Pumunta sa nilalaman

Glasyar

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Glasyar

Ang glasyar (Ingles: glacier, EU na pagbigkas: /ˈɡlʃər/; NK /ˈɡlæsiər,_ˈɡlsiər/) ay isang patuloy na anyo ng makapal na yelo na walang tigil na gumagalaw sa ilalim ng sarili nitong bigat. Nabubuo ang glasyar kung saan lumampas ang pagkaipon ng niyebe sa ablasyon nito sa paglipas ng maraming taon, kadalasang mga dantaon. Nakukuha nito ang natatanging katangian, tulad ng mga griyeta at serak, habang unti-unting dumadaloy at nawawala sa porma sa ilalim ng mga istres ng sarili nitong bigat. Habang gumagalw ito, kinakaskas nito ang bato at mga labi mula sa sustrato nito upang makalikha ng mga anyong lupa tulad ng mga sirko, morena, o pyordo. Bagaman, maaring dumaloy ang glasyar sa isang anyong tubig, nabubuo lamang ito sa lupa at naiiba ito sa mas manipis na yelo sa dagat at yelo sa lawa na nabubuo sa ibabaw ng anyong tubig.

Sa Daigdig, 99% ng yelong glasyal ay napapaloob sa mga glasyar pangkontinente sa mga rehiyong polar, subalit maaring matagpuan ang mga glasyar sa mga bulubundukin sa bawat lupalop maliban sa kalupaang Australya, kabilang ang mataas na latitud na pulong karagatan sa mga bansa sa Oseaniya tulad ng Bagong Silandiya. Sa pagitan ng mga latitud na 35°H at 35°T, mayroon lamang mga glasyar sa mga Himalaya, Andes, at iilang matataas na mga bundok sa silangang Aprika, Mehiko Bagong Guinea at sa Zard-Kuh sa Iran.[1] Mayroong higit sa 7,000 kilalang glasyar, ang Pakistan ay mas maraming yelong glasyal kaysa kahit anumang ibang bansa sa labas ng mga rehiyong polar.[2][3] Tinatakpan ng mga glasyar ang 10% ng ibabaw ng lupain ng Daigdig. Tinatakpan ng mga glasyar pangkontinente ang halos 13 milyon km2 (5 milyon mi kuw) o mga 98% ng 13.2 milyon km2 (5.1 milyon mi kuw) ng Antartika, na may katamtamang kapal ng yelo na 2,100 m (7,000 tal). Mayroon din malaking lawak ng glasyar pangkontinente ang Greenland at Patagonia.[4] Ang bolyum ng mga glasyar, hindi kabilang ang glasyar pangkontinente sa Antartika at Greenland, ay tinatayang nasa 170,000 km3.[5]

Ang mga yelong glasyar ay ang pinakamalaking imbakan ng tubig-tabang sa Daigdig, na hinahawakan kasama ang mga glasyar pangkontinente ng mga 69 bahagdan ng tubig-tabang ng mundo.[6][7] Marami sa mga glasyar mula sa mga klimang kainaman, alpino at polar ang nag-iimbak ng tubig bilang yelo sa mas malamig na mga panahon at nilalabas ito sa kalaunan sa anyong tunaw na tubig habang nagdudulot ang mga temperatura ng tag-init na tunawin ang glasyar, na nakakagawa ng mapagkukunan ng tubig na espesyal na mahalagang gamit sa mga halaman, hayop at tao kapag kulang ang ibang mapagkukunan. Bagaman, sa loob ng mataas na altitud at mga kapaligirang Antartiko, ang pagkakaiba ng temperaturang pana-panahon ay kadalasang hindi naglalabas ng tunaw na tubig.

Yayamang nakakaapekto ang masang glasyal sa mahabaang pagbabago ng klima, e.g., presipitasyon, katamtamang temperatura, at kakulimliman, tinuturing ang mga pagbabago sa masang glasyal na isa sa mga pinakasensitibong pagpapahiwatig ng pagbabago ng klima at isang pangunahing pinagmumulan ng mga baryasyon sa antas ng dagat.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Post, Austin; LaChapelle, Edward R (2000). Glacier ice (sa wikang Ingles). Seattle: University of Washington Press. ISBN 978-0-295-97910-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Staff (Hunyo 9, 2020). "Millions at risk as melting Pakistan glaciers raise flood fears". Al Jazeera (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-06-09.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Craig, Tim (2016-08-12). "Pakistan has more glaciers than almost anywhere on Earth. But they are at risk". The Washington Post (sa wikang Ingles). ISSN 0190-8286. Nakuha noong 2020-09-04. With 7,253 known glaciers, including 543 in the Chitral Valley, there is more glacial ice in Pakistan than anywhere on Earth outside the polar regions, according to various studies.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. National Geographic Almanac of Geography, 2005, ISBN 0-7922-3877-X, p. 149 (sa Ingles).
  5. "170'000 km cube d'eau dans les glaciers du monde". ArcInfo (sa wikang Ingles). Agosto 6, 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 17, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Ice, Snow, and Glaciers and the Water Cycle". www.usgs.gov (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-05-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Brown, Molly Elizabeth; Ouyang, Hua; Habib, Shahid; Shrestha, Basanta; Shrestha, Mandira; Panday, Prajjwal; Tzortziou, Maria; Policelli, Frederick; Artan, Guleid; Giriraj, Amarnath; Bajracharya, Sagar R.; Racoviteanu, Adina (Nobyembre 2010). "HIMALA: Climate Impacts on Glaciers, Snow, and Hydrology in the Himalayan Region". Mountain Research and Development (sa wikang Ingles). International Mountain Society. 30 (4): 401–404. doi:10.1659/MRD-JOURNAL-D-10-00071.1. hdl:2060/20110015312. S2CID 129545865.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy