Ang sesyo o sesyum[9] (Ingles: cesium, Kastila: cesio) ay isang elementong kimikal na may atomikong bilang na 55 sa talaang peryodiko ng mga elemento. Ito ay may simbolong Cs. Bilang isang may pagka-alkalinang metal, mababa ang punto ng pagkatunaw nito (28 °C). Napakareaktibo nito o agad na tumutugon sa tubig. Mas marahas ang pagtugon nito sa tubig kaysa iba pang mga alkalinang metal. Bilang resulta, iniimbak ang sesyo sa langis na mineral.[10] Isang bihirang elemento ang sesyo, at dahil kakaunti ang sesyo sa mundo, mahal ang halaga nito. Hindi kailangan ng katawan ng tao ang sesyo. Sa maramihang dami, bahagyang nakalalason ito dahil kagaya ito ng potasyo, na hindi rin kailangan ng katawan ng tao.
↑ 3.03.13.2Arblaster, John W. (2018). Selected Values of the Crystallographic Properties of Elements. Materials Park, Ohio: ASM International. ISBN978-1-62708-155-9.
↑William C. Butterman, William E. Brooks, at Robert G. Reese Jr. 2009. Butterman, William C.; Brooks, William E.; Reese, Jr., Robert G. (2004). "Mineral Commodity Profile: Cesium"(PDF). United States Geological Survey. Nakuha noong 2009-12-27.