Bracciano
Bracciano | ||
---|---|---|
Comune di Bracciano | ||
Isang tanaw ng Castello Orsini-Odescalchi. | ||
| ||
Mga koordinado: 42°06′N 12°11′E / 42.100°N 12.183°E | ||
Bansa | Italya | |
Rehiyon | Lazio | |
Kalakhang lungsod | Roma (RM) | |
Mga frazione | Castel Giuliano, Pisciarelli, Sambuco, Vicarello, Vigna di Valle | |
Pamahalaan | ||
• Mayor | Armando Tondinelli | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 143.06 km2 (55.24 milya kuwadrado) | |
Taas | 280 m (920 tal) | |
Populasyon (2018-01-01)[2] | ||
• Kabuuan | 19,219 | |
• Kapal | 130/km2 (350/milya kuwadrado) | |
Demonym | Braccianesi | |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) | |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) | |
Kodigong Postal | 00062 | |
Kodigo sa pagpihit | 06 | |
Santong Patron | San Sebastian | |
Saint day | Enero 20 | |
Websayt | Opisyal na website |
Ang Bracciano[3] ay isang maliit na bayan sa rehiyon ng Lazio ng Italya, 30 kilometro (19 mi) hilagang-kanluran ng Roma. Ang bayan ay tanyag sa bulkanikong lawa nito (Lago di Bracciano o "Sabatino", ang ikawalong pinakamalaking lawa sa Italya) at para sa isang partikular na napangalagaang kastilyong medyebal na Castello Orsini-Odescalchi. Malawakang ginagamit ang lawa para sa paglalayag at patok sa mga turista. Ang kastilyo ay nagtatanghal ng maraming pangyayari, lalo para sa mga kasal ng mga artista at mang-aawit.
Ang bayan ay pinagsisilbihan ng isang urbanong riles (Line FR3) na nag-uugnay nito sa Roma (mga estasyon ng Ostiense at Valle Aurelia) sa loob ng 55 minuto. Malapit dito matatagpuan ang dalawang bayang medyebal ng Anguillara Sabazia at Trevignano Romano.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga pinagmulan ng pamayanang lunsod ay malamang na nagsimula noong ika-10 siglo. Mula sa katapusan ng ika-9 na siglo, sinimulan ng mga Saraseno ang kanilang mga paglusob sa teritoryo, pandarambong, at pagpapalaganap ng kawalan ng kapanatagan at takot sa mga populasyon. Ang malalaking may-ari ng lupa ay nagtayo ng mga kuta at kastilyo at maraming magsasaka ang inilipat ang kanilang tirahan sa loob ng mga pinatibay na lugar, na tinatawag na castrum. Ang mga may-ari ay epektibong naging mga panginoon ng mga nayon na bumubuo.
Mga kambal-bayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kakambal ng Bracciano ang
Filmograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Serye sa TV na Medici: Masters of Florence (Kastilyo Bracciano).[4]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga tala
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
- ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
- ↑ Bracciano is pronounced in three syllables: "Bra-CHA-no"
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-09-25. Nakuha noong 2021-01-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link)