Pumunta sa nilalaman

Digmaang Troya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Digmaang Troya[1] (Trojan War) ay isa sa pinakadakilang mga digmaan sa kasaysayan ng Sinaunang Gresya. Maaaring naganap ito sa pagitan ng mga Troyano at ng mga Achaeano. Karamihan nang hinggil dito ay nalalaman sa pamamagitan ng Iliad, isang tulang epiko na isinulat ng Sinaunang Griyegong makata na si Homer. Ang tagpuan ng sinaunang Troya ay natagpuan sa kahabaan ng Dagat na Egeo na nasa Maliit na Asya (Asya Menor). Maaaring naganap ang digmaan noong ika-12 daantaon BC.[2]

Simula ng digmaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa Mitolohiyang Griyego, si Zeus ay naging hari ng mga diyos sa pamamagitan ng pagpapabagsak sa kanyang amang si Cronus na nagpatalsik naman sa kanyang amang si Uranus. Si Zeus ay hindi naging matapat sa kanyang asawa at kapatid na si Hera at nagkaroon ng maraming mga relasyon na nagpanganak sa maraming mga anak. Dahil naniwala si Zeus na marami nang mga tao tumatahan sa mundo, kanyang naisip si Momus[3] or Themis,[4] na gagamit sa Digmaan ng Troya bilang paraan ng pag-ubos ng populasyon ng mundo lalo na ng kanyang mga inapong demi-diyos.[5]

Nalaman ni Zeus kay Themis[6] o Prometheus, pagkatapos siyang palayain ni Heracles mula sa Caucasus,[7] na tulad ng kanyang amang si Cronus, ang isa sa kanyang mga anak ay magpapabagsak sa kanya. Ang isa pang hula ay nagsasaad na ang isang anak na lalake ng nimpang dagat na si Thetis na kinahumalingan ni Zeus ay magiging mas dakila sa kanyang ama.[8] Posibleng sa isa o parehong ang mga dahilang ito[9] na si Thetis ay ipinagkasundong magpakasal sa matandang taong hari na si Peleus na anak ni Aiakos sa pag-uutos ni Zeus[10] o ninais ni Thetis na paligayahin si Hera na umampon sa kanya.[11]

Ang mga simulain ng digmaan (ayon sa Iliad) ay ang kasal ni Haring Peleus at ng nereid (nimpa ng dagat) na si Thetis. Inanyayahan nila ang halos lahat ng mga diyos para sa kanilang kasal. Subalit hindi nilan inimbitahan si Eris, ang diyos ng sigalutan. Nagalit si Eris at naghagis siya ng isang gintong mansanas sa piling ng mga panauhin kung saan nakasulat ang "Para sa Pinakamaganda". Nasalo ng mga diyosang sina Hera, Athena, at Aphrodite nang magkakasabay at nag-away hinggil sa king sino ang pinakamaganda sa kanilang tatlo. Nag-alok ang bawat isa sa tatlong mga diyos nang mga handog para kay Paris upang makapamili mula sa kanila ang hinandugan. Inalok ni Hera ang lahat ng Asya. Inalok ni Athena ang pagkakaroon ni Paris ng karunungan. At inalok namin ni Aphrodite ang pag-ibig mula sa pinakamagandang babae. Ibinigay ni Paris ang mansanas kay Aphrodite. Sa katotohanan, hindi naisip ni Aphrodite na ang pinakamagandang babaeng si Helen na Reyna ng Isparta, ay mayroon nang asawa sa ngalan ni Haring Menelaus ng Isparta. Subalit ginawa ni Aphrodite na tudlain ng isang gintong pana ng kaniyang anak na si Eros si Helen upang umibig kay Paris. Pagkaraan, ang magkaparis na sina Paris at Helen ay lumisan upang marating ang Troya. Nagpahayag ng digmaan si Menelaus, ang asawa ni Helen, laban sa Troya upang makuhang muli ang kaniyang reynang si Helen. Dito nagsimula ang Digmaang Troya. Si Achilles ang isa sa pinakamagiting na mga bayani ng digmaang ito, na ang isa pa ay si Hector.

Ang Kabayong Troyano

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagtagal ang digmaan ng sampung taon. Ang ilan sa mga bantog na tauhan ay sina Achilles, Paris, at Hector. Nagwagi ang mga Griyego sa pamamagitan ng pagbubuo ng isang malaking kabayong kahoy. Tinawag itong Kabayong Troyano. Ilang mga taong Griyego ang nagtago sa loob ng kabayong kahoy, at ang ibang Griyego ang naging tagapaglagay ng kabayo sa dalampasigan at lumisan pagkaraan sa pamamagitan ng kanilang mga bangka. Nakita ng mga Troyano ang kabayong kahoy at inisip na sumuko na ang mga Griyego o tumigil na ang mga Griyego sa pagtatangkang magwagi sa digmaan. Inisip nila na ang kabayong kahoy ay isang handog mula sa mga Griyego. Hinila ng mga Troyano ang kabayo papasok sa Troya at nagdiwang sa inaakala nilang pananagumpay sa digmaan. Nang sumapit ang gabi, ang mga Griyegong nagkukubli sa loob ng kabayong kahoy ang nagbukas ng mga tarangkahan ng lungsod ng Troya at sinunog nila ang mga kabahayan. Ang mga Griyegong lumisan sa pamamagitan ng kanilang mga bangka ay nagpanggap lamang na umaalis upang malinlang ang mga Troyano. Sa katunayan, nagtago lamang sila sa likod ng mga pulo. Nagbalik sila at napagwagian ang digmaan. Ang panlilinlang ay inisip ni Odysseus (na nakikilala rin bilang Ulysses), na Hari ng maliit na pulo ng Ithaca.

Tunay na pangyayari

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang Imperyo ng Hitita, humigit kumulang umiral noong 1300 BC, ay kulay mapusyaw na pula. Marahil ang lungsod ng tinatawag bilang Wilusa ay ang Troya.

Maaaring naganap talaga ang digmaan, subalit sa pagsasalaysay ang mga kaganapan ay pinalabis ang paglalarawan at dinagdagan ng mga elementong mitiko o pangmitolohiya. Ang mga pagbabagong ito ay umangkop sa mga pangangailangan ng panulaang binibigkas. Noong kalagitnaan ng ika-19 daantaon, natuklasan ng arkeologong Aleman na si Heinrich Schliemann ang mga guho ng isang lungsod na nakilala niya bilang Troya.[12] Mayroon din ilang mga tekstong Hittite at Ehipsiyo na tumatalakay nang hinggil sa digmaan ng Troya. Binabanggit ng mga tekstong ito na mayroong isang konpederasyon ng 22 mga lungsod ang nakidigma para sa digmaan ng Troya.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Almario, Virgilio, pat. (2010). "Digmaang Troya, Trojan War". UP Diksyonaryong Filipino (ika-2 (na) edisyon). UP-Sentro ng Wikang Filipino-Diliman – sa pamamagitan ni/ng Diksiyonaryo.ph.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Strauss, Barry. 2006. The Trojan War: a new history. New York: Simon & Schuster. ISBN 0-7432-6441-X).
  3. Scholium on Homer A.5.
  4. Plato, Republic 2,379e.
  5. Apollodorus, Epitome 3.1, Hesiod Fragment 204,95ff.
  6. Apollonius Rhodius 4.757.
  7. Aeschylus, Prometheus Bound 767.
  8. Scholiast on Homer’s Iliad; Hyginus, Fabulae 54; Ovid, Metamorphoses 11.217.
  9. Apollodorus, Library 3.168.
  10. Pindar, Nemean 5 ep2; Pindar, Isthmian 8 str3–str5.
  11. Hesiod, Catalogue of Women fr. 57; Cypria fr. 4.
  12. Wood, Michael. 1998. In search of the Trojan War. Berkeley: University of California Press. ISBN 0-520-21599-0 London: BBC Books 1985. ISBN 0-563-20161-4.

Mga kawing na panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy