RO101 CDE Road Safety 10.22

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

ARALING PANLIPUNAN 10-IKAAPAT NA MARKAHAN

Pangalan: Catherine Rhae D. Panis Pangkat: 4D Guro: Bel Durana

MELC/ Kasanayan

Natatalakay ang mga epekto ng aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga

gawaing pansibiko, kabuhayan, politika, at lipunan.

Sa araling ito ay iyong mauunawaan ang kahulugan ng pakikilahok at mga paraan ng

politikal na pakikilahok. Mga paraang magbibigay ng kapangyarihan sa mamamayan para

makamit ang tinatamasang mabuting pamamahala. Sa aralin din na ito masusuri natin ang

epekto at kahalagahan ng pakikilahok ng mamamayan sa mga gawain at usaping pampolitika

lalo na sa pakikilahok sa halalan at paglahok sa civil society.

PANUTO: Upang masubok ang iyong nalalaman sa modyul na ito, subuking sagutan ang

pagsusulit sa ibaba sa pamamagitan ng pagsulat sa titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Pinakapayak na paraan ng pakikilahok ng mamamayan.

A. Pakikilahok sa eleksiyon B. Pagrarali sa kalsada

C. Pagsali sa Civil Society D. Pagsali sa mga unyon

2. Pinakamahalagang elemento ng estado, nasa kaniyang mga kamay ang pagtugon sa mga

isyu at hamong panlipunan na kaniyang haharapin.

A. Batas B. Mamamayan C. Pamahalaan D. Simbahan

3. Batay sa ISSP Citizens survey noong 2004, ano ang nangungunang katangian ng isang

mabuting mamamayang Pilipino.

A. Wastong pagbabayad ng buwis B. Laging pagsunod sa batas

C. Pakikilahok sa eleksyon o pagboto D. Pagsubaybay sa gawain ng pamahalaan

4. Grassroot organization na naglalayong protektahan ang interes ng mga miyembro nito.

A. Non- Govermental Organization B. People’s organization

AP 10- QUARTER 4- WEEK 5 and 6


ARALING PANLIPUNAN 10-IKAAPAT NA MARKAHAN

C. Local Government Organization D. Voluntary Organization

5. Ayon sa Artikulo V ng Saligang Batas ng 1987, ang mga sumusunod ay maaaring makaboto

maliban sa isa,

A. Mamamayan ng Pilipinas B. Mga dayuhan na nagbabakasyon sa Pilipinas

C. 18 taon gulang pataas D. Nakatira sa Pilipinas nang kahit isang taon

6. Mga diskwalipikadong bumoto…

A. Mga taong idineklara ng mga eksperto bilang baliw

B. Mga taong nasentensyahan ng hukuman sa mga kasong rebelyon

C. Mga taong nasentensiyahan na makulong na hindi bababa sa isang taon

D. Lahat ng nabanggit

7. Ayon sa ating Saligang Batas, ang Pilipinas ay isang estadong republikano

at demokratiko. Ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng sambayanan at nagmumula sa

kanila ang lahat ng mga awtoridad na pampamahalaan.

A. Artikulo I, Sek. 1 B. Artikulo II, Sek. 1 C. Artikulo III, Sek. 1 D. Artikulo IV, Sek. 1

8. Isang Non-Governmental Organization na nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga peoples’

organization para tumulong sa nangangailangan.

A. GRIPO B. FUNDANGO’s C. DJANGO’s D. TANGO’s

9. Mga aksyon ng mga indibidwal o ng mga samahan sa iyong komunidad na sama-samang

nagtratrabaho upang subukan at tuluyang malutas ang mga problema sa iyong komunidad.

A. Pagwewelga B. Pakikilahok C. Pagbobolunter D. pamumuno

10. Ito ang sektor ng lipunan na binubuo ng mga kilos protesta, mga lipunang pagkilos, at mga

boluntaryong organisasyon.

A. Civil Society B. Grassroot Organization

C. Participatory Governance D. Civic Engagement

Panuto: Natalakay na natin ang ilang tanyag na pandaigdigang organisasyon na nagbibigay

AP 10- QUARTER 4- WEEK 5 and 6


ARALING PANLIPUNAN 10-IKAAPAT NA MARKAHAN

proteksiyon sa karapatang pantao. Piliin sa

Hanay B ang mga hinihingi sa Hanay A.

Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B

1. Pandaigdigang kilusan na may kasaping umaabot sa 7 A. CHR - Commission on

milyong katao. Ang motto nito ay “It is better to light a Human Rights

candle than to curse the darkness.” B

2. Layunin ng samahang ito na magkaroon ng higit na B. Amnesty International

kamalayan tungkol sa karapatang pantao at

pagsasakatuparan nito sa buong Asya. E

3. Pangunahing tungkulin na pangalagaan ang mga C. Global Rights

karapatang pantao ng mga mamamayan sa Pilipinas. A.

4. Pinasinayaan noong 1987 sa Ethiopia na ang layunin D. OSISA - African

ay proteksiyonan at itaguyod ang karapatang pantao sa Commission On Human and

Africa. D Peoples Right

5. Pangunahing layunin ng pandaigdigang samahan na ito E. AHRC – Asian Human

na itaguyod at pangalagaan ang karapatan ng mga Rights Commission

walang gaanong boses sa lipunan at pamahalaan. C

Politikal na Pakikilahok

Ano nga ba ang tinutukoy na pakikilahok at paano ito nagaganap? Ang pakikilahok ay

ang mga aksyon ng mga indibidwal na tulad mo o ng mga samahan sa iyong komunidad,

na sama-samang nagtratrabaho upang subukan at tuluyang malutas ang mga problema

sa komunidad. Ang pakikilahok ng mga tao ay maaaring magdulot ng pagkakaisa at sama-

samang pagkilos. Ang gawaing politikal ay tumutukoy sa isang proseso na kung saan ang isang

indibidwal ay nagkakaroon ng mga kaalaman tungkol sa sistemang politikal, pagpapahalaga, at

paniniwala.

Ayon sa Artikulo II, Seksyon 1 ng ating Saligang Batas “Ang Pilipinas ay isang

estadong republikano at demokratiko. Ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng sambayanan

AP 10- QUARTER 4- WEEK 5 and 6


ARALING PANLIPUNAN 10-IKAAPAT NA MARKAHAN

at nagmumula sa kanila ang lahat ng mga awtoridad na pampamahalaan.” Patunay lamang na

ang kapangyarihan ng estado ay wala sa pamahalaan at sa mga taong bumubuo nito, sa halip,

AP 10- QUARTER 4- WEEK 5 and 6


ARALING PANLIPUNAN 10-IKAAPAT NA MARKAHAN

ito ay nagmumula sa mga mamamayan. Bilang pinakamahalagang elemento ng estado, nasa

kamay ng mga mamamayan ang pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunang kaniyang

kinakaharap. Ang mamamayan ay dapat may kaalaman at kamalayan sa mga isyung

panlipunan. Ang kamalayang ito ang magtutulak sa mamamayan na aktibong makilahok sa mga

hakbanging magbibigay katugunan sa maraming isyung panlipunan. Isang mahalagang paraan

para matugunan ang mga isyung ito ay ang pakikilahok sa mga gawaing politikal. Maaaring sa

paraan ng pagboto o maaaring sa mas masidhing mga aksiyon para igiit ang pagkakaroon ng

isang mabuting pamahalaan.

Ang pakikilahok sa eleksyon ang pinaka payak na paraan ng pakikilahok ng mamamayan.

Ang pagboto ay isang obligasyon at karapatang politikal na ginagarantiyahan ng ating Saligang

Batas. Ayon sa Artikulo V ng Saligang Batas ng 1987 ang maaaring makaboto ay:

● Mamamayan ng Pilipinas
● Hindi diskwalipikado ayon sa isinasaad ng batas
● 18 taon gulang pataas
● Tumira sa Pilipinas nang kahit isang taon at sa lugar kung saan niya gustong bumoto ng
hindi bababa sa anim na buwan
Mga Diskwalipikadong Bumoto:
● Mga taong nasentensiyahan na makulong nang hindi bababa sa isang taon. Maaari
siyang makaboto muli pagkaraan ng limang taon pagkatapos niyang matapos ang
parusang inihatol sa kaniya.
● Mga taong nasentensyahan ng hukuman sa mga kasong rebelyon, sedisyon, paglabag sa
anti-subversion at firearms law, at anumang krimeng laban sa seguridad ng bansa.
Maaari siyang makaboto muli pagkaraan ng limang taon pagkatapos niyang matapos ang
parusang inihatol sa kaniya.
● Mga taong idineklara ng mga eksperto bilang baliw.
Sanggunian: Omnibus Election Code, Artikulo 12, Seksiyon 116

Sa pamamagitan ng pagboto, nakapipili ang mamamayan ng mga opisyal ng

pamahalaan na sa tingin nila ay makapaglilingkod nang maayos. Ito ang pagkakataon kung

saan naipakikita ng mamamayan na siya ang pinanggagalingan ng kapangyarihan ng mga halal

na opisyal; na siya ring may kapangyarihan na alisin sila sa puwesto kung sa tingin nila ay hindi

ginagampanan nang maayos ang kanilang sinumpaang tungkulin. Pantay-pantay ang mag tao

pagdating sa boto. Bawat isang Pilipino ay mayroon lamang isang boto, mayaman man o

mahirap.

Isa sa nagiging balakid sa pakikilahok ng mga tao sa eleksyon ay ang napapabalitang

pagbebenta ng boto ng ating mga kababayan. Ayon kay dating Commissioner ng Commission

on Election na si Gregorio Lardizabal, noong halalan ng 2016 ay naging talamak parin ang

insidente ng pamimili ng boto. Dahil dito, maaaring sa halip na ang nakaupo sa pamahalaan ay

mahuhusay at matitinong opisyal ay maaaring maupo ay mga opisyal na sarili lamang ang

iniisip. Ilan pa sa mga maling gawain sa panahon ng halalan ay ang pagboto gamit ang

AP 10- QUARTER 4- WEEK 5 and 6


ARALING PANLIPUNAN 10-IKAAPAT NA MARKAHAN

ibang pangalan, pananakot sa mga botante, ballot –snatching, pandaraya, terorismo, at

political

AP 10- QUARTER 4- WEEK 5 and 6


ARALING PANLIPUNAN 10-IKAAPAT NA MARKAHAN

killings. Ito ay ayon sa pag-aaral ng International Foundation for Electoral System at IPER sa

kanilang “Elections in the Philippines” noong Hunyo 2003.

Batay sa ISSP Citizenship survey noong 2004, nangunguna ang pagboto bilang

pangunahing katangian ng isang mabuting mamamayan. Kasama rin sa listahan ang

wastong pagbabayad ng buwis, laging pagsunod sa batas, pagsubaybay sa gawain ng

pamahalaan at unawain ang opinyon ng ibang tao. Kung ang suvey na ito ang pagbabatayan,

mababatid na malaki ang pagtingin ng mga Pilipino sa kahalagahan ng karapatang makaboto

sa kabila ng maraming balakid at suliranin.

PAGLAHOK SA CIVIL SOCIETY. Hindi natatapos sa paglahok sa eleksyon ang politikal

na pakikilahok ng mga mamamayan. Sa halip unang hakbang lamang ito para sa isang

malayang lipunan. Ang esensya ng demokrasya ay ang pagkakaroon ng mamamayang

nakikilahok sa pagpapaunlad ng bayan sa paraang higit pa sa pagboto. Isa pang paraan na

maaari nating gawin ay ang boluntaryong pagsali o pagsama sa mga samahang direktang

nakikipag-ugnayan sa pamahalaan upang iparating ang pangangailangan ng mamamayan.

Tinataawag itong Civil Society.

Ano ang Civil Society:

✔ sektor ng lipunan na hiwalay sa estado at binubuo ng mga mamamayan na hindi umaasa


sa pamahalaan;
✔ binubuo ng mga mamamayang nakikilahok sa mga kilos protesta, lipunang pagkilos, at
mga Non-Governmental Organizations (NGO) at Peoples’ Organization (PO);
✔ Naglalayon ang Civil Society na maging kabahagi ng mga pagbabago sa mga polisiya at
maggiit ng accountability (kapanagutan) at transparency (katapatan) mula sa estado
(Siliman,1998); at
✔ Layunin din ng Civil Society na makabuo ng mga samahang direktang makikipag-
ugnayan sa pamahalaan.

Kahalagahan ng Pakikilahok sa Civil Society

1. Ayon ky Randy David (2008) sa pamamagitan ng paglahok sa civil society, ang mga
mithiin ng mga mamamayan ay magiging batayan ng buong estado sa pamamahala ng isang
bansa.
2. Ayon kay Larry Diamond (1994) isang mahusay na pagsasanay ang pakikilahok sa civil
society para sa demokrsya.
3. Nagiging malawak ang pang-unawa ng isang tao sa paniniwala ng iba at sa mga
karapatang pantao na mahalagang katangian ng isang aktibo at mabuting mamamayan.

Ang mga samahan na tinatawag na Non-Governmental Organization at Peoples’

Organization ay mahalagang bahagi ng Civil Society. Ayon kay Horacio Morales (1990)

mahalaga ang pagbuo ng mga organisasyon ng mamamayan dahil ito ang magiging katuwang

ng pamahalaan sa pagbuo ng mga programa para sa ikauunlad ng bayan. Kinikilala ng

Saligang Batas 1987 ang kahalagahan ng mga samahang ito sa pagtataguyod ng kaunlaran.

GRASSROOT ORGANIZATION O PEOPLES’ ORGANIZATION

AP 10- QUARTER 4- WEEK 5 and 6


ARALING PANLIPUNAN 10-IKAAPAT NA MARKAHAN

⮚ Naglalayong protektahan ang interes ng mga miyembro nito


⮚ Kinabibilangan ng mga mamamayang direktang naapektuhan ng mga problema o krisis at
may partikular na ipinaglalaban.
⮚ Dito nahahanay ang mga sektoral na grupo ng kababaihan, kabataan, magsasaka,
mangingisda, at mga cause-oriented group.

GRASSROOT SUPPORT ORGANIZATION O NON-GOVERNMENTAL ORGANIZATIONS

⮚ Naglalayong suportahan ang mga programa ng mga Peoples’ Organization


⮚ Kolektiba ng mga taong may isang mithiin o grupo na pinopondohan ng indibidwal upang
magsagawa ng mga bagay na kadalasang ginagawa ng isang pamahalaan.
⮚ Ilan sa mga gawaing ito ay may kinalaman sa kalusugan, edukasyon, at trabaho.

Maraming iba’t-ibang uri ng NGO at PO ang makikita sa Pilipinas. Bawat isa ay may kani-
kaniyang tungkulin sa bayan. (Putzel, 1998)

◆ TANGOs (TRADITIONAL NGOs) - nagsasagawa ng mga proyekto para sa mahihirap.


◆ FUNDANGOs (Funding - Agency NGOs) - nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga peoples’
organization para tumulong sa mga nangangailangan.
◆ DJANGOs (Development, Justice and Advocacy NGOs) - nagbibigay suporta sa mga
komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng legal at medical na mga serbisyo.
◆ PACO (Professional Academic and Civic Organizations) - binubuo ng mga propesyonal at
ng mga galing sa sektor ng akademiya.
◆ GRIPO (Government Run and Initiated POs) - mga POs na binuo ng pamahalaan.
◆ GUAPO (Genuine, Autonomous POs) - ito ay mga POs na itinayo mula sa inisyatibo ng
mamamayan at hindi ng pamahaalan.

Ilang halimbawa ng Civil society at NGO sa Pilipinas: https://brainly.ph at List of Civil Org.

Gawain 1: Larawan – Suri

Suriin ang sumusunod na larawan at isulat ang iyong nakikita at reaksiyon.

Ano ang iyong nakikita sa larawan?


Isang Kandidato na bumibili ng boto sa mamamayang Pilipino.

Ano ang iyong reaksyon sa larawan?


Pinapakita dito na ang iilan na tumatakbo sa botohan ay corrupt.

Sanggunian: Sun Star(n.d) Retrieved March 26, 2014 from Vote Buying

Ano ang iyong nakikita sa larawan?


Isang Flying voter na tumitingin sa voters list

Ano ang iyong reaksyon sa larawan?


Nakakalungkot dahil karamihan itong nangyayari sa barangay elections

Sanggunian: The Manila Times.net 2013/10/30/editorial-cartoons/flying voter49134

AP 10- QUARTER 4- WEEK 5 and 6


ARALING PANLIPUNAN 10-IKAAPAT NA MARKAHAN

Ano ang iyong nakikita sa larawan? Politiko pumapatay ng kapwa politiko

Ano ang iyong reaksyon sa larawan?


Nakakabigla dahil may nangyari ng ganito saamin

Sanggunian: reseachgate/net/Election-violence-source-Phil.-Fee-Press Oct. 10,1959

Ano ang iyong nakikita sa larawan?


Isang mamamayan na nagbabasa ng newspaper

Ano ang iyong reaksyon sa larawan?


Nakakagulat dahil pinapakita dito na may Pagasa pa ang ating bayan

Sanggunian: tempo.com.ph/2019/05/13 editorial-cartoon

Mga pamprosesong tanong:

1. Ano ang pinatutungkulan ng mga larawan?


maaaring magpakita ng iba't ibang mga pangyayari, isyu, o kritisismo sa pamahalaan,
pulitika, at lipunan ng bansa. Halimbawa, isang karaniwang tema sa mga politikal na kartun
ay ang kawalan ng aksyon o kapansin-pansin na pagbabago sa mga isyu ng korapsyon,
kahirapan, o kawalan ng serbisyo ng pamahalaan.

2. Ano ang mensaheng nais iparating ng mga larawan patungkol sa pagboto?


Ang mga larawan patungkol sa pagboto ay naglalayong magbigay-diin sa kahalagahan ng
partisipasyon ng mamamayan sa demokratikong proseso. Ipinapakita ng mga larawan ang
kapangyarihan ng bawat indibidwal na magpahayag ng kanilang saloobin at pumili ng
tamang pinuno para sa bayan. Sa pamamagitan ng pagboto, nagkakaroon ng pagkakaisa at
pagpapalakas ng demokrasya sa bansa.

3. Bakit mahalaga para sa mamamayan ng isang bansa ang bumoto?


Mahalaga para sa mamamayan ng isang bansa ang bumoto sapagkat ito ang kanilang
paraan upang magpahayag ng kanilang saloobin at opinyon sa pamamagitan ng pagpili ng
tamang liderato at mga opisyal ng pamahalaan. Ang pagboto ay isang mahalagang hakbang
sa pagpapalakas ng demokrasya at pagtibayin ang mga institusyon ng lipunan. Ito rin ang
instrumento ng pagkakaroon ng boses at kapangyarihan ng mga mamamayan sa
pagpaplano at pagtukoy ng kinabukasan ng kanilang bansa.

Gawain 2: Video- Suri


Suriin ang video tungkol sa karapatan ng mamamayan sa kanilang politikal na pakikilahok

Sanggunian: https://www.youtube.com/watch?v=03T4BoflY1I

Pamprosesong tanong:

1. Ano ang pinapakita sa video?


Pinapakita dito na ang mga iba’t ibang tao na bumoboto sa araw ng eleksyonn

2. Ano- ano ang mga dahilan bakit bumoto si Juan?


upang magkaroon ng partisipasyon sa demokratikong proseso at magpahayag ng kanilang
saloobin sa pamamagitan ng pagpili ng mga opisyal ng pamahalaan. Ito ay isang pundamental
na karapatan at responsibilidad ng mga mamamayan sa isang demokrasya. Sa pamamagitan
ng pagboto, nagiging bahagi ang mga Pilipino sa pagpapatupad ng kanilang mga karapatan,
paglilipat ng kapangyarihan, at pagpapasiya sa mga isyu at direksyon ng kanilang bansa.

3. Bilang mag-aaral, paano mo mapapahalagahan ang karapatan ng mamamayan sa pagboto?

AP 10- QUARTER 4- WEEK 5 and 6


ARALING PANLIPUNAN 10-IKAAPAT NA MARKAHAN

Bilang mag-aaral, maipapahalaga ko ang karapatan ng mamamayan sa pagboto sa


pamamagitan ng pag-aaral ng mga isyu at mga kandidato, pakikilahok sa mga
talakayan at mga aktibidad na nagpapalawak ng kamalayan, at sa pagpapakita ng
aktibong partisipasyon sa eleksyon sa tamang edad at panahon.

Gawain 3: Uumpisahan ko…Tapusin mo.: Isulat sa patlang ang sa palagay mo ay karugtong

na sagot.

1. Ang pakikilahok sa eleksyon ay isang mahalagang paraan upang ipahayag ang opinyon at
pumili ng mga lider na magtataguyod ng interes at pangangailangan ng lipunan. .

1. Ang mga bumubuo sa Civil Society ay ang mga indibidwal, grupo, at organisasyon mula sa
pribadong sektor na naglalayong magbigay ng boses at makipagtulungan para sa
pagbabago at pag-unlad ng lipunan. .

2. Ang pagkakaiba at pagkakapareho ng People’s Organization sa Non-Governmental

Organization ay ang PO ay binubuo ng mga miyembro ng komunidad na direktang

naapektuhan ng isang isyu o suliranin, habang ang NGO ay maaaring binubuo ng mga

propesyonal, eksperto, at aktibista na nagtatrabaho para sa pangkalahatang interes ng

lipunan. Pareho silang naglalayong magbigay ng boses at mag-ambag sa pagbabago

sa lipunan, ngunit ang PO ay mas nakatuon sa pangangailangan ng mga basehan nito,

samantalang ang NGO ay maaaring kumilos sa mas malawak na saklaw ng mga isyu at

may mas malaki at espesyalisadong kakayahan. .

3. Mahalaga ang mga samahang ito sa ating bansa dahil sila ang nagbibigay ng boses at
nagtataguyod ng mga karapatan ng mamamayan, naglalayon ng pagbabago at kaunlaran sa
lipunan, at naglalabas ng mga programa at proyekto na nakatuon sa kapakanan at
pagpapabuti ng buhay ng mga tao. .

4. Kung mabibigyan ng pagkakataon, ako ay lalahok sa mga samahang ito dahil kung mabibigyan
ng pagkakataon, ako ay lalahok sa mga samahang ito dahil nais kong magkaroon ng aktibong
bahagi sa pagpapalakas ng demokrasya, pagtataguyod ng karapatan ng mamamayan, at
pagtulong sa pag-unlad ng ating lipunan. .

AP 10- QUARTER 4- WEEK 5 and 6


ARALING PANLIPUNAN 10-IKAAPAT NA MARKAHAN

GAWAIN 4: CIVIL SOCIETY MAPPING

Magsaliksik ng mga aktibong Civil Society Organizations (NGOs/POs) sa inyong komunidad.

Tukuyin kung anong uri ng civil society organization, sector na kinakatawan at tungkulin o

adbokasiya nito.

Sektor ng lipunan na Tungkulin/ Adbokasiya ng


NGOs / POs
kinakatawan samahan

Red Cross Humanitarian Disaster Response and Relief

Akap Bata Child Protection Child Protection and Advocacy

Bantay Kalikasan Environmental Environmental Advocacy and


Protection
Mga pamprosesong tanong:

1. Ano ano ang mga civil society organizations ang matatagpuan sa inyong komunidad?
makatagpo tayo ng mga Civil Society Organizations (CSOs) tulad ng mga kabataang grupo,
pangkababaihang organisasyon, mga pangkalusugang samahan, environmental groups, at
iba pang lokal na grupo na may layuning makatulong sa komunidad.

2. Anong uri ito ng NGO/ PO?

Ang uri ng NGO o PO ay maaaring maging Grassroots Organization (GO) o Non-


Government Organization (NGO) na naglilingkod sa iba't ibang sektor ng lipunan.

3. Anong mga sektor ang kanilang kinakatawan?

Ang mga sektor na kanilang kinakatawan ay maaaring ang mga kabataan, kababaihan,
manggagawa, magsasaka, katutubo, environment advocates, at iba pa.

4. Ano ano ang mga tungkulin ng civil society organization na ito?

Ang tungkulin ng mga CSO na ito ay maaaring magtakda ng mga programa at proyekto para
sa kanilang kinakatawan na sektor, magbigay ng edukasyon at training, mangalap ng
resources, at maging boses ng kanilang komunidad sa mga isyu at kagustuhang
pangkapakanan.

5. Anong sektor sa inyong lipunan ang walang representasyon sa mga civil society organizations?

Maaaring may mga sektor sa lipunan na hindi gaanong nare-representa ng mga CSOs tulad
ng mga marginalized na komunidad, katutubo, o mga may kapansanan. Ang ilang sektor ay
maaaring hindi gaanong nabibigyan ng pansin dahil sa kakulangan ng organisasyon na
kumakatawan sa kanilang mga interes.

6. Paano nakatulong ang mga samahang ito sa nararanasan natin ngayon na problema sa

Covid19?

Ang mga CSOs ay maaaring tumulong sa laban kontra sa COVID-19 sa pamamagitan ng


pagbibigay ng impormasyon at edukasyon sa publiko, pagbibigay ng tulong sa mga
nangangailangan tulad ng pagkain at gamot, pagtataguyod ng tamang patakaran at
pamamahala, at pagtulong sa pagpapalakas ng sistema ng kalusugan at pagpapatupad
ng mga solusyon para sa pandemya.

AP 10- QUARTER 4- WEEK 5 and 6


ARALING PANLIPUNAN 10-IKAAPAT NA MARKAHAN

● Isang mahalagang paraan para matugunan ng mga mamamayan ang mga isyung

panlipunan ay ang pakikilahok sa mga gawaing politikal.

● May iba’t-ibang paraan para maging kalahok ang mga mamamayan sa gawaing

politikal. Ilan sa mga ito ay pagboto at sa paglahok sa Civil Society.

● Isang uri ng pakikilahok ay sa paraan ng pagboto. Ang isang boto na ito ay

lubhang makapangyarihan sapagkat maaari nitong baguhin ang takbo ng buhay

ng mga Pilipino at makamit ang mabuting pamamahala.

● “Ang layunin ng pagboto ay hindi na ang pagbibigay ng mandato sa mga opisyal

para mamuno bagkus ay nagbibigay ng kapangyarihan sa mga mamamayan

makapagpapaunlad sa estado at malupig ang mga nagpapahirap sa bayan. “Fr.

Joaquin Bernas (1992)

AP 10- QUARTER 4- WEEK 5 and 6


ARALING PANLIPUNAN 10-IKAAPAT NA MARKAHAN

● Ang civil society ay nakabubuti sa isang demokrasya, binibigyan nito ang mga

mamamayan ng mas malawak na pakikilahok sa pamamahala ng isang bansa.

● Ang civil society ay binubuo ng mga kilos protesta, mga panlipunang pagkilos, at

mga voluntary organization na nahahati sa dalawang kategorya. Ang Grassroot

Organization o People’s Organization at Grassroot Support Organization o Non-

Government Organization.

● Sa pamamagitan ng pag-eengganyo sa mga mamamayan sa mga gawain ng civil

society, masisiguro na magkakaroon ng pananagutan ang mga mamamayan at

ang bawat opisyal ng pamahalaan sa kanilang tungkulin. (Bello,2000)

ISA-ISIP: Paggawa ng REFLECTIVE JOURNAL

Binabati kita at natapos mo ang paksang ito. Bilang pagwawakas, sa isang bond paper, isulat

ang iyong natutunan o insights tungkol sa aralin na tinalakay. Maging malikhain sa pagpili ng

pamagat at paglalagay ng design sa inyong output.

Sa pagtalakay tungkol sa pagboto at partisipasyon ng mamamayan sa politika at

pansibikong mga gawain, natutunan ko ang kahalagahan ng bawat indibidwal na

magkaroon ng boses at maging bahagi ng proseso ng pagpapasya sa ating lipunan.

Nabatid ko rin na ang pagboto ay hindi lamang simpleng tungkulin kundi isang malaking

responsibilidad na may epekto sa kinabukasan ng bansa. Mahalaga ang pag-unawa sa

mga isyu at plataporma ng mga kandidato upang makapili ng mga pinuno na tunay na

magtataguyod ng kapakanan ng mamamayan. Sa huli, ang aktibong pakikilahok sa

politika at iba't ibang gawain ng lipunan ay mahalaga para sa pagpapatibay ng

demokrasya at pagtataguyod ng pagbabago at kaunlaran ng ating bansa.

AP 10- QUARTER 4- WEEK 5 and 6


ARALING PANLIPUNAN 10-IKAAPAT NA MARKAHAN

ISAGAWA: Picture- Collage

Gumupit ng mga larawan mula sa lumang magasin o dyaryo na nagpapakita ng politikal na

pakikilahok ng mga mamamayan. Idikit at gawing collage ang mga nagupit na larawan. Lagyan

ng maikling deskripsyon ang nabuong picture collage.

Isang masiglang lipunan kung saan ang bawat isa ay


nagtutulungan at nagbibigay ng suporta sa isa't isa para sa
kabutihan ng lahat.

AP 10- QUARTER 4- WEEK 5 and 6


ARALING PANLIPUNAN 10-IKAAPAT NA MARKAHAN

FACT O BLUFF: Suriin ang mga sumusunod na pahayag at isulat ang salitang FACT

kung ang pangungusap ay totoo at BLUFF kung hindi totoo.

BLUFF 1. Pantay-pantay ang tao pagdating sa boto. Bawat isang Pilipino ay

mayroon lamang isang boto.

BLUFF 2. Ang civil society ay binubuo ng mga mamamayang nakikilahok sa mga

kilos protesta, lipunang pagkilos, mga armadong grupo na naglalayong pabagsakin ang

pamahalaan.

FACT 3. Isa sa mga diskwalipikadong bumoto ay iyong mga taong idineklara ng

mga eksperto bilang baliw.

FACT 4. Ang pamahalaan ang pinakamahalagang elemento ng estado, nasa

kaniyang mga kamay ang susi para sa pagbabago ng lipunan.

FACT 5. Nakapaloob sa Artikulo IV, Seksyon 1-2 ng Saligang Batas 1987 ng

Pilipinas ang mga karapatang bumoto.

FACT 6. Ang DJANGOs ay isang NGO na nagbibigay tulong pinansyal sa mga

people’s organization para tumulong sa mga nangangailangan.

BLUFF 7. Ang unang kwalipikasyon ng isang botanteng Pilipino ay 18 taong gulang

pababa.

FACT 8. Sa pamamagitan ng pagboto, naipakikita ng mamamayan na siya ang

pinanggagalingan ng kapangyarihan ng mga halal na opisyal at siya rin ang may kapangyarihan

na alisin sila sa puwesto.

BLUFF 9. Hindi kinikilala ng Saligang Batas ang mga samahang NGOs at POs sa

pagtataguyod ng kaunlaran.

FACT 10. Nahahati sa dalawang kategorya ang voluntary organizations na

bumubuo sa civil society. Ito ay ang Grassroot Organization o Non-Government Orgnization at

Grassroot Support Organization o Peoples Organization.

AP 10- QUARTER 4- WEEK 5 and 6


ARALING PANLIPUNAN 10-IKAAPAT NA MARKAHAN

AP 10- QUARTER 4- WEEK 5 and 6


ARALING PANLIPUNAN 10-IKAAPAT NA MARKAHAN

Pledge of Commitment: Bilang isang mabuting mamamayan, gumawa ka ng pledge

of commitment ng mga paraan kung paano ka makikilahok sa mga gawaing pampolitika at

pansibiko at kung maaari ay iyong maisakatuparan lalo na ngayon na nasa panahon ng

pandemic. Isulat ito sa bond paper.

Ako, Catherine Rhae D. Panis, ay buong pusong sumusumpa ng aking dedikasyon sa paglilingkod at

pakikilahok sa mga gawaing pampolitika at pansibiko ngayong panahon ng pandemya. Bilang isang

mamamayan, ako ay may malasakit sa kapakanan ng aking komunidad at bansa.

Pagtutok sa Pag-aaral: Nangangako akong maglaan ng oras at panahon upang maunawaan ang mga

isyu at hamon na hinaharap ng ating bansa sa panahon ng pandemya. Mag-aaral ako ng mga tamang

impormasyon at datos upang maging handa sa mga diskusyon at desisyon sa pampulitika.

Partisipasyon sa Eleksyon: Isinusumpa ko ang aking karapatan at responsibilidad na bumoto nang

wasto at maalam sa susunod na halalan. Magsasagawa ako ng masusing pagsusuri sa mga plataporma

at kandidato upang makapili ng mga pinuno na tunay na magtataguyod ng kapakanan ng bayan.

Pag-aambag sa Komunidad: Ako ay magiging aktibong bahagi ng aking komunidad sa pamamagitan ng

pagbibigay ng tulong at suporta sa mga nangangailangan. Makikilahok ako sa mga programang

pampamahalaan at pang-ekonomiya na layuning makatulong sa pagbangon ng ating bansa mula sa

epekto ng pandemya.

Pagsuporta sa Pampublikong Kalusugan: Nangangako akong susunod sa mga alituntunin at panuntunan

ng pampublikong kalusugan upang mapanatili ang kaligtasan ng aking sarili at ng aking kapwa.

Hahikayat din ako sa iba na sundin ang mga itinakda ng mga eksperto at awtoridad sa kalusugan.

Pagiging Matalinong Kritiko: Itutuloy ko ang pagiging mapanuri at kritikal sa mga patakaran at hakbang

na isinusulong ng pamahalaan at iba't ibang sektor. Ibabahagi ko ang aking mga saloobin at mungkahi

nang maayos at may respeto sa iba upang makatulong sa patuloy na pagpapabuti ng ating lipunan.

Sa pamamagitan ng aking mga pangako at pagkilos, ako ay isang tapat na tagapagtaguyod ng hustisya,

katuwiran, at pag-asa para sa ating bayan. Sa Diyos ang aking gabay at tulong, at sa aking kapwa ang

AP 10- QUARTER 4- WEEK 5 and 6


ARALING PANLIPUNAN 10-IKAAPAT NA MARKAHAN

aking serbisyo at pagmamahal. Isang malaking karangalan ang maging bahagi ng pag-asa at

pagbabago ng ating bansa.

Lagda:

AP 10- QUARTER 4- WEEK 5 and 6


ARALING PANLIPUNAN 10-IKAAPAT NA MARKAHAN

SAGUTANG PAPEL- Qrt.4-


Week 5

PANGALAN: C a t h e r i n e R h a e D . P a n i s

PANGKAT: 4D Guro: B e l Durana

PAUNANG PAGSUSULIT: BALIK-TANAW

1. A 6. D 1. B

2. B 7. B 2. E

3. C 8. B 3. A

4. B 9. B 4. D

5. B 10. A 5. C

GAWAIN 1: Suriin ang mga larawan at isulat ang nakikita at reaksyon dito.

1. A Isang Kandidato na bumibili ng boto sa mamamayang Pilipino.

B Pinapakita dito na ang iilan na tumatakbo sa botohan ay corrupt.

2. A Isang Flying voter na tumitingin sa voters list

B Nakakalungkot dahil karamihan itong nangyayari sa barangay


elections
3. A Politiko pumapatay ng kapwa politiko

B Nakakabigla dahil may nangyari ng ganito saamin

4. A Isang mamamayan na nagbabasa ng newspaper

B Nakakagulat dahil pinapakita dito na may Pagasa pa ang ating bayan

Mga pamprosesong tanong:

4. Ano ang pinatutungkulan ng mga larawan?


maaaring magpakita ng iba't ibang mga pangyayari, isyu, o kritisismo sa pamahalaan,
pulitika, at lipunan ng bansa. Halimbawa, isang karaniwang tema sa mga politikal na kartun
ay ang kawalan ng aksyon o kapansin-pansin na pagbabago sa mga isyu ng korapsyon,
kahirapan, o kawalan ng serbisyo ng pamahalaan.

5. Ano ang mensaheng nais iparating ng mga larawan patungkol sa pagboto?


Ang mga larawan patungkol sa pagboto ay naglalayong magbigay-diin sa kahalagahan ng
partisipasyon ng mamamayan sa demokratikong proseso. Ipinapakita ng mga larawan ang
kapangyarihan ng bawat indibidwal na magpahayag ng kanilang saloobin at pumili ng
tamang pinuno para sa bayan. Sa pamamagitan ng pagboto, nagkakaroon ng pagkakaisa at
pagpapalakas ng demokrasya sa bansa.

6. Bakit mahalaga para sa mamamayan ng isang bansa ang bumoto?


Mahalaga para sa mamamayan ng isang bansa ang bumoto sapagkat ito ang kanilang
paraan upang magpahayag ng kanilang saloobin at opinyon sa pamamagitan ng pagpili ng
tamang liderato at mga opisyal ng pamahalaan. Ang pagboto ay isang mahalagang hakbang
sa pagpapalakas ng demokrasya at pagtibayin ang mga institusyon ng lipunan. Ito rin ang
instrumento ng pagkakaroon ng boses at kapangyarihan ng mga mamamayan sa
pagpaplano at pagtukoy ng kinabukasan ng kanilang bansa.

AP 10- QUARTER 4- WEEK 5 and 6


ARALING PANLIPUNAN 10-IKAAPAT NA MARKAHAN

GAWAIN 2
Suriin ang video tungkol sa karapatan ng mamamayan sa kanilang politikal na pakikilahok
Pamprosesong tanong:

1. Ano ang pinapakita sa video?


Pinapakita dito na ang mga iba’t ibang tao na bumoboto sa araw ng eleksyonn

2. Ano- ano ang mga dahilan bakit bumoto si Juan?

upang magkaroon ng partisipasyon sa demokratikong proseso at magpahayag ng kanilang


saloobin sa pamamagitan ng pagpili ng mga opisyal ng pamahalaan. Ito ay isang
pundamental na karapatan at responsibilidad ng mga mamamayan sa isang demokrasya. Sa
pamamagitan ng pagboto, nagiging bahagi ang mga Pilipino sa pagpapatupad ng kanilang
mga karapatan, paglilipat ng kapangyarihan, at pagpapasiya sa mga isyu at direksyon ng
kanilang bansa.

3. Bilang mag-aaral, paano mo mapapahalagahan ang karapatan ng mamamayan sa pagboto?

Bilang mag-aaral, maipapahalaga ko ang karapatan ng mamamayan sa pagboto sa


pamamagitan ng pag-aaral ng mga isyu at mga kandidato, pakikilahok sa mga talakayan at
mga aktibidad na nagpapalawak ng kamalayan, at sa pagpapakita ng aktibong partisipasyon
sa eleksyon sa tamang edad at panahon.

GAWAIN 3: Uumpisahan ko….tapusin mo

1. Ang pakikilahok sa eleksyon ay isang mahalagang paraan upang ipahayag ang opinyon at
pumili ng mga lider na magtataguyod ng interes at pangangailangan ng lipunan. .

2. Ang mga bumubuo sa Civil Society ay ang mga indibidwal, grupo, at organisasyon mula sa
pribadong sektor na naglalayong magbigay ng boses at makipagtulungan para sa
pagbabago at pag-unlad ng lipunan. .

3. Mahalaga ang mga samahang ito sa ating bansa dahil sila ang nagbibigay ng boses at
nagtataguyod ng mga karapatan ng mamamayan, naglalayon ng pagbabago at kaunlaran
sa lipunan, at naglalabas ng mga programa at proyekto na nakatuon sa kapakanan at
pagpapabuti ng buhay ng mga tao. .

4. Kung mabibigyan ng pagkakataon, ako ay lalahok sa mga samahang ito dahil kung mabibigyan
ng pagkakataon, ako ay lalahok sa mga samahang ito dahil nais kong magkaroon ng
aktibong bahagi sa pagpapalakas ng demokrasya, pagtataguyod ng karapatan ng
mamamayan, at pagtulong sa pag-unlad ng ating lipunan. .

AP 10- QUARTER 4- WEEK 5 and 6


ARALING PANLIPUNAN 10-IKAAPAT NA MARKAHAN

5. Kung mabibigyan ng pagkakataon, ako ay lalahok sa mga samahang ito dahil naniniwala ako sa
kapangyarihan ng pagkakaisa at kolektibong aksyon ng mamamayan para sa pagbabago at
kaunlaran ng ating lipunan. Ang pagiging bahagi ng mga samahang ito ay magbibigay sa akin
ng platform upang maging boses ng aking komunidad at makapag-ambag ng positibong
pagbabago sa ating bansa. .

GAWAIN 4: CIVIL SOCIETY MAPPING

Magsaliksik ng mga aktibong Civil Society Organizations (NGOs/POs) sa inyong komunidad.

Tukuyin kung anong uri ng civil society organization, sector na kinakatawan at tungkulin o

adbokasiya nito.

Sektor ng lipunan na Tungkulin/ Adbokasiya ng


NGOs / POs
kinakatawan samahan

Red Cross Humanitarian Disaster Response and Relief

Akap Bata Child Protection Child Protection and Advocacy

Bantay Kalikasan Environmental Environmental Advocacy and


Protection
Mga pamprosesong tanong:

1. Ano ano ang mga civil society organizations ang matatagpuan sa inyong komunidad?
makatagpo tayo ng mga Civil Society Organizations (CSOs) tulad ng mga kabataang grupo,
pangkababaihang organisasyon, mga pangkalusugang samahan, environmental groups, at
iba pang lokal na grupo na may layuning makatulong sa komunidad.

2. Anong uri ito ng NGO/ PO?

Ang uri ng NGO o PO ay maaaring maging Grassroots Organization (GO) o Non-


Government Organization (NGO) na naglilingkod sa iba't ibang sektor ng lipunan.

3. Anong mga sektor ang kanilang kinakatawan?

Ang mga sektor na kanilang kinakatawan ay maaaring ang mga kabataan, kababaihan,
manggagawa, magsasaka, katutubo, environment advocates, at iba pa.

4. Ano ano ang mga tungkulin ng civil society organization na ito?

Ang tungkulin ng mga CSO na ito ay maaaring magtakda ng mga programa at proyekto para
sa kanilang kinakatawan na sektor, magbigay ng edukasyon at training, mangalap ng
resources, at maging boses ng kanilang komunidad sa mga isyu at kagustuhang
pangkapakanan.

5. Anong sektor sa inyong lipunan ang walang representasyon sa mga civil society organizations?

Maaaring may mga sektor sa lipunan na hindi gaanong nare-representa ng mga CSOs tulad
ng mga marginalized na komunidad, katutubo, o mga may kapansanan. Ang ilang sektor ay
maaaring hindi gaanong nabibigyan ng pansin dahil sa kakulangan ng organisasyon na
kumakatawan sa kanilang mga interes.

6. Paano nakatulong ang mga samahang ito sa nararanasan natin ngayon na problema sa

Covid19?

Ang mga CSOs ay maaaring tumulong sa laban kontra sa COVID-19 sa pamamagitan ng


pagbibigay ng impormasyon at edukasyon sa publiko, pagbibigay ng tulong sa mga
nangangailangan tulad ng pagkain at gamot, pagtataguyod ng tamang patakaran at
pamamahala, at pagtulong sa pagpapalakas ng sistema ng kalusugan at pagpapatupad
ng mga solusyon para sa pandemya.

AP 10- QUARTER 4- WEEK 5 and 6


ARALING PANLIPUNAN 10-IKAAPAT NA MARKAHAN

PAG-ALAM SA NATUTUHAN:

ISA-ISIP: Paggawa ng REFLECTIVE JOURNAL

Binabati kita at natapos mo ang paksang ito. Bilang pagwawakas, sa isang bond paper, isulat

ang iyong natutunan o insights tungkol sa aralin na tinalakay. Maging malikhain sa pagpili ng

pamagat at paglalagay ng design sa inyong output.

Sa pagtalakay tungkol sa pagboto at partisipasyon ng mamamayan sa politika at

pansibikong mga gawain, natutunan ko ang kahalagahan ng bawat indibidwal na

magkaroon ng boses at maging bahagi ng proseso ng pagpapasya sa ating lipunan.

Nabatid ko rin na ang pagboto ay hindi lamang simpleng tungkulin kundi isang malaking

responsibilidad na may epekto sa kinabukasan ng bansa. Mahalaga ang pag-unawa sa

mga isyu at plataporma ng mga kandidato upang makapili ng mga pinuno na tunay na

magtataguyod ng kapakanan ng mamamayan. Sa huli, ang aktibong pakikilahok sa

politika at iba't ibang gawain ng lipunan ay mahalaga para sa pagpapatibay ng

demokrasya at pagtataguyod ng pagbabago at kaunlaran ng ating bansa.

AP 10- QUARTER 4- WEEK 5 and 6


ARALING PANLIPUNAN 10-IKAAPAT NA MARKAHAN

ISAGAWA: Picture- Collage

Gumupit ng mga larawan mula sa lumang magasin o dyaryo na nagpapakita ng politikal na

pakikilahok ng mga mamamayan. Idikit at gawing collage ang mga nagupit na larawan. Lagyan

ng maikling deskripsyon ang nabuong picture collage.

Isang masiglang lipunan kung saan ang bawat isa ay


nagtutulungan at nagbibigay ng suporta sa isa't isa para sa
kabutihan ng lahat.

AP 10- QUARTER 4- WEEK 5 and 6


ARALING PANLIPUNAN 10-IKAAPAT NA MARKAHAN

PANGHULING PAGSUSULIT:

1. BLUFF 6. FACT

2. BLUFF 7. BLUFF

3. FACT 8. FACT

4. FACT 9. BLUFF

5. FACT 10. FACT

PAGNINILAY:

Pledge of Commitment: Bilang isang mabuting mamamayan, gumawa ka ng pledge

of commitment ng mga paraan kung paano ka makikilahok sa mga gawaing pampolitika at

pansibiko at kung maaari ay iyong maisakatuparan lalo na ngayon na nasa panahon ng

pandemic. Isulat ito sa isang buong papel/ bond paper.

Ako, Catherine Rhae D. Panis, ay buong pusong sumusumpa ng aking dedikasyon sa paglilingkod at

pakikilahok sa mga gawaing pampolitika at pansibiko ngayong panahon ng pandemya. Bilang isang

mamamayan, ako ay may malasakit sa kapakanan ng aking komunidad at bansa.

Pagtutok sa Pag-aaral: Nangangako akong maglaan ng oras at panahon upang maunawaan ang mga

isyu at hamon na hinaharap ng ating bansa sa panahon ng pandemya. Mag-aaral ako ng mga tamang

impormasyon at datos upang maging handa sa mga diskusyon at desisyon sa pampulitika.

Partisipasyon sa Eleksyon: Isinusumpa ko ang aking karapatan at responsibilidad na bumoto nang

wasto at maalam sa susunod na halalan. Magsasagawa ako ng masusing pagsusuri sa mga plataporma

at kandidato upang makapili ng mga pinuno na tunay na magtataguyod ng kapakanan ng bayan.

Pag-aambag sa Komunidad: Ako ay magiging aktibong bahagi ng aking komunidad sa pamamagitan ng

pagbibigay ng tulong at suporta sa mga nangangailangan. Makikilahok ako sa mga programang

pampamahalaan at pang-ekonomiya na layuning makatulong sa pagbangon ng ating bansa mula sa

epekto ng pandemya.

Pagsuporta sa Pampublikong Kalusugan: Nangangako akong susunod sa mga alituntunin at panuntunan

ng pampublikong kalusugan upang mapanatili ang kaligtasan ng aking sarili at ng aking kapwa.

Hahikayat din ako sa iba na sundin ang mga itinakda ng mga eksperto at awtoridad sa kalusugan.

Pagiging Matalinong Kritiko: Itutuloy ko ang pagiging mapanuri at kritikal sa mga patakaran at hakbang

na isinusulong ng pamahalaan at iba't ibang sektor. Ibabahagi ko ang aking mga saloobin at mungkahi

AP 10- QUARTER 4- WEEK 5 and 6


ARALING PANLIPUNAN 10-IKAAPAT NA MARKAHAN

nang maayos at may respeto sa iba upang makatulong sa patuloy na pagpapabuti ng ating lipunan.

Sa pamamagitan ng aking mga pangako at pagkilos, ako ay isang tapat na tagapagtaguyod ng hustisya,

katuwiran, at pag-asa para sa ating bayan. Sa Diyos ang aking gabay at tulong, at sa aking kapwa ang

aking serbisyo at pagmamahal. Isang malaking karangalan ang maging bahagi ng pag-asa at

pagbabago ng ating bansa.

Lagda:

AP 10- QUARTER 4- WEEK 5 and 6

You might also like

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy