Hosni Mubarak
Hosni Mubarak | |
---|---|
Ika-4 Pangulo ng Ehipto | |
Nasa puwesto 14 Oktubre 1981 – 11 Pebrero 2011 (29 taon, 120 araw) | |
Punong Ministro | |
Pangalawang Pangulo | Omar Suleiman |
Nakaraang sinundan | Sufi Abu Taleb (Acting) |
Sinundan ni | Mohamed Hussein Tantawi (Acting)[b] |
Ika-50 Punong Ministro ng Ehipto | |
Nasa puwesto 7 Oktubre 1981 – 2 Enero 1982 | |
Pangulo | Sufi Abu Taleb (Acting) |
Nakaraang sinundan | Anwar El Sadat |
Sinundan ni | Ahmad Fuad Mohieddin |
Ika-15 Pangalawang Pangulo ng Ehipto | |
Nasa puwesto 16 Abril 1975 – 14 Oktubre 1981 | |
Pangulo | Anwar El Sadat |
Nakaraang sinundan | Hussein el-Shafei |
Sinundan ni | Omar Suleiman[a] |
Secretary General of Non-Aligned Movement | |
Nasa puwesto 16 Hulyo 2009 – 11 Pebrero 2011 | |
Nakaraang sinundan | Raúl Castro |
Sinundan ni | Mohamed Hussein Tantawi |
Personal na detalye | |
Isinilang | Muhammad Hosni Sayyid Mubarak 4 Mayo 1928 Kafr-El Meselha, Egypt |
Yumao | 25 Pebrero 2020 Cairo, Egypt | (edad 91)
Partidong pampolitika | National Democratic Party |
Asawa | Suzanne Mubarak (1959-present) |
Anak | |
Alma mater | |
Pirma | |
Serbisyo sa militar | |
Katapatan | Ehipto |
Sangay/Serbisyo | Egyptian Air Force |
Ranggo | Air Chief Marshal |
a. ^ Office vacant from 14 Oktubre 1981 to 29 Enero 2011 b. ^ as Chairman of the Supreme Council of the Armed Forces |
Si Muhammad Hosni Sayyid Mubarak (Arabe: محمد حسني سيد مبارك, Egyptian Arabic pronunciation: [mæˈħæmːæd ˈħosni ˈsæjːed moˈbɑːɾɑk], Muḥammad Ḥusnī Sayyid Mubārak; (4 Mayo 1928[1]–25 Pebrero 2020[2]) ay ang ika-apat na Pangulo ng Ehipto, mula noong 1981 hanggang 2011.
Itinalaga si Mubarak bilang Pangalawang Pangulo ng Ehipto noong 1975, at naging pangulo noong 14 Oktubre 1981, pagkatapos ng pagpaslang kay Pangulong Anwar El Sadat. Ang kahabaan ng termino niya bilang pangulo ang naging dahilan upang siya ay maging pinakamahabang nagsilbing tagapamuno ng Ehipto pagkatapos ni Muhammad Ali Pasha. Bago pasukin ni Mubarak ang politika, naglingkod si Mubarak bilang isang opisyal ng Hukbong Himpapawid ng Ehipto, na naglingkod bilang komandante mula 1972 hanggang 1975.
Noong kasagsagan ng demonstrasyon na nagsimula nong 25 Enero 2011, nananawagan ang mga demonstrador sa pagbibitiw ng pangulo ng Ehipto.[3] Noong 1 Pebrero 2011, inihayag ni Mubarak na hindi na siya muling tatakbong muli sa Halalang Pampanguluhan.[4] Noong 5 Pebrero 2011, ibinalita ng pambansang media ng Ehipto na ang mga matataas na kasapi ng Pambansang Partido Demokratiko ng Ehipto, kasama si Mubarak, ay nagbitiw sa mga tungkuling pampamunuan sa loob ng partido.[5]
Noong 11 Pebrero 2011, inihayag ni Pangalawang Pangulo Omar Suleiman na nagbitiw na si Mubarak bilang Pangulo ng Ehipto, at ipinasa ang kapangyarihan sa Nakatataas na Konseho ng Sandatahang Lakas, pagkatapos ng 18 araw ng mga pagkilos na sumubok sa tatlumpung taong pamumuno niya.[6][7]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Profile: Egyptian President Hosni Mubarak". Xinhua News Agency. 2010-02-10. Nakuha noong 2011-02-11.
- ↑ "Egypt's former President Hosni Mubarak dies at 91". aljazeera.com. 26 Pebrero 2020. Nakuha noong 29 Pebrero 2020.
- ↑ "Egypt Calls In Army as Protesters Rage". New York Times. Nakuha noong 2011-01-28.
- ↑ Kirkpatrick, David D.; Landler, Mark (2011-02-01). "Mubarak Says He Won't Run for President Again". New York Times.
- ↑ "Mubarak resigns as head of Egypt ruling party: TV". Reuters. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-02-08. Nakuha noong 2011-02-05.
- ↑ Kirkpatrick, David D.; Shadid, Anthony; Cowell, Alan (2011-02-11). "Mubarak Steps Down, Ceding Power to Military". New York Times. Nakuha noong 2011-02-11.
- ↑ "Egypt crisis: President Hosni Mubarak resigns as leader". BBC. 2010-02-11. Nakuha noong 2011-02-11.