Pumunta sa nilalaman

Pagkonsumo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang pagkonsumo o paggamit o paggastos ay isang pangunahing konsepto ng ekonomika at pinag-aaralan din sa maraming larangan ng araling panlipunan. Ito rin ang akto ng paggamit ng mga yaman upang mapunan ang kasalukuyang pangangailangan at ninanais.[1] Nakikita itong taliwas sa pamumuhunan, na ang paggasta para sa pagkuha ng kita sa hinaharap.[2]

Iba't iba ang kahulugan ng pagkonsumo sa iba't ibang mga ekonomistang paaralan. Sang-ayon sa mga ekonomistang namamayani, tanging ang huling pagbili ng bagong gawang paninda at serbisyo ng mga indibiduwal para gamitin agad ay siyang bumubuo ng pagkonsumo, habang ang ibang uri ng paggasta — partikular ang pamumuhunang pirmi, pagkonsumong intermidiya — ay nilalagay sa hiwalay na kaurian. Binibigyan kahulugan naman ng ibang ekonomista ang pagkonsumo ng mas malawak, bilang ang pagsama-sama ng lahat ng aktibidad pang-ekonomiya na hindi sinasama ang disenyo, produksyon, at pamimili ng mga paninda at serbisyo (e.g., ang pagpili, adopsyon, gamit, pagtatapon at pagreresiklo ng mga paninda at serbisyos).[3]

Partikular na intersado ang mga ekonomista sa kaugnayan sa pagitan ng pagkonsumo at kita, na minodelo sa punsyon ng pagkonsumo (consumption function) ng isang punsyong pang-matematika na pinapaliwanag ang paggastos ng mamimili sa pamamagitan ng mga tiyak na dahilan nito, katulad ng kita o yamang naipon. Isang katulad na makakatotohanang pang-istrakturang tanaw ang makikita sa teoriya ng pagkonsumo, na tinitingnan ang pagpiling intertemporal na Fisheriyano na balangkas bilang ang totoong istraktura ng punsyon ng pagkonsumo. Hindi tulad ng balintiyak na istratehiya ng istrakturang kinakatawan sa induktibong realismong pang-istraktura, binibigyang kahulugan ng mga ekonomista ito ayon sa imbariyansa sa ilalim ng pamamagitan.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Bannock, Graham; Baxter, R. E., mga pat. (2011). The Penguin Dictionary of Economics, Eighth Edition (sa wikang Ingles). Penguin Books. p. 71. ISBN 978-0-141-04523-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Black, John; Hashimzade, Nigar; Myles, Gareth (2009). A Dictionary of Economics (sa wikang Ingles) (ika-3 (na) edisyon). Oxford University Press. ISBN 9780199237043.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Lewis, Akenji (2015). Sustainable consumption and production (sa wikang Ingles). United Nations Environment Programme. ISBN 978-92-807-3364-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Hsiang-Ke, Chao (2007). "A structure of the consumption function". Journal of Economic Methodology (sa wikang Ingles). 14 (2): 227–248. doi:10.1080/13501780701394102. S2CID 123182293.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy