Pumunta sa nilalaman

Papa Nicolas V

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Para naman sa duke, tingnan ang Nicolas V, Duke ng Krnov.

Nicholas V
Nagsimula ang pagka-Papa6 March 1447
Nagtapos ang pagka-Papa24 March 1455
HinalinhanEugene IV
KahaliliCallixtus III
Mga orden
Konsekrasyon17 March 1447
Naging Kardinal16 December 1446
Mga detalyeng personal
Pangalan sa kapanganakanTomaso Parentucelli
Kapanganakan15 Nobyembre 1397(1397-11-15)
Sarzana, Republic of Genoa
Yumao24 Marso 1455(1455-03-24) (edad 57)
Rome, Papal States
Iba pang mga Papa na mayroon ding pangalan na Nicholas
Pampapang styles ni
Papa Nicolas V
Sangguniang estiloHis Holiness
Estilo ng pananalitaYour Holiness
Estilo ng relihiyosoHoly Father
Estilo ng pumanawNone

Si Papa Nicolas V (Italyano: Niccolò V) (15 Nobyembre 1397 – 24 Marso 1455) na ipinanganak na Tommaso Parentucelli ang Papa ng Simbahang Katoliko Romano mula 6 Marso 1447 hanggang sa kanyang kamatayan noong 1455.[1] Ang kanyang pagkapapa ay nakakita ng pagbagsak ng Constantinople sa mga Turkong Ottoman.

Pagbabasbas ng pang-aalipin

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Papa Nicolas V ay naglabas ng bull ng papa na "Dum Diversas" (18 Hunyo 1452) para kay Haring Alfonso V ng Portugal upang bigyan siya ng karapatan na atakihin, sakupin at pasukuin ang mga Saracen at iba pang mga kaaway ni Kristo saan man sila matagpuan. Ang sakop na heograpiko ng pagkakaloob sa bull ay hindi hayagan ngunit ikinatwiran ni Richard Raiswell na ang paggamit ng mga terminong "pagano" at "ibang mga kaaway ni Kristo" ay nagpapakita na ang saklaw ng bull ay malalapat sa mga bagong natuklasang lupain sa kahabaan ng kanlurang baybayin ng Aprika. Kanya ring ikinatwiran na ang paggamit ng wika ng mga krusada sa bull ay nagsisilbing gawing modelo para sa Aprika ang relasyong Kristiyano-Muslim. [2]

Ang pag-aari ng mga kapuluang Canarias ay patuloy na naging pinagmulan ng alitan sa pagitan ng Espanya at Portugal at si Nicolas V ay hiniling na lutasin ang bagay na huling pumabor sa mga Portuges.[3] Ang bull na inilabas ni Nicolas na Romanus Pontifex (8 Enero 1455) ay muling nagpatibay ng Dum Diversas at nagbasbas rin ng pagbili ng mga aliping itim mula "sa hindi mananampalatay".[4] Ang bull ay nagkaloob rin ng eksklusibong mga karapatan ng pangangalakas sa mga Portuges sa pagitan ng Morocco at mga Indies na may mga karapatang sakupin at akayin ang mga mamamayan nito. [5] Ang isang mahalagang pagkakaloob na ibibigay ni Nicolas na inisyu kay Haring Alfonso noong 1454 ay nagpalawig ng mga karapatang ipinagkaloob sa mga umiiral na teritoryo sa mga makukuha sa hinaharap.[6]

Ang dalawang mga bull na ito na inilabas ni Nicolas V ay nagbigay sa mga Portuges ng mga karapatan na magkamit ng mga alipin sa kahabaan ng baybaying Aprikano sa pamamagitan ng pamumwersa o pangangalakal. Ang mga pagkakaloob ay kinumpirma ng mga bull na inilabas ni Papa Calixto III] (Inter Caetera quae noong 1456), Pope Sixto IV (Aeterni regis noong 1481), at Papa Leo X (1514) at ang mga ito ay naging modelo para sa mga kalaunang bull na inilabas ni Papa Alejandro VI: Eximiae devotionis (3 May 1493), Inter Caetera (4 Mayo 1493) at Dudum Siquidem (23 Setyembre 1493) kung saan ay nagkaloob siya ng mga kaparehong karapatan sa Espanya na nauugnay sa mga bagong natuklasang lupain sa mga Amerika.[7]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Filelfo, Francesco and Diana Robin, Odes, (Harvard University Press, 2009), 370.
  2. "The Historical encyclopedia of world slavery", Richard Raiswell, p. 469
  3. Stogre, p. 65
  4. "Black Africans in Renaissance Europe", P. 281
  5. The Historical Encyclopedia of world slavery", Richard Raiswell, p. 469
  6. "Slavery and the Catholic Church", John Francis Maxwell, p. 55, Barry Rose Publishers, 1975
  7. "The Historical Encyclopedia of world slavery", Richard Raiswell, p. 469, "Black Africans in Renaissance Europe", P. 281, Luis N. Rivera, 1992, p. 25

Katolisismo Ang lathalaing ito na tungkol sa Katolisismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy