Grade 1 Ap Q2 PT

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE
DISTRICT OF SAMPALOC

Ikalawang Markahang Pagsusulit


Araling Panlipunan 1
Pangalan: ______________________________________________ Marka:_______
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon. Bilugan ang titk
ng tamang sagot sa patlang.

1. SI Erika ay isang taong gulang na bata. Siya ang pinakabatang


miyembro sa pamilya Reyes. Sino siya?
A. ate B. kuya C. bunso D. tatay
2. Ikaw ang unang anak na babae ng iyong nanay at tatay. Ano ang
dapat itawag sa iyo ng nakababata mong kapatid?
A. ate B. kuya C. bunso D. tatay
3. Kung ang miyembro ng inyong tahanan ay binubuo ng nanay at anak
lamang, ito ba ay matatawag na pamilya?
A. opo B. hindi C. bawal D. ewan
4. Sila ang nanay at tatay ng iyong mga magulang. Ano ang dapat mong
itawag sa kanila?
A. tiya at tiyo C. lolo at lota
B. ate at kuya D. mama at papa
5. Ang iyong nanay ang gumagawa ng mga gawaing bahay sa inyong
tahanan. Ano pa ang ibang tawag sa kanya?
A. ama ng tahanan C. ina ng tahanan
B. ilaw ng tahanan D. haligi ng tahanan
6. Labin dalawa kayong nakatira sa inyong bahay. Saang pamilya kayo
nabibilang?
A. maliit na pamilya C. katamtamang laki ng pamilya
B. malaking pamilya D. walang anak
7. Si Ram ay nag-iisang anak ng kanyang mga magulang. Saang pamilya
siya nabibilang?
A. maliit na pamilya C. katamtamang laki ng pamilya
B. malaking pamilya D. walang anak
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE
DISTRICT OF SAMPALOC

8. Habang kumakain sina Ana ng hapunan napansin niya na malayo sa


kanya ang kanyang paboritong ulam. Gusto pa sa niyang kumain pero di
niya ito abot. Ano ang sasabihin ni Ana kung gusto niyang ipaabot ang
ulam?
A. Makikiabot nga po ako ng ulam.
B. Paabot nga ako niyan.
C. Akina yang ulam at hindi ko abot.
D. Ilapit mo nga iyang ulam sa akin.

9. Tuwing ika-25 ng Abril ipinagdiriwang nating ang piyesta ng bayan ng


Sampaloc. Ano-ano ang kadalasan ginagawa ng pamilyang Sampalukin?
1. Naghahanda ang bawat tahanan ng ibat-ibang putahe.
2. Nagpapaputok ng kwitis at paputok sa pagsalubong ng piyesta.
3. Nagkakantahan at nagsasaya sa bawat tahanan.
4. Nagsisigawan at nag-aaway sa kalsada.
A. 1 at 4 B. 1 at 2 C. 3 at 4 D, 1 at 3

10. Ito ang kadalasang ginagawa ng isang pamilyang Pilipino tuwing


linggo. Ano ito?
A. pamamasyal
B. pagsisimba
C. sama-samang pagkain ng buong pamilya
D. lahat ng nabanggit
11. May ibat-ibang tungkuling ang nakaatas para sa bawat miyembro ng
pamilya. Kaninong tungkulin ang pagwawalis, paglalaba at paghuhugas
ng pinggang sa loob ng ating tahanan.
A. tatay B. nanay C. kuya D. bunso
12. Siya ang kadalasang tumutulong kay tatay sa pag-aayos ng mga sira
sa ating tahanan. Sino siya?
A. tatay B. nanay C. kuya D. bunso
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE
DISTRICT OF SAMPALOC

13. Bilang isang kasapi ng pamilya, mayroon kang tungkungling dapat


sundin at gampanan. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang hindi
mo tungkulin bilang isang anak ?
A. tumulong sa mga gawaing bahay
B. magtrabaho para sa buong pamilya
C. mag-aral ng mabuti
D. magpasaya sa loob ng tahanan
14. Napansin mong marami pang hugasin sa inyong lababo subalit marami
pang labahin ang iyong nanay, bilang isang anak ano ang gagawin mo?
A. Hahayaan ko lamang ang hugasin sa lababo.
B. Papanoodin kong maglaba si nanay.
C. Kukusain ko ng hugasan ang mga hugasin.
D. Uutusan ko ang aking bunsong kapatid para siya ang maghugas
ng mga hugsin.
15. Kinaugalian na ng inyong pamilya ang pagdarasal bago kumain.
Bilang kasapi ng pamilya ano ang dapat mong gawin?
A. Hahayaan sila na lang ang magdasal.
B. Sasabay ako sa pagdarasal bago kumain.
C. Hindi ako sasabay kumain sa kanila
D. Uunahan ko sila palagi sa pagkain.
16. Nagkaroon ng salo-salo sa inyong tahanan. Dumating ang inyong mga
kamag-anak galing lucban. Ano ang gagawin mo pagkadating nila?
A. Hindi ko po sila papansinin.
B. Magmamano po ako sa aking mga kamag-anak.
C. Iiwasan ko na lamang po sila.
D. Hindi po ako lalabas upang hindi ko sila makita.
17. Ang ating mga tatay ang ama ng tahanan. Alin sa mga sumusunod
ang hindi gampanin ng ating mga tatay?
A. Nagbibigay proteksyon sa bawat miyembro ng pamilya.
B. Gumagawa lahat ng mga gawaing bahay.
C. Nagtataguyod sa pangangailangang pinansyal ng buong
pamilya.
D. Katuwang ni nanay sa paggabay sa kanilang mga anak.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE
DISTRICT OF SAMPALOC

18. Sa paggawa ng talaangkanan o family tree saan mo banda ilalagay


ang iyong mga magulang?
A. sa mga dahon C. sa mga sanga
B. sa may katawan ng puno D. sa mga ugat
19. Ang pamilya ni Yanna ay kilala sa pagbibigay ng tulong sa kanilang
barangay. Anong kaugalian ang kanilang pinapakita?
A. Pagiging masunuring pamilya
B. Pagiging matulunging pamilya
C. Pagiging masipag na pamilya
D. Pagiging matipid na pamilya
20. Isang tindera ng isda ang nanay ni Sam. Isang tanghali nakita niya ang
kanyang ina ngunit kasama niya ang kanyang mga kaklase. Ano dapat
niyang gawin?
A. Hindi papansinin ang ina
B. Lalapitan ang ina at magmamano
C. Magpapanggap na hindi nakita ang nanay
D. Itatanggi ni Sam na nanay niya ito.

21. Si Gng. Eba ay nagtagala ng mga alituntunin dapat sundin ng kanyang


mga anak. Kung ikaw ay anak ni Aling Eba ano ang gagawin mo?
A. Hindi ko papansinin ang sasabihin niya.
B. Suwayin ko ang lahat ng kanyang sasabihin.
C. Susundin ko ang lahat ng alituntuning dapag gawin.
D. Wala akong gagagwin ukol dito.
22. Nabalitaan mong nasawi sa isang aksidente ang isa ninyong kamag-
anak. Ano ang gagawin mo?
A. Pupunta sa kanilang bahay upang makiramay.
B. Pupunta sa kanilang bahay para magsugal.
C. Pupunta sa kanilang bahay para mag-inom.
D. Pupunta sa kanilang bahay para magsaya.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE
DISTRICT OF SAMPALOC

23. Ang pamilya ni Princess at mga kamag-anak niya ay nakatira sa isang


komunidad na kung saan araw-araw silang magkakasama. Paano nila
mapapanatili ang magandang samahan sa kanilang kmunidad?
1. Magsiraan ang bawat pamilya
2. Magtulungan sa lahat ng oras
3. Pag-usapan ang buhay ng kanilang kamag-anak
4. Panatilihin ang maayos na ugnayan sa bawat isa.
A. 1 at 2 B. 2 at 4 C. 1 at 3 D. 3 at 4

24. Sa bahay nina Ginoong Ambal ay may mga alituntunin dapat sundin
upang maging maayos ang kanilang pagsasama. Paano kaya ginawa ng
pamilya ni Ginoong Ambal ang kanilang mga alituntunin sa loob ng
kanilang tahanan?
A. Pinag-uusapan at pinagkakasunduan ng lahat ng miyembro ng
pamilya.
B. Tanging si Ginoong Ambal lamang ang nagdedesisyon.
C. Tanging si Ginang Ambal lamang ang nasusunod.
D. Ang gusto ng kanilang mga anak ang masusunod sa loob ng
tahanan.

25. Isa sa mga alituntunin sa bahay nina Ferdinand ang pagliligpit ng mga
laruan pagkatapos gamitin. Isang hapon, inaya siya ng kanyang pinsan na
maglaro sa labas ng bahay pero hindi pa tapos ang kaniyang gawain. Ano
ang maaring mangyari sa kanya?
A. Matutuwa ang kanyang nanay sa mga nakakalat na laruan.
B. Pagsasabihan siya ng kanyang nanay dahil sa iniwan niyang kalat.
C. Hindi mamalaman ng kanyang ina ang kanyang ginawa.
D. Malulungkot ang kanyang ina sa mga iniwang kalat.

GOODLUCK 😊
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE
DISTRICT OF SAMPALOC

Susi sa pagwawasto
1. C
2. A
3. A
4. C
5. B
6. C
7. A
8. A
9. D
10. D
11. B
12. C
13. B
14. C
15. B
16. B
17. B
18. C
19. B
20. B
21. C
22. A
23. B
24. A
25. B

You might also like

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy