2ND Periodical Test - Esp 4 - Ella
2ND Periodical Test - Esp 4 - Ella
No. of
Revised Blooms Taxonomy Level
Items
Percent of
Day Test Devoted 60% 10%
Objective Easy 30% Average
Spent to the
Competency Average
Prepared by:
SHIRLEY R. PEÑAFLORIDA
Teacher II
RONNEL R. REAL
Principal II
Department of Education
Schools Division of Marinduque
Santa Cruz North District
IPIL ELEMENTARY SCHOOL
1. Hindi mo namalayan sumama ang loob ng katabi mo dahil nabali mo ang crayolang hiniram mo sa
kanya habang kayo ay nagkukulay. Ano ang gagawin mo?
a. Hindi na lang iimik c. Hihingi ng paumanhin sa nangyari
b. Itatanggi ang ginawa d. Sasabihan na magpabili na lang ulit sa nanay
2. Hindi mo sinasadyang nakapagsalita ng masama sa iyong kaibigan. Dahil dito ay lumayo siya sa iyo.
Ano ang gagawin mo?
a. Hayaan na lang siyang lumayo
b. Unawain siya sa gusto niya
c. Isumbong siya sa kaniyang nanay na iniiwasan ka
d. Kausapin siya at mag sorry sa nagawa
3. Ipinahahanap ng inyong guro ang nakasira ng upuan sa inyong silid-aralan. Isa ka sa nakasira nito. Ano
ang iyong gagawin?
a. Magtatago at hindi magpapakita
b. Pupuntahan ang guro at magsosorry sa ginawa at mangangako na hindi na ito uulitin
c. Pupunta pero hindi sasabihin ang totoo
d. Ituturo ang ibang kaklase na nakasira
4. Sino ang nagpapamalas ng pagkamahinahon sa damdamin at kilos sa pagtanggap ng sariling
pagkakamali o puna ng kapuwa?
a. Si Lance na nagalit ng sinabihan ng kaklase na laging pasaway.
b. Si Carlo na sumimangot ng sabihan na pangit ang suot na damit.
c. Si Harris na umiyak ng tinukso ng kaklase.
d. Si Pedro na tumawa lang ng sinabihan na boses lata.
5. Alin sa sumusunod na salita o pangkat ng mga salita ang nagpapakita ng paghingi ng paumanhin?
a. Bahala na! b. Buti nga sa iyo c. Ikaw kasi! D. Sorry!
6. Ano ang iyong gagawin kung hindi mapili ang iyong poster para sa inyong paaralan?
a. Iiyak na lang. c. Magpapraktis na mabuti para makasali ulit
b. Hindi na sasali sa mga paligsahan d. Uuwi na lang at hindi na papasok
7. Pangarap mong maging mahusay na mang-aawit sa iyong paglaki kung kaya’t sumasali ka sa mga
paligsahan sa inyong paaralan at komunidad. Gayon pa man, madalas mong marinig na may pumipintas sa
iyo. Ano ang iyong gagawin?
a. Babaliwalain ko ang mga sinasabi nila at sasali pa rin sa mga contest
b. Mag eensayo para lalong gumaling kumanta
c. Kakausapin sila at pagsasabihan
d. Sisigawan ko sila at sasabihan ng inggit lang kayo
8. Binabatikos ka dahil sa isang pagkakamaling nagawa mo. Paano mo haharapin ang mga pumupuna sa
iyo?
a. Pakikinggan ko sila.
b. Kakausapin ko sila at hihingi ng paumanhin sa aking nagawa.
c. Iiwasan sila.
d. Ipapabarangay ko sila.
9. Sinabihan ka ng kaibigan mo na hindi tamang magsalita kapag puno ang bibig. Ano ang mararamdaman
mo?
a. Magpapasalamat at pinuna ang mali kong gawi.
b. Sasabihan ko siya na wala siyang paki.
c. Isusumbong ko siya sa kaniyang nanay.
d. Hindi ko na siya babatiin.
10. Si Carla ay sinabihan ni Lance na magpalit ng damit dahil ito ay hindi bagay sa kaniya. Ano ang
mararamdaman ni Carla sa sinabi ni Lance?
a. Matutuwa at pinansin ang suot niya pero hindi niya ito papalitan.
b. Sisigawan si Lance at paaalisin sa harap niya.
c. Magagalit at sasabihan si Lance na pakialamero.
d. Masisiyahan sa ginawa ni Lance na pagpuna dahil nagsabi lang siya ng totoo
11. Nakita mo ang iyong guro na maraming dala. Ano ang gagawin mo??
a. Pupuntahan ko at tutulungan.
b. Itutuloy ko lang ang aking ginagawa.
c. Uutusan ko ang kaklase ko na tulungan siya.
d. Hindi ko na lang papansinin at kunyari hindi ko nakita.
12. Sa pagmamadali mo dahil mahuhuli ka na sa klase ay hindi sinasadya na nabunggo mo ang iyong
kamag-aral. Natumba siya at natapon ang mga dala niya. Ano ang gagawin mo?
a. Iiwan ko siya at tatakbo ako sa silid-aralan namin.
b. Tutulungan ko siya at hihingi ako ng sorry.
c. Tatawanan ko siya.
d. Sisigawan ko siya.
13. Habang namamasyal ka sa parke ay napansin mo ang isang batang palakad- lakad at umiiyak. Ano ang
gagawin mo?
a. Lalapitan ko siya at tatanungin.
b. Bibigyan ko siya ng pagkain.
c. Hindi ko siya papansinin.
d. Lalayuan ko siya at baka ako ay mapahamak.
15. Papunta ka sa silid-aklatan, nakita mo na marami ang nag-aaral dito pero kailangan mo rin
magresearch. Ano ang gagawin mo?
a. Paaalisin ko sila.
b. Sasabihin ko sa librarian na paalisin na sila
c. Aantayin ko silang matapos
d. Magpapaalam ako sa librarian kung pwede magresearch
18. Nabalitaan mong nasunugan ng bahay ang iyong kamag-aral. Ano ang pinakamainam mong gawin?
a. Maghanap ng maayos ngunit hindi mo na ginagamit na mga damit at ibigay sa kaniya.
b. Huwag pansinin ang balita dahil hindi mo naman siya kaibigan.
c. Pag-usapan ninyong magkakaibigan ang nangyari sa kaniya.
d. Puntahan siya at alamin kung ano naging dahilan ng sunog.
19. Binaha ang lugar ninyo dahil sa ilang araw na pag-ulan. Lumubog sa baha ang bahay ng kaibigan mong
si Dana. Ano ang maari mong maitulong maliban sa isa?
a. Hindi na lang ako makikialam.
b. Bibigyan ko siya ng mga luma pero maayos ko pang kagamitan.
c. Hihikayatin ko ang mga kaklase namin na bigyan sila ng pagkain at mga de lata.
d. Pupuntahan ko siya at dadamayan.
20. Bumili ng maraming de-lata at bigas sila Lea upang ipamigay sa mga biktima ng bagyo. Anong
damdamin ang ipinapakita nito?
a. Nagbigay ng bukal sa damdamin
b. Nagbigay dahil malapit na maexpire ang mga de-lata
c. Nakikigaya lang sa mga kapitbahay.
d. Nagbigay para sumikat.
21. Dinalaw mo ang iyong kaibigang maysakit sa ospital. Ano ang ibinabahagi mo sa kaniya?
a. oras b. pera c. talento d. yaman
22. Aling sitwasyon ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa taong may sakit?
a. Nagpapatugtog ng malakas
b. Nagdarasal na gumaling agad ang may karamdaman
c. Naglalaro habang may sakit ang ina
d. Pinatigil ni Carla ang mga batang naglalaro
23. Dumating ka sa iyong bahay ng gabing-gabi na. Mahimbing na natutulog ang mga kasama mo. Ano
ang gagawin mo?
a. Matutulog na rin
b. Magdadahan-dahan upang hindi sila magising
c. Lalakasan ko ang pagsara ng pinto
d. Sisigaw ako ng magnanakaw
24. Masayang nagkakantahan ang mga kaibigan mo. Alam mong marami ng natutulog sa mga kapitbahay
mo. Ano ang gagawin mo?
a. Sisigawan ang kapitbahay
b. Pagsasabihan ko ng maayos
c. Palalakasin ko pa ang tugtog
d. Sasabihan ko ang mga kaibigan kong tumigil na sa pagkanta.
25. Napansin mong tahimik na nakaupo si Dante at hindi rin siya nakikilahok sa mga gawain. Nang lapitan
mo siya ay umiyak siya bigla. Ang taas pala ng lagnat niya. Ano ang gagawin mo?
a. Sasamahan ko siya sa clinic
b. Paiinumin ko siya ng gamot
c. Sasabihin ko sa aming guro na maysakit siya
d. Ihahatid ko siya sa bahay nila
28. Nag-uulat ang isang grupo ng inyong klase. Ano ang gagawin mo?
a. Lalabas ng silid-aralan
b. Tatawa ng malakas
c. Makikipag-usap sa katabi
d. Makikinig sa nag-uulat
29. Naglalakad ng tahimik si Dory sa hallway dahil alam niya na may nagkaklase pa sa ibang silid-aralan.
Ano ang ipinakita ni Dory?
a. Paggalang sa maysakit c. Paggalang sa pasilidad ng paaralan
b. Paggalang sa nag-aaral d. Pagkamahinahon sa damdamin
31. Nakita mo na nagsusulat sa pinto ng palikuran ang isang bata. Ano ang iyong gagawin?
a. Sasamahan ko siyang magsulat
b. Hindi ko siya papansinin
c. tatawanan ko siya
d. Kakausapin ko siya at pagsasabihan
32. Namamasyal kayo ng mga kaibigan mo sa may tabing ilog. Itinapon ni Tito ang mga basura na
pinagkainan ninyo sa ilog. Ano ang gagawin mo?
a. Itatapon ko rin ang hawak kong basura
b. Pupulutin ko ang itinapon niya at ibabalik ko ito sa kaniya
c. Pagsasabihan ko siya na hindi tama ang kaniyang ginawa
d. Tatawa ako ng malakas sa ginawa niya
33. Papunta ka sa kantina at may nadaanan kang basura na nakakalat. Ano ang iyong gagawin?
a. Pupulutin at itatapon sa basurahan c. Sisipain ang kalat
b. Huwag papansinin d. Ipapapulot sa kaklase
34. Bakit mahalaga na manatili ang malinis at tahimik na kapaligiran?
a. Para maraming kaibigan
b. Para masaya ang mga tao
c. Para hindi magkasakit
d. para magkaroon ng mapayapang pamumuhay
35. Naglalaro si Tirso ng may dumating na trak ng basura sa lugar nila. Ano ang dapat gawin ni Tirso?
a. Ipagpatuloy ang ginagawa c. Huwag pansinin ang trak ng basura
b. Kunin ang basura at itapon d. Utusan ang kapatid na magtapon
36. Sino ang nagpapakita ng paggalang sa iba sa pamamagitan ng paggamit ng pasilidad nang may pag-
alaala sa kapakanan ng kapuwa?
a. Binuhusan ni Cris ng isang timbang tubig ang inidoro pagkatapos gamitin.
b. Sinulatan ni Francis ang pinto ng silid-aralan
c. Pinulot ni Lito ang basura sa sahig
d. Maingat na lumabas ng silid-aralan si Kardo
37. Bilang mag-aaral, alin sa mga sumusunod ang gagawin mong pangangalaga sa pasilidad ng paaralan?
a. Maingat kong binubuklat ang mga pahina ng aklat sa silid-aklatan
b. Iniiwasan ko ang pagsulat sa mga pader ng palikuran
c. Binabalutan ko ang mga batayang aklat at ang aking upuan
d. Pumipila ako ng maayos tuwing bibili sa kantina
40. Sa paanong paraan mo mahihikayat ang ibang mag-aaral na maging maayos sa paggamit ng inyong
paaralan?
a. Ipaliliwanag sa kanila ang kahalagahan ng pangangalaga dito upang magamit pa ng ibang mag-aaral.
b. Pipilitin ko silang makinig sa akin
c. Hihikayatin ko silang makiisa sa programa ng paaralan
d. Bibigyan sila ng suhol upang makiisa sa proyekto