Intramurals Hosting Script
Intramurals Hosting Script
Intramurals Hosting Script
What are your biggest regrets and what can you advise to people?
If you woke up tomorrow and you have gained one power, ability, or quality, what would it be
and why?
With everything that you have going on how will you handle the responsibilities of the
position if you are selected?
Do you still believe that the youth is the hope of this country’s future? Why or why not?
If you have been given the chance to live your life again, what part of your life will you
change?
Let’s assume you’ve won a 1 million jackpot, how will you make use of that money?
What can you say about the people who are currently suffering from depression?
JOSE ABAD SANTOS: WALANG HANGGANG KATAPATAN
Isinulat ni John Paul Sapsal
Naalala ko pa ang mga kuwento ng aking lola kung paano nakipagsapalaran ang mga
ilustrados upang itaguyod ang kapayapaan ng ating bansa. Sa gitna ng kanyang pagkukuwento, sa
likod ng kanyang mga mata na punong-puno pa rin ng mga buhay ay mga masalimuot na pangyayari
na kanyang naranasan sa kamay ng mga mananakop na dayuhan.
Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, sa kabila ng mga sigalot at pighati na unti-unting pumapatay
sa puso’t diwa nating mga Pilipino, may isang bayani na walang pagdadalawang-isip na itinaguyod
ang bansa tungo sa maliwanag na kinabukasan.
Siya ay walang iba kundi si Jose Abad Santos.
Si Jose Abad Santos ay ipinanganak noong 19 Pebrero 1886 sa San Fernando, Pampanga.
Siya ang ikapitong anak sa sampung mga anak nina Vicente Abad Santos at Toribia Basco. Ang
kanyang ama na naging juez de ganados ay namatay noong 1892 noong siya ay anim na taong
gulang pa lamang. Pagkatapos ng isang taon si Jose ay naging estudyante ni Calixto Arevalo.
Kumuha naman siya ng bagong guro na si Felix Dizon na gumagamit ng wikang Kastila sa pagtuturo.
Bagama’t biniyayaan si Santos ng karangyaan sa buhay, isang pribiliheyo na makapag-aral sa
ibang bansa, hindi kailanman nakalimutan ng kanyang nangungulilang puso ang bansang kanyang
sinilangan, ang bansang kanyang nilakihan, ang bansang humubog sa kanyang buong
pagkakakilanlan.
Dahan-dahan at unti-unti niyang napagtatanto na gaano man katayog ang marating ng
kanyang estado sa larangan ng edukasyon, mawawalan ng saysay ang kanyang pagiging Pilipino
kung hindi niya ito gagamitin bilang sandata sa pagkamit ng kalayaang minsan nilang tinatamasa.
Kaya bumalik siya sa Pilipinas at naging kawani sa Dibisyon ng Kagawaran ng
Tagapagpaganap na may buwanang sahod na 80 piso. Itinaas ito sa 100 piso noong 1 Enero 1910,
at naging 110 piso matapos ang isang taon. Kumuha siya ng bar exam noong 1910 ngunit hindi
nakapasa dahil tinalakay ang tungkol sa batas ng Espanya na taliwas sa kanyang natutunan sa batas
Amerika.
Nang umalis si Pangulong Manuel Quezon patungong Estados Unidos noong 17 Marso 1942,
si Abad Santos ang naging representante sa Pilipinas. Nahuli siya noong Mayo 1942 at napatay ng
mga Hapon sa Malabang, Lanao dahil sa pagtangging iaalay ang kanyang katapatan sa mga Hapon.
Ang kanyang pagkakapatay ay naging inspirasyon sa mga Pilipino.
At hindi lang dapat ditto mahinto ang mga bunga ng sakripisyong inialay ni Jose Abad Santos
alang-alang sa ating bansa at sa susunod na henerasyon. Tayo, bilang mga Pilipino, ay maging
katalismo ng pagbabago tungo sa kaunlaran at kapayapaan na matagal na nating minimithi. Tayo ay
dapat magtulung-tulungan dahil tanging sa pamamagitan lamang ng pagkakaisa, ating makakamit
ang isang bansa na hindi kayang buwagin ng anumang digmaan, hindi kayang tibagin ng anumang
bakal o sandata, at hindi kaya sirain anumang unos o alon ang sumagupa sa gitna ng ating
pakikipagsapalaran.
Maging tapat tayo sa ating pinagmulan, at siguradong tayo ay makakarating rin sa ating
paroroonan.