Grade7 Quarter4 Araling-Panlipunan
Grade7 Quarter4 Araling-Panlipunan
Grade7 Quarter4 Araling-Panlipunan
ARALING
PANLIPUNAN
Project L.E.N Localized and Engaging Note
Ikaapat na Markahan
129
IKAPITONG BAITANG
Unang Linggo - Aralin 1
Imperyalismo at Kolonyalismo ng Kanluranin sa Silangang Asya
INAASAHAN
Naipaliliwanag ang konsepto ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga
Kanluranin sa Silangan Asya.
Naiisa-isa ang mga dahilan at pamamaraan ng kolonyalismo at imperyalismo
sa Silangan.
130
Ang mga bansang Kanluraning nakapasok ay nagkaroon ng kapangyarihan sa
ilang lugar sa Tsina na kanilang hinawakan, pinamunuan at kinontrol. Dahil sa pwersa
at pakikipaglaban sa Tsina ay nagawa nilang maagaw ang mga ito sa kamay ng mga
Tsino.
Sa pagkatakot ng Estados Unidos na baka maisara ang Tsina dahil wala silang
nasasakupan dito ay iminungkahi ng U.S Secretary of State John Hay ang Open Door
Policy, kung saan magiging bukas ang China sa pakikipagkalakalan kahit wala itong
sphere of influence dito. Kasama rin dito ang mga panukalang:
Pagrespeto sa karapatan at kapangyarihan sa pakikipagkalakalan sa mga
lugar na sakop ng Kanluranin.
Pagbibigay ng karapatan sa Tsina na mangolekta ng buwis sa mga produktong
inaangkat mula sa bansa.
Paggalang sa mga itinakdang halaga ng buwis.
Dahil sa Sphere of Influence at Open Door Policy ay napanitili ng Tsina ang
kanilang kalayaan ngunit sila ay patuloy na hinawakan ng mga bansang nakasakop
sa kanila. Nawalan ng kapangyarihan ang Tsina sa sarili nilang bansa at gumuho ang
dating matatag na pamamahala ng emperador. Higit sa lahat, sinira ng mga ito ang
kanilang pinakainiingat-ingatan at ipinagmamalaking mayamang kultura.
Japan
Napaunlad ng Japan ang kanilang ekonomiya, pinayaman ang kultura, at
naipatayo muli ang kanilang pamahalaan dahil sa pagsasara ng mga daungan ng mga
dayuhan. Ngunit patuloy pa rin ang ugnayan ng Japan sa mga bansang Netherlands,
Korea at China. Hindi nito pinahintulutang makapasok ang ibang dayuhan sa kanilang
bansa.
1853 – Nagtungo si Commodore Matthew Perry sa Japan upang hilingin sa emperador
nito na buksan ang mga daungan para sa barko ng Estados Unidos upang maging
daungan at kuhaan ng panibagong reserba ng mga barkong dumadaan sa
131
Karagatang Pasipiko. Naging masalimuot sa Japan ang pagdating ni Perry dahil
bumungad sa mga Hapon ang naglalakihang kanyon ng mga barko na parang
nagsasabi na isang digmaan ang magaganap kung hindi bubuksan ng Japan ang
kanilang mga daungan para sa Estados Unidos.
1854 – Isinagawa ang Kasunduang Kanagawa na naglalayong buksan ang daungan
sa Hakodate at Shimoda para sa mga barko ng Estados Unidos. Pinahintulutan din
silang makapagpatayo ng embahada sa Japan. Dahil dito ay nagkaroon ng
pagkakataon ang iba pang bansa sa kanluran na makapasok sa Japan tulad ng
England, France, Germany, Russia at Netherlands.
Meiji Restoration o Meiji Era – Bumagsak ang kapangyarihan ng Shogunato ng
Tokugawa na naging mitsa ng galit ng mga Hapon. Dahil dito, pumalit sa pamumuno
ng pamahalaan ang 15 taong gulang na emperador ng Japan na si Emperador
Mutsuhito. Tinawag ang pamumuno na Meiji Era o Enlighten Era dahil napagtanto
ni Emperador Mutsuhito na ang mabisang paraan na pakikitungo sa mga Kanluranin
ay pagyakap sa modernisasyon na ibinibigay ng mga ito. Dahil dito, ang makabagong
kagamitan, teknolohiya at paraan ng pamumuhay ay natutunan ng mga Hapones sa
mga dayuhan.Ang naging epekto nito ay mas maunlad na pamumuhay sa kabila ng
panghihimasok ng mga kanluranin sa kanilang bansa
TANDAAN
Ang bansang Tsina at Japan ay nasakop din ng mga Kanluranin sa
pamamagitan ng pwersa. Sa pananakop na ito naimpluwensiyahan at naapektuhan
ang kanilang kultura, lipunan at pangkabuhayan. Malakas ang pwersang militar ng
mga Kanluranin kung kaya nabigo ang Tsina na maipagtanggol ang kanyang teritoryo.
Samantala ang Japan ang nakipagkasundo sa mga dayuhan upang mapangalagaan
ang kanilang bansa
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang letra ng tamang
sagot at isulat ito sa sagutang papel
_____ 1. Sila ang dalawang bansa na nanguna sa pananakop noong panahon ng
Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya.
A. Spain at Portugal C. England at France
B. Spain at France D. Portugal at England
_____ 2.) Ang panahon na ito sa Japan ay tinatawag na Enlighten Rule. Ano ito?
A. Meiji Restoration C. Tokugawa Shogunate
B. Samurai Era D. Wala sa nabanggit
_____ 3.) Siya ang Commodore na mula sa U.S. na humiling sa emperador ng
Japan na buksan ang mga daungan upang makapasok ang mga barkong
pangalakal ng United States.
A. Marco Polo B. John Hay C. Matthew Perry D. Matteo Ricci
_____ 4.) Siya ang U.S. Secretary of State na nagmungkahi ng Open Door Policy sa
mga bansang Europeo na nangangalakal sa Silangang Asya.
A. Marco Polo B. John Hay C. Matthew Perry D. Matteo Ricci
_____ 5.) Ang mga bansa sa Kanluranin ay nagkaroon ng mga hinawakang bansa
sa loob ng Tsina na kanilang pinamunuan at itinuring na parte ng kanilang bansa.
Ano ang tawag dito?
A. Meiji Restoration C. Open Door Policy
B. Sphere of Influence D. Extraterritoriality
132
Ikalawang Linggo - Aralin 2
Una at Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Timog Silangang
Asya
INAASAHAN
Naipaliliwanag ang konsepto ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga
Kanluranin sa Timog-Silangan Asya.
Naiisa-isa ang mga dahilan at pamamaraan ng kolonyalismo at imperyalismo
sa Timog-Silangang Asya.
133
Moluccas – Ito ay isang lugar sa Indonesia na kung saan ay pinag-aagawan ng mga
Kanluraning bansa dahil na rin sa mayamang suplay nito ng mga pampalasa na
lubusang kailangan sa paglalakbay.
Dutch East India Company - Itinatag ng pamahalaan ng Netherlands ang Dutch East
India Company noong 1602 upang pag-isahin ang mga kompanya na nagpapadala
ng paglalayag sa Asya.
Malaysia
Tulad ng Pilipinas, maraming bansa rin ang sumakop sa Malaysia. Ito ay ang
Portugal, Netherlands at England. Pangunahing layunin din ng mga nanakop na bansa
ang pagkontrol sa mga sentro ng kalakalan. Bukod sa kalakalan, sinubukan din ng
mga Portuges na palaganapin ang Kristiyanismo sa mga daungan na kanilang
nasakop subalit hindi sila nagtagumpay dahil sa malakas na impluwensiya ng Islam
sa rehiyon. Samantala, hindi gaanong naimpluwensiyahan ng mga bansang
Netherlands at England ang kultura ng Malaysia. Maraming katutubo ang naghirap
dahil sa pagkontrol ng mga nabanggit na bansa sa mga sentro ng kalakalan sa
Malaysia.
Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog Silangang Asya
Pilipinas
Asya-Pasiko - Ang paglawak ng teritoryo ng Estados Unidos ang naging dahilan kung
bakit nasakop na rin nila ang Asya Pasipiko at ang Pilipinas ang isa sa mga listahan
nila. Isa ang Pilipinas sa mga lokasyon na ninais nilang sakupin dahil para itong pinto
na nagsilbing daanan patungo sa iba pang bansa sa Asya Pasipiko.
Emilio Aguinaldo – Siya ang kauna-unahang pangulo ng Pilipinas at nagdeklara ng
kalayaan noong ika-12 ng Hunyo, 1898.
Treaty of Paris – Kasunduang naganap sa Paris noong ika-10 ng Disyembre, 1898
na kung saan ay pormal nang isinalin ng mga Espanyol sa kamay ng Estados Unidos
ang karapatan nila sa Pilipinas kapalit ng halagang 20 milyong dolyar.
Digmaang Pilipino-Amerikano – noong 1902 nagkaroon ng isang malaking digmaan
sa pagitan ng mga Amerikano at Pilipino sa ating bansa. Dahil sa kaganapang ito ay
itinatag ng Amerikano ang Pamahalaang Militar na kung saan ay kinontrol ng militar
ang bansa ngunit kalaunan ay pinalitan ito ng Pamahalang Sibil na kung saan ang
Pilipino at Amerikano na ang namuno sa bansa.
Pamahalaang Commonwealth – Itinatag ng mga Amerikano ang Pamahalaang
Commonwealth upang turuan ang mga Pilipino kung paano mamuno sa isang bansa
at kilalanin ang paraang demokratiko sa pamumuno nito.
Thomasites – Sila ang mga militar na mula sa Estados Unidos na ipinadala sa
Pilipinas sakay ng barkong S.S. Thomas upang magsilbing guro at sa kanila
nagsimula ang pampublikong edukasyon.
Indonesia
Culture System – Ito ay isang sistema na ipinakilala ni Johannes Van Den Bosch.
Sa ilalim ng patakarang ito, inatasan ng mga Dutch ang mga magsasakang Indones
na ilaan ang sanlimang (1/5) na bahagi ng kaniyang lupain o 66 na araw para sa
pagtatanim ng mga produktong iniluluwas ng mga Dutch. Ilan sa mga ito ay asukal,
kape at indigo.
Burma (Myanmar)
Dahil sa lokasyon ng Burma ay ninais ng mga English na sakupin ang bansang
ito. Ang bansang ito ay may pinakamagandang daanan upang pigilan ang pagpasok
ng ibang mananakop sa India. Noong una ay maayos ang ugnayan ng Burma at
England hanggang sa may hindi magandang pangyayari at sumiklab ang digmaan sa
dalawang bansa.
134
Resident System – Isang patakaran na kung saan naglagay ng kinatawan ang British
sa pamahalaan ng Burma na tinawag na British Resident.
French Indo-China
Indo-China – Ang mga bansang Cambodia, Vietnam at Laos ay tinawag na Indo-
China dahil ang India at China ay lubos na nakaimpluwensiya sa mga rehiyong ito.
Tinawag itong French Indo-China dahil ang mga bansang ito ay sinakop ng Pranses
dahil sa ulat ng pang-aapi sa mga misyonerong Katoliko sa ipinadala ng mga Pranses
sa Indo-China.
Laos – Hiningi ng French ang kaliwang pampang ng Mekong River na kasalukuyan
ay nasa bansang Vietnam bilang bayad-pinsala sa pang-aapi ng mga taga rito sa
misyonerong Katoliko. Isinama ang Laos bilang protektorado ng France.
Cambodia – Naging protektorado ng France ang Cambodia matapos nitong makuha
ang Cochin China noong 1862. Walang nagawa ang Cambodia kung hindi tanggapin
ang pagiging protektorado ng France.
Vietnam – Sa pamamagitan ng puwersang pangmilitar, napabilang din sa
protektorado ng France ang Vietnam. Sa una ay tumutol ang China subalit wala rin
silang nagawa dahil sa lakas ng puwersa ng France.
Protektorado – isang salita na tumutukoy sa isang bansa o nasyon na kumontrol at
nagprotekta sa isang bansa na kanilang nasakop. Nagsagawa ng protektorado ang
mga malalakas na bansa upang mabantayan at maiwasan na makuha sa kanila ang
mga bansang kanilang nasakop. Sa sitwasyong ng French Indo-China ay nagsagawa
sila ng protektorado sa mga bansa rito upang hindi makuha o mahati ang mga yaman
na kanilang nakikita at inangkin sa mga bansang ito.
Patakarang Ipinatupad sa French Indo-China – Direktang pinamahalaan ng mga
French ang Indo-China. Ang mga French ay humawak sa iba’t ibang posisyon ng
pamahalaan. Ipinag-utos din ang pagtatanim ng palay dahil mahalaga ito sa
pakikipagkalakalan ng mga French sa karatig bansa. Lumaganap ang kagutuman
dahil halos lahat ng inaaning palay ay kinuha ng mga French para ikalakal.
TANDAAN
Napasailalim ng kapangyarihan at pamamahala ng mga Kanluranin ang mga
bansa sa Timog Silangang Asya gamit ang ibat-ibang pamamaraan. Nakontrol ng mga
ito ang larangan ng politika at kabuhayan dahil na rin sa kanilang malakas na
pwersang militar
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang letra ng tamang
sagot at isulat ito sa sagutang papel.
_____ 1. Paraan ng pananakop na kung saan ay pinag-away-away ng mga
mananakop ang mga lokal na naninirahan dito upang madali nila itong
masakop.
A. Divide and Rule Policy C. Divide and Conquer Policy
B. Culture System D. Cultivation System
_____ 2. Ang katangi-tanging relihiyon na ipinalaganap ng mga Espanyol sa mga
bansang Pilipinas, Indonesia, at Malaysia?
A. Islam B. Kristiyanismo C. Buddhismo D. Sik
_____ 3. Kasunduan na kung saan ay napasakamay ng English East India Company
ang Arakan at Tenasserim sa Burma.
A. Yandabo B. Tianjian C. Treaty of Paris D. Nanjin
135
_____ 4. Isang patakaran na kung saan nagkaroon ng kinatawan o British Resident
sa pamahalaan ng Burma.
A. Conducting System C. Kasunduang Yandabo
B. Affirmation D. Resident System
_____ 5. Ito ang kasunduan ng Espanya at Estados Unidos na naglayong ibenta sa
Estados Unidos ang kanilang karapatan sa bansang Pilipinas sa halagang 20
milyong dolyar.
A. Treaty of Nanjing C. Treaty of Paris
B. Treaty of Yandabo D. Treaty of Tianjin
INAASAHAN
Naiisa-isa ang mga salik ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa
Silangan at Timog-Silangang Asya.
Nasusuri ang mga salik na nagpaigting sa nasyonalismo sa pagbuo ng mga
bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya.
Silangang Asya
Ang pagkatalo ng mga Tsino sa Great Britain ay humantong sa pagkakalagda
ng Kasunduang Nanking at Kasunduang Tientsin na naglalaman ng hindi patas na
probisyon sa mga Tsino kaya’t nagsagawa sila ng dalawang rebelyon upang
maipahayag ang kanilang pagtutol sa mga kasunduang ito. Ang Rebelyong Taiping
ay may layuning mapatalsik ang Dinastiyang Qin na pinamumunuan ng mga dayuhan
at ang Rebelyong Boxer naman ay may pagnanais na patalsikin ang lahat ng
dayuhan sa bansa. Sa panahong ito ay sumibol din ang tatlong uri ng Nasyonalismo,
ang nasyonalismong may impluwensiya ng kanluranin, nasyonalismong tradisyonal at
nasyonalismong may impluwensiya ng komunismo.
Samantala, sa pamahalaan ng Beijing ay nagsimulang magsagawa ng
pakikidigma sa Germany sa pag-asang maibalik sa kanila ang mga lupaing nasakop
nito. Ngunit, ang mga
136
teritoryong sakop nito ay ipinagkaloob sa Japan sa ilalim ng Kasunduang Versailles.
Noong Mayo 4, 1919 ay nagtipon- tipon ang 3,000 na mag-aaral na Tsino sa
Tiananmen Square upang
maipakita ang kanilang pagtutol sa kasunduan. Ang pangyayaring ito ay tinawag na
May Fourth Movement dahil naganap ito noong May 4, 1919. Isa din sa nagpasiklab
ng damdaming nasyonalismo ng mga Tsino ay ang dagliang pananakop ng mga
Hapon sa Machuria at iba pang bahagi ng China na naging sanhi ng pagkamatay ng
napakaraming Tsino
Sa kabilang banda, iba ang naging istratehiya ng
bansang Japan, niyakap nila ang impluwensiyang
Kanluranin at sumunod sa agos ng modernisasyon.
Inisip nila na hindi maganda
ang magiging bunga kung ipipilit nila na kalabanin
ang mga mananakop. Tinawag na Meiji Era ang
panahon ng pamumuno ni Mutsuhito sa Japan na
ang ibig sabihin ay “enlightened rule”. Napaunlad
nila ang kanilang ekonomiya, edukasyon at
sandatahang lakas, Tinularan ng mga Hapones ang pamumuhay ng mga Kanluranin
upang makatulong sa kanilang pag-unlad.
Timog-Silangang Asya
Hindi naging maganda ang karanasan ng mga Indones sa pamamalakad ng
mga Dutch ng ipatupad nito ang patakarang “Culture System” na kokontrol sa sentro
ng kalakalan sa Indonesia. Lahat ng kapakinabangan ng patakarang ito ay napunta
sa mga Dutch. Sa pangyayaring ito ay naapektuhan ang sistema ng edukasyon sa
kanilang bansa dahil sa kapabayaan ng mga Dutch. Dahil dito ay nagsagawa ng mga
pag-aalsa ang mga Indones at nagtatag ng mga makabayang samahan upang matigil
na ang hindi magandang pamamahala ng mga Dutch.
Nang mapirmahan ang Kasunduang Yandabo, tuluyan ng nakontrol ng Great
Britain ang Burma. Hindi rin matanggap ng mga Burmese na sila ay magiging
lalawigan lamang ng India kaya’t nagnais silang makalaya. Ang pagnanais nilang
lumaya ay humantong sa pagpapahayag nila ng Nasyonalismo. Pinangunahan ito ng
mga edukadong Burmese at nagpatuloy ang kanilang pakikibaka sa pagsasagawa ng
mga rebelyon at pagtatatag ng makabayang samahan.
137
Ang Pilipinas ay nasakop ng mga Espanyol at nagpatupad ito ng mga
patakaran sa larangan ng pangkabuhayan, pampulitika at pangkultura. Ang mga
patakarang ito ay labis na nagpahirap sa mga Pilipino. Nagpataw ng buwis ang mga
Espanyol at kinamkam ang mga ari-arian ng mga Pilipino. Lumaganap din ang racial
discrimination kung saan tinawag nila tayong Indio. Sa
pagkakataong ito ay ipinakita ng mga Pilipino ang
pagtutol sa mga pang-aabuso ng mga Espanyol at
nagsagawa ng mga pag-aalsa. Isa na rito ang
pagtatatag ng Katipunan at Kilusang
Propaganda na kinabibilangan ng mga Pilipinong
nakapag-aral sa ibang bansa na kilala sa tawag na
Ilustrado.
TANDAAN
Sa pagnanais ng mga kanluraning bansa na mapalawak ang kanilang
kapangyarihan at teritoryo ay nagdulot ito ng pang-aabuso at pagkontrol sa
pamumuhay ng mga Asyano. Hindi nagpatinag ang mga bansa sa Asya partikular na
sa Silangan at Timog-Silangang Asya, sa mga di makatarungang patakaran ng mga
kanluranin. Nagsagawa sila ng mga pag-aalsa at pagtatatag ng mga samahan upang
maipamalas ang nasyonalismo.
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap at piliin ang letra ng tamang
sagot.
A. Indonesia C. Indo-china
B. Burma D. Japan
___2. Ito ang bansa sa Asya kung saan ay nasakop ng Great Britain ang kanilang
teritoryo ng malagdaan ang Kasunduan sa Yandabo?
A. Burma C. Pilipinas
B. Vietnam D. Japan
____3. Sa pagkakalagda ng kasunduang ito, ay tuluyan nang nakontrol ng Great
Britain ang teritoryo ng Burma. Anong kasunduan ito?
A. Kasunduan sa Paris C. Kasunduan sa Kanagawa
B. Kasunduan sa Yandabo D. Kasunduan sa Tientsin
___4. Anong rebelyon sa China ang may layunin na mapabagsak ang Dinastiyang
Qing upang mahinto na ang pamumuno ng mga dayuhan sa kanilang bansa?
A. Rebelyong Sepoy C. Rebelyong Boxer
B. Rebelyong Taiping D. Rebelyong Saya-san
___5. Ito ang tawag sa kilusan sa Pilipinas na pinasimulan ng mga Ilustrado?
A.Katipunan C. Philippines Nationalist Party
B. Kilusang Ilustrado D. Kilusang Propaganda
138
Ikatlong Linggo -Aralin 3.2
Mga Personalidad at Kahalagahan ng Nasyonalismo sa Pagbuo ng mga Bansa
sa Silangan at Timog-Silangang Asya
INAASAHAN
● Natutukoy ang mga personalidad na nagtaguyod ng nasyonalismo sa pagbuo
ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya
● Naipaliliwanag ang kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa
sa Silangan at Timog-Silangang Asya
● Nabigyang pagpapahalaga ang mga nagawa ng mga personalidad na
nagtaguyod ng nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya sa
pamamagitan ng paggawa ng isang tula
139
Emperador Mutsuhito- Nakilala sa pagyakap sa impluwensiya ng Kanluranin na
kaniyang ginamit upang mapaunlad ang Japan. Naglipat ng kabisera ng Japan sa Edo
(Tokyo sa kasalukuyan). Ipinadala niya ang mga iskolar na Hapones sa ibang bansa
upang doon mag-aral at magpakadalubhasa. Iniayon niya ang pamahalaan sa
impluwensiya ng Aleman at sinuportahan ang Industriyalisasyong Kanluranin.
Timog Silangang Asya
Achmed Sukarno- Nagtatag ng Indonesian
Nationalist Partylist na naglalayong labanan
ang mapaniil na patakaran ng mga Dutch.
Diponegoro- Siya ay taga Java, Indonesia na
namuno sa malawakang pag-aalsa laban sa
mga Dutch.
Aung San- Nagtatag ng Anti- Facist
People’s Freedom League sa Burma
na nakipagtulungan sa Allied Powers
upang mapatalsik ang mga Hapon sa
kanilang bansa. Itinalaga siya bilang
Punong Ministro ng Republic of Burma at
siya din ay namuno sa Samahang
Dobama Asiayone na ang ibig sabihin ay We Burmese Association
Ho Chi Minh- Namuno sa Hilagang Vietnam ng mahati ang Vietnam sa 17th parallel.
Lumaban sa mga Tsino at British upang makamit ang Kalayaan. Siya din ay nagtatag
ng Indo-Chinese Communist Party noong 1930. Napagkaisa din ni Ho Chi Minh ang
mga samahang nasyonalista sa ilalim ng League for the Independence of Vietnam
Andres Bonifacio- Kinalala bilang “Ama ng Katipunan”. Siya ang nagtatag ng KKK
sa Pilipinas na may layunin mapabagsak at magapi ang mga Espanyol. Siya ang may
akda ng “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”.
Jose Rizal- Itinatag niya ang Kilusang Propaganda na may layuning humingi sa
Pamahalaang Kastila ng reporma sa mapayapang pamamaraan. Siya ang sumulat ng
dalawang kilalang nobela na Noli Me Tangere at El Filibusterismo na naglalayong
imulat ang diwang makabansa ng mga Pilipino at isiwalat ang kabuktutan ng mga
Espanyol. Siya ang kinilalang pambansang bayani ng Pilipinas.
TANDAAN
Malaki ang bahaging ginampanan ng mga personalidad na nakilala sa panahon
ng Kolonyalismo at Imperyalismo ng mga Kanluranin. Ang ipinamalas nilang
nasyonalismo ay mananatiling mahalagang bahagi ng kasaysayan ng mga bansa sa
Silangan at Timog-Silangang Asya. Sila ang naging daan upang unti-unti mamulat ang
mga Asyano sa maling pamamalakad ng mga kanluranin at matutong ipaglaban ang
kanilang karapatan sa sarili nilang bansa.
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Basahin at unawain ang bawat pangungusap at piliin ang letra ng tamang sagot.
140
___1. Itinatag niya ang Anti-Facist People’s Freedom League sa Burma at
nakipagtulungan sa Allied Powers upang mapatalsik ang Hapon sa kanilang bansa.
A.Diponegoro C. Jose Rizal
B. Aung San D.Chiang Ka-Shek
____2. Siya ang tinaguriang Ama ng Katipunan at may akda ng Pag-ibig sa
Tinubuang Lupa.
A. Emilio Jacinto C. Jose Rizal
B. Emilio Aguinaldo D. Andres Bonifacio
___3. Sino ang nagsulong ng pagkakaisa ng mga Tsino gamit ang tatlong prinsipyo
na kilala bilang san min chu-i, min-tsu-chu-I at min-sheng chu-I?
A.Sun Yat-Sen C. Chiang Kai-Shek
B. Mao Zedong D. Hung Ch’uan
____4. Itinatag niya ang People’s Republic of China noong Oktubre 1, 1949.
A. Sun Yat-Sen C. Mao Zedong
B. Chiang Kai-Shek D. Hung Hsiu Chu’an
___5. Saang bansa nakilala si Diponegoro kung saan ay nagsagawa siya ng
malawakang pag- aalsa laban sa mga Dutch?
A. Pilipinas C. Vietnam
B. Burma D. Indonesia
141
ang mga Tsino sa kamay ng mga Hapones. Nakilala ang pangyayaring ito bilang ang
“Masaker sa Nanjing”o “Rape of Nanjing”. Sa harap ng kanilang mga pinuno at
pamilya, walang awang pinahirapan at pinagsamantalahan at pinatay ang mga
mamamayang Tsino. Umabot sa 3,000 ang inosenteng sibilyan ang namatay at may
mga kababaihang pinilit ng mga Hapones na makipagtalik sa kanila nang paulit-ulit sa
loob ng ilang taon. Tinatayang mahigit 20 milyong Tsino ang namatay sa ilalim ng mga
Hapones. Noong 1938, ganap nang nasakop ng mga Hapones ang mga lungsod sa
Tsina partikular na ang Beijing, Nanjing, Shanghai at Guangzhou.
142
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap at piliin ang letra ng tamang
sagot.
_____1. Siya ang humalili kay Sun Yat-Sen na nagpadala ng mga hukbo nito sa
Nanjing upang labanan ang mga Hapones na nagtatangkang sakupin ito.
A. Mao Zedong C. Chiang Kai-shek
B. Yuan Shikai D. Hung Hsui Ch’uan
_____2. Anong taon tuluyang nasakop ng bansang Hapon ang mga lugar sa Tsina
partikular na ang Beijing, Shanghai, Nanjing at Guangzhou?
A. 1938 C. 1936
B. 1942 D. 1940
_____3. Ito ang tawag sa malagim na sinapit ng mga Tsino sa kamay ng mga Hapones
kung saan walang awang pinahirapan, pinatay at pinagsamantalahan ang mga
sibilyang Tsino.
A. Masaker sa Nanjing C. Beijing Massacre
B. Amritsar Massacre D. Killing Fields sa Tsina
_____4. Ang siyudad na ito sa Japan ay lubhang napinsala dahil sa pagsalakay ng
mga Amerikano. Anong siyudad ang tinutukoy sa pahayag?
A. Hokkaido C. Hiroshima
B. Okinawa D. Tokyo
_____5. Ito ang petsa kung kailan binomba ng mga Hapones ang hukbong pandagat
ng mga Amerikano sa Hawaii.
A. Enero 28, 1940 C. Disyembre 7, 1941
B. Marso 12, 1945 D. Hulyo 2, 1941
143
kamay ng mga Hapones. Maraming manggagawang Asyano ang sapilitang
pinagtrabaho upang lumikha ng mga kalsada at mga riles ng tren sa mga bundok at
kagubatan. Ito ay ginawa ng mga Hapones para sa pansarili nilang kapakinabangan.
144
Ang mga naganap na
pambobomba ng mga
Amerikano ay naging dahilan
upang lisanin ng mga
inosenteng Cambodian ang
kanilang mga tirahan.
Maraming Cambodian ang
lumahok sa pag-aalsa at
tutulan ang mga nagaganap
na pagbomba sa kanilang lugar sa pamumuno ni Lon Nol. Nang mamatay si Lon Nol
ay tuluyan ng naagaw ng mga rebelde sa pangunguna ng Communist Party of
Kampuchea ang pamumuno sa Cambodia. Ang Partido na ito ay kilala sa tawag na
Khmer Rouge kung saan lahat ng tumutuligsa sa kanila ay kanilang pinahihirapan,
pinapaslang at inililibing sa mga kaparangan or “Killing Fields”. Tinatayang isang
milyong katao ang namatay dahil sa paghihirap na ito.
TANDAAN
Ang mga karanasan ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya sa panahon ng
mga digmaang pandaigdig ay masasabing di makatarungan. Ano mang paraan ang
ginamit sa pang-aabuso at pagkitil ng buhay ng tao ay matatawag pa ring krimen at
produkto ng pagnanais ng labis na kapangyarihan.
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap at piliin ang letra ng tamang
sagot.
1. Ito ang tawag sa Partido ng Cambodia na kumitil ng maraming buhay at nakilala
dahil sa mga ginawa nilang Killing Fields para sa mga mamamayan na kanilang
napaslang.
A.Partido Kuomintag C. Partido Komunista
B Partido Nasyonalista D. Partido Khmer Rouge
2. Ito ang bilang ng mga sundalong natirang buhay sa tinaguriang Bataan Death
March sa Pilipinas?
A. 76, 000 C. 32, 000
B. 54,000 D. 47,000
3. Anong bansa sa Timog-Silangang Asya ang nakaranas ng kalupitan dahil sa
pamamalakad ng Khmer Rouge?
A. Burma C. China
B. Pilipinas D. Cambodia
4. Ito ang bansa sa Asya na nagtatag ng Pamahalaang Papet sa Indonesia?
A. China C. Japan
B. Pilipinas D. Vietnam
5. Sino ang pinuno ng Cambodia na napaalis sa kaniyang posisyon dahil sa lihim na
pagtanggap nito sa grupo ng Viet Cong?
A. Sihanouk C. Sukarno
B. Lon Nol D. Ho chi minh
145
Ikalimang Linggo - Aralin 5.1
Ang Kahulugan ng Ideolohiya at ang mga Kaugnayan Nito sa mga
Malawakang Kilusang Nasyonalismo
INAASAHAN
Nauunawaan ang kahulugan ng ideolohiya at ang mga pangunahing uri nito
sa pag-usbong ng Nasyonalismo at Kilusang Nasyonalista.
Nasusuri ang kaugnayan ng iba’t-ibang ideolohiya (ideolohiya ng malayang
Demokrasya, Sosyalismo, at Komunismo) sa mga malawakang Kilusang
Nasyonalista.
Nasasagutan ang mga kasunod na gawain tungo sa ganap na pagkaunawa at
pagkatuto hinggil sa tinalakay na aralin.
MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN
Sa araling ito, tatalakayin ang mga mahahalagang konsepto na may kaugnayan
sa Ideolohiya.
Kahulugan ng Ideolohiya at ang mga Pangunahing uri nito
Ang ideolohiya ay isang sistema o lipunan ng mga ideya o kaisipan na
naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at pagbabago nito. Galing ito sa
salitang ideya o kaisipan na tuwirang sinusunod ng mga tao. Si Desttuff de Tracy
ang nagpakilala ng salitang ideolohiya bilang pinaikling pangalan ng agham ng mga
kaisipan o ideya.
146
Siya ay tinaguriang “Ama ng Komunistang Tsino”.
Isinulong niya ang mga prinsipyo ng komunismo tulad ng
tunggalian ng uring manggagawa o proletariat laban sa uri
ng kapitalista o bourgeois. Itinatag din niya kasama pa ang
ibang komunistang Tsino ang Partido Kunchantang noong
1921. Isinulong naman niya ang Ideolohiyang Komunismo.
MAO ZEDONG
TANDAAN
Magkakaiba man ang mga ideolohiyang isinusulong at ipinatutupad ng iba’t
ibang bansa, mahalagang pumili tayo ng nararapat at angkop sa mga ito na
magsisilbing gabay upang maisaayos ang sistema ng pamamahala ng isang bansa
para sa kabutihan at kapakinabangan ng mga mamamayan nito.
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Basahin ang pahayag sa bawat bilang. Piliin ang letra ng tamang kasagutan
at isulat ang sagot sa sagutang papel.
___1. Ideolohiyang naghahangad na bumuo ng isang lipunang walang antas o uri
(classless society) kung saan ang mga salik ng produksiyon ay pag-aari ng
lipunan.
A. Sosyalismo C. Demokrasya
B. Diktadurya D. Komunismo
___2. Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng ideolohiya?
A. Ito ay mga kinagisnang patakaran ng simbahan
B. Ito ay mga paniniwala sa kapangyarihan ng tao
C. Ito ay mga kaisipang naglalayon ng kagandahang asal
D. Ito ay mga kaisipang nagsisilbing gabay sa pagkilos
147
___3. Ang ideolohiyang__________ ay nakasentro sa paraan ng pakikilahok ng mga
mamamayan sa pamamahala.
A. Pampulitika C. Pangkabuhayan
B. Pansibiko D. Panlipunan
___4. Kategorya ng ideolohiya na tumutukoy sa pagkakapantay-pantay ng mga
mamamayan, sa tingin ng batas, at sa iba pang aspeto ng pamumuhay.
A. Ideolohiyang Pansibiko
B. Ideolohiyang Pampulitika
C. Ideolohiyang Panlipunan
D. Ideolohiyang Pangkabuhayan
___5. Sistema ng pamahalaang nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng
mamamayan at ang kapangyarihan ng namumuno ay mula sa mga tao.
A. Demokrasya C. Sosyalismo
B. Diktadurya D. Komunismo
INAASAHAN
● Naiisa-isa ang mga uri ng ideolohiya sa Silangan at Timog- Silangang Asya.
● Naihahambing ang iba’t-ibang uri ng ideolohiya tungo sa paglaya ng mga
bansa sa Silangan at Timog- Silangang Asya.
● Nakapagtitimbang-timbang ng mga ideolohiya at ang pagpapatuloy nito sa
pamumuhay at sa lipunang Asyano.
148
Komunismo – ang kaisipang ito ay unang nilinang ni Karl Marx isang Alemang
Pilosopo, at pinayabong naman ni Nicolai Lenin ng Unyong Sobyet at ni Mao Zedong
ng Tsina. Ayon kay Karl Marx, ang pinakamataas at huling hantungan mula
Kapitalismo patungong Sosyalismo ay ang Komunismo. Ang Komunismo ay
naghahangad na bumuo ng isang lipunang walang antas o pag-uuri-uri (classless
society) kung saan ang mga salik ng produksiyon ay pag-aari ng lipunan.
149
VIETNAM
*Mga Bansang Nanakop - 1. Tsina 2. France
*Mga Ideolohiya - 1. Komunismo 2. Sosyalismo 3. Demokratiko
BURMA (MYANMAR)
*Mga Bansang Nanakop - 1. India 2. Inglatera 3. Tsina 4. Hapon
*Mga Pamamaraang ginamit upang lumaya
1. Pagyakap sa ideolohiyang sosyalismo
2. Pagtatag ng iba’t-ibang kilusan
3. Pakikipagkasundo
*Mga Ideolohiya - 1. Sosyalismo 2. Demokratiko
PILIPINAS
*Mga Bansang Nanakop - 1. Espanya 2. Amerika 3. Hapon
* Ideolohiya - 1. Demokrasya
TANDAAN
Maaaring iba-iba ang paniniwala ng bawat bansa hinggil sa ideolohiya ngunit
malaki ang naitutulong nito sa isang bansa at maging sa mamamayan upang mapabuti
ang sistema ng pamamahala, mapaunlad ang kabuhayan ng mga tao at batayan sa
pagkamit ng kalayaan ng isang bansa.
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
__1. Ito ang mga pamamaraang ginamit ng Myanmar upang lumaya maliban sa isa.
A. Pakikipagkasundo C. Pagtatag ng iba’t ibang kilusan
B. Pagpapatiwakal D. Pagyakap sa ideolohiyang
sosyalismo
__2. Ang Ideolohiyang niyakap ng Hilagang Korea at sinuportahan ng Unyong
Sobyet.
A. Kapitalismo C. Demokrasya
B. Sosyalismo D. Komunismo
__3. Ito ang Ideolohiyang niyakap ng Timog Korea na sinuportahan ng Amerika.
A. Komunismo C. Sosyalismo
B. Demokrasya D. Kapitalismo
__4. Ang mga sumusunod na ideolohiya ay niyakap ng bansang Vietnam. Alin dito
ang HINDI kabilang?
A. Awtoritaryanismo C. Komunismo
B. Demokrasya D. Sosyalismo
__5 Ang ideolohiyang ito ay malaya sa pamamahala at sa kabuhayan na sinusunod
ng mga bansang tulad ng Pilipinas, Hapon, Estados Unidos at Timog Korea.
A. Sosyalismo C. Kapitalismo
B. Komunismo D. Demokrasya
150
Ikaanim Linggo - Aralin 6.1
Ang mga Kilusang Pangkababaihan sa Silangan at Timog
Silangang Asya
INAASAHAN
Naiisa-isa at nailalarawan ang mga kilusang pangkababaihan sa Silangan at
Timog Silangang Asya.
Nailalahad ang ilan sa mga kababaihan na nagbigay karangalan sa mga
bansa ng Silangan at Timog Silangang Asya.
Naibabahagi ang mga naging kalagayan noon ng mga kababaihan sa mga
rehiyong Silangan at Timog Silangang Asya.
4. MEGAWATI SUKARNOPUTRI
*Unang babaeng pangulo ng bansang Indonesia.
*Bansa - INDONESIA
151
*Pangalawang babaeng presidente ng Pilipinas,
*Bansa - PILIPINAS
6. HANAE MORI
*Ang Haponesang kilala bilang Fashion Designer sa Paris. Ang nag-
iisang babaeng Hapones na nakapagtanghal ng kanyang mga
koleksiyon sa entabladong lakaran ng mga modelo sa Paris at New
York. Isa ding tagapagdisenyo ng moda sa bansang Hapon o Japan.
7. ANITA MAGSAYSAY HO
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Flibrary.ryerson.ca%2Fasianheritage
%2Fauthors%2Fchao%2F&psig=AOvVaw1OtvRFAoAgiMnuJ_TzbmpP&ust=159798037064600
0&source=images&cd=vfe&ved=2ahUKEwjfs4n06qjrAhVWzYsBHdOCA50Qr4kDegUIARCTAQ
Ang mga naging Kalagayan noon ng mga Kababaihan sa Silangan at Timog
Silangang Asya
1. Sa China at India, hindi pinapahalagahan ang anak na babae dahil siya ang
nagbibigay ng dote o dowry kapag ikinasal.
2. Namayani sa China at India ang female infanticide o ang sadyang pagkitil sa
buhay ng mga sanggol na babae.
3. Sa mga bansang China, Japan at India bilang dalaga, ang babae ay
sumusunod sa kagustuhan ng kanyang ama, bilang kabiyak ng kanyang
asawang lalaki, at bilang balo, ng kanyang panganay na anak na lalaki.
4. Walang karapatan ang mga kababaihan na bumoto o magkaroon ng anumang
posisyon sa pamahalaan o sa pulitika.
5. Sa China, kapag baog ang babae, hinihiwalayan ng asawa.
152
TANDAAN
Mababa man ang tingin ng lipunan sa mga kababaihan, hindi ito naging
hadlang upang makilala at magtagumpay ang ilan sa kanila. Ang mga kababaihan ay
may karapatan din na pahalagahan at igalang bilang isang nilalang o indibidwal ano
man ang kanilang estado sa buhay.
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
__1. Siya ang unang babae na naging Pangulo ng bansang Indonesia.
A. Megawati Sukarnoputri C. Aung San Suu Kyi
B. Mitsu Tanaka D. Hanae Mori
__2. Pinuno siya ng National League for Democracy at Nobel Peace Laureate ng
bansang Burma (Myanmar).
A. Aung San Suu Kyi C. Mitsu Tanaka
B. Megawati Sukarnoputri D. Hanae Mori
__3. Siya ang unang babaeng Pangulo ng Pilipinas na kinikilala bilang Ina ng
Demokrasya.
A. Gloria Macapagal Arroyo C. Aung San Suu Kyi
B. Mitsu Tanaka D. Corazon C. Aquino
__4. Mula sa bansang China na nakilala bilang isa sa mga makatang babae sa
Asya.
A. Meena Alexander C. Hanae Mori
B. Lien Chao D. Amy Tan
__5. Siya ang nagtatag ng Garrupo Tatakan Onuatachi (Fighting Women Group) sa
Japan.
A. Megawati Sukarnoputri C. Mitsu Tanaka
B. Aung San Suu Kyi D. Lien Chao
INAASAHANG
● Naipakikilala ang mga tagapagtaguyod ng Nasyonalismo sa Silangang Asya.at
Timog Silangang Asya
● Naiisa-isa ang mga nasyonalista sa Silangan at Timog Silangang Asya batay sa
kanilang ginamit na pamamaraan.
MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN
Malawak ang pagbabagong naganap sa pamumuhay ng mga Asyano sa
Silangan at Timog Silangang Asya dulot ng kolonyalismo at imperyalismo. Nasaksihan
sa nabanggit na rehiyon ang iba-ibang paraan ng pagkontrol ng mga mananakop sa
pamumuhay ng mga Asyano.
Isa sa mga epekto nito ay pag-usbong ng nasyonalismo sa Asya Sa araling ito
tatalakayin natin ang mga pinunong nagpaunlad ng nasyonalismo sa Silangang Asya
at Timog Silangang Asya at iba-ibang paraan na kanilang ginamit upang isulong ang
nasyonalismo sa kanilang sariling bansa.
153
Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Silangang Asya
Namuno /
Bansa Paraan
Nasyonalista
Pagsulong ng
Sun Yat Sen Demokrasya
Dalawang
China Magkatunggaling
Mao Ideolohiya Pagsulong ng
Zedong Komunismo
U Aung Son
Lider na nagsulong ng Kalayaan ng Burma
Myanmar
Pagbuo ng samahang Makabayan
Aung San Suu
Nagsulong ng Demokrasya sa Burma
(Burma) Kyi
TANDAAN
Nasyonalismo ang naging reaksyon ng mga Asyano sa Silangan. Umunlad ito
mula sa mga hindi makatarungang patakarang ipinatupad ng mga kanluranin.
Bagama’t magkakaiba ng mga pamamaraan ang nasyonalismong Asyano na nabuo
sa nabanggit na rehiyon ay naghangad na makamit ang kalayaan mula sa
mananakop. Malaki ang naging impluwensiya ng karanasang ito sa transpormasyon
ng mga bansang Asyano
154
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
_____1. Ito ang bansang kinabibilangan ni Ho Chi Minh A. Jose P. Rizal
kung saan siya ang namuno sa pakikibaka B. Sukarno
para sa kalayaan ng kanyang bansa C. Vietnam
_____2. Ginamit at isa sa mga namuno sa kilusang D. U Aung San
Propaganda sa pagpapahayag ng nasyonalismo.
_____3. Nagtatag ng Perisikatan Nacional Indonesia. E. Andres Bonifacio
_____4. Nagtatag ng Katipunan at ginamit ang
rebolusyon sa pagpapahayag ng nasyonalismo.
_____5. Siya ang lider na nagsulong ng Kalayaan ng Burma.
INAASAHAN
● Natatalakay ang kahulugan at konsepto ng Neo-Kolonyalismo.
● Naisa- isa ang mga anyo at pamamaraan sa Neo-Kolonyalismo
● Nakapagbibigay ng reaksyon/saloobin ang mga mag-aaral laban sa Neo-
Kolonyalismo.
155
Dayuhang Tulong o Foreign Aid
Isa sa instrumento ng neo-kolonyalismo ay ang dayuhang tulong o “Foreign
Aid” na maaring pang-ekonomiya, pangkultura, at pangmilitar. Sa una ay maiisip na
walang kundisyon ang pagtulong sa mga mamamayan ng bansa ngunit kung titingnan
mabuti, may kapalit ang libreng pagtulong. Ang pagpapapasok at pagbebenta ng
imported na produkto sa bansa na nagbibigay sa kanila ng malalaking tubo at kita.
Dayuhang Pautang o Foreign Debt
Anumang pautang na ibigay ng International Monetary Fund (IMF), World Bank
o ng Estados Unidos ay laging may mga kaakibat na kondisyon. Kabilang sa mga
kondisyon ay ang pagbubukas ng bansa sa dayuhang pamumuhunan at kalakalan,
pagsasapribado ng mga kumpanya , pagpapababa ng halaga ng salapi, at
pagsasaayos ng sistema ng pagbubuwis. Kung hindi susundin ang mga kondisyong
ito, hindi makauutang ang mga mahihirap na bansa. Ito ang dahilan ng pagkalubog
nila sa utang o tinatawag na Debt Trap.
Lihim na Pagkilos o Covert Operation
Ito ay palihim na pagkilos ng mga dayuhang bansa sa mga pandaigdigang
operasyon. Karaniwang pulitikal o pangmilitar ang dahilan nito. Kung hindi mapasunod
nang mapayapa ang mga bansang dating nasasakupan nila, gumagawa ng paraan
ang mga neo-kolonyalista upang guluhin ang isang pamahalaan o ibagsak ito ng
tuluyan.Isang halimbawa nito ay ang naganap sa Pilipinas, ipinadala ng CIA si Edward
Lansdale upang sugpuin ang mga Huks at siya rin ang tumulong na mailuklok sa
katungkulan ang mga Pilipinong pinuno kapalit ng katapatan sa Estados Unidos.
TANDAAN:
Ang Neo-kolonyalismo ay bagong paraan ng pananakop. Ito ay may iba’t ibang
anyo at bawat isa ay may pamamaraan ng pagkontrol sa buhay pampulitika at pang-
ekonomiya ng mga umuunlad na bansa.
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga
pagpipilian. Isulat lamang ang titik sa sagutang papel
1. Ang pulitikal na sistema ng mapayapang pananakop sa likod ng mapag-kunwaring
malasakit
a. Sosyalismo b. Neo-kolonyalisno
c. Imperyalismo d. Kolonyalismo
2. Ang ahensyang nagbibigay ng tulong pinansyal kapalit ang mga kondisyon sa
pamumuhunan at kalakalan
a. South East Asian Treaty Organization b. Foreign Aid
c. International Monetary Fund/World Bank d. US Aid
3. Ang itinuring na pinakaindustriyalisadong bansa sa Asya.
a. Japan b. Russia
c. China d. Brunei
4. Ang organisasyong itinayo sa Timog-Silangang Asya matapos ang Ikalawang-
Digmaang Pandaigdig
a. South East Asian Treaty Organization b. United Nations
c. International Monetary Fund/WB d. International Labor Org.
5. Ito ang ginagamit na instrumento ng mga Neo-kolonyalista kung saan nagbibgay
sila ng tulong pang-ekonomiya at pangkultura.
a. Foreign Aid b. Foreign Debt
c. Monetary Fund d. Debt Tra
156
Ikawalong Linggo - Aralin 8
PAMANA NG ASYA: Panitikan at Arkitektura ,Sayaw, Musika at Palakasan
INAASAHAN
● Naiisa-isa ang mga kontribusyon ng Silangan at Timog Silangang Asya sa
larangan ng
panitikan at arkitektura ,musika, sayaw at pampalakasan.
● Nakikilala ang mga Asyano na nagtatagumpay sa mga rehiyonal at
pandaigdigang kompetisyon ng isports sa Silangan at Timog-Silangang Asya
157
bansang Burma, Thailand, Laos, Cambodia, Vietnam, Malaysia, Indonesia at
Pilipinas. Ang mga bansang ito ay nagtataglay ng mga natatanging panitikan na may
kinalaman sa kanilang kultura at pamumuhay.
Ilan sa mga tanyag na panitikan sa Silangan at Timog-Silangang Asya ay ang mga
sumusunod:
Confucian Classic at Tao Te Ching- mga kaisipan at pilosopiya ng Tsina.
I Ching at Bing Fa- mahahalagang aklat ng Tsina.
Tanka at Makura no Soshi- maikling tula ng mga Hapon.
Haiku- tanyag na tula ng mga Hapones.
Shikibu- unang nobela sa daigdig.
Buljo Jikji simche Yojeol- pinakamatandang aklat na naimprenta gamit ang
movable at metal printing.
Tanaga- panitikang Pilipino na umusbong noong panahon ng Hapon.
Doctrina Cristiana- unang libro na nailimbag at nabasa ng mga Pilipino.
Noli Me T’angere at El Filibusterismo- mga tanyag na nobela sa Pilipinas..
Ang Musika, Sayaw at Pampalakasan ng mga Asyano
Ang sayaw at musika ang nagbibigay ng malalim na pakikipag–ugnayan ng
mga Asyano sa sandaigdigan. Sa Timog-Silangang Asya, ang sayaw at musika ay
may kinalaman sa mga seremonya na may kaugnayan sa relihiyon, samantalang sa
Silangang Asya, ito ay may kinalaman sa mga ritwal sa korte ng kanilang palasyo.
Musika ng mga Koreano
May dalawang uri ng musika ang Korea, ito ay ang Chong-ak (musikang
kinagigiliwan ng mga aristokrata) at ang Sog-ak (musikang tinatangkilik ng
karaniwang mamamayan).
Mga musikang instrumental ng Korea
Piri at Senap – Ito ay double reed wind instrument na isa sa mga paboritong
instrumento ng mga Koreano.
Kayagum- Ito ay isang uri ng string instrument na itinuturing na isa sa
pinakamahalagang instrumento ng mga Koreano.
Yanggeum- Isang percussion instrument na may kuwerdas na nagbibigay ng
tunog ng harp.
Musika ng mga Tsino
Para sa mga Tsino ang musika ay may praktikal na gamit sa buhay ng tao. Ito
ay ginagamit sa pagtuturo, pagbibigay patnubay, pagsasaayos ng lipunan, at
pagbibigay lakas sa pamahalaan. Si Fu Shi ang unang imbentor ng musika sa Tsina
na gumamit ng ibat-ibang instrumento tulad ng Sitar, Table at Baya.
Mga musikang instrumental ng Tsina
Muyu- Inukit mula sa isang bloke ng kahoy na inihugis sa korteng isda na
nagbibigay tunog sa pamamagitan ng pagpalo rito na parang tambol. Ito ay
ginagamit ng mga Buddhist sa kanilang pagdarasal.
Xun- Isang hinihipang instrumento na hugis itlog.
Hulusi o Cucurbit Flute- Isang instrumentong hinihipan.
Musika ng mga Hapon
Ang musika ng Hapon ay kilala sa katawagang Hogaku. Ang himig ng mga
musikang Hapon ay karaniwang payak lamang at minsan ay ginagamit sa mga ritwal
at seremonya ng relihiyong Shinto.
158
Mga musikang instrumental ng Hapon
Kogura- Musikang panseremonya ng Hapon
Gangaku - Ganagamit ng Hapones sa kanilang korteng imperiyal at
panalanginan.
Buraku at Kabuki – Kilalang musika sa mga teatrong puppet ng Hapon.
Sankyoku– Ito ay nangangahulugang “musika para sa tatlo”. Ito ay binubuo
ng tatlong instrumento:
Shamisen - ay tatlong kuwerdas na lute at may haba na 38 pulgada.
Koto- binubuo ng 13 kuwerdas na nagbibigay ng tunog na tulad ng harp.
Shakuhachi- Isang vertical na kawayang flute na may limang butas.
Musika ng Timog-Silangang Asya:
Ang mga bansa tulad ng Indonesia, Thailand, Pilipinas at iba pa ay mahilig din
sa musika at mga pagtatanghal sa orkestra. Ang Gamelan ay isang tanyag na
orkestra sa Indonesia na gumagamit ng mga tradisyunal na instrumento. Ang
Philippine Philharmonic Orchestra ay isa sa pinakatanyag na orchestra sa mga
bansa sa Asya Pasipiko at itinanghal din na isa sa pinakamagaling na orkestra sa
buong mundo (1979). Ang opera at teatro ay isang anyo ng sining na binubuo ng mga
madramang pagganap sa entablado na nakalapat sa musika. Si Lea Salonga ang
kauna-unahang itinanghal na pinakamagaling na mang-awit at binansagang “Disney
princess” dahil sa husay niya sa pagganap sa mga teatrong pangmusika.
Mga musikang instrumental ng Timog-Silangang Asya:
Gong Ageng- Gong na yari sa brass.
Kendang Gending- Isang uri ng drum.
Trompong- Pahalang na gong.
Rebab- Instrumentong may kwerdas.
Suling Bali- Isang uri ng pluta.
Kulintang- Pahalang na gong ng Pilipinas.
Pi phat- Ito ay isang instrumentong hinihipan na yari sa kahoy ng Thailand.
Mahori -Ito ay instrumentong kwerdasan at perkusyon ng Thailand.
Sayaw ng Asya Ang sayaw ay anyo ng pag-indak ng katawan. May mga sayaw na
sagana sa ritwal o seremonya at may ginagamit din sa mga pagdiriwang. Sa
kasalukuyan, ito ay ititinuturing na libangan ng mga Asyano.
Ang sayaw ng mga Koreano ay nagpapakita ng mga kasiyahang metapisikal.
Ang sumasayaw nito ay pinagkakalooban ng pinakamataas na parangal ng
pamahalaan ng Korea, ang titulong “Human Cultural Assets”. Ilan sa mga halimbawa
nito ay ang Salpuri talch’um o cymbal, law drum dance at fan dance.
Sa bansang Hapon, Geisha ang pinakasikat na sayaw kung saan ipinakikilala
ang sining ng bansa. Sa Tsina, tanyag ang Dragon at Lion dance, isang anyo ng
tradisyonal na sayaw ng Tsina na pinaniniwalaang nagbibigay ng swerte sa buhay.
Ang mga tradisyunal at makukulay na sayaw ng Thailand ay ngpapakita ng
yaman ng kanilang kultura at relihiyon. Ito ay hinati nila sa tatlong kategorya: ang
Khon, Lakhon at Fawn Thai.
Ang makabayan at pamosong mga sayaw sa Pilipinas ay nahahati sa limang
kategorya: ang sayawing Maria Clara, sayaw sa Barrio, sayawing Tribo, sayaw sa
bundok at ang sayawing Muslim. Pinakikita rin sa pamamagitan ng katutubong sayaw
159
ng Pilipinas ang maalab na damdamin, pag-ibig, kasiyahan, kabuuan ng loob,
pagkakaisa at pagkakaiba ng bawat pangkat etniko. Ang Bayanihan Dance Troupe
at Ramon Obusan Folkloric Group ay ilan lamang sa grupo ng mga Pilipinong
manananghal na nakilala sa buong mundo.
Pampalakasan ng Asya
Ang mga Asyano ay nagtagumpay sa mga rehiyonal at pandaigdigang
kompetisyon ng isports. Ang SEA Games ay taunang idinadaos sa mga piling bansa
sa Asya. Kamakailan lamang, idinaos sa Pilipinas ang pangtaunang palarong ito. May
mga Pilipino na nakilala o naging tanyag sa daigdig sa ibat-ibang larangan ng isports.
Ilan sa mga nagtagtagumpay dito ay sina:
TANDAAN
Ang mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya ay nagbigay ng
mahalagang kontribusyon sa larangan ng panitikan, arkitektura, sayaw, awit at
palakasan. Ang mga pamanang ito ay naging dahilan kaya ang ilang mga Asyano ay
napabantog at nakilala sa daigdig.
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga
pagpipilian. Isulat lamang ang titik sa sagutang papel.
1. Ang musika ng Hapon na karaniwang payak lamang at minsan ay ginagamit sa
mga ritwal at seremonya ng relihiyong Shinto.
a. Kogura b. Buraku
c. Gangaku c. Hogaku
2. Ang bansa pinagdausang ng 2019 SEA GAMES kung saang nagkamit ng gintong
medalya sina Hidilin Diaz at Caloy Yulo
a. Pilipina b. Tsina
c. Korea d. Thailand
3. Alin sa mga sumusunod na bansa nagmula ang musikang Chong-ak (musikang
kinagigiliwan ng mga aristokrata) at ang Sog-ak (musikang tinatangkilik ng
karaniwang mamamayan)
a. Hapon b. Korea
c. Malaysia d. Thailand
4. Ito ay isa sa pinakatanyag na orchestra sa mga bansa sa Asya Pasipiko at
itinanghal din na pinakamagaling na orkestra sa buong mundo
a. Phil. Philharmonic Orchestra b. Malaysian Symphony Orchestra
c. Gamelan Harmonic Orchestra d. Thailand Symphony Orchestra
5. Ito ay isang anyo ng sining na binubuo ng mga madramang pagganap sa
entablado na nakalapat sa musika.
a. sayaw b. orchestra
c. teatro d. musika
160