Pumunta sa nilalaman

Halldór Laxness

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Halldór Laxness
Kapanganakan
Halldór Guðjónsson

23 Abril 1902(1902-04-23)
Kamatayan8 Pebrero 1998(1998-02-08) (edad 95)
Reykjavík, Islandiya
NasyonalidadIslandes
AsawaIngibjörg Einarsdóttir (k. 1930–40)[1]
Auður Sveinsdóttir (k. 1945–98)
ParangalGantimpalang Nobel sa Panitikan
1955

Si Halldór Kiljan Laxness (Islandes: [ˈhaltour ˈcʰɪljan ˈlaksnɛs] ( pakinggan); ipinanganak Halldór Guðjónsson; 23 Abril 1902 – 8 Pebrero 1998) ay isang manunulat na Islandes na nanalo ng Gantimpalang Nobel sa Panitikan noong 1955.[2] Nagsulat siya ng mga nobela, mga artikulo sa pahayagan, mga sanaysay, mga dula, mga panayam tungkol sa paglalakbay at maikling kuwento. Kabilang sa kanyang mga pangunahing impluwensiya sina August Strindberg, Sigmund Freud, Knut Hamsun, Sinclair Lewis, Upton Sinclair, Bertolt Brecht at Ernest Hemingway.[3]

Mga impluwensiya at pananaw

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa kanyang pananatili sa Alemanya at Pransya, naging malaking impluwensiya ang Katolisismo sa kanyang panulat at kapansin-pansin ito sa ilang mga akda niyang waring awtobiograpikal tulad ng Undir Helgahnúk (Undet ang Banal na Bundok).

Subalit ang paglabas ng nobela niyang Verfarinn mikli Frá Kasmir (The Great Weaver from Kashmir) noong 1927, na itinuturing na unang mahalagang akda ni Laxness, ang hudyat ng kanyang pagtiwalag niya sa Kristiyanidad. Ang maikiling pagkiling sa relihiyon ay bunga ng pagdalaw ng may-akda sa Amerika at dito siya nabighani sa sosyalismo. Ang patunay ng bagong pananaw niyang ito ang nobelang Alþydubókin (Ang Aklat ng mga Tao) noong 1929.

Hindi rin nagtagal, nagbalik at umuwi na si Laxness sa Islandiya noong 1930.

Pangunahing mga nobela

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kilala si Laxness para sa kaniyang mga aklat na naglalaman ng tensiyon sa lipunan sa Islandya sa ika-20 siglo buhat ng urbanisasyon, migrasyon, at industrialisasyon. Ang pinakamahalagang akda niya, at paborito ng mga taga-Islandiya, ang kaniyang Sjálfstætt (Malayang Tao) na hinati sa dalawa ang publikasyon sa mga taong 1934 at 1935. Patungkol ito sa isang magsasakang si Bjartur, na lingid sa kaalaman niyang may dugong Viking na dumadaloy sa kanya.

Gayun naman, ang pangunahin sa mga nobela ni Laxness ay tumatalakay sa mga buhay ng mga mamamayan ng Islandiya. Kabilang dito ang Þú vínviður hreini at ang Fuglinn í fjörunni, na inilathala naman noong 1932, ngunit higit na kilala sa pinagsama nitong pamagat bilang Salka Valka. Pinapaksa naman dito ang pamumuhay ng isang buong lunan ng mga mangingisda sa Islandiya.

Alamat at Gantimpalang Nobel

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Gaya ng karamihang Islandes, lumaki si Laxness na nabasa ang mga alamat nila. Ngunit ipinahayag niyang hindi niya kinahiligan ang mga ito. Para sa kaniya, sa lahat ng mga nabasa niya, ang mga akda sa alamat ang pinakaluma’t walang kapana-panabik sa mga ito.

Kahit inayawan niya ang mga tradisyonal na mga likha sa kaniyang kabataan, binalikan din niya ang mga ito kalaunan at isa ito sa mga nilalaman ng pagkilala sa kaniya ng Suwekong Akademya, ang lupong nagbibigay ng Gantimpalang Nobel para sa Panitikan. At sa gawad noong 1955, si Laxness ang “nagbigay buhay muli  sa dakilang sining ng naratibo sa Islandiya. Dagdag pa rito ang naging pagtalakay ni Laxness sa mga suliranin ng bansa sa ikadalawampung siglo sa kaniyang mga likhang kuwento.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Halldór Laxness love letters published". Iceland Review (sa wikang Ingles). 28 Oktubre 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Marso 2014. Nakuha noong 24 Pebrero 2014.{{cite magazine}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. https://www.worldatlas.com/articles/top-30-countries-with-nobel-prize-winners.html
  3. Halldór Guðmundsson, The Islander: a Biography of Halldór Laxness. McLehose Press/Quercus, London, sinalin ni Philip Roughton, 2008, pp. 49, 117, 149, 238, 294 (sa Ingles)
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy