Intermedia NG Indang - Kabanata 11

Download as docx or pdf
Download as docx or pdf
You are on page 1of 11

KABANATA 11

ANG ADMINISTRASYON
NI Mr. MARIANO MONDOÑEDO (1915-1919)

Sa taong 1915, pinairal ni Gobernador Heneral Francis Burton


Harison ang patakarang Pilipinisayon sa mga
tanggapan ng pamahalaan. Layunin nito na
mailagay ang mga Pilipinong mayroong kakayahan
sa mga mahahalagang posisyon sa pamahalaan,
lalo na sa bahagi ng edukasyon. Direktang
nasaksihan ng mga mamamayan ng Indang ang
implikasyon ng patakarang Pilipinisasyon sa
pagkakatalaga kay Mr. Mariano Mondoñedo bilang
unang principal na Pilipino ng Indang Farm School
noong 1915.

Sa sulat na ipinadala ng kaniyang anak na si Mr. Jose


Mondonedo sa nagsasaliksik ay sinalaysay nito ang mga sumusunod:

My father Mariano was born on August 15, 1887 to a family


of tobacco farmers in Gamu, Isabela, Philippines. At about
the close of the Filipino-American conflict, he got
acquainted with the soldiers of the American Military
Forces garrisoned in his home town. Impressed by the
character and potential of young Mariano, the Garrison
Commander recommended his inclusion in the first group
of Filipino scholars (known as “pensionados”) selected and
sponsored by the U.S. Government to continue their studies
in the United States. The first group of 102 pensionados left
in1903 aboard a troop ship for the United States. At 16
years of age my father was apparently one of the youngest
in this group and could only communicate in his native
Ibanag dialect and in Castellano, the medium of instruction
in the Spanish school system at that time.

Without the equivalent high school preparation


required to enter the colleges in the United States, Mariano
spent the first year in and around Washington D.C.,
learning English and catching up on his scholastic
deficiencies. Having come from the farm, he was then
enrolled in 1904 at the Iowa State College of Agriculture
and Mechanic Arts in Ames, Iowa, concentrating his
courses in the fields of animal husbandry and agronomy.

As required of the first group of pensionados, they


participated in the St. Louis World’s Fair of 1904 to
showcase the Philippines, the newly acquired territory of
the United States. While some of them served as guides to
the Philippine pavilion, my father was also in the exhibit as

204
Intermedia ng Indang / Anciano

the aboriginal tree dweller in the “boondocks”. He also


related how he and some of his pensionado companions
augmented their subsistence allowance by preparing their
meals with fish heads, livers, kidneys and other trimmings
that are normal discards from the butcher shops.

They were food fares in their home country. He was also


very much in awe with the big cities and extensive farms of
grains, fruits and vegetables in the country, the industrial
revolution fueling the great economic growth at that time.

A lengthy illness in 1908, however, prevented him


from completing his last year of studies so that he returned
to the Philippines without completing the bachelor degree.
His collegiate courses, however, served him well as a
teacher at the rural schools in the province of Cavite where
he met my mother, Maria del Rosario, a home economics
teacher from Kawit, Cavite. 1

Sa pag-uwi ni Mr. Mondoñedo, ang kaniyang pagiging pensionado


ay naging malaking adbantehiya sa kaniya sa pagkakapuwesto sa
pamahalaan, gaya ng matutunghayan sa pag-uulat ng Kawanihan ng
edukasyon sa panahong iyon.

A circular has currently issued by the Director of


Education announcing to division superintendents the
policy of assigning Filipino teachers with special
preparation, as, for example, those educated in the United
States and graduates of the Insular Normal and Trade
Schools, to the most difficult work which they are
presumably capable of perfoming. This policy has been
determined by the great need for teachers in advanced and
special work and by the desire to place large responsibilities
upon these young men and women and give them widest
possible opportunities to exercise the ability and dispense
the knowledge which they are pressumed to posses. Those
who are found to be incapable of doing the work to which
the are assigned will be reduced in position and salary. 2

Sa pag-aaral sa ilang nalalabing mga dokumento ay tinatantiya na


ang Indang ang kaniyang naging unang destino na matutunghayan sa
kaniyang ginawang pagtuturo sa ginanap na Normal Institute sa Indang
noong 1909.

1
Mula sa e-mail na ipinadala ni Mr. Jose Mondoñedo noong June 10, 2008 para
sa nagsasaliksik.

2
10th ARTDE:16

205
Kabanata 11 –Mr. Mariano Mononedo (1915-1919)

Binata si Mr. Mondoñedo nang dumating sa Indang at nanligaw sa


isang prominenteng gurong babae na mula sa Kawit na si Miss Maria del
Rosario. Ang nasabing guro ay kaniyang napangasawa noong 1914 at sa
panahon ng kanilang paglilingkod sa Indang Farm School sila nagkaroon
ng mga unang anak na sina had Osmundo in 1915, Virginia, Abelardo at
maaring si bago nila iwanan ang Indang noong 1919.3

Sa pagsunod sa ilang mga dokumento sa kapanahunang iyon ay


lumilitaw na sa kaniya nararapat ibigay ang kaukulang kredito sa pag-
aalaga at popularidad ng cantonese chicken na ipinamudmod ng IFS sa
iba’t ibang paaralan sa kapuluan.

Isang bagay ang nanatiling misteryo sa nagsasaliksik ukol kay Mr.


Mondeňedo, sa kabila ng istatus nito na isang pensionado ng Pilipinas sa
Amerika at pagiging guro sa Indang Farm School ay hindi siya
nakabilang sa listahan ng mayroong mga item position ng serbisyo sibil
mula sa 1912 hanggang 1915.

Ang Ulat Ukol sa Indang Farm School 1915-16

Ang Indang Farm School sa Taong Paaralan ng 1915-16 ay


mayroong pitong guro. Ang mga mag-aaral ay binubuo ng 102 lalaki at
47 babae o kabuuang 149 sa lahat ng grado (mula V-VII). May lawak na
9.5 hektarya at ang 7.5 hektarya ay ginagagamit sa pagsasaka.
Mayroong dalawang baka na ginagamit sa bukid. Tatlong baboy at 57
manok na inaalagaan sa loob ng paaralan. Kumita ng P432.00 sa
pagbibili ng hayop, P586.00 sa mga nakatanim na halaman, P 28.00 sa
prutas, at P45 sa iba’t iba pang produkto na gawa sa paaralan. Sa
kabuuan ay kumita ito ng P1,354.00. Sinuportahan ang gastusin ng
paaralan sa pamamagitan ng pondo na mula sa pamahalaang insular na
nagkakahalaga ng P 4,970 at tulong na P 300 mula sa pamahalaang
probinsiyal.4

Ang pinakamahalagang kaganapan para sa Indang Farm School


sa panahong ito ay ang mapabilang sa isa sa 28 paaralan sa Pilipinas na
nagtamo ng medalayang ginto sa ginanap na Panama-Pacific
International Exposition ng 1915.5 Napakahalaga ng pagtatamong
3
Mula sa e-mail ni Jose Mondoñedo
Ang anak ni Mr. Mondonedo na si Osmundo ay naging opisyal ng Hukbong
Sandatahan ng Pilipinas. Sa panahon ng pagiging major ng Hukbong
Sandatahan ay naglingkod na military attache ng Pilipinas sa Washington D. C,
noong maging koronel ay naging ayudante ni Pangulong Magsaysay at unang
nakipag-usap sa mga Huk para umpisahan ang usapang pang-kapayapaan.
4
17th ARTDE
5
16th ARTDE
Ang Panama-Pacific International Exposition ay isang pandaigdigang
pagtatanghal na Ginanap sa Sa San Francisco, California mula Pebrero 20
hanggang Disyembre Disyembre 4, 1915. Ito ay bilang pagdiriwang sa pagka-
kumpleto ng Panama Canal at rekonstruksiyon ng lungsod ng San Francisco

206
Intermedia ng Indang / Anciano

ito ng medalyang ginto ng Indang Farm School sa Panama-Pacific


International Exposition ng 1915. Ito ay napanahanay ang IFS sa
karangalan ng mga paaralang insular na katulad ng Philippine School of
Arts and Trade, Philippine School of Commerce, at Philippine Normal
School.

Sa pag-aaral sa kalakarang pang-edukasyon sa kapanahunang iyo


ay Ilang hakbang na ang pinasimulan ng pamahalaan ukol sa kursong
pagsasaka sa intermedia. Ito ay ang unti-unti pagbuo ng panibagong
programa sa pagtuturo sa pamamagitan ng paglalagay ng araling farm
management sa mga paaralan sa pagsasaka at nang karagdagang taon
sa araling sekondarya na katulad ng iniaalok sa Central Luzon
Agricultural School.6

Ang Ulat Ukol sa Indang Farm School 1916-17

Ang Indang Farm School sa Taong Paaralan ng 1916-17 ay


mayroong pitong guro. Mayroong 206 na mag-aaral sa lahat ng grado
(mula V-VII), na nahahati sa 126 lalaki at 80 babae. May lawak na 9.5
hektarya ang lupain ng paaralan at 8.5 hektarya nito ay ginagagamit sa
pagsasaka. Mayroong dalawang baka na ginagamit sa bukid. 25 baboy at
250 manok na inaalagaan sa loob ng paaralan. Kumita ng P530.00 sa
pagbibili ng hayop, P232.00 sa mga nakatanim na gulay, P530.00 sa
mula sa mapaminsalang lindol ng 1906. (www.wikipedia.org)
6

17th ARTDE: 16

207
Kabanata 11 –Mr. Mariano Mononedo (1915-1919)

ibang halaman, P28.00 sa prutas, at P132 sa iba’t iba pang produkto na


gawa sa paaralan. Sa kabuuan ay kumita ito ng P 1,354.00.7

Patuloy ang paglaki ng bilang ng mga mag-aaral sa harap ng


katotohanan na sa taong 1916-17 ay dumami na ang bilang ng mga
bayan sa Katimugang Cavite na mayroon ng mga klase sa kursong
intermedia na isinasagawa sa kanilang mga partikular na paaralang
sentral.8 Ang patuloy na pagpasok sa intermedia ng Indang ng mga mag-
aaral mula sa ibang bayan ay dahilan sa naitakda na sa paaralang ito
ang isang ispesipikong linya ng kahusayan – ang pagsasaka. 9

Ang kapansin-pansin sa tsart na ito ay ang paglaki ng bilang ng


mga alagang hayop sa paaralan at masasabing sa pangangasiwa ni Mr.
Mondoñedo ay makikita na ang unti-unti niyang ipinasok ang
espesyalisasyon sa larangan ng paghahayupan.

Nagsimulang ipakilala sa
Indang ang Agriculture Club sa
pamamagitan nang
paglalabas ng Kawanihan ng
Edukasyon ng dalawang libro
na Agricultural Club for
Filipino Boys and Girls at Four
Follow-ups for Agricultural-
club Members.10 Ang isang
hindi nakikitang epekto ng
pagiging popular ng
agricultural club ay unti-
unting nagpalaho ng
programang cooperative-farm
na pinasimulan ni Cocannouer sa Indang.11

Noong Oktubre 1916 ay lumitaw sa Philippine Craftsman ang


7
18th ARTDE
8
Sa pagsapit ng panahon ang konbinasyon ng kursong primarya at intermedia
ay naging nucleus sa pagkakabuo ng mga paaralang elementarya sa Pilipinas.
9
ARTDE 1917-27
10

ARTDE 1916 p. 30
11
Sa paglipas ng popularidad ng agricultural club ay napalitan ito ng Future
Farmers Association.

208
Intermedia ng Indang / Anciano

panibagong balita ukol sa Indang Farm School

CAVITE. The Province of Cavite, for the purposes of


industrial instruction, has this year been divided into two
sections, the coastal towns forming one division, and the
interior towns the other. In the coastal towns where
bamboo is available, export, bamboo-rattan basketry has
been prescribed, while in the interior or upland towns
where abaca is abundant, coiled lupis basketry has been
prescribed. In this way more and better work can be
accomplished by the pupils, as the materials they need for
their work are found in the immediate locality.

The Indang Farm School. On the 17th of August the


Indang farm school boys harvested 15,725 ears of Indang
corn from a hectare of land. According to several tests, the
harvest made an average of 6,290 kilos on cob, or 5,661
kilos when air dried, per hectare. The Indang corn is a
hybrid of the Leyte white corn and the Mexican June corn.
The first generation of the hybrid produced extremely
different types of corn, from long slender ears to short
stocky ears; but in either case the amount of corn to the ear
was much greater than that from an ear of native corn.
Another fault found with the hybrid at the beginning was
that it was too soft and therefore easily attacked by weevils.

By persistent seed selection the size of the ears has been


made comparatively stable. The grains of the Indang corn of
the fifth generation are much harder and less susceptible to
attack by weevils, than were those of the first four
generations.

209
Kabanata 11 –Mr. Mariano Mononedo (1915-1919)

The average ear of Indang corn is 24 centimeters long and 6


centimeters in diameter. There are 14 to 16 rows of kernels.
(R. G. McL.)12

Ang Manok ng Indang Farm School

Sa mga 1916-1917 ay naramdaman na sa maraming paaralan sa


Pilipinas ang isa sa pangunahing produkto ng pag-aaral at pag-aalaga ng
hayop na isinagawa sa IFS. Sa ulat ng Kawanihan sa nasabing taon ay
isinasaad ang epekto ng proyektong pag-aalaga ng manok sa paaralan.

About two years ago selected Cantonese poultry was


brought in from China and distributed throughout the
Islands to agricultural, farms, and other schools; the effort
has met with success.13

Sa opisyal na ulat ng Kawanihan ay kinukumpirma ang


pamamahagi ng Cantonese chicken sa maraming mga paaralang
agrikultural sa kapuluan. Nakakalungkot na ito ay hindi nabigyan ng
esensiya ng kasaysayan ng edukasyong pang-agrikultura sa Pilipinas
ang mahalagang papel na ginampanan ng IFS sa pagsisimula,
pagpaparami at pamamahagi ng manok na ito sa buong Pilipinas.
Maging sa ulat ng Philippine Craftsman ay ibinabalita ang kaganapan sa
loob ng Indang Farm School ukol sa pag-aalaga ng manok:

Cantonese Poultry Association

The demand for Cantonese fowls has been so great, that it


was thought advisable to put some restrictions on the
distribution of stock from the Indang Farm School. A
Cantonese poultry raising association was organized.
Membership in the association is open to any student or
graduate from the school. An applicant is admitted to the
membership by a majority vote of active members with the
approval of the principal. Outside farmers can become
associate members of the association upon the
recommendation of two active members. There are now 28
members of the association, 25 of whom are active and 3
associate. They have all agreed to raise their poultry
according to instructions, and to submit tabulated report
on the state of their poultry projects once every two
months.

12
R. G. McL Industial Notes The Philippine Craftsman October 1916 pp. 306-207
13
ARTDE 1916

210
Intermedia ng Indang / Anciano

The Indang Farm School furnished two hens, one


cock, and setting of eggs to start with. There are supplied
soon as the house and yard have been approved by the
principal. Only members have the right to exhibit and enter
specimens of this breed in any contest. The School will do
everything possible to secure a good market for the
products.14

Sa nasabing ulat ay mapapansin na kasama rin ang kaabalahan ng


Indang Farm School bilang host sa palarong pandistrito at para sa
malakihang palaro sa lalawigan.

Permanent improvements on the athletic field of the Indang


Farm School are being made, and it will be in good shape
by the time the district and sectional meets are held. The
whole field is being graded and a permanent oval tract is
nearing completion.15

Ang ginawang
pag-aayos sa athletic
field ng Indang Farm
School ay nagbigay
daan upang magwagi
ito ng P100 at ituring
ang palaruan nito
bilang pinakamaganda
sa buong lalawigan ng
Cavite.16

Ang sumunod na
ulat sa The Philippine
Craftsman para sa
nasabing taon ukol sa
Indang Farm School ay ang ukol sa pagtatanim ng Kamoteng
Momungan.

Momungan Sweet Potatoes


The growing of Momungan sweet potatoes is a success at
the Indang Farm School. Practically every hill produces
from 3 to 5 big potatoes besides the smaller ones. Four year
ago the school introduced two American varieties and
proved to be heavier produces than the native sweet
14
R. G. McL Industial Notes The Philippine Craftsman December 1916 pp. 457-
458
15
Ibid.

Philippine Magazine – 1917. Mula sa snippet view ng nabanggit na magasin sa


16

www.book.google.com

211
Kabanata 11 –Mr. Mariano Mononedo (1915-1919)

potatoes. But Momungan surpasses both of them in quality


and quantity of yield. The momungan potato is not a good
cover crop as it produces very little foliage. The red
California yam is on the account of its dense foliage much
superior to it in this respect.17

Ang Mga Puna sa mga Paaralan


na May Kursong Agrikultura

Sa taong ito naging pokus ng atensiyon ng Kawanihan ang


kwalidad ng pagtuturo sa mga paaalang agrikultura sa Pilipinas.
Nagkaroon ng malalim na talakayan ang ukol sa mababang marka na
nakukuha sa paaralang sekondarya ng mga mag-aaral na nagmumula
sa mga paaralang intermedia na mayroong ispesyal na kurso ng trade at
pagsasaka, kumpara sa mataas na marka na nakukuha ng mga mag-
aaral ng intermedia na nasa general course. Subalit sa pag-aaral ay
lumalabas na hindi mahina ang mga mag-aaral sa kursong pagsasaka at
trade, ang “depekto” sa dalawang kurso ay ang pagnanais nito na
maturuan ang mga mag-aaral sa praktikal na kaalaman na magagamit
nila pagkatapos ng kanilang pag-aaral. Samantalang sa general course,
ang mga mag-aaral ay inihanda para sa mas mataas na lebel ng pag-
aaral sa hinaharap.18

Taong Paaralan 1917-18

Sa taong paaralan 1917-18 ang IFS ay mayroong pitong guro at


227 na mga mag-aaral. Nanatili pa rin ang dalawang baka ng paaralan,
12 baboy, at 187 manok na inaalagaan sa paaralan at kumita ito ng
P1774.20 sa mga produkto mula sa paaralan.

Patuloy ang paglago ng bilang ng mga mag-aaral, subalit makikita


ang ilang pagbawas sa mga kwantipikadong datos kumpara sa
nakaraang taon. Bumaba ng kalahating ektarya ang erya ng tinataniman
sa paaralan, nabawasa ng 13 ang baboy, at nabawasan ng 163 ang
manok. Subalit ang pagbawas sa mga hayop ay masasalamin naman sa
pagtaas ng kinitang P97 na kahigitan kumpata sa kabuuang
pinagbilihan ng mga hayop sa paaralan. Nagpakita rin ng pagtaas ang
kinita mula sa mga produktong halaman ng paaralan. Nakapagtala rin
ng kinitang P 1,207 ang paaralan mula sa mga proyekto ng mga mag-
aaral mula sa labas ng paaralan.19 Sa ganito ay nakapagtala ang
paaralan ng kabuuang kita na P2,981.00 sa kabuuan ng taon.

Taong Paaralan 1918-1919

17
The Philippine Craftsman. March 1917 pp. 681

ARTDE 1917 p. 29
18

19
Sa pag-aaral ay lumilitaw na ang kita ng mga mag-aaral mula sa labas ng
paaralan ay para sa kanila, subalit kinakailangan na i-ulat ito bilang bahagi ng
kabuuang produksyon ng paaralan.

212
Intermedia ng Indang / Anciano

Ang taong pasukan na ito ay kumakatawan sa huling taon ng


panunungkulan ni Mariano Mondeñado sa Indang Farm School. Ang
budget ang pangunahing suliranin ng paaralan dahilan sa kalakalaran
noon ng kawalan ng pondo mula sa pamahalaan para sa pagapapatayo
ng mga bagong gusali at pagbili ng mga kagamitan.20

Sa nabanggit na taong pasukan ay inihain sa Lehislatura ng


Pilipinas ang panukalang batas ni kinatawan Alejandro de Guzman ng
Pangasinan ukol sa Edukasyong Pang-agrikultura. Ang panukalang
batas ay naglalayon ng pagkakaroon ng maraming mga pagbabago sa
pagtuturo ng agrikultura sa layunin na magtaglay ng sapat na kaalaman
ang mga mag-aaral upang tiyakin na sila ay magkakaroon ng ganap na
kaalaman sa aralin at pag-respeto sa mga gawaing pangsakahan.
Kasama sa nilalayon nito ay ang magkaroon ng pagtutulungan ang
pamahalaang insular at probinsiyal upang palaganapin ang edukasyong
agrikultural sa buong bansa. Sa paniniwala na ang agrikultura ang
magbibigay daan sa kaunlarang pangkabuhayan ng kapuluan.21

Sa taong ito ay pinag-aktibong muli ng pamahalaang insular ang


mga paaralang pang-agrikultura sa Pilipinas dahilan sa pagkatakot na
magkakaroon ng kakapusan sa pagkain bunga ng pakikilahok ng
Estados Unidos sa Unang Digmaan Pandaigdig sa Europa. Isa sa mga
naging epekto nito sa edukasyon ay ang pagpapahaba sa 12 buwan, ang
taon ng pag-aaral sa mga paaralang intermedia na nagtuturo ng
pagsasaka sa layunin na magkakaroon ng sapat panahon ang mga mag-
aaral na upang makapagtanim at makapag-ani ng mga halaman sa
tamang panahon.22

Si Mr. Mariano Mondoňedo Pagkatapos ng Panunungkulan


sa Indang Farm School

Noong Marso 1919, nilisan ni Mr. Mariano Mondoňedo ang Indang


Farm School upang ipagpatuloy ang kaniyang kursong Bachelor of
Science in Agriculture sa Iowa State Agricultural College (Iowa State
University ngayon) na kaniyang natapos noong 1920. Sa kaniyang
pagbabalik sa Pilipinas ay nagturo siya ng kursong paghahayupan sa
Kolehiyo ng Agrikultura sa UPLB. Sa nabanggit na pamantasan ay
ipinagpatuloy niya ang kaniyang pag-aaral hanggang maging Doctor of
Veterinary Medicine at naging autoridad sa araling paghahayupan sa
Pilipinas at adviser sa mga mag-aaral na mula sa ibang bansa na nag-
aaral sa UPLB.

20

ARTDE -0919-41
21

ARTDE -1919 p11


22

19th ARTDE pp 35

213
Kabanata 11 –Mr. Mariano Mononedo (1915-1919)

Nagretiro si Dr. Mondonedo sa pagtuturo sa Unibersidad ng


Pilipinas – Los Banos noong 1957. Noong 1985, pinarangalan siya ng
Iowa State University bilang pinakamatandang alumnus para sa
nabanggit na taon sa isang seremonya
na ginanap sa embahada ng America
sa Manila. Noong Septyembre 8, 1985
ay sumakabilang buhay si Dr.
Mondonedo sa edad na 98.

214

You might also like

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy