Palombara Sabina
Itsura
Palombara Sabina | |
---|---|
Comune di Palombara Sabina | |
Tanaw ng Palombara Sabina | |
Mga koordinado: 42°04′N 12°46′E / 42.067°N 12.767°E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Lazio |
Kalakhang lungsod | Roma (RM) |
Mga frazione | Stazzano, Cretone |
Pamahalaan | |
• Mayor | Alessandro Palombi |
Lawak | |
• Kabuuan | 75.8 km2 (29.3 milya kuwadrado) |
Taas | 372 m (1,220 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 13,200 |
Demonym | Palombaresi |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 00018 |
Kodigo sa pagpihit | 0774 |
Santong Patron | San Blas |
Saint day | Pebrero 3 |
Websayt | Opisyal na website |
Ang Palombara Sabina (Romanesco: Palommara) ay isang bayan at komuna sa Kalakhang Lungsod ng Roma Capital, Italya.
Mga pangunahing pasyalan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Kastilyo Savelli-Torlonia, na itinayo noong ika-11 siglo ng Ottaviani, isang sangay ng pamilya Crescentii ng Roma. Si Antipapa Inocencio III ay inaresto rito noong 1180. Ito ay ipinasakamay ni Luca Savelli, isang pamangkin ng papa na si Honorio III, noong 1250, kung saan nanggaling ang kasalukuyang pangalan. Itinayo ito noong ika-16 na siglo ni Troilo Savelli, na kinomisyon ang kaniyang kaibigang si Baldassarre Peruzzi sa mga fresco na makikita pa rin sa loob, kasama ang mga larawan ng mga bantog na kalalakihang Romano, alegorya ng Malalayang Sining at mga gruteskong dekorasyon. Ito ay tahanan ngayon ng isang silid-aklatan, isang eksibisyon ng mga Romanong estatwa na matatagpuan malapit sa Palombara noong 2008, at isang museo ng natural na agham.
- Abadia ng San Juan sa Arhentina
- Simbahan ng Santa Maria Annunziata (ika-14 na siglo)
- Simbahan ng San Blas (1101), sa estilong Romaniko.
- Muog na nayon ng Castiglione, sa liwasang Monti Lucretili, sa 750 metro (2,460 tal) .
- Kumbento ng San Miguel, sa estilong Romanikong villa. Itinayo ito sa isang Romanong villa, kung saan nananatili ang mga bakas ng opus reticulatum.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
- ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.