EsP 3 4Q

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 02
Schools Division of Quirino
District 1 of Diffun
Diffun Central School

Summative Test No. 4 sa Edukasyon sa Pagpapakatao III (4th Quarter)

Panuto: Sagutin kung Tama o Mali ang sinasabi ngsumusunod na pangungusap.

1. Ibinabahagi ko sa kapwa ko bata ang aking mga laruan na hindi ko na


ginagamit.

2. Nagbibigay ako ng tulong sa mga pulubi at may kapansanan.

3. Inaapakan ko ang mga halaman sa parke at paaralan.

4. Tinitirador ko ang mga ibon na nakikita ko.

5. Nagdarasal ako bago matulog at pagkagising sa umaga.

6. Mahusay si Ardee sa pagpipinta kaya malimit siyang sumasali sa mga


paligsahan.

7. Magaling kumanta si Rona, pero ayaw niyang kumanta sa harap ng ibang tao
dahil nahihiya siya.

8. Isa si Mina sa matatalinong bata sa klase ni Gng. Maghirang. Kapag may


libreng oras, tinuturuan niya ang ibang bata na nahihirapan sa ibang aralin.

9. Si Tina ay mahusay lumangoy. Tuwing Sabado at Linggo, tinuturuan niya ang


mga batang gusto ring matutong lumangoy.

10. Masarap magluto ng pagkain si Ana. Ngunit hindi siya tumutulong sa kanyang
ina sa pagluluto sa kanilang bahay.

Panuto: Isulat ang tsek( sa papel kung ang mga larawan ay nagpapakita ng
tamang paggamit ng talino at kakayahan at ekis (X) naman kung hindi.
Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Piliin ang letrang dapat mong
gawin upang maipakita ang pagbibigay halaga sa mga biyaya ng Panginoon.

16. Isang umaga, naghihintay ka ng dyip sa may kanto patungo sa paaralan. May
nakasabay kang isang batang pilay na naghihintay din ng sasakyan. Ano ang
gagawin mo?
A. Uunahan ko siyang sumakay sa dyip.

B. Titingnan ko siya kung paano siya sumakay.


C. Aalalayan ko siya sa kanyang pagsakay.

17. Kararating mo lang sa inyong bahay galing sa paaralan. Gutom na gutom ka


dahil hindi ka nagmeryenda. Nakita mong nakahanda na ang hapag-kainan para
sa hapunan.
A. Uupo ka at kakain agad.

B. Hihintayin kong makumpleto kami bago kumain.


C. Titikman ko ang mga pagkain habang naghihintay sa ibang kasapi ng
pamilya.

18. Tuwing gabi matapos mong gawin ang takdang-aralin, nakakaramdam ka


nang antok.
A. Aalisin ko ang gamit sa study table at doon muna ako matutulog.
B. Pupunta ako sa sala at doon muna ako matutulog.
C. Pupunta ako sa kuwarto at magdarasal muna bago matulog.

19. Isang umaga, may pumuntang mga pinuno ng barangay sa inyong paaralan.
Nanghihingi sila ng tulong para sa mga biktima ng bagyo.
A. Hindi ako magbibigay ng tulong dahil mababawasan ang aking baon.
B. Magbibigay ako ng tulong kahit mabawasan ang aking baon.
C. Maghihingi ako sa aking kaklase para hindi mabawasan ang aking baon.

20. Nakalimutan ng iyong kapatid na pakainin ang kanyang mga alagang isda sa
aquarium.
A. Papakainin ko dahil baka sila mamatay sa gutom.
B. Hihintayin ko na lang bumalik ang aking kapatid para siya ang
magpakain.
C. Kukunin ko ang mga alagang isda sa aquarium para paglaruan.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region 02
Schools Division of Quirino
District 1 of Diffun
Diffun Central School

Summative Test No. 5 sa Edukasyon sa Pagpapakatao III (4th Quarter)

Para sa bilang 1-5, Iguhit sa sagutang papel ang masayang mukha kung ginagawa
mo ang sitwasyon at malungkot na mukha kung hindi.

1. Tinutulungan ko, araw-araw ang aking nanay sa paglilinis ng aming bahay.

2. Hindi ko tinuturuan ang mga kaklase na nagpapaturo sa mga araling hindi nila
maintindihan.

3. Hindi ko ipinapakita sa iba ang galing ko sa pagpipinta dahil nahihiya ako.

4. Kinakantahan at tinutugtugan ko ng gitara ang aking pamilya para mapasaya sila.

5. Tinutulungan ko ang aking nanay sa paghahalaman sa aming bakuran.

Para sa bilang 6-10, Kulayan ng dilaw ang bituin kung ang sitwasyon ay nagpapakita
ng pagtulong sa kapwa. IItim naman kung hindi.

6. Araw-araw tumutulong sa paglilinis ng silid-aralan si Marvin.

7. Tuwing may nangangailangan, pinapahiram ni Martin ang pantasa sa kanyang


kaklase.

8. Hindi pinapansin ni Fernando ang mga pulubi na namamalimos sa kanya.

9. Tinuturuan ni Ardee ang kanyang mga kaklase na hindi agad nakaunawa sa


mga aralin.

10. Ayaw akayin ni Jayson ang pilay niyang pinsan sa pagpasok sa paaralan.

Para sa bilang 11-15, Buuin ang mga pangungusap.Pillin ang tamang sagot sa loob ng
panaklong. Isulat ang tamang sagot lamang.

11. Ang pagtulong sa kapwa ay (mabuting,masamang) gawain.

12. Kapag ikaw ay tumulong sa kapwa, marami ang (magagalit, matutuwa) sa iyo.
13. Pinagpapala ng Panginoon ang mga taong palaging (tumutulong, hindi
tumutulong) sa kapwa.

14. (Marami, Kakaunti) ang mga taong nagmamahal sa iyo kung palagi kang
nagbibigay ng tulong.

15. (Masaya, Malungkot) ako kapag tumutulong sa kapwa.

Para sa bilang 16-20, Basahin ang mga sitwasyon. Sagutin ang tanong.

16. Marami kang baon ng araw na iyon, napansin mona walang dalang baon ang katabi
mo. Ano angdapat mong gawin?

______________________________________________________________________
17. Nakita mo na may matandang tatawid sakalsada. Napansin mo na maraming
sasakyang
dumaraan. Ano ang dapat mong gawin?

______________________________________________________________________
18. Makalat ang buong silid-aralan. Maramingginagawa ang iyong guro. Ano ang dapat
monggawin?

______________________________________________________________________
19. Naglalaro kayo ng iyong mga kaibigan. Nadapaang isa sa kanila at nasugatan. Ano
ang dapatmong gawin?

______________________________________________________________________
20. May kaklase ka na palaging walang dalang lapis.Nalaman mo na hindi pala niya
kayang bumilidahil wala silang pera. Ano ang dapat monggawin?

______________________________________________________________________

You might also like

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy