Pumunta sa nilalaman

Richard Owen

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Richard Owen
Kapanganakan20 Hulyo 1804
  • (Lancaster, Lancashire, North West England, Inglatera)
Kamatayan18 Disyembre 1892
  • (Kalakhang Londres, London, Inglatera)
MamamayanUnited Kingdom of Great Britain and Ireland
NagtaposUniversity of Edinburgh
Trabahocurator, biyologo, paleontologo, soologo, propesor ng unibersidad, anatomista, manunulat

Si Sir Richard Owen, FRS KCB (20 Hulyo 1804 – 18 Disyembre 1892) ay isang Ingles na biyologo, anatomong komparatibo, at paleontologo. Marahil, pinaka naaalala si Owen sa kasalukuyan dahil sa pag-imbento ng salitang Dinosauria (na may kahulugang "Kakila-kilabot na Reptilya" o "Nakakatakot na Malaking Reptilya") at dahil sa kaniyang tahasang pagsasalita laban sa teoriya ng ebolusyon ni Charles Darwin na nagaganap sa pamamagitan ng likas na pagpili. Sumang-ayon siya kay Darwin na ang ebolusyon ay naganap, subalit inisip niya na mas masalimuot ito kaysa sa nakabanghay sa akdang Origin ni Darwin.[1] Ang pagharap ni Owen sa ebolusyon ay maaaring tanawin bilang umasam sa mga paksang nagkamit ng mas malaking pagpansin dahil sa kamakailang paglitaw ng ebolusyonaryong biyolohiyang pangkaunlaran.[2] Noong 1881, siya ang nasa likod na lakas na nagpausad ng paglulunsad ng Museong Britaniko (Likas na Kasaysayan) na nasa Londres.[3] Ipinangatwiran ni Bill Bryson na ang paggawa sa Museo ng Likas na Kasaysayan bilang isang institusyon na para sa lahat, binago ni Owen ang ating mga inaasahan sa kung ano ang layunin ng mga museo.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Cosans (2009) pp. 97-103.
  2. Amundson, 2005, pp. 76-106
  3. Rupke, 1994
  4. Bryson (2003), p. 81.

TaoBiyolohiyaInglatera Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Biyolohiya at Inglatera ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy