia de la Infantería de Marina Española. Madrid: Editorial
Naval, 1970.

St. Clair, Francis (W. Brecknock-Watson). The Katipunan: Or, The Rise and Fall of the
Filipino Commune. Manila: Tipos “Amigos del Pais,” 1902.

Sanchez, Phoebe Zoe Maria U. “Ang Pagtataksil ng mga Carcaranon sa Rebolusyon.”


Daluyan 9:1-4 (2000), 357-8.

Santiago, Luciano P. R. Laying the Foundations: Kapampangan Pioneers in the Philippine


Church 1592-2001. Lungsod ng Angeles: The Juan D. Nepomuceno Center for
Kapampangan Studies, Holy Angel University, 2002

_____. The Hidden Light: The First Filipino Priests. Lungsod ng Quezon: New Day
Publishers, 1987.

_____. “The Struggles of the Native Clergy in Pampanga (1771-77).” Philippine Studies,
33:2 (1985).

Santos, Edilberto V. “Ancient Kapampangan Theology,” Singsing 4:2 (2005), 49-50.

Santos, Jose P. Ang Tatlong Napabantog na “Tulisan” sa Pilipinas—Si Tangkad..—Si


Apong Ipe.—Bayani P Tulisan Si Macario Sakay? Gerona, Tarlac: Jose P. Santos,
1936.

Sawyer, Frederic. The Inhabitants of the Philippines. New York: Charles Scribner's Sons,
1900.

Schouten, M. J. C. “Nineteenth-Century Ethnography in West Timor and the Wider World:


The Case of J. G. F. Riedel.” Journal of Asian History, 48 (2014), 205-25.

Schult, Volker.“Revolution and War in Mindoro, 1898-1903.” Philippine Studies 41:1


(Unang Kwarter 1993), 76-90.

Schumacher, John N. Father Jose Burgos: A Documentary History. Lungsod ng Quezon:


Ateneo de Manila University Press, 1999.

_____. “Foreword,” sa The Philippine Revolution in the Bicol Region, ni Elias M.


Ataviado, Tomo I. Lungsod ng Quezon: New Day Publishing, 1998.

_____. “Recent Perspectives on the Revolution.” Philippine Studies 30:4 (1982), 445-92.

_____. “Syncretism in Philippine Catholicism Its Historical Causes.” Philippine Studies


32:3 (1984): 251-272.

358
_____. The Making of a Nation: Essays on Nineteenth-Century Filipino Nationalism.
Lungsod ng Quezon: Ateneo de Manila University Press, 1991.

_____. The Revolutionary Clergy: The Filipino Clergy and the Nationalist Movement
1850-1903. Lungsod ng Quezon: Ateneo de Manila University Press, 1981.

Scott, William Henry. Barangay: Sixteenth-Century Philippine Culture and Society.


Lungsod ng Quezon: Ateneo de Manila University Press, 1994.

_____. “The Mediterranean Connection.” Philippine Studies, 37:2 (1989).

_____. The Union Obrera Democratica: First Filipino Labor Union. Lungsod ng Quezon:
New Day Publishers, 1992.

See, Teresita Ang. Jose Ignacio Paua: Chinese General in the Philippine Revolution.
Maynila: Kaisa para sa Kaunlaran, Inc., 1988.

Sexton, William Thaddeus. Soldiers in the Sun: An Adventure in Imperialism. Harrisburg,


Pennsylvania: The Military Service Pub., Co., 1939.

Stevens, John. A New Dictionary Spanish and English and English and Spanish. London:
J. Darby, 1726.

Tan, Samuel K. The Muslim South and Beyond. Lungsod ng Quezon: University of the
Philippines Press, 2010.

Tantingco, Robby. “The Magical, Mystical Suku of Mount Arayat,” Singsing 5:1 (2008),
18-19.

Tantoco, Regulus P. “Kasumpaan: Tradisyong Oral tungo sa Pagbubuo ng Diwang


Pilipino.” Adhika 1 (1999).

Taruc, Luis. Born of the People. New York: International Pub., 1953.

Tayag, Renato D. Recollection & Digressions. s.l.: Philnabank Club, 1985.

“Telegrama Oficial: La familia de Augustín-Monet sitiado.” La Época, Tuesday, 5 Hulyo


1898.

Tolentino, Aurelio. Kasulatang Gintu: Bie na ning Lahing Malaya ketang Minunang
Panaun. Maynila: Imprenta Y Litografia de Juan Fajardo, 1914.

Torres, Jose Victor Z. “Doubting A Hero’s Name: Tarik Soliman and the Question of
Paterno’s Historia.” Alaya, 2:1 (2004), 76.

“Un Monumento a Don Simon de Anda y Salazar.” El Oriente, 5 Marso 1876, 5.

359
Veneracion, Jaime B. Espanya: Kasaysayan, Kalinangan at mga Gunita ng Paglalakbay.
Malolos, Bulacan: Bahay-saliksikan ng Bulakan, Bulacan State University, 2003.

_____. Kasaysayan ng Bulakan. Kolonya, Alemanya: Bahay-Saliksikan ng Kasaysayan,


1986.

Villarroel, Fidel. José Rizal and the University of Santo Tomas. Maynila: University of
Santo Tomas, 1984.
Lino L. Dizon, “Notes on the Kapampangan Revolutionary Movement.” Singsing 6:1
(2012), 98.

Walsh, William Shepard. Handy-book of Literary Curiosities. Philadelphia: J. B.


Lippincott Company, 1893.

Zaide, Gregorio. The Pageant of Philippine History: Political, Economic, and Socio-
Cultural. Maynila: Philippine Education Company, 1979, Tomo 1.

Zaide, Sonia. The Philippines: A Unique Nation. Lungsod Quezon: All-Nations Publishing
Co., Inc., 1999.

Zafra, Nicolas. “Background of the Spanish Occupation of Manila, 1571,” Historical


Bulletin, 15:1-4 (1971).

_____. “Background of the Spanish Occupation of Manila, 1571.” Philippine Historical


Review, 4:1 (1971).

_____. “Matanda, Soliman, Lakandula: How Legazpi Won the Important Kingdoms on the
Pasig”, sa Filipino Heritage: The Making of a Nation, pinamatnugutan ni Alfredo R.
Roces. S.l.: Lahing Kayumanggi Publishing, Inc., 1977, Tomo 4.

_____. The Colonization of the Philippines and the Beginnings of the Spanish City of
Manila. Maynila; National Historical Institute, 1974.

Zuñiga, Joaquin Martinez de. Historia de las Islas Philipinas. Sampaloc, Maynila: Pedro
Argüelles de la Concepcion Religioso Francisco, 1803.

_____. An Historical View of the Philippine Islands, Unang Parte, saling Ingles ni John
Maver. Londres: J. Asperne, 1814.

Di Pa Nailalathala

Dizon, Lino L. “Nascent Philippine Studies in the Life and Labor of Jose Felipe Del-Pan
(1821-1891).” Disertasyon: Unibersidad ng Pilipinas Diliman, 2008.

360
Espiritu-Pineda, Filipinas. “United States Military Rule Over Pampanga Province,
Republic of the Philippines During the Period 1898-1901.” Tisis Masterado:
Unibersidad ng Pilipinas Diliman, 1956.

Pelorina, Renato. “Ang Pagbabalik-tanaw sa mga Macabebe sa Panahon ng Pananakop ng


mga Amerikano (1898-1908): Isang Historiograpikal na Pagsusuri.” Tisis Masterado,
Unibersidad ng Pilipinas Diliman, 2005.

Tomacruz, Jose S. “The Life and Memoirs of Pio Valenzuela.” Tisis Masterado sa
Kasaysayan, Far Eastern University, 1957.

361

View publication stats

You might also like

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy