Week 5, Day 1: Quarter 1

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

Quarter 1

Week 5, Day
1Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga
pangyayari sa kwentong napakinggan
F6PN-Id-e-12
Paghihinuha sa
kinalabasan ng mga
pangyayari sa alamat na
napakinggan
Tuklasin
Ano-ano ang alam
mong kuwento tungkol
sa sumusunod?
Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang may guhit sa bawat
pangungusap.
1. Masaya at matiwasay ang balangay ng Laguna.
a. bayan c. pamayanan b. pamahalaan d. kapuluan

2. Gumagamit siya ng kamay na bakal para sumunod ang kaniyang


nasasakupan
a. yari sa bakal ang kamay b. malupit at marahas
c. pinapalo ng bakal d. pamatay na bakal

3. Nang hindi na makatiis, sinabi na niya ang kaniyang saloobin.


a. makapagtimpi b. makayanan
b. c. makaiwas d. makatagal
4. Agad na sinadya ni Carlo ang hari at ibinalita ang mahiwagang
pangyayaring nasaksihan sa asawa.
a. kagilas-gilas b. kahambal-hambal c. kataka-taka d.kasiya-siya

5. Tumalima ang mga kawal sa utos ng hari.


a. sumunod b. sumuway c. sumailalim d. sumakabila

6. Mapait ang naging buhay ni Maria sa piling ng kanyang asawa.


a. pighati b. pagtanggap c. malungkot d. masaklap

7. Taimtim na panalangin ang iniuukol ni Maria sa Diyos.


a. iniisip na mabuti c. tahimik
b. buong-puso d. wala sa alinman
Basahin ang
kwentong……..

“Noon. . . Lason Pa ang


Lansones ”
“Noon. . . Lason Pa ang Lansones ”
Masaya at matiwasay ang balangay ng Laguna.
Pinamumunuan ito ni Raha Matuwid, isang bantog na
mandirigma. Iginagalang siya ng kanyang mga nasasakupan.
Walang masasamang loob dahil sa iginagawad niyang
kaparusahang kamatayan sa pamamagitan ng pagpapakain ng
lansones. Ang lansones ay lason.

Sa balangay na ito ay may mag-asawang palaaway.


Walang araw na di sila nagaaway at nagtatalo. Gumagamit ng
kamay na bakal si Carlo sa paggugulpi kay Maria.

Nang hindi na makatiis si Maria sa ginagawa ng kanyang


asawa, naisip na niyang magpatiwakal.
Kumuha siya ng lansones sa kanilang bakuran at bago
isinagawa ang pagkitil sa kanyang buhay ay taimtim na
nanalangin siya sa Diyos. Paghingi ng tawad ito.

Nakita ni Carlo ang gagawin ng asawa ngunit hindi


man lang niya pinigilan. Kinain ni Maria ang lansones.
Laking pagtataka niya dahil hindi namatay ang asawa.
Bagkus, naging kaakit-akit si Maria kaysa dati.

Agad na sinadya ni Carlo, ang hari at ibinalita ang


mahiwagang pangyayaring kaniyang nasaksihan.
Nagtanong ang Raha kung saan kumuha ng lansones si
Maria. “Sa bakuran po namin. Ang punongkahoy pong ito
ay hitik sa bunga”, mabilis na tugon ni Carlo.
Tinawag ng hari ang kanyang mga kawal upang kumuha
ng lansones. Agad namang tumalima ang mga kawal sa utos
ng hari. Sinubukang ipakain sa mga bilanggong hinatulan ng
kamatayan ang lansones. Walang namatay sa kanila.
Nasarapan ang mga bilanggo. Bagay na ipinagtaka ng hari.
Tumikim din ang hari . “Aba! Matamis!”, bulalas ng hari.

Mula noon, ang lansones ay kinain na ng mga tao . Tunay


na mapait ang mga buto nito. Mapait upang ipaalaala ang
naging buhay ni Maria sa kalupitan ng asawang si Carlo.
Ganyan ang buhay, magkahalo ang pait at tamis.
Ano ang ginawa ni Maria sa madalas na pagmamalupit ni
carlo sa kaniya?

Ano ang ipinagtaka ni Carlo matapos kainin ni Maria ang


lansones?

Bakit sa palagay mo hindi muna kumain ang hari ng


lansones at bagkus ang mga bilanggo ang inutusan niyang kumain
nito?

Ano ang ipinakitang reaksyon ng hari nang makita na sarap


na sarap na kumakain ang kanilang mga bilanggo?
Ano kaya ang ipinahihiwatig ng mapait na buto ng lansones
sa alamat na napakinggan ninyo?

Nakakita na ba kayo ng mag-asawa na palaging nag-aaway


sa kanilang tirahan?

Sa iyong palagay, ano kaya kahihinatnan nito?


Makakaepekto kaya ito sa samahan ng bawat pamilya?

Ano kaya ang mangyayari sa mga anak nila kung patuloy


ang hidwaan ng mag-asawa sa iisang bubong?
Gawin Mo!
Ano ang ginawa ni Maria sa madalas
na pagmamalupit ni carlo sa kaniya?

May kaugnayan kaya ito sa nangyari


sa ating pangunahing tauhan na si Maria.
Bigyan ng paghihinuha.

Kung ikaw ang magbibigay ng wakas


ng kuwento, paano mo ito isusulat?
Gawin
Bumuo ng mga pahayag na nagbibigay hinuha sa kalalabasan ng
mga pangyayari sa binasang alamat.

Halimbawa:
Si Carlo ay lubhang malupit sa
kanyang asawa.

Paghihinuha:
Marahil isa siyang lasinggero, sugarol,
tamad o may masamang kaasalan.
1. Kumain ng nakalalasong lansones si
Maria.

2. Hindi narinig ni Maria ang tinig


na iyon.

3. Batang-bata at kaakit-akit si
Maria.

4. Kinain ng mga bilanggong


hinatulan ng kamatayan ang lansones
subalit hindi sila namatay.
5. Tumikim din ng lansones ang
hari.
Isulat Mo!
Isa kang mananaliksik at ang proyekto mo ay
alamin ang alamat ng isang bagay. Mamili ka ng isang
tema ng iyong alamat at bumuo ng limang tanong na
nais mong sagutan sa iyong pananaliksik.
1. Alamat ng inyong bayan/ lugar
2. Alamat ng isang historikal na bagay/ lugar
3. Alamat ng isang prutas na hindi pa nailalathala
4. Alamat ng inyong pamilya mula sa
kanunu-nunuan
Isapuso
Para sa iyo, ano ang
kahulugan ng
pagmamahal?
Isaisip Mo!
Ang paghihinuha ay mabisang paraan
sa pagpapahayag ng kaisipan batay sa
sariling ____, ________, ____ ayon sa
ating pagkaunawa. Nagagawa ito sa
tulong ng mga salitang nagpapahiwatig
tulad ng ______,_______,______,______,
na madalas gamitin sa paghihinuha.

You might also like

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy