Quarter 1 Esp 10
Quarter 1 Esp 10
Quarter 1 Esp 10
Department of Education
BUREAU OF SECONDARY
EDUCATION
Region VII, Central Visayas
Division of Cebu
MEDELLIN NATIONAL HIGH
SCHOOL
Poblacion, Medellin, Cebu
Para sa bilang 21 -22. Basahin at unawain. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
Si Aling Flor ay may nag-iisang anak. Kaya sinisikap niyang maibigay ang tamang edukasyon at
mabuting pangaral sa anak. Isang araw humingi ang anak ng bagong cellphone ngunit hindi
niya ito pinagbigyan dahil hindi naman ito pangunahing pangangailangan. Sinabi niya sa anak
na maghintay ng tamang panahon sa lahat ng bagay.
21. Ano ang ipinapahayag ng seleksiyon?
a. pagsasalarawan ng tunay na pag-ibig
b. paghahambing nito sa iba’t ibang bagay
c. paglalahad ng mga pangyayari sa buhay nila
d. pagpapahiwatig ng nararamdaman
22. Aling prinsipyo ng likas na batas moral ang sinunod ni Aling Flor?
a. Ang paggawa ng mabuti, lumayo sa masama.
b. Ang lahat na may buhay, kasabay sa pangangalaga niya sa saril.
c. Ang lahat ng mga nilikha sa mundo dahil nasa tao ang pagpaparami at bigyang ng mabuting
edukasyon ang mga anak.
d. Ang pagiging rasyonal ng tao, kaya natural sa tao ang alamin ang katotohanan at sa
lipunang kanyang kinabibilangan.
23. Sa buong mundo hindi inaasahan ang pagkakaroon ng pandemya na COVID-19. Paano
nagagamit ang dikta ng konsensiya sa panahong ito?
a. Umasa sa pamahalaan c. Matakot sa frontliner
b. Mag-isip ng mapagkakakitaan d. Mananatili sa bahay
24. Gaano man kabigat ang mga pagsubok ng panahon dapat manatiling matatag at lagging
manalangin sa Panginoon. Sa prinsipyo ng likas batas moral, ang pahayag ay:
a. Pagiging rasyonal
b. Pangangalaga sa sarili
c. Nilikha na nag-iisip ng pag-aaral
d. Gawin ang mabuti, umiwas sa masama
25. Mali ang kaisipan ng konsensiya, kapag:
a. Sinusunod ang munting budhi
b. madaling maniwala sa balita
c. Nagbagabag at nagnilay
d. Matagal magdasal
II. ISAGAWA
PAGYAMANIN: Batay sa iyong reyalisasyon, pagyamanin ang sarili ayon sa nagawang pasiya
batay sa paghuhusga ng konsensiya na makabuo ng mabuti at tamang pasiya sa araw-araw.
Isulat sa sagutang papel.
26. – 30. Magtala ng dalawa o tatlong sitwasyon sa iyong buhay kung saan nakaranas ka ng isang
krisis o kahirapan sa pamimili ng mabuti at tamang pasiya.
Halimbawa: Nagtanong ang aking mga magulang kung bakit matagal kang bumangon.
Sinabi mo na sumama ang iyong pakiramdam kinagabihan. Lingid sa kanilang
kaalaman, matagal kang natulog dahil sa paggamit ng cellphone.
31. – 35. Kaugnay ng sitwasyong ito, bumuo ng mabuting pasiya batay sa paghuhusga ng
konsensiya.
36. – 40. Gawing tiyak, akma at makatotohanan ang iyong pasiya.