Trigo
Trigo | |
---|---|
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
(walang ranggo): | |
(walang ranggo): | |
(walang ranggo): | |
Orden: | |
Pamilya: | |
Subpamilya: | |
Tribo: | |
Sari: | Triticum |
Uri[1] | |
Mga espesyeng Triticum:
|
- Para sa may kaugnayan sa matematika, basahin ang Trigonometriya.
Ang trigo ay isang damong sinasaka para sa binhi nito, isang seryales na pagkaing isteypol sa buong mundo.[2][3][4] Binubuo ng mararaming uri ng trigo ang uring Triticum;[5] T. aestivum ang pinakamalawakang itinatanim sa mga ito. Iminumungkahi ng ebidensiyang arkeolohikal na unang nilinang ang trigo sa mga rehiyon sa Matabang Gasuklay noong 9600 BK. Sa botanika, isang uri ng prutas ang butil ng trigo na tinatawag na karyopsis.
Itinatanim sa mas maraming lupain ang trigo kaysa sa mga iba pang pananim (220.4 milyong ektarya, 2014).[6] Mas malaki ang pandaigdigang kalakalan sa trigo kaysa sa lahat ng iba pang pananim na pinagsama-sama.[7]
Noong 2020, 761 milyong tonelada (1.7 trilyon libra) ang pandaigdigang produksiyon ng trigo; pumangalawa lamang ito sa mais.[6] Mula 1960, natriple ang pandaigdigang produksiyon ng trigo at iba pang inaaning butil at inaasahang dadami pa hanggang sa kalagitnaan ng ika-21 siglo.[8] Pataas nang pataas ang pandaigdigang demand sa trigo dahil sa natatanging lapot-lastiko at malagkit na katangian ng mga protinang gluten, na nagpapadali sa paggawa ng mga prosesadong pagkain, na pataas din sa pagkonsumo dahil sa industriyalisasyon ng mundo at westernisasyon ng diyeta.[9]
Isang mahalagang pinagmumulan ng karbohidrata ang trigo.[9] Sa buong mundo, ito ang nangungunang pinagmumulan ng protinang de-gulay sa pagkaing pantao, na may halos 13% na nilalamang protina, na medyo mataas kumpara sa mga iba pang pangunahing seryales[10] pero medyo mababa pagdating sa kalidad ng protina (sa pabibigay ng mga mahahalagang asidong amino).[11][12] Kapag kinakain ang buong butil, ang trigo ay pinagmumulan ng maraming sustansiya at hiblang pandiyeta.[9]
Sa maliit na bahagi ng pangkalahatang populasyon, kayang pasimulan ng gluten – na karamihan ay binubuo ng protinang de-trigo – ang sakit sa selyako, pagkasensitibo sa gluteng di-selyako, gluten ataxia at dermatitis herpetiformis.[13]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Serial No. 42236 ITIS 2002-09-22
- ↑ Shewry, Peter R (2009), "Wheat" [Trigo], Journal of Experimental Botany (sa wikang Ingles), 60 (6): 1537–53, doi:10.1093/jxb/erp058, PMID 19386614
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ James D. Mauseth (2014). Botany [Botanika] (sa wikang Ingles). Jones & Bartlett Publishers. p. 223. ISBN 978-1-4496-4884-8.
Perhaps the simplest of fruits are those of grasses (all cereals such as corn and wheat)...These fruits are caryopses.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Belderok, Bob & Hans Mesdag & Dingena A. Donner. (2000) Bread-Making Quality of Wheat. Springer. p.3. ISBN 0-7923-6383-3.
- ↑ "triticum". Merriam-Webster Dictionary (sa wikang Ingles).
- ↑ 6.0 6.1 "Crops/World Total/Wheat/Production Quantity/2014 (pick list)" [Pananim/Kabuuan ng Mundo/Trigo/Dami ng Produksiyon/2014] (sa wikang Ingles). United Nations, Food and Agriculture Organization, Statistics Division. 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Setyembre 2015. Nakuha noong 8 Disyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Curtis; Rajaraman; MacPherson (2002). "Bread Wheat" [Tinapay Trigo] (sa wikang Ingles). Food and Agriculture Organization of the United Nations.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Godfray, H.C.; Beddington, J. R.; Crute, I. R.; Haddad, L; Lawrence, D; Muir, J. F.; Pretty, J; Robinson, S; Thomas, S. M.; Toulmin, C (2010). "Food security: The challenge of feeding 9 billion people" [Seguridad sa pagkain: Ang hamon ng pagpapakain ng 9 bilyong tao]. Science (sa wikang Ingles). 327 (5967): 812–8. Bibcode:2010Sci...327..812G. doi:10.1126/science.1185383. PMID 20110467.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 9.0 9.1 9.2 Shewry PR, Hey SJ (2015). "Review: The contribution of wheat to human diet and health" [Pagsusuri: Ang ambag ng trigo sa diyeta at kalusugan ng tao]. Food and Energy Security (sa wikang Ingles). 4 (3): 178–202. doi:10.1002/fes3.64. PMC 4998136. PMID 27610232.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ European Community, Community Research and Development Information Service (24 Pebrero 2016). "Genetic markers signal increased crop productivity potential" [Panandang henetiko, nagsesenyas ng potensiyal na pagtaas sa produktibidad ng pananim]. Nakuha noong 1 Hunyo 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Nutritional quality of cereals" [Kalidad ng nutrisyon sa mga seryales] (sa wikang Ingles). Food and Agriculture Organization of the United Nations. Nakuha noong 1 Hunyo 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Dietary protein quality evaluation in human nutrition [Pagsusuri ng kalidad ng protina sa pagkain sa nutrisyon ng tao] (PDF) (sa wikang Ingles). Food and Agriculture Organization of the United Nations. 2013. ISBN 978-92-5-107417-6. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2022-10-09. Nakuha noong 1 Hunyo 2017.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ludvigsson JF, Leffler DA, Bai JC, Biagi F, Fasano A, Green PH, Hadjivassiliou M, Kaukinen K, Kelly CP, Leonard JN, Lundin KE, Murray JA, Sanders DS, Walker MM, Zingone F, Ciacci C (Enero 2013). "The Oslo definitions for coeliac disease and related terms" [Ang kahulugang Oslo para sa sakit sa selyako at mga kaugnay na termino]. Gut. 62 (1): 43–52. doi:10.1136/gutjnl-2011-301346. PMC 3440559. PMID 22345659.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)