Content-Length: 124578 | pFad | http://tl.wikipedia.org/wiki/Aklat_ni_Rut

Aklat ni Rut - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Aklat ni Rut

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Lumang Tipan ng Bibliya

Ang Aklat ni Ruth o Aklat ni Rut[1] ay ang ikawalong aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya. Naglalahad ito ng kasaysayan ni Rut, isang Moabitang babae na nasapi sa bayan ng mga Israelita, dahil ito sa kaniyang pagpapakasal kay Boaz, isang mayamang nagmula sa Belen. Nangyari ito noong kapanahunan ng mga hukom, kaya karugtong at kasunod ito ng Aklat ng Mga Hukom.[1]

Walang katiyakan kung sino ang sumulat ng Aklat ni Rut.[1]

Ipinakikita sa Aklat ng mga Hukom ang mga halimbawang matutularan mula kay Rut, mga paksang ugo sa pag-ibig at pagsunod sa mga magulang, pagtitiis, at pagkakaroon ng malinis na budhi. Dahil sa mga katangiang ito ni Rut, pinagkalooban siya ng Diyos ng "biyaya ng tunay na pananampalataya". Naging ninuno si Rut nina David at Hesukristo. Naglalahad din ito ng "pagsakop ng Manunubos sa sangkatauhan na walang tinatanging kulay ng balat at lahi.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Abriol, Jose C. (2000). "Rut". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.









ApplySandwichStrip

pFad - (p)hone/(F)rame/(a)nonymizer/(d)eclutterfier!      Saves Data!


--- a PPN by Garber Painting Akron. With Image Size Reduction included!

Fetched URL: http://tl.wikipedia.org/wiki/Aklat_ni_Rut

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy