0% found this document useful (0 votes)
222 views2 pages

2024-08-13 MM-13 Circuit Assembly With Circuit Overseer

vdfvefv

Uploaded by

Cassius Garcia
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
222 views2 pages

2024-08-13 MM-13 Circuit Assembly With Circuit Overseer

vdfvefv

Uploaded by

Cassius Garcia
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 2

JOHNELSON MINGLANA TAN, MM-13

c/o Kenneth Bandong, Kingdom Hall of Jehovah’s Witnesses, 2405 Jose Syquia St., Sta. Ana, Manila City
(0909) 002 1344; 4JohnelsonT@jwpub.org; johnelsontan@gmail.com

August 13, 2024

TO ALL CONGREGATIONS IN METRO MANILA 13

Re: 2024-2025 Circuit Assembly with Circuit Overseer

Mahal na mga kapatid,

Paano binago ng mabuting balita ang buhay mo? Iyan ang ipinaisip sa atin ng
napakagandang regional convention na dinaluhan natin kamakailan lang. Pero hindi
natatapos ang pagbabago sa ating bawtismo. Gusto ni Jehova na patuloy na baguhin
ng mabuting balita ang ating buhay. Iyan ang pinakasentro ng ating susunod na
pananabikan—ang pinakaunang circuit assembly ng Metro Manila 13 na idadaos sa
Metro Manila Assembly Hall, Novaliches, Quezon City sa Sabado, October 12,
2024. Ang tema ng asemblea ay ‘Kumilos Nang Nararapat Para sa Mabuting Balita’
na hinango mula sa Filipos 1:27. Pakisuyong pansinin ang sumusunod na paalala:

Programa: Pinasisigla ang lahat na i-download ang program sa JW Library o sa


ating website. Patiunang inilaan ang programa para bigyan ng pagkakataon ang bawat
pamilya na mapaghandaan at mabulay-bulay ang mga bahagi, marahil sa kanilang
family worship. Pakisuyong ihanda rin ang kopya ng magasing Bantayan na pag-
aaralan sa linggo ng asemblea.

Bawtismo: Para sa mga nais magpabawtismo, panahon na para ipaalam ito sa


coordinator ng lupon ng matatanda para maiiskedyul ang review.—od p. 182-184

Cleaning: May malaking pangangailangan para sa paglilinis ng Assembly Hall


bago at pagkatapos ng ating assemblea. Maaaring makipag-ugnayan sa mga elders
ang mga nais magboluntaryo. Nasa kalagayan man tayo o hindi, makakatulong tayo sa
paglilinis kung susundin natin ang tamang waste segregation kapag tayo ay nagtatapon
ng ating basura.

Rooming: Upang lubusang makinabang sa espirituwal na pagkain sa asemblea,


may mga pamilya na pinipiling tumira malapit sa Assembly Hall sa halip na gumising ng
napakaaga at magbiyahe nang malayo sa araw ng asemblea. Kung nais ng inyong
pamilya na gawin din ito at kailangan ninyo ng impormasyon hinggil sa mga hotel o iba
pang matutuluyan na malapit sa Assembly Hall, maaaring makipag-ugnayan sa rooming
department.

Tunay nga, nasaan tayo kung wala ang mabuting balita? Dahil dito, mahirap man
ang ating buhay sa sistemang ito, napakayaman naman natin sa espirituwal! Tanggapin
ninyo ang aming mainit na Kristiyanong pag-ibig!

Ang inyong kapatid,


Johnelson Minglana Tan
Circuit overseer, MM-13
Hindi dapat basahin ang post-script na ito na para lamang sa mga elder:

Pakisuyong isaayos na mabasa ang liham na ito sa susunod na midweek


meeting. Hinggil sa mga donation, maaari din ninyong piliing banggitin ang ilang punto
mula sa liham para sa mga kongregasyong gumagamit ng assembly halls na may
petsang September 1, 2014 (Makikita ito sa JW Hub / Documents / Letters). Nawa’y
makatulong ang mga ito sa pagsunod ninyo sa tagubilin sa sfl 20:17a.

Announcement isang linggo bago ang asemblea (Week of September 30 to


October 6, 2024): Pakisuyong sundin nang mabuti ang tagubilin sa sfl 20:17b na
nagsasabing: “…Sa Pulong Para sa Buhay at Ministeryo bago ang linggo ng asamblea,
dapat itampok ng chairman ang tema ng asamblea at ang pangunahing mga pahayag
habang ipinapakita ang programa sa mga video monitor. Dapat himukin ang lahat sa
kongregasyon na i-download ang programa mula sa jw.org o JW Library at dalhin ang
angkop na kopya ng Bantayan sa asamblea. Dapat ding pasiglahin ang lahat na
dumating sa oras at maupo na kapag nagsimula ang panimulang musika.”

Review pagkatapos ng asemblea: Pagkatapos ng circuit assembly, pakisuyong


sundin nang mabuti ang tagubilin sa sfl 20:18. Maaari na itong isama na sa iskedyul ng
midweek meeting pagkatapos ng asemblea para hindi ito makaligtaan.

2024 Regional Convention Review: Bilang paalala, kung hindi pa nagagawa


ang review ng regional convention sa inyong kongregasyon, mas maganda na magawa
na ito bago dumating ang circuit assembly, sangayon sa sfl 20:20. Kung wala nang
bahagi na local needs sa iskedyul ng midweek meeting sa mga linggo bago ang circuit
assembly, baka maaari itong maisingit sa isang midweek meeting.—Tingnan ang sfl
20:15.

You might also like

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy